447 Ano ang Isang Normal na Kalagayan?

1 Sa kanilang normal na kalagayan, hindi umuurong o lumulubog ang mga tao; kaya nilang magmuni-muni tungkol sa Diyos sa kanilang mga puso, tingalain ang Diyos, at hangarin ang mga salita ng Diyos. Nagagawa nilang madalas na manalangin; kaya nilang manatiling malapit sa Diyos; kaya nilang magkaroon ng pasanin para sa mga sarili nilang buhay. Nakakapamuhay sila ng mga normal at isinaayos na buhay, at kaya ng mga puso nilang mahaplos ang Diyos. Maaaring minsan ay nagkakaroon ng mga sitwasyon na bumabagabag sa kanilang mga puso, pero sa pamamagitan ng panalangin, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, o sa pamamagitan ng pagbabahagian kasama ng mga kapatid, kaya nilang mabilis na baguhin ang mga kalagayan nila. Kahit na may mga panahon sila ng panghihina, mga panahon kung saan nabibighani sila ng laman, kaya nilang mamuhay na malaya rito; hindi sila naaabala nito.

2 Kapag may nangyayari sa kanila, maaaring maranasan nila ang karupukan ng laman, pero hindi sila makokontrol nito. Magagawa pa rin nilang patahimikin ang mga puso nila at magdasal sa harap ng Diyos, hanapin ang kalooban ng Diyos, umawit ng mga himno, sumayaw, at mamuhay ng buhay-iglesia; sa mga gawaing ito, hindi sila mapapagod; magpapatuloy sila. Magkakaroon ng mga panahon na negatibo sila, mga panahon na mahina ang laman, pero sa sandaling mapansin nila iyon, maaari silang mapalaya mula roon. Kaya pa rin nilang manalangin sa Diyos at manatiling malapit sa Kanya sa gitna ng pagiging negatibo. Ang lahat ng ito ang bumubuo ng isang normal na kondisyon, isang normal na kalagayan.

Hango sa Pagbabahagi ng Diyos

Sinundan: 446 Magkaroon ng Normal na Relasyon sa Diyos para Maperpekto

Sumunod: 448 Humahantong ang Isang Normal na Kalagayan sa Mabilis na Paglago sa Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito