Hindi Madaling Makawala sa Kapalaluan

Agosto 3, 2022

Ni Hailey, Hapon

Noong Hulyo ng 2020, isinaayos ng superbisor ko na kunin ko ang trabaho ni Sister Iris at gumawa ng mga video. Tuwang-tuwa ako, pero natanto ko rin na daranas ako ng ilang problema at paghihirap sa bago kong tungkulin, kaya kailangan kong matuto at magtanong kapag may hindi ako nauunawaan. Pero nang ipasa sa akin ni Iris ang kanyang gawain, sinabi niya na napakarami niyang trabaho sa bago niyang tungkulin, at gusto niyang tapusin namin iyon kaagad. Masasabi ko na wala siyang planong maghintay na makabisado ko ang gawain bago siya umalis. Hindi ko maiwasang mag-alala, “Hindi ako pamilyar sa gawaing ito, kaya ko ba talagang gawin itong lahat nang sabay-sabay?” Tinanong ako ni Iris kung nahihirapan ako. Sasabihin ko na sana ang mga alalahanin ko, pero naisip ko, “Ngayon lang kami nagkakilala, at mahalaga ang unang impresyon. Nagmamadali siyang magsimula sa bago niyang tungkulin, kaya hindi ko siya pwedeng pigilan. Kung magtatanong ako tungkol sa mga paghihirap at magpatulong bago magsimula sa trabaho, ano ang iisipin niya sa akin? Hindi ba niya iisipin na inaako ko ang trabaho niya nang walang nauunawaang anuman, at na hindi ako ang tamang tao para sa trabaho?” Kaya, labag sa kaloobang sinabi ko, “Wala akong tanong.” Para patunayan na may kakayahan ako at kaya kong tumuklas ng mga problema, nagmungkahi rin ako tungkol sa mga propesyonal na prosesong itinuro niya sa akin. Sa oras na iyon, natanto ko na sadya kong pinagtakpan ang mga pagkukulang ko. Kung nagkamali siya ng akala na may mahusay akong kakayahan at pinaikli niya ang pagtuturo sa akin, paano kung makaantala ang kabagalan kong kabisaduhin ang gawain? Pero naisip ko na dahil nasabi ko na iyon, hindi ko na mababawi iyon. Pwede akong magpatulong sa kanya kung magkaproblema ako sa hinaharap.

Kinabukasan, sinabi sa akin ni Iris na sa hinaharap, magiging partner ko si Sister Josie. Sabi niya wala pang isang buwan ay nagsimula nang gumawa ng mga video si Josie, na mabilis siyang natuto, at ngayon ay kaya niyang gawing mag-isa ang tungkulin niya. Kalaunan, nang talakayin namin ni Josie ang gawain, ipinaliwanag niya sa akin nang napakahusay ang daloy ng trabaho, at pinag-usapan namin kung paano hahati-hatiin ang trabaho, makipagtulungan, at iba pa. Talagang mukhang alam niya ang ginagawa niya. Alam kong mas mababa ang kakayahan ko kaysa kay Josie, pero para pigilan si Iris na makita ang agwat namin ni Josie, ingat na ingat ako kapag naroon siya, at nag-alala akong malantad ang mga pagkukulang ko. Nang magkaproblema ako na hindi ko malutas, sinubukan kong magbasa ng maraming impormasyon hangga’t maaari at lutasing mag-isa ang mga iyon sa halip na tanungin siya. Kahit nagsumikap ako, mabagal ang pag-usad ko. Nang dumating ang lider namin para siyasatin ang aming gawain, maraming detalyeng hindi ko maintindihan. Sinagot ni Josie ang halos lahat ng tanong ng lider namin. Dahil dito, nanlumo ako, at pakiramdam ko wala akong silbi. Hindi nagtagal, nakalipas ang mahigit isang linggo, at dahil hindi ko pa rin kayang magtrabahong mag-isa, hindi nakaalis si Iris para simulan ang kanyang bagong tungkulin. Mas lalo akong napahiya at nanghina dahil dito, pero talagang hindi pa rin ako handang ipagtapat kay Iris ang kalagayan ko, nag-aalala na kapag nalaman niyang madali akong manlumo dahil hindi ako mabilis matuto, baka isipin niyang mababa ang tayog ko, maliit ang kakayahan ko, at hindi ko kaya ang trabaho. Noong panahong iyon, ayaw kong makita ng sinuman ang nakakatakot kong kalagayan. Gusto ko lang maging pamilyar sa mga bagay-bagay at magsimulang magtrabaho sa lalong madaling panahon, para tuluyan nang makaalis si Iris at hindi na ako mapahiya sa harap niya araw-araw. Pero napakabagal pa rin ng paglago ko, at hindi ko man lang madama ang patnubay ng Diyos. Nasasaktan, lumapit ako sa Diyos para manalangin at maghanap ng kasagutan, at hiniling ko sa Diyos na tulungan akong makilala ang sarili ko.

Isang araw, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Anong klaseng disposisyon ito kapag ang mga tao ay laging nagpapanggap, laging pinagtatakpan ang kanilang sarili, laging nagmamagaling upang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, at hindi makita ang kanilang mga pagkakamali o pagkukulang, kapag lagi nilang sinisikap na ipakita sa mga tao ang pinakamagandang aspeto nila? Ito ay kayabangan, pagkukunwari, pagpapaimbabaw, ito ang disposisyon ni Satanas, ito ay isang masamang bagay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). “Ang mga tao mismo ay mga nilikha. Kaya ba ng mga nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, mayroong mga tiwaling disposisyon, at isang malalang kahinaan: Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man sila kapangkaraniwan, nais nilang lahat na ipresenta ang kanilang sarili bilang sikat o katangi-tanging indibidwal, na gawing medyo tanyag na tao ang kanilang sarili, at ipaisip sa mga tao na perpekto sila at walang kapintasan, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang maging sikat, makapangyarihan, o dakilang tao, at gusto nilang maging napakalakas, kaya ang anumang bagay, nang walang hindi nila kayang gawin. Pakiramdam nila, kapag humingi sila ng tulong sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. Ang ilang tao, kapag pinagawa ng isang bagay, ay nagsasabing alam nila kung paano ito gawin, kahit na sa katunayan ay hindi. Pagkatapos, palihim, sasaliksikin nila ito at susubukang matutuhan kung paano ito gawin, ngunit pagkatapos itong pag-aralan nang ilang araw, hindi pa rin nila nauunawaan kung paano ito gawin. Kapag tinanong kung kumusta sila rito, sinasabi nila, ‘Malapit na, malapit na!’ Pero sa kanilang puso, naiisip nila, ‘Hindi ko pa nauunawaan, wala akong ideya, hindi ko alam kung ano ang gagawin! Hindi ako pwedeng magpahuli, dapat ituloy ko ang pagkukunwari, hindi ko maaaring hayaang makita ng mga tao ang aking mga pagkukulang at kamangmangan, hindi ko maaaring hayaang hamakin nila ako!’ Anong problema ito? Isa itong impiyernong buhay na sinusubukang huwag mapahiya sa anupamang paraan. Anong klaseng disposisyon ito? Walang hangganan ang kayabangan ng gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katinuan. Ayaw nilang maging katulad ng iba, ayaw nilang maging karaniwang mga tao, normal na mga tao, bagkus ay nais nilang maging superhuman, katangi-tanging indibidwal, o kahanga-hanga. Napakalaking problema nito! Patungkol sa mga kahinaan, mga pagkukulang, kamangmangan, kahangalan, at kawalan ng pang-unawa sa loob ng normal na pagkatao, babalutan nila ang lahat ng iyon, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Ibinunyag nang husto ng salita ng Diyos ang kalagayan ko. Pagkatapos kong pumalit sa trabaho, ang inisip ko lang ay kung paano kabisaduhin ang gawain sa lalong madaling panahon, para makita ng lahat na mahusay ako at kaya ko ang trabaho. Nang pumalit ako, nalaman kong nagmamadali nang umalis si Iris. Halatang hindi ko makakabisado ang napakaraming propesyonal na proseso sa gayon kaikling panahon, pero kahit ang isang bagay tulad ng, “Hindi ko kayang tandaan ang gayon karami, turuan mo pa ako nang ilang araw,” ay isang bagay na hindi ako naglakas-loob na sabihin. Nanloko pa ako at sadyang gumawa ng mga mungkahi kay sister para patunayan na mayroon akong propesyonal na kakayahan. Ayaw kong makita ni Iris na mas magaling sa akin si Josie, kaya lalo pa akong nagkunwari at nagpanggap, at ingat na ingat ako kapag naroon si Iris dahil takot akong malantad nang di-sinasadya ang mga pagkukulang ko. Dahil ito ang sandali para pumalit sa trabaho, nanonood ang lahat ng lider at mga kapatid ko sa pagganap ko, at nag-alala ako na kung malalantad ang kahinaan ko at tunay na tayog, mamaliitin ako ng mga tao. Kung mapapansin ng lider na wala akong kakayahan at hindi angkop na gumawa ng mga video at aalisin ako, masyadong nakakahiya iyon. Kaya, ayaw kong magtanong kapag mayroon akong mga katanungan at suliranin. Palagi kong pinagtakpan ang sarili at nagpanggap sa ganitong paraan, kaya paano ako uusad? Kapag sinisimulan ng mga tao ang isang bagong tungkulin, lahat ay hindi pamilyar, kaya normal lang na may maraming bagay silang hindi nauunawaan. Bukod diyan, kulang ang mga kakayahan ko sa trabaho, kaya kinailangan kong magtanong at magpaturo pa, pero napakayabang ko. Gusto kong patunayan na ayos lang akong mag-isa at kaya kong gawin ang trabaho, kaya nagkukukunwari ako palagi na nauunawaan ko ang mga bagay-bagay at nagpanggap ako, na humadlang sa pag-unawa ko sa mga bagay-bagay, nakaantala sa paglilipat ng gawain, at hindi nakaalis si Iris. Nakakapinsala talaga ang ginawa ko. Inantala ko ang gawain namin at ni minsa’y hindi ako nakonsiyensya, nag-alala ako palagi na baka makita ng mga tao ang tunay kong kakayahan o na baka hamakin nila ako. Walang-wala ako sa katwiran.

Kalaunan, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa sa salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi nakagapos o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag. Ang matutuhan kung paano maging bukas kapag nagbabahagi ay ang unang hakbang sa buhay pagpasok. Susunod, kailangan mong matutong suriin ang iyong mga saloobin at kilos para makita kung alin ang mali at kung alin ang hindi gusto ng Diyos, at kailangan mong baligtarin at ituwid kaagad ang mga iyon. Ano ang layunin ng pagtutuwid sa mga ito? Iyon ay para tanggapin at kilalanin ang katotohanan, habang inaalis ang mga bagay sa loob mo na nabibilang kay Satanas at pinapalitan ang mga ito ng katotohanan. Dati, ginawa mo ang lahat ayon sa iyong tusong disposisyon, na sinungaling at mapanlinlang; pakiramdam mo ay wala kang magagawa nang hindi nagsisinungaling. Ngayong nauunawaan mo na ang katotohanan, at kinamumuhian ang mga paraan ni Satanas sa paggawa ng mga bagay-bagay, hindi ka na kumikilos nang ganoon, kumikilos ka na nang may kaisipan ng katapatan, kadalisayan, at pagsunod. Kung wala kang itatago, kung hindi ka magpapanggap, magkukunwari, o magkukubli ng mga bagay-bagay, kung magpapakatotoo ka sa mga kapatid, hindi itatago ang iyong mga kaloob-loobang ideya at saloobin, sa halip ay hahayaang makita ng iba ang tapat mong saloobin, kung magkagayon ay unti-unting mag-uugat sa iyo ang katotohanan, sisibol at mamumunga ito, magbubunga ito ng mga resulta nang paunti-unti. Kung lalong nagiging tapat ang iyong puso, at lalong nakahilig sa Diyos, at kung alam mong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at nababagabag ang iyong konsensiya kapag nabibigo kang maprotektahan ang mga interes na ito, ito ang katunayan na nagkaroon ng bisa sa iyo ang katotohanan, at ito ang siyang naging buhay mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, natanto ko na kung may mga pagkukulang ka o tiwaling disposisyon, at lagi kang nagpapanggap para lumikha ng ilusyon sa iba, tuso ito at mapanlinlang, at ginagawa dahil sa satanikong kalikasan. Kung ginagawa mo ito, hinding-hindi ka makakapasok sa katotohanan. Dapat akong maging lantad at bukas tungkol sa mabubuti at masasama kong asal, at dapat akong maging tapat sa ibang mga tao at sa Diyos. Sa ganitong paraan, mas lalong magiging matapat ang puso ko, mabubuhay ako sa presensya ng Diyos, ang mga problema’t paglihis ko’y maaaring mawala kalaunan, at mapipigilan ako nitong tumahak sa maling landas ng paghahangad ng katanyagan at katayuan. Matapos akong magkaroon ng landas ng pagsasagawa, nagtapat ako kay Iris tungkol sa aking kalagayan. Hindi ko inaasahang sasabihin ni Iris, pagkatapos kong magtapat, na natanto rin niya na hindi pa niya natupad ang kanyang mga responsibilidad. Inisip lang niyang simulan ang bago niyang tungkulin, kaya hindi niya naipasa nang maayos ang gawain. Sinabi rin niya na aalis lang siya kapag naunawaan ko na ang mga bagay-bagay. Naantig akong masyado nang marinig ko ito. Naranasan ko kung paanong, sa pagtatapat at pagpapakita ng sarili mong mga pagkukulang at kapintasan, makukuha mo ang kanilang tulong at suporta, makakatuwang mo sila sa mga tungkulin mo, at ang mas mahalaga, magagawa mo ang mga bagay-bagay nang may matapat at masunuring saloobin. Ito ang pamumuhay sa presensya ng Diyos at pagiging responsable sa aking tungkulin, na magtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Pagkatapos niyon, matapat kong sinabi kay sister ang tungkol sa pagkaunawa ko sa gawain, at tinulungan niya ako sa isang tiyak na paraan, na maraming naituro sa akin. Natanto ko rin ang dahilan kung bakit napakahirap para sa akin na gawin ang aking tungkulin, iyon ay dahil gusto kong maging pamilyar at makabisado ang gawain nang sabay-sabay para mapatunayan na may kakayahan akong gawin ang gawain, na naging dahilan para mawalan ako ng kakayahang unahin ang mga trabaho at naantala ang aking pag-usad. Pagkatapos niyon, ikinategorya ko ang gawain ayon sa kahalagahan at kung ano ang kailangang madaliin, para magawa ko ang mga bagay sa isang tiyak at organisadong paraan, at mabilis akong naging pamilyar sa gawain. Sa pamamagitan ng karanasang ito, naranasan ko ang tamis ng pagsasagawa ng katotohanan. Nakita ko rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga tamang layunin at matapat na saloobin sa tungkulin ko. Sa ganitong paraan ko lamang makakamit ang patnubay at pagpapala ng Diyos. Pagkatapos niyon, kapag nakakatagpo ako ng mga problema na hindi ko maintindihan, maagap akong nagpatulong sa aking mga kapatid na makahanap ng mga solusyon. Matapos magsagawa sa ganitong paraan sa loob ng maikling panahon, akala ko nabawasan na ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, at sa pagsasagawa ko ng pagtatapat at pagiging matapat na tao, natamo ko ang kaunting pagpasok. Pero hindi nagtagal, pinabulaanan ko ang pananaw ko sa sarili ko.

Makalipas ang mga isang buwan, dahil hindi ko kaya ang trabaho, at kakaunti lang ang gawain, isinaayos ng lider ko na bumalik ako sa dati kong trabaho ng pagdidilig sa mga baguhan. Napahiya ako nang husto rito, at ayaw kong harapin ang mga kapatid na dati kong kasamang magdilig sa mga baguhan. Gusto kong tumakas at mangaral na lang ng ebanghelyo, pero nakatakda na akong bumalik sa trabaho kong diligan ang mga baguhan. Nawalan ako ng lakas, yuko ang ulo ko, at hindi ako makatayong mag-isa. Nakita ng isang sister na malapit sa akin na hindi tama ang kalagayan ko, pinadalhan niya ako ng isang sipi ng salita ng Diyos tungkol sa pagsunod, at gusto raw niya akong makausap. Agad akong naging alerto, “Nakita ba ni sister na masama ang kalagayan ko? Hahamakin ba niya ako kapag nalaman niya na inalis ako sa dati kong grupo? Kapag nalaman niyang naging negatibo ako dahil hindi ko mabitawan ang aking reputasyon, iisipin ba niya na naniniwala ako sa Diyos nang maraming taon nang walang nakakamit na anuman sa mga katotohanang realidad? Iisipin ba niya na hindi ko hinangad na matamo ang katotohanan?” Kaya, magalang kong ipinagtanggol ang sarili ko, “Ngayong hindi na kailangan ng napakaraming tao sa paggawa ng video, sa malaon at madali ay malilipat na ako. Ibinalik din si Sister Melanie.” Binanggit ko si Melanie dahil siya dati ang nangasiwa sa gawain ng pagdidilig, at kung nabalik siya, normal lang na mabalik din ako. Nang marinig ito ni sister, hindi na siya nagtanong pa. Sinabi ko sa sarili ko na sa pagkakataong ito, hindi ako puwedeng maging mahina. Kailangan kong maging malakas at aktibong gampanan ang tungkulin ko, para makita ng lahat na ayos lang sa akin ang malipat, at na kaya kong magpasakop dito. Ginawa ko ang makakaya ko para magpanggap at magkunwaring matatag, pero ang totoo ay miserable ako at nanlulumo. Kung minsan naiisip ko kung paano ko tinanggihan ang tulong ni sister at pinagsisihan ko iyon, “Magiliw niya akong inalok ng tulong, kaya bakit ko siya tinanggihan para protektahan ang reputasyon ko? Bakit hindi na lang ako nagtapat sa kanya?”

Kalaunan, isang sipi ng salita ng Diyos na ipinadala ng isang sister ang nagbigay ng kaunting kabatiran tungkol sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tiwaling tao ay mahusay magpanggap. Anuman ang ginagawa nila o katiwaliang ipinapakita nila, kailangan nila palaging magpanggap. Kung may mangyaring mali o may ginawa silang mali, gusto nilang isisi iyon sa iba. Gusto nilang sila ang mapuri sa mabubuting bagay, at masisi ang iba sa masasamang bagay. Hindi ba maraming ganitong pagpapanggap sa tunay na buhay? Napakarami. Ang paggawa ng mga pagkakamali o pagpapanggap: alin sa mga ito ang may kaugnayan sa disposisyon? Ang pagpapanggap ay isang usapin ng disposisyon, may kaakibat itong mapagmataas na disposisyon, kasamaan, at kataksilan; ito ay higit na kinasusuklaman ng Diyos. Sa katunayan, kapag nagpapanggap ka, nauunawaan ng lahat ang nangyayari, pero akala mo hindi iyon nakikita ng iba, at ginagawa mo ang lahat para makipagtalo at pangatwiranan ang sarili mo sa pagsisikap na hindi ka mapahiya at isipin ng lahat na wala kang ginawang mali. Hindi ba kahangalan ito? Ano ang palagay ng iba tungkol dito? Ano ang nadarama nila? Nayayamot at namumuhi sila. Kung, matapos makagawa ng pagkakamali, matatrato mo ito nang tama, at mapapayagan mo ang lahat ng iba pa na pag-usapan ito, na pinahihintulutan ang kanilang komentaryo at pagkilatis dito, at kaya mong magtapat tungkol dito at suriin ito, ano ang magiging opinyon ng lahat sa iyo? Sasabihin nila na isa kang matapat na tao, dahil bukas ang puso mo sa Diyos. Sa pamamagitan ng iyong mga kilos at pag-uugali, makikita nila ang nasa puso mo. Ngunit kung susubukan mong magkunwari at linlangin ang lahat, liliit ang tingin sa iyo ng mga tao, at sasabihin nila na hangal ka at hindi matalino. Kung hindi mo susubukang magkunwari o pangatwiranan ang sarili mo, kung kaya mong aminin ang iyong mga pagkakamali, sasabihin ng lahat na tapat ka at matalino. At ano ang ikinatalino mo? Ang lahat ng tao ay nagkakamali. Ang lahat ng tao ay may mga pagkukulang at kapintasan. At ang totoo, lahat ng tao ay may magkakaparehong tiwaling disposisyon. Huwag mong isipin na mas marangal, perpekto, at mabait ka kaysa sa iba; lubos na pagiging hindi makatwiran iyan. Sa sandaling malinaw na sa iyo ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao at ang diwa at totoong hitsura ng kanilang katiwalian, hindi mo na susubukang pagtakpan ang sarili mong mga pagkakamali, ni hindi mo isusumbat ang pagkakamali ng ibang tao sa kanila—mahaharap mo nang tama ang dalawang ito. Saka ka lamang magkakaroon ng kabatiran at hindi gagawa ng mga kahangalan, na siyang ikatatalino mo. Ang mga hindi matatalino ay mga taong hangal, at lagi silang nakatuon sa maliliit na pagkakamaling nagawa nila habang palihim na kumikilos. Kasuklam-suklam itong makita. Sa katunayan, halatang-halata kaagad ng ibang mga tao ang ginagawa mo, subalit lantaran ka pa ring nagpapanggap. Nagmumukha kang katatawanan sa iba. Hindi ba’t kahangalan ito? Talagang kahangalan ito. Walang anumang karunungan ang mga hangal na tao. Kahit gaano pa karaming sermon ang marinig nila, hindi pa rin nila maunawaan ang katotohanan o makita ang anumang bagay sa kung ano talaga ito. Lagi silang nagmamagaling, iniisip na naiiba sila sa lahat, at mas kagalang-galang sila; ito ay kayabangan at pagmamatuwid sa sarili, ito ay kahangalan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Ako ang hangal na inihayag sa salita ng Diyos, laging nagpapalabas sa harap ng iba, na parang isang payaso. Noong mga araw na iyon, dahil sa paglipat ko, akala ko nawalan ako ng katanyagan at katayuan, at nagkaroon ng mga maling pagkaunawa at naging negatibo. Ginusto akong tulungan ni sister, pero hindi ako nagtapat para hanapin ang katotohanan kasama siya upang malutas ang mga problema at suliranin ko. Bagkus, naging maingat ako kaagad. Naghinala ako na nakita niyang negatibo ako at pasaway, kaya sinubukan kong alamin kung paano pagtakpan ang kahinaan ko at ayusin ang mga bagay-bagay para sa sarili ko. Masyado akong mapanlinlang! Bagama’t nilinlang ko si sister sa paggawa nito, at hindi nasira ang reputasyon ko, hindi ako nakakuha ng suporta at tulong mula sa kanya. Hindi nalutas sa oras ang negatibo kong kalagayan, at namuhay ako sa kadiliman at pasakit. Hindi ba ito kahangalan? Ginawa ko ito sa sarili ko, at nararapat akong magdusa! Sa lahat ng taon ng paniniwala ko sa Diyos, hindi gaanong nagbago ang aking tiwaling disposisyon, at tuwing sangkot ang reputasyon ko o katayuan, lagi akong nagkukunwari at nagpapanggap nang hindi sinasadya. Hindi ako kailanman nagtapat sa aking mga kapatid, at pinalipas ko ang bawat araw sa kadiliman na parang isang bilanggong gapos ni Satanas. Miserable ako at mahina, at hindi ako makatakas. Nakakaawa talaga ako! Paulit-ulit akong nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, lagi akong nagpapanggap para hangaan ako, at namumuhay ako sa pagdurusa. Tulungan Mo sana ako at gabayan para maunawaan ko at kamuhian ang sarili ko at tunay akong magsisi at magbago.”

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na inihahayag ang mga anticristo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit ano pa ang konteksto, anumang tungkulin ang ginagampanan niya, susubukan ng anticristo na magbigay ng impresyon na hindi siya mahina, na lagi siyang malakas, puno ng kumpiyansa, at hindi kailanman negatibo. Hindi niya kailanman ibinubunyag ang kanyang totoong tayog o totoong saloobin ukol sa Diyos. Sa katunayan, sa kaibuturan ng kanyang puso, naniniwala ba talaga siya na wala siyang hindi kayang gawin? Tunay bang naniniwala siya na wala siyang kahinaan, pagkanegatibo, o umaapaw na mga katiwalian? Hinding-hindi. Magaling siyang magkunwari, mahusay sa pagtatago ng mga bagay-bagay. Gusto niyang ipinapakita sa mga tao ang bahagi ng kanyang pagkatao na malakas at marangal; ayaw niyang makita nila ang parte niya na mahina at totoo. Halata naman ang kanyang layon: Simple lang naman, ito ay upang hindi mapahiya, upang maprotektahan ang puwang na mayroon siya sa puso ng mga tao. Iniisip niya na kung sasabihin niya sa iba ang tungkol sa sarili niyang pagkanegatibo at kahinaan, kung ibubunyag niya ang bahagi ng kanyang pagkatao na mapaghimagsik at tiwali, magiging matinding pinsala ito sa kanyang katayuan at reputasyon—mas malaking problema pa ito kaysa sa pakinabang na dulot nito. Kaya mas nanaisin pa niyang sarilinin na lamang ang kanyang kahinaan, paghihimagsik, at pagkanegatibo. At kung dumating man ang araw na makita ng lahat ang bahagi ng pagkatao niya na mahina at mapaghimagsik, kapag nakita nila na siya ay tiwali, at hindi talaga nagbago, magpapatuloy siya sa pagkukunwari. Iniisip niya na kung aaminin niyang mayroon siyang tiwaling disposisyon, na isa siyang ordinaryong tao, isang hamak at walang kabuluhang tao, mawawalan siya ng puwang sa puso ng mga tao, mawawala sa kanya ang paggalang at pagsamba ng lahat, at kung kaya lubos na mabibigo. Kaya’t anuman ang mangyari, hindi siya basta-basta na lamang magtatapat sa mga tao; anuman ang mangyari, hindi niya ibibigay ang kanyang kapangyarihan at katayuan sa kaninuman; sa halip, pilit siyang makikipagkompitensya sa abot ng kanyang makakaya, at hinding-hindi susuko. … Hindi niya inilalantad kailanman ang kanyang mga kahinaan sa mga kapatid, ni hindi niya kinikilala kailanman ang sarili niyang mga kakulangan at kapintasan; sa halip, ginagawa niya ang lahat para pagtakpan ang mga iyon. Tinatanong siya ng mga tao, ‘Napakaraming taon ka nang nananalig sa Diyos, nagkaroon ka na ba kahit kailan ng anumang mga pagdududa tungkol sa Diyos?’ Ang sagot niya, ‘Hindi.’ Tinatanong siya, ‘Kahit kailan ba ay pinagsisihan mong isinuko mo ang lahat ng bagay sa paggugol para sa Diyos?’ Ang sagot niya, ‘Hindi.’ ‘Noong may karamdaman ka at miserable, nangulila ka ba sa pamilya mo?’ At ang sagot niya, ‘Hindi kailanman.’ Nakita mo na, ipinapakita ng mga anticristo na sila ay matatag, malakas ang loob, may kakayahang tumalikod at magdusa, mga taong walang kapintasan at walang anumang mga kamalian o problema. Kapag ipinapaalam ng isang tao ang kanilang katiwalian at mga pagkukulang, tinatrato sila nang pantay-pantay, bilang isang normal na kapatid, at nagtatapat at nakikipagbahaginan sa kanila, paano nila tinatrato ang bagay na ito? Ginagawa nila ang lahat para ipagtanggol at pangatwiranan ang kanilang sarili, para patunayan na tama sila, at sa huli ay ipakita sa mga tao na wala silang mga problema, at na sila ay perpekto at espirituwal na tao. Hindi ba puro pagkukunwari ito? Sinumang nag-aakala na sila ay walang kapintasan at banal, lahat sila, ay mga impostor. Bakit Ko sinasabi na lahat sila ay mga impostor? Sabihin mo sa Akin, mayroon bang sinumang walang kapintasan sa gitna ng tiwaling sangkatauhan? Mayroon bang sinuman na tunay na banal? (Wala.) Siyempre wala. Paano mawawalan ng kapintasan ang tao samantalang labis siyang nagawang tiwali ni Satanas at, maliban pa riyan, hindi niya likas na taglay ang katotohanan? Diyos lang ang banal; lahat ng tiwaling sangkatauhan ay may dungis. Kung ipepresenta ng isang tao ang kanyang sarili na banal, na sinasabing wala siyang kapintasan, ano ang taong iyon? Siya ay isang diyablo, Satanas, ang arkanghel—siya ay magiging tunay na anticristo. Isang anticristo lang ang magsasabing siya ay walang kapintasan at banal na tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikasampung Bahagi)). Matapos basahin ang salita ng Diyos, masyado akong nabalisa. Para mapanatili ang kanilang posisyon at reputasyon sa mga tao, nagpapanggap at nagsisinungaling ang mga anticristo para linlangin at iligaw ang mga tao, at magmukha silang perpekto at espirituwal na mga tao na hindi kailanman nanghihina o naglalantad ng katiwalian. Ginagawa nila ito para magkaroon ng puwang sa mga tao at hikayatin ang mga tao na tingalain sila. Sinuri ko ang ugali ko at nakita kong kapareho iyon ng sa anticristo. Lagi akong nagkukunwari at nagpapanggap kapag nagsasalita ako at kumikilos. Nang gumawa ako ng isang video, hindi ko ipinagtapat ang mga tanong at paghihirap ko, at mas pinili kong antalahin ang gawain para mapanatili ang aking katayuan at reputasyon. Nang malipat ako, natakot ako na baka malaman ni sister na naalis ako, at hamakin niya ako, kaya gumawa ako ng dahilan para pagtakpan ang mga katunayan, at sinikap kong ipaisip sa iba na nagbalik ako dahil sa pangangailangan ng gawain. Kasuklam-suklam ang pamamaraan ko! Pinagnilayan ko rin ang katunayan na hindi mahalaga kung nahihirapan man ako o negatibo, bihira akong magtapat sa takot na baka hamakin ako, at kahit na magtapat ako, wala iyon sa loob ko. Kadalasan, tinatalakay ko lang ang positibo kong pagsasagawa para isipin ng mga tao na may tayog ako at kaya kong isagawa ang katotohanan kapag naunawaan ko iyon. Nagsumikap akong ingatan ang sarili kong reputasyon at katayuan, lahat ng sinabi ko’t ginawa ay pagpapanggap at pagkukunwari. Nang maharap ako sa mga kabiguan at problema, sinikap kong ipakita na mas mataas ang tayog ko kaysa sa iba para tingalain ako ng mga tao. Naisip ko ang mga anticristo na itiniwalag sa iglesia. Marami sa kanila ang madalas na nagsasabi ng mga salita at doktrina, sumisigaw ng mga sawikain, at nagpapanggap na tapat na naghahangad na matamo ang katotohanan, na para bang hindi sila nagawang tiwali ni Satanas. Kahit na sila ay hinangaan at sinamba sa sandaling panahon, ang kanilang kalikasan ay sa pagkapoot at pagkasuklam sa katotohanan, at sa huli, dahil sa kanilang paggawa ng maraming kasamaan, ibinunyag at pinalayas sila ng Diyos. Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang paglabag sa Kanyang disposisyon. Kinokondena ng Diyos ang gayong mga mapagpaimbabaw, at hindi Niya man lang inililigtas ang gayong mga tao. Kung tumanggi akong hanapin ang katotohanan, at palaging magpanggap batay sa aking satanikong disposisyon, hindi ko lang sinira ang buhay ko. Kokondenahin at palalayasin ako ng Diyos! Natanto ko na lubhang mapanganib ang kalagayan ko. Ayaw ko nang maging mapagpaimbabaw. Gusto ko lang magsisi at magbago.

Sa sumunod na mga araw, sadya akong naghanap ng mga bahagi ng salita ng Diyos na may kaugnayan sa pagiging matapat na tao. Sabi sa isang siping nakita ko: “Ano pa man ang mangyari sa iyo, kung nais mong sabihin ang katotohanan at maging isang tapat na tao, dapat ay kaya mong bitiwan ang iyong kayabangan at banidad. Kapag hindi mo nauunawaan ang isang bagay, sabihin mong hindi mo nauunawaan; kapag hindi maliwanag sa iyo ang isang bagay, sabihin mong hindi ito maliwanag. Huwag kang matakot na hamakin ka ng iba o na maliitin ka ng iba. Sa pamamagitan ng palagiang pagsasalita mula sa puso at pagsasabi ng katotohanan sa ganitong paraan, matatagpuan mo ang kagalakan, kapayapaan, at ang pakiramdam ng paglaya sa puso mo, at hindi na maghahari sa iyo ang banidad at kayabangan. Kanino ka man nakikipag-ugnayan, kung maipapahayag mo kung ano talaga ang iniisip mo, masasabi sa iba ang nilalaman ng puso mo, at hindi ka magpapanggap na alam mo ang mga bagay na hindi mo naman alam, iyan ay isang tapat na saloobin. Minsan, maaaring hamakin ka ng mga tao at tawagin kang hangal dahil palagi mong sinasabi ang katotohanan. Ano ang gagawin mo sa gayong sitwasyon? Dapat mong sabihin, ‘Kahit na tawagin akong hangal ng lahat, maninindigan ako na maging isang tapat na tao, at hindi isang mapanlinlang na tao. Magsasalita ako nang tapat at alinsunod sa mga katunayan. Bagamat ako ay marumi, tiwali, at walang halaga sa harapan ng Diyos, sasabihin ko pa rin ang katotohanan nang walang pagkukunwari o pagbabalat-kayo.’ Kung magsasalita ka sa ganitong paraan, magiging matatag at payapa ang puso mo. Upang maging isang tapat na tao, dapat mong bitiwan ang iyong banidad at kayabangan, at upang masabi mo ang katotohanan at maipahayag ang mga tunay mong damdamin, hindi mo dapat katakutan ang pangungutya at pang-aalipusta ng iba. Kahit na tratuhin ka ng iba na parang isang hangal, hindi ka dapat makipagtalo o hindi mo dapat ipagtanggol ang sarili mo. Kung maisasagawa mo ang katotohanan sa ganitong paraan, ikaw ay magiging isang tapat na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Binigyan ako ng salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa. Anuman ang taglay nating katiwalian o kahinaan, o kung may mga bagay tayong hindi nauunawaan, at anuman ang isipin ng iba, kapag nagtapat tayo tungkol sa ating sarili, naghanap ng katotohanan, at naghangad na maging matapat na tao, saka lang natin unti-unting matatakasan ang gapos at kontrol ng ating mga tiwaling disposisyon, at mamumuhay nang malaya at maginhawa. Nanumpa ako sa sarili ko na handa akong magsagawa ayon sa salita ng Diyos at maghangad na maging simple at bukas na tao. Matapos bumalik sa pagdidilig sa mga baguhan, hindi na ako nagpanggap na tulad ng dati. Sa mga pagtitipon, nagtapat ako sa mga kapatid tungkol sa tunay kong kalagayan sa panahong ito. Bagamat inilantad ko ang pangit na katunayan kung paano ko pinananatili ang aking reputasyon at katayuan sa lahat, kahit papaano ay nalaman nila ang tunay kong kalagayan. Sa paggawa nito, parang nawala ang isang mabigat na pasanin sa puso ko, at nakaramdam ako ng lubos na paglaya at ginhawa. Isa pa, hindi ako hinamak ng mga kapatid, at natuto sila ng ilang aral mula sa karanasan ko. Binahaginan, tinulungan, at sinuportahan ako ng lider ko matapos malaman ang kalagayan ko, na nagbigay sa akin ng kaunting kamalayan tungkol sa mga panganib at kahihinatnan ng paghahangad ko ng katanyagan at katayuan.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, natanto ko na ang pagiging matapat sa halip na magpanggap ay nagpapakita ng tunay na pagsisisi sa harap ng Diyos. Sa pagsasagawa lang ng katotohanan at pagiging matapat na tao magiging mas malawak at maliwanag ang daan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Espiritu Ko’y Pinalaya

Ni Mibu, Spain“Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na...

Leave a Reply