184 Ang Kaharian

1 Ang kaharian, ang siyudad ng mga santo, kaharian ni Cristo. Sa kaharian, ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos ay nahahayag. Nagmumula ang kidlat sa Silangan at kumikinang sa Kanluran. Narito ang tunay na liwanag, nagkatawang-tao ang salita ng Diyos. Matagal nang bumalik ang Tagapagligtas, bumababang nasa ibabaw ng puting ulap. Dinala na ngayon ang mga santo sa harap ng trono para sambahin ang Diyos. Bumangon muli ang mga santo ng nakaraan upang manindigan sa mga huling araw. Malupit na inuusig ang mga santo sa Tsina, ang lupain ng mga demonyo. Nagtigis ng dugo at nanangis ang mga santo sa higit anim na libong taon ng kasaysayan, hindi makauwi, palipat-lipat ng lugar, walang mapagpahingahan. Sa isang bitak ng pagdarahop, isang kadiliman kung saan walang araw na sumisikat, nagkalat ang mga hukbo ni Satanas. Matapos ng anim na libong taon ng digma, dugo at luha, dumating na sa wakas ang kaharian.

2 Naririnig natin ang tinig ng Diyos at dinala tayo sa harap ng Kanyang trono. Nararanasan natin ang paghatol ni Cristo at dumadalo sa piging para sa kasal ng Tupa. Dinadalisay tayo ng mga salita ng Diyos at nakikita natin ang Kanyang pagiging matuwid at kabanalan. Nilulupig at ginagawa tayong perpekto ng mga salita ng Diyos, at pinahihintulutan tayong makamit ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Pinupuri at inaawit ko nang malakas ang mga kahanga-hangang gawa ng Makapangyarihang Diyos. Abot-abot ang aking papuri sa matuwid na disposisyon ng Makangyarihang Diyos. Nagbubunyi ako at naglululundag para sa karunungan at walang hanggang kapangyarihan ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko magawang mahalin nang sapat ang kababaang-loob at pagiging tago ng Makapangyarihang Diyos. Hindi masuklian ang pag-ibig ng Diyos, nasasaktan at nakokonsensya ang puso ko. Isa akong taong may puso at espiritu, kaya bakit hindi ko magawang mahalin ang Diyos? Diyos ang aking suporta, ano ang sukat ikatakot? Ibibigay ko ang aking buhay sa paglaban kay Satanas hanggang sa huli. Iniaangat tayo ng Diyos at dapat nating iwanan ang lahat at makipaglaban upang magpatotoo kay Cristo. Tiyak na isasagawa ng Diyos sa mundo ang Kanyang kalooban. Ihahanda ko ang aking pag-ibig at katapatan at ilalaan ang lahat ng ito sa Diyos. Magalak kong sasalubungin ang pagbabalik ng Diyos sa Kanyang pagbaba sa kaluwalhatian. Kapag narito na ang kaharian ni Cristo, makatatagpo ko siyang muli.

3 Dumating si Cristo sa daigdig bilang tao, suot ang katawang-tao upang makidigma. Pinupunasan Niya ang luha ng mga santo, at inililigtas sila kay Satanas. Napopoot tayo sa mga demonyo, ang mga pinakamatitinding kaaway ng Diyos. Hindi mabilang ang kanilang madugong krimen, nag-iiwan ng mga malilinaw na alaala. Puno tayo ng kumukulong galit, at hindi na mapigilan ang ating pagkapoot. Itinatakwil natin si Satanas at nagdarasal na mahusgahan si Satanas, at maparusahan nang matindi ang mga demonyo. Hindi magkakaroon ng pagkakasundo, isinusumpa nating lalaban sila hanggang sa huli. Tanging pagkawasak ng kaharian ni Satanas ang makapagpapawala ng muhi sa ating mga puso. Mula sa kahirapan dumarating ang maraming matatagumpay na mabubuting sundalo. Matagumpay tayo kasama ang Diyos at nagiging patotoo tayo ng Diyos. Abangan ang araw na makukuha ng Diyos ang kaluwalhatian, darating ito kasama ng di-mapaglabanang puwersa. Dumadaloy lahat ng tao sa bundok na ito, lumalakad sa liwanag ng Diyos. Ang hindi mapantayang ringal ng kaharian ay dapat makita sa buong mundo. Maliwanag at walang hangganan ang kinabukasan ng kaharian; Diyos Mismo ang pumaparito sa mundo upang maghari. Bumabangon muli ang mga santo mula sa kamatayan at tinatamasa ang walang hanggang biyaya. Ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan at hinahatulan ang sangkatauhan, at ang Kanyang pagiging matuwid ay nabubunyag nang lubusan. Ang mga malalaking kapahamakan ang sumisira sa mundo ni Santanas at natutupad ang kaharian ng Diyos sa mundo. Ang kaharian, ang siyudad ng mga santo, kaharian ni Cristo. Sa kaharian, ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos ay nahahayag.

Sinundan: 183 Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos

Sumunod: 185 Nakita Ko na ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito