28 Ang Tinig ng Diyos ay Naririnig ng Kanyang mga Tupa

I

Magwawakas ang mga araw;

mundo’y mauuwi sa wala,

lahat ay muling isisilang.

Tandaan ito!


‘Di pwedeng magkaro’n ng walang-katiyakan!

Langit at lupa’y lilipas,

ngunit salita Niya’y mananatili!

Kaya kayo’y muli Niyang pinapayuhan:

‘Wag tumakbong walang saysay!

Gumising, magsisi,

kaligtasa’y malapit na!

Diyos ay nagpakita na sa inyo.

Ang tinig ng Diyos ay narito na.


Espiritu’y nangungusap sa mga iglesia.

Kung kayo’y may pandinig, makinig!

Dapat tumanggap lahat ng nabubuhay!

Kaini’t inumin lang Kanyang salita,

at ‘wag mag-alinlangan tungkol dito.

Yaong sumusunod at nakikinig sa mga salita Niya’y

tatanggap ng dakilang pagpapala.


II

Tinig ng Diyos ay rinig na;

kapwa sariwa’t bago bawat araw.

Kita mo’ng Diyos at ika’y kita Niya;

patuloy ka Niyang kinakausap.


Pero Diyos ay tinatanggihan mo’t ‘di kilala.

Siya’y dinig ng Kanyang tupa,

nguni’t kayo’y nag-aalangan!

Mga mata’y binubulag ni Satanas,

at ang puso mo’y manhid.

At ‘di mo nakikita’ng

mal’walhating mukha ng Diyos.

Kaawa-awa!

‘Wag nang maghintay nang matagal,

dinig ng tupa ng Diyos ang tinig Niya.


Ang pitong Espiritu sa harap ng trono ng Diyos

isinugo sa buong mundo.

Ipadadala ang Kanyang Sugong

magsasalita sa lahat ng iglesia.

Ang Diyos ay matuwid at tapat;

Siya’ng Diyos na sumusuri

sa kaibuturan ng puso ng tao.


Espiritu’y nangungusap sa mga iglesia.

Kung kayo’y may pandinig, makinig!

Dapat tumanggap lahat ng nabubuhay!

Kaini’t inumin lang Kanyang salita,

at ‘wag mag-alinlangan tungkol dito.

Yaong sumusunod at nakikinig sa mga salita Niya’y

tatanggap ng dakilang pagpapala.


III

Yaong tapat na hanap ang mukha ng Diyos

magkakaro’n ng bagong liwanag.

Salita Niya’y darating sa’yo’t

bubuksan espiritwal mong mga mata.


Makikita mo’ng misteryo ng espiritwal na mundo

at ang kaharian ay nasa tao.

Pumasok lamang sa kanlungan,

at biyaya’y mapapasa’yo.

Taggutom man, salot o hayop

ay ‘di ka magagalaw o masasaktan.

Makakasama mo’ng Diyos,

lalakad kasama Siya,

at magkasamang papasok sa kal’walhatian.


Espiritu’y nangungusap sa mga iglesia.

Kung kayo’y may pandinig, makinig!

Dapat tumanggap lahat ng nabubuhay!

Kaini’t inumin lang Kanyang salita,

at ‘wag mag-alinlangan tungkol dito.

Yaong sumusunod at nakikinig sa mga salita Niya’y

tatanggap ng dakilang pagpapala,

dakilang pagpapala.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Sinundan: 27 Kapag Kumidlat mula sa Silangan

Sumunod: 29 Binubuksan ng Makapangyarihang Diyos ang Balumbon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito