Ngayon Alam Ko na Kung Ano Talaga ang Mabuting Pagkatao

Nobyembre 28, 2022

Ni Mu Yan, Tsina

Tinuruan ako ng mga magulang at guro ko mula pa noong maliit ako na ang pagkakasundo ay mahalaga ‘pag kasama ang iba, at dapat tayong maging makatwiran at maunawain. Hindi tayo pwedeng magsabi ng mga bagay na nakakasira sa mga ugnayan, at kailangan nating hayaan ang mga tao na umiwas mapahiya. “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang” at “Maging mabait hangga’t maaari” ay ang mga tanging paraan para makisama nang maayos sa iba. Kaya mula pa noong maliit ako, itinuring ko ang mga makamundong pilosopiyang ito bilang mga tuntunin ko na dapat sundin, palaging isinasaalang-alang ang pagpapahalaga ng mga tao sa sarili at halos hindi nakikipagtalo sa iba. Nakakuha ako ng maraming papuri sa pag-asal nang ganoon. Pagkatapos maging mananampalataya, dahil hindi ko alam ang katotohanan, patuloy kong itinuturing ang mga makamundong pilosopiyang ito, ang mga moral na pamantayang ito bilang mga tuntuning dapat sundin, iniisip pa nga na ang paggawa sa mga bagay na ito ay pagtataglay ng normal na pagkatao gaya ng hinihingi ng Diyos at pagiging isang mabuting tao. Nang malantad ako sa pamamagitan ng ilang kabiguan, saka ko lang nakita mula sa mga salita ng Diyos na ang tradisyunal na pag-iisip na ito ay hindi totoo, at hindi talaga ito ang pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Ang mga salita lamang ng Diyos ang dapat na maging pamantayan sa ating mga kilos.

Nitong Enero, sinabi sa akin ng ilang kapatid na pinipigilan ng isang lider ng iglesia na si Xu Qing ang mga tao at walang natatapos na tunay na gawain, kaya nagpunta ako para suriin ito. Nalaman ko na bagamat may ilang talento si Xu Qing at kaunting kakayahan, wala pa siyang gaanong praktikal na gawain na nagagawa sa panahon niya bilang lider at hindi kailanman naging matagumpay ang mga proyektong responsibilidad niya. Madalas din siyang magpakitang-gilas para makuha ang paghanga ng iba at gustong magkamit ng mga bagay-bagay nang mabilis at madali. Nagtalaga siya ng ilang di-naaangkop na tao bilang mga lider ng grupo at superbisor, lumalabag sa prinsipyo, nagdudulot ng mga pagkagambala at pagkaantala sa gawain ng iglesia. Maraming beses nang nagmungkahi sa kanya ang mga kapatid, pero hindi niya ito tinatanggap at wala siyang anumang kamalayan sa sarili pagkatapos. Batay sa kanyang palagiang pagganap, tiyak na isa siyang huwad na lider na dapat matanggal. Kaya nagplano akong magsulat ng liham na nagpapabatid sa nakatataas na lider tungkol sa mga isyu ni Xu Qing. Matapos itong isulat, naisip ko kung paanong talagang nagmamalasakit si Xu Qing sa akin at nagtitiwala sa akin, kaya kapag nalaman niyang siniyasat at iniulat ko ang mga isyu niya, maghihinanakit ba siya sa akin? Masisira ba nito ang magandang impresyon niya sa akin? Nagtalo talaga ang kalooban ko nang isipin ko ‘yon nang gano’n. At kaya, nagdahilan ako sa sarili ko: Baka nasa masamang kalagayan si Xu Qing kamakailan, kaya pwede ko siyang bahaginan at suportahan, at tapos tingnan kung magbabago siya. Hindi ko ipinadala ang liham ng ulat na ‘yon. Nagtakda ako ng oras para makipagkita kay Xu Qing at naghanda akong ilantad ang mga isyu niya. Pero no’ng magkita kami, nakita kong wala siya sa mabuting kalagayan, at umiiyak niyang sinabi na namumuhay siya sa pasakit ng pakikipaglaban para sa karangalan at pakinabang. Naalala ko ang sasabihin ko pero nilunok ko na lang ito. Nahihirapan siya, kaya kung babanggitin ko ang kahinaan niya, hindi ba’t lalo lang nitong mapapasama ang loob niya? At kung sasabihin ko sa lider ang tungkol sa mga problema niya at tatanggalin siya ng lider, aakusahan ba niya ako na walang puso? Paulit-ulit akong nag-alinlangan, at sa huli ay pinahapyawan ko na lang ang paghahangad niya ng karangalan at katayuan, at pagtatalaga ng mga tao nang labag sa prinsipyo, at tinapos na ang pagpupulong.

Pagkauwi ko, in-edit ko ang liham na naisulat ko na, sinasabing masyadong nag-aalala si Xu Qing para sa karangalan at katayuan at walang pagpasok sa buhay, na nakipagbahaginan ako sa kanya at gusto niyang magsisi, at nagmungkahi ako ng patuloy na pagtulong at pagbabahagi. Matapos ipadala ang liham, nakaramdam ako ng palagian at nakakabalisang pagkakonsensya. Alam na alam kong hindi ko sinabi ang totoo. May nabasa ako sa mga salita ng Diyos. “Kapag naging buhay na ang katotohanan sa iyo, kapag inobserbahan mo ang isang taong lapastangan sa Diyos, walang takot sa Diyos, at walang ingat at walang gana habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, o inaabala at pinakikialaman ang gawain ng iglesia, tutugon ka ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at matutukoy at mailalantad mo sila ayon sa kinakailangan. Kung hindi mo naging buhay ang katotohanan, at nabubuhay ka pa rin sa loob ng iyong satanikong disposisyon, kapag nakatuklas ka ng masasamang tao at diyablong nagdudulot ng mga pagkaantala at paggambala sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka; isasantabi mo sila, nang walang paninisi mula sa iyong budhi. Iisipin mo pa nga na ang sinumang nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia ay walang kinalaman sa iyo. Gaano man nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam, hindi ka nakikialam, o nakokonsiyensiya—ginagawa ka nitong isang taong walang budhi o pakiramdam, isang walang pananalig, isang tagapagserbisyo. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom ang sa Diyos, at tinatamasa ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang traydor na kumakagat sa kamay na nagpapakain sa iyo. Tao ka ba kung hindi mo pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Isa itong demonyo na isiniksik ang sarili sa iglesia. Nagpapanggap kang naniniwala sa Diyos, nagkukunwaring isang hinirang na tao, at nais mong samantalahin ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo isinasabuhay ang buhay ng isang tao, at malinaw na isa ka sa mga walang pananalig. Kung isa kang taong tunay na naniniwala sa Diyos, kahit na hindi mo pa nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano’y magsasalita at kikilos ka na nasa panig ng Diyos; kahit papaano, hindi ka tatayo lang nang walang ginagawa kapag nakikita mong nakokompromiso ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; kapag nauudyok kang magbulag-bulagan, makokonsiyensiya ka, at hindi mapapalagay, at sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Hindi ako puwedeng maupo lang dito at walang gawin, kailangan kong tumayo at magsalita, kailangan kong umako ng responsibilidad, kailangan kong ibunyag ang masamang pag-uugaling ito, kailangan kong itigil ito, upang hindi mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi maabala ang buhay-iglesia.’ Kung naging buhay mo na ang katotohanan, hindi ka lamang magkakaroon ng ganitong tapang at pagpapasya, at magagawa mong maunawaan nang lubusan ang pangyayari, kundi matutupad mo rin ang pananagutan na dapat mong pasanin para sa gawain ng Diyos at para sa mga kapakinabangan ng Kanyang sambahayan, at ang iyong tungkulin ay matutupad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Tunay Lamang na Nagpapasakop sa Diyos ang May Pusong May Takot sa Kanya). Talagang nakakaantig sa akin ang mga salita ng Diyos. Itinalaga ako ng iglesia na mamahala sa mga liham ng ulat, umaasang maisasaalang-alang ko ang kalooban ng Diyos at makapaninindigan para sa katarungan, na kung aabalahin ng mga huwad na lider, anticristo at masasamang tao ang gawain ng iglesia, maitataguyod ko ang mga prinsipyo ng katotohanan at maninindigan para ilantad sila, na poprotekta sa gawain ng iglesia. Iyon ang tungkulin ko, ang aking responsibilidad. Sa puntong iyon ay natukoy ko nang isang huwad na lider si Xu Qing. Maraming proyektong pinangasiwaan niya ang lubhang nabawasan ang pagiging produktibo at wala pa ring tunay na pagbabago pagkatapos ng pagbabahaginan. Kung hindi siya tatanggalin sa lalong madaling panahon, magdudulot ito ng mas malaking kawalan sa gawain ng iglesia. Pero natakot ako na kapag nalaman niya na sinuri at iniulat ko ang mga isyu niya, na pinapatanggal siya, sasabihin niya na wala akong puso. Lalo na nang matapos kong makita na mabigat ang loob niya at umiiyak, nag-alala ako na kung ibubunyag ko ang mga isyu niya, sasabihin niya na hindi ako maunawain sa mga paghihirap niya, at pagkatapos ay kamumuhian niya ako. Kaya’t itinago ko ang totoong sitwasyon at hindi iniulat ang aktwal niyang problema, pinipiling pumagitna nang nakabukas ang isang mata at nakasara ang isa, palihim na pinagtatakpan ang isang huwad na lider nang walang pagsasaalang-alang kung mapinsala man ang gawain ng iglesia o ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Natamasa ko ang pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos sa pananampalataya ko, pero pinapaboran ko ang mga panlabas na interes, kinakagat ang kamay na nagpapakain sa’kin. Napakamakasarili ko at ubod ng sama, nang wala ni katiting na pagkatao. Sa isiping ito, napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsensya sa nagawa ko. Kinasusuklaman ko kung gaano ako naging makasarili at tuso.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan. “Gaano man kahusay magpanggap ang isang tao, gaano man kapresentable o kaangkop ang kanyang pag-uugali, gaano man kabuti o kaganda niya pagmukhain ang kanyang sarili, o gaano man siya kamapanlinlang, hindi maikakaila na bawat tiwaling tao ay puno ng satanikong disposisyon. Sa ilalim ng mapagkunwaring panlabas na pag-uugaling ito, lumalaban at naghihimagsik pa rin siya sa Diyos, lumalaban at naghihimagsik sa Lumikha. … Sa madaling salita, ang pagiging isang taong may mabuting pag-uugali na tumatalima sa tradisyunal na mga kuru-kuro ng moralidad ay hindi paghahangad sa katotohanan; hindi ito paghahangad na maging tunay na nilalang. Bagkus, maraming madilim at di-mababanggit na lihim ang nakatago sa likod ng paghahangad sa mabubuting pag-uugaling ito. Anumang uri ng mabuting pag-uugali ang hinahangad ng tao, ang mithiin sa likod nito ay walang iba kundi para makuha ang pagmamahal at paggalang ng mas maraming tao, para mapataas ang sarili niyang katayuan, at para isipin ng mga tao na kagalang-galang siya at karapat-dapat sa tiwala at atas. Kung hahangarin mong maging taong gayon kabuti ang pag-uugali, hindi ba’t ganito rin ang katangian ng mga tanyag at dakila? Kung isa kang taong may mabuting pag-uugali lamang, ngunit hindi minamahal ang salita ng Diyos at hindi tinatanggap ang katotohanan, magkapareho lamang kayo ng katangian. At ano ang resulta? Ang natalikuran mo ay ang katotohanan; ang nawala sa iyo ay ang pagkakataon mong maligtas. Ito ang pinakahangal na pag-uugali—ito ay pasya at hangarin ng isang hangal. Pinangarap na ba ninyo na kayo ay maging dakila, tanyag, kahanga-hangang tao sa entablado, na napakatagal na ninyong hinahangaan? Ang taong iyon na malambing at madaling lapitan? Ang taong iyon na magalang, mapagbigay, at may pinag-aralan? Ang taong iyon na sa tingin ay mukhang palakaibigan at kaibig-ibig? Nakasunod na ba kayo dati sa mga taong katulad nito? (Oo.) Kung sumusunod ka pa rin sa mga taong katulad nito ngayon, iniidolo pa rin ang mga taong katulad nito, sinasabi Ko sa iyo: Hindi ka nalalayo sa kamatayan, dahil ang mga taong iniidolo mo ay masasamang taong nagkukunwaring mabubuti. Hindi ililigtas ng Diyos ang masasamang tao. Kung iniidolo mo ang masasamang tao at hindi mo tinatanggap ang katotohanan, sa huli ay pupuksain ka rin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (3)). Napuspos at naimpluwensyahan ako ng tradisyunal na kultura mula pa no’ng maliit ako, itinuturing ang “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang,” “Wala nang silbi ang pagpugot sa ulo ng binitay na tao; maging mabait hangga’t maaari,” “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan” at iba pang mga satanikong pilosopiya bilang mga pamantayan ko para sa pag-uugali at sa pagsusuri ng pagkatao ng mga tao. Pagkatapos magkaroon ng pananalig, patuloy kong isinaalang-alang ang pride ng iba sa lahat ng pakikisalamuha ko sa mga kapatid, bihirang ituro nang direkta ang mga pagkakamali at pagkukulang na nakikita ko, palaging hinahayaang gawin ng iba ang gusto nila para maramdaman nilang maunawain ako at magkaroon sila ng magandang impresyon sa akin. Alam na alam ko na isang huwad na lider si Xu Qing at kailangang matanggal kaagad, pero upang maiwasang mapasama ang loob niya, para maprotektahan ang ugnayan namin, hindi ko lang siya hindi pinuna, kundi itinago ko pa ang totoo at hindi iniulat ang mga isyu niya. Muntik na akong maging sanggalang ng isang huwad na lider, na magiging isang paglabag. Ngayon nauunawaan ko nang mukha akong mapagmahal at mabait sa panlabas, pero ang totoo, gusto kong magkaroon ng positibong imahe sa puso ng iba at makuha ang kanilang paghanga. Para makamit ang aking kasuklam-suklam na pakay, kaya kong pinsalain ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Gaano man kahusay ang pagsunod ng isang tao sa mga kuru-kuro, etika at moral na ito ng tao, hindi ‘yon nangangahulugan na mabuti siyang tao. Sa kabaligtaran, nasa likod ng mga kaaya-ayang pag-uugali na ito ang mga kahiya-hiyang motibo. Ang pamumuhay ayon sa mga satanikong kaisipan at pananaw na ito ay gagawin lang akong mas madaya, tuso, makasarili, at masama. Lahat ng ginawa ko ay laban sa katotohanan at laban sa Diyos. Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan na talagang nakatulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pag-aayos at pagpapaganda para sa lahat ng iyong nakakasalubong, at panghihikayat sa lahat na magsabi nang maganda tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang pagkakaroon ng isang tao ng mga prinsipyo at pag-ako ng responsibilidad sa pagtrato sa Diyos, sa katotohanan, sa pagganap sa tungkulin, at sa bawat uri ng mga tao, pangyayari, at bagay. Ito’y malinaw sa lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). “Ano ba dapat ang batayan ng pananalita ng mga tao? Mga salita ng Diyos. Kung gayon, ano ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa pananalita ng mga tao? (Na dapat makatulong ito sa mga tao.) Tama iyan. Ang pinakamahalaga, dapat sabihin mo ang totoo, magsalita ka nang matapat, at maging kapaki-pakinabang sa iba. Kahit paano, ang pananalita ay dapat pinapasigla ang mga tao, at hindi niloloko, pinagtatawanan, inililigaw, tinutudyo, iniinsulto, hinihigpitan, sinasaktan, inilalantad ang mga kahinaan ng mga tao, o tinutuya ang mga tao. Ito ang pagpapahayag ng normal na pagkatao. Ito ang kabutihan ng pagkatao. … Ano ang ibig sabihin ng hindi dapat ilantad ng isang tao ang mga kahinaan ng mga tao? Ang ibig sabihin nito ay huwag dungisan ang ibang mga tao. Huwag kumapit sa kanilang nakaraang mga pagkakamali o pagkukulang para husgahan o kondenahin sila. Ito ang pinakamaliit na bagay na dapat mong gawin. Sa maagap na banda, paano ipinapahayag ang nakakatulong na pananalita? Ito ay pangunahing nanghihikayat, nagtuturo, gumagabay, nagpapayo, umuunawa, at nagpapanatag. Gayundin, kung minsan, kailangang banggitin at punahin nang diretsahan ang mga pagkukulang, kapintasan, at pagkakamali ng iba. Malaki ang pakinabang nito sa mga tao. Talagang makakatulong ito sa kanila, at makakabuti para sa kanila, hindi ba? Sabihin natin, halimbawa, na napakasutil at napakayabang mo. Hindi mo ito namalayan kahit kailan, ngunit lumitaw ang isang taong lubos na nakakakilala sa iyo at sinabi niya sa iyo ang problema. Iniisip mo sa sarili mo, ‘Sutil ba ako? Mayabang ba ako? Wala nang ibang nangahas na sabihin iyon sa akin, ngunit nauunawaan niya ako. Kung nasabi niya ang gayong bagay, nagpapahiwatig iyon na talagang totoo iyon. Kailangan kong gumugol ng kaunting panahon para pagnilayan ito.’ Pagkatapos niyon sasabihin mo sa taong iyon, ‘Magagandang bagay lamang ang sinasabi ng ibang mga tao sa akin, pinupuri nila ako nang husto, walang sinumang nakikipag-usap sa akin nang masinsinan kahit kailan, wala pang sinumang bumanggit ng mga pagkukulang at isyung ito sa akin. Ikaw lamang ang nakapagsabi niyon sa akin, na kumausap sa akin nang masinsinan. Napakagaling niyon, napakalaking tulong sa akin.’ Pag-uusap ito nang puso-sa-puso, hindi ba? Paunti-unti, sinabi sa iyo ng taong iyon ang nasa isip niya, ang mga naiisip niya tungkol sa iyo, at ang kanyang mga karanasan kung paano siya nagkaroon ng mga kuru-kuro, imahinasyon, pagkanegatibo at kahinaan tungkol sa bagay na ito, at nagawang takasan iyon sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Ito ay pag-uusap nang puso-sa-puso, ito ay pagniniig ng mga kaluluwa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (3)). Malinaw kong naunawaan mula sa mga salita ng Diyos na ang tunay na mabuting pagkatao ay hindi pagiging mabait, mahabagin, at makatwiran, at hindi ito palaging pagiging maunawain at mapagprotekta sa mga interpersonal na kaugnayan, na nagkakamit ng pagsang-ayon ng iba, kundi ito ay pagiging totoo sa Diyos at sa iba, at pagtrato sa mga tao nang may sinseridad. Kung nakikita mo ang mga huwad na lider, anticristo, o masasamang tao na ginagambala ang mga bagay-bagay sa iglesia at kaya mong itaguyod ang mga prinsipyo ng katotohanan para protektahan ang gawain ng iglesia, kung kaya mong tukuyin ang mga isyu ng iba, magbahagi at tulungan sila, pagtibayin sila sa salita at gawa—‘yon lang ang totoong pagiging mabuting tao. Kung isinasaalang-alang mo lang ang sarili mong reputasyon at katayuan sa iyong tungkulin, kung may nakikita kang gumagambala sa gawain ng iglesia pero hindi ito inilalantad o pinipigilan, binabalewala ang kalooban ng Diyos, hindi ka isang mabuting tao kahit gaano pa kaganda ang mga kaugnayan mo sa iba, kundi isa kang makasarili, ubod ng sama, at mababang-uri na tao. Noon, akala ko na ang mga satanikong pilosopiya tulad ng “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang” ay pagiging maunawain at mapagparaya, na isa itong magandang bagay. Ngayon alam ko nang ganap itong naiiba sa sinabi ng Diyos na “hindi dapat ilantad ng isang tao ang mga kahinaan ng mga tao.” Ang ibig sabihin ng sinabi ng Diyos ay huwag humanap ng mali sa mga tao o sunggaban ang kanilang mga kahinaan para husgahan at kondenahin sila, bagkus tratuhin sila nang tama. Iyon ang dapat taglayin ng normal na pagkatao. At ikinikintal sa atin ni Satanas ang mga kaisipang tulad ng “Huwag kailanman sampalin sa mukha ang ibang tao o pagalitan sila sa kanilang pagkukulang” para protektahan natin ang sarili nating reputasyon at katayuan, hindi tukuyin ang mga problema ng iba para lalo tayong maging mas makasarili at tuso, at mawalan tayo ng normal na pagkatao. Gaano man tila kabait ang isang tao, pagpapaimbabaw at panlilinlang lang ito para bigyang-kasiyahan ang pansarili niyang mga interes. Hindi iyon pagiging totoong mabuting tao. Kung hindi tayo napipigilan ng ating katiwalian, bagkus ay nagbibigay tayo ng mga payo at tulong sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan para magkamit sila ng tunay na kaalaman at pagsisisi, iyon ay tunay na paglalarawan ng pagkakaroon ng mabuting pagkatao at pagmamahal.

May isa pa akong nabasang sipi na nagbigay sa akin ng mas malinaw na landas ng pagsasagawa. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Pagkatapos magbahagi sa mga kasabihan tungkol sa mabuting pag-uugali sa tradisyunal na kultura, nagkamit ba kayo ng anumang pagkaunawa sa mga ito? Paano ninyo dapat harapin ang ganitong uri ng mabuting pag-uugali? Maaaring sabihin ng ilang tao, ‘Simula sa araw na ito, hindi na ako magiging isang taong may pinag-aralan, mapagbigay, o magalang. Hindi na ako magiging isang taong matatawag na “mabuti”; hindi na ako magiging isang taong gumagalang sa matatanda o nagmamahal sa mga bata; hindi na ako magiging isang taong malambing at madaling lapitan. Wala ni isa man diyan ang natural na pagbuhos ng normal na pagkatao; ito ay mapanlinlang na pag-uugali na hindi totoo at huwad, at hindi ito pumapantay sa antas ng pagsasagawa ng katotohanan. Magiging anong uri ako ng tao? Ako ay magiging isang matapat na tao; magsisimula ako sa pagiging isang tapat na tao. Sa aking pananalita, maaaring hindi ako edukado, hindi nakakaunawa ng mga tuntunin, kulang sa kaalaman, at hinahamak ng iba, ngunit magsasalita ako nang diretsahan, may sinseridad, at walang pagkukunwari. Bilang isang tao at sa aking mga kilos, hindi ako magiging huwad at hindi ako magkukunwari. Tuwing magsasalita ako, magmumula iyon sa puso—sasabihin ko ang nasa aking kalooban. Kung may galit ako sa isang tao, susuriin ko ang aking sarili at hindi ako gagawa ng anumang makakasakit sa kanya; gagawa lamang ako ng mga bagay na makakatulong. Kapag magsasalita ako, hindi ko isasaalang-alang ang sarili kong pakinabang, ni hindi ako mapipigilan ng aking reputasyon o karangalan. Bukod pa riyan, hindi ako magkakaroon ng layon na pataasin ang tingin sa akin ng mga tao. Ang pahahalagahan ko lamang ay kung masaya ba ang Diyos. Ang hindi pananakit sa mga tao ang aking magiging panimulang batayan. Ang gagawin ko ay isasagawa alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos; hindi ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa iba, ni hindi ako gagawa ng mga bagay na makakapinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Gagawin ko lamang ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa iba, magiging isang matapat na tao lamang ako, at isang taong nagpapasaya sa Diyos.’ Hindi ba ito pagbabago sa isang tao? Kung talagang isasagawa niya ang mga salitang ito, talagang magbabago na siya. Ang kanyang kinabukasan at kapalaran ay bubuti na. Hindi maglalaon ay tatahakin na niya ang landas ng paghahangad sa katotohanan, papasok sa realidad ng katotohanan, at magiging isang taong may pag-asang maligtas. Ito ay mabuting bagay, isang positibong bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (3)). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na sa pamamagitan ng pagiging matapat na tao at pagsasalita nang matapat gaya ng hinihingi ng Diyos, pagiging prangka sa ating mga pakikisalamuha, ginagawang batayan ang mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay at namumuhay sa katotohanan bilang ating pamantayan, unti-unti nating maiwawaksi ang mga gapos ng mga lason ni Satanas at magkakaroon tayo ng higit na wangis ng tao. Umusal ako ng panalangin sa Diyos para itigil ang pag-iisip kung ano ang magiging tingin sa akin ng iba, at itigil ang pagprotekta sa mga interpersonal na kaugnayan. Gusto ko lang maging isang matapat na tao na nagpapalugod sa Diyos. At kaya, sinabi ko ulit sa nakatataas na lider ang tungkol sa mga isyu ni Xu Qing at nagtapat tungkol sa aking mga maling motibo sa pag-edit ng liham. Sa wakas ay medyo mas napayapa at gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos nun. Pagkalipas ng ilang araw, sinuri ito ng nakatataas na lider at natukoy na isang huwad na lider si Xu Qing at tinanggal siya alinsunod sa mga prinsipyo.

Makalipas ang ilang panahon, kinailangan kong mag-asikaso ng isa pang liham ng ulat. Ang nag-aakusa, si Sister Lin Min, ay iniulat ang kanilang lider ng iglesia na si Sister Zhang Yue, bilang isang huwad na lider. Sa pagsubaybay rito, nakita kong nasa masamang kalagayan lang si Zhang Yue kamakailan, na nakakaapekto sa pagiging epektibo niya sa kanyang tungkulin, pero sa pangkalahatan ay nakakagawa siya ng tunay na gawain at natutulungan ang iba na malutas ang mga problema. Hindi siya isang huwad na lider. Totoo ang iniulat ni Lin Min, pero medyo naging mayabang siya. Hindi niya hinarap nang tama ang mga kapintasan at pagkukulang sa gawain ni Zhang Yue, at hindi niya lubos na nauunawaan ang sitwasyon nito. Basta-basta lang niyang tinukoy si Zhang Yue bilang isang huwad na lider. Pinapalaki nito ang mga problema ni Sister Zhang Yue at hindi ito akma sa mga prinsipyo—malamang na masasaktan siya nito. Kailangan kong magbahagi kay Lin Min at tukuyin ang kanyang mga isyu. Iniisip ko na sa pagkakataong ito, kailangan kong isagawa ang katotohanan at ipaalam ang problema sa kanya. Pero noong araw na makikipagkita ako kay Lin Min, meron pa rin akong mga alalahanin. Tinulungan ako ni Lin Min noong nahihirapan ako, at talagang may maganda siyang impresyon sa akin noon. Kung sasabihin ko sa kanya ang mga resulta ng pagsusuri at babanggitin ang kanyang mga problema, magkakamali ba siya ng pag-unawa rito at iisipin na hindi ako nagiging makatarungan, tapos ay sasama ang tingin sa akin? Maya-maya ay napagtanto ko na wala ako sa tamang kalagayan, kaya mabilis akong umusal ng tahimik na panalangin sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko, iniisip kong sundin na naman ang mga satanikong pilosopiya at protektahan ang mga kaugnayan ko. Pakiusap, bigyang-liwanag at bigyang-tanglaw Mo po ako para matalikdan ko ang aking laman. Kahit ano’ng mangyari, ayoko nang isaalang-alang ang sarili kong reputasyon. Gusto ko pong isagawa ang katotohanan at tunay na tulungan ang sister na ito.” Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakalipas: “Kapag ang isang tao ay nahaharap sa isang sitwasyon kung saan mayroon siyang personal na layon at mga plano, at kapag ang tiwaling disposisyon niya ay malinaw na nakikita, ito ang panahon kung kailan kailangan niyang pagnilayan ang kanyang sarili at hanapin ang katotohanan, at isa rin itong kritikal na sandali kung kailan sinusuri ng Diyos ang taong iyon. Kung kaya, kung nagagawa mo mang hanapin ang katotohanan, tanggapin ang katotohanan, at tunay na magsisi, ay ang sandali na lubos na naglalantad sa isang tao. … Plano mong magsisi; nababanaag ang layunin mong iyon, at higit mong hinihiling iyon kaysa dati, ngunit sino ang nakakaalam kung gaano katagal bago ka talaga magsisi. Kung hindi ka pa nakakagawa ng mga kongkretong hakbang o wala kang kongkretong planong magsisi, hindi iyon totoong pagsisisi. Dapat kumilos ka rin talaga. Kapag nakakilos ka na talaga, susunod na ang gawain ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (2)). Tama ‘yan. Nang maharap ako sa isyu na ito, sinusuri ng Diyos ang aking puso para makita kung tunay akong nagsisi, kung pipiliin kong isagawa ang katotohanan, o poprotektahan ang aking pride at mga interes. Tapos, itinama ko ang aking mga motibo at nagbahagi kay Lin Min. Pagkatapos nun, hindi nagkaroon ng pagkiling si Lin Min laban sa akin dahil binanggit ko ang mga isyu niya, bagkus nagnilay siya sa sarili at nakilala ang sarili niya sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at sinabi niya na kung hindi siya nalantad sa ganoong paraan, hindi niya sana makikita na mayabang siya at hindi tinatrato nang tama si Zhang Yue. Aakalain niya sana na isinasagawa niya ang katotohanan at pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Nagtapat din si Lin Min at nagtanong kung paano lutasin ang isyung ito at nagbahaginan kami sa isa’t isa. Naramdaman kong malapit na talaga kami sa isa’t isa, walang kahit kaunting harang. Talagang naantig ako nung sandaling ‘yon at tunay kong nakita na ang pamumuhay at pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan ay ang tanging bagay na tunay na magbibigay-pakinabang at makakatulong sa mga tao. Naging kalmado at payapa ang pakiramdam ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paalam, Mapagpasaya ng Mga Tao!

Ni Li Fei, SpainAkala ko mabuti ang mga nagpapasaya ng tao noong hindi pa ako nananalig sa Diyos. Mahinahon ang mga disposisyon nila, gusto...

Leave a Reply