Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoon, Kanino Dapat Makinig ang Tao?
Ano ang susi sa pagsalubong sa pagdating ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig” (Juan 10:27). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya” (Mateo 25:6). Prinopesiya ng Pahayag: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Pinapakita ng mga propesiyang ito na ang pakikinig sa tinig ng Diyos ang susi sa pagsalubong sa Panginoon. Ang pakikinig sa tinig Niya ang tanging paraan. Pero iniisip ng maraming mananampalataya na dahil alam ng mga pastor ang Biblia at lagi itong ipinapaliwanag, sila dapat ang maging bantay para sa ganito kahalagang bagay. Kaya pag nakakarinig sila ng patotoo na nagbalik na ang Panginoon, hindi nila ‘yon sinisiyasat at di pinapansin na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan. Sa Diyos ba naniniwala ang gano’ng mga tao, o sa mga pastor? Kanino tayo dapat makinig tungkol sa pagdating ng Panginoon? Dapat ba tayong makinig sa tinig ng Diyos, o sa mga pastor? Hindi ko ito naunawaan sa pananalig ko no’n, bulag akong nakinig sa pastor ko at muntik nang ‘di masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
Nung June 2017, nakilala ko sa Facebook sina Sister Liu at Brother Duan mula sa Germany. Sa pag-uusap namin, nakita kong mapagkumbaba at maaasahan silang mga tao may dalisay na pag-unawa sa Biblia’t nakakapagturong pagbabahagi. Marami akong nakamit. Ah, nagkaro’n kami ng ilang pagtitipon at marami akong natutuhang katotohanan gaya ng kung ano ang tunay na pananalig at tunay na pagsisisi, ano ang pagsunod at pagpapasakop sa Diyos, ano ang pagsunod at pagpapasakop sa tao, ang diwa at ugat ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus, pa’no dinggin ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Marami akong nakamit na panustos dito at pinasaya nito ang puso ko. Nasiyahan ako sa mga pagtitipong ito. Sa isa sa mga ‘yon, binasa ni Brother Duan ang ilang verse sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Sinabi niyang sa mga huling araw, nagkakatawang-taong muli ang Panginoon bilang ang Anak ng tao para dumating at gumawa at matagal na ring natupad ang propesiyang ito. “Nagbalik na ang Panginoon bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, at gumagawa Siya ng gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ipinahayag na Niya ang mga katotohanang nagdadalisay at nagliligtas at para ‘yong malaking liwanag na nagniningning sa Silangan, at ito ang ‘kidlat’ mula sa Silangan.” Medyo nagulat ako nang marinig ko ito. “Nagbalik na ang Panginoong Jesus?” At naalala ko yung sinabi ng pastor, na’ng Kidlat ng Silanganan lang ang nagpapatotoong bumalik na’ng Diyos, at huwag paniwalaan ‘yon dahil ang Panginoong Jesus lang ang Cristo. Hindi ako mapakali at hindi ako makapagfocus sa pagbabahagi ni Brother Duan. Naisip ko, “Pinaglilingkuran ng pastor at mga elder ang Panginoon at alam nila ang Biblia. Alam dapat nila ang tungkol sa ganitong kahalagang bagay, kaya tatanungin ko muna sila tungkol dito.”
Pumunta ako sa iglesia at tinanong ko ang pastor. At sinabi niya sa’kin: “May kahulugan sa ipinapangaral nila pero ipinapatotoo nila na nagbalik na ang Panginoon bilang ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao. Imposible ‘yon. Ang Panginoong Jesus lang ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya naniniwala sila sa isang tao. Inaapi ng Komunistang Tsina ang iglesia nila at pagtataksil sa Panginoong Jesus ang paniniwala sa Kidlat ng Silanganan.” Nang marinig ko ‘yon, nagdulot ‘yon ng matinding takot sa akin. Naisip ko, kung gano’n pala ‘yon, nalihis na sa Panginoon sina Sister Liu at Brother Duan. Nagduda ako tungkol sa kanila at naging mas maingat, at ayoko nang makipagkita pa sa kanila. Pero nag-alangan ako nang maisip ko ang patotoo nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kung totoo ‘yon at hindi ko ‘yun siniyasat, tiyak na patatalsikin ako ng Panginoon, hindi ba? Ngunit, kung ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao, ba’t ayaw ‘yong tanggapin ng pastor, at sinasabing naniniwala sila sa isang tao? Mas maraming alam at nauunawaan ang pastor tungkol sa Biblia kesa sa’kin kaya dapat akong lumayo sa kanila para makaiwas sa pagkaligaw. Pero nang makauwi ako, talagang balisa ako at hindi mapakali sa sarili ko. Miserable ako at talagang nalulungkot ako. Nanalangin ako sa Panginoon: “Panginoon, ngayon ay nakinig ako sa pastor at nagsimula na ‘kong magduda kina Sister Liu at Brother Duan. Takot na ‘kong siyasatin ang Kidlat ng Silanganan. Nananabik na ‘ko sa pagbabalik Mo, pero natatakot akong tahakin ang maling landas at pagtaksilan Ka. Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin. Patnubayan Mo ako para malaman ko ang tama sa mali.”
Unti-unti akong nagkamit ng kapayapaan matapos manalangin at biglang pumasok sa isip ko ang ibinahagi ni Sister Liu: Ang Diyos ang pinakamahalaga at dapat nakabatay sa mga salita Niya ang lahat, lalo na ang bagay na kasing-halaga ng pagsisiyasat ng tunay na daan. Kung nakikinig lang tayo, naniniwala at sumusunod sa mga tao sa lahat ng bagay, malilihis tayo sa landas ng Panginoon. Sinimulan kong magnilay sa sarili ko. Noong narinig kong nagbalik na ang Panginoon, hindi ko muna hinanap ang Kanyang kalooban o inalam ang sinasabi ng mga salita Niya rito o kung nagmula ba ito sa Diyos. Sa halip, sinamba ko ang pastor at nakinig sa kanya. Hindi ‘yon ang kalooban ng Panginoon. Sa mga pagtitipong nadaluhan ko kasama ang mga taga Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakakapagpaliwanag ang pagbabahagi nila at naaayon din ito sa Biblia at malinaw ang mga paliwanag nila sa kalooban ng Diyos. Napakaraming hindi ko alam ang naunawaan ko mula lang sa ilang pagtitipon at mas naging malapit ako sa Diyos at lumago ang pananampalataya ko. Nagmula ito sa Diyos at taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Pero hindi ko tiningnan kung taglay ba ng Iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu o ang panustos ng katotohanan. Naisip ko lang na alam na alam ng pastor ang Biblia kaya naniwala ako na hindi pa nagbabalik ang Panginoon. Taglay ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at gawain ng Banal na Espiritu pero hindi ko pa rin ‘yon siniyasat. Hindi ba’t pananalig ‘yon sa pastor? Pa’no ‘yon naging paniniwala o pagsunod sa Diyos? Naisip ko nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Alam ng mga punong saserdote, eskriba’t Fariseong naglingkod sa Diyos sa templo ang mga Kasulatan at mga batas sa loob at labas pero hindi nila nakilala ang Panginoong Jesus bilang ang Mesiyas. Sa halip, mariin nila Siyang tinutulan at kinondena at ipinapako pa Siya sa krus. Natanto kong ang pagiging bihasa sa Biblia ay magkaiba sa pagkilala sa Diyos, at kung bulag kong pinakinggan ang pastor, sasalungat ‘yon sa kalooban ng Diyos. Nagpasya akong patuloy na dumalo sa mga pagtitipon kasama sina Sister Liu at Brother Duan at kung matiyak kong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon, tatanggapin at susundan ko Siya.
Sa mga sumunod na pagtitipon ibinahagi ko sa kanila ang lahat ng mga pagkalito ko. Sabi ni Brother Duan, “Mayro’n bang basehan ang sinabi ng pastor mo, na Ang Iglesiang ito’y naniniwala sa tao? Nabasa na ba niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos o siniyasat ang gawain Niya? Hindi ba siya natatakot na labanan ang Diyos sa pagkondena sa Iglesia nang ganito? Hinatulan ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus bilang karaniwang tao lang. Hindi sila nakinig sa mga ipinahayag Niya, sa halip, nilabanan at kinondena Siya at nakipagsabwatan sa pagpapapako sa Kanya, nakakamit ang parusa ng Diyos. Hindi sinisiyasat ng mga pastor kung katotohanan ba ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, o kung yun ba ang tinig ng Diyos. Itinatanggi at kinokondena lang Siya. Hindi ba’t ‘yon din ang maling ginawa ng mga Fariseo? Kung ang Makapangyarihang Diyos talaga ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang nagbalik na Panginoong Jesus, ay hindi matutukoy ng pagsang-ayon ng mundo ng relihiyon o ng pamahalaan. Dapat nating makita kung ang mga salita Niya ang katotohanan at kung ginagawa Niya ang gawain ng Diyos. Ito nga ang susi.” Para mas maipaliwanag ang pagkakatawang-tao binasahan niya ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
Tapos, ibinahagi ito ni Brother Duan: “Ang Diyos na nagkatawang-tao’y ang Espiritu ng Diyos na balot ng laman. Siya’y nagiging karaniwang tao, gumagawa para iligtas ang sangkatauhan. Mukhang normal at karaniwan ang Diyos na nagkatawang-tao. Nagtataglay Siya ng normal na katauhan, kumakain at nagdadamit gaya ng iba, at may normal Siyang emosyon ng tao. Gayunpaman, banal ang Kanyang diwa. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan para sustenahan ang tao anumang oras o lugar. Ginagawa Niya ang gawain ng Diyos at ipinapahayag Niya ang disposisyon ng Diyos at kung ano’t meron Siya. Ito’y hindi kayang gawin ng sinumang nilikhang nilalang. Gaya rin ng Panginoong Jesus na mukhang isang karaniwang tao, ngunit ipinahayag ang katotohanan at dinala ang daan ng pagsisisi. Pinatawad Niya ang mga kasalanan ng tao at ipinahayag ang awa at pag-ibig ng Diyos. Nagpagaling siya, pinalayas ang mga demonyo, at nagsagawa ng tanda’t kababalaghan gaya ng pagpapakain sa limanlibo ng limang tinapay at dalawang isda, pagpapakalma sa dagat sa isang salita, pagpapabangon sa mga patay. Ipinakita Niya ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Sa huli, ipinako Siya sa krus na kumumpleto sa gawain Niya ng pagtubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Nakikita natin sa gawain at mga salita ng Panginoon at mga disposisyong ipinahayag Niya na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao—Siya ang Cristo. Muling naging tao ang Diyos sa mga huling araw bilang ang Makapangyarihang Diyos. Gaya ng Panginoong Jesus, mukha Siyang normal na tao mula sa panlabas. Nabubuhay Siya sa gitna ng sangkatauhan at hindi kahima-himala, ngunit ipinapahayag Niya ang mga katotohanang naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ang paghatol ng Diyos para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at ihatid tayo sa kaharian ng Diyos. Ibinubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos para magligtas. Kasama ang katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, Biyaya, at Kaharian at kung anong nakakamit no’n, ang mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos at Kanyang pagkakatawang-tao, ang kahalagahan ng paghatol Niya sa mga huling araw, kung pa’no Niya tinatapos ang isang panahon at ‘binubukod ang tao ayon sa uri, mga katapusan ng iba’t ibang tao, kung pa’no matutupad sa lupa ang kaharian ni Cristo, at marami pa. Inihayag Niya rin ang katotohanan ng pagtitiwali sa’tin ni Satanas. at ang satanikong kalikasan natin, para makita natin ang ating Satanikong disposisyon gaya ng pagiging mapagmataas, at pagkamuhi sa katotohanan. Naibunyag Niya rin sa’tin ang matuwid, di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos at ipinakita sa’tin ang tiyak na landas para baguhin ang mga disposisyon natin. Sino pa ba ang makapagpapahayag ng katotohanan bukod sa Diyos? O makakahatol para maglinis at magligtas ng tao? O ang makapaghahayag ng matuwid, di-naaagrabayadong disposisyon ng Diyos? At sino pa ang makatutukoy sa mga katapusan ng tao? Ang Diyos lang sa katawang-tao ang makagagawa ng ganitong praktikal na gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ginawa sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoon. Isa itong mas bago, mas mataas na yugto ng gawain. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoon: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan’ (Juan 16:12–13). ‘Hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:47–48). Ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang gawain Niya ng paghatol, at ang mga disposisyong ipinapakita Niya’y nagpapatunay na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos sa katawang-tao, Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya ang Cristo ng mga huling araw. Hindi tayo makakapagbase sa itsura sa pagtukoy kung Siya nga si Cristo. Ang susi ay kung ipinapahayag Niya ang katotohanan, kung kaya Niyang tubusin at iligtas ang sangkatauhan.”
Nakakapagpasigla sa’kin ang pagbabahagi ni Brother Duan. Ang pagkakatawang-tao ay ang Diyos sa langit na dinamitan ng laman ng isang karaniwang tao. Mukha lang Siyang gaya ng sinuman, ngunit taglay Niya ang diwa ng Diyos. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain Niya. Isa itong bagay na hindi kayang gawin ng karaniwang tao. May pinaalala itong verse sa’kin: “Ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios” (1 Corinto 2:11). Sino pa kundi ang Diyos na nagkatawang-tao ang malinaw na makapagpapaliwanag ng mga hiwaga ng pagkakatawang-tao? Kung hindi babasahin ang mga katotohanan ng Makapangyarihang Diyos, puede mong mapagkamalang isang karaniwang tao si Cristo mula sa panlabas at puede mo nang matanggihan at malabanan ang Diyos!
Tapos, nagbahagi si Sister Liu. Sabi niya, “Tinutupad ng pagpapakita ng Makapangyarihang Diyos ang mga propesiya ng Biblia. Siya nga ang nagbalik na Panginoong Jesus. Maraming mananampalataya sa mga denominasyon ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na iyon ang katotohanan at tinig ng Diyos, at bumaling sila sa Makapangyarihang Diyos. Niyanig ng gawain Niya at mga salita ang buong mundo ng relihiyon. Tiyak na narinig na ng mga pastor ang tungkol dito, kaya ba’t di nila sinisiyasat at binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Ba’t nila pinipilit na labanan ‘yon? Alam ng mga Fariseo na nanggamot ang Panginoong Jesus, nagpalayas ng mga demonyo, nangaral at nagmula ‘yon sa Diyos, pero sadya nila Siyang itinanggi, sinasabing Isa Siyang Nazareno, anak ng isang karpintero. Mariin nila Siyang sinalungat at kinondena at nakipagsabwatan sa pamahalaang Romano para ipapako Siya sa krus. Tinanggihan at kinondena nila si Cristo. Sila ang mga kaaway Niya. Mga anticristo silang inilantad ng gawain ng Diyos. Nagpakita na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at alam na ng mga pastor at elder na nagpapahayag Siya ng katotohanan para humatol. Hindi lang nila ayaw na siyasatin ‘yon, nagkakalat pa sila ng mga tsismis para itanggi ang Makapangyarihang Diyos. Sa mga iglesia nila, ikinakalat nila ang mga tsismis ng CCP na sinisiraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nakikipagsanib sila sa ateistang Partido para labanan Siya. Ano’ng kaibahan nila sa mga Fariseo na lumaban sa Panginoong Jesus? Sabi sa Biblia, ‘Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo’ (2 Juan 1:7). ‘At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesucristo, ay hindi sa Diyos: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanlibutan na’ (1 Juan 4:3). Itinatanggi ng pastor si Cristo, at kinokondena ang Cristo ng mga huling araw. Hindi ba sila mga anticristong inilantad ng gawain ng Diyos?”
Sa wakas ay nalinawan din ang mga pangamba ko dahil sa pagbabahagi ni Sister Liu. Natanto kong walang alam ang mga pastor tungkol kay Cristo o sa pagkakatawang-tao. Naniniwala sila sa Panginoong Jesus, pero hindi nila alam ang diwa Niya. Nagbalik Siya para gumawa sa katawang-tao, nagpapahayag ng napakaraming katotohanan, pero ayaw nila ‘yong siyasatin o kilalanin man lang Siya. Siya’y kinokondena at sinasalungat nila. Mga kaaway sila ng Diyos! Hindi ko na sila pwedeng sundan sa halip ay dapat kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Handa na akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos ano man ang maaaring gawin ng pastor ko.
Nalaman ng pastor ko ang tungkol sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos. Agad siyang nagwala sa galit, pinagalitan ako dahil sa paniniwala kong ito. Naniniwala raw ako sa tao at mali ‘yon, at sinabihan ang asawa kong subukang baguhin ang isip ko. Wala siyang alam sa kasinungalingan ng pastor, kaya hinadlangan niya ang pananampalataya ko. Talagang para siyang ibang tao no’n. Nagagalit siya kapag nalalaman niyang galing ako sa isang pagtitipon at pinabayaan niya ang negosyo namin para puwersahin akong bitawan ang pananalig ko. Talagang napakasakit ng ginawa niya sa’kin. Nung panahong iyon, sinubukan din akong pigilan ng asawa ng pastor. Ilang oras siyang nananatili sa bahay namin at hindi ako makapagbasa ng mga salita ng Diyos dahil kailangan ko siyang samahan. Hindi na ako makagawa ng gawaing-bahay. Nakakabagabag sa’kin ‘yon.
Talagang nagalit ako sa mga kilos ng pastor. Ayaw niyang siyasatin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus at nilinlang niya ako para pigilin ako sa pagtanggap ng tunay na daan. Ginamit pa niya ang asawa ko para humadlang at mawala’ng pagliligtas sa’kin ng Diyos. Napakakasuklam-suklam! Naisip ko ang Panginoong Jesus habang inilalantad ang mga Fariseo: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). Pakiramdam ko, gano’n din ang mga makabagong pastor at elder. Ayaw nilang pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon, nanlilinlang sila para hadlangan ang mga gustong sumalubong sa Kanya. Gusto nila tayong mapunta sa impyerno, maparusahan at mailibing kasama nila. Sila ang mga balakid natin sa landas patungo sa kaharian. Mga anticristo’t demonyo silang lumalamon ng kaluluwa! Gaya ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Natanto ko ang hipokrito, galit sa katotohanang diwa ng pastor at mas naging ganado akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Lagi kong iniidolo ang mga pastor, at hindi ko inakala na itong mga nakakaalam sa Biblia at naglilingkod sa Diyos ay mga anticristo na galit sa katotohanan na humahadlang sa pagpasok natin sa kaharian ng Diyos. Kung ‘di dahil sa paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao, paglalantad sa masasamang lingkod at mga anticristo sa mga iglesiang ito, mawawasak ako ng pastor nang hindi ko man lang nalalaman. Sa awa’t kaligtasan ng Diyos ay natanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos!
Matapos ‘yon, sumandal ako sa Diyos at tumayong saksi, at tumigil ang asawa ko sa paghadlang sa’kin. Ngayon, dumadalo ako sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid at ginagawa ang tungkulin ko sa iglesia. Puno ako ng kapayapaan at kagalakan. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.