18 Tumunog na ang Trumpeta ng Tawag ng Paghatol

Ang Diyos ay nagpakita na at nangusap,

niyayanig ang lahat ng denominasyon.

Nagsasalita Siya ng katotohanan, hinahatulan ang hindi pagiging matuwid,

at tinatalo ang lahat ng Kanyang kaaway.

Ang lahat ay sumasamba sa Kanya at pinupuri ang mga gawa ng Diyos.

Humahanay ang mga bituin upang batiin ang pagbabalik ng Diyos.

Ang mga tao sa lupa ay nagbubunying lahat,

nakamit na Niya ang kaharian, dumating na Siya sa lupa.

Ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay naghahari sa lupa.

Ang Diyos ay ganap nang matagumpay.

Ang mga salita Niya ay tinutupad ang lahat, tapos na ang gawain Niya.

Pinupuri natin na Siya ay banal at matuwid.


Sumusunod tayo sa tinig ng Diyos sa Kanyang trono.

Nagpapasakop tayong lahat sa paghatol ng Diyos,

at sumasailalim sa pagdadalisay.

Paghanga at pagkamangha ay sumisibol sa ating mga puso.

Iniaalay natin ang ating buong pagkatao

upang saksihan si Cristo, at tapusin ang ating mga misyon.

Ang Diyos ay Hari na ngayon, ang mga salita Niya ang naghahari sa atin.

Ang lahat ay yumuyuko at pinupuri ang Kanyang banal na pangalan.

Ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay naghahari sa lupa.

Ang Diyos ay ganap nang matagumpay.

Ang mga salita Niya ay tinutupad ang lahat, tapos na ang gawain Niya.

Pinupuri natin na Siya ay banal at matuwid.


Ang Diyos ay pagiging maharlika, ang Diyos ay poot,

hindi Niya tinatanggap ang pagkakasala ng tao.

Si Satanas ay nasa bingit ng kamatayan,

humihiyaw mula sa gitna ng apoy.

Winawasak ng Diyos ang Tsina, ang lugar ng mga diyablo,

sa gayon ipinapakita sa atin ang Kanyang pagiging matuwid.

Ang Kanyang hinirang ay nagpapatotoo sa mga panahon ng kahirapan.

Natalo na ng Diyos si Satanas, nakagawa ng mga mananagumpay.

Ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay naghahari sa lupa.

Ang Diyos ay ganap nang matagumpay.

Ang mga salita Niya ay tinutupad ang lahat, tapos na ang gawain Niya.

Pinupuri natin na Siya ay banal at matuwid.


Napalaganap na ang mga salita ng Diyos

hanggang sa mga dulo ng mundo,

at ang Kanyang kaharian ay narito.

Ang Araw ng pagiging matuwid

ay nililiwanagan ang buong mundo,

ang lahat ng bagay ay ginawang bago.

Ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay naghahari sa lupa.

Ang Diyos ay ganap nang matagumpay.

Ang mga salita Niya ay tinutupad ang lahat, tapos na ang gawain Niya.

Pinupuri natin na Siya ay banal at matuwid.

Sinundan: 17 Ang Diyos ay Nasa Trono

Sumunod: 19 Ang Palaging Sariwang mga Tanawin ng Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito