Ang Nasa Likod ng Isang “Magandang Imahe”

Pebrero 2, 2021

Ni Wei Chen, South Korea

Noong Disyembre 2019, nagtrabaho ako bilang diyakono ng ebanghelyo sa iglesia. Paglaon, nalaman ko na kapag napapansin ng mga lider ang mga kamalian sa paggawa ng mga kapatid sa kanilang tungkulin, deretsahan nilang pinupuna ito, minsan, mabagsik ang tono ng pananalita. Naisip ko na tama lang na punahin nila ang mga bagay na ito, ngunit ang kanilang paraan ay pamamahiya at nakakasakit ng damdamin ng tao. Ayokong maging katulad nila. Ang mga ganitong bagay ay dapat sinasabi sa mas maayos na paraan upang mag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Sa ganoong paraan makukuha ko ang suporta ng lahat at mas madali kong magagawa ang aking trabaho. Para sa susunod na eleksyon, maaari akong magkaroon ng pagkakataong mapili bilang isang pinuno. Sa pag-iisip na iyon, sobra akong naging maingat sa pakikitungo sa mga kapatid. Sinubukan kong maging mas maayos sa pakikitungo at hindi makasakit ng damdamin ninuman upang mas maging kasiya-siya ang lahat.

Sa isang punto, napansin ko na namimili si Sister Cheng ng mas madaling mga gawain at iniiwasan ang anumang mahirap, at umaatras siya sa tuwing kinakailangan niyang ibahagi ang ebanghelyo sa isang tao na may maraming kuru-kuro o pangit na pag-uugali. At pagkatapos hindi niya ihahanda ang kanyang sarili sa mga nauugnay na katotohanan para malutas ang kanilang mga kuru-kuro. Nakita kong hindi tama ang kanyang pag-uugali sa kanyang tungkulin at hindi niya magagawa nang maayos ang kanyang tungkulin kung magpapatuloy siya sa ganoong pamamaraan. Babanggitin ko sana ito sa kanya at magbabahagi, ngunit noong ipapadala ko na ang mensahe, bigla akong napaisip na bagaman siya ay umaatras kapag may paghihirap na hinaharap, ay may nakakamit naman siya sa kanyang tungkulin. Kung babanggitin ko ang problema niya, baka sabihin niyang masyado akong maraming hinihiling, at baka mainis siya sa akin. Kung gayo’y anong gagawin ko kung hindi siya susunod sa anumang pag-aayos ng trabaho na gagawin ko sa hinaharap? Kapag hindi ko nagampanan nang maayos ang tungkulin ko, hindi ba’t sasabihin ng mga lider na hindi ko kaya ang trabaho? Upang hindi siya masaktan, inilihim ko sa kanya ang kanyang problema, at nagpadala na lang ng mensaheng pampalakas ng loob: “Ang ilan sa mga taong binabahagihan natin ng ebanghelyo ay maraming mga kuru-kuro, ngunit sila ay tapat na naniniwala. Kailangan nating magkaroon ng pagmamahal at pasensya, at mas lalong manalangin at umasa sa Diyos. Habang mas maraming paghihirap ang haharapin natin, mas magiging sakdal ang ating pananampalataya. Hindi tayo dapat umatras.” Sumang-ayon siya noon, pero nang walang anumang pagkakaunawa sa kanyang problema, patuloy niyang tinatalikuran ang anumang bagay na mahirap. Hindi siya nagbago. Ngunit wala akong kamalayan sa problema noon at naisip kong maganda ang ginagawa ko. Sa tuwing may makakaharap akong katulad noon, ganoong paraan ang ginagamit ko. Kailanma’y hindi ako nakitungo sa mga tao o inilantad ang kanilang katiwalian o mga kamalian, kaya masaya ang mga kapatid na makatrabaho ako at nilalapitan nila ako para pag-usapan ang kanilang mga katayuan. Lalo akong nagkaroon ng tiwala sa paraan ko at inakala kong mataas ang tingin sa akin ng aking mga kapatid, na suportado ako ng lahat.

Paglaon, napansin ko na si Sister Xia ay medyo mapagmataas at mapagmagaling. Matigas ang ulo niya at hindi maayos makipagtrabaho sa iba, at nagkaroon ito ng epekto sa aming gawain sa ebanghelyo. Naisip ko kung paanong mapagmataas si Sister Xia at hindi tumatanggap ng mga mungkahi ng iba, na nakaapekto sa kanyang tungkulin. Naisip ko na dapat ko itong banggitin sa kanya upang mabago niya ang mga pangyayari. Ngunit napaisip ako, kung pupunahin ko nga ito at hindi niya ito tanggapin, bagkus ay magtampo, ano na ang gagawin ko? Minsan sa isang pagtitipon, narinig ko siyang magbigay ng positibong komento sa akin, kaya nag-alala ako na kapag nasaktan ko siya, baka masira ang magandang imahe ko sa kanya. Kapag nagbago ang kanyang impresyon sa akin, maaari itong makaapekto sa pagkakataon kong maging isang lider. Matapos kong pag-isipan ng mabuti ang lahat, hindi ko rin nagawang banggitin ang katiwalian at kamalian ni Sister Xia. Sa halip ay sinabi ko, “Nauunawaan ko ang hindi pagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin o ang pagdanas ng mga paghihirap, ngunit kailangan mong pagnilayan ang iyong sarili at isipin kung bakit. Kailangan din nating maayos na makatrabaho ang ating mga kapatid.” Iniwasan ko ang pangunahing problema, at binibigyan lamang siya ng ilang mga payo at mga salitang pampatibay-loob. Makalipas ang ilang araw, kinumusta ako ng isa sa mga lider tungkol sa aming trabaho at nabanggit ko na si Sister Xia ay mapagmataas at mapagmagaling, at hindi siya maayos makipagtrabaho sa iba. Noong sumunod na makita ako ni Sister Xia, sinabi niya, “Nang tanungin ka ng lider tungkol sa ating gawain noong nakakaraang mga araw, naglalakad ako at nagkataong narinig na sinabi mong mapagmataas ako at mapagmagaling, at hindi ako maayos makipagtrabaho sa iba. Alam mong mayroon akong seryosong problema, pero wala kang sinabi sa akin tungkol dito. Naging mahinahon ka lang. Napansin ko noon na kahit kaila’y hindi umiinit ang ulo mo o pinagsasabihan ang mga tao, sa halip ay palagi mo lang silang pinakakalma. Akala ko talaga mabuting tao ka. Ngayon napagtanto kong tunay na ‘mahusay’ ka, na may sarili kang taktika. Sa madaling salita, isa kang hipokrito.” Sa direkta niyang pagpuna, sandali ay naramdaman kong namumula ang aking mukha. Ang mga salitang “hipokrito” at “taktika” ay tumatak sa isipan ko. Sobrang sama ng loob ko at lumapit ako sa Diyos sa panalangin, na hinihiling sa Kanyang gabayan ako upang maunawaan ang aking tiwaling disposisyon.

Binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa aking debosyonal nang sumunod na araw. “Madalas na halata sa panlabas ang panlilinlang. Kapag sinasabing napakamapanlinlang at napakatusong manalita ng isang tao, iyon ay panlilinlang. At ano ang pinakapangunahing katangian ng kasamaan? Ang kasamaan ay kapag partikular na masarap sa pandinig ang sinasabi ng mga tao, kapag tila tama itong lahat, at wala ritong maipipintas, at mabuti kahit sa anumang paraan mo ito tingnan, subalit partikular na masasama ang kanilang mga kilos, at lubhang patago, at hindi madaling makilala. Madalas silang gumagamit ng ilang tamang salita at mga magagandang pakinggang pananalita, at gumagamit ng ilang doktrina, argumento, at pamamaraan na umaayon sa damdamin ng mga tao upang makapanlinlang; nagkukunwari silang magpunta sa isang daan ngunit ang totoo nagpupunta sila sa isa pa, gumagamit ng mga kilos na tila ba mabubuti, at tama, na umaayon sa mga damdamin ng mga tao, at may prinsipyo upang makamit ang mga lihim nilang pakay. Ito ang kasamaan. Karaniwan na itong inaakala ng mga tao na panlilinlang. Mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa kasamaan, at bihira rin itong suriin nang mabuti; sa totoo lang ay mas mahirap tukuyin ang kasamaan kaysa panlilinlang, dahil mas nakatago ito, at mas ‘tuso’ ang mga sistema at pamamaraang sangkot dito. Kapag may mapanlinlang na disposisyon ang mga tao sa loob nila, karaniwan nang inaabot lamang ng dalawa o tatlong araw bago mo makita na mapanlinlang sila, o na ang kanilang mga kilos at ang mga uri ng mga bagay na sinasabi nila ay nagpapakita ng isang mapanlinlang na disposisyon. Subalit kapag sinabing masama ang isang tao, hindi ito isang bagay na makikilala sa isa o dalawang araw. Dahil kung walang nangyayaring makabuluhan o tiyak sa loob ng maikling panahon, aakalain mong mabuti silang tao sa pakikinig lamang sa kanilang mga salita, na nagagawa nilang isuko ang mga bagay at gugulin ang kanilang sarili, na nauunawaan nila ang mga espirituwal na bagay, at tama ang lahat ng kanilang sinasabi, at mahihirapan kang tukuyin kung ano talaga sila. Marami ang nagsasalita ng tamang bagay, gumagawa ng tamang bagay, at kayang sumambit ng iba-ibang doktrina. Pagkaraan ng dalawa o tatlong araw kasama ng gayong tao, iisipin mo na sila ay mga tao na nakauunawa ng mga espirituwal na bagay, na may pusong nagmamahal sa Diyos, kumikilos nang may budhi at kabuluhan. Ngunit nagsimula kang pagtiwalaan sila ng mga gawain, at napagtanto mo agad na hindi sila matapat, at higit pa nga silang taksil kaysa mga mapanlinlang na tao—na sila ay masasama. Madalas nilang pinipili ang mga tamang salita, mga salitang akma sa katotohanan, na umaayon sa mga damdamin ng mga tao at sa pagkatao, mga salitang magandang pakinggan, at mapanlinlang na mga salita upang gamitin sa pakikipag-usap sa mga tao, sa isang banda, upang maitindig ang kanilang mga sarili, at sa isang banda, upang makapanlinlang ng iba, binibigyan sila nito ng katayuan at karangalan sa gitna ng mga tao, kung saan ang lahat ay madaling nakakagayuma sa mga walang kaalam-alam, sa mga may mababaw na pagkaunawa sa katotohanan, sa mga hindi nakauunawa ng mga espirituwal na bagay, at kulang ng saligan sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Ganito ang ginagawa ng mga taong may masasamang disposisyon(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (3)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa pagmamatigas sa sariling pag-uugali laban sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong ang aking masamang disposisyon ang nagtutulak sa aking mga kilos. Nang makita ko ang mga problema sa tungkulin ng aking mga kapatid na nakakaapekto sa kanilang gawain, hindi ko sila inilalantad o binabanggit ang kanilang mga problema para masabi nilang lahat na mabuting tao ako at maganda ang sasabihin nila tungkol sa akin. Malinaw kong nakita na hindi tama ang pag-uugali ni Sister Cheng sa kanyang tungkulin, na ginagawa lamang niya kung alin ang madali at iniiwasan ang anumang mahirap. Nakita ko rin na mapagmataas at mapagmagaling si Sister Xia, at negatibo itong nakakaapekto sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Dapat binanggit ko ang mga bagay na ito at nagbahagi sa kanila upang matulungan sila. Pero inalala ko kung ano ang iisipin nila sa akin, na hindi nila ako susuportahan sa aking gawain, at pagkatapos ay pag-iisipan ako ng masama ng mga lider kapag hindi naging maayos ang aking trabaho. Kung kaya’t nagsabi na lamang ako ng ilang mabubulaklak, mapanlinlang na bagay para palakasin ang loob nila. Sa ganitong paraan mapoprotektahan ko ang aking mga ugnayan sa kanila at mapapanatili ang aking imahe, at patuloy nilang magugustuhan ang gawain ko—pareho ko iyong magagawa sa isang taktika. Napakatuso at mapanlinlang ko, at niloloko ko ang mga tao. Nilinlang ko sila, pinaniwalang tunay akong nagmamalasakit at nakakaunawa, at tunay na tinitingala nila ako at iniidolo. Noon ko lang nakita na mayroon akong mapanlinlang, masamang disposisyon. Kung hindi dahil sa pagpuna ni Sister Xia sa akin, at sa mga paghahayag ng mga salita ng Diyos, hindi ko pa rin mauunawaan ang aking masamang disposisyon o magkaka-ideya kung gaano ito kaseryoso. Nakita ko kung gaano kasama at kasuklam-suklam ang mga naging kilos ko, na ito ay nakasusuklam sa Diyos at nakasusuklam sa iba!

Pagkatapos noon ay binasa ko ito sa mga salita ng Diyos. “Hindi pinagsasabihan ng ilang lider ng iglesia ang mga kapatid na nakikita nilang walang-ingat at wala sa puso kung tumupad ng kanilang tungkulin, bagama’t dapat nila iyong gawin. Kapag nakakakita sila ng isang bagay na malinaw na makapipinsala sa mga interes ng bahay ng Diyos, nagbubulag-bulagan sila at hindi nag-uusisa, upang hindi makapagdulot ng bahagya mang sama ng loob sa iba. Ang tunay nilang layunin at pakay ay hindi ang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga kahinaan ng iba—alam na alam naman nila kung ano ang kanilang intensyon: ‘Kapag ipinagpatuloy ko ito at hindi ako nakapagdulot ng sama ng loob sa kahit kanino, iisipin nila na mabuti akong lider. Magkakaroon sila ng mabuti at mataas na pagtingin sa akin. Papaboran at magugustuhan nila ako.’ Gaano man kalaki ang magiging pinsala sa mga interes ng bahay ng Diyos at gaano man katinding mahahadlangan ang pagpasok sa buhay ng mga hinirang na tao ng Diyos, o gaano man katinding magagambala ang kanilang buhay-iglesia, namamalagi ang gayong mga tao sa sataniko nilang pilosopiya na hindi makapagdulot ng sama ng loob. Kailanman ay walang diwa ng paninisi sa sarili sa kanilang mga puso; at kung mayroon man, maaaring pahapyaw na kaswal nilang mabanggit ang isang usapin, at hanggang doon na lamang. Hindi nila ibinabahagi ang katotohanan, ni hindi rin nila sinasabi ang diwa ng mga suliranin ng iba, at lalong hindi nila sinusuri ang kalagayan ng mga tao. Hindi nila ginagabayan ang mga tao na makapasok sa katotohanang realidad, at hindi nila kailanman ipinababatid kung ano ang kalooban ng Diyos, o ang mga pagkakamaling madalas na ginagawa ng mga tao, o ang mga uri ng tiwaling disposisyong ibinubunyag ng mga tao. Hindi nila nilulutas ang mga praktikal na suliraning ito; sa halip, lagi nilang pinalalagpas ang mga kahinaan at pagiging negatibo ng iba, maging ang kawalan nila ng ingat at kawalan ng malasakit. Palagi nilang pinalalagpas ang mga kilos at pag-uugali ng mga taong ito nang hindi natutukoy kung ano ang mga iyon, at, dahil nga ginagawa nila iyon, naiisip ng karamihan sa mga tao na, ‘Parang ina na natin ang ating lider. Mas malawak pa nga ang pang-unawa nila sa mga kahinaan natin kaysa sa Diyos. Maaaring napakaliit ng ating tayog upang makatugon sa mga hinihingi ng Diyos, pero sapat iyon para makatugon tayo sa mga hinihingi ng ating lider. Mabuti silang lider para sa atin. …’ Kapag nagkimkim ng ganoong saloobin ang mga tao—kapag mayroon silang ganitong kaugnayan sa kanilang lider, at ganoong impresyon tungkol sa kanila, at may namuong ganoong damdamin ng pag-asa, paghanga, paggalang, at pagtingala sa kanilang lider—ano, kung gayon, ang dapat na maramdaman ng lider? Kung, sa bagay na ito ay makaramdam sila ng kaunting pagsisisi sa sarili, kaunting pagkabagabag, at makaramdam ng utang na loob sa Diyos, kung ganoo’y hindi sila dapat tumuon sa kanilang katayuan o imahe sa puso ng iba. Dapat silang magpatotoo sa Diyos at purihin Siya, nang sa gayon ay magkaroon Siya ng lugar sa puso ng mga tao, at sa gayon ay igalang Siya ng mga tao bilang dakila. Sa gayoon lang tunay na magiging payapa ang kanilang puso, at ang taong gumagawa noon ay isang taong naghahanap sa katotohanan. Gayunman, kung hindi ito ang layunin sa likod ng kanilang mga kilos, at sa halip ay ginagamit nila ang mga pamamaraan at taktikang ito upang hikayatin ang mga taong lumihis sa tunay na daan at tumalikod sa katotohanan, sukdulang pagbigyan ang walang-ingat, wala sa puso, at iresponsableng pagtupad sa kanilang mga tungkulin, nang may pakay na magkaroon ng isang partikular na lugar sa puso ng mga tao at makuha ang kanilang kagandahang-loob, hindi ba’t isa itong pagtatangkang makuha ang loob ng mga tao? At hindi ba’t isa itong masama at karima-rimarim na bagay? Kasuklam-suklam ito!(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (1)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nang makita ko ang isiniwalat ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagkilos batay sa aking masamang disposisyon ay panlilinlang sa mga tao at paghihikayat sa kanila sa pagtatangka na mapasaakin sila, upang makontrol ko sila. Taliwas ito sa Diyos at ganito mismo kumilos ang isang anticristo! Hindi ko mapigilang matakot sa kaisipang ito. Upang maprotektahan ang posisyon na pinanghahawakan ko sa puso ng iba at ang pagkakataon kong mapili bilang pinuno, nang makakita ako ng mga problema sa tungkulin ng mga kapatid, kailanma’y hindi ko direktang pinuna ang mga ito o nagbahagi ng katotohanan upang malutas ang mga ito. Sa halip, nagsabi ako ng ilang mabubulaklak na salita upang magustuhan ako ng iba at makita nila ako bilang maaalahanin at mapagmahal. Nang hindi namamalayan, nagtitipon ako ng mga tagasunod at sa huli ang mga taong nalinlang ko ay hindi makita ang kanilang mga problema at hindi maitama ang mga ito, napinsala pa ang kanilang pagpasok sa buhay, at tiningala pa nila ako at inidolo. Napakasama at kasuklam-suklam ko! Ang kawalan ko ng malasakit sa buhay ng mga kapatid, at pagkunsinti sa kanila sa paggawa sa kanilang mga tungkulin na umaasa sa kanilang mga tiwaling disposisyon, ay nagkaroon ng negatibong epekto sa aming gawain. Ako ay ganap na kumikilos bilang isang alagad ni Satanas, inaantala at sinisira ang gawain ng tahanan ng Diyos. Sa pagtanto nito, nagsimula akong kamuhian ang aking katiwalian mula sa kaibuturan ng aking puso. Humarap ako sa Diyos upang manalangin at magsisi. Sinabi ko, “O Diyos ko, ipinakita sa akin ng Iyong mga salita kung gaano kaseryoso ang aking masamang disposisyon at naglalakad ako sa landas ng isang anticristo. Nais kong magsisi at talikuran ang aking personal na mga motibo at itigil ang pagkilos ayon sa aking masamang disposisyon.”

Matapos ang panalangin ko naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “‘At iniutos ng Diyos na si Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.’ … May nakikita ka bang anumang disposisyon ng Diyos sa maiikling salitang winika ng Diyos? Totoo ba ang mga salitang ito ng Diyos? Mayroon bang anumang panlilinlang? Mayroon bang anumang kabulaanan? Mayroon bang anumang pananakot? (Wala.) Matapat, makatotohanan at taos-pusong sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin. Malinaw at payak na nagsalita ang Diyos. May natatago bang kahulugan sa mga salitang ito? Hindi ba tapat ang mga salitang ito? Kinakailangan bang maghaka-haka? (Hindi.) Hindi na kailangang manghula. Sa isang sulyap ay litaw na litaw ang kahulugan ng mga ito. Sa pagbasa sa mga ito, lubos na malilinawan ang sinuman sa kahulugan ng mga ito. Ibig sabihin, ang nais na sabihin ng Diyos at ang nais Niyang ipahayag ay nagmumula sa Kanyang puso. Ang mga bagay na ipinahahayag ng Diyos ay malinis, tapat at malinaw. Walang mga lingid na layunin o anumang natatagong mga kahulugan. Tuwiran Siyang nagsasalita sa tao, sinasabi sa kanya kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Nabasa ko ito at naramdaman ko kung gaano talaga katotoo ang Diyos sa atin. Nang utusan ng Diyos si Adan, malinaw Niyang sinabi kung ano ang maaari at hindi maaring kainin upang malinaw na malaman ng tao ang dapat gawin. Walang anumang nakalilito o nakaliligaw sa mga salita ng Diyos, at walang anumang pandaraya o panlilinlang doon. Nais lamang ng Diyos ang pinakamabuti para sa sangkatauhan. Tunay ngang iniisip Niya tayo. Tapat na kinakausap Niya ang mga tao. Nakita ko na ang diwa ng Diyos ay tapat, banal, mapagkawanggawa at kaibig-ibig. Nararapat talaga Siya sa ating pagtitiwala at paghanga. Ngunit para sa akin, hindi ako naging tapat sa mga kapatid. Lahat ng sinabi at ginawa ko ay may bahid ng personal kong mga motibo. Puno ako ng mga kasinungalingan at panlilinlang. Nanlilinlang at nanggagamit lang ako ng tao at sa huli ay nakapipinsala sa mga kapatid. Napakasama ko! Labis akong nakonsensya at napuno ng pagsisisi sa kaisipang ito. Pagkatapos noon ay hinanap ko sina Sister Xia at Sister Cheng at nagsabi sa kanila tungkol sa aking tiwaling disposisyon. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa mga problemang nakita ko sa kanilang mga tungkulin. Hindi nila ako pinag-isipan ng masama, bagkus sinabi nila na ang aking malinaw na pagpuna sa kanilang mga problema ay makakatulong na isapuso nila ang mga ito, kung hindi ay hindi nila mapagtatanto kung gaano kaseryoso ang kanilang mga problema. Sinabi rin nila sa akin na huwag mag-atubili na muling ipaalam sa kanila kung makakita ako ng mga problema sa hinaharap. Nakakita ako ng mga pagbabago sa kanila pagkatapos noon, at nagsimula silang paghusayan ang kanilang mga tungkulin. Napasaya talaga ako nito.

Pagkatapos noon sa aking mga debosyonal, tumuon ako sa paghahanap ng mga solusyon sa aking tiwaling disposisyon sa mga salita ng Diyos. Binasa ko ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kung tinutupad mo man ngayon ang iyong tungkulin o tinatahak ang mga unang bahagi ng pagbabago ng disposisyon, anumang mga tiwaling disposisyon ang ibinubunyag mo—dapat mong hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito. … Halimbawa, kung lagi kang nagpapanggap sa pamamagitan ng kaaya-ayang mga salita, kung lagi kang naghahangad ng isang lugar sa puso ng iba at nang maging mataas ang pagkakilala nila sa iyo, kung may ganito kang mga hangarin, ibig sabihin ay nakokontrol ka ng iyong disposisyon. Dapat mo bang salitain ang mga kaaya-ayang salitang ito? (Hindi.) Kung hindi mo sinasalita ang mga ito, kinikimkim mo lamang ba ang mga ito sa loob? Kung makahanap ka ng mas tusong paraan kung paano ito sabihin, ibang paraan ng pagsasalita kung saan hindi mahahalata ng ibang tao ang iyong mga hangarin, isang suliranin pa rin ito sa iyong disposisyon. Anong disposisyon? Iyong sa masama. Madali bang lutasin ang mga tiwaling disposisyon? Kinapapalooban ito ng kalikasang diwa ng isang tao. May ganitong diwa, ganitong ugat ang mga tao, at dapat itong hukayin nang unti-unti. Dapat itong hukayin mula sa bawat kalagayan, mula sa mga hangarin sa likod ng bawat salitang sinasabi mo. Dapat itong suriing mabuti at maunawaan mula sa mga salitang sinasabi mo. Kapag palinaw nang palinaw ang gayong kamalayan at patalino nang patalino ang iyong espiritu, makakamit mo kung gayon ang pagbabago(“Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili, Saka Mo Lamang Hahangaring Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Lahat ng iyong ginagawa, bawat kilos, bawat layunin, at bawat tugon ay dapat dalhin sa harap ng Diyos. Kahit ang iyong pang-araw-araw na espirituwal na buhay—ang iyong mga dalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, kung paano ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ang pakikibahagi mo sa iyong mga kapatid, at ang buhay mo sa loob ng iglesia—at ang iyong paglilingkod na bilang magkatuwang ay maaaring dalhin sa harap ng Diyos para sa Kanyang masusing pagsusuri. Ang gayong pagsasagawa ang tutulong sa iyo na lumago sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ang proseso ng pagdadalisay. Kapag mas matatanggap mo ang masusing pagsusuri ng Diyos, mas napapadalisay at mas umaayon ka sa kalooban ng Diyos, kaya hindi ka maaakit sa kahalayan, at mabubuhay ang puso mo sa Kanyang presensya. Kapag mas tinatanggap mo ang Kanyang masusing pagsusuri, mas napapahiya si Satanas at mas tumataas ang kakayahan mong talikdan ang laman. Kaya, ang pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ay isang landas ng pagsasagawa na dapat sundan ng mga tao. Anuman ang ginagawa mo, kahit kapag nakikipagniig ka sa iyong mga kapatid, maaari mong dalhin ang iyong mga kilos sa harap ng Diyos at hangarin ang Kanyang masusing pagsusuri at hangaring sundin ang Diyos Mismo; gagawin nitong mas tama ang iyong pagsasagawa. Kung dadalhin mo ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos at tatanggapin ang masusing pagsusuri ng Diyos, saka ka lamang magiging isang tao na nabubuhay sa presensya ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso). Habang isinasaalang-alang ko ang mga salita ng Diyos, naging malinaw na sa isang problemang hinaharap, kailangan kong suriin ang aking sariling mga saloobin, pagnilayan ang mga motibo sa likod ng aking mga salita at gawa, ialay ang aking pananalita at mga kilos sa Diyos at tanggapin ang Kanyang pagsusuri, pag-aralan at kilalanin ang sarili kapag nakikita kong nagbubunyag ako ng isang masamang disposisyon, at manalangin at talikuran ang aking sarili nang walang antala. Sa ganitong paraan, ang aspetong iyon ng aking katiwalian ay unti-unting malilinis.

Paglaon, napansin ko na may isang kapatid na tila mahina at ayaw sumailalim sa anumang paghihirap. Umaatras siya tuwing nagkakaroon siya ng mga problema sa kanyang gawain sa ebanghelyo. Naisip ko na hindi niya inaako ang responsibilidad sa kanyang tungkulin at kailangan kong magbahagi agad sa kanya upang baguhin ang mga bagay. Ngunit muling bumalik ang aking problema. Naisip ko na kung babanggitin ko ang kanyang problema, baka isipin niya na masyado akong malupit, at baka lumaban siya at tumutol sa akin. Napaisip ako kung paano ito magiging katanggap-tanggap para sa kanya at hindi siya maging laban sa akin. Sa kaisipang ito, napagtanto ko na pinoprotektahan ko muli ang aking katayuan at imahe sa mga kapatid. Sa aking puso’y sinabi ko ang panalanging ito sa Diyos: “O Diyos ko, handa akong tanggapin ang Iyong pagsusuri at talikuran ang aking mga personal na motibo. Nais kong maagbahagi ng katotohanan upang matulungan ang aking sister at gawin ang aking tungkulin.” Pagkatapos nito ay nagbahagi ako sa sister na ito, pinag-aralan ang kanyang problema. Nagkamit ako ng kapayapaan pagkatapos maisagawa ito. Ngayon mayroon akong kaunting pag-unawa sa aking masamang disposisyon, at kapag may problema akong hinaharap, agad kong hahanapin ang katotohanan at tatalikuran ang aking makasariling mga motibo. Nagagawa kong kumilos batay sa mga salita ng Diyos. Nakamit ang lahat ng ito sa paghatol ng salita ng Diyos. Laking pasasalamat ko sa kaligtasan ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!

Ni Li Fei, SpainAkala ko mabuti ang mga nagpapasaya ng tao noong hindi pa ako nananalig sa Diyos. Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto...