Ang Aking Kwento ng Pakikipagtulungan

Hulyo 9, 2022

Ni Leanne, USA

Ako ang responsable sa gawain ng pagdidilig sa isang iglesia. Habang lumalawig ang ebanghelyo at mas maraming tao ang tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi ko lang dinidiligan ang mga baguhan, kundi sinusubaybayan din ang gawain ng mga tagadilig, at tinutulungan silang lutasin ang mga problema at paghihirap nila. Hindi ko masabayan ang lahat ng bagay, kaya’t ang ilang bagong mananampalataya ay hindi kaagad nadidiligan at nawalan na ng gana sa mga pagtitipon. Nagpasya ang lider ko na magtrabaho si Sister Carmen kasama ko, para maiwasan ang mga pagkaantala sa gawain. Masaya ako nang mabalitaan iyon, dahil nakakahanap si Carmen ng mga problema sa gawain at nagdadala siya ng pasanin sa kanyang tungkulin. Palagi siyang nakakukuha ng magagandang resulta sa pagdidilig. Mapupunan ng pakikipagpareha sa kanya ang mga pagkukulang ko at makababawas din ito ng kaunting bigat sa trabaho ko.

Kalaunan, idinagdag ko si Carmen sa grupo ng pagdidilig. Ilan sa mga tao sa grupo ng pagdidilig ay masyadong pasibo noong panahong iyon, at nagsimula si Carmen na magbahagi ng mga salita ng Diyos para lutasin ang mga kalagayan nila. Agad siyang tumutugon kapag nagtatanong ang mga miyembro ng grupo. Naasiwa ako nang makita ko ang lahat ng iyon. Naisip ko na noong ako ang mag-isang namamahala sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa gawain, ako palagi ang tumutugon sa mga tanong nila, pero sa pagdating niya ay kinuha na niya ang pangunahing papel, na dahilan kaya hindi ako napapansin. Isa pa, may pagtanglaw sa pagbabagi niya na wala sa akin, kaya’t siguradong iisipin ng lahat na mas magaling siya sa akin. Talagang hindi ako mapakali nang maisip ko ito. Pakiramdam ko ay sinasapawan niya ako, pinagmumukha akong mas nakabababa sa kanya sa bawat aspeto, at hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Tumigil ako sa pagbabasa ng mga mensaheng ipinadadala niya sa grupo at hindi na ako aktibong nakipag-usap sa kanya—sinadya ko siyang ibukod. Dahil hindi ko aktibong binabalitaan si Carmen tungkol sa gawain namin, kahit pagkalipas ng ilang araw ay hindi niya matukoy ang tunay na kalagayan ng mga kapatid, at hindi bumuti ang gawain namin. Alam kong dapat ay pinuntahan at kinausap ko ang grupo ng pagdidilig tungkol sa mga kalagayan at paghihirap nila para agad-agad na magbahagi at lutasin ang mga iyon. Pero bigla kong naalala ang pagkuha ni Carmen sa pangunahing papel at ang pagkakaroon ng tahimik na pagkakaunawaan ng lahat na siya ang pangunahing humahawak sa gawain ng pagdidilig. Nangamba ako na kung nalutas ko ang mga problema ng mga miyembro ng grupo at maganda ang kinalabasan ng gawain, sasabihin ng ilang kapatid na hindi nakaaalam sa aktwal na sitwasyon na dahil iyon kay Carmen, at lalo pa nila siyang titingalain. Tapos ay hindi ako mapapansin. Kaya hindi ako nagbahagi sa mga miyembro ng grupo ng pagdidilig. Nagdaan ang ilang araw at patuloy na nabawasan ang pagiging epektibo ng aming gawain ng pagdidilig. Nakita ko na mukhang problemado si Carmen at patuloy siyang nagpapadala sa grupo ng mga salita ng Diyos para magbahagi, pero hindi ako nababahala, at nagdiriwang pa nga ako nang kaunti. Pakiramdam ko ay mas mabuti nang hindi maganda ang lagay ng gawain, para sabihin ng lider na hindi magaling si Carmen at hindi siya makapantay sa akin. Hindi talaga ako komportable sa mga naiisip kong ito, pero hindi ko seryosong pinagnilayan ang mga ito noong panahong iyon.

Isang araw, sinabi sa akin ng isang lider na hindi maganda ang takbo ng aming gawain ng pagdidilig nitong huli, na gustong malaman ni Carmen ang tungkol sa mga baguhan, kaya’t dapat ko siyang isali sa mga grupo ng pagtitipon nila. Kumabog ang dibdib ko nang marinig kong sabihin ng lider na dapat itong isaayos. Naisip ko kung paanong mas mahusay si Carmen kaysa sa akin, na kapag sumali siya sa mga pagtitipon ng mga grupong iyon, inalam at nilutas nang napakabilis ang mga problema ng mga bagong mananampalataya, naisaayos ang gawain namin, mauungusan niya ako. Ayaw kong pumunta siya sa lahat ng grupo, at inisip kong malulutas kong mag-isa ang mga bagay-bagay. Kaya’t nakahanap ako ng mga dahilan para tumanggi. Pagkatapos ay nakonsensya ako roon at nagdasal sa Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin, napagtanto kong pinoprotektahan ko lang ang sarili kong reputasyon at katayuan sa paggawa nito, at hindi ito nakaayon sa kalooban ng Diyos. Pero hindi ako masaya na makasama agad-agad si Carmen sa bawat grupo ng pagtitipon, at natakot akong paglaon ay aagawin niya sa akin ang posisyon ko. Tapos ay naisip ko kung paanong ginagawa ng mga lider ng relihiyon ang lahat ng makakaya nila para sarahan ang mga simbahan para maprotektahan ang katayuan nila at mapanghawakan ang kabuhayan nila, pinananatili ang mahigpit nilang hawak sa mga mananampalataya, at hindi hinahayaan ang mga itong siyasatin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw o salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Nakikipagpaligsahan sila sa Diyos at sila ang mga anticristong inihayag ng gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi ko hinahayaan si Carmen na makilahok sa gawain namin para maprotektahan ko ang reputasyon at katayuan ko. Hindi ba’t pinananatili ko rin ang mahigpit kong pagkakahawak sa mga kapatid? Nilabanan ko ang Diyos, katulad din ng mga lider ng relihiyon. Alam kong kailanganan kong magbago ng landas agad-agad at talikdan ang mga maling motibo ko. Kinabukasan, isinali ko si Carmen sa mga grupo ng pagtitipon, at bahagyang mas napanatag ang pakiramdam ko.

Kahit na isinama ko siya sa mga grupo ng pagtitipon, hindi ko siya hinanap para talakayin ang gawain, kaya’t ginagawa pa rin ng bawat isa sa amin ang sarili naming gawain. Lumipas ang ilang linggo, at hindi pa rin bumubuti ang aming gawain ng pagdidilig. Nang tanungin ako ng lider kung bakit ganito, hindi ko alam kung paano tutugon. Kalaunan ay medyo nakonsensya ako, at pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos sa mga debosyonal at pagninilay-nilay ko: “Ang mga tao ay walang pangunahin o malaking pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, itinutuon at inilalaan nila ang kanilang lakas sa pagkilala sa kanilang mga kilos at panlabas na pagpapahayag. Kahit na ang ilang tao ay paminsan-minsang nagagawang magsalita nang kaunti tungkol sa kanilang pagkakilala sa sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang tao ang nag-isip kailanman na siya ay isang partikular na uri ng tao o na mayroon siyang partikular na uri ng kalikasan dahil gumawa siya ng isang partikular na uri ng bagay o nagbunyag ng isang partikular na bagay. Nailantad na ng Diyos ang likas na pagkatao at diwa ng tao, subalit ang nauunawaan ng mga tao ay na ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang mga paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; bilang resulta, medyo nakapapagod na gawain para sa kanila na isagawa ang katotohanan. Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapamalas lamang na nabubunyag nang walang ingat, sa halip na mga pagbuhos ng kanilang kalikasan. Kapag ganito mag-isip ang mga tao, napakahirap para sa kanila na talagang makilala ang mga sarili nila, at napakahirap para sa kanila na maunawaan at maisagawa ang katotohanan. Dahil hindi nila alam ang katotohanan at hindi nauuhaw rito, kapag isinasagawa ang katotohanan, sumusunod lamang sila sa mga tuntunin sa pabasta-bastang paraan. Hindi itinuturing ng mga tao ang kanilang sariling likas na pagkatao na napakasama, at naniniwala na hindi naman sila masama sa puntong dapat silang wasakin o parusahan. Ngunit ayon sa mga pamantayan ng Diyos, lubos na tiwali ang mga tao, malayo pa sila sa mga pamantayan para sa kaligtasan, dahil nagtataglay lamang sila ng ilang pamamaraan na sa panlabas ay hindi mukhang lumalabag sa katotohanan, at sa katunayan, hindi sila nagsasagawa ng katotohanan at hindi sumusunod sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang mapagnilayan ko ito, naunawaan ko na para magkaroon ng kaalaman sa aking sarili ay dapat kong ikumpara ang mga saloobin, motibo at perspektibo ko sa mga salita ng Diyos, dapat kong alamin at himayin ang aking kalikasang diwa, at ang landas na kinaroroonan ko, at pagkatapos ay hangaring lutasin iyon gamit ang katotohanan. Iyon ang tanging paraan para tunay na magbago at magsisi. Kung aaminin lang natin na mayroon tayong mga tiwaling disposisyon o na may ginawa tayong mali nang hindi nalalaman ang sarili nating kalikasang diwa, nang hindi nakikita kung gaano tayo kalalim na ginawang tiwali, o kung gaano kapanganib ang kalagayang kinalalagyan natin, kung ganoon ay hindi natin gugustuhing hanapin ang katotohanan at hangarin ang pagbabago, lalo na ang tunay na magsisi. Nakita ko na inaamin ko lang na pinoprotektahan ko ang reputasyon at katayuan ko, at kung paanong ang hindi pagnanais na isali si Carmen sa mga grupo ay paglaban sa Diyos, pero hindi ko talaga malinaw na nauunawaan kung anong klaseng disposisyon ang inihahayag ko, kung ano ang diwa nito, at kung anong landas ang kinaroroonan ko sa aking tungkulin. Kahit na sa huli ay isinali ko siya sa mga grupo, isa lang iyong pagbabago ng pag-uugali at hindi ko nilutas ang aking tiwaling disposisyon. Isa pa ay hindi ko tunay na isinantabi ang aking sarili at hindi ako nakipagtulungan sa kanya. Paano magtatagumpay ang gawain namin sa ganoong paraan? Nagdasal ako nang mapagtanto ko iyon, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para tunay kong makilala ang aking sarili.

Nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos sa mga debosyonal ko isang araw: “Ang ilang tao ay palaging natatakot na ang iba ay mas mahusay o mas mataas kaysa sa kanila, na ang iba ay kikilalanin habang sila ay hindi napapansin, at dahil dito ay inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong may talento? Hindi ba ito makasarili at nakasusuklam? Anong klaseng disposisyon ito? Ito ay pagiging malisyoso! Iyong mga iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, binibigyang-kasiyahan lamang ang sarili nilang mga hangarin, nang hindi iniisip ang iba o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay may masamang disposisyon, at walang pagmamahal ang Diyos sa kanila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Kinakamkam ng mga anticristo ang lahat ng bagay mula sa sambahayan ng Diyos at ang pag-aari ng iglesia, at itinuturing ang mga ito bilang kanilang personal na pag-aari, na lahat ng ito ay sila dapat ang namamahala, nang walang ibang nakikialam. Ang mga iniisip lamang nila kapag ginagawa ang gawain ng iglesia ay ang kanilang sariling mga interes, kanilang sariling katayuan, at kanilang sariling pagpapahalaga sa sarili. Hindi nila tinutulutan ang sinuman na pinsalain ang kanilang mga interes, lalo nang hindi nila tinutulutan ang sinumang may kakayahan at nagagawang magsalita tungkol sa kanyang patotoong batay sa karanasan na maging banta sa kanilang katayuan at katanyagan. Kaya naman, sinusubukan nilang maliitin at ibukod bilang mga katunggali ang mga nakapagbibigay ng patotoo batay sa karanasan, at kayang magbahagi tungkol sa katotohanan at magtustos para sa mga hinirang ng Diyos, at desperado nilang tinatangkang ganap na ibukod ang mga taong iyon mula sa iba, na lubusang dungisan ang pangalan ng mga ito, at pabagsakin ang mga ito. Saka lamang mapapayapa ang mga anticristo. Kung hindi kailanman nagiging negatibo ang mga taong ito, at nagagawang patuloy na gampanan ang kanilang tungkulin, nagsasalita ng kanilang patotoo, at sumusuporta sa iba, babaling ang mga anticristo sa huli nilang alas, ang hanapan ng kapintasan ang mga ito at kondenahin ang mga ito, o paratangan ang mga ito at umimbento ng mga dahilan upang ligaligin at parusahan ang mga ito, hanggang sa mapalayas ang mga ito sa iglesia. Saka lamang ganap na makakahinga nang maluwag ang mga anticristo. Ito ang pinakamapaminsala at pinakamalupit tungkol sa mga anticristo. … Kapag napapangibabaw ng isang tao ang kanyang sarili dahil sa isang maliit na gawain, o kapag nagagawa ng isang tao na magbigay ng tunay na patotoong batay sa karanasan upang makinabang, mapatibay, at masuportahan ang mga hinirang ng Diyos, at magkamit ng malaking papuri mula sa lahat, nabubuo ang inggit at poot sa puso ng mga anticristo, at sinusubukan nilang layuan at siraan ang taong ito. Anuman ang sitwasyon, hinding-hindi nila tinutulutan ang gayong mga tao na gumawa ng anumang gawain, upang hindi maging banta ang mga ito sa kanilang katayuan. Napapalutang at nabibigyang-diin ng mga taong may katotohanang prinsipyo ang kahirapan, kasamaan, kapangitan, at kabuktutan ng mga anticristo kapag nasa presensya nila ang mga ito, kaya kapag pumipili ng katuwang o katrabaho ang isang anticristo, hindi ito kailanman pumipili ng isang taong may katotohanang realidad, hindi siya kailanman pumipili ng mga taong kayang magsalita tungkol sa kanyang patotoong batay sa karanasan, at hindi ito kailanman pumipili ng mga taong matapat o mga taong nakapagsasagawa ng katotohanan. Ito ang mga taong pinakakinaiinggitan at kinapopootan ng mga anticristo, at sila ay tinik sa tagiliran ng mga anticristo. Gaano man karami ang ginagawa na mabuti o kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos ng mga taong ito na nagsasagawa sa katotohanan, magsisikap nang husto ang mga anticristo upang takpan ang mga gawa na ito. Babaluktutin pa nila ang mga katunayan upang angkinin ang papuri para sa magagandang bagay habang ipinapasa ang sisi para sa masasamang bagay sa iba, para maitaas nila ang kanilang sarili at maliitin ang iba. Malaki ang inggit at pagkamuhi ng mga anticristo sa mga naghahangad sa katotohanan at nagagawang magsalita tungkol sa kanilang patotoong batay sa karanasan. Natatakot sila na magiging banta ang mga taong ito sa sarili nilang katayuan, kaya nga ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para atakihin at ibukod ang mga ito. Pinagbabawalan nila ang mga kapatid na lumapit sa mga ito, na makipag-ugnayan sa mga ito, o suportahan o purihin ang mga taong ito na nagagawang magsalita tungkol sa kanilang patotoong batay sa karanasan. Ito ang pinakanagbubunyag sa satanikong kalikasan ng mga anticristo, na nayayamot sa katotohanan at namumuhi sa Diyos. Kaya nga, pinatutunayan din nito na ang mga anticristo ay masasamang pwersa na salungat sa iglesia, na sila ang dapat sisihin sa panggugulo sa gawain ng iglesia at paghadlang sa kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Sinasabi ng Diyos na masyadong pinahahalagahan ng mga anticristo ang katayuan, at kapag may dumarating na sinuman na naglalagay sa panganib ng katayuan nila sa nasasaklawan ng trabaho nila, sinisiil at ibinubukod nila ang taong iyon. Hindi nila ito hinahayaang magkaroon ng mga importante o pangunahing papel, at isasakripisyo pa nga ng mga anticristo ang mga interes ng iglesia para maprotektahan ang sarili nilang katayuan. Masyado silang makasarili at mapaminsala. Hindi ba’t parehong-pareho ang pag-uugali ko sa ugali ng isang anticristo? Simula nang dumating si Carmen para magtrabaho kasama ko, nakita kong mas magaling siya sa gawaing iyon at sa pagbabahagi ng katotohanan kaysa sa akin. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko dahil doon, at itinuring ko siyang kaaway ko, kalaban ko. Akala ko na sa pagdating niya, kinukuha niya ang pangunahing papel at sinasapawan ako, at kung lalo niyang mapabubuti ang pagsasagawa namin ng gawain, magmumukha akong hindi magaling. Dahil dito ay sinadya ko siyang ibukod sa halip na aktibong makipagtulungan sa kanya at ipaalam sa kanya ang tungkol sa gawain namin. Nang makita kong nagdurusa ang aming gawain ng pagdidilig, hindi ako nagsagawa ng karagdagang gawain o lumutas ng mga problema, at sa halip ay natakot ako na kung malutas ko ang mga problema at bunga nito ay bumuti ang gawain namin, kung ganoon ay mapupunta kay Carmen ang papuri. Mas malala pa, nang makita kong patuloy na bumababa ang pagiging epektibo ng gawain namin, hindi ako nag-alala, at ipinagdiwang pa nga ito. Nasiyahan ako na naapektuhan ang gawain, at inakala kong iisipin ng lider na mas magaling ako kay Carmen dahil dito, at na maiingatan ang aking posisyon. Ang inalala ko lang ay ang sarili kong reputasyon at katayuan at kahit kaunti ay hindi isinaalang-alang ang mga paghihirap niya o kung ano ang mga magiging kahihinatnan kung magreresulta iyon sa mga baguhang hindi nadidiligan nang maayos. Napakamakasarili at mapaminsala ko! Nang utusan ako ng lider na dalhin si Carmen sa mga grupo, lalo pa akong nagmatigas. Pakiramdam ko ay mahihigitan niya na ako o mapapalitan pa nga, kaya’t nakahanap ako ng mga dahilan para tumanggi. Para mapanatili ang posisyon ko, itinakwil ko siya at itinuring ang iglesia na personal kong teritoryo. Sa nasasaklawan ng responsibilidad ko, hindi ko siya binigyan ng anumang pagkakataon para mamukod-tangi o hayaang lumutang ang mga kakayahan niya. Naging isang diktador ako. Hindi ba’t naghahayag ito ng disposisyon ng isang anticristo? Medyo nagulat ako. Hindi ko inakalang kaya kong maging masyadong mapagmataas at mapaminsala, na kaya kong labis na magtakwil para lang mapanatili ang sarili kong katayuan. Hindi ko talaga isinasaalang-alang ang pagdidilig sa mga baguhan o kung naaapektuhan ang gawain ng iglesia, at gusto ko lang tuparin ang sarili kong pambihirang ambisyon. Talagang lango ako sa reputasyon at katayuan.

Tapos ay nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahanap niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang mithiing hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang sundin o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng katanyagan at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanilang mga kilos, o nakakatulong ba ang mga ito upang maisulong iyon? Malinaw na balakid ang mga ito; hindi napapasulong ng mga ito ang gawain ng iglesia. Ang ilang tao ay nagkukunwaring gumagawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang katanyagan at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagampanan ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa esensya, ay nakakagambala, nakakagulo, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng katayuan at katanyagan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang pagpasok nila sa buhay, pinipigilan silang pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay panggugulo, pamiminsala, at pagbuwag. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa katanyagan at katayuan. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang katayuan at katanyagan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang katanyagan at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng iba ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang katanyagan at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na gagampanan ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa katanyagan at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, nang wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa malayang pagdaloy ng kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng katanyagan at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang likas na katangian ng paghahangad ng mga tao sa katayuan at katanyagan. Ang problema sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga mithiin ni Satanas—ang mga ito ay mga mithiin na masasama at hindi makatarungan. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng katanyagan at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagiging daluyan na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay-iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Nanginginig ako sa takot matapos ko iyong mabasa. Inihahayag ng Diyos na ang paghahangad natin sa reputasyon at katayuan ay pagpapatakbo ng sarili nating negosyo, at pagtahak iyon sa landas ng isang anticristo. Sa diwa, ito ay pagkilos bilang kampon ni Satanas, at ito ay paggambala sa gawain ng iglesia. Nilalabag nito ang disposisyon ng Diyos. Nang lalo ko itong inisip ay lalo akong kinabahan. Nasa kasagsagan ang gawain ng ebanghelyo, at parami nang paraming tao ang tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Bilang tagapamahala ng pagdidilig, dapat talaga ay ang kalooban ng Diyos ang iniisip ko, sinusuportahan at dinidiligan ko dapat agad ang mga baguhan, at tinutulungan sila sa mga kuru-kuro at kalituhan nila, upang mabilis silang makapaglatag ng pundasyon sa tunay na daan. Pero naghahabol ako sa reputasyon at katayuan sa halip na asikasuhin ang gawain ko. Hindi ako nagsisikap sa tungkulin ko, nagbabayad ng halaga o nag-iisip kung paano pinakamainam na madidiligan ang mga baguhan, at ayaw ko pa ngang magkaroon ng papel ang kahit sino. Hindi ba’t ginagambala ko ang gawain ng iglesia? Hindi ba’t isa akong hadlang sa pagliligtas ng Diyos sa iba? Isa akong kasangkapan ni Satanas, gumaganap ng isang negatibong papel, at tinatahak ko ang landas ng isang anticristo laban sa Diyos. Ako ang may pananagutan sa gawain ng pagdidilig, pero hindi ko iyon makaya nang mag-isa, kaya’t isinaayos ng lider na tulungan ako ni Carmen, na isang mabuting bagay, at sinumang matuwid o makatuwirang tao ay aktibong makipagtutulungan sa iba para magbigay ng suporta at pagdidilig sa mga bagong mananampalataya sa lalong madaling panahon. Pero hindi ko talaga iniisip ang gawain ng iglesia. Para panatilihin ang reputasyon at katayuan ko, hindi ko isinali si Carmen, inilayo siya sa mga kapatid, at pinigilan siyang tulungan silang lutasin ang mga problema nila, na isang matinding balakid sa aming gawain ng pagdidilig at nakaantala sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Hindi iyon paggawa sa tungkulin ko. Malinaw na paggawa iyon ng masama. Kung hindi pa rin ako magsisisi, alam kong ilalantad at ititiwalag ako ng Diyos bilang isang anticristo. Isa itong kakila-kilabot na bagay na aking napagtanto, at talagang pinagsisisihan ko ang lahat ng aking mga kilos at asal. Nagdasal ako, “Oh Diyos, naghahangad ako ng reputasyon at katayuan, ginagambala ko ang gawain ng iglesia. Wala akong anumang pagkatao. Lahat ng ginagawa ko ay laban sa Iyo. Diyos ko, gusto kong magsisi sa Iyo….”

Nakabasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos pagkatapos niyon: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay nagkaroon ng debosyon, kung natupad ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad o kagustuhan. Sa halip, binibigyan mo ng palagiang pagsasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos ay nakapagbibigay-liwanag sa akin. Sa isang tungkulin, kailangang mauna ang mga interes ng iglesia, at dapat nating ibigay ang lahat ng mayroon tayo sa ating tungkulin. Hindi natin dapat kalkulahin ang mga bagay-bagay para sa reputasyon at katayuan, at kailangan nating makipagtulungan at maging kaisa sa puso at isip ang ating mga kapatid, gawin ang lahat ng ating makakaya na magtrabaho alinsunod sa mga prinsipyo upang makapagtamo tayo ng gawain ng Banal na Espiritu at madaling makakuha ng mga resulta mula sa gawain natin. Kaya’t pumunta ako para kausapin si Carmen at ipinagtapat sa kanya ang mga katiwaliang inihayag ko at tinalakay kung ano ang natutuhan ko tungkol sa sarili ko. Naging higit na malaya ang pakiramdam ko pagkatapos ng pagbabahaginan namin, at handa na akong makipagtulungan sa kanya sa aming gawain ng pagdidilig.

Hindi nagtagal, natuklasan ko na ilan sa mga bagong mananampalataya na nag-aalinlangang pumunta sa mga pagtitipon ay natulungan ni Carmen, nalutas ang kanilang mga kuru-kuro, at ngayon ay regular na silang dumadalo sa mga pagtitipon, at nagnanais tumanggap ng tungkulin. Medyo hindi na naman ako natuwa. Hindi ko talaga naunawaan ang mga problema nila noon, pero nalutas iyon ni Carmen. Hindi ba’t pinagmumukha ako niyong mas nakabababa sa kanya? Nang maisip ko iyon, napagtanto kong hindi ko iyon iniisip nang maayos, at naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Diyos: “Ang pagtutulungan ng magkakapatid ay isang proseso ng pagbabalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba. Ginagamit mo ang iyong mga lakas upang punan ang mga pagkukulang ng iba, at ginagamit ng iba ang kanilang mga lakas upang punan ang iyong mga kakulangan. Ito ang ibig sabihin ng pagbalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba at ng maayos na pagtutulungan. Tanging sa pagtutulungan nang maayos maaaring pagpalain ang mga tao sa harap ng Diyos, at kapag mas nararanasan ang ganito ng isang tao, mas nagtatamo siya ng realidad, mas lumiliwanag ang kanyang landas habang tinatahak niya ito, at nagiging mas panatag siya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa Maayos na Pakikipagtulungan). Mas magaling sa akin si Carmen sa pagbabahagi ng katotohanan at paglutas ng mga problema, kaya’t kailangan kong matuto mula sa kanya. Kaya tinanong ko siya kung paano siya nagbahagi at kung paano niya nilutas ang mga problema ng mga baguhan, at sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ay binigyan niya ako ng kaunting kabatiran kung paano haharapin ang mga problema nila. Pakiramdam ko ay mabuting makipagtrabaho sa kanya, na kaya niyang punan ang mga pagkukulang ko at ito ay biyaya ng Diyos. Pagkatapos niyon, nang mapansin kong walang ginagawa ang ilang kapatid sa kanilang mga tungkulin, hinanap ko si Carmen para makipagtalakayan upang makita kung ano ang ugat ng pagiging negatibo nila at kung anong uri ng katotohanan ang dapat naming ibahagi sa kanila para lutasin ito. Mabilis naming nakita ang mga nauugnay na salita ng Diyos na maibabahagi sa kanila. Naging mas aktibo sila sa kanilang tungkulin pagkatapos ng pagbabahaging ito. Ang ilan ay nagdidilig ng mga bagong mananampalataya, ang ilan ay nagbabahagi ng ebanghelyo. Unti-unti, mas maraming tao ang gumagawa ng tungkulin sa iglesia. Sa pamamagitan ng kaunting suporta at pagdidilig, mas maraming baguhan ang nagtamo ng pundasyon sa tunay na daan, at karamihan sa kanila ay regular na nagtitipon at gumagawa ng tungkulin. Pagkatapos noon, kapag nagkakaroon ako ng mga problema sa tungkulin ko, agad kong tinatalakay ang mga iyon kay Carmen, at kapag nakikita niyang nagkakaroon ng problema ang mga kapatid sa mga tungkulin nila, sinasabi niya agad sa akin ang tungkol sa mga ito para masubaybayan ko ang mga bagay-bagay at maresolba ang mga ito. Nakipagtulungan kami sa isa’t isa, nang may nagkakaisang puso at isip, at nakaramdam ako nang higit na kapanatagan.

Ipinakita sa akin ng karanasang ito na ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay pagtahak sa landas ng isang anticristo, pagtatrabaho bilang kampon ni Satanas, at panggagambala sa gawain ng iglesia. Kung hindi dahil sa paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, kailanman ay hindi ko malalaman ang katiwaliang inihahayag ko o ang anticristo kong disposisyon, at hinding-hindi ako makabibitiw sa pagnanasa ko sa katayuan at makikipagtutulungan kay Carmen. Malaki ang pasasalamat ko sa pagliligtas ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si...

Desidido Ako sa Landas na Ito

Ni Han Chen, TsinaIlang taon na ang nakararaan, inaresto ako ng mga pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Sinentensyahan ako ng Partido...