Ang Kahihinatnan ng Pag-iingat laban sa Diyos

Disyembre 11, 2024

Ni Luo Ying, Tsina

Noong 2013, tinuring ako bilang isang huwad na lider at natanggal matapos mapag-alaman na hindi ko hinahanap ang mga prinsipyo sa aking tungkulin at hinayaan ko na ang aking mapagmataas na disposisyon ang magdikta ng aking mga aksyon, lahat ng ito ay nagdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Sa panahong matapos akong matanggal, nakaramdam ako ng ganap na pagiging negatibo at pagsisisi. Nagkaroon ako ng kaunting kaalaman tungkol sa aking tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagninilay ng aking sarili, ngunit sa kaloob-looban ko ay dama ko pa rin ang lubos na pag-iingat laban sa Diyos at naisip ko na dahil nagkaroon ako ng ganoong tiwaling disposisyon at nakagawa ng isang napakabigat na paglabag, hindi na talaga ako dapat gumawa ng isang mahalagang tungkulin sa hinaharap. Kung makagawa ako ng panibagong paglabag, nararapat na alisin man lang ako at sa isang mas seryosong sitwasyon, malamang na lubusan akong mabubunyag, matitiwalag at mawawala ang aking pagkakataon na makamit ang kaligtasan. Lalo na pagkatapos kong makita kung paanong ang ilang taong may talento, may kakayahan, at gumagawa ng mahahalagang tungkulin ay ibinunyag sa huli bilang mga huwad na lider at tinanggal sila o kahit tinukoy sila bilang mga anticristo at pinatalsik dahil sa hindi nila paghahanap ng katotohanan, patuloy na nagsusumikap sila para sa katayuan at reputasyon, kumikilos batay sa kanilang mga mapagmataas na disposisyon at hindi nagsisisi, na nagdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, mas lalo pa akong naging sigurado sa inakala kong tama. Sa pagpapatuloy, ginawa ko na lang ang mga tungkulin na walang mabibigat na responsabilidad at hindi ganoon kadelikado, sa ganoong paraan ay magkakaroon pa rin ako ng pagkakataong mabuhay kapag natapos na ang gawain ng Diyos. Nang maglaon, inatasan ako ng aking lider sa gawain ng pag-aalis sa iglesia. Naisip ko sa aking sarili, “Noong nakaraan, ilang kapatid na gumagawa ng gawain ng pag-aalis ang tinanggal dahil sa pagkilos nila ayon sa kanilang tiwaling disposisyon at sa hindi nila pagsunod sa mga prinsipyo, na humantong sa mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia. Gayunpaman, mas kaunti ang kaalaman ko sa katotohanan kaysa sa kanila at mayroon akong matinding mapagmataas na disposisyon—kung gagawa ako ng isang bagay na nakakagambala o nakakagulo, makakagawa ako ng kasamaan!” Pagkatapos kong pag-isipan ito, nagpasya akong tanggihan ang pagtatalaga. Pagkatapos niyon, inatasan ako ng lider sa gawaing nakabatay sa teksto, at natuwa talaga ako sa pagtatalagang iyon. Naisip ko na sa gawaing nakabatay sa teksto ay hindi ko kailangang gumawa ng malalaking desisyon para sa iglesia at hindi ako masasangkot sa anumang mapanganib na sitwasyon, kaya malugod ko itong tinanggap. Noong 2017, hinanap ulit ako ng aking lider, at ipinaalam sa akin na ang gawain ng pag-aalis sa iglesia ay lubhang nangangailangan ng mga manggagawa at ipinahayag niya ang pag-asam niya na isaalang-alang ko ang layunin ng Diyos at sumali ako sa pangkat ng pag-aalis. Nakaramdam pa rin ako ng kaunting pag-aatubili, pero sumagi sa isip ko na minsan ko na ngang tinanggihan ang pagtatalaga at kung tatanggihan ko itong muli dahil sa pagsasaalang-alang sa aking kinabukasan at mga pagkakataon, ipagkakanulo ko ang Diyos. Hindi ako maaaring maging walang konsensiya! Sa gitna ng aking pagdurusa, nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na gabayan ako upang makalaya ako mula sa hindi tamang kalagayan na iyon.

Nang maglaon, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “May mga tao na kahit gaano pa karami ang mga tiwaling disposisyong inihahayag nila, ay hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Bunga nito, kahit maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, wala pa ring ipinagbago ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Iniisip nila, ‘Tuwing may gagawin ako, inihahayag ko ang aking mga tiwaling disposisyon; kung wala naman akong gagawin, hindi ko ihahayag ang mga ito. Hindi ba’t nalutas niyon ang problema?’ Hindi ba’t pag-iwas ito na kumain sa takot na mabilaukan? Ano ang magiging resulta nito? Mauuwi lang ito sa matinding pagkagutom. Kung naghahayag ang isang tao ng mga tiwaling disposisyon at hindi niya nilulutas ang mga ito, katumbas lang ito ng hindi pagtanggap sa katotohanan at pagkamatay. Ano ang ibubunga kung sumasampalataya ka sa Diyos pero hindi naman hinahangad ang katotohanan? Ikaw ang huhukay sa sarili mong libingan. Kalaban ng pananampalataya mo sa Diyos ang mga tiwaling disposisyon; hinahadlangan ng mga ito ang pagsasagawa mo ng katotohanan, ang pagdanas mo sa gawain ng Diyos at ang pagpapasakop mo sa Kanya. Bunga nito, hindi mo matatamo ang pagliligtas ng Diyos sa bandang huli. Hindi ba’t paghuhukay iyon sa sarili mong libingan? Hinahadlangan ka ng mga satanikong disposisyon na matanggap at isagawa ang katotohanan. Hindi mo maiiwasan ang mga ito; dapat mong harapin ang mga ito. Kung hindi mo pagtatagumpayan ang mga ito, kokontrolin ka ng mga ito. Kung kaya mong pagtagumpayan ang mga ito, hindi ka na mapipigilan pa ng mga ito, at magiging malaya ka na(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagmumuni-muni sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong pinipigilan ko ring kumain dahil sa takot na baka mabulunan ako. Dahil tinanggal ako sa hindi ko paghahanap ng katotohanan, pagkilos nang ayon sa aking mapagmataas na disposisyon at paggambala at panggugulo ko sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia, naging depensibo ako at puno ng maling pagkaunawa. Ayaw kong tumanggap ng isang mahalagang tungkulin at masaya na akong gawin ang anumang hindi mahalagang tungkulin—ang mahalaga lang sa akin ay hindi ako nagkamali o nagkaroon ng anumang mga problema. Kapag nahaharap sa pagtatalaga sa isang mahalagang tungkulin, hindi ko namamalayan na nagiging depensibo ako. Nag-aalala ako na kung hahayaan ko na ang aking mapagmataas na disposisyon ang magdikta sa aking mga kilos, at magdulot ako muli ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, malamang na tanggalin at itiwalag ako, gusto kong tanggihan palagi ang pagtatalaga, iniisip ko na napo protektahan ko ang aking sarili sa paggawa ko nito. Palagi kong iniiwasan ang pagharap sa aking tiwaling disposisyon at hindi ko hinanap ang katotohanan para malutas ito. Kung nagpatuloy ako sa ganoon, hindi na nga magbabago ang aking disposisyon sa buhay kahit kaunti, hindi rin magiging tiyak kung magkakamit ako ng kaligtasan. Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay rin sa akin ng landas ng pagsasagawa, ipinapakita sa akin na kailangan kong ihinto ang pag-iwas sa pagharap sa aking tiwaling disposisyon at dapat hanapin ko ang katotohanan upang malutas ito.

Kalaunan, napagnilayan ko kung anong tiwaling kalikasan ang nagdudulot sa akin para palaging maging maingat laban sa Diyos at tanggihan ang mga nakatalagang tungkulin. Isang araw, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung malamang na pagdudahan mo ang Diyos at sinasadya mong gumawa ng haka-haka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao. Nag-iisip-isip ka kung maaaring maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, mababaw ang pagkatao, salat sa pagiging makatarungan at katwiran, walang pagkaunawa sa katarungan, mahilig sa mapanirang mga kaparaanan, taksil at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni bahagyang kaalaman sa Diyos? Kasalanan talaga ang ganitong uri ng pananampalataya!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Sa pag-iisip sa mga salita ng Diyos, natanto ko na mayroon akong isang mapanlinlang at buktot na kalikasan—ang aking pag-iisip ay katulad ng sa isang hindi matuwid na tao, palagi akong naghahaka-haka tungkol sa Diyos, at ang pagiging maingat ko laban sa Kanya na kapareho ng gagawin ko sa isang masamang tao. Naisip ko na ang pagtatalaga sa akin sa isang mahalagang tungkulin ay sinadya upang ibunyag ako at itiwalag ako. Dahil namarkahan na ako para sa isang paglabag dati dahil sa pagkilos ko batay sa aking mapagmataas na disposisyon at pagdulot ng pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, nag-aalala ako na kung mamamarkahan ako para sa isa na namang paglabag, manganganib akong matiwalag, at sa gayon namuhay ako sa isang kalagayan ng pagiging maingat at may maling pagkaunawa sa Diyos. Kaya, nang italaga ako ng aking lider para mangasiwa sa gawain ng pag-aalis sa iglesia, nag-aalala ako na baka magkamali ako sa aking mga paghuhusga sa mga tao. Kung magkamali ako at makagawa ng mali sa isang mabuting tao o kaya pinayagan ko ang isang masamang tao o anticristo na manatili sa iglesia, inilalagay ko ang iglesia sa isang nakakubling panganib, maituturing iyon na isang malaking paglabag at malamang na matiwalag ako. Dahil sa mga pagsasaalang-alang na ito, nagdahilan ako para iwasan at tanggihan ang pagtatalaga. Habang pinagninilayan ko ito ngayon, nakita ko na kung hindi ko naranasang matanggal, hindi ko kailanman mapagtatanto na mayroon akong gayong mapagmataas na disposisyon, lalong hindi ko mapagtatanto na hindi ko hinanap ang katotohanan at kumilos ako ayon sa aking sariling kalooban sa aking paggawa at lumakad ako sa landas ng isang anticristo. Ang napapanahong pagkastigo at pagdidisiplina ng Diyos ang nagtulak sa akin para magnilay sa aking sarili at nag-alis sa akin sa maling landas na aking tinatahak. Kung hindi dahil sa mga kilos ng Diyos, sino ang makakaalam kung anong kakila-kilabot na kasamaan ang magawa ko habang kontrolado ako ng aking mapagmataas at palalong kalikasan. Sa kabila ng katotohanan na nagdusa ako nang kaunti dahil sa pagkakatanggal ko, ang pagtatanggal ay paraan talaga ng Diyos para protektahan at iligtas ako at ito ay puno ng Kanyang mga taimtim na layunin. Ang kabiguan na ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin: Ipinakita nito sa akin ang tindi ng mga kahihinatnan ng pagkilos ayon sa aking mapagmataas na disposisyon at pinahintulutan ako nito na maranasan kung paanong ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi tumatanggap ng pagsalungat. Habang sumusulong sa aking tungkulin, pinaalalahanan ko ang aking sarili na huwag hayaan na ang aking mapagmataas na disposisyon ang magdikta ng aking mga aksyon kundi magkaroon ako ng pusong may takot sa Diyos. Kapag nakakatagpo ako ng mga problema, humihingi ako ng mga mungkahi mula sa iba at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo para maiwasang makagawa ng malalaking pagkakamali. Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at mabuti, at ang Kanyang pag-ibig at pagliligtas ay praktikal at totoo na wala kahit kaunting kamalian. Hangga’t nagninilay ako sa aking sarili at nakakagawa ng mga realisasyon, bibigyan ako ng Diyos ng mga pagkakataon para magsagawa, ngunit palagi akong gumagawa ng mga haka-haka tungkol sa Diyos, nag-iingat laban sa Kanya at naniniwalang Siya ay magiging mababaw at walang konsiderasyon tulad ng isang tao lamang, kulang sa katarungan at katuwiran. Akala ko ginagamit lang ng Diyos ang tungkuling ito para ibunyag at itiwalag ako—hindi ko ba siniraan ang Diyos? Napakamapanlinlang ko! Gusto ng Diyos ang mga taong tapat, at ang mga tapat na tao ay kayang tumanggap at magsagawa ng katotohanan. Sa akin naman, ang aking mapanlinlang na disposisyon ang nagtulak sa akin para maghinala sa Diyos at maging maingat laban sa Kanya. Paulit-ulit kong iniwasan ang mga tungkuling itinalaga sa akin at hindi ko nagampanan ang aking mga responsabilidad at tungkulin nang may bukas at tapat na puso. Kung magpapatuloy ako sa ganoon, hindi ko ba ipapahamak ang sarili ko? Nang mapagtanto ko ito, talagang nagsisi ako at tahimik akong nanalangin sa Diyos, handang pahalagahan ang pagkakataong magawa ang aking tungkulin, umasa sa Diyos para magawa nang maayos ang gawain ng pag-aalis at itigil ang paglaban at pagtanggi sa pagtatalaga.

Sa pagpapatuloy, sinimulan kong gawin ang gawain ng pag-aalis sa iglesia. Isang araw, isa sa mga kaso ng pagpapatalsik ang nakakuha ng atensyon ko. Ang kandidato para sa pagpapatalsik ay si Bb. Li, na dating nagsilbi bilang host ko. Palagi siyang nagsisilbi bilang isang host at naiinggit pa nga ako sa kanya sa paggawa niya ng hindi gaanong mahalagang tungkulin dahil inakala ko na maliit ang posibilidad na makagawa siya ng malaking paglabag—ang pagsasagawa ng pananampalataya sa ganoong paraan ay hindi gaanong mapanganib. Gayunpaman, pinabulaanan ng katotohanan ang aking kuru-kuro—sa kabila ng hindi paggawa ng isang mahalagang tungkulin, hindi nagbago ang mapagmataas na disposisyon ni Bb. Li at ginamit niya at minamanipula pa ang kanyang anak na babae na isang pinuno sa iglesia sa isang walang kabuluhang pagtatangka na kontrolin ang iglesia, na nagdulot ng kaguluhan sa iglesia. Naisip ko rin na karamihan sa mga tao na nabunyag bilang mga hindi mananampalataya at masasamang tao ay hindi gumagawa ng mahalagang tungkulin, ngunit sa huli ay itiniwalag dahil sa hindi nila paghahangad sa katotohanan, kumikilos sila nang walang ingat at walang kontrol alinsunod sa kanilang satanikong disposisyon, hindi nagsisisi, at gumagawa ng lahat ng uri ng gawa ng kasamaan. Talagang tinamaan ako sa realisasyong ito at nang maglaon, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Iniisip ng ilang tao, ‘Ang sinumang namumuno ay hangal at mangmang at nagdudulot ng sarili nilang kapahamakan, sapagkat ang pagganap bilang isang lider ay hindi maiiwasang magdulot sa mga taong maghayag ng katiwalian upang makita ng Diyos. Nahahayag ba ang labis na katiwalian kung hindi nila ginawa ang gawaing ito?’ Napakakatawa-tawang ideya! Kung hindi ka kikilos bilang isang lider, hindi ka ba maghahayag ng katiwalian? Ang hindi pagiging lider, kahit na nagpapakita ka ng mas kaunting katiwalian, ay nangangahulugan ba na nakamit mo na ang kaligtasan? Ayon sa argumentong ito, ang lahat ba ng mga hindi naglilingkod bilang mga lider ang siyang makakaligtas at maliligtas? Hindi ba’t ang pahayag na ito ay lubos na katawa-tawa? Ang mga taong naglilingkod bilang mga lider ay gumagabay sa mga hinirang ng Diyos upang kainin at inumin ang salita ng Diyos at upang maranasan ang gawain ng Diyos. Mataas ang hinihinging ito at pamantayang ito, kaya hindi maiiwasan na ang mga lider ay maghahayag ng ilang tiwaling kalagayan kapag nagsisimula pa lang silang magsanay. Ito ay normal, at hindi ito kinokondena ng Diyos. Hindi lamang na hindi ito kinokondena ng Diyos, kundi binibigyang-liwanag, tinatanglawan, at ginagabayan rin Niya ang mga taong ito, at binibigyan sila ng dagdag na pasanin. Hangga’t kaya nilang magpasakop sa patnubay at gawain ng Diyos, mas mabilis silang uunlad sa buhay kaysa sa mga ordinaryong tao. Kung sila ay mga taong naghahangad ng katotohanan, matatahak nila ang landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Ito ang bagay na pinakapinagpala ng Diyos. Hindi ito nakikita ng ilang tao, at binabaluktot nila ang mga katotohanan. Ayon sa pagkaunawa ng tao, gaano man magbago ang isang lider, walang pakialam ang Diyos; titingnan lamang Niya kung gaano kalaking katiwalian ang inihahayag ng mga lider at manggagawa, at kokondenahin Niya sila batay lamang dito. At para sa mga hindi lider at manggagawa, dahil kaunting katiwalian lamang ang inihahayag nila, kahit hindi sila magbago, hindi sila kokondenahin ng Diyos. Hindi ba’t ito ay katawa-tawa? Hindi ba’t ito ay kalapastangan sa Diyos? Kung napakalubha mong nilalabanan ang Diyos sa puso mo, maliligtas ka ba? Hindi ka maliligtas. Pangunahing pinagpapasyahan ng Diyos ang mga kahihinatnan ng mga tao batay sa kung taglay nila ang katotohanan at mayroon silang tunay na patotoo, at ito ay pangunahing nakasalalay sa kung sila ay mga taong naghahangad ng katotohanan. Kung hinahangad nga nila ang katotohanan, at tunay silang makapagsisisi pagkatapos silang hatulan at kastiguhin dahil sa paggawa ng paglabag, hangga’t hindi sila nagsasabi ng mga salita o gumagawa ng mga bagay na lumalapastangan sa Diyos, tiyak na makapagkakamit sila ng kaligtasan. Ayon sa inyong mga guni-guni, ang lahat ng ordinaryong nananalig na sumusunod sa Diyos hanggang sa wakas ay makapagkakamit ng kaligtasan, at ang mga nagsisilbing lider ay dapat itiwalag lahat. Kung kayo ay hihilingin na maging lider, iisipin ninyo na hindi magiging mabuti na hindi gawin ito, ngunit kung kayo ay magsisilbing lider, hindi sinasadyang maghahayag kayo ng katiwalian, at iyon ay magiging katulad lang ng pagpapadala ng inyong sarili sa gilotina. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dulot ng inyong mga maling pagkaunawa sa Diyos? Kung ang mga kahihinatnan ng mga tao ay pinagpapasyahan batay sa katiwalian na kanilang inihahayag, walang sinuman ang maliligtas. Kung ganoon nga, ano ang magiging silbi ng paggawa ng Diyos sa gawain ng pagliligtas? Kung ganito nga talaga, nasaan ang pagiging matuwid ng Diyos? Hindi makikita ng sangkatauhan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Samakatuwid, lahat kayo ay mali ang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, na nagpapakita na kayo ay walang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos natutunan ko na hindi tinutukoy ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa kung anong tungkulin ang kanilang ginagawa o kung gaano karaming katiwalian ang kanilang ibinunyag, kundi nakabatay ito kung hinahangad ba nila ang katotohanan o hindi at kung nakatuon ba sila sa paglutas ng kanilang tiwaling disposisyon matapos mabunyag ang katiwalian. Inililigtas ng Diyos ang mga ginawang tiwali ni Satanas; kung itinakda ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa kung anong katiwalian ang kanilang ibinunyag, kung gayon ititiwalag tayong lahat. Sino pa ang makakakamit ng kaligtasan kung gayon? Masyadong katawa-tawa ang paniniwala kong ito. Napagtanto ko na bagaman ang mga lider at superbisor ay kadalasang nabubunyag ang kanilang katiwalian at mga pagkukulang, hangga’t hinahangad nila ang katotohanan, madalas na nagninilay sa kanilang sarili at hinahanap ang katotohanan upang malutas ang kanilang mga isyu, mas mauunawaan nila ang katotohanan at ang kanilang buhay pagpasok ay magpapatuloy nang mas mabilis. Naisip ko kung paanong ang mga huwad na lider at mga anticristo na nabunyag at natiwalag ay hindi nagkamit ng kapalarang iyon hindi dahil naglilingkod sila bilang mga lider at superbisor, kundi dahil lahat sila ay tutol sa katotohanan, patuloy na hinangad ang reputasyon at katayuan, gumawa ng mga gawa ng kasamaan na nakagambala sa gawain ng iglesia at hindi nagsisi kahit pagkatapos mapungusan sa maraming pagkakataon. Naisip ko rin na ang dahilan kung bakit ako tinanggal noon sa aking tungkulin bilang isang lider ay dahil din sa hindi ko paghangad ng katotohanan at hindi paglakad sa tamang landas—wala itong kinalaman sa paggawa ko ng isang mahalagang tungkulin. Gayunpaman, nabigo akong maunawaan ang katotohanang ito, hindi ko pinagnilayan ang pinakaugat ng aking pagbagsak at pagkabigo, hindi ako nakakuha ng mga aral na maaari kong panghawakan sa aking pagpapatuloy, at sa halip ay gumamit ako ng nakalilinlang na pananaw upang gumawa ng haka-haka at suriin ang Diyos. Hindi ba ito kalapastanganan sa Diyos? Naisip ko si Pedro, na natuwa sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Nakaramdam siya ng takot at pagkabalisa kung ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay naging laban sa kanya at naramdaman niya na hindi na siya maaaring magpatuloy sa buhay. Nakita ko na mahal ni Pedro ang katotohanan nang buong puso niya, ninanasa niya ang mga positibong bagay, at itinatangi ang paghatol, pagkastigo, pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos. Sa loob ng kapaligirang iyon, napagnilayan niya ang kanyang mga pagkukulang at kahinaan at hinanap niya ang katotohanan at hinangad ang pagbabago. Sa akin naman, pagkatapos mabigo at mabunyag, nahulog ako sa isang katayuan ng pagbabantay, maling pagkaunawa, pagiging negatibo at pagtutol. Natatakot ako na kung gagawin ko ang isa pang mahalagang tungkulin, mabubunyag ako muli, kaya paulit-ulit kong tinanggihan ang mga pagtatalaga. Nakita ko na talagang tutol ako sa katotohanan. Lagi kong ninanais na itago ang aking tiwaling disposisyon, ngunit sa paggawa ko nito, hindi ko nakuha ang kaalaman sa sarili, lalong hindi ko nagawang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang aking mga problema sa isang napapanahong paraan. Sa huli, mawawalan ako ng pagkakataon sa kaligtasan dahil hindi na magbabago ang aking disposisyon. Natagpuan ko ang ilang landas ng pagsasagawa sa pamamagitan ng mga karanasan ni Pedro: Noong magbunyag ako ng katiwalian, dapat nagtuon ako sa pagkilala sa aking sarili at sa paghahanap ng katotohanan upang malutas ito, at dapat din akong kumuha ng mga aral mula sa mga kabiguan ng iba upang magsilbing babala sa aking sarili.

Noong Agosto ng 2021, pinili ako ng aking mga kapatid para maglingkod bilang lider ng iglesia. Mayroon pa rin akong mga pag-aalinlangan tungkol sa pagtanggap ng pagtatalaga, kaya nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos ko, nais kong gampanan ang tungkuling ito at mag-ambag ng aking bahagi, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Pakigabayan at patnubayan Mo ako.” Pagkatapos ng panalangin, naisip ko kung paanong habang kinakain at iniinom ko ang mga salita ng Diyos, natutunan ko na ang layunin ng Diyos sa pagpapagawa sa mga tao ng mga tungkulin ay hindi upang itiwalag sila, kundi upang hayaan silang hanapin ang katotohanan, makamit nila ang pagbabago ng disposisyon at makamit ang kaligtasan sa proseso ng kanilang mga tungkulin. Naisip ko rin na ang iglesia ay kasalukuyang hati, at maraming tao ang kailangan para sa gawain ng iglesia—sa mahalagang sandaling iyon, hindi ko magawa na sarili kong mga personal na interes lang ang isaalang-alang ko. Ipapakita nito na isang hindi kapani-paniwalang kakulangan ng pagkatao ang pagtanggi kong muli sa aking pagtatalaga! Kinailangan kong isaalang-alang ang layunin ng Diyos at gawin ang tungkulin na dapat kong gawin. Nang maglaon, patuloy akong nagtataka, “Bakit ako naging mahiyain at takot sa tuwing ako ay naatasan ng isang mahalagang tungkulin? Anong mga hindi tamang layunin ang nasa likod nito?” Sa gitna ng aking paghahanap, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagtamo ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. Iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat, hindi ako dapat maging pabaya! Ang sambahayan ng diyos, ang mga kapatid, ang mga lider at manggagawa, at maging ang diyos ay hindi maaasahan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sinuman sa kanila. Ang taong pinakamaaasahan mo at ang pinakakarapat-dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Kung hindi ka nagpaplano para sa iyong sarili, sino ang mag-aasikaso sa iyo? Sino ang mag-iisip sa kinabukasan mo? Sino ang mag-iisip kung makatatanggap ka ba ng mga pagpapala o hindi? Kaya, kailangan kong magplano at magkalkula nang maingat para sa sarili kong kapakanan. Hindi ako pwedeng magkamali o maging pabaya kahit kaunti, kung hindi, ano ang gagawin ko kung may sumubok na manamantala sa akin?’ Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili. Kaya kapag binago nang kaunti ang kanyang tungkulin, kung promosyon ito, iisipin ng isang anticristo na may pag-asa siyang pagpalain. Kung ito ay demosyon, mula sa pagiging lider ng grupo pababa sa pagiging katuwang na lider ng grupo, o mula sa katuwang na lider ng grupo pababa sa pagiging karaniwang miyembro ng grupo, inaasahan nilang ito ay magiging isang malaking problema at sa tingin niya ay maliit ang pag-asa niyang magtamo ng mga pagpapala. Anong uri ng pag-iisip ito? Tama bang pag-iisip ito? Talagang hindi. Katawa-tawa ang pananaw na ito!(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos kung paanong ang mga anticristo ay naniniwala lamang sa Diyos upang magkamit ng mga pagpapala, ginagawa nilang pangunahing prayoridad ang kanilang sariling mga interes sa kanilang tungkulin at tinitingnan nila ang pagkamit ng mga pagpapala bilang ang pinakamahalaga. Sa pagninilay ng aking sariling pag-uugali, nakita ko na ako ay naging tulad ng isang anticristo. Hindi ko pinag-isipan kung paano pinakamahusay na gawin ang aking tungkulin bilang isang nilikha at sa halip ay inuna ko ang pagkamit ng mga pagpapala. Sa aking tungkulin, lagi akong mahiyain at maingat, nag-aalala palagi na kung magkamali ako at mamarkahan dahil sa isang paglabag, maiwawala ko ang pagkakataon ko para magtamo ng mga pagpapala. Napagtanto ko na ang aking mga pag-uugali ay resulta ng satanikong mga pilosopiya katulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Huwag humanap ng biyaya, kundi umiwas na masisi” na malalim na nag-ugat sa aking puso at pagganap bilang aking mga prinsipyo sa buhay. Naniwala lang ako na ang mga tao ay dapat mabuhay para sa kanilang sarili at tama at nararapat na maniwala sa Diyos upang magtamo ng mga pagpapala. Nang kinailangan ako ng iglesia para gampanan ang aking mga tungkulin, paulit-ulit kong tinitimbang kung aling tungkulin ang higit na magpapahintulot sa akin para magtamo ng mga pagpapala habang sa parehong pagkakataon ay hindi manganganib na mabunyag ang aking mga pagkukulang at katiwalian at maiwasan kong malagay sa isang sitwasyon kung saan maaari akong makagawa ng anumang malaking pagkakamali. Handa lang akong gawin ang isang tungkulin na tumugon sa mga kondisyong ito. Sa kabilang banda, nilabanan at tinanggihan ko ang anumang tungkulin na hindi magpapahintulot sa akin na magtamo ng mga pagpapala. Ang pagtamo ng mga pagpapala ay nangibabaw sa bawat aspekto ng pagganap ko sa aking tungkulin, at napakamapili ko sa kung anong mga tungkulin ang aking tatanggapin—hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Nasaan ang aking pagpapasakop at katapatan sa Diyos? Namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, laging naghahangad na makakuha ng kapalit mula sa Diyos at tinanggihan ang aking nakatalagang tungkulin alang-alang sa aking mga inaasam-asam at destinasyon. Hindi ba’t nagtaksil ako sa Diyos? Habang mas nagninilay ako, mas lalo kong nadama na ang aking mga layunin sa paniniwala sa Diyos ay talagang kasuklam-suklam. Kung hindi ko malutas ang problemang ito, ito ay magiging isang kakatisuran na hahadlang sa akin sa pagtapak sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Tunay nga, kung nagpatuloy ako sa ganoon at hindi nagbago ang aking disposisyon sa buhay, masusuklam ang Diyos sa akin at ako ay tuluyang matitiwalag. Naisip ko si Pablo, na ginugol ang kanyang buong buhay para sa Diyos para lang makoronahan at magantimpalaan. Sa kabuuan ng kanyang paggawa, hindi niya hinangad ang katotohanan o ang pagbabago ng disposisyon, at sa kabila ng paggawa sa loob ng maraming taon, hindi nagbago ang kanyang satanikong disposisyon. Sa huli, siya ay pinarusahan ng Diyos dahil sa paglaban sa Kanya. Naglakad ako sa parehong landas ni Pablo at kung hindi ako nagsisi, masusuklam ang Diyos sa akin dahil sa hindi ko paghahangad sa katotohanan at matitiwalag ako! Lumuhod ako sa harap ng Diyos at nanalangin sa Kanya: “O Diyos ko, ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako naging makasarili at kasuklam-suklam. Mula noong nagsimula akong sumampalataya, tanging mga pagpapala lang ang hinangad ko. Ayokong patuloy na maglakad sa maling landas na ito. Gusto ko lang gawin nang maayos ang tungkulin ko at tahakin ang landas ng paghahangad ng katotohanan.”

Nang maglaon, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nakatulong sa akin para mas maunawaan ko ang kahulugan at kahalagahan ng paggawa ng isang tao sa kanyang mga tungkulin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, ito ang pinakanararapat na bagay na magagawa nila, ang pinakamaganda at pinakamakatarungang bagay sa gitna ng sangkatauhan. Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang tungkulin nila, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilalang sa ilalim ng kapangyarihan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ito ay ganap na natural at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng mga tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa lupa; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pagpatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananalig sa Diyos. Ang matupad ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupurihin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat sa pagpaparangal—ito ay isang positibong bagay. … Bilang isang nilikha, kapag humarap ang isang tao sa Lumikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Ito ay isang bagay na talagang nararapat gawin, at dapat niyang tuparin ang responsabilidad na ito. Sa batayan na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, at isinakatuparan Niya ang isang karagdagang yugto ng gawain sa mga tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Kanya habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila. Kaya, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas sa buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang epektong gusto ng Diyos na makamtan ng sangkatauhan sa huli sa pamamagitan ng paggampan nila sa kanilang mga tungkulin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Tunay nga, kung paanong ang mga anak ay may obligasyon at responsabilidad na maging mabuting anak sa kanilang mga magulang, gayon din ang mga nilikha na may responsabilidad na gampanan ang kanilang mga tungkulin. Dapat ay walang transaksyon na gawain na kasangkot sa paggawa ng tungkulin ng isang tao. Isa akong nilalang, at binigyan ako ng Diyos ng buhay, pinagkalooban ako ng lahat ng kailangan ko at magiliw akong pinahintulutan na lumapit sa Kanya upang tanggapin ang pagtustos ng Kanyang mga salita at gampanan ang isang tungkulin—ito ay tanda ng pag-ibig at awa ng Diyos. Umaasa ang Diyos na hahanapin ko ang katotohanan at hahangarin ang buhay pagpasok sa kabuuan ng aking tungkulin. Nais niya na sa pamamagitan ng mga sitwasyong pinatnugot Niya para sa akin, magninilay ako sa aking sarili, magkakaroon ng kaalaman sa sarili, lulutasin ang aking tiwaling disposisyon, tutuntong sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, iwawaksi ang aking katiwalian, at magkakamit ng Kanyang kaligtasan. Kinailangan kong isantabi ang aking layunin at pagnanais na makakuha ng mga pagpapala, ibigay ang aking puso sa Diyos, at tapat na gampanan ang aking mga responsabilidad at tungkulin para aliwin ang puso ng Diyos. Pagkatapos niyon, nadama kong higit na malaya na ako sa aking tungkulin; bagama’t nadama ko pa rin ang pag-iingat at maling pagkakaunawa sa Diyos kung minsan, sinimulan kong sadyang hanapin ang katotohanan, maghimagsik laban sa aking sarili, inuuna ang mga interes ng iglesia, ginagawa ang aking tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at pag-iwas na maging mahiyain at maingat. Sa sandaling nagsimula akong magsagawa sa ganoong paraan, nadama ko ang higit na kapayapaan at kagaanan.

Habang iniisip ko muli ang buong karanasang ito, oras ko man ito para gumawa bilang isang lider o matanggal, napagtanto ko na maingat na namatnugot ang Diyos sa lahat ng mga sitwasyong ito upang hayaan akong magkaroon ng kaalaman sa sarili at iwaksi ang aking katiwalian. Ito ay ang kaliwanagan at pagtanglaw ng mga salita ng Diyos na nagbigay-daan sa akin para makilala ang aking mga nakalilinlang na pananaw at katiwalian at karumihan sa aking tungkulin, magkaroon ng kaunawaan sa marubdob na layunin ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at sa wakas ay makawala sa aking maling pagkaunawa at pag-iingat.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman