Ang Umaandap na Liwanag ng Buhay sa Madilim na Pugad ng mga Halimaw

Oktubre 22, 2019

Ni Lin Ying, Shandong Province

Ako si Lin Ying, at isa akong Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bago ako nagsimulang manalig sa Makapangyarihang Diyos, gusto ko palaging umasa sa sarili kong mga kakayahan at magsumikap para mas bumuti nang kaunti ang buhay ko, pero hindi umayon sa gusto ko ang mga pangyayari; sa halip, nagkasunud-sunod ang mga hirap at problema ko. Dahil nagkaroon na ako ng masasaklap na karanasan sa buhay, napagod kapwa ang katawan at isipan ko at nagdusa ako nang husto. Sa gitna ng aking pasakit at kawalan ng pag-asa, ipinangaral sa akin ng isang kapatid na babae ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsabing, “Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat), hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko. Lubos akong naaliw sa mapagmahal na mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakiramdam ko para akong isang ulilang nagpagala-gala nang maraming taon at sa wakas ay natagpuan ang daan pabalik sa yakap ng kanyang ina—hindi na ako nakadama ng lungkot at panghihina. Mula sa araw na iyon, masugid kong binasa ang mga salita ng Diyos araw-araw. Sa pagdalo sa mga pulong at pakikihalubilo sa mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko ang maraming katotohanan, at nakita ko na napakabuti at napakatapat ng mga taong ito. Walang mga inggitan sa pagitan nila at wala silang masasamang balak laban sa isa’t isa, at kapag nagkaproblema ang isang tao, lahat ng kapatid ay matapat na magpapaliwanag tungkol sa katotohanan para tulungan silang lutasin iyon. Laging may bigay na tulong na walang kundisyon, at walang sinumang nanghingi ng anumang kapalit, at sa piling nila nadama ko ang paglaya at kagalakang noon ko lamang nadama. Nagkaroon ako ng matinding pakiramdam na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang lugar ng kadalisayan, at natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang kaisa-isang tunay na Diyos na nakapagliligtas sa sangkatauhan mula sa dagat-dagatan ng pagdurusa! Gayunman, habang tinatamasa ko ang pag-ibig ng Diyos, iligal akong inaresto at pinahirapan ng gobyernong CCP, at sinira nito ang aking maligaya at masayang buhay.

Noong hatinggabi ng Agosto 12, 2003, natutulog ako nang mahimbing nang bigla akong ginising ng isang malakas na pagkalampag sa pinto, at narinig kong may sumisigaw, “Buksan mo ‘to! Buksan mo ‘to!” Bago pa man ako nakapagbihis, narinig ko ang isang malakas na kalabog, nabuksan ang pinto ng apartment ko, at anim na mararahas at malulupit na pulis ang pumasok. Gulat, itinanong ko, “Ano’ng ibig sabihin nito?” Kinagalitan ako ng pinunong pulis, at sinabing, “Huwag kang magmaang-maangan!” At sa isang kumpas ng kanyang kamay, sumigaw siya, “Halughugin n’yo ang buong paligid!” Sa gayo’y sinimulang halungkatin ng ilang pulis ang aking mga aparador at kabinet na parang mga magnanakaw. Sa loob ng ilang sandali, ang aking mga kaldero’t kawali, damit, kobrekama, pagkain… lahat ng iyon ay inihagis sa sahig, at magulung-magulo ang apartment ko. Matapos nilang halughugin ang bahay ko, itinulak at kinaladkad nila ako sa kotse ng pulis. Kinuha nila ang CD player na kabibili ko pa lang sa halagang 240 yuan, at kinuha nila ang pera kong 80 yuan at ang isang bunton ng mga aklat ng mga salita ng Diyos. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip ang gayong tagpo: Sa mga programa lang sa telebisyon nangyayari ang gayon, subali’t ngayo’y nangyayari iyon sa akin. Labis akong nasindak at natakot, at ang lakas ng tibok ng puso ko. Paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos, na hinihiling sa Kanya na protektahan ako para makatayo ako bilang saksi sa Kanya, at para mamatay ako bago ko ipagkanulo ang aking mga kapatid at magsa-Judas ako. Noon din, biglang sumaisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi ka dapat matakot sa ganito at ganyan; gaano man karaming hirap at panganib ang maaari mong harapin, kaya mong manatiling hindi natitinag sa Aking harapan, hindi nahahadlangan ng anumang balakid, upang ang Aking kalooban ay maisagawa nang walang sagabal. … Huwag matakot; sa suporta Ko, sino ang makakahadlang sa daan? Tandaan ito! Huwag kalimutan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Labis akong pinaginhawa ng mga salita ng Diyos at unti-unti nitong pinakalma ang puso ko. Ipinatanto nito sa akin na ang Isang pinaniniwalaan ko ay ang Pinunong lumikha ng lahat ng bagay sa langit at sa lupa, na lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay, na nasa ilalim ng Kanyang mga paa si Satanas at ang mga demonyo at, kung walang pahintulot ng Diyos, walang maaaring gawin sa akin si Satanas. Natagpuan ko ngayon ang aking sarili sa isang mahalagang sandali sa pakikibaka ng Diyos kay Satanas: Ito ay kung kailan kailangan ako ng Diyos na tumayong saksi, at panahon na para maranasan ko ang mga salita ng Diyos at matamo ang katotohanan; nalaman ko na kailangan kong manindigan at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, at hindi ako mangangayupapa o magbibigay ng daan kay Satanas kailanman!

Sumirena nang malakas ang kotse ng pulis sa patyo ng istasyon ng pulis. Kapaparada pa lang namin nang marahas akong itulak ng pulis palabas ng kotse. Patagilid akong sumubsob nang nakadipa at natigil lang ako nang humampas ako sa isang pader. Naririnig ko silang naghahalakhakan sa likuran ko. Pagkatapos ay itinulak nila ako papasok sa isang maliit na silid at, bago pa ako nakahinga nang maluwag, binasa ng isa sa mga pulis ang isang listahan ng mga pangalan at tinanong ako kung may kilala ako sa mga iyon. Nang makitang hindi ako sumasagot, pinaligiran nila ako, pinagsusuntok at pinagsisipa, at minura-mura habang ginagawa nila iyon. Pagkatapos ay sinunggaban ng isang masamang pulis ang buhok ko at kinaladkad ako, pagkatapos ay dalawang beses akong sinampal nang malakas sa mukha. Umikot ang ulo ko at nanlabo ang mga mata ko, at pumatak ang pulang-pulang dugo mula sa sulok ng bibig ko.

Pagkatapos ay inilabas ng isa sa mga pulis ang isang pirasong papel na may listahan ng mga pangalan at inihagis sa harap ko, na mabangis na sinasabing, “Kilala mo ang mga taong ‘to, ‘di ba? Ano’ng pangalan mo?” Napakasakit ng nararamdaman ko noon mismo kaya ni hindi ako makapagsalita at, nang makitang hindi ako sasagot, sinunggaban ako ng tatlong masasamang pulis at binugbog at pinagsisipa akong muli hanggang sa mawalan ako ng malay.

Maaga pa kinabukasan, dinala ako ng masasamang pulis sa isang interrogation room sa Criminal Investigation Section ng Public Security Bureau. Nang ipasok ako sa silid, nakita ko ang ilang maskuladong lalaki na nakatitig sa akin na para bang gusto nila akong patayin. Ang silid ay puno ng lahat ng uri ng kasangkapan sa pagpapahirap, at ang tagpong nakaharap ko ay agad na nakabahala sa akin—pakiramdam ko nahulog ako sa hukay ng mga demonyo. Talagang takot na takot ako, at muli akong nakaramdam ng takot at kahinaan. Naisip ko sa sarili ko: “Kahapon, pinahirapan nila ako nang ganoon at ni hindi pa iyon ang opisyal na interogasyon. Mukhang walang paraan para matakasan ang mangyayari ngayon. Matitiis ko kaya kung ipailalim nila ako sa malupit na pagpapahirap?” Taimtim akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, takot na takot ako ngayon, at palagay ko hindi ko matitiis ang pagpapahirap na gagawin sa akin ng mga demonyong ito at mawawala ang aking patotoo. Protektahan Mo sana ang puso ko. Mas gusto ko pang gulpihin nila ako hanggang sa mamatay kaysa pagtaksilan Ka!” Pagkatapos ay sumaisip ko ang isang linya ng mga salita ng Diyos: “Yaong mga may kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa tingin, ngunit huwag kayong matakot, sapagkat ito ay dahil mahina ang inyong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang magiging napakahirap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 75). Ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan. Agad akong pinuspos nito ng lakas ng loob, at naisip ko: “Katabi ko ang Diyos, wala akong katatakutan. Gaano man nila ako pahirapan, mga tigreng papel lang sila na mukhang mabangis sa tingin. Walang dapat katakutan sa kanila, dahil natalo na sila ng Diyos.” Noon mismo, isinigaw ng isa sa masasamang pulis, “Sabihin mo sa amin ang posisyon mo sa iglesia! Kanino ka nagrereport?” Dahil suportado ako ng mga salita ng Diyos, ni hindi man lang ako natakot, kaya nga hindi ko sinagot ang kanyang mga tanong. Nakikitang ayaw kong sumagot, inangilan niya ako na parang galit na hayop: “Itayo n’yo ang bruhang ito! Patingkayarin n’yo siya para matikman niya kung gaano tayo kaseryoso!” Sa gayon ay nilapitan ako ng dalawang masasamang pulis at marahas na pinilipit ang mga braso ko sa aking likod at itinaas ang mga iyon. Agad kong nadama ang sakit na parang may napupunit at napasigaw ako, pagkatapos ay nawalan ako ng malay…. Nang magkamalay ako, nakita ko na nakahiga ako sa sahig at matagal nang nagdurugo ang ilong ko. Malinaw sa akin na, nang mawalan ako ng malay, basta na lang ako inihagis ng masasamang pulis sa sahig. Nang makitang nagkamalay na ako, kinaladkad nila ako sa isang silid na napakadilim na kahit kamay ko ay hindi ko maaninaw sa harap ng mukha ko. Napakadilim ng silid, malamig at mamasa-masa, masangsang ang amoy-ihi at halos hindi ako makahinga. Patuyang sinabi ng isa sa masasamang pulis habang isinasara ang pinto, “Mag-isip-isip ka. Kung hindi ka aamin, papatayin ka namin sa gutom.” Sumalampak ako sa napakalamig na sahig. Masakit ang buong katawan ko, at hindi ko napigilang manghina at sumama ang loob. Naisip ko: “Hindi mababago ang batas na ang isang nilikha ay manalig at sumamba sa Diyos, kaya ano ang maaring maging mali sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos? Ang pananalig sa Diyos ay nagtutulot sa atin na tahakin ang tamang landas, at ito’y hindi iligal ni isang krimen. Subali’t tinatrato ako ng grupong ito ng mga diyablo na parang nakagawa ako ng isang krimen na nararapat sentensyahan ng kamatayan. Talagang hindi ito kayang tagalan!” Habang nagdurusa ako sa aking pasakit, naisip ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Walang sinuman ang makaaagaw sa gawain na nagawa na sa inyo, at sa mga pagpapala na naipagkaloob na sa inyo, at walang sinuman ang makaaagaw sa lahat ng mga naibigay na sa inyo. … Dahil dito, lalo kayong dapat na maging dedikado sa Diyos, at lalo pang maging tapat sa Diyos. Sapagkat itinataas ka ng Diyos, dapat mong pagtibayin ang iyong mga pagsisikap at dapat ihanda ang iyong tayog na tanggapin ang mga atas ng Diyos. Dapat kang manindigan sa saklaw na ibinigay sa iyo ng Diyos, hangarin ang pagiging isa sa mga tao ng Diyos, tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, makamit ng Diyos at sa bandang huli ay maging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Kung taglay mo ang gayong mga kapasyahan, sa huli ay tiyak kang makakamit ng Diyos, at magiging isa kang maluwalhating patotoo sa Diyos. Dapat mong maunawaan na ang pangunahing atas ay ang makamit ng Diyos at maging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Ito ang kalooban ng Diyos(“Hindi Mo Maaaring Biguin ang Kalooban ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Patuloy ko itong kinanta sa isip ko at nag-init ang buong katawan ko. Pakiramdam ko parang nakatayo sa tabi ko ang Diyos, inaaliw ako at pinalalakas ang loob ko na parang mapagmahal na ina, takot na baka manghina ako, madapa, at mawalan ng pananampalataya, at magiliw akong pinapayuhan at pinapatnubayan. Parang sinasabi Niya sa akin na ang masakit na sitwasyong ito na kinasasadlakan ko ay pagsasanay para sa kaharian, na isa iyong patotoo sa tagumpay laban kay Satanas para matanggap ang walang-hanggang pagpapala ng Diyos, na iyon ang pinakamahalagang yaman sa buhay na maaaring maibigay ng Diyos kailanman, at na iyon ay isang magandang patotoong taglay lalo na para sa pagpasok sa kaharian. Labis akong naantig kaya tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata, at naisip ko: “O Makapangyarihang Diyos, tatandaan kong mabuti kung ano ang ipinagkatiwala Mong ipagawa sa akin at payag akong sumailalim sa pagsasanay na ito. Masigasig akong makikipagtulungan sa Iyo at magtataglay ng maluwalhating patotoo para sa Iyo, at hindi matitinag ang paninindigan ko at hindi ko tutulutang pagtawanan ako ni Satanas!”

Noong umaga ng ikatlong araw, muli akong ipinasok ng ilang pulis sa interrogation room. Kinutusan ako ng isang masamang opisyal ng pulis ng kanyang baton sa ulo, at sinabi na nakangisi, “Nakapag-isip-isip ka na ba?” Pagkatapos ay nagpakita siya sa akin ng isang listahan ng mga pangalan ng mga miyembro ng iglesia at inutusan akong kilalanin sila. Tahimik akong nagdasal sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, tinutukso ako ulit ni Satanas, at sinusubukang hikayatin ako na ipagkanulo Ka at ang aking mga kapatid. Ayaw ko talagang mawalan ng kabuluhan ang buhay ko na tulad ni Judas. Ang hiling ko lang ay protektahan Mo ang puso ko, at nawa’y sumpain Mo ako kung ipagkanulo Kita!” Agad akong nakadama ng lakas ng loob, at matatag kong sinabing, “Hindi ko kilala ang sinuman sa kanila!” Pagkasabing pagkasabi ko noon agad na sinunggaban ako ng dalawang masasamang pulis. Hinatak ng isa sa kanila ang isang binti ko, at tinadyakan naman ng isa pa ang tuhod ko ng isang matigas na sapatos na katad. Habang nananadyak siya, mabangis niyang sinabing, “Walang kilalang sinuman, ha? Talagang wala kang kilalang sinuman?” Muli akong nawalan ng malay dahil sa matinding sakit. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nawalan ng malay bago nila ako ginising sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa akin. Nang magkamalay ako, itinaas ng isang masamang pulis ang kanyang kamao at sinuntok ako nang malakas sa dibdib, at napakalakas ng suntok niya sa akin kaya matagal bago ako nakahingang muli. Pagkatapos ay sinabunutan ako ng isa pang masamang pulis, kinaladkad ako papunta sa isang silyang metal at ipinosas ako roon kaya hindi ako makagalaw. Pagkatapos ay piniringan niya ako ng maruming basahan. Nagsalitan sila sa buong lakas na paghila sa mga tainga ko pataas, at pagtadyak nang malakas sa mga paa ko hangga’t kaya nila—napaiyak ako sa napakasakit na kirot na dulot ng lahat ng iyon maya’t maya. Nang makita nila na nadaraig ako ng sakit at pighati, nagkakagulong naghalakhakan ang grupo ng masasamang pulis. Ang tunog ng kanilang halakhakan ay parang nagmumula sa bituka ng impiyerno—nakakakilabot marinig, at nayanig ang puso ko. Sa harap ng gayong kalupitan, talagang malinaw kong nakita na itong “Pulisya ng mga Tao,” ayon sa pagkapahayag sa kanila ng gobyernong CCP, ay pawang malulupit at masasamang hayop lamang. Sila ay masasamang espiritu na nariyan lamang para saktan ang mga tao! Ang akala ko sa mga pulis noon pa man ay mga bayaning nagtatanggol sa katarungan, na nagkukulong sa masasamang tao at pinananatiling ligtas ang mabubuting tao, at na maaasahan ng mga tao ang pulisya tuwing sila ay nasa panganib o gulo. Kahit naaresto at napahirapan nila ako mula nang manalig ako sa Diyos, hindi ko talaga inisip na sila ang diyablong si Satanas. Ngayon, personal nang inihayag sa akin ng Makapangyarihang Diyos ang totoong pangyayari, at noon ko lamang nakita na taglay nila ang mabangis at masamang mukha ng mga satanikong demonyo. Sa puso ko, tahimik kong pinasalamatan ang Makapangyarihang Diyos sa pagbubukas ng aking espirituwal na mga mata sa wakas at pagbibigay sa akin ng kakayahang makita nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali; nadama ko na sulit ang pagdusahan ang lahat ng sakit na ito para malaman ito! Kung hindi ito nagawa ng Diyos, hindi sana ako nagising mula sa mga kasinungalingan at panlilinlang ni Satanas, at magiging halos imposibleng matakasan ko ang maitim na impluwensya ni Satanas at matamo ang pagliligtas ng Diyos.

Pagkaraan ng ilang sandali, itinanong ng masamang opisyal ng pulis, “Hindi ka pa rin nagsasalita? Magsasalita ka ba o hindi?” Nang makita nila na wala akong kibo, nilapitan ako ng dalawang masasamang pulis, hinawakan ang ulo ko at sinimulang bunutin ang kilay ko. Dalawang beses akong sinampal nang napakalakas ng isa sa mga mayhawak sa akin, kaya nahilo ako. Dahil sa kahihiyan at sakit, nakadama ako ng lungkot at pagkamuhi, at napaiyak ako sa kahihiyang dulot ng lahat ng ito. Ah, galit na galit ako sa walang-konsensyang mga hayop na ito na lumapastangan sa Diyos! Sa aking pasakit, naisip ko kung paano tiniis ng Panginoong Jesus ang kahihiyan, ang panlilibak at mga pambubugbog ng mga sundalo para tubusin ang sangkatauhan, at kung paano Siya ipinako sa krus, at naisip ko ang paulit-ulit na babala at payo ng Diyos: “Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: ‘Sapagka’t ang aming magaang na kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng mas higit at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian.’ Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan nito. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kabuluhan ng mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Ang mga salita ng Diyos ay nagdulot ng malaking aliw sa puso ko, at natanto ko na ang kahihiyan at pasakit na dinaranas ko ngayon ay maaalala ng Diyos; ang pasakit na ito ay pinagdurusahan upang matamo ang katotohanan, isa itong maluwalhating patotoo, at isang pagpapala ito sa buhay ko. “Nakikita habang nananalig ako sa Diyos,” naisip ko, “kailangan kong magkaroon ng pananampalataya at tapang na tanggapin ang pagpapala ng Diyos, at kailangan kong maging matatag upang maging isang patotoo para sa tagumpay ng Diyos.” Pagkatapos niyon, nagbago ang mukha ng opisyal ng pulis, at sinabing, “Sabihin mo sa amin ang gusto naming malaman at pakakawalan kita ngayon mismo.” Tiningnan ko siya nang may pagkasuklam at sinabi kong, “Sa ibabaw ng aking bangkay!” Nag-iinit sa galit, inutusan niya ang dalawang masasamang pulis na kaladkarin ako pabalik sa madilim na selda.

Pagkatapos ng ilang sesyon ng malupit na pagpapahirap, bugbog na ako at pasa-pasa, at wala na akong natirang lakas. Namaga nang husto lalo na ang mga braso at binti ko kaya ni hindi ako nangahas na igalaw man lang ang mga ito. Walang kalakas-lakas, sumiksik ako roon, na parang korderong naghihintay na katayin. Tuwing naiisip ko ang mababangis na mukha at nakakatakot na mga ngisi ng masasamang pulis nang ginamit nila ang mga kasangkapang iyon sa pagpapahirap, hindi maiwasang mapuno ng pagkabalisa ang aking isipan. Lalo na kapag naririnig ko ang papalapit na mga yabag sa aking selda, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Punung-puno ako ng kilabot at takot noon, at nakaramdam ako ng panghihina at kapanglawan. Umiyak ako; ah umiyak ako nang husto! At nagtapat ako sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos! Takot na takot ako ngayon, at hinang-hina ako. Hindi ko alam kung saan ako susuling. Iligtas Mo ako. Ayaw ko na talagang manatili sa mala-impiyernong lugar na ito.” Nang makaramdam ako ng panghihina at lungkot, nadama ko ang mga salita ng Diyos, na hinihikayat at inaaliw ako: “Sa malawak na mundong ito, sino ang personal Ko nang nasuri? … Bakit paulit-ulit Kong nabanggit si Job? Bakit Ko natukoy si Pedro nang napakaraming beses? Natiyak na ba ninyo kung ano ang mga inaasam Ko para sa inyo? Dapat kayong gumugol ng mas maraming oras sa pagninilay sa gayong mga bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 8). Naghatid ng pananampalataya at lakas sa akin ang mga salita ng Diyos. “Oo!” naisip ko. “Sa buong langit at lupa, sino sa sangkatauhan ang makakagawa ng tulad ng aming ginagawa at personal na tanggapin ang pagsubok ng Diyos sa pugad na ito ng diyablong si Satanas? Sino ang maibabangon ng Diyos at papalaring sumailalim sa pagsubok na ito ng apoy, kubkob ng mga hukbo ng diyablo sa lahat ng panig? Hinang-hina ako at inutil, subali’t ngayo’y nagpapadama sa akin ang Diyos ng gayong pagmamahal. Ang mahirang ng Diyos ay pagpapala sa buhay ko at karangalan ko ito. Hindi ko maiiwasan ang pagsubok na ito, ni hindi ko dapat subukang takasan ito. Sa halip, kailangan kong magkaroon ng dangal, matibay na manindigan sa harap ni Satanas tulad ng ginawa nina Job at Pedro, gamitin ang aking buhay upang magpatotoo para sa Diyos at itaas ang Kanyang pangalan, at huwag Siyang dulutan ng kalungkutan o kabiguan.” Sa sandaling iyon, napuspos ng pasasalamat at pagmamalaki ang puso ko. Pakiramdam ko ang pagiging mapalad ko sa buhay na ito na sumailalim sa ganitong uri ng pagdurusa at pagsubok ay napaka-pambihira at sulit na sulit!

Sumapit ang ikaapat na araw at, habang hawak na muli ang listahan ng mga miyembro ng iglesia, idinuro ng masamang opisyal ng pulis ang kanyang daliri sa akin, sinasabing, “Sabihin mo sa akin ang lahat ng kilala mo at kung sino ang lider ninyo. Kung sasabihin mo sa akin, pakakawalan kita. Kung hindi, mamamatay ka rito!” Nakita niya na wala pa rin akong anumang sasabihin sa kanya, kaya umangil siya, “Sige, ibitin siya na nakatali sa likod niya ang kanyang mga kamay. Basta patayin n’yo na lang siya!” Agad itinali ng dalawang tauhan nila ang aking mga kamay sa likod ko at ibinitin ako roon ng lubid kaya nakatiyad lang ako. Pagkatapos ay ginamitan ako ng opisyal ng pulis kapwa ng mga pananakot at pambubuyo, sinasabing, “Bakit ka nagtitiis nang ganito? Kailangan mong unawain ang realidad ng sitwasyong kinasasadlakan mo. Ang Tsina ay pag-aari ng Communist Party at kung ano ang sabihin namin, iyon ang nangyayari. Kung sasabihin mo sa amin ang gusto naming malaman, pakakawalan kita kaagad, at mabibigyan pa kita ng trabaho. Kung hindi, sasabihin ko sa eskuwelahan ng anak mo ang tungkol sa iyo at uutusan namin silang patalsikin siya….” Nang marinig ko ang kanyang mga salita ng kawalanghiyaan, nalungkot ako at nagalit. Para gambalain at sirain ang gawain ng Diyos at mawalan kami ng mga pagkakataong magtamo ng kaligtasan, gagawin ng gobyernong CCP ang lahat para gumawa ng anumang kasamaan! Tulad lang ng sinasabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. … Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Noon din, naging malinaw nang husto sa akin ang pangit na mukha ng gobyernong CCP, at nakita ko ang napakasama at kasuklam-suklam na mga krimen nito laban sa Langit. Ang CCP ang kaaway na namumuhi sa Diyos at di-matinag sa pagkontra sa Kanya, at talagang ito ang pangunahin kong kaaway na hinding-hindi ko makakasundo—hindi ako bibigay dito kailanman! Nakikitang wala pa rin akong kibo, iniwan nila akong nakabitin doon at unti-unti akong nawalan ng malay: Iniwan nila akong nakabitin doon nang isang buong araw at isang buong gabi. Nang ibaba nila ako, ang tanging nadama ko ay may humihipo sa ilong ko. Nang makita ng kung sino man iyon na humihinga pa rin ako, iniwan lang niya akong basta na nakahandusay sa sahig. Sa kalabuan ng aking isipan, narinig kong sinasabi nila, “Wala na akong maisip. Nakakagulat ang tigas ng bruhang ito. Mas matigas pa siya kaysa sa Communist Party. Talagang kakaiba ang mga nananalig na ito sa Makapangyarihang Diyos!” Nang marinig ko silang sinasabi ito, hindi ko maipahayag ang damdamin ko, at hindi ko napigilang pasalamatan at purihin ang Diyos, dahil ang Diyos ang nag-akay sa akin na daigin si Satanas.

Ikinulong ako nang walong araw sa madilim na selda sa Public Security Bureau. Lumikha ng lahat ng plano ang gobyernong CCP at ginamit nila ang lahat ng posibleng paraan, subali’t wala silang nakuhang anumang impormasyon na hinihingi nila sa akin. Sa huli, ang tanging nagawa ng masasamang pulis ay ipadala ako sa detention house. Sa pagkakataong ito, sinamantala nila ang mga pagkakataong ibinigay ng aking pamilya na bumibisita sa akin para kikilan ng 3,000 yuan ang aking asawa. Inakala ko na mas maganda nang kaunti sa detention house, pero nagkamali ako. Sa bansang ito ng Tsina na namumuhi sa Diyos, bawa’t sulok ay sobrang dilim at puno ng karahasan, kalupitan at patayan. Ang lugar na tulad nito ay talagang hindi nagtutulot na umiral ang katotohanan, lalo nang walang anumang lugar para manatili ang isang nananalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang mapunta sa detention house ay parang paglipat mula sa isang kawaling prituhan para lamang mahulog sa apoy. Ayaw pa ring tanggapin ng masasamang pulis na talo na sila, kaya nga patuloy nila akong pinagtatanong nang dumating ako roon. Dahil hindi pa sila nakakakuha ng anumang impormasyon mula sa akin, agad akong dinaluhong ng tatlong pulis at binugbog ako nang husto. Naiwan akong may mga bagong hiwa at pasa sa ibabaw ng mga dati na kailangan pang gumaling, at binugbog ako nang husto hanggang sa maiwan akong nakahandusay sa sahig at hindi makagalaw. Umupo nang patingkayad ang hepe, dinuro ang ulo ko at binantaan ako, sinasabing, “Kung hindi ka magtatapat, huwag mong asahang mabuhay ka pa rito!” Nilapitan ako ng isang masamang pulis at ilang beses pa akong sinipa nang malakas, pagkatapos ay kinaladkad ako ng dalawang tauhan nila sa patyo at itinali ako sa isang poste ng telepono. Naiwan akong nakatali roon nang isang buong araw na ni hindi man lamang nakakainom ni isang patak na tubig, at puno ng hiwa at pasa ang katawan ko. Sa takot na baka mamatay ako roon, itinapon nila ako sa isang selda. Nang naghihingalo at hinang-hina na ako, dinaluhan ako ng dalawang kapatid na babae na nananalig sa Makapangyarihang Diyos at nakakulong din sa detention house. Binuksan nila ang siper ng kanilang damit at niyakap ako, para mainitan ako ng init ng sarili nilang katawan. Bagama’t hindi namin kilala ang isa’t isa, pinaglapit ng pag-ibig ng Diyos ang aming puso sa isa’t isa. Dinig ko ang di-malinaw na iyak ng aking mga kapatid, at ng iba pang mga bilanggo na nag-uusap tungkol sa amin, sinasabing, “Walang-awa talaga ang mga pulis na ito! Napakamahabagin ng mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos. Akala ko isang pamilya lang kayong lahat, pero ang totoo pala ni hindi ninyo man lang kilala ang isa’t isa.” Narinig ko rin na sinabi ng dalawang kapatid na babae na, “Nilikha ng Diyos ang tao at tayong lahat ay iisang pamilya….” Sa huli ay nagkaroon ako ng mataas na lagnat, nagkasakit ako nang husto at pakiramdam ko malapit na akong mamatay. Hindi ito pinansin ng masasamang pulis kahit ano pa man, pero nagbayad ng labis-labis na halaga ang mga kapatid para bumili sa kanila ng ilang damit at gamot. Maingat nilang ginamot ang aking mga sugat at inalagaan ako araw-araw. Sa ilalim ng kanilang masusing pag-aalaga, unti-unti akong gumaling. Alam ko na ito ang pag-ibig ng Diyos: Bagama’t natulutan ng Diyos na magdusa ako, palaging sumasaisip Niya ang aking kahinaan at pasakit, at lihim Niyang naiplano ang lahat para sa akin, at isinaayos na alagaan at aliwin ako ng dalawang kapatid na babaing ito. Inaliw at pinalakas namin ang loob ng isa’t isa, at iisa ang mga naisin at mithiin sa aming isipan, lihim naming ipinagdasal ang iba, na hinihiling sa Diyos na bigyan kami ng pananampalataya at lakas para maging mga saksi kami sa tagumpay ng Diyos sa pugad na ito ng mga demonyo.

Ang pagpunta sa detention house ay parang pagpasok sa impiyerno sa lupa; sa loob ng mga dingding na iyon, namuhay kami ng di-makataong buhay. Walang sapat na pagkain at kinailangan naming magtrabaho nang husto, mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi bago kami makabalik sa aming selda—araw-araw pagod na pagod kami at hinang-hina. Pero dahil nakakapagsalamuha kami nang madalas tungkol sa mga salita ng Diyos ng dalawang kapatid na babaing iyon, bagama’t nagdurusa nang husto ang aking katawan at palagi akong pagod, magaan at puno ng liwanag ang puso ko. Madalas kong isipin, noong panahong iyon, ang himnong ito ng mga salita ng Diyos: “Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(“Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Tuwing kinakanta ko ang himnong ito, nadarama ko na may pambihirang lakas na sumusuporta sa akin, at hindi ko namamalayan, ang pagod, kalungkutan, at sakit na nadarama ko sa aking kalooban ay naglalahong lahat. Kasabay nito, napagtanto ko rin na ang kakayahan kong tiisin ang pasakit na ito ang pinakamalaking kabaitan at pinakamalaking pagpapalang maipagkakaloob sa akin ng Diyos. Gaano man kalaki ang pagdurusa ko, determinado akong sundan ang Diyos hanggang wakas, at kahit iisa na lang ang natitira kong hininga, sisikapin kong mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Nahikayat ng pag-ibig ng Diyos, nakatagal ako nang halos di-matiis na 20 araw sa detention house. Sa madilim na pugad na iyon ng mga halimaw, ang liwanag ng buhay mula sa Makapangyarihang Diyos ang pumawi sa kadiliman at nagbigay-kakayahan sa akin na patuloy na purihin ang Diyos at tamasahin ang panustos ng buhay mula sa mga salita ng Diyos—ito ang pinakadakilang pag-ibig at pagliligtas na maibibigay sa akin ng Diyos. Nang pinakakawalan na ako sa wakas, binantaan pa rin ako nang walang kahiya-hiya ng masasamang pulis, sinasabing, “Huwag mong iisipin na sabihin man lamang kaninuman ang nangyari sa iyo rito pagkauwi mo!” Habang nakatingin sa masasamang pulis na may mukha ng tao at may puso ng hayop, ang kapangitan ng kanilang kahandaang gumawa ng masasamang bagay pero hindi pagtanggap ng pananagutan para sa mga iyon, ay lalo pang nagpalakas sa aking pananampalataya at determinasyon na talikuran si Satanas at sumunod at magpatotoo para sa Diyos. Nagpasya akong makipagtulungan sa Diyos at palaganapin ang ebanghelyo, upang dalhin ang mas maraming kaluluwang nasa ilalim ng kapangyarihan ng diyablong si Satanas sa liwanag, upang matanggap din nila ang pag-ibig at pagliligtas ng Lumikha.

Sa buong karanasang ito ng malupit na pagpapahirap ng gobyernong CCP, ang Makapangyarihang Diyos ang nag-akay sa akin nang paunti-unti upang madaig ang pagkubkob ng demonyo, at nag-akay sa akin palabas ng pugad ng mga halimbaw ni Satanas. Maalab kong napagtanto: Gaano man kabagsik, kalupit at kalaganap si Satanas, ito ang talunang kaaway ng Diyos magpakailanman, at ang Makapangyarihang Diyos lamang ang pinakamataas na awtoridad na maaaring maging matibay na suporta natin, na nakakapag-akay sa atin na magtagumpay laban kay Satanas at laban sa kamatayan, at nakapagbibigay sa atin ng kakayahang mamuhay nang matiyaga sa liwanag ng Diyos. Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos: “Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; higit pa rito, higit ito sa alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, higit sa karaniwan ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikha o puwersa ng kaaway ang Kanyang puwersa ng buhay. Umiiral ang puwersa ng buhay ng Diyos at pinagniningning ang makinang nitong liwanag anuman ang oras o lugar. Maaaring sumasailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumilipas ang lahat ng bagay, ngunit mananatili pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay at ang ugat ng kanilang pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Mula sa araw na ito, nais kong matatag na sundan ang Makapangyarihang Diyos, gawin ang lahat ng aking makakaya upang habulin ang katotohanan, at tamuhin ang buhay na walang-hanggan na ipinagkakaloob ng Diyos sa tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtakas sa Pangil ng Kamatayan

Ni Wang Cheng, Tsina Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng...

Nang si Mama ay Makulong

Ni Zhou Jie, Tsina Labinlimang taong gulang ako nang tumakas kami ng mama ko mula sa aming bahay. Naaalala ko na malalim na ang gabi nang...