19 Ang Palaging Sariwang mga Tanawin ng Kaharian

Sa Silangan, ang sumisikat na araw

ay nagniningning sa maulap na kalangitan,

at nagbalik na ang Tagapagligtas sa materyal na mundong ito.

Ang buhay ng kaharian ay nagsimula na,

lahat ng bagay ay muling sumigla.

Oh! Narito na ang bukang-liwayway.

Oh! Ang liwanag ay nakikita ng ating mga mata.

Ang pag-asa ng dalawang libong taon ay naisakatuparan sa wakas.

Ang mapanglaw na mga taon ay lumipas na,

wala nang mapait na mga araw at gabi.

Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Mga bulaklak ay namumukadkad at

may bangong humahalimuyak,

mga ibo’y nag-aawitan sa itaas.

Sa pagpapahayag at pagpapatotoo sa pagdating ng Anak ng tao

ipinahahayag ng bayan ng Diyos damdamin nila,

malaya nilang sinasabi ang nasa isipan nila, bilang lahat nagkakaisa.

Oh! Magdasal nang taimtim. Oh! Umawit nang malakas.

Magpatirapa sa harapan ng luklukan. Sa Diyos tayo’y nagpupuri.

Aming mga kapatid tawirin ang karagatan,

sama-sama tayong magdiwang, aming malalayong pamilya.

Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Ang Makapangyarihang Diyos,

ang huling Cristo’y nagkatawang-tao

at ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao.

Ipinapahayag Niya ang katotohanan para hatulan ang tao,

at Kanyang mga salita’y dinadalisay

at pineperpekto ang isang grupo ng mga tao.

Oh, pinapakain ng salita ng Diyos ang puso natin,

tinutustusan ang buhay natin, tayo’y pinagpapala at matamis.

Ang ating henerasyon ay mapalad na makabalik sa Diyos

at ito ay ang dakilang pag-ibig ng Diyos.

Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)

Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)


Ang pagpasok sa buhay ng Kapanahunan ng Kaharian,

yan ang isang bagay na nais nating lahat.

Sa pagdanas ng Kanyang paghatol,

tayo’y naligtas at nalupig na ng Diyos.

Labis ang pasasalamat at papuri natin sa Diyos.

Oh, magpanday nang buong lakas natin.

Oh, magsikap nang ating buong lakas.

Matapat na gampanan ang ating tungkulin,

bigyang-kasiyahan kalooban ng Diyos.

Ang espiritu ni Pedro, walang tinag nating pagsisikapan,

at isinasagawa ngayon ang kalooban ng Diyos

upang mamuhay na gaya ng totoong tao.

Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Sinundan: 18 Tumunog na ang Trumpeta ng Tawag ng Paghatol

Sumunod: 20 Natatanaw na ang Milenyong Kaharian

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito