Ang Diyos ay Bumalik Na: Hindi Na Ako Mabubuhay pa sa mga Relihiyosong Ritwal

Oktubre 10, 2021

Ni Gengxin, Australia

Tala ng Patnugot: Sa loob ng dalawang libong taon, ang lahat ng naniniwala sa Diyos ay sumunod sa ilang mga kaugaliang panrelihiyon tulad ng liturhiya, pagkukumpisal, pagdalo sa Misa, pagdarasal, at pagdiriwang ng ilang mga pista opisyal. Naniniwala sila na ang pagsunod sa mga relihiyosong ritwal na ito ay ang tanging paraan upang mapalugod ang Diyos. Si Gengxin, isang kapwa mananampalataya, ay hindi kailanman tinanong kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos o hindi, hanggang sa tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Noon lamang siya nakatamo ng isang bagong pag-unawa sa mga relihiyosong ritwal. Tingnan natin ang kanyang karanasan.

Ang Diyos ay Bumalik Na: Hindi Na Ako Mabubuhay pa sa mga Relihiyosong Ritwal

Ang Aking Kasiglahan sa mga Relihiyosong Ritwal ay Lumalamig

Galing ako sa isang pamilya ng mga Katoliko, at lumaki akong binibigkas ang mga panalangin kasama ang aking mga magulang. Ang gobyerno ng Komunistang Tsino ay pinipigilan ang Katolisismo noong panahong iyon, kaya palagi kaming nahaharap sa panganib na maiulat at pagkatapos ay maaresto. Ngunit kahit na gayon, palagi kaming nag-iisip ng paraan upang makarating doon tuwing ang pari ay nagbibigay ng misa sa bahay ng isang tao. Hindi rin kami pumalya sa pagbigkas ng mga panalangin araw-araw, at binasa namin ang anumang panalangin na inirekomenda ng Simbahang Katoliko para sa bawat pista opisyal. Nag-ayuno kami kada Biyernes Santo at ginawa namin ang Daan ng Krus; pinagdiwang namin ang iba’t ibang mga pista opisyal, tulad ng Pista ng Bautismo, Biyernes Santo, Mahal na Araw, at Pasko. Sinabi sa amin ng pari na sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng mga relihiyosong ritwal na ito, sinamba namin ang Diyos at ginawa kaming mga tapat na mananampalataya, na ito ay isang bagay na ipinagdiriwang ng Diyos, at na sa pagbalik ng Panginoon, dadalhin Niya kami sa langit.

Noong una kong sinimulang gawin ang mga ritwal na ito, nag-uumapaw ako sa pananampalataya at talagang masigasig ako tungkol dito. Ramdam ko rin ang gawain ng Banal na Espiritu—tuwing nagsasagawa ako ng ritwal, talagang naaantig ako. Ngunit pagkatapos ng ilang taon, napagtanto ko na ang mga sermon ng pari ay laging tuyot, tila nirerecycle niya ang parehong mga lumang bagay nang paulit-ulit. Walang nararamdamang sariwa o bago, at talagang hindi na ako nasisiyahan. At hindi na ako naantig habang sinusunod ang alinman sa lahat ng mga ritwal na iyon, ngunit sa halip ay nakakapagod at nakakagambala ito. Minsan, kapag bumibigkas ako ng mga kasulatan o gumagawa ng Daan ng Krus, hirap na hirap talaga ako sa paghahanap ng kapayapaan sa kalooban, at iniisip ko ang aking negosyo kasabay nito, nais na magmadali at matapos upang makagawa ako ng iba pang bagay. Minsan hindi ko na lamang ginagawa ang mga ritwal na ito kapag abala ako sa trabaho, iniisip na babawi ako dito sa paglaon—ganap akong sumusunod sa agos. Ngunit pagkatapos ay iisipin ko ang tungkol sa pari na nagsasabing ginagawa namin ang mga bagay na ito para sa Diyos, at kailangan naming maging matatag sa sa mga ito o kung hindi ay hindi kami mga tunay na mananampalataya. Kaya’t sa pagsisikap na maging isang mabuting Katoliko at makapunta sa langit, pinilit ko na lamang ang aking sarili na patuloy na gawin ang mga ito.

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon

Isang araw ay tinawagan ako ng aking nakakatandang kapatid na babae at sinabi na mayroong isang prayle na kakabalik lang mula sa pag-aaral sa ibang bansa, na nagbibigay ng napakagagandang mga sermon. Inimbitahan niya ako at ang aking asawa na dumalo sa isa sa kanyang mga sermon, sinasabi na ito ay talagang isang bibihirang pagkakataon. Alam kong masigasig ang aking kapatid na babae sa kanyang pananampalataya, at kung sinabi niya na ang kanyang mga sermon ay talagang maganda, ito ay isang pagkakataon na hindi ko dapat palampasin. Sinabi ko sa kanya na pupunta kami.

Nagpunta kami ng aking asawa sa bahay ng aking kapatid na babae kinabukasan, kung saan talagang sinalubong kami ng pari at ipinakilala ang kanyang sarili bilang Zhang. Nagkuwento rin siya ng tungkol sa katotohanang maraming mga simbahan sa buong mundo ang nakakaramdam ng kalungkutan at kapanglawan—talagang nakisimpatiya ako roon. Pagkatapos ay binasa ng prayleng si Zhang ang ilan sa salita ng Diyos at iniugnay ito sa mga biblikal na propesiya, na sinasabi sa amin ang tungkol sa 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos. Sinabi rin niya na sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang maging isang handog dahil sa kasalanan upang matubos ang sangkatauhan sa ating mga kasalanan, ngunit ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring naka-ugat. Kung nais nating maging ganap na malaya sa kasalanan, kakailanganin nating tanggapin ang isa pang hakbang ng gawain na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, ang hakbang ng paghatol, pagkastigo, at pagdadalisay. Iyon ang magiging tanging paraan upang maiwaksi ang mga kadena ng kasalanan at lumapit sa Diyos. Ang kanyang pagbabahagi ay talagang kapanapanabik para sa akin, at hindi pa ako nakarinig ng gayong praktikal na sermon sa buong panahon ko ng pananampalataya. Totoong nasiyahan ako rito.

Pagkatapos ay sinabi niya sa amin ang tungkol sa mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos at ang pagkakatawang-tao, at iba pang mga aspeto ng katotohanan tulad ng panghuling patutunguhan at kalalabasan ng sangkatauhan. Sinabi rin niya na ang Panginoong Jesus, na hinintay natin, ay bumalik na, na Siya ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao. Ang lahat ng hiwagang ito ay mga bagay na natutunan niya mula sa mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. At sinabi niya sa amin na ipinahayag na ng Diyos ang lahat ng mga katotohanan na kailangan natin upang malinis, at ang kailangan lang nating gawin ay basahin ang mga salita ng Diyos at isagawa ito, tayo ay ganap na maliligtas sa gayon. Ang sermon ng prayleng si Zhang ay talagang magandang sorpresa para sa akin. Lahat ng ito ay may katwiran. Kung hindi dahil sa mga bagay na ito na nagmumula sa bibig ng Diyos, walang sinuman ang maaaring magbukas ng mga misteryong ito. Alam kong tiyak sa loob ng aking puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoon na bumalik. Ang aking asawa ay may parehong pakiramdam, kaya masayang tinanggap namin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagsimulang mamuhay ng buhay iglesia.

Ang Pag-alam na ang Gawain ng Diyos ay Bago at Buhay

Isang araw ay binisita kami ni Brother Zhang sa aming bahay sa oras ng hapunan. Nang makita na kami ng aking asawa ay ginagawa pa rin ang tanda ng krus at nagdarasal bago kumain, sinabi niya sa amin na ang mga ito ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit ngayong nasa Kapanahunan ng Kaharian na tayo, hindi na natin kailangang panatilihin ang pagsunod sa mga patakarang ito. Sinabi niya sa amin na kailangan lang naming basahin ang mga salita ng Diyos at isagawa ang mga ito. Mayroon akong sariling mga ideya tungkol sa kung ano ang sinabi niya, at sinabi ko sa kanya, “Sa loob ng 2,000 taon, lahat ng mga mananampalataya ay gumagawa ng liturhiya, nagkukumpisal, dumadalo sa Misa, nagbibigkas ng mga panalangin, at nagdiriwang ng mga pista opisyal. Ito ang mga bagay na kailangan naming gawin—paano namin sila maisusuko? Kung tumigil kami, hindi ba iyon pagtalikod?”

Pinakinggan niya ako at pagkatapos ay sinabi, “Napakanormal para sa iyo na mag-isip ng ganito. Ganyan din ang aking inisip noong katatanggap ko pa lamang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Inisip ko na ang lahat ng mga ritwal na ito ng Katoliko ay may biblikal na batayan, at mula pa nang simula ginagawa na ito ng mga salinlahi ng mga Katoliko, ito ang aaprubahan ng Diyos. Ngunit pagkatapos ay nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at napagtanto na ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan ay magkakaiba sa bawat kapanahunan, sa bawat hakbang ng gawain—hindi tayo maaaring gumawa ng malalawak na paglalahat. Hindi natin pwedeng subukang puwersahin ang mga kinakailangan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya sa balangkas ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol dito. Sabi ng Diyos, ‘Ang hinihingi sa tao ngayong araw ay hindi tulad niyaong sa nakalipas at lalong hindi tulad ng hiningi sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan. At ano ang hiningi sa tao sa ilalim ng kautusan noong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Israel? Walang ibang hiniling sa kanila kundi ang panatilihin ang Sabbath at ang mga kautusan ni Jehova. Walang sinuman ang dapat magtrabaho sa Sabbath o lumabag sa mga kautusan ni Jehova. Ngunit hindi na ganito sa ngayon. Sa araw ng Sabbath, ang tao ay gumagawa, nagtitipon at nananalangin gaya ng dati, at walang mga paghihigpit na ipinapataw sa kanya. Yaong mga nasa Kapanahunan ng Biyaya ay dapat mabautismuhan, at hiningi rin sa kanila na mag-ayuno, magpira-piraso ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo, at hugasan ang mga paa ng iba para sa kanila. Ngayon, ang mga patakarang ito ay naiwaksi na ngunit mas malalaki ang hinihingi sa tao, dahil ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalalim at ang pagpasok ng tao ay patuloy na tumataas. … Ang Banal na Espiritu ay gumagawa alinsunod sa kapanahunan, hindi nang sapalaran o ayon sa nakatakdang mga panuntunan. Nagbago na ang kapanahunan, at ang isang bagong kapanahunan ay tiyak na may dalang bagong gawain. Totoo ito sa bawa’t yugto ng gawain, at kaya ang Kanyang gawain ay hindi kailanman nauulit.’ ‘Ang layunin ng Diyos ay palaging para ang gawain Niya ay maging bago at buhay, hindi luma at patay, at kung ano ang pinasusunod Niya sa tao ay nag-iiba alinsunod sa kapanahunan at panahon, at hindi walang-hanggan at di-nagbabago. Ito ay dahil isa Siyang Diyos na nagdudulot sa tao na mabuhay at maging bago, sa halip na isang diyablo na nagdudulot sa tao na mamatay at tumanda. Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan ito?

“Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na Siya ay isang totoo at buhay na Diyos, at ang Kanyang gawain ay bago at buhay. Hindi ito luma, lipas, at di-nagbabago. Ang Diyos ay hindi kumakapit sa luma at hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain. Ang Diyos ay may iba’t ibang mga kinakailangan sa tao sa bawat kapanahunan na dapat sundin ng mga tao. Kapag lumipas ang isang lumang kapanahunan at dumating ang isang bagong kapanahunan, hindi kailangang panatilihin ng mga tao ang pagsunod sa mga lumang kasanayan, bagkus kailangan nilang mamuhay sa mga bagong kinakailangang hinihingi ng Diyos para sa bagong kapanahunan. Kung sila ay nananatili sa mga dating kasanayan, hindi nila mararanasan ang gawain ng Banal na Espiritu at sila ay hindi susulong sa kanilang buhay. Isipin na lamang ang Kapanahunan ng Kautusan—Inatasan ni Yahweh ang mga tao na sundin ang Araw ng Pamamahinga at mag-alay. Ang mga nagsagawa ng mga bagay na ito ay pinagpala ng Diyos. Pagkatapos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay isinagawa ang bagong gawain at gumawa ng mga bagong kinakailangan sa sangkatauhan, sinasabi sa atin na magpabautismo, dapat tayong mangilin, at dapat nating gawin ang Banal na Komunyon. Nang isagawa ng mga tagasunod ng Panginoong Jesus ang Kanyang bagong mga kinakailangan, natamo nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at nalaman nila ang kapayapaan at kagalakan sa kanilang mga puso. Ngunit ang mga nagpatuloy sa dating kasanayan ng Kapanahunan ng Kautusan ay nasa nakakatakot na kalagayan—sila ay hahatulan at iwawaksi ng Diyos. Ngayon, nasa Kapanahunan ng Kaharian na tayo, at ang Diyos ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain. Bumigkas Siya ng mga salita upang hatulan at linisin ang sangkatauhan, habang isinasantabi ang lahat ng mga patakaran at ritwal na iyon. Ang pinapagawa lang Niya sa atin ay basahin ang Kanyang mga salita at isagawa ang Kanyang kasalukuyang mga kinakailangan, at hangarin na makamit ang pagbabago sa disposisyon. Tanging ito ang naaayon sa kalooban ng Diyos. Kung magpapatuloy tayong sumunod sa mga dating kasanayan na iyon, gaano man karami sa mga ito ang ginagawa natin at kung gaano kabuti natin sinusunod ang mga ito, hindi tayo makakatamo ng gawain ng Banal na Espiritu o pag-apruba ng Diyos. Alalahanin noong bago dumating ang Diyos upang gawin ang gawain ng mga huling araw—nang gawin natin ang lahat ng mga bagay na iyon, nagkakaroon tayo ng panloob na pakiramdam ng kapayapaan at kagalakan; nagkakaroon tayo ng gawain ng Banal na Espiritu. Bakit nawala ‘yon sa paglaon? Ito ay sapagkat ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbago, sapagkat ang Diyos ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain. Kaya’t kung patuloy na isinasagawa ng mga tao ang mga ritwal at panuntunang iyon, hindi sila makakakuha ng anumang kasiyahan dito, at kung minsan ay makakaramdam din ng pagod at inis. Ito ay isang katotohanan na alam ng karamihan sa mga debotong mananampalataya sa kanilang kaluluwa. Ngunit ang mga nakakasabay sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na napalaya mula sa kadena ng mga relihiyosong ritwal at nakatuon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, ay makakatamong muli ng gawain ng Banal na Espiritu at mamumuhay nang malaya. Kaya’t kapag tinanggap natin ang bagong gawain ng Diyos at nagsimulang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos para sa bagong kapanahunan, hindi ito ni bahagyang pagtataksil sa Diyos, kundi ito ay pagsunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Ito ang inaaprubahan Niya.”

Matapos pakinggan ang mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Brother Zhang, nakikita ko na ang Diyos ay gumagawa ng iba’t ibang mga kinakailangan sa mga tao sa iba’t ibang kapanahunan, at ang mga tumatanggap ng bagong gawain ng Diyos ay hindi dapat manatiling nakakapit sa parehong mga lumang alituntunin, bagkus ay dapat nilang sundin ang mga kinakailangan ng Diyos sa kasalukuyang kapanahunan. Iyon lamang ang makapagdadala ng kagalakan sa Diyos. Bago ko naunawaan ang kalooban ng Diyos, palagi akong nag-aalala na ang hindi pagsunod sa mga patakarang iyon ay nangangahulugang naghihimagsik ako laban sa Diyos, ngunit sa puntong iyon napagtanto ko na ang gawain ng Diyos ay bago at buhay, at dahil sinimulan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kaharian, ang Kanyang mga kinakailangan para sa sangkatauhan ay nagbago kasama ng kapanahunan. Kailangan kong pakawalan ang lahat ng mga kasanayang iyon mula sa nakaraan, magbasa ng higit pa sa mga salita ng Diyos, at isagawa ang mga ito. Iyon lamang ang paraan upang magawa ang kalooban ng Diyos. Sa wakas ay nagawa kong pakawalan ang lahat ng aking mga alalahanin at pagkabahala sa sandaling naunawaan ko ang mga bagay na ito.

Ang Diyos ay Bumalik Na: Hindi Na Ako Mabubuhay pa sa mga Relihiyosong Ritwal

Pagkatanto na ang mga Relihiyosong Ritwal ay Nagtatago ng mga Pakana ni Satanas

Pagkatapos ay nagpatuloy si Brother Zhang: “Sa katunayan, marami sa mga pista opisyal at ritwal na ito na ipinagdiriwang natin ay hindi mga bagay na ipinagawa ng Diyos sa tao, kundi mga inimbento at ipinasa ng maraming henerasyon ng mga tao—ang mga ito ay mga bagay na mula sa isipan ng mga tao. Kailangan nating matutuhan kung paano kilalanin ito. Maaari nating tingnan ang sinasabi ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Hindi iniatas ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na alam ng lahat ng tao, lalo na ang mga laruan at dekorasyon para sa magarbong mga kapistahang ito tulad ng mga pulang pabiting may tula, mga paputok, mga parol, Banal na Komunyon, mga regalo sa Pasko, at mga pagdiriwang sa Pasko—hindi ba mga idolo sa isipan ng mga tao ang mga ito? Ang pagpipira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabbath, alak, at pinong lino ay mas mariin na mga idolo. Ang lahat ng iba’t ibang tradisyonal na araw ng kapistahan na kilala sa China, tulad ng Araw ng Pagtataas ng mga Ulo ng Dragon, Pista ng mga Bangkang Dragon, Pista sa Kalagitnaan ng Taglagas, Pista ng Laba, at Araw ng Bagong Taon, at ang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Pasko ng Pagkabuhay, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng di-makatwirang pistang ito ay isinaayos at ipinamana mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming tao. Ang mayamang imahinasyon at malikhaing ideya ng sangkatauhan ang nagtulot na maipasa ang mga ito hanggang sa ngayon. Ang mga iyon ay tila walang kapintasan, ngunit sa katunayan ay mga panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan. Kapag mas higit na pinagtitipunan ng mga Satanas ang isang lokasyon, at kapag mas lipas at paurong ang lugar na iyon, mas isinasagawa ang mga pyudal na kaugalian nito. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi na sila makakilos. Tila nagpapakita ng lubhang pagiging orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at tila lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, ngunit ang mga iyon sa katunayan ay hindi-nakikitang mga tali ni Satanas na gumagapos sa mga tao upang hindi makilala ang Diyos—ang lahat ng mga ito ay tusong panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, nawasak na Niya ang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon na walang iniiwang anumang bakas. Gayunman, ang “matatapat na mananampalataya” ay patuloy na sinasamba ang mga nahihipong materyal na mga bagay na iyon; samantala, isinasantabi nila sa kanilang mga isipan ang kung anong mayroon ang Diyos, hindi na ito pinag-aaralan pa, tila ba puno ng pag-ibig sa Diyos ngunit ang totoo ay matagal na nila Siyang itinulak palabas ng bahay at inilagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Ang mga larawan ni Jesus, ang Krus, si Maria, ang Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan—ang lahat ng ito ay sinasamba ng mga tao bilang Panginoon ng Langit, habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Panginoon, Ama sa langit.” Hindi ba biro ang lahat ng ito? Hanggang ngayon, kinapopootan ng Diyos ang maraming katulad na mga pananalita at pagsasagawa na ipinamamana ng sangkatauhan, seryosong hinahadlangan ng mga iyon ang daan tungo sa Diyos at, higit pa rito ay nagiging malalaking sagabal sa pagpasok ng sangkatauhan.

“Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na maraming mga pista opisyal na sinusunod ng relihiyosong mundo, tulad ng Pasko ng Pagkabuhay at Pasko, at lahat ng mga simbolong panrelihiyon tulad ng mga imahe ni Jesus at ang Huling Hapunan, ay hindi nagmula sa sariling gawain ng Diyos at hindi kailanman isang bagay na hiningi ng Diyos na sundin ng tao. Sa halip, ang mga tao ang nag-imbento ng mga bagay na ito at pinasunod ang iba, at ang mga panlalansi ni Satanas ay natatago sa loob ng mga ito. Isa ang mga ito sa mga panlalansi ni Satanas para pigilan ang mga tao na talagang makilala ang Diyos. Ang Diyos ay tapat, at nais Niya na sumamba tayo sa Kanya nang matapat at mula sa puso, hindi para mapigilan tayo ng mga pormulang pamamaraan ng pagsamba. Kapag nakatuon tayo sa pormalidad o ilang mga aktibidad, lahat ng ginagawa natin ay magtipon at magsaya nang sama-sama, at sinasamba ang lahat ng mga panrelihiyong simbolo na iyon na para bang ang Diyos ang mga ito. Walang lugar ang Diyos sa mga puso natin, at bilang resulta, kapag sumusunod tayo sa napakaraming mga ritwal, hindi natin maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa halip, napipigilan tayo, mayroong kadiliman sa ating mga kaluluwa, at nagiging pagod na pagod tayo. Ang Diyos ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, at ang dinadala sa atin ng Kanyang gawain ay walang iba kundi ang kalayaan at ginhawa. Ang mga panuntunang iyon at ritwal, gayunpaman, ay ginagapos lamang sa tayo at kinokontrol. Hindi tayo ganap na magagabayan ng mga ito upang makilala ang Diyos, ngunit sa halip ay inilalayo tayo ng mas inilalayo mula sa Diyos, at maaari pang maging sanhi upang labanan natin ang Diyos. Isipin ang mga Fariseo sa Kapanahunan ng Kautusan. Mahigpit silang kumapit sa batas, iniisip na ang Diyos ay maaari lamang sambahin sa templo at ang pagsunod sa Araw ng Pamamahinga ay pagiging tapat. Nang dumating para gumawa ang Panginoong Jesus, nakita nila na hindi Siya kailanman nagpupunta sa templo upang mangaral, at kahit sa Araw ng Pamamahinga ay pinagaling Niya ang mga maysakit at pinayagan ang Kanyang mga disipulo na pumitas ng ilang mga uhay ng trigo upang kainin. Itinanggi nila na ang Panginoong Jesus ang Mesiyas na hinihintay nila sa kadahilanang hindi Niya sinusunod ang batas. Malinaw, ang mahigpit na pagkapit sa mga relihiyosong ritwal at pagtanggi na pakawalan ang mga ito ay ginagawa tayong madaling maghimagsik at lumaban sa Diyos. Sinusundan natin ngayon ang bagong gawain ng Diyos, kaya kung patuloy nating sinusunod ang mga patakaran ng nakaraan sa halip na ituon ang pansin sa paghahanap sa kalooban ng Diyos at pagbasa ng Kanyang mga salita, hindi natin kailanman matatamo ang panustos ng buhay na mga tubig ng Diyos at ang ating mga espirituwal na buhay ay hindi kailanman lalago. Ito ang pagpinsala ni Satanas sa atin. Kaya kailangan nating maunawaan na ang mga relihiyosong ritwal na ito ay laro lamang na ginagamit ni Satanas upang paglaruan tayo—ito ay pagkulong ni Satanas sa ating isipan at pinipigilan tayo na makilala ang Diyos. Kailangan nating isuko ang mga ito at hindi na magpagapos sa mga ito. Iyon lang ang paraan upang mabuhay tayo nang malaya sa harap ng Diyos.”

Sa puntong ito, naramdaman kong nabuksan talaga ang aking mga mata. Sinabi ko, “Brother, ang iyong pagbabahagi ay talagang nakatulong sa akin na maunawaan ito. Sinunod ko ang mga bagay na ito sa loob ng ilang dekada, ngunit hindi ko kailanman isinaalang-alang na maaaring may anumang mali sa paggawa nito. Ngayon, nakikita ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na ang pagsunod sa mga patakarang ito at pagsasagawa ng mga ritwal na ito ay isang kasanayan na nagmula kay Satanas, na ginagamit ni Satanas ang mga bagay na ito upang kontrolin at pinsalain tayo. At sa katunayan, kapag ginawa natin ang Daan ng Krus, talagang sinasamba lamang natin ang mga imaheng iyon, at ang ganitong uri ng pagsamba ay hindi nakakatulong sa atin na maunawaan ang disposisyon ng Diyos o ang Kanyang bagong gawain. Hindi rin ito nakakatulong upang malutas ang ating mga tiwaling disposisyon. Ang ating mga salita at pag-uugali patungkol sa Diyos ay talagang hindi matapat at padalus-dalos, at wala sa mga ito ang nagdadala sa atin ni kaunti man sa Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Yamang lumalapit sa Akin ang mga taong ito gamit ang kanilang bibig, at niluluwalhati Ako ng kanilang mga labi, ngunit malayo sa Akin ang kanilang puso, at natakot sila sa Akin dahil sa mga utos at doktrina ng mga tao(Isaias 29:13). Nakikita ko na wala sa ating mga kuru-kuro at guni-guni ang naaayon sa kalooban ng Diyos, bagkus kinokondena ng Diyos. Kung patuloy nating pagtitibayin ang mga patakaran at ritwal na ito, magiging modernong mga Fariseo tayo, at paglaban ito sa Diyos.” Tumango ang asawa ko bilang pagsang-ayon.

Pagsisimula ng Isang Bagong Buhay ng Iglesia

Kinalaunan, nabasa ko ang mga ito sa mga salita ng Diyos: “Ang pananampalataya sa Diyos ay nangangailangan ng isang normal na espirituwal na buhay, na siyang pundasyon sa pagdanas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa realidad. Lahat ba ng inyong kasalukuyang pagsasagawa ng mga panalangin, ng paglapit sa Diyos, ng pagkanta ng mga himno, pagpuri, pagmumuni-muni, at pagninilay ng mga salita ng Diyos ay katumbas ng isang ‘normal na espirituwal na buhay’? Mukhang walang nakakaalam sa inyo. Ang isang normal na espirituwal na buhay ay hindi limitado sa mga pagsasagawang tulad ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, paglahok sa buhay-iglesia, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Sa halip, kinapapalooban ito ng pamumuhay ng bago at masiglang espirituwal na buhay. Ang mahalaga ay hindi kung paano kayo nagsasagawa, kundi kung ano ang ibinubunga ng inyong pagsasagawa. Naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang isang normal na espirituwal na buhay ay kailangang kapalooban ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos o pagninilay sa Kanyang mga salita, mayroon mang tunay na epekto ang gayong mga pagsasagawa o kaya’y humahantong man ang mga ito sa tunay na pagkaunawa. Nakatuon ang mga taong ito sa pagsunod sa mababaw na mga pamamaraan nang hindi iniisip ang magiging resulta ng mga ito; sila ay mga taong nabubuhay sa mga ritwal ng relihiyon, hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian.

Ang normal na espirituwal na buhay ay isang buhay na ipinamuhay sa harap ng Diyos. Kapag nagdarasal, maaaring patahimikin ng isang tao ang kanyang puso sa harap ng Diyos, at sa pamamagitan ng panalangin, maaari niyang hangarin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, malaman ang mga salita ng Diyos, at maunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, maaaring magkaroon ang mga tao ng mas malinaw at mas lubos na pagkaunawa sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Maaari din silang magkaroon ng bagong landas ng pagsasagawa, at hindi sila kakapit sa dati; lahat ng kanilang isinasagawa ay para magkamit ng paglago sa buhay.

Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang isang totoong espirituwal na buhay ay hindi nagsasangkot ni kaunti sa mga mabababaw na mga pagkilos. Pagbabasa man ng mga salita ng Diyos, pagdarasal, pagkanta ng mga himno, o pagpuri sa Diyos, lahat ay dapat maitatag sa normal na relasyon sa Diyos at maging mas malapit sa Kanya. Kung nais nating maging mabunga ang ating espirituwal na buhay, hindi tayo dapat basta na lamang sumunod sa agos, bagkus ay kailangan nating patahimikin ang ating sarili sa harap ng Diyos, taimtim na pagnilayan ang Kanyang mga salita, at pagkatapos ay malaman ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan sa mga tao. Sa sandaling isinaalang-alang natin at naunawaan kung paano tayo dapat magsagawa at pumasok, kailangan nating bitawan ang mga makalumang kasanayan at kumilos ayon sa mga bagong kinakailangan ng Diyos. Ito ang tanging paraan upang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu, at sa gayon ay patuloy na lalago ang ating kaugnayan sa Diyos. Makikita rin natin ang higit pang pag-unlad sa ating mga personal na buhay. Matapos kong maunawaan ang lahat ng ito, hindi ko na naramdaman na napipigilan ako, sobrang napipigilan ng lahat ng mga patakaran at ritwal na iyon, ngunit nagsimula akong regular na pagnilayan ang mga salita ng Diyos, nagdarasal at napapalapit sa Kanya. Ngayon ay lumalahok ako sa buhay iglesia kasama ang mga kapatid tuwing linggo, kung saan tinatalakay ng lahat ang kanilang sariling pag-unawa sa mga salita ng Diyos sa bawat isa, at nagbabahagian kami sa kung paano namin hinahanap at isinasagawa ang katotohanan sa aming sariling buhay. Ang ganitong uri ng pagtitipon at pagbabahagian ay talagang nakakapagpalaya sa akin, at ngayon alam ko na kung paano tumahak sa isang normal na espirituwal na buhay, kung paano makipag-usap sa Diyos mula sa puso, at kung paano manalangin sa tamang paraan. Ngayon ay mayroon akong isang normal na relasyon sa Diyos at lumalago ako sa buhay araw-araw. Laking pasasalamat ko sa Diyos! Ang mga katotohanan na ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ang gumabay sa akin palayo sa mga relihiyosong ritwal, na tinutulutan akong tumahak sa isang bagong buhay ng iglesia.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ito ang Tinig ng Diyos

Ipinanganak ako sa isang pamilyang Kristiyano at, noong bata pa ako, sumasama ako sa aking mga magulang sa mga pagsamba. Pinanatili ko pa...

Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero

Ni Li Zhong, Tsina “Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang...