448 Humahantong ang Isang Normal na Kalagayan sa Mabilis na Paglago sa Buhay

1 Sa bawat yugto, direktang nakaugnay ang kalagayan ng mga tao sa antas ng pagpasok nila sa katotohanan at kung gaano karami roon ang nakamit nila. Kapag medyo normal ang kalagayan ng mga tao, kaya nilang unawain at mapasok ang ilang mga katotohanan; dahil doon, kaya nilang unawain ang ilang praktikal na bagay na batay sa mga salita ng Diyos. Kaya rin nilang tustusan at pagsilbihan ang iba. Ang ilan ay wala sa tamang kalagayan; kahit na naghahanap sila, at sa kabila ng katotohanang nagbabasa sila, nakikinig, at nakikipag-usap, sa huli ay mas kaunti pa ang nakakamit nila kaysa sa mga taong nasa normal na kalagayan.

2 Kung laging may iiral na mga karumihan ng tao, pagbubunyag ng mga tiwali nilang kalikasan, at pagkakasira ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, kung gayon, malamang na gulung-gulo na ang mga tao sa loob nila. Paano nito hindi maaapektuhan ang pagpasok nila sa katotohanan? Tanging ang mga taong may malinaw na pag-iisip ang makauunawa sa katotohanan, at tanging ang mga taong may dalisay na puso ang makakakita sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pag-aalis nila sa mga laman nila magagawang madaling tanggapin ang katotohanan. Kapag naguguluhan ang puso ng mga tao, mahirap para sa kanila na unawain ang katotohanan. Tanging yaong mga nakauunawa sa katotohanan ang bahagyang makapapansin sa mga sarili nilang kalagayan, at sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa diwa ng kanilang mga suliranin lang nila mauunawaan ang kanilang sariling kalikasan.

3 Kung tama at ganap na normal ang kalagayan ng mga tao, magkakaroon sila ng tunay na tayog; dahil dito, malayo silang madulas o magreklamo kapag naharap sila sa lahat ng uri ng problema. Ang paraan ng paghahanap mo sa bawat yugto at ang kalagayan kung saan ka naghahanap ay mga bagay na hindi mo maaaring balewalain. Ang kawalan ng pag-iingat ay magdadala ng gulo kalaunan. Kapag normal ang kalagayan mo, lalakad ka sa tamang landas at gagawin mo nang tama ang mga bagay, at mabilis kang papasok sa mga salita ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng paghahanap sa ganitong paraan lalago ang buhay mo.

Hango sa Pagbabahagi ng Diyos

Sinundan: 447 Ano ang Isang Normal na Kalagayan?

Sumunod: 449 Ang Paghahayag ng Gawain ng Banal na Espiritu

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito