Tanong 1: Naniniwala ako na kung tayo ay magiging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa paraan ng Panginoon at hindi tatanggapin ang panlilinlang ng bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung tayo ay alerto habang tayo ay naghihintay, kung gayon ang Panginoon ay tiyak na magbibigay sa atin ng mga rebelasyon kapag Siya ay dumating. Hindi natin kailangang makinig sa boses ng Panginoon upang tayo ay dalhin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Hindi n’yo ba nakikita ang panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta? Kaya nga, naniniwala kami na lahat ng nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay tiyak na bulaan. Hindi na natin kailangang maghanap at magsiyasat. Dahil pagdating ng Panginoon, maghahayag Siya sa atin, at tiyak na hindi Niya tayo pababayaan. Naniniwala ako na ito ang tamang pagpapatupad. Ano sa tingin ninyong lahat?

Sagot: Tunay ngang sinabi ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta sa mga huling araw. Ito’y katotohanan. Ngunit malinaw na nagpropesiya din ang Panginoong Jesus nang maraming beses na Siya ay babalik. Pinaniniwalaan ba natin ito? Kapag sinisiyasat ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, maraming tao ang nagbibigay prayoridad sa pagiging maingat sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. At hindi man lang iniisip kung paano sasalubong sa pagdating ng kasintahang lalaki, at kung paano makikinig sa tinig ng kasintahang lalake. Ano ba ang isyu rito? Hindi ba’t ito’y kaso ng hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan, ng pagiging maingat tungkol sa mga bagay na walang halaga at pagbabalewala sa mga bagay na mahalaga? Sa katunayan, gaano man tayo kahigpit mag-ingat laban sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung hindi natin tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi tayo madadala sa harapan ng trono ng Diyos, tayo’y mga hangal na birhen na pinaalis at itinakwil ng Diyos, at ang paniniwala natin sa Panginoon ay isang lubos na kabiguan! Ang susi sa kung matatanggap natin ang pagbabalik ng Panginoon o hindi ay kung naririnig natin ang tinig ng Diyos o hindi. Hangga’t ating kinikilala na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, hindi tayo mahihirapang tukuyin ang tinig ng Diyos. Kung hindi natin mabatid ang katotohanan, at nakatuon lamang sa mga tanda at kababalaghan ng Diyos, tiyak na malilinlang tayo ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Kung hindi natin hahanapin at sisiyasatin ang tamang daan, hindi natin maririnig ang tinig ng Diyos kailanman. Hindi ba natin hinihintay ang kamatayan, at magdadala ng sarili nating pagkawasak? Naniniwala kami sa mga salita ng Panginoon, naririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Yaong mga tunay na may talino, at kalibre, at nakakarinig sa tinig ng Diyos ay hindi malilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Sapagkat wala ang katotohanan sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos. Hindi natin ito kailangang alalahanin. Yaon lamang mga nalilito at walang utak ang maaaring malinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Hindi malilinlang ang mga matatalinong birhen ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, dahil pinangangalagaan at pinoprotektahan sila ng Diyos. Nang likhain ng Diyos ang tao, binigyan Niya ng espiritu ng tao ang matatalinong birhen at narinig nila ang tinig ng Diyos. At kaya ang mga tupa ng Diyos ay naririnig ang Kanyang tinig, kung saan itinalaga ng Diyos. Tanging ang mga hangal na birhen ang naglalaan sa kanilang mga sarili sa pagbantay laban sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at binabalewala na hanapin at siyasatin ang pagbalik ng Panginoon. Kung gusto nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi malinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kailangan nating maunawaan kung paano nililinlang ng mga bulaang Cristo ang mga tao. Sa totoo lang, Sinabi na sa atin ng Panginoong Jesus ang mga gawi ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Sabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:24). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Panginoong Jesus na ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay pangunahing nakadepende sa pagsasagawa ng mga tanda at mga kababalaghan para linlangin ang mga piniling tao ng Diyos. Ito ang pangunahing pagpapakita ng panlilinlang sa mga tao ng mga bulaang Cristo. Dito, dapat nating maintindihan. Bakit gumagamit ang mga bulaang Cristo ng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Higit sa lahat, iyon ay dahil ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay salat na salat sa katotohanan. Sa katangian at diwa, sila’y lubhang masasamang espiritu. At kaya kailangan nilang dumepende sa mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kung taglay ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ang katotohanan, hindi sila gagamit ng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Nagsasagawa ng mga tanda at kababalaghan ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta dahil iyon lang ang kaya nilang gawin. Kung hindi natin ito nakikita, napakadali para sa kanila na linlangin tayo. Tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Siya na makapagpapahayag ng katotohanan, at makapagpapakita ng daan sa mga tao, at makapagbibigay sa kanila ng buhay ang Siyang Cristo. Yaong mga walang kakayahang magpahayag ng katotohanan ay tiyak na mga bulaang Cristo, sila’y mga huwad. Ito ang pangunahing prinsipyo ng pagtukoy sa mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Lahat ng naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan ay dapat tumalima sa prinsipyong ito para hanapin at tiyakin ang tinig ng Diyos. At hindi sila magkakamali rito. Inilantad na ng Makapangyarihang Diyos ang mga gawi ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang taong lalabas na kayang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, magtaboy ng mga demonyo, magpagaling ng mga may sakit, at gumawa ng maraming himala, at kung ang taong ito ay inangking siya si Jesus na dumating, isa itong huwad na ginawa ng mga masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang magkaparehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling pangangasiwaan ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Sa mga kuru-kuro ng tao, dapat palaging magpakita ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, dapat palaging magpagaling ng mga may sakit at magtaboy ng mga demonyo, at dapat palaging maging katulad ni Jesus. Subalit sa oras na ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpapakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtataboy pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga may sakit—kung gagawin Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang kaparehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Kaya naman, isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng gawain Niya, agad itong ginagaya ng mga masasamang espiritu, at pagkatapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, lumilipat ang Diyos tungo sa ibang kaparaanan. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, ginagaya ito ng mga masasamang espiritu. Dapat malinaw kayo tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). “Hindi kailanman umaayon ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro ng tao, sapagkat ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma, at hindi Niya inuulit kailanman ang lumang gawain, kundi sa halip ay sumusulong sa gawaing hindi pa nagawa noon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?).

Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Ang Diyos ay laging bago at hindi luma, at hindi pareho ang ginagawa kailanman. Katulad lang noong dumating si Jesus para gumawa: pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ginawa Niya ang isang yugto ng gawain ng pagtubos, at sinagip ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Para maging epektibo ang Kanyang gawain, gumawa Siya ng ilang tanda at kababalaghan. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay dumating, pinasimulan na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian, at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ngunit hindi Niya inuulit ang gawaing natapos ng Panginoong Jesus. Sa halip, batay sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, isinagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa kadalisayan at kaligtasan ng sangkatauhan upang malutas ang pinagmumulan ng kasalanan ng tao at ng kanyang napakasamang disposisyon, Inililigtas Niya nang husto ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, upang sa huli lubusang makuha ng Diyos ang tao. At ang mga bulaang Cristo? Sila ay pawang masasamang espiritu na nagkukunwaring Cristo. Hindi nila kayang pasimulan ang isang bagong kapanahunan at tapusin ang lumang kapanahunan. Kaya lang nilang gayahin ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang mga simpleng tanda at kababalaghan para linlangin yaong mahihina ang ulo at hindi makabatid. Ngunit hindi nila kayang kopyahin ang ginawa ni Jesus na bumuhay ng patay at pakainin ang limang libong tao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda, o sawayin ang hangin at dagat. Talagang hindi nila iyon maunawaan. Sa diwa, ang mga bulaang Cristo ay masasama, sila ay masasamang espiritu, at salat na salat sa katotohanan. At kaya, kailangan nilang dumepende sa mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kung hindi ay nanlilinlang sila at pinagsasabihan nila ang mga tao sa paggaya sa tono ng mga salita ng Diyos at sa mga simpleng salita na minsa’y sinabi ng Diyos. Tignan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga Cristo ang tinatawag sa mga sarili nila, subalit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi pati na rin ang partikular na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain kasama ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at katawanin nang mahusay ang Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat yaong mga nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw nating nakikita na si Cristo ay Diyos na naging tao, Siya ang Espiritu ng Diyos na naging tao. Ibig sabihin, lahat ng taglay ng Diyos, pati na kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang karunungan ng Diyos ay natupad na lahat sa Kanyang katawang-tao. May diwa si Cristo ng pagka Diyos, at isang sagisag ng katotohanan. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan para ibigay sa tao, at alagaan ang tao, sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar. Tanging si Cristo ang makagagawa ng gawain ng pagtubos sa sangkatauhan at pagliligtas sa sangkatauhan. Walang sinumang makagagaya rito, ni makapagkakaila nito. Karamihan sa mga bulaang Cristo, samantala, ay inaalihan ng masasamang espiritu. Sukdulan silang arogante at katawa-tawa. Sa diwa, mga masasamang espiritu at mga demonyo sila. Kaya, kahit ano pang mga tanda at mga kababalaghan ang kanilang gawin, o paano nila pakahulugan ng mali ang Biblia, o magsalita tungkol sa malalim na kaalaman at teyorya, wala silang ginagawa kundi linlangin ang mga tao, at saktan sila, at dalhin sila sa pagkasira. Wala silang ginagawa na nakakabuti sa mga tao. Lahat ng ginagawa nila ay nagdadala ng mas matinding kadiliman sa mga puso ng tao, wala silang iniiwang landas para daanan, para lubusang lamunin ni Satanas. Makikita na ang lahat ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay ang pagkakatawang-tao ni Satanas, sila ay mga masasamang demonyo na dumating para humadlang at mang-abala sa gawain ng Diyos. Kaya nga, gaano man karami ang taong nililinlang, sinasaktan, o dinadala nila sa pagkasira, sila’y malapit nang bumagsak, at mapahamak sa kanilang mga sarili, dahil wala sila ni katiting na katotohanan. Kung talagang nauunawaan natin ang katotohanan tungkol sa kung paano makilala ang kaibahan sa pagitan ng tunay na Cristo at mga bulaang Cristo, imposibleng tumanggi tayong makinig sa tinig ng Diyos o tanggapin ang pagpapakita ng Diyos sa takot na malinlang ng mga bulaang Cristo.

Dahil lamang ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbubunyag ng diwa ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta kaya tayo may kaunting kaunawaan Sa diwa, ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay masasamang espiritu, na wala ni katiting na katotohanan. Kaya lang nilang magsagawa ng ilang simpleng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kung nauunawaan natin ang katotohanang ito, hindi na tayo malilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta. Sinabi n’yo rin na tiyak na magbibigay-inspirasyon ang Diyos sa Kanyang pagdating. Sa katunayan, pinaniniwalaan ito ng maraming tao: Hangga’t tapat sila sa pangalan at sa paraan ng Panginoon, pagdating ng Panginoon, bibigyan sila ng mga paghahayag at direktang kukunin papunta sa kaharian ng langit, nang hindi na kailangang marinig ang tinig ng Diyos. Malinaw na taliwas ito sa mga salita ng Panginoong Jesus. Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na pagdating ng Panginoon, tiyak na magbibitaw Siya ng mga salita at ipapahayag Niya ang tinig ng Diyos. Lahat ng nakaririnig sa tinig ng Diyos, na naghahanap at tumatanggap dito, ay tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon at dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos. Makakatulong ba kung naririnig natin ang mga tao na nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon, subalit hindi ito hinahanap o sinisiyasat? Paano ba ito maisasagawa para maghintay lang ng paghahayag ng Panginoon? Maaari bang kumilos ang Panginoon sa ganitong paraan? Sinabi ba ng Panginoon na maghintay tayo sa Kanyang paghahayag? Hindi, hindi Niya sinabi! Kaya, ang naturang mga pananaw ay nakakaligaw at mapanlinlang. Tanging mga katawa-tawang hangal ang maaaring makapagsabi ng mga naturang bagay. Kung maghihintay tayo ng paghahayag ng Panginoon alinsunod sa kawikaang ito, wala tayong magagawa kundi maghintay ng kamatayan, at dalhin ang sarili natin sa pagkasira. Tignan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Marami pa ngang naniniwala na anupaman ang bagong gawain ng Diyos, kailangan itong patunayan ng mga propesiya, at na sa bawat yugto ng gayong gawain, lahat ng sumusunod sa Kanya nang may ‘tapat’ na puso ay kailangan ding pakitaan ng mga paghahayag; kung hindi, ang gawaing iyon ay hindi maaaring maging gawain ng Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Dagdag pa ang kakatwang puso ng tao at ang likas niyang pagkasuwail sa pagpapahalaga sa sarili at kahambugan, lalong nagiging mas mahirap para sa kanya na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi sinisiyasat nang mabuti ng tao ang bagong gawain ng Diyos, ni hindi niya ito tinatanggap nang mapagkumbaba; sa halip, ugali niya ang manlait habang hinihintay niya ang mga paghahayag at patnubay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng mga naghihimagsik at lumalaban sa Diyos? Paano makakamit ng gayong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). Patungkol sa pagdating ng Panginoon, kung tayo ay bulag na kakapit sa ating mga sariling pagkakaintindi at mga imahinasyon, kung hindi natin hahanapin ang katotohanan, o bibigyang-pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos, at maghihintay lamang sa paghahayag ng Diyos, hindi natin kailanman tatanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Dapat nating malaman na sa Kapanahunan ng Biyaya, sa lahat ng sumunod sa Panginoong Jesus, wala ni isang tao na sumunod dahil sa nabigyan muna sila ng paghahayag. Narinig nilang lahat ang patotoo ng mga tao sa Panginoong Jesus, o narinig ang mga sinambit at pangaral ng Panginoong Jesus at nakilala ang Kanyang tinig, at sa gayo’y sumunod sila sa Panginoon. At kahit na nakatanggap ng paghahayag si Pedro ng mula sa Diyos, at kinilala na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang Anak ng Diyos, nangyari iyon matapos Siyang sandaling sumunod sa Panginoong Jesus. Mula sa mga salita at gawa ng Panginoong Jesus nagkaroon siya ng kaunting kaalaman tungkol sa Panginoong Jesus, at noon lang siya naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ito ay katotohanan. Sa mga huling araw, ginagawa ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Milyun-milyong salita na ang naipahayag Niya at nagkaroon Siya ng di mabilang na mga tagasunod, at isa man sa kanila ay hindi nakatanggap ng paghahayag ng Diyos bago sila sumunod. Lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay naliwanagan ng Banal na Espiritu habang hinahanap at sinisiyasat ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nadama nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pawang katotohanan, nakilala nila ang tinig ng Diyos, at doon lamang nila tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at dinala sila sa harapan ng trono ng Diyos. Tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Subalit sa komunidad ng mga relihiyoso, may mga taong tumatangging isuko ang kanilang pagkaintindi at imahinasyon. Naghihintay lang sila ng paghahayag ng Panginoon, at ayaw nilang makinig sa tinig ng Diyos. Lalo na, ang mga pastor at elder ay hindi lang ayaw maghanap at magsiyasat kapag naharap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kundi gumagawa rin ng mga sabi-sabi at galit na galit na nilalabanan at isinusumpa ang Makapangyarihang Diyos. Nililinlang pa nila ang mga naniniwala, at sinusubukan silang pigilan sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Ibinunyag ang mga taong ito bilang mga damo at mga anticristo sa pamamagitan ng gawa ng Diyos sa mga huling araw. At sila mismo ang mga taong inilantad at inalis ng gawain ng Diyos. Sa katunayan, sa dalawang beses na ang Diyos ay naging tao para gumawa sa lupa, hindi Niya ito ibinunyag nang maaga kaninuman. Dahil ang Diyos ang Lumikha, at mayroon Siyang sariling plano para sa Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa alinsunod sa mga pagkakaintindi ng mga tao at mga imahinasyon, ni hindi Siya humihingi ng payo sa mga tao. Ni hindi nga Niya sinasabi ito nang maaga kaninuman. Sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan, patas ang Diyos sa bawat isa. Perpekto nitong ipinapakita ang Kanyang patas at matuwid na disposisyon, at, bukod pa rito, ipinapakita nito ang karunungan ng Diyos sa Kanyang gawain. Maririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng praktikal na mga salita at gawa upang ibunyag iyong mga nagmamahal sa katotohanan, iyong mga napapagod sa katotohanan, iyong mga matalino, hangal, mabuti, at masama. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin(Mateo 5:6). “Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Diyos(Mateo 5:8). Bilang mga naniniwala sa Diyos, kailangan natin maging mapagpakumbaba, kailangan tayong magutom at mauhaw sa katuwiran, at maging dalisay ang puso, tulad ng hinihingi ni Jesus. Tulad ng isang matalinong birhen, kailangan nating tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Dapat nating hanapin at siyasatin ang mga katotohanang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos. At tanging sa paraan na ito tayo makakadalo sa piging ng kasalan ng Kordero. Kung tayo ay bulag na magbabantay lang laban sa mga bulaang Cristo at hindi hinahanap at sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung naghihintay pa rin tayo sa paghahayag ng Panginoon, tayo ay naging mga bulag at hangal na mga birhen, at paaalisin dahil sa ating mga sarili.

mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay

Sinundan: Tanong 5: Naging tao na ngayon ang Makapangyarihang Diyos at bumaba na sa lupa. Sabi sa panalangin ng Panginoon: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:10). Hindi ba natupad ang mga salitang ito sa gawain ng Makapangyarihang Diyos? May kaugnayan ba ang propesiya na “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao” mula sa Aklat ng Pahayag sa pagparito ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan? Ano ang mas malalim na kahulugan ng pagiging tao sa mga huling araw?

Sumunod: Tanong 2: May ilang kaso ng panlilinlang ng mga huwad na Cristo sa mga tao sa mga ibang bansa. Maraming tao sa Korea ang hindi nakakaunawa, kaya nalilinlang silang sumunod sa mga huwad na Cristo. Tumutupad ito sa sabi nga: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Naniniwala ako na huwad ang nagsasabing bumalik na ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Huwag tayong maniwala. Niloloko lang tayo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito