Tanong 2: May ilang kaso ng panlilinlang ng mga huwad na Cristo sa mga tao sa mga ibang bansa. Maraming tao sa Korea ang hindi nakakaunawa, kaya nalilinlang silang sumunod sa mga huwad na Cristo. Tumutupad ito sa sabi nga: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Naniniwala ako na huwad ang nagsasabing bumalik na ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Huwag tayong maniwala. Niloloko lang tayo.

Sagot: Magmula noong magpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga katotohanan para isagawa ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw, pumasok na ang mga tao sa Kapanahunan ng Kaharian at nagsimula na ang Kapanahunan ng Kaharian. Kung nasa Kapanahunan ng Biyaya pa rin ang paniniwala natin sa Diyos, napag-iwanan na tayo at isinantabi ng gawain ng Diyos. Kapag palihim na darating ang Panginoon para isagawa ang Kanyang gawaing paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, di-maiiwasan na magkakaroon ng mga huwad na Cristo at mga manlolokong tao na sabay-sabay na lalabas sinusundan ang gawain ng Diyos at sinusubok itong sirain. Samakatuwid, kapag lalabas ang mga huwad na Cristo, talagang bumalik at dumating na ang Diyos nang palihim. Hindi lang natin alam ito. Sa ngayon, dapat pag-aralan natin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, pero ngayon, kung pag-uusapan ang pangalawang pagdating ng Panginoon, marami pa ring tao ang nag-iisip na ang pagbabantay laban sa mga huwad na Cristo ang pinakamahalaga, imbes na pag-aralan kung paano maging matatalinong dalaga at pakinggan ang tinig ng Diyos kung paano tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon. Ipinagpipilitan nila ang kanilang mga pananaw at imahinasyon, iniisip nila na hindi totoo ang lahat ng pagpapatotoo ng pagbabalik ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Hindi ba sila ang mga mangmang na dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Hindi ba ito pagkokondena sa nagbalik na Panginoong Jesus? Naniniwala nga ba ang mga taong ito sa pagbabalik ng Panginoong Jesus? Hindi ba ito pagtatanggi sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus?

Malalaman sa paraan ng pagkilala ng isang tao sa pagitan ng totoong Cristo at ng mga huwad na Cristo kung taglay niya ang katotohanan o hindi, at ang pinakamabuting paraan para ipakita kung matalino o mangmang siyang dalaga. Ginagamit ng ilang tao ang talatang ito bilang batayan ng paghatol at pagkokondena sa Cristong nagkatawang-tao at pagtatanggi sa Kanyang pagdating. Ipinakita ng mga taong ito na mga hangal sila. Para makilala ang pagkakaiba ng totoong Cristo at mga huwad na Cristo, kailangang alam ng isang tao ang diwa ni Cristo. Alam ng lahat na ang Panginoong Jesus ay si Cristo na nagkatawang-tao at si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, ibig sabihin, ang Diyos sa langit na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao para makipagtrabaho sa mga tao. Si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos at may taglay na banal na diwa. Ang pagkamakapangyarihan at karunungan, disposisyon ng Diyos, at ang mga pag-aari ng Diyos at pagiging Diyos na taglay ng Espiritu ng Diyos ay lahat nagkatotoo kay Cristo. Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya sigurado tayo na hindi malabong Diyos si Cristo, hindi Siya kathang-isip o guni-guni. Tunay at praktikal si Cristo; maaasahan at mapagkakatiwalaan Siya ng tao. Praktikal na Diyos si Cristo na maaaring masunod at makilala. Parang ang Panginoong Jesus na maliwanag na nabubuhay kasama ang mga tao, nagtatrabaho at ipinapastol ang tao. Ngayon na alam na natin ang diwa ni Cristo, napakadali nang makilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo. Basahin natin ang isang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Noong dumating ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, sinabi Niya: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). Nagpahayag ang Panginoong Jesus ng maraming katotohanan, nagpahayag ng disposisyon na higit sa lahat ay awa at habag, at kinumpleto ang gawain ng Diyos na pagtubos sa lahat ng sangakatauhan. Ganap na pinatutunayan ng gawain, mga binigkas at disposisyon ng Panginoong Jesus na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay na ating hinahanap. Sa mga huling araw, sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ako ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng ilang milyong salita at binuksan ang iskrol, ipinahayag ang disposisyon na una sa lahat ay matuwid at isinagawa ang Kanyang gawaing paghatol ng mga huling araw. Muling pinatutunayan ng gawain ng Makapangyaring Diyos na paghatol at pagkastigo, at pagliligtas sa masamang sangkatauhan na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Matagal nang nagpropesiya ang Panginoong Jesus na babalik Siya para magsagawa ng gawaing paghatol sa mga huling araw, na gagawin Niya ito sa katawang-tao bilang Anak ng tao, dumarating sa mundo sa imahe ng Anak ng tao at nakikipag-usap sa mga iglesia. Tinupad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang propesiya ng pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Tinutulungan tayo nitong makita na kayang dumating ng totoong Cristo sa katawang-tao para ipahayag ang mga katotohanan at disposisyon ng Diyos, at kayang isagawa ang gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw at kayang lupigin, iligtas at linisin ang tao, at isagawa ang kalooban ng Diyos at sumaksi sa Diyos. Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sigurado at lubos na lulupigin ng lahat ng katotohanang ipapahayag Niya ang masamang sangkatauhan, at kayang dalhin ang lahat ng naniniwala sa Diyos sa harapan ng trono ng Diyos. Siguradong maisasagawa ni Cristo ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Sigurado ’yan.

Masasamang espiritu ang mga huwad na Cristo. Manlilinlang sila. Sinasaniban ng masasamang espiritu ang karamihan ng mga huwad na Cristo. Kahit hindi sila sinasaniban ng masasamang espiritu, sila’y mga masyadong arogante at di-makatwirang demonyo. Kaya nagpapanggap silang mga Cristo. Kasalanang paglapastangan sa Banal na Espiritu ang pagpapanggap na Cristo at siguradong isusumpa. Dahil masasamang espiritu ang diwa ng mga huwad na Cristo, wala silang kahit anong katotohanan at talagang mga demonyo sila. Samakatuwid, kasinungalingan at mali ang lahat ng sinasabi ng mga huwad na Cristo, hindi nakakakumbinsi ng mga tao. Hindi makakapasa sa pagsusuri ang sinasabi o ginagawa ng mga huwad na Cristo, at hindi nila susubukang i-post ito online para hanapin at siyasatin ng lahat ng sangkatauhan. Nabibilang sa dilim at kasamaan ang mga huwad na Cristo at masasamang espiritu, hindi nila makakayanan ang liwanag ng araw. Umaasa lang sila sa paggawa ng ilang simpleng milagro at kababalaghan para linlangin ang mga hangal at ignoranteng tao sa madidilim na sulok saanman. Kaya sigurado tayo na sinumang nagsasabing siya si Cristo ngunit umaasa lamang sa mga simpleng palatandaan at kababalaghan para linlangin ang mga tao ay mga huwad at mapagpanggap na Cristo. Nai-post na online ang lahat ng katotohanang sinabi ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, nakikita ng lahat ng tao. Hinahanap at pinag-aaralan ng lahat ng naniniwala sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan ang tunay na daan, isa-isang bumabalik sa harapan ng trono ng Makapangyarihang Diyos para tanggapin ang paghatol, paglilinis at pagpeperpekto ng mga salita ng Diyos. Tanggap na katotohanan ito. Ganap na iba ang sinasabi at ginagawa ng mga huwad na Cristo sa sinasabi at ginagawa ni Cristo na nagkatawang-tao. Napakadaling malaman ng mga taong nakakaintindi sa katotohanan. Samakatuwid, ang pagkilala sa totoong Cristo at mga huwad na Cristo batay sa prinsipyo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ang pinakatumpak na paraan. Sinabi ng Panginoong Jesus na nakikinig ang mga tupa ng Diyos sa Kanyang tinig. Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos, at madidiskubre ng matatalinong dalaga ang katotohanan sa tinig ng Kasintahang Lalake, madidiskubre ang disposisyon ng Diyos sa Kanyang salita, madidiskubre kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at maiintindihan ang mga intensyon ng Diyos, kaya matatanggap nila ang gawain ng Diyos at makababalik sa harapan ng Kanyang trono. Bakit hindi marinig ng mga hangal na dalaga ang tinig ng Kasintahang Lalake? Hangal sila dahil hindi nila maintindihan kung ano ang katotohanan. Hindi nila makilala ang tinig ng Diyos at alam lang kung paano sumunod sa mga patakaran. Kaya ilalantad at aalisin sila ng gawain ng Diyos ng mga huling araw.

Isa pa, may iba pang paraan para makilala ang totoong Cristo at mga huwad na Cristo, ito ay “Hindi kailanman inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain.” Dahil palaging bago at hindi kailanman luma ang Diyos. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Kung, sa mga huling araw, nagpakita ang isang ‘Diyos’ na kapareho ni Jesus, na nagpagaling ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang ‘Diyos’ na iyon, bagama’t kamukha ng inilarawang Diyos sa Biblia at madaling tanggapin ng tao, sa kakanyahan nito, ay hindi magiging katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos, kundi ng isang masamang espiritu. Sapagkat prinsipyo ng gawain ng Diyos na hindi kailanman ulitin ang natapos na Niya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Kung, sa mga huling araw, nagpapakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtataboy pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga may sakit—kung gagawin Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang kaparehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Kaya naman, isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng gawain Niya, agad itong ginagaya ng mga masasamang espiritu, at pagkatapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, lumilipat ang Diyos tungo sa ibang kaparaanan. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, ginagaya ito ng mga masasamang espiritu. Dapat malinaw kayo tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Kagaya noong dumating ang Panginoong Jesus para magtrabaho, hindi Niya inulit ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, pero isinagawa ang susunod na yugto ng Kanyang gawaing pagtubos sa sangkatauhan batay sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan at inuumpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya. Tinatapos ng pagdating ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at inuumpisahan ang Kapanahunan ng Kaharian. Batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, isinagawa Niya ang susunod na yugto ng Kanyang gawaing paghatol at paglilinis sa tao, ipinagkakaloob sa tao ang lahat ng katotohanang kailangan para sa kaligtasan nila, nilulutas ang masamang disposisyon at makasalanang kalikasan ng tao, lubos na inililigtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, pinapabanal ang tao at ganap na natatamo ng Diyos. At ganap na makukumpleto ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Ipinapakita nito na palaging sumusulong, umaangat, at lumalalim ang gawain ng Diyos sa bawat yugto. Walang nauulit na yugto ng Kanyang gawain, habang ang mga huwad na Cristo ay kaya lang gayahin ang mga simpleng palatandaan at kababalaghan na ipinapakita ng Panginoong Jesus para manlinlang ng tao, Mga malalaking palatandaan at kababalaghan tulad ng pagbuhay ng Panginoong Jesus sa patay at pagpapakain sa 5,000 tao ng limang tinapay at dalawang isda, hindi ’yan kailanman kayang gawin ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu. Higit pa riyan, hindi kailanman kayang gayahin ng mga huwad na Cristo ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, dahil masasamang espiritu at mga demonyo ang diwa ng mga huwad na Cristo. Walang katotohanan ang mga hindi totoong Cristo, kaya lang nilang magsinungaling, manlinlang, at manlito ng mga tao.

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Sinundan: Tanong 1: Naniniwala ako na kung tayo ay magiging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa paraan ng Panginoon at hindi tatanggapin ang panlilinlang ng bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung tayo ay alerto habang tayo ay naghihintay, kung gayon ang Panginoon ay tiyak na magbibigay sa atin ng mga rebelasyon kapag Siya ay dumating. Hindi natin kailangang makinig sa boses ng Panginoon upang tayo ay dalhin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Hindi n’yo ba nakikita ang panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta? Kaya nga, naniniwala kami na lahat ng nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay tiyak na bulaan. Hindi na natin kailangang maghanap at magsiyasat. Dahil pagdating ng Panginoon, maghahayag Siya sa atin, at tiyak na hindi Niya tayo pababayaan. Naniniwala ako na ito ang tamang pagpapatupad. Ano sa tingin ninyong lahat?

Sumunod: Tanong 3: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos at ang bumalik na Panginoong Jesus. Pero sa South Korea, may mga taong nagpapanggap bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus. May mga sinabi rin silang mga salita at naisulat na mga libro. Nagkaroon din ng mga tagasunod ang iba. Gusto kong pakinggan ang masasabi mo sa kung paano makikilala ang mga salita nitong mga huwad na Cristo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito