Napakasarap sa Pakiramdam na Alisin ang Aking Pagkukubli

Pebrero 2, 2021

Ni Chen Yuan, Tsina

Noong Setyembre 2018, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Napakasaya ko noong panahong iyon. Pakiramdam ko’y nangyari ito dahil mas magaling ako kaysa sa karamihan ng mga kapatid, at kailangan kong hanapin ang katotohanan at gawin ang aking mga tungkulin. Ayokong isipin ng mga tao na ang aking pamumuno ay simboliko lamang. Isang araw, pumunta ako sa isang pagpupulong ng grupo. Habang tinatalakay ang gawain, pinag-usapan ng ilan sa mga kapatid ang tungkol sa kanilang kadalubhasaan. Medyo nabagabag ako. Halos wala akong alam tungkol dito. Paano kung tanungin nila ako, at hindi ako makasagot? Bababa kaya ang tingin nila sa akin at iisipin kung paano ako mamumuno kung hindi ko naintindihan? Pwedeng wala akong sabihin, pero hindi ba magiging wala akong silbing pinuno dahil doon? Ano ang magagawa ko? Umupo ako roon na hindi mapakali, puno ng pagkabalisa. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Nang patapos na sila, mabilis kong sinabi, “Kung walang mga katanungan, tapusin na natin dito ang pagpupulong.” Hindi ako mapakali hanggang makaalis na ako ng pagpupulong. Naisip ko, “Ang grupong ito ay nangangailangan ng maraming propesyonal na kaalaman at wala akong alam tungkol dito, kaya pinakamabuting huwag pumunta sa maraming pagpupulong. Kung malalaman ng iba na wala akong masyadong alam tungkol sa propesyonal na mga bagay, siguradong bababa ang tingin nila sa akin. Sino ang seseryoso sa akin pagkatapos noon?”

Sa mga sumunod na ilang linggo o higit pa, araw-araw akong pumunta para makipagtagpo sa ibang mga grupo at tinulungan silang lutasin ang kanilang mga problema’t paghihirap. Bumuti ang aming buhay iglesia. Sinuportahan ako ng lahat, at gusto ko talagang makipagpulong sa mga grupong ito. Pero nabagabag ako nang maisip ko ang grupo na nangailangan ng dalubhasang kaalaman. Natakot akong hindi ko maunawaan kung ano ang pinag-uusapan nila, kaya nagdadahilan ako at bihirang pumunta. Isang gabi, sinabi ng kapatid na nakatrabaho ko na nagkaroon ng ilang mga problema ang grupo, kaya sinabihan niya akong pumunta sa isang pagpupulong. Atubili akong pumayag, pero balisa ako. Naisip ko, “Kung hindi ko malutas ang problema, sasabihin kaya ng iba na ako’y isang lider na walang kakayahan?” Nabagabag ako. Nang sumunod na araw, matapos naming magbahagian ng salita ng Diyos, natakot akong magtatanong ang iba tungkol sa dalubhasang kaalaman, at magmumukha akong hangal kung hindi ko sila masagot. Kaya inayos ko ang sarili ko’t nagpatuloy sa pagsasalita para pigilan ang sitwasyong tulad niyon pero hindi ako mapalagay. Tinanong ko sila, “Ano pa ang ibang mga problema na hindi pa nalutas?” Sinabi ng lider ng grupo ang kanilang mga problema at solusyon. Naguluhan ako nang magsimula siyang gumamit ng ilang terminolohiya. Hindi ako sigurado kung ganap na nalutas ang mga problema o hindi. Kung hindi nila nahanap ang solusyon, maaapektuhan nito ang kanilang pag-unlad. Pero kung magtatanong ako ng mga detalyadong tanong, siguradong gugustuhin nilang marinig ang aking opinyon. Pero wala akong naintindihan, at magiging kahiya-hiya ito. Matapos ang maraming konsiderasyon, wala akong sinabi. Tapos, nagsalita ang isang kapatid ng tungkol sa ilang mga paghihirap na nararanasan niya na kaugnay ng ilang mga propesyonal na isyu. Mas lalo akong naguluhan. Hindi ako nangahas na tanungin siya kung ano ang ibig niyang sabihin. Natatakot ako na kung hindi ko malutas ang kanyang problema, iisipin niyang hindi ako mabuting lider. Nagsalita lang ako nang kaunti at iniwasan ang isyu sa pamamagitan ng pagsasabing, “Titingnan ko ang isyung ito mamaya.” Matapos ang pagpupulong, sobrang napagod ako. Hungkag ang pakiramdam ko. Walang nalutas sa pagpupulong na ito. Hindi ba’t sunod sa agos lang ako sa aking tungkulin? Alam ko ring ang mga kapatid sa grupong ito ay walang masyadong nakamit. Ang kanilang gawain ay hindi masyadong sumulong at masama ang loob ko dahil dito. Natatakot akong sabihin nila na hindi ko naintindihan ang gawaing ito at mamaliitin nila ako. Sumunod lang ako sa agos sa bawat pagpupulong. Hindi ko talaga naunawaan ang sitwasyon ng trabaho at hindi nalutas ang anumang tunay na mga problema. Wala akong ginagawang anumang tunay na gawain. Hindi ba’t niloloko ko ang Diyos at nililinlang ang aking mga kapatid? Nabalisa ako at sinisi ang sarili. Nagdasal ako sa Diyos na tulungan akong magmuni-muni at subukang kilalanin ang aking sarili.

Isang araw habang nasa mga debosyonal, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng tiwaling tao ay nagpapakita ng ganitong suliranin: Kapag karaniwan silang mga kapatid na walang katayuan, hindi sila nagmamalaki kapag nakikipag-ugnay o nakikipag-usap sa sinuman, o hindi sila gumagamit ng partikular na estilo o tono sa kanilang pananalita; sila ay karaniwan lamang at normal, at hindi na kailangang ialok ang kanilang mga sarili. Hindi sila nakararamdam ng anumang sikolohikal na presyon, at nakapagbabahagi nang bukas at mula sa puso. Madali silang lapitan at madaling makahalubilo; nararamdaman ng iba na napakabuti nilang mga tao. Gayunman, sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas at makapangyarihan, na parang walang sinumang makakaabot sa kanila; nararamdaman nila na nararapat silang igalang, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila’y mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahen ang mga pinuno, maging mataas nang bahagya kaysa sa ordinaryong tao, at magkaroon ng higit na tayog at magawang tumupad ng higit na maraming tungkulin; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga ordinaryong tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na tiyaga, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso. Iniisip pa nga nilang hindi makakayang umiyak ng mga pinuno, gaano man karaming kasapi ng kanilang pamilya ang maaaring mamatay, at kung kailangan nilang umiyak, sa kanilang mga kobrekama sila dapat umiyak, upang walang makakikita ng anumang mga pagkukulang, kapintasan, o kahinaan sa kanila. Nararamdaman pa nga nila na hindi maaaring ipaalam ng mga pinuno sa sinuman kung sila ay naging negatibo; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan(“Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ibinunyag ng Diyos ang tunay kong kalagayan. Bago ako naging isang lider, kung mayroon akong hindi maintindihan, magtatanong ako sa sinuman. Hayagan akong nakikipagbahagian sa iba kapag may anumang mga isyu o paghihirap. Matapos akong maging isang lider, pakiramdam ko’y dapat na mas magaling ako sa iba. Pakiramdam ko, dahil inihalal ako ng aking mga kapatid, dapat akong kumilos bilang isang lider. Kailangan kong maging mas mahusay sa kanila, kailangan kong maunawaan at malutas ang anumang bagay. Kaya, kapag pumupunta ako sa mga pagpupulong ng grupo, iba ang naging kilos ko. Pero dahil may ilang bagay na hindi ko maintindihan, natakot akong mamaliitin ako ng iba. Nagsimula akong magpanggap at magkunwari, at ilagan ang aking tungkulin. Pumunta ako sa mga grupong may pinakamadadaling gawain kung saan pwede kong ipakita ang aking talento, at iniwasan ang mga grupong humaharap sa mahihirap na gawain o nagsasangkot sa mga bagay na hindi ko maintindihan para hindi ako mapahiya kapag hindi ko nagawa nang maayos ang tungkulin ko. Kahit naman pumunta ako, may masasabi lang akong ilang walang saysay na bagay at magpapatangay lang ako sa agos. Hind ko kayang harapin ang mga tunay na problema sa mga grupong iyon. Masyado akong nakatuon sa aking kayabangan at pagiging isang lider. Hinihingi ng sambahayan ng Diyos na lubusang suriin ng mga lider ang bawat gawain, para maiparating ang katotohanan at lutasin ang mga problemang nakakaharap ng mga kapatid, nang sa gayo’y magawa nila ang kanilang mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Nangangahulugan ito ng paggawa ng tunay na gawain at pag-sasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Alam kong humarap sa mga paghihirap ang mga kapatid sa grupong iyon, ngunit hindi ako handang harapin ang kanilang mga problema at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Nahumaling ako sa sarili kong kayabangan, naging pabaya sa aking tungkulin, at namuhay lamang para sa karangalan. Nakalimutan ko ang lahat ng tungkol sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Bilang resulta, ang mga problema sa grupong ito ay hindi nalutas at naantala ang pag-unlad. Hindi ba’t isa lang akong huwad na lider na tinamasa ang katayuan ng pamumuno nang hindi ginagawa ang tunay na gawain? Ang pagsisikap para sa katayuan ay nakakapagod at ginagawa ako nitong balisa sa puso ko. Gumagambala rin ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na isang sitwasyon ng pagkatalo. Kung hindi ako magsisisi, gagawa ako ng masama at lalabanan ang Diyos, na magiging dahilan para iwan ako ng Diyos. Dali-dali akong nagdasal sa Diyos at hinanap ang landas ng pagsasagawa.

Tapos, binasa ko ang ilang sipi mula sa mga salita ng Diyos. “Kapag wala kang katayuan, maaari mong himayin ang sarili nang madalas at kilalanin ang iyong sarili. Maaaring makinabang ang iba dito. Kapag mayroon kang katayuan, maaari mo pa ring himayin ang sarili nang madalas at kilalanin ang iyong sarili, hinahayaang maunawaan ng iba ang realidad ng katotohanan at pag-isipan ang kalooban ng Diyos mula sa iyong mga karanasan. Maaari ring makinabang ang mga tao dito, hindi ba? Kung gayon ka nagsasagawa, may katayuan ka man o wala, makikinabang pa rin ang iba sa gayong paraan. Ano, kung gayon, ang kahulugan ng katayuan sa iyo? Sa katunayan, isa itong labis, karagdagang bagay, tulad ng isang piraso ng damit o sumbrero; hangga’t hindi mo ito ginagawang napakalaking bagay, hindi ka nito mapipigilan. Kung mahal mo ang katayuan at binibigyan ito ng natatanging pagpapahalaga, lagi itong itinuturing bilang mahalagang bagay, mapapasailalim ka ng kontrol nito; pagkatapos, hindi mo na gugustuhing kilalanin ang iyong sarili, ni hindi ka na magiging handang magbukas at maghayag ng iyong sarili, o isaisantabi ang iyong tungkulin sa pamumuno upang makipag-usap at makipag-ugnay sa iba at tuparin ang iyong tungkulin. Anong uri ng suliranin ito? Hindi mo ba ginampanan ang katayuang ito para sa iyong sarili? At kung gayon ay hindi mo ba ipinagpatuloy na lang panghawakan ang posisyon na iyon at ayaw mong talikuran, at nakikipagtunggali ka pa sa iba upang mapangalagaan ang iyong katayuan? Hindi ba pinahihirapan mo lang ang iyong sarili? Kung sa huli ay pahihirapan mo lang ang sarili hanggang kamatayan, sino ang dapat mong sisihin? Kung mayroon kang katayuan, makakaya mong pigilin ang paggamit ng kapangyarihan sa iba, at sa halip ay tutukan kung paano gampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin, ginagawa ang lahat ng dapat mong gawin at ginagampanan ang lahat ng mga nararapat mong tungkulin, at kung nakikita mo ang sarili bilang karaniwang kapatid, hindi mo ba naitakwil kung gayon ang pamatok ng katayuan?(“Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong nang itaas ako ng Diyos para gawin ang aking tungkulin bilang isang lider, hindi Niya ako binibigyan ng katayuan, kundi isang gawain, isang responsibilidad. Gaano man kahirap ang mga problema, kailangan kong lubos na pagtuunan ang paglutas sa mga ito. Kapag nakikipag-ugnayan sa mga kapatid, hindi ako dapat umasa sa aking katayuan sa pamumuno. Sa tuwing ibinubunyag ko ang tiwaling disposisyon, o lumilitaw ang mga paghihirap o kakulangan, kailangan kong hayagang makipag-usap at maging totoo at hayaan ang iba na makita ang aking katiwalian at mga kakulangan, at makilala kung sino talaga ako. Dapat ay walang pagkukunwari o pagpapanggap. Kailangan maging totoo lang ako sa sarili ko at magbahagi tungkol sa kung ano lang ang naiintindihan ko. Kapag hindi ko maintindihan, dapat kong hanapin ang katotohanan at makipagbahagian kasama ang aking mga kapatid para maisagawa ang pinakamahusay na trabaho nang magkakasama. Kalaunan, pumunta ako sa mga pagtitipon sa grupong iyon. Kapag naharap ako sa mga problemang nauugnay sa kadalubhasaang ito, sinasadya kong bitiwan ang aking ego. Aktibo kong tinanong ang iba tungkol sa mga bagay na hindi ko maintindihan at hiniling sa kanila na magpaliwanag. Hindi bumaba ang tingin nila sa akin. Nagsabi rin sila tungkol sa kanilang mga problema at paghihirap sa kanilang gawain. Nang magsalita sila, maingat akong nakinig at sinubukang makaunawa. Noon ako nakakuha ng ilang kaalaman sa kanilang mga problema at nakapagbahagi sa kanila gamit ang prinsipyo ng katotohanan. Pinag-aralan ko rin ang larangan ng kadalubhasaang ito sa sarili kong panahon. Kapag nahaharap sa mga paghihirap, naghahanap ako ng mga sagot kasama nila. Sa paggawa nang sama-sama, nagawa naming umakma sa isa’t isa. Sinimulan naming lutasin ang maraming problema sa aming gawain at mas magandang resulta ang nakamit namin sa aming tungkulin. Ako ay naging mas panatag at gumaan ang pakiramdam ko.

Makalipas ang ilang buwan, pinalawak ng iglesia ang aking gawain. Alam kong marami akong dapat matutuhan. Nang may hinarap akong mga paghihirap, madalas akong nanalangin sa Diyos, at isinagawa ang mga salita ng Diyos, at nalutas ko ang ilan sa mga praktikal na problema. Nagsimula akong tanggapin ng mga kapatid at hinangaan nila ako, at nasiyahan ako sa gayong pakiramdam. Nagsimula na naman akong magtuon sa aking katayuan nang hindi ko namamalayan. Isang araw, pumunta ako sa isang pagpupulong ng mga kapwa-manggagawa, sinabi ng aming lider na may mga pagpupulong sa isang iglesia na hindi gaanong mabisa. Inirekomenda ng mga kasamahan ko na pumunta ako sa iglesia para lutasin ang mga problema. Naisip ko sa sarili ko, “Mukhang tinataglay ko ang ilang realidad ng katotohanan at makakatulong sa paglutas ng mga problema. Nakakaangat siguro ako kumpara sa mga kasamahan ko. Kailangan kong magsikap at ipakita sa kanila kung anong kaya kong gawin.” Bunga ng mga mali kong intensyon, inayos ng Diyos ang isang sitwasyon upang iwasto ako. Isang araw, si Sister Li, isang lider ng grupo, ay nagkaroon ng ilang paghihirap at medyo negatibo. Mabilis akong nakahanap ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at ginamit ang aking karanasan para magbahagi sa kanya. Nagpatuloy ito nang higit tatlumpong minuto, pero mukhang wala itong epekto sa kanya. Pakiramdam ko ri’y nakakainip ang pagbabahagi ko at walang anumang nalutas. Tapos, nagbahagi si Sister An ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagsimulang tumango at ngumiti si Sister Li. Nang panahong iyon, medyo napahiya ako. Ang sipi na tinukoy ni Sister An ay mas angkop. Inisip ko kung anong magiging tingin sa akin ni Sister Li. Sasabihin kaya niyang isa akong hindi karapat-dapat na lider, na hindi ko kayang magbanggit ng mga angkop na sipi ng mga salita ng Diyos o lumutas ng mga problema na kasing galing ni Sister An? Nadismaya ako at ayoko nang magbahagi pa. Makalipas ang ilang araw, nasa masamang kalagayan si Brother Zhang. Nakahanap ako ng ilang kaugnay na mga sipi nang maaga at naisip na, “Kailangang maging maayos ang pagbabahagi na ito para hindi ako mapahiya sa harap ni Sister An. Kung hindi, paano ko magagawa ang gawaing ito?” Nang makita ko si Brother Zhang, masigla at masigasig ako. Sinubukan kong iparating ang lahat ng alam ko. Nang hindi inaasahan, walang pagtitimping sinabi sa akin ni Brother Zhang, “Kapatid, nauunawaan ko ang sinasabi mo, ngunit hindi bumubuti ang katayuan ko. Hayaan mong mas pag-isipan ko pa ito.” Nagulat ako sa mga sinabi niya. Naupo lang ako roon at wala nang masabi pa. Gusto kong magtago sa ilalim ng isang bato. Nabagabag ako, at naisip na, “Ano ang mali sa akin? Hindi nangyayari ito dati kapag kinakausap ko ang ibang mga kapatid. Bakit parati akong nagkakamali? Bababa ang tingin nila sa akin dahil dito. Sasabihin kaya nilang puro salita lang ang ginagawa ko at hindi ko kayang lumutas ng mga totoong problema?” Nakalimutan ko kung paano natapos ang pagpupulong.

Pagkatapos nito, sa tuwing gumugugol ako ng oras kay Sister An, naging mahiyain ako. Minsan, kung paano niya ako tingnan o paano siya magsalita ay medyo masungit. Naisip ko, “May problema ba siya sa akin? Hindi ba niya ako tanggap?” Pakiramdam ko’y kailangan kong panatilihin ang aking distansya sa hinaharap nang sa gayo’y hindi ko na maibunyag ang anumang kakulangan ko. Sa harap ng mga kapatid, maingat ko ring pinanatili ang mga pagpapakita. Sinasadya kong idistansiya ang aking sarili at bihirang makipag-usap sa kanila o tulungan sila sa kanilang mga problema. Tumigil ako sa responsableng paggawa ng aking tungkulin. Unti-unti kong naramdamang binabalot ng kadiliman ang aking puso. Hindi ko naunawaan o nalutas ang mga problema ng iba. Minsan, natatakot akong makipagpulong sa kanila. Iniraraos ko lang ang bawat araw at pakiramdam ko’y iniwan ako ng Diyos. Noon ako nanalangin sa Diyos sa wakas: “Diyos ko, palagi kong sinusubukang panatilihin ang aking reputasyon at palagi akong nagkukunwari. Hindi na ako responsible sa aking tungkulin. Itinago mo ang Iyong mukha sa akin at iyon ay ang Iyong pagkamatuwid, ngunit handa akong bumaling sa iyo at pagnilayan ang aking sarili.” Pagkatapos nito, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang mga tao mismo ay mga bagay na nilikha. Kaya ba ng mga bagay na nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, at maisakatuparan ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, may isang kahinaan. Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man nila isiping ‘may kakayahan’ sila, nais nilang gawing kaakit-akit ang kanilang sarili, na magpanggap na matataas na tao, at magmukhang perpekto at walang anumang mali, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang ituring na dakila, makapangyarihan, lubos na may kakayahan, at nakagagawa ng anumang bagay. Pakiramdam nila’y kapag humingi sila ng tulong sa iba tungkol sa isang bagay, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. … Anong klaseng disposisyon ito? Lubhang mapagmataas ang gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katinuan!(“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Masyadong iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at umiikot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Pag-aralan natin ang kanilang likas na pagkatao mula sa mga pag-uugaling ito: Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at hambog. Ni hindi man lang nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nangangarap na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin sila, at magkaroon ng katayuan sa kanilang isipan. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspeto ng kanilang likas na pagkatao ay kayabangan at kahambugan, ayaw nilang sambahin ang Diyos, at nais nilang sambahin sila ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang likas na pagkatao(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong isa lang ako sa mga nilikha ng Diyos. Imposibleng maintindihan ko ang lahat ng bagay o maging dalubhasa ako sa lahat ng bagay. Tungkol man ito sa katotohanan o dalubhasang kaalaman, napakalimitado lang ng mga bagay na kaya kong intindihin at maunawaan. Normal na hindi mapansin ang mga bagay-bagay at magkamali, pero hindi ko talaga kilala ang sarili ko, at ayaw kong tanggapin ang aking mga pagkukulang. Ginusto kong maging perpekto, mataas at makapangyarihan, at nagpanggap lang ako na ibang tao ako, at masyadong nagtuon sa kung anong iniisip ng iba sa akin. Nang irekomenda ng mga kasamahan ko na puntahan ko ang iglesiang iyon para lutasin ang kanilang mga problema, pakiramdam ko’y mayroon akong realidad ng katotohanan at mas magaling ako kaysa sa kanila, kaya ginusto kong ipakita ang aking mga talento at patunayan ang sarili. Nang maipares kay Sister An, pakiramdam ko’y ako ang lider at naroon ako para lutasin ang mga problema, kaya kailangang mas magaling ako sa kanya sa lahat ng bagay. Nang makita ko kung paano nilutas ni Sister An ang mga problema ng iba at na patuloy akong nagkamali, pakiramdam ko’y napahiya ako at gusto kong tumakbo palayo, kaya sinadya kong idistansiya ang aking sarili mula sa iba at nagsimulang iwasan ang aking tungkulin. Nagpatuloy pa rin ang mga problema sa buhay-iglesia na pumigil sa mga kapatid sa pagkamit ng pagpasok sa buhay. Napagtanto ko na ang dahilan kung bakit palagi akong naging mapagpanggap ay dahil nagawa akong tiwali ng mga lason ni Satanas gaya ng “Dapat laging magsikap ang mga kalalakihan para maging mas mabuti kaysa sa kanilang mga kapanahon,” “Habang nabubuhay ang puno para sa balat nito, nabubuhay naman ang tao para sa kanyang mukha,” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kahit saan man siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Saang grupo man ako makabilang, sinubukan kong magkubli at itago ang aking mga pagkukulang. Gusto kong makita lang ng tao ang aking mabuting katangian at iwanan lang sila ng magandang impresyon. Akala ko ay binigyan nito ng halaga at dignidad ang buhay ko, pero nang naglaho na ang pakiramdam na iyon, nasaktan ako at nalungkot. Nanatili akong maingat at mapaghinala sa iba. Nakakapagod ito. Itinaas ako ng Diyos upang gawin ang aking tungkulin bilang isang leader para dumakila at magpatotoo sa Kanya, para ibahagi ang katotohanan upang lutasin ang mga praktikal na problema at para dalhin ang mga kapatid sa Diyos. Pero hindi ko ginawa ang makakaya ko upang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, itinuring ko ito na isang pagkakataon para magyabang at hangaan. Nang hindi ko nakuha ang gusto ko, pinabayaan ko ang tungkulin ko. Ang pagtaas at pagbaba lamang ng aking reputasyon at katayuan ang inisip ko, at hindi ko hinanap ang katotohanan o isinakatuparan ang aking mga responsibilidad. Bilang resulta, kinamuhian ako ng Diyos, at ang aking espiritu ay nanatili sa kadiliman. Hindi lamang sa hindi ko nalutas ang anumang totoong mga problema, ni hindi ko rin nagawa ang mga bagay na kaya kong gawin dati. Nakita ko ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos. Likas na mapagmataas at nakikipagkumpitensya si Pablo. Bulag niyang hinangad ang katayuan at gusto niyang hangaan siya. Dinala niya ang tao sa kanyang harapan at pinasok ang landas ng paglaban sa Diyos. Hindi ko hinangad ang katotohanan, sa halip ay bulag na pinagsikapan ang katayuan. Masyado kong inalala kung ano ang tingin ng iba sa akin at ginustong himukin sila at linlangin. Tulad ni Pablo, tinahak ko ang landas ng paglaban sa Diyos! Nang matanto ko ito, dali-dali akong nanalangin sa Diyos at nagsisi. Ayoko nang magkunwari o protektahan ang sarili kong katayuan. Gusto kong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao.

Nang sunod akong nakipagpulong sa mga kapatid, gusto kong sabihin sa kanila kung ano ang pinagdaanan ko, at ibunyag ang sarili kong katiwalian, pero hindi ko talaga magawang magsalita. Ako ang lider ng iglesia at dapat ay ako ang nangangasiwa ng kanilang gawain. Kung sasabihin ko sa kanila ang lahat, ang lahat-lahat, iisipin ba nilang hindi ako isang tao na naghahanap ng katotohanan, na hindi ako angkop na maging isang lider? Pabalik-balik ang mga ito sa aking isip. Noon ko natantong sinusubukan ko muling magkunwari at panatilihin ang aking reputasyon. Naisip ko kung paano ko pinahalagahan palagi ang katayuan, na umantala sa gawain sa sambahayan ng Diyos at naglagay sa akin sa maling landas. Napuno ng takot ang puso ko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi mo kailangang pagtakpan ang anumang bagay, gumawa ng anumang mga pagbabago, o gumamit ng anumang panlalansi alang-alang sa iyong reputasyon, paggalang sa sarili, at katayuan, at tumutukoy rin ito sa anumang mga pagkakamaling nagawa mo; hindi kinakailangan ang gayong walang kabuluhang gawain. Kapag ginawa mo ito, mabubuhay kang walang hirap at walang pagod, at ganap na nasa liwanag. Ang gayong mga tao lamang ang maaaring mapagtagumpayan ang papuri ng Diyos(“Yaon Lamang Mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Niliwanagan ng mga salita ng Diyos ang aking puso at binigyan ako ng motibasyon. Naramdaman kong ang pananatili sa ganitong kapaligiran ay isang pagkakaton para isagawa ang katotohanan. Hindi ko na kayang itago ang aking totoong sarili at protektahan ang aking katayuan, kaya ibinahagi ko ang aking pagiging tiwali at ang mga aral na aking natutuhan sa aking mga kapatid. Kaming lahat ay may nakuha sa pagbabahaging ito at mas napalapit sa isa’t isa. Pinag-usapan din namin ang kanilang mga isyu sa trabaho, at sa pamamagitan ng paghugot ng lakas sa bawat isa, nagawa naming ayusin ang mga pagkakamali sa aming tungkulin. Makalipas ang ilang panahon, nalutas ang mga problema sa iglesiang ito. Umunlad din ang katayuan ng mga kapatid, at nagsimula silang aktibong gawin ang kanilang tungkulin. Pagkatapos nito, kapag ginagawa ko ang aking tungkulin, kahit na pakiramdam ko pa rin kung minsan ay pinipigilan ako ng mga isipin ng katayuan, nagagawa kong manalangin sa Diyos, isagawa ang katotohanan, at maging tapat, at kaya kong maging bukas tungkol sa aking katiwalian. Unti-unti akong tumigil sa pagtutuon ng atensyon sa aking katayuan. Simula noon, nagawa ko nang makisama sa aking mga kapatid sa pamamagitan lamang ng pagiging bukas nang hindi nagkukunwari. Nang wala ang lahat ng pagkukunwari, nagawa kong hanapin ang katotohanan at gawin ang aking tungkulin sa makatwirang paraan. Ito ang resulta ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Espiritu Ko’y Pinalaya

Ni Mibu, Spain“Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na...