Matatalinong Dalaga lang ang Maaaring Sumalubong sa Panginoon

Hunyo 1, 2022

Ni Mingzhi, Tsina

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng dalawang uri ng tao kapag bumalik Siya, ang matatalinong dalaga at ang mga hangal na dalaga. Ang lahat ng naririnig ang tinig ng Panginoon, at pagkatapos ay tumatanggap at nagpapasakop, ay matatalinong dalaga. Ang lahat ng hindi naririnig ang Kanyang tinig, o iyong naririnig ito pero hindi naniniwala, o kahit tinatanggihan at kinokondena Siya, ay mga hangal na dalaga. Hindi simpleng bagay ang pagkilala sa tinig ng Panginoon. Kapag puno ang mga tao ng mga kuru-kuro at imahinasyon at walang pusong mapaghanap, mapipigilan sila kapag naririnig nila ang tinig ng Panginoon at mapupuno sila ng mga pagdududa. Matalino ang matatalinong dalaga dahil naririnig nila ang tinig ng Panginoon at nakikita nila kung saan ito nagmumula, na ang Espiritu ng Diyos ang nagsasalita. Nagagawa nilang bitiwan ang kanilang mga kuru-kuro at tanggapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Iyon ang dahilan kaya maaari nilang salubungin ang Panginoon. Pero ang mga hangal na dalaga ay hindi nakikinig sa Panginoon, nakikinig lang sila sa mga pastor at pinaniniwalaan ang kanilang sariling mga kuru-kuro. Maaaring naririnig nila ang tinig ng Panginoon, pero hindi nila ito tinatanggap, at kaya napapalampas nila ang kanilang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Dito nagkakamali ang mga hangal na dalaga. Dati akong isang hangal na dalaga. Pikit-mata akong nakinig sa mga pastor, na iniisip na yamang magpapakita ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw hindi ako dapat magsiyasat ng mga patotoo na nagbalik na ang Panginoong Jesus at nagpapahayag ng katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Muntikan ko nang mawala ang kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw! Lubhang mapanganib iyon. Gusto kong ibahagi ang aking karanasan.

Sumunod ako sa aking pamilya sa pananampalataya noong bata pa ako at palagi kong naririnig na sinasabi ng pari sa Misa, “Nalalapit na ang oras para sa pagbabalik ng Panginoon. Huwag kayong makikinig sa mga sermon ng iba. Sinasabi sa Biblia, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Magpapakita ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw. Mababa ang iyong tayog at kulang ka sa pag-aninaw, kaya madali kang mailigaw. Ang paniniwala sa maling landas ay isang pagtataksil sa Panginoon! Kailangan nating manatili sa landas ng Panginoon at hintayin Siyang pumarito at dalhin tayo sa Kanyang kaharian. Walang-pasubaling hindi natin maaaring pakinggan, basahin, o tingnan ang anumang ibang katuruan, lalong hindi ang anumang nagsasabi na nagbalik na ang Panginoon.” Makatwiran para sa akin ang lahat ng ito. Bata pa ako noon at kulang sa pag-aninaw, kaya kung nailigaw ako ng isang huwad na Cristo, ang pananampalataya ko sa lahat ng taong iyon ay walang kabuluhan. Sumumpa ako sa sarili ko na magiging maingat ako at hindi ako makikinig sa sinumang nangangaral ng iba.

Isang araw noong April 2012 sinabi ni Zhang, isang parokyano, na “Nagbalik na ang Panginoong Jesus. Siya ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao. Gumagawa Siya ng bagong gawain, ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos na ipinropesiya sa Biblia.” Nagulat at nagduda ako nang marinig ito. Tinanong ko siya, “Paano mo nalaman na nagbalik na ang Panginoon at gumagawa ng bagong gawain? Paano ka nakasisiguro?” Ang sagot niya ay, “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na babalik Siya at kakatok sa ating mga pintuan gamit ang Kanyang mga salita. Makikilala ng Kanyang tupa ang tinig Niya mula sa sinasabi Niya. Sasalubungin nila ang pagbabalik ng Panginoon at dadalo sa handaan ng kasal ng Cordero. Sila ang matatalinong dalaga. Isipin mo lang noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Ang mga taong tulad nina Pedro, Juan at Felipe ay nakinig sa Kanyang tinig at nalaman nila na Siya ang Mesiyas na hinihintay nila. Sumunod sila agad sa Panginoong Jesus at nakamit ang Kanyang pagliligtas. Maraming akong nabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakumpirma ko na ang mga ito ang katotohanan. Nagtataglay ang mga ito ng awtoridad at ang siyang tinig ng Panginoon. Sa ganoong paraan ko nasisiguro na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik. Kung hindi tayo tumutuon sa pakikinig sa tinig ng Panginoon kundi ay pikit-mata lang na nag-iingat laban sa mga huwad na Cristo, na isinasara ang ating pinto sa takot na mailigaw, at kung hindi natin ito sisiyasatin kapag naririnig ang ilang tao na nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon, malamang na mapagsasarhan natin ang Panginoon at mapalalampas ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw!”

Nagbigay ng kaliwanagan para sa akin ang pagbabahagi na ito. Ang pakikinig sa tinig ng Panginoon para salubungin Siya ay nakaayon sa Biblia at sa mga salita ng Panginoon. Kung hindi ko ito tiningnan o sinubukang makinig sa tinig ng Panginoon nang may nagsabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, paano ko Siya sasalubungin? Wala pa akong narinig na sinuman na nagbahagi tungkol sa mga salita ng Panginoon nang ganoon, at nadama kong nagbibigay ng kaliwanagan ang pagbabahagi niya. Marami pa akong gustong malaman, pero naalala ko ang palagiang mga babala ng pari tungkol sa mga huwad na Cristo na paparito sa mga huling araw para linlangin tayo at na hindi tayo maaaring makinig sa mga sermon ng iba. Agad kong itinaas ang depensa ko at nagdesisyon na hindi ako maaaring basta-basta makinig sa ibang katuruan. Hindi ba ang paniniwala sa maling bagay ay sasayangin ang mga taon ng aking pananampalataya? Tinanggihan ko si Zhang. Ilang beses pa niyang sinabi sa akin na dapat kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para makita ko kung ang mga ito ang tinig ng Diyos, pero masyado akong maingat, kaya palagi akong nakahahanap ng mga palusot para iwasan siya.

Isang araw makalipas ang dalawang buwan umuwi ang asawa ko na may dalang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sinabi niya na ito ay “sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 3:6) at na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik. Iminungkahi niya na tingnan ko ito. Natakot ako na nailigaw na siya, kaya sinabi ko sa kanya na hindi siya dapat nakikinig sa kung sino lang, pero determinado siyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Natakot ako na pinagtaksilan na niya ang Panginoon. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak, at mag-ayuno at magdasal para sa kanya. Makalipas ang ilang araw, dumating din ang biyenan ko at sinabing nagbalik na ang Panginoon. Sabi niya, “Sinabi ng Panginoon, ‘Mabilis Akong dumarating(Pahayag 22:7). Kung natatakot tayong mailigaw ng mga huwad na Cristo at nagdedesisyon na anumang balita ng pagbabalik ng Panginoon ay mali, ganap na tinatanggihan ang lahat ng ito, hindi ba natin itinatatwa at kinokondena ang pagbabalik ng Panginoon? Hindi ba tayo ang talo kapag ginawa natin iyon? Kung pagsasarhan natin ang tunay na Cristo, huli na ang ating mga pagsisisi. Pinag-iingat tayo ng Panginoon laban sa mga huwad na Cristo para sabihin sa atin na ang tunay na Cristo ay paparito sa mga huling araw at ang mga huwad ay magpapanggap bilang ang tunay na Cristo upang linlangin ang mga tao, kaya kailangan nating matutuhang maaninaw ang mga huwad. Kung hindi natin iyon magagawa, pero sa halip ay tinatanggihan at inaayawan lang na makinig sa anumang balita ng pagparito ng Panginoon, malamang na malamang na mapalalampas natin ang ating pagkakataon na salubungin ang Panginoon at mapababayaan Niya tayo.” Naantig ako ng sinabi niya. Naisip ko, “Tama iyon. Araw at gabi akong naghihintay para salubungin ang Panginoon. Kung isasara ko lang ang aking mga mata at tainga, paano ko maririnig ang tinig ng Diyos at sasalubungin ang Panginoon? Mukhang ang pagiging maingat lang ay hindi solusyon. Magiging napakahangal ko naman para tanggihan ang Panginoon!” Pagkaalis ng biyenan ko, nakita ko ang asawa ko na masigasig na binabasa ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Naisip ko kung paanong sa lumipas na huling ilang taon, ang iglesia ay walang buhay, ang mga parokyano ay naging mahina at negatibo at ang kanilang pananampalataya ay humina. Ang pananampalataya ng asawa ko ay parang mas malakas kaysa dati. Maaari kayang ang mga salitang iyon ay kasing makapangyarihan at may awtoridad na gaya ng sinasabi nila? Maaari kayang ang mga ito ang tinig ng Diyos? Naisip ko rin kung paanong nagbibigay ng kaliwanagan ang sinabi ni Zhang. Paano kung talagang nagbalik na ang Panginoon? Naisip kong dapat ko itong tingnan para makasigurong hindi ko mapalampas ang pagkakataon na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. At kaya, nagdasal ako sa Diyos na pagkalooban Niya ako ng pag-aninaw para marinig ko ang Kanyang tinig.

Binasa namin ng asawa ko ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos ng hapunan: “Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Kahanga-hanga ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na ang pananampalataya ay hindi lang pagdarasal araw-araw at pagdalo ng mga pagtitipon at Misa na nakatakda. Ito rin ay pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, pag-aalis ng ating mga tiwaling disposisyon, at pagkakaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang gayong pananampalataya ay umaayon sa kalooban ng Diyos. Habang lalo ko itong naiisip, mas nararamdaman ko kung gaano kadakila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na ang mga ito ang katotohanan, at hindi isang bagay na kayang sabihin ng sinumang tao. Naisip ko na mga salita talaga ng Diyos ang mga ito. Inalis ko ang pagiging maingat ko.

Makalipas ang ilang araw, nagpunta si Zhang sa tindahan namin at sinabi ko sa kanya ang mga alalahanin ko. Sinabi niya sa akin na ganoon din ang nararamdaman niya dati. Natakot siyang mailigaw ng huwad na Cristo, kaya pikit-mata siyang nakinig sa pari at hindi nakinig sa anumang ebanghelyo na nagsabing nagbalik na ang Panginoon. Pero hindi niya kailanman ikinonsidera kung ang sinabi ng pari ay nakaayon sa mga salita ng Panginoon. Sinabi sa atin ng Panginoon na ililigaw ng mga huwad na Cristo ang mga tao sa mga huling araw para matutunan natin kung paano sila maaaninaw. Pero inilarawan ng pari nang pamali ang sinabi ng Panginoong Jesus, sinasabi sa atin na huwag siyasatin o pakinggan ang anumang balita ng pagbabalik ng Panginoon. Hindi ba niya tayo sinusubukang pigilan sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon? Kung talagang nag-aalala siya na malilinlang tayo, bakit hindi niya tayo tinuruan kung paano maaaninaw ang tunay na Cristo mula sa mga huwad? Kung magagawa natin iyon, hindi tayo maililigaw. May katuturan sa akin ang paliwanag niya. Ang pagsasabi sa atin ng pari na maging pasibong maingat ay ganap na salungat sa sinabi ng Panginoon at isang pandaraya para pigilan tayo sa pagsalubong sa pagbabalik Niya. Alam kong hindi ko na siya maaaring pikit-mata lang na pakinggan. Kailangan kong maging isang matalinong dalaga at hanapin ang tinig ng Diyos para masalubong ang Panginoon. Hiniling ko kay Zhang na ipaliwanag sa akin kung paano maaaninaw ang tunay na Cristo mula sa mga huwad. Sabi niya, “Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang prinsipyo para makita ang pagkakaiba nila sa Mateo 24:24. Ang mga huwad na Cristo at huwad na propeta ay magpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan. Iyon ang pangunahin nilang gagawin sa mga huling araw para iligaw ang mga tao.” Pagkatapos ay binasa niya para sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sinabi ni Zhang, “Palaging bago ang Diyos, hindi kailanman naluluma. Hindi niya inuulit ang Kanyang gawain. Sa tuwing dumarating Siya para gumawa, nagsisimula Siya ng isang bagong kapanahunan at tinatapos ang luma, nagdadala ng mas bago at mas mataas na gawain. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, hindi Niya inulit ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Gumawa Siya ng isang yugto ng bagong gawain sa pundasyon ng gawain ng kapanahunang iyon—para matubos ang sangkatauhan. Sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Kung pumarito ang Panginoon at inulit ang gawain ng pagtubos sa mga huling araw, pagpapagaling sa maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan, hindi uusad ang gawain ng Diyos. Pumarito sa mga huling araw ang Makapangyarihang Diyos, na sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian at tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos, nagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao para ganap tayong mapalaya mula sa mga gapos ng kasalanan, malinis, at ganap na maligtas ng Diyos. Pero ang mga huwad na Cristo ay masasamang espiritu at mga diyablo sa diwa. Anumang klase ng mga tanda at kababalaghan ang ipakita nila, o kung paano man nila tawagin ang kanilang sarili na Diyos, hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan o ipahayag ang mga salita ng Diyos. Lalong hindi nila kayang magsimula ng isang bagong kapanahunan o tumapos ng luma. Ang mga huwad na Cristo ay kaya lang gayahin ang mga lumang salita at gawain ng Panginoon, magpakita ng ilang simpleng tanda at kababalaghan, o magsabi ng mga bagay na hindi totoo pero parang totoo kung pakikinggan para manlinlang ng mga taong walang pag-aninaw. Pero ang mga himala ng Panginoong Jesus na tulad ng pagpapakain sa limang libong tao gamit ang limang tinapay at dalawang isda, pagsaway sa hangin at dagat, at muling pagbuhay kay Lazaro ay hindi kailanman magagaya. Hindi kailanman magagawa ng mga huwad na Cristo ang mga ganoong bagay.” Nakapagbigay ito ng kaliwanagan sa akin. Naisip ko, “Hindi pa ako nakarinig kailanman ng ganoon kalinaw na paliwanag ng kung paano makikilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at nagbubukas ang mga ito ng landas para sundan ng mga tao. Ngayon ay nakikita ko nang kaya lang gayahin ng mga huwad na Cristo ang gawaing nagawa ng Panginoon noon at magpakita ng ilang maliliit na himala para linlangin ang mga tao. Ang Diyos lang ang kayang magsimula ng isang bagong kapanahunan at magtapos ng luma, at magpahayag ng mga katotohanan para tustusan tayo.”

Pagkatapos ay nagbasa si Zhang ng ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Matapos niyang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin, sinabi niya, “Si Cristo ang Diyos na nakabihis sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao na pumarito para magpakita at gumawa sa piling ng tao. Mula sa labas, mukha lang Siyang isang regular na tao, pero banal ang Kanyang diwa. Iyon ang dahilan kung bakit kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at ang disposisyon ng Diyos, at gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Walang taong makagagawa niyon. Ang susi sa pag-aninaw sa tunay na Cristo ay ang tingnan kung kaya nilang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas. Ito ang pinakapangunahin at pinakamahalagang prinsipyo. Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus mukha lang Siyang isang regular na tao, pero ibinunyag Niya ang mga misteryo ng kaharian ng langit at dinala ang daan ng pagsisisi. Tinuruan Niya ang mga tao na mahalin ang Panginoon nang kanilang buong puso, buong kaluluwa, at buong isip, na mahalin ang iba na tulad ng kanilang sarili, na magpatawad ng mga tao nang makapitongpung pitong beses. Ipinahayag Niya ang mapagmahal at maawaing disposisyon ng Diyos at sa huli ay ipinako Siya sa krus bilang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan, sa gayon ay kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Makatitiyak tayo mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, at sa disposisyong ipinahayag Niya na Siya si Cristo, Siya ang Diyos Mismo sa katawang-tao. Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na sa mga huling araw at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Ipinahahayag Niya ang lahat ng katotohanang makapagliligtas at makalilinis sa sangkatauhan. Ibinunyag na ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano tayo nagawang tiwali ni Satanas, kung paano tayo inililigtas ng Diyos nang paisa-isang hakbang, ang misteryo ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, ang kabuluhan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung paano Niya tinutukoy ang destinasyon at kalalabasan ng mga tao, kung paano isinasakatuparan sa lupa ang kaharian ni Cristo, at marami pa. Hindi lang inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryong ito ng Biblia, kundi inilalantad at hinahatulan din Niya ang pinag-ugatang dahilan ng pagkakasala at paglaban ng mga tao sa Diyos, na siyang ating satanikong kalikasan at ating mga satanikong disposisyon. Ibinubunyag din Niya ang Kanyang matuwid at banal na disposisyon na hindi magpapahintulot ng anumang paglabag at ipinapakita sa atin ang paraan para alisin ang kasalanan at madalisay—halimbawa, kung paano tayo dapat manampalataya, kung paano magsisi at makapasok sa kaharian ng Diyos, kung paano tayo dapat magkaroon ng pananampalataya, at kung paano tayo dapat magpasakop sa Diyos at mahalin ang Diyos, kung ano ang paggawa sa Kanyang kalooban, at marami pa. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nakabuo na ng isang grupo ng mananagumpay, at parami nang paraming mga hinirang ng Diyos ang nakalikha ng maraming patotoo ng pagwawagi kay Satanas. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay lumaganap na mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, na ganap na tumutupad sa propesiya ng Panginoon na: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Ang mga katotohanang Kanyang ipinahahayag, ang gawain ng paghatol na Kanyang ginagawa, at ang bunga ng Kanyang gawain ay nagpapatunay lahat na Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik. Siya ang pagpapakita ni Cristo ng mga huling araw. Walang sinumang makatatanggi nito. Tulad ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaang yaong ibinubunyag Niya na magpatunay sa Kanyang diwa. Hindi walang batayan ang diwa Niya; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; matutukoy ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). Walang banal na diwa ang mga huwad na Cristo at hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan. Paano man nila igiit na sila ang Diyos, na sila si Cristo, peke at mapanlinlang ang lahat ng ito. Ang pagsunod sa kanila ay parang pagsakay sa isang barko ng mga pirata. Hindi ito maaaring humantong sa mabuti. Paano man sila magpanggap bilang si Cristo, maaari lang nilang linlangin ang mga tao sa isang takdang panahon. Tiyak na malalantad sila ng mga katotohanan at hindi magtatagal ay madadaig. Si Cristo lang ang kayang magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Iyon ang dahilan kaya ang susi sa pagkilala sa tunay na Cristo mula sa mga huwad ay ang tingnan kung kaya nilang ipahayag ang katotohanan at ang tinig ng Diyos at kung kaya nilang gawin ang gawain ng paglilinis at pagliligtas sa tao. Iyon ang pinakaimportante.”

Nabigyan ako ng labis na kaliwanagan ng pagbabahagi niya. Ang susi sa pag-aninaw sa tunay na Cristo ay ang tingnan kung kaya nilang ipahayag ang katotohanan, at kung oo, iyon nga si Cristo, iyon ang Panginoong nagbalik. Para sa sinumang hindi kayang ipahayag ang katotohanan, paano man niya sabihing siya si Cristo, isa pa rin siyang impostor, isang huwad na Cristo, isang manlilinlang. Nadama ko na ang paraang ito ng pag-aninaw ay napakasimple at praktikal. Napakakahanga-hangang landas ng pagsasagawa! Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa kung paano makikilala ang mga huwad na Cristo mula sa tunay na Cristo. Talagang ang mga ito ang katotohanan! Naisip ko kung gaano ako naging kahangal at kamangmang, pikit-mata lang na nakikinig sa pari. Hindi ko hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa takot na mailigaw ng isang huwad na Cristo. Hindi ko sinusubukang makinig sa tinig ng Panginoon, kaya muntik ko nang mapalampas ang aking pagkakataong salubungin ang Panginoon. Talagang gumagawa ako ng magdudulot sa akin ng problema at naging isang hangal na dalaga! Kung hindi dahil sa awa at pagpapaubaya ng Panginoon, at sa pagkatok Niya sa aking pintuan sa pamamagitan ng aking mga mahal sa buhay at sa paulit-ulit na pagbabahagi ni Zhang ng ebanghelyo, nanatili sana ako sa relihiyon buong buhay ko nang hindi naririnig ang tinig ng Diyos o nasasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Tunay na nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman