Ginagabayan Ako ng Diyos para Makayanan ang Pagmamalupit ng mga Demonyo

Disyembre 10, 2019

Ni Wang Hua, Henan Province

Ako at ang aking anak na babae ay kapwa mga Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang sinusunod namin ang Diyos, kami ng anak ko ay dinakip at sinentensyahan ng pamahalaang CCP ng reeducation sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nasentensyahan ako ng tatlong taon, at ang anak ko ay nasentensyahan ng isang taon. Bagama’t sumailalim ako sa hindi makataong pang-uusig at pananakit ng pamahalaang CCP, sa tuwing matatagpuan ko ang aking sarili na nawawalan ng pag-asa at nasa panganib, naroon ang Diyos, lihim na nagbabantay sa akin, pinoprotektahan ako, at nagbubukas ng daan para sa akin. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang nagbigay sa akin ng tapang at motibasyon na magpatuloy sa buhay, na pumatnubay sa akin para makayanan ang sakit ng malupit na pagpapahirap sa akin, at tumulong sa akin para matagalan ang tatlong taon sa mala-impiyernong bilangguan. Sa gitna ng paghihirap, nasaksihan ko ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos, at naranasan ko ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Nadama kong pinagpala ako na magtamo ng napakarami, at determinado akong sundin ang Diyos nang hindi natitinag at lumakad sa tamang landas sa buhay.

Bago ako naniwala sa Diyos, pinapatakbo ko ang isang negosyo. Medyo mahusay ako rito at kumikita ng sapat na pera. Ngunit habang abala sa pagtatrabaho para kumita ang aking kabuhayan, naranasan ko rin ang labis na mga paghihirap sa buhay. Hindi ko lamang piniga nang husto ang aking utak sa pag-iisip kung paano kumita sa araw-araw, kundi kailangan ko ring harapin ang lahat ng uri ng pag-iinspeksyon ng mga aytem mula sa lahat ng uri ng departamento ng pamahalan. Kinailangan kong makipagbolahan sa pakikipag-usap sa buong maghapon at magkunwari sa pakikisalamuha ko sa iba. Nadama ko na ang paraang ito ng aking pamumuhay ay mahirap at nakakapagod, ngunit wala akong ibang pagpipilian. Nang dumating ang sandaling napagod na nang husto ang aking damdamin at katawan sa kakatrabaho, tinanggap ko ang ebanghelyo sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na ang mga salitang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ay naghahayag ng mga misteryo ng buhay at naglalantad sa pinagmumulan ng pasakit ng buong sangkatauhan, gayon din ang katotohanang pinasasama ni Satanas ang sangkatauhan. Ipinakita rin ng mga ito ang landas ng liwanag na dapat tahakin ng tao, at agad na nailagak ang aking puso sa mga salita ng Diyos. Mula sa kaibuturan ng aking puso, natiyak ko na ito ang gawain ng tunay na Diyos, at ang pananampalataya sa Diyos ang tanging tamang daan na tatahakin sa buhay. Nadama kong napakapalad ko na natanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at naisip ko ang lahat ng tao sa mundo na katulad ko, na namumuhay nang hungkag, hindi mahanap ang direksyon sa buhay, at nangangailangan ng pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kaya nga ninais ko na ipangaral ang ebanghelyo ng mga huling araw sa marami pang naghahanap ng katotohanan, nang sa gayon mas marami pang mga tao ang magtamo ng pagliligtas ng Diyos. Naaantig ng pagmamahal ng Diyos, sa tuwing magsasalita ako tungkol sa gawain ng Diyos o Kanyang pagliligtas, hindi ko masasabing sapat na iyon, at napaniwala ko ang ilang tunay na naghahanap ng katotohanan sa pangangaral ko sa kanila—tuwang-tuwa ako. Noong panahong iyan, katatapos lang ng anak ko ng hayskul. Nakita niya kung gaano ako kasaya matapos kong simulang sundin ang Makapangyarihang Diyos, at nakita niya rin na ang mga kapatid na pumupunta sa bahay ay dalisay at mababait lahat, na nagtitipon ang lahat para malayang magsalita, umawit ng mga himno, at sumayaw, at palaging naroon ang kamangha-manghang kabutihan at kagalakan. Bunga nito, nagsimulang naisin niya ang ganitong buhay at gustung-gustong maniwala at sumunod sa Diyos. Mula noong sandaling iyon, inaasikaso namin ang aming negosyo sa umaga, at pagkatapos ay nagdarasal, magkasamang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, magkasamang pinag-aaralan ang mga himno, at nag-uusap tungkol sa pagkaunawa namin sa mga salita ng Diyos sa gabi; napuspos ng kagalakan ang aming buhay.

Nang lubos pa lamang naming nararamdaman ang pagmamahal ng Diyos at ang kasiglahang dulot nito, sa di-inaasahan, kaming dalawa ay inatake ng demonyong kuko ng pamahalaang CCP at nagdulot sa amin ng bangungot, napakatinding sakit—ang sandaling iyon ay hinding-hindi ko kailanman malilimutan. Disyembre 7, 2007 iyon, naglalaba ang anak ko sa bahay, at ako naman ay nakahanda nang umalis para gawin ang aking tungkulin para sa simbahan, nang bigla na lang, lima o anim na pulis na hindi naka-uniporme ang biglang pumasok. Isa sa kanila ang sumigaw, “Naniniwala kayo sa Makapangyarihang Diyos! At, bukod pa riyan, lumilibot kayo para mangaral sa iba!” Pagkatapos ay itinuro niya ang aking anak, at sinabi sa dalawa pang pulis, “Siya muna ang dalhin ninyo!” at agad na dinala ng dalawang pulis ang aking anak. Kaagad na hinalughog ng naiwang pulis ang bahay ko mula sa itaas hanggang sa ibaba, hinalughog ang mga kahon at mga baul at pinagtitingnan din ang lahat ng bulsa ng aming damit. Ilang sandali lang, gulu-gulo na ang mga kama at nagkalat sa sahig ang mga bagay-bagay, at tinapak-tapakan nila ng kanilang balat na mga sapatos ang mga kama. Sa huli, kinuha nila ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, ilang disc, dalawang CD player, dalawang MP3 player, perang 2000 yuan at isang pares ng gintong hikaw. Pinagtulakan nila ako at isinakay sa sasakyan ng pulis. Tinanong ko sila, ipinagpapaliwanag sila sa kanilang ginawa, “Anong batas ang nilabag namin sa paniniwala sa Diyos? Bakit ninyo kami dinakip?” Sa aking pagkagulat, ipinagmalaking ipinahayag nila sa harap ng lahat ng taong nag-uusyoso, “Ang pagdakip sa inyong mga naniniwala sa Diyos ang gawaing magaling kami!” Galit na galit ako. Hindi sila ang “Pulis ng mga Tao.” Mga grupo lang sila ng mga bandido, mga sanggano at sindikato ng mga malulupit na kriminal na ang pinakagawain ay wasakin ang mga matuwid!

Nang dumating kami sa Public Security Bureau, pinosasan ako at dinala sa silid ng interogasyon. Naang nakita ko kung gaano sila kabagsik tumingin, hindi ko napigilang makadama ng takot, at naisip ko: “Ngayong bumagsak ako sa mga kamay ng mga diyablong ito at nakakita sila ng maraming aklat ng mga salita ng Diyos at mga disc sa aking tahanan, tiyak na hindi nila ako palalayain ngayon. Kung mabibigo akong tiisin ang kanilang pagpapahirap at maging isang Judas, kung gayon makikilala ako sa lahat ng panahon bilang traydor na nagkanulo sa Diyos!” Tahimik ako nanalangin sa Diyos sa aking puso, hinihiling sa Kanya na protektahan at gabayan ako. Sa mismong sandaling iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na walang pinangingilagan ang Kanyang matuwid na disposisyon, at hindi minamahal ng Diyos ang mga yaong nagkakanulo sa Kanya. Inisip ko kasunod nito ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Yaong mga may kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa tingin, ngunit huwag kayong matakot, sapagkat ito ay dahil mahina ang inyong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang magiging napakahirap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 75). “Oo!” naisip ko. “Hindi ako dapat matakot sa kanila. Nakakatakot man ang grupong ito ng masasamang pulis, sila ay nasa mga kamay pa rin ng Diyos, at kung walang pahintulot ng Diyos hindi nila ako masasaktan kahit ang isang hibla ng aking buhok sa ulo gaano man sila kabagsik.” Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananampalataya at tapang, at kaya nga matibay akong nangako sa Diyos: “Oh Diyos! Dumating na po ang oras para subukin Mo ako. Nais ko pong tumayong saksi para sa Iyo, at ipinapangako ko sa aking buhay na hindi ako kailanman magiging Judas.” Pagkatapos kong manalangin, naging mas panatag ang aking puso. Sa sandaling iyon, isa sa masasamang pulis na tila lider nila, ang pinagmumura ako, sinabing, “Ikaw hangal na babae! Maaari sanang magawa mo ang lahat ng bagay, pero siyempre kailangan mong hikayatin ang iyong anak na maniwala rin sa Diyos, di ‘ba? Maganda siya, isang dahilan iyan. Maaari siyang kumita ng libu-libong yuan sa isang taon sa pagbebenta ng kanyang sarili sa mayayamang lalaki, at gayon pa man ay naniniwala siya sa Diyos na parang isang hangal! Sabihin mo sa amin ngayon, kailan ka pa nagsimulang maniwala sa Diyos? Sino ang nagturo sa iyo nito? Kanino mo nakuha ang mga aklat na iyon?” Sa pakikinig sa walang pakundangan niyang pagsasalita, nagalit ako. Hindi ako makapaniwala na nakapagsalita ng gayong kasuklam-suklam at mahahalay na bagay ang isang dapat sanang kagalang-galang na opisyal ng pamahalaan! Sa kanilang paningin, isang mabuting gawain ang pagbebenta ng katawan ng isang tao, at inuudyukan pa nila ang mga tao na humayo at gawin ang gayong masasamang bagay. At magkagayunman kami na naniniwala sa Diyos at sumasamba sa Diyos, at nagsisikap na maging matatapat na tao, ay itinuring na mga kriminal na nakagawa ng masama, at naging target kami ng matitinding pagtugis at pagdakip. Sa paggawa nito, hindi ba’t itinataguyod nila ang kasamaan, sinasawata ang kabutihan at sinusupil ang katarungan? Napakasama at napakatiwali ng pamahalaang CCP! Nang nakita kong patuloy pa rin silang nagsasalita nang walang kabuluhan at bingi sa lahat ng katwiran, alam ko na walang paraan para makaunawa sila, kaya’t itinikom ko na lamang ang aking bibig. Nang makita nila na ayaw kong magsalita, sinamahan nila ako pabalik sa sasakyan ng pulis at pinagbantaan ako, sinabing, “Marami kaming nakitang ebidensya sa iyong bahay kaya kapag hindi ka umayos at sinabi ang lahat sa amin, hihilahin ka naming palabas para barilin!” Nang marinig ang sinabi nilang ito, hindi ko mapigilang hindi matakot, at naisip ko: “Magagawa ng mga taong ito ang anumang bagay. Kung talagang babarilin nila ako, hindi ko na makikita ang aking anak.” Habang lalo kong iniisip ito, lalo akong nababalisa, at patuloy akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, hinihiling na protektahan Niya ang aking puso at pawiin sa aking puso ang takot at pangamba. Sa sandaling iyon mismo, pumasok sa isipan ko ang mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). “Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Nang sandaling iyan, naging malinaw ang lahat: “Oo,” naisip ko. “Ang buhay ko at buhay ng anak ko ay nasa mga kamay ng Diyos, at ang Diyos ang magpapasiya kung mabubuhay o mamamatay kami. Hindi kontrolado ng mga demonyong ito ni Satanas ang aming kapalaran. Kung walang pahintulot ng Diyos, walang sinuman ang maaaring mag-isip tungkol sa pagkuha sa aming buhay. Si Satanas ngayon ay sinusubukang gamitin ang aking sakong ni Achilles para pagbantaan at takutin ako, umaasang mabibitag ako sa tuso nitong pakana at sumuko rito. Pero hindi ko dapat tulutang malinlang ako nito. Mabuhay man o mamatay, handa akong sumunod, nanaisin ko pang mamatay kaysa ipagkanulo ang Diyos.” Habang iniisip ito, agad akong nagkaroon ng determinasyon na labanan si Satanas hanggang sa huli, at hindi na ako nakadama ng pangamba o takot.

Dinala ako ng pulis sa detention house. Hindi nagtagal nang madala ako sa bakuran, ang mga correctional officer ay padaskul-daskol akong kinapkapan at inutusan akong hubarin ang aking mga sapatos at mga damit. Pagakatapos ay pinatayo nila ako sa nakapakalamig na bakuran nang halos 30 minuto. Ginaw na ginaw ako na halos hindi na ako makabalanse, labis na nangatal ang buong katawan ko, at walang tigil sa pangangatal ang mga ngipin ko. Dahil wala silang makitang anuman sa akin, dinala ako sa selda ng isa sa mga correctional officer, at inudyukan ang head prisoner ng selda at ang iba pang kasama nitong bilanggo, sinasabing, “Naniniwala ito sa Makapangyarihang Diyos….” Pagkatapos niyang sabihin ito kaagad akong dinaganan ng mga bilanggo at pinababa ang pantalon ko hanggang bukung-bukong at pagkatapos ay ipapataas muli. Paulit-ulit nila itong ipinagawa sa akin habang pinagtatawanan nila akong lahat. Matapos tudyuin at insultuhin, pinaturuan ako ng head prisoner kung paano gumawa ng mga bagay mula sa balahibo ng manok. Ngunit dahil kailangan sa trabahong ito ang ilang kasanayan at praktis, hindi ko pa rin ito nagawa nang mabuti sa pangalawang araw, kaya kumuha ang head prisoner ng isang patpat na kawayan at walang awang hinampas ang aking mga kamay. Pinaghahampas ang aking mga kamay hanggang sa mamanhid ang mga ito sa sakit, at hindi ko man lang magawang pagsamahin ang mga balahibo ng manok. Kapag kumikilos ako para damputin ang mga balahibo na nahulog sa sahig, tinatapakan ng head prisoner ang aking kamay at pinipisa ito ng kanyang paa, na nagdudulot ng napakatinding sakit sa aking mga daliri, na para bang napigtas ang mga ito. Gayunpaman, hindi pa rin siya tapos sa akin, dahil kinuha niya muli ang kanyang patpat na kawayan at pinaghahampas ako nang ilang beses sa ulo gamit ito hanggang sa mahilo ako at nanlabo ang paningin ko. Sa huli, mabalasik niyang sinabi, “Ang parusa mo ay panggabi ang oras ng trabaho mo sa gabing ito. Iimbestigahan ka ng pulis bukas, kaya gagawin mo ngayon ang trabahong para bukas. Kapag hindi mo natapos lahat, bukas ng gabi patatayuin kita sa buong magdamag!” Sa sandaling iyon, nakadama ako ng hindi mailarawang kalungkutan at kapighatian, naisip ko na hindi ko na ito makakaya, ngayong magtutulungan pa ang masasamang pulis at ang mga bilanggo na saktan ako sa ganitong paraan, paano ko pa makakayanan ang mga araw na darating? Sa kapighatian, tumangis ako dahil sa kawalang-katarungan ng lahat ng ito, dumaloy ang mga luha sa aking pisngi, at tahimik akong nagtapat sa Diyos, sinasabi sa Kanya ang aking mga paghihirap: “Oh Diyos! Naranasan ko ang pangungutya at paghihirap na ginawa sa akin ng mga grupo na ito ng mga halimaw, pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako, walang kalaban-laban at takot, at hindi ko alam kung paano ko ito makakayanan. Mangyari pong gabayan ako at palakasin ako.” Pagkatapos manalangin, ipinaisip sa akin ng Diyos ang isang talata ng Kanyang mga salita para maliwanagan ako: “Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang ‘mananagumpay’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos). Nakahugot ako ng malaking kapanatagan mula sa mga salita ng Diyos, at nabigyan ako ng kakayahan ng mga ito na maunawaan ang kalooban ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang paglusob at pang-uusig ni Satanas para gawing perpekto ang tao, para makayanan ng tao na matakasan ang impluwensya ni Satanas nang sa gayon ay magawa ng Diyos na makapanaig tayo at makapasok sa Kanyang kaharian. Sa madilim at masamang bansang ito na pinamamahalaan ng pamahalaang CCP, pinahihintulutan lamang ang mga tao na lumakad sa landas ng kasamaan at hindi sa tamang landas. Ang layunin ng pamahalaang CCP sa paggawa nito ay gawing napakasama ng mga tao upang hindi na nila makilala ang mabuti mula sa masama o ang tama mula sa mali, gawing tagapagtaguyod ng kasamaan ang mga tao at talikdan ang katarungan, hanggang sa huli ay maglaho sila kasama nito dahil tinanggihan nila ang Diyos. Sa pamamagitan lamang ng hindi pagsuko kapag kinukubkob sa lahat ng panig ng madilim na mga impluwensya, pagkapit sa iyong pananampalataya, katapatan at pagmamahal sa harapan ng Diyos, at sa pagtayo bilang saksi para sa Diyos ay saka pa lamang nagiging tunay na nakapanaig ang isang tao, at sa paggawa lamang nito ay maipapahiya ng tao si Satanas at magtatamo ang Diyos ng kaluwalhatian. Pagkatapos ay umusal ako ng panalangin sa Diyos: “Oh Diyos! Ginagamit Mo ang mga demonyong ito ni Satanas sa Iyong serbisyo upang subukan ang aking pananampalataya at bigyan ako ng pagkakataon na magpatotoo para sa Iyo. Sa paggawa nito, ako ay Iyong itinataas, at naniniwala ako na lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay isinaayos Mo, at lihim mong sinisiyasat nang mabuti ang lahat ng bagay. Hangad ko na tumayong saksi para sa Iyo at ikaw ay bigyang-lugod sa pagsubok na ito. Ang hinihiling ko lamang ay bigyan ako ng pananampalataya at lakas, at ng determinasyong tiiisin ang pagdurusa, nang sa gayon anumang pagpapahirap ang danasin ko, hindi ako babagsak o mawawala sa aking landas!”

Sa pagsapit ng alas-9 ng umaga ng ikatlong araw, dinala ako ng pulis sa silid ng interogasyon. Iwinawasiwas ang cell phone ng aking anak, sinimulan nilang tanungin ako. “Galing sa iyo ang mga mensahe sa cellphone na ito. Sinabi mo sa iyong anak na bibili ka ng bahay, kaya’t tila hindi ka gipit sa pera.” Talagang kasuklam-suklam ang masasamang pulis na ito—ginagawa nila ang lahat ng posibleng paraan sa pagsisikap nilang makuha ang lahat ng kahuli-hulihang pera ko. Sumagot ako, “Binibiro ko lang siya.” Kaagad nabago ang ekspresyon ng pulis at, pagkuha sa isang buong papel, matindi niya itong inihampas sa aking ulo at isinampal sa aking mukha hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo at humapdi ang aking mukha dahil sa sakit. Nang nakatiim-bagang, sinabi niya, “Sabihin mo sa amin! Nasaan ang pera mo? Kung hindi mo sasabihin sa amin ang lahat, kakaladkarin ka namin palabas at babarilin! O kaya ay sesentensiyahan ka ng walo hanggang sampung tao na pagkakabilanggo!” Sinabi ko na wala akong alam. Nagalit ang isang matangkad at mabagsik na pulis, lumapit sa akin at, sinunggaban ang itaas na bahagi ng aking likod, inihagis ako ng mga ilang yarda sa sahig. Pagkatapos ay buong kalupitang sinimulang sipa-sipain ang aking ulo, likod at mga binti, ginawa ito habang nagsasabing, “Iyan ang napala mo sa hindi pag-amin! Sinabi mo na walang kang nalalaman, pero hangal lamang ang maniniwala sa iyo! Kung hindi mo sasabihin sa amin ang gusto naming malaman, bubugbugin kita hanggang sa mamatay ka sa mismong araw na ito!” Nagtiim-bagang ako at tiniis ang sakit, nananalangin palagi sa Diyos sa aking puso: “Oh, Diyos! Napakasama ng mga diyablong ito. Mangyari pong bigyan Mo ako ng lakas na makayanan ang pambubugbog nila at protektahan ako para makatayo akong saksi para sa Iyo.” Bigla na lang, naisp ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ang mabubuting sundalo ni Cristo ay kailangang maging matapang at manalig sa Akin upang maging malakas sa espirituwal; kailangan silang lumaban upang maging mga mandirigma at labanan si Satanas hanggang kamatayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 12). “Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas, at ang mga ito ay nagbigay sa akin ng tapang na daigin ang takot sa kamatayan na naramdaman ko. Ang pagmamahal ng Diyos ay nadama ko sa sandaling iyan at nakita na palaging nasa tabi ko ang Diyos. Naisip ko: “Habang binubugbog ninyo ako nang ganito, lalo kong nakikita ang inyong mga totoong kulay bilang mga kaaway ng Diyos. Kahit mamatay pa ako. Hindi ako kailanman susuko sa inyo. Kung iniisip ninyo na ipagkakanulo ko ang Diyos, mag-isip-isip kayong muli!” Kaagad kong nadamang naginhawahan ang aking buong katawan pagkatapos kong maisip ito. Sinalit-salitan nila ang pambubugbog sa akin at pagtatanong nang umagang iyon, at sa hapon pinaluhod nila ako sa napakalamig, at matigas na sahig. Pinahirapan nila ako sa buong mahapon hanggang gumabi, at sa huli binugbog ako nang napakatindi kaya hindi na mabata ng buong katawan ko ang sakit at wala na akong lakas na tumayo. Nakita nila na wala na silang mapipigang sagot mula sa akin sa pagtatanong nila, kaya sinamahan nila ako pabalik sa detention house.

Pagbalik sa detention house, ang correctional officer na matigas ang puso ay hindi ako kailanman binigyan ng sapat na pagkain pero binigyan niya ako ng sobrang trabaho. Pinagtatrabaho niya ako nang mahigit sa 15 oras araw-araw, at kapag hindi ko natatapos ang lahat ng gawain, inuutusan niya ang head prisoner na pahirapan ako. Dahil kauumpisa ko pa lang sa paggawa ng trabahong ito at hindi pa gaanong mabilis, kinuha ng head prisoner ang bakal na martilyo na gamit ko sa aking trabaho at pinukpok ako nito sa aking ulo. Isang malaking bukol ang kaagad na lumitaw sa aking ulo, pagkatapos niyon tinadyakan at hinampas niya ako hanggang sa napakatinding sakit ang nadama ko sa buong katawan ko at pumatak ang dugo mula sa aking bibig. Dahil sumailalim sa ganitong malupit na pagpapahirap, hindi ko maiwasang hindi isipin ang aking anak. Mula noong panahong dinakip siya, wala akong ideya kung anong mga pagpapahirap ang ginawa sa kanya ng masasamang demonyong ito, at lalong hindi ko alam kung paano niya nakakayanan ang bilanguan. Kapagdaka, nakarinig akong ng biglang pagsigaw mula sa selda ng mga lalaki na katabi ng selda ko, at isa sa mga babae sa selda ko ang nagsabing, “Dito, ang pagpatay sa isang tao ay parang pagpatay sa isang insekto. Hindi nakayanan ng isa sa mga bilanggong lalaki ang pagpapahirap kaya tumakas siya papunta sa mga burol sa likod ng bilangguan. Nang matagpuan siya ng mga pulis, binubog siya hanggang mamatay at pagkatapos ay sinabi sa kanyang pamilya na nagpakamatay ito. Ganyang lang, nauwi ang lahat sa pagtatakipan.” Nasindak ako sa kuwentong ito, at lalo akong nakadama ng pag-aalala sa aking anak. Kakasapit pa lamang niya sa edad 19 at hindi kailanman nakaranas ng pagdurusa sa kanyang buong buhay, lalo ang danasin ang anumang uri ng paghihirap na gaya nito. Ang mga diyablong ito na maaaring pumatay ng isang tao nang walang pagkurap ng mata ay makakayang gawin ang anumang kasuklam-suklam na gawain na maiisip ng isang tao, at hindi ko alam kung makakayanan ng anak ko na matiis ang pagpapahirap at kalupitan ng mga diyablong ito. Dahil wala akong ideya kung buhay o patay man ang aking anak, nakadama ako ng napakatinding pagdadalamhati, at maging sa mga panaginip ko sa gabi nakakakita ako ng mga kasindak-sindak na tanawin na siya ay pinahihirapan ng mga demonyong iyon. Kadalasan ay magigising ako mula sa mga panaginip na ito sa simula pa lang, at mababalisa nang husto kaya hindi na ako makakatulog muli sa buong magdamag.

Sa sumunod na araw, nakahanap ng ilang dahilan ang correctional officer na sabihin na hindi ako nagtatrabaho nang mabuti at sinuntok ako sa mukha nang walang anuman dahilan. Napakalakas ng pagkasuntok niya sa akin na nanakit ang aking mukha at umugong ang aking tainga. Gayunpaman, hindi pa rin siya nakuntento, dahil sinigawan pa niya ako, “Hindi ako naniniwala na maitutuwid ka namin dito, kaya ipapatikim ko sa iyo ang nakakakilabot na ‘iron maiden’!” pagkatapos ay nagbigay siya ng utos at lima o anim na iba pa ang lumapit at ginupit nang maikli ang aking buhok na hindi ko na kamukha ang sarili ko. Pagkatapos ay pinadapa nila ako sa sahig at ipinasuot sa akin ang pinakanakasisindak na gamit sa pagpapahirap sa lahat ng bilanguan—ang “iron maiden” Naglagay sila ng bakal na bilog sa aking ulo, isa sa bawat kamay at tig-isa rin sa bawat paa, na pinag-uugnay ng mga bakal na kabilya. Nang mailagay na sa akin ang lahat ng mga kagamitang ito sa pagpapahirap, hindi ko magawang manatiling nakatayo, kundi kailangan kong sumandal sa pader. Ipinasusuot sa akin ng correctional officer ang mga kagamitang ito ng pagpapahirap araw-araw mula alas-5 n.u. hanggang hating-gabi (kailangang manatili lang akong nakatayo sa buong 19 na oras), at inutusan ang head prisoner, sinasabing, “Bantayan mo siya para sa akin. Kapag makakatulog siya, tadyakan mo siya!” Mula noon binabantayan ako araw-araw ng head prisoner at hindi ako pinapayagang ipikit ang aking mga mata kahit isang segundo. Dahil ang mga bilog na ito ay gawa sa bakal at nakasuot sa buo kong katawan, nadama kong parang pinuputol nila ang sirkulasyon ko. Hindi ko na makayang mapanatiling bukas ang aking mga mata, kaya minura ako ng head prisoner, at sa isang pagkakataon, ay tinadyakan din ako. Nagsimulang manginig ang aking buong katawan at halos hindi ko matiis ang sakit. Nang oras na para matulog sa gabi, bubuhatin ako ng apat na bilanggo para ilagay sa isang malaking tabla na ginagamit ko sa pagtatrabaho sa umaga, at sa kasunod na umaga kinabukasan lalapit sila at bubuhatin ako at ilalapag. Sa nagdaang mga araw na iyon, nagkataon namang nagkaroon ng matinding pag-ulan ng niyebe sa labas, at hindi karaniwan ang lamig ng klima. Para pahirapan ako, pinasuot sa akin ng kapoot-poot na correctional officer ang mga bakal na bilog na ito sa loob ng pitong araw at pitong gabi. Hindi ako makakain, makainom, o makapunta sa banyo nang sa sarili ko lang. Kapag kailangan kong pumunta sa banyo, kailangan akong tulungan ng ibang mga bilanggo na hindi nakatapos sa kanilang trabaho. Lahat ng mga bilanggo ay abala araw-araw, at sa tuwing pakakainin nila ako, walang ingat nila itong ginagawa, at napakadalang na mabigyan nila ako ng tubig na maiinom. Talagang nagdusa ako sa gutom at sa lamig, at ang bawat araw ay tila habambuhay. Tuwing madaling araw kapag binubuhat nila ako mula sa malaking tabla, makadarama ako ng matinding pighati, hindi nalalaman kung paano ko makakayanan na tiisin ang isa pang araw. Ang gusto ko lang ay sumapit na ang gabi, at mas makakabuti sa akin kung hindi na muling sumikat ang araw. Dahil napakabigat ng mga bakal na bilog, sa pangalawang araw na ipinasuot sa akin ang mga ito, namaga ang aking mga kamay at naging kulay itim at lila, at ang balat ay tila mahihiwa. Namaga ang buong katawan ko na parang isang lobo, at ang pamamaga ay hindi pa rin lubos na umimpis maging pagkaraan ng sampung buwan. Sumailalim ako sa matinding pagpapahirap noon na tila mas mabuti pang mamatay na lang kaysa mabuhay, at nasa limitasyon na ako ng kakayahan ko na matiis ang sakit. At kaya, nagmakaawa ako sa Diyos sa panalangin: “Oh Diyos! Hindi ko na talaga makakayanan ang paghihirap na ito. Ayaw ko nang mabuhay pero hindi rin ako maaaring mamatay. Ang hinihiling ko lamang ay kunin Mo ang aking hininga, dahil ayaw ko nang mabuhay pa ng kahit isa pang minuto.” Katatapos ko pa lang gawin ang hindi makatuwirang kahilingang ito sa Diyos, nagnanais mamatay para matakasan ang aking paghihirap, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga…. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang sukdulan, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! … Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). “Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. … Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). Ang mga salita ng Diyos ay bumagsak sa aking tigang na puso na gaya ng matamis na hamog. “Oo,” naisip ko. “Ito ang sandali na kinakailangan ako ng Diyos na magpatotoo para sa Kanya. Kung mamamatay ako dahil hindi ako handang magdanas ng sakit, hindi ba’t magiging duwag ako dahil diyan? Bagama’t dumaranas ako ngayon ng kalupitan at pagpapahirap sa mga kamay ng mga diyablong ito, hindi ba’t ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay na makapagpapatotoo para sa Diyos at matawag na matuwid ng Diyos? Sinunod ko ang Diyos sa lahat ng mga taon na ito at nagtamasa ng labis na biyaya at napakaraming pagpapala mula sa Kanya, kaya, ngayon, dapat akong magpatotoo para sa Diyos sa harapan ni Satanas—ikinararangal kong gawin ito. Kakapit ako sa buhay kahit gaano pa katindi ang pagdurusa ko o gaano pa ito kahirap, upang malugod ang puso ng Diyos.” Pinukaw ng mga salita ng Diyos ang aking puso at ang aking espiritu at nagawa kong maunawaan ang Kanyang kalooban. Hindi ko na hinangad pa na mamatay, ngunit sa halip hinangad ko na lamang na matiis ang aking sakit at pasakop sa mga pagsasaayos at mga plano ng Diyos. Sa wakas, natapos ang pitong araw at gabi ng pisikal na pagpaparusa. Pinahirapan ako na halos nasa bingit na ako ng kamatayan, ang mga balat sa aking mga sakong ay natuklap at ang mga balat sa palibot ng aking bibig ay natuklap nang paisa-isa. Kalaunan narinig ko ang isang presong lalaki sa kabilang selda na nagsabing, “Isang malakas at matipunong lalaki na mga 30 pataas ang edad ang namatay sa parusa ring iyan.” Nang marinig ko ito, patuloy akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, dahil alam ko na hindi ako nakaligtas dahil sa masuwerte lang ako, kundi dahil sa patnubay at pagprotekta ng Diyos. Ang mga salita na iyon ng Diyos na puno ng puwersa ng buhay ang nagpalakas sa akin, o kung hindi, baka sa aking kahinaan, pagiging babae, ay matagal na akong namatay sa pagpapahirap na iyan.

Dahil naranasan ang malupit na pagpapahirap na iyan, tunay kong nasaksihan ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos at, lalo na, natutuhan kong maunawaan kung gaano ako kahina. Sa panahong iyan ng pagsubok, hindi ko magawang pangalagaan ang aking sarili, at gayunpaman nag-alala ako kung makakaya ba o hindi ng aking anak na manatiling matatag—hindi kaya nababagabag lang ako ng mga bagay na pinag-iisip ko? Nasa mga kamay ng Diyos ang kapalaran ng aking anak at ang pag-aalala ko sa kanya ay hindi makatutulong sa kanya kahit bahagya. Ang nagawa lamang nito ay bigyan si Satanas ng pagkakataon na takutin ako at gawing mahina laban sa mga panlilinlang at pananakit nito. Lahat ng bagay ay isinaayos at pinlano ng Diyos, at alam ko noon na dapat kong ipagkatiwala ang aking anak sa Diyos at umasa sa Kanya, nagtitiwala na, gaano man ako maaaring patnubayan ng Diyos sa paghihirap na ito, mapapatnubayan Niya rin ang aking anak sa nakakikilabot na panahong ito. At kaya, umusal ako ng panalangin sa Diyos at inisip ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang sapat na paniniwala sa Akin? O ito ba’y dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo? Bakit ka laging nag-aalala sa pamilya ng iyong laman? Lagi kang nasasabik sa iyong mga mahal sa buhay! Mayroon ba Akong puwang sa puso mo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Nilutas ng mga salita ng Diyos ang aking kalagayan. “Tama ’yan,” naisip ko. “Ang mga paghihirap na nararanasan ng mga tao at ang mga sakit na tinitiis nila ay itinalagang lahat ng Diyos noon pa man. Ang pagdurusang nararanasan ng anak ko ay tinulutang mangyari sa kanya ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ko maunawaan ito at hindi ko nalalaman kung ano ang nangyayari na sa kanya, nakatitiyak ako na ang pagmamahal ng Diyos ang nasa likod ng lahat ng ito, sapagkat ang pagmamahal ng Diyos sa tao ang pinakatunay, pinakatotoong pagmamahal. Nais ko na ipagkatiwala ang aking anak sa Diyos para Siya ang mamahala at gumawa ng mga plano para sa kanya, at handa akong sundin ang lahat ng nagmumula sa Diyos.” Nang handa ko nang ipaubaya ang lahat ng mga bagay na ito at naging handang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, nakita ko ang aking anak sa korte. Palihim niyang sinabi sa akin na ginabayan siya ng Diyos na makayanan ang ilang mga pagdurusa at pagpapahirap, at na nasaksihan niya ang mga pagpapala ng Diyos: Ginamit ng Diyos ang ilang mayayamang bilanggo para tulungan siya, ilan sa mga ito ang nagbigay ng mga damit sa kanya at ang ilan ay binilhan siya ng pagkain at maiinom; nang dumating ang head prisoner para pahirapan siya dahil sa ilang mababaw na dahilan, may isang taong kumalaban dito. Iyan lamang ang ilan sa mga pagpapalang ibinigay ng Diyos sa aking anak sa bilangguan. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, nagkaroon ng bahagyang pagkaunawa ang aking anak tungkol sa nakamamangha at matalinong gawain ng Diyos, at kinilala niya na ang pagmamahal ng Diyos ay hindi kailanman mailalarawan ng salita. Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang mga bagay na ito mula sa kanya, at napuno ng mga luha ang aking mga mata sa pasasalamat sa Diyos. Sa aking anak, nakita ko na laging gumagabay at nagpoprotekta ang Diyos sa aming dalawa upang makayanan namin ang paghihirap at pang-uusig na ito. Dahil diyan lalong napalakas ang pananampalataya ko sa Diyos.

Sa mga araw na sumunod, binale-wala ng correctional officer ang katotohanang namamaga at nananakit ang aking katawan sa halip ay patuloy akong pinuwersa na magtabaho. Hindi nagtagal, napagod ako nang husto kaya sa huli nagkaroon ako ng bagong mga pinsala bukod pa sa naunang natamong mga pinsala, at ang ibabang bahagi ng aking likod ay napakasakit kaya hindi ako makatayo nang tuwid. Kapag kumilos ako o bumaling ako, makakadama ako ng nanunuot na sakit sa bawat buto at bawat kasu-kasuan ng aking katawan, na para bang ang lahat ng mga ito ay pinipigtas, kaya napakahirap makatulog sa gabi. Sa kabila nito, hindi pa rin naawa sa akin ang correctional officer, ngunit sa halip inuutusan niya ang head prisoner na saktan ako sa lahat ng pagkakataon. Dahil wala akong pera para bilhan sila ng mga pagkain, malakas na tinadyakan ng head prisoner ang ibabang bahagi ng aking katawan, kung saan napayuko akong bigla palayo at sinubukang magtago. Ang pagkainis niya ay nauwi sa matinding galit at tinadyakan ako at tinapakan ako sa pag-alis. Dahil walang gamit na mantika sa mga pagkaing kinakain namin, madalas akong hindi makadumi, at kung magtatagal ako na nakaupo sa inodoro, mumurahin nila ako at mapaparusahan ako na itapon ang inodorong timba sa loob ng mahigit sampung araw. Makakahanap sila ng anumang hindi makatuwirang dahilan para maparusahan ako sa pamamagitan ng paghalili sa oras ng trabaho ng iba at patatayuing bantay sa buong gabi. Sinabi rin nila na napakarami kong ginagamit na materyales kapag nagtatrabaho ako, at kaya nga pinagmulta nila ako ng 50 yuan. Ginamit ng correctional officer ang pagkakataong ito para madala ako sa opisina, at sinubukang hikayatin ako sa pagsasabing, “Kung masasabi mo sa akin kung sino pa ang kasama mo sa paniniwala sa Diyos, hihilingin ko sa pangulo ng korte na bawasan ang sentensiya mo, at hindi ka rin namin pagmumultahin ng 50 yuan.” Maraming itinatagong mga tusong balak ang masamang pulis na ito, pasalit-salit na ginagamit ang mga taktikang mahinahon at malupit, at sinusubukan ang lahat ng istratehiyang maiisip nila para ipagkanulo ko ang Diyos, ngunit lahat ng ito ay walang saysay! Tumanggi ako sa kanyang alok.

Noong Agosto 25, 2008, pinaratangan ako ng pamahalaang CCP ng “pagsali sa organisasyong xie jiao at paghadlang sa pagpapatupad ng batas” at sinentensiyahan ako nang tatlong taong reeducation sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Pagkatapos ay dinala nila ako sa Provincial Women’s Labor Camp para bunuin doon ang aking sentensiya. Ang aking anak ay nasentensiyahan ng isang taong reeducation sa pamamagitan ng pagtatrabaho, magseserbisyo siya sa lokal na detention house.

Matapos ang dalawang linggo sa bilangguan, gusto ng mga bantay sa bilangguan na hati-hatiin ang mga bilanggo sa magkakaibang grupo ng trabaho, narinig ko na ang trabahong ginagawa ng matatandang bilanggo ay mas magaan, at naisip ko kung paano nagtamo ng masamang pinsala ang aking katawan, at halos masalanta sa detention house, at kung paanong wala na akong lakas na gawin pa ang mabibigat na trabaho. Nanalangin ako sa Diyos tungkol dito, hinihiling sa Kanya na magbukas ng daan para sa akin. Kung talagang kailangan Niyang patuloy kong maranasan ang gayong uri ng sitwasyon, kung gayon nakahanda akong sumunod. Salamat sa Diyos dahil pinakinggan Niya ang panalangin ko, dahil talagang pinapunta ako sa para magtrabaho kasama ang grupo ng matatandang bilanggo. Sinabi ng lahat ng iba pa na hindi ito inaasahan, ngunit alam na alam ko sa aking puso na lahat ng ito ay isinaayos ng Diyos, at na ipinapakita ng Diyos sa akin ang awa para sa aking mga kahinaan. Sa grupo ng matatandang bilanggo, napakagalang magsalita ng mga bantay sa bilangguan, “Sinumang nagtatrabaho nang mabuti at nagsusumigasig ay babawasan ang kanilang sentensiya. Hindi namin papaboran ang sinuman….” Naniwala ako sa kanila nang sabihin nila ito, iniisip na mas mababait ang mga bantay dito kaysa sa correctional officer sa detention house. At kaya, pinagbutihan ko ang aking pagtatrabaho at sa huli ay napabilang sa nangungunang sampung pinakaproduktibong manggagawa sa halos 300 tao. Gayunpaman, nang dumating na ang oras para ibalita ang listahan ng mga tao na mababawasan ang sentensiya, ang inayos lamang ng mga bantay sa bilangguan ay yaong sa mga gustong lumaban at magdadala sa kanila ng mga regalo—ang sentensiya ko ayy hindi nabawasan ng kahit isang araw. Isang bilangggo ang nagtrabaho nang husto para mapababa ang kanyang sentensiya, ngunit sa kanyang pagkabigla sinabi lamang ng mga bantay ng bilangguan, “Dapat kaming mag-iwan rito ng isang tao na mahusay gaya mo habang buhay!” Nang marinig ko ito, nagalit ako sa aking sarili dahil sa aking kahangalan, sapagkat hindi ko naunawaan ang malupit at mabangis na adhikain ng pamahalaang CCP, at dahil napaniwala nila ako sa kanilang mga kasinungalingan. Katunayan, sinabi ng Diyos noon pa man: “Sapagkat ang kalangitan sa itaas ng buong sangkatauhan ay malabo at madilim, wala ni katiting na impresyon ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa sukdulang kadiliman, kaya ni hindi makita ng nabubuhay rito ang kanyang nakaunat na kamay na nasa kanyang harapan o ang araw kapag siya ay nakatingala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao). Nang ihambing ko ang mga paghahayag ng mga salita ng Diyos at ang mga katotohanan ng realidad, nakita ko sa wakas na ang pamahalaang CCP ay pawang kadiliman at karumihan lamang mula sa pinakaitaas hanggang sa pinakaibaba at wala ni bahagyang kabutihan o pagkamakatarungan. Ang magagawa lamang ng masasamang pulis na iyon ay dayain at lokohin ang mga tao ng kanilang mga kasinungalingan at sadyang hindi nila magagawang tratuhin kami bilang mga tao. Para sa kanila, ang mga bilanggo ay mga kasangkapan lamang sa pagkita ng pera—kapag mas mahusay ang mga bilanggo, lalong malamang na hindi babawasan ang kanilang sentensiya. Gusto ng mga bantay ng bilangguan na magsebisyo sa kanila ang mga tao sa lahat ng oras at magtrabaho gaya ng mga mola para kumita sila ng mas maraming pera mula sa kanila. Para mapataas pa ang dami ng manggagawa, hindi kami pinapayagan ng masamang pulis na gumamit ng banyo, at ilang beses ko nang hindi ito mapigilan at naihi ako sa aking pantalon. Dahil nanguna ako sa dami ng mga natatapos ko, inirekomenda ng pangunahing grupo ng manggagawa na ilipat ako para maging isang “pacesetter.” Nakita ko na nang husto ang kanilang pangit na mga mukha, at alam ko na kung malilipat ako tiyak na mas pupwersahin nila ako na magtrabaho pa nang matindi. Natakot akong malipat, at kaya patuloy akong nanalangin sa Diyos: “Oh Diyos! Alam ko pong patibong ito na inilatag ng mga demonyo para sa akin, ngunit walang paraan para matakasan ito. Mangyari pong magbukas Ka ng daan para malagpasan ko ito.” Sa aking pagkamangha, pagkatapos bigkasin ang panalanging ito, kahit mainit ang panahon nanlamig ang aking mga kamay at ang aking mga daliri ay nagtikom at nagdikitan nang husto at hindi mapaghiwalay at nagkulay asul. Ang correctional officer para sa pangunahing grupo ng manggagawa ay nagsabing nagkukunwari lang ako at pilit na inutos sa dalawang iba pa na iakyat ako para magtrabaho. Ang tanging magagawa ko na lamang ay magsumamo nang husto sa Dytos, na nagresulta sa pagkahulog ko mula sa ikatlong palapag hanggang sa ikalawang palapag. Nang makita nila ito, natakot sila, kaya pinabalik nila ako para makasama ang grupo ng matatandang manggagawa. Pagkatapos niyon, natanto ko na wala talagang pinsala ang aking katawan—muli kong nasaksihan ang pagprotekta sa akin ng Diyos.

Sa bilangguan, ang mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay tinatawag na mga political prisoner at buong oras kaming binabatayan ng mga diyablong CCP, ibig sabihin wala kaming karapatang magsalita. Kapag nagsalita ako sa isang tao, makikita ng mga bantay ng bilanggo at pagkatapos ay tatanungin kami kung ano ang pinag-uusapan namin. Sa gabi, ipinababantay nila ako sa head prisoner para makita kung nagsasalita ako sa ibang tao ng mga bagay na may kinalaman sa pananampalataya. Sa tuwing binibisita ako ng sinuman sa aking pamilya, tinuturuan ako ng mga bantay sa bilangguan na magsalita ng ilang parirala na lumalapastangan sa Diyos, at kung hindi ko sasabihin ang mga ito kanilang sasadyaing ipahinto ang pakikipag-usap ko sa aking pamilya (ibig sabihin magkakaroon ako ng kaunting oras para kausapin sila). Dahil alam ko na ang pagsasalita ng gayong mga bagay ay pagkakasala sa Diyos, sa tuwing nahaharap ako sa ganitong sitwasyon, mananalangin ako nang tahimik sa Diyos, at magsasabing, “O Diyos! Si Satanas ito na sinusubukan akong tuksuhin. Mangyaring protektahan ako at iadya ako sa pagsasalita ng anumang bagay na maaaring makasakit sa Iyong disposiyon.” Dahil wala akong anumang sinabi sa gusto nilang sabihin ko, walang magagawa tungkol dito ang mga bantay ng bilangguan sa huli.

Dahil sa tatlong taon ko sa bilangguan nakita ko nang malinaw ang totoong kulay ng pamahalaang CCP. Iba ang ipinapakita nila sa harap ng mga tao at iba naman sa kapag nakatalikod na sila; sa labas ng bansa, ipinagyayabang nito ang “kalayaan sa relihiyon,” ngunit sa likod nito inuusig at winasawasak nito ang gawain ng Diyos gamit ang lahat ng posibleng paraan, at galit na galit nitong dinadakip ang mga naniniwala sa Diyos, pinipilit silang umamin sa pamamagitan ng pagpapahirap, at malupit silang inaabuso. Gumagamit ito ng pinakasamang mga paraan na hindi mo sukat-akalain para pwersahin ang mga tao na tanggihan ang Diyos, ipagkanulo ang Diyos at sumuko sa makahari nitong kapangyarihan upang maisakatuparan nito ang masamang mithiin nito na ipasailalim at kontrolin ang mga tao sa lahat ng panahon. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at dapat nilang sambahin ang Diyos. At gayunpaman ginagawa ng pamahalaang CCP ang lahat ng makakaya nito para mapalis ang pagdating ng Diyos, hinahadlangan nito ang mga tao na maniwala sa Diyos, mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, at sa paggawa nito lubusan nitong inilalantad ang masamang adhikain nito na mali at salungat sa Langit. Pagkatapos maranasan ang pang-uusig at paghihirap na ito, bagama’t nakaranas ng pananakit ang aking laman, wala akong hinaing at pinagsisisihan, dahil napakarami kong natanggap mula sa Diyos. Noong nanghihina ako at walang kalaban-laban, ang Diyos ang siyang nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas nang maraming beses, binibigyan ako ng kakayahan na magkaroon ng determinasyon na labanan si Satanas hanggang sa huli; noong makadama ako ng lungkot at dalamhati, pighati, at kawalan ng pag-asa, ang Diyos ang siyang gumamit ng Kanyang mga salita para panatagin at palakasin ang aking loob; noong ako ay nasa bingit ng kamatayan, ang mga salita ng Diyos ang siyang nagbigay sa akin ng motibasyon na mabuhay at ng tapang na patuloy na mabuhay; sa tuwing nasa panganib ako, iniuunat ng Diyos ang Kanyang kamay ng pagliligtas sa huling sandali, pinoprotektahan ako, tinutulungan ako na makatakas sa panganib at inihahatid ako nang ligtas. Sa pamamagitan ng karanasnag ito, hindi ko lamang nakita nang malinaw ang adhikain na salungat sa Diyos ng diyablong si Satanas at kinapootan ko ito nang matindi at nang lubusan, ngunit kasabay niyan, naunawaan ko rin ang mga kamangha-manghang gawain ng Diyos, gayon din ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos. Natutuhan kong tunay na pahalagahan ang kabutihan at pagpapakumbaba ni Cristo at ang pagdurusang dinanas Niya para iligtas ang sangkatauhan, at mas lumalim ang aking pananampalataya at pagmamahal sa Diyos.

Matapos akong lumaya mula sa bilangguan, dahil sa hidwaang nilikha ng mga diyablong CCP sa amin, tinanggihan at itinakwil ako ng lahat ng mga kaibigan ko at pamilya. Gayunpaman, pinagmalasakitan at pinangalagaan ako ng lahat ng aking mga kapatid sa iglesia, at binigyan nila ako ng lahat ng kailangan ko para muling magsimula sa buhay—sa pagagawa nito, binigyan nila ako ng pagmamahal na mahihirapan akong hanapin saanman. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagliligtas sa akin: Gaanoman kahirap tahakin ang landas sa hinaharap, susundin ko ang Diyos hanggang sa huli at pagsisikapang mamuhay nang mabuti bilang ganti sa Kanyang pagmamahal.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Dalawampung Araw ng Paghihirap

Ni Ye Lin, TsinaIsang araw noong Disyembre 2002, bandang alas kwatro ng hapon, habang nakatayo ako sa gilid ng isang kalsada at may...

Leave a Reply