Ang Paniniwala sa Tsismis ay Pagkawala sa Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw

Hulyo 19, 2021

Tuwing may naririnig silang nagsasalita tungkol sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, maraming kapatid sa loob ng iglesia ang hindi nakakarinig at ayaw mangahas na tanggapin ang sinabi dahil nagulat sila sa kagila-gilalas na tsismis. Maaari nilang marinig ang isang tao na sinasabing: “Ang mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay talagang ibang klase, malilinlang ka kung makakausap mo sila. Maraming tunay na nananalig sa bawat sekta ng relihiyon at maganda ang kanilang kalooban, sila ay mga korderong nagmamahal sa katotohanan pero ninanakaw sila ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos …” O sinabi ng isang tao: “Ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay talagang masigasig na ipalaganap ang ebanghelyo. Kung napapabalik-loob nila ang isang nananalig tumatanggap sila ng premyong 2,000 RMB (mga 300 dolyar), kung napapabalik-loob nila ang isang pinuno ng iglesia makakakuha sila ng 10,000 hanggang 20,000 RMB (mga 1,500 hanggang 3,000 dolyar) …” At sabi pa ng iba: “Hindi maganda ang mga hangganan nila sa pagitan ng mga lalaki at mga babae at walang-wala silang delikadesa …” At sabi pa rin ng iba: “Ang Kidlat ng Silanganan ay isang organisasyon ng mga kriminal. Kung masangkot ka sa kanila hinding-hindi ka makakatakas. Kung magkagayon, dudukutin nila ang mga mata mo at puputulan ka ng mga tainga, o babalian ka ng mga binti …” atbp., atbp. Ang mga tsismis na katulad nito ang dahilan kaya ang ilang kapatid na hindi malinaw ang pagkaalam sa mga pangyayari ay inaantala o tinatanggihan pa ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Hindi ko alam kung may mga kapatid sa loob ng iglesia na masigasig na napag-isipan o napag-aralan kung ang mga bagay na ito na sinabi ay tumutugma sa mga totoong pangyayari o hindi; may anumang totoong batayan ba ito? Napag-isipan na ba ninyo kung anong klaseng nakakatakot na mga resulta ang mangyayari kung naniniwala kayo sa lahat ng tsismis na naririnig ninyo at patuloy ninyong ginagawa ang mga bagay sa maling paraan? Sa ngayon, hindi natin kailangang talakayin kung sino ang pinagmumulan ng mga tsismis na ito o kung bakit sila sadyang mag-iimbento ng mga bagay na ito. Sa halip, magkakaroon muna tayo ng simpleng pagbabahagi tungkol sa mga tsismis na ito para malinaw nating maipakita sa ating mga kapatid ang nilalaman ng mga tsismis na ito.

Sabi sa tsismis: “Ibang klase talaga ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos, malilinlang ka kung kakausapin mo sila. Maraming tunay na nananalig sa bawat sekta ng relihiyon at mabuti ang kanilang kalooban, sila ay mga korderong nagmamahal sa katotohanan pero ninanakaw sila ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos …” Ngayon, karamihan sa mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay talagang nagmumula sa maraming iba’t ibang sekta ng relihiyon at kasama nila ang napakaraming lubhang dedikadong mga tao, pero ang sabihin na nalinlang silang lahat ay malisyosong paninirang-puri, dalisay at simple. Isipin mo lang: Maaari bang malinlang ang lahat ng napakaraming debotong tao na nagmumula sa napakaraming iba’t ibang sekta ng relihiyon na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Makatuturan bang manalig sila sa loob ng napakaraming taon nang walang anumang nauunawaan? Kahit may kaunting panlilinlang, maaaring iyon lamang mga hindi naghahanap at nalilito sa kanilang pananampalataya ang nalilinlang. Paano man lang ba naging posible na napakaraming naghahanap at napakaraming taos ang pananampalataya sa Diyos ang malilinlang? Tulad ng alam ng lahat, ang ating pananampalataya ay nasa Makapangyarihang Diyos—ang Banal na Espiritu na pitong-beses na pinatinding Espiritu—at ang gawain lamang ng Banal na Espiritu ang makahihikayat sa mga naghahanap at tunay na tapat na bumalik sa Diyos. Ngayon, maraming taos na naghahanap mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon ang nakabasa at muling nakabasa ng Biblia at ngayo’y nagawa nang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kaya ano ang ipinahihiwatig niyan? Alam ng lahat ng kapatid na may espirituwal na katalinuhan ang sagot na ito: Nasa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu at taglay nito ang katotohanan! Kung hindi sa gawain ng Diyos Mismo, sino kaya ang aakay upang magsasama-sama ang mga kapatid na ito mula sa napakaraming iba’t ibang sekta ng relihiyon? Maaari kayang gawa ng tao ang isang malaking himalang tulad nito? Ang Makapangyarihang Diyos talaga ang pagbabalik ng Panginoong Jesus; Siya ang pagpapakita ng nag-iisang tunay na Diyos! Mag-aani at magtatahip Siya sa mga huling araw at gagawin Niya ang gawain kung saan babalik sa isa ang lahat ng denominasyon ng relihiyon at dadalhin Niya ang lahat ng tunay na nananalig sa Kanyang kaharian. Kung gayon, ang mga kapatid na tunay na nananalig mula sa lahat ng sekta ng reihiyon ay isa-isang nakabalik upang tumayo sa harapan ng luklukan ng Makapangyarihang Diyos matapos marinig ang tinig ng Diyos. Naihatid na ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay at inihahayag Niya ang mga hiwaga ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos. Sinasabi Niya sa atin ang lahat ng hiwaga sa Biblia na hindi natin naunawaan at kapag narinig ng mga tunay na naghahanap sa Diyos ang mga katotohanang ito at nakita nila ang pagpapakita ng Diyos, paano nila hindi tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Sino ang hindi magnanais na sundan ang mga yapak ng Kordero? Ito ang dahilan kaya natanggap ng napakaraming naghahanap mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ang ideya na nalinlang ang mga taong tumanggap na sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay malinaw na isang lubos na kasinungalingan, mapanirang-puri, at kalapastanganan sa Diyos.

Sinabi ng ilang tao: “Ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay talagang masigasig na ipalaganap ang ebanghelyo. Kung napapabalik-loob nila ang isang nananalig tumatanggap sila ng premyong 2,000 RMB (mga 300 dolyar), kung napapabalik-loob nila ang isang pinuno ng iglesia makakakuha sila ng 10,000 hanggang 20,000 RMB (mga 1,500 hanggang 3,000 dolyar) …” Sa loob ng kasinungalingang ito, binanggit na ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay napakasigasig na ipalaganap ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Samantalang talagang totoong nangyayari ang bahaging ito, ang iba pa tungkol sa mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos na sinusuhulan ng pera para ipalaganap ang Kanyang ebanghelyo ay puro kalokohan at mapanirang-puring tsismis. Ang totoo ay, ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo ay hindi tumatanggap ng anumang klaseng premyo. Sa halip, ginagastos nila ang sarili nilang ipon para gawin ito, at kung minsa’y lahat ng mayroon sila. Kaya sila lubhang masigasig ay hindi dahil sa sinusuhulan sila ng pera, sa halip, ito’y dahil sa talagang nakita nila ang pagpapakita ng Diyos, narinig ang salita ng Diyos, natanggap ang Kanyang dakilang pagliligtas, at naranasan ang pagmamahal ng Diyos. Samakatwid, handa silang gastusin ang lahat ng mayroon sila at tiisin ang anumang paghihirap o kahihiyan para ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Kagaya lang sila ng orihinal na mga disipulo ng Panginoong Jesucristo; nakita nila ang pagpapakita ng Diyos at nakamit nila ang pagmamahal ng Diyos. Tinalikuran nila ang kanilang tahanan at propesyon para magpatotoo para sa Diyos; totoo iyan! Marahil nasaksihan mismo ng ilang kapatid kung paano tinatrato ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos kapag ipinalalaganap nila ang ebanghelyo: Ang ilan ay pinapahiya, ang iba naman ay binabambo, ang ilan ay tinutugis, at ang iba naman ay sinentensyahan pa at ikinulong sa mga kamay ng mga taong may kapangyarihan; pinagdurusahan nila ang lahat ng uri ng pang-uusig. … Hinihimok ko ang lahat na isaalang-alang ito: Sino ang magiging handang isuko ang kanilang sarili sa mga pagmumura, pambubugbog, at pagpapahiya para ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw kung hindi para sa dakilang pagmamahal ng Diyos at sa gawain ng Banal na Espiritu? Sino ang magsasapalaran sa mga panganib ng bilangguan para ipalaganap ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw kung hindi pa nila nakita ang pagpapakita ng Diyos? Kung tungkol talaga ito sa pera, hindi ba mas madaling lumabas sa mundo at magtrabaho para dito? Bakit mo titiisin ang kahihiyan at pagdurusang kagaya niyon para ipalaganap ang ebanghelyo? Kung titingnan nating muli ang mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo sa mga huling araw, ilan sa kanila ang nakasuot o gumagamit ng mga sikat na tatak o mamahaling produkto? Kung totoo ang tsismis na ito na sa pagdadala ng isang nananalig ay kumikita sila ng 2,000 RMB at sa pagdadala ng isang pinuno ng iglesia ay kumikita sila ng 10,000 hanggang 20,000 RMB, hindi ba napakaraming kapatid sa China ang yumayaman araw-araw sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Walang masama sa paggawa ng mabilisang survey: Tingnan natin kung sino talaga sa mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang yumaman mula sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Sa gayon ang “sa pagpapabalik-loob sa isang nananalig ay nakakakuha sila ng premyong 2,000 RMB, at sa pagpapabalik-loob ng isang pinuno ng iglesia ay nakakakuha sila ng 10,000 hanggang 20,000 RMB” ay malinaw na isang kasinungalingan at mapanirang-puri.

Mayroon pa ring iba na nagsabing: “Hindi maganda ang mga hangganan nila sa pagitan ng mga lalaki at mga babae at walang-wala silang delikadesa …” Tungkol sa puntong ito, tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ako ang Banal na Diyos Mismo, hindi Ako maaaring madungisan, at hindi Ako maaaring manahan sa isang maruming templo(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). At napakalinaw ng regulasyon sa “Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian”: “Ang tao ay mayroong tiwaling disposisyon at, higit pa rito, siya ay nagtataglay ng mga emosyon. Dahil dito, lubos na ipinagbabawal sa dalawang kasapi na magkaibang kasarian na magtrabaho nang magkasama habang naglilingkod sa Diyos. Sinuman na matutuklasan na ginagawa ito ay patatalsikin, nang walang pagbubukod—at walang sinuman ang palilibrihin.” Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya ay banal at hindi nananahan sa isang maruming templo. Hindi pinalalagpas ng Kanyang matuwid na disposisyon ang anumang pagkakasala ng sangkatauhan at sinumang alagad ng Makapangyarihang Diyos ay kailangang mahigpit na sumunod sa mga batas ng pamamahala ng Diyos o ititiwalag sila sa iglesia; walang mga eksepsyon. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay lumaganap na sa buong mainland China at may mga nananalig sa Kanya sa bawat lugar. Siguro’y nakita mo mismo na sila at ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay pawang kapita-pitagan at matuwid, ang kanilang mga salita at kilos ay angkop at katanggap-tanggap, kumikilos sila sa maprinsipyong paraan, nagsasalita at nagtatrabaho sila nang makatwiran, makatao sila, at ang kanilang pamumuhay ay nararapat hangaan. Sila ay namumukod-tangi sa iba pang mga miyembro ng lipunan; totoo iyan! Muli, ang mga kapatid na mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos unang-una ay nagmumula sa napakatapat na mga naghahanap sa katotohanan mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon at marami ang mga pinuno at katrabaho mula sa iba’t ibang denominasyon. Alam na nila noon pa mang Kapanahunan ng Biyaya na kinamumuhian ng Diyos ang walang-delikadesang aktibidad at palagi nilang sinusunod ang mga utos ng Panginoong Jesus, isang bagay na noon pa man ay ginagawa na ng tunay na magagalang na tao. Sadya bang lalabagin ng isang taong kagaya nito ang mga batas sa pamamahala ng kaharian ng Diyos ngayon? Noong araw naglakbay sila para sa Panginoon, tinalikuran nila ang lahat ng mayroon sila, at pinasan nila ang krus at nagdusa nang maraming taon, may katuturan ba na hindi nila nauunawaan ang gayon kasimple at kahalagang patakaran? Kaya makikita mo, ang ugat ng tsismis na ito ay wala talagang katuturan at puro paninira.

Sinabi na ng ilang tao na “Ang Kidlat ng Silanganan ay isang organisasyon ng mga kriminal. Kung masasangkot ka sa kanila hinding-hindi ka makakatakas. Kung makatakas ka, dudukutin nila ang mga mata mo at puputulan ka ng mga tainga, o babalian ka ng mga binti …” Kapag nagpasimula sila ng mga organisasyon ng mga kriminal, alam nating lahat na kasama roon ang mga mamamatay-tao, mga arsonista, at mapaghiganting mga tao na gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Walang sinumang gustong pagalitin ang gayong klaseng mga tao. Kahit ang Chinese Communist Party at ang pulisya nito ay hindi mangangahas na makigulo sa kanila, hindi ba tama iyan? Kaya tingnan natin ang mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo sa mga huling araw. Kapag lumalabas sila para dalhin ang mga tao sa harap ng luklukan ng Diyos, nagtitiis silang mapalayas, mainsulto, mabugbog, sugurin ng mga aso, maaresto, makulong, at mapahirapan. Dinaranas nila ang lahat ng klase ng malupit na pagtrato. Kung ang mga kapatid na ito ay talagang mga kriminal, talaga bang may mangangahas na tratuhin sila sa gayong paraan? Sino ang hahampas sa kanila? Sino ang magpapasugod ng mga aso sa kanila? Sino ang mangangahas na subukang arestuhin sila? Walang sinumang gagawa niyon! Titiisin ba ng isang kriminal na maabuso siya sa salita nang hindi siya tumutugon? Magpapabugbog ba ang isang kriminal nang hindi siya lumalaban? May kilala ka bang mga kriminal na kagaya niyon? Kung ang mga kapatid na ito ay talagang mga kriminal, bakit nila susubuking pagbaliking-loob ang mga tunay na nananalig sa Diyos na medyo tapat na naghahanap sa katotohanan? Bukod dito, maraming kapatid mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon ang nakarinig na sa ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Tinanggap man nila ang ebanghelyo at pagkatapos ay tumalikod sila sa iglesia o hindi nila ito tinanggap kahit kailan sa una pa lang, sino sa kanila ang dinukutan ng mga mata, pinutulan ng mga tainga, o binalian ng mga binti? May anumang totoong batayan ba ang anumang sinabi ng mga tsismosong ito? Wala ring totoong batayan kapag sinasabi nila ang mga bagay na kagaya ng: “Kung masangkot kayo sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos hinding-hindi kayo makakatakas.” Sa katunayan, lahat ng tunay na nananalig at mga tunay na nakatitiyak tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw na nagdedesisyon ngang huwag umalis kailanman, ay ginagawa ito dahil ayaw nilang umalis. Bakit kaya? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gumawa ng nakagugulat na alon ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa lahat ng mga sekta at mga denominasyon, ito ay “itinapon sa kaguluhan” ang kanilang orihinal na kaayusan, at inalog nito ang lahat ng mga puso ng mga naghahangad ng pagpapakita ng Diyos. Sino ang hindi sumasamba? Sino ang hindi naghahangad makita ang Diyos? Sa loob ng maraming mga taon personal na nakasama ng Diyos ang mga tao, bagaman hindi kailanman ito napagtanto ng tao. Ngayon, nagpakita ang Diyos Mismo, at ipinakita ang Kanyang pagkakakilanlan sa masa—paanong hindi ito magdadala ng kaluguran sa puso ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 10). “Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. … Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay tunay na naghatid ng matitinding dagok sa iba’t ibang sekta ng mundo ng mga relihiyon at yumanig sa puso ng mga nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos. Kaya nagbalik ang mga kapatid upang tumayo sa harap ng Diyos ay dahil nakita na nila ang pagpapakita ng Diyos, narinig ang Kanyang salita, naunawaan na si Cristo ng mga huling araw ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at na tanging sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos ang magtutulot sa kanila na makamtan ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit. Sino ang gugustuhing lumisan matapos matanggap ang kaligtasang katulad nito? Samakatwid, madaling makita na ang mga tsismis na ayaw lumisan ng mga tao dahil natatakot silang dukutin ang kanilang mga mata, putulan ng mga tainga, o balian ng mga binti ay gawa-gawa lamang ng mga taong may mga lihim na motibo.

Mula sa napag-usapan natin tungkol sa nabanggit sa itaas, makikita natin na ang mapanirang-puring mga komento tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay walang iba kundi mga kasinungalingan na puro gawa-gawa na hindi nababatay sa katotohanan. Ang pagiging isang nananalig na nag-iimbento ng mga kasinungalingan at nagsisinungaling ay pag-uugaling kinamumuhian ng Diyos nang higit sa lahat at itinuturing ng Diyos na makasalanang pag-uugali, tulad ng sinasabi rito sa Biblia na: “Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni’t ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya” (Kawikaan 12:17). “Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni’t ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran” (Kawikaan 12:22). Sinabi ng Panginoong Jesus: “Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Dahil isang bagay ito na hindi gusto ng Diyos, bakit nila patuloy na ginagawa ito? Sabi sa Juan kapitulo 11 mga bersikulo 47-48: “Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.” Binanggit sa Mateo kapitulo 28 ang katotohanang ito: Matapos ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus, natakot ang mga punong saserdote at mga elder na baka maniwala ang lahat sa Panginoong Jesus at sa gayo’y mawawala ang kanilang katayuan at kinikita. Pagkatapos ay nagsabwatan silang pagtakpan ang katotohanan na nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus. Sinuhulan nila ng pilak ang mga kawal at nagtahi-tahi ng mga kasinungalingan para kumbinsihin ang mga tao na hindi nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus kailanman, na sinasabi na kinuha ng mga disipulo ang katawan ni Cristo habang natutulog ang mga kawal. Makikita natin mula rito na maaaring maggawa-gawa ng mga kasinungalingan ang mga tao at manirang-puri at maglapastangan din sa Diyos, na nagpapahiwatig ng kanilang likas na kasamaan, na napopoot sila sa katotohanan at mga kaaway sila ng Diyos. Ginagawa nila ito para protektahan ang sarili nilang mga reputasyon, katayuan, pakinabang, at pisikal na mga kasiyahan. Pareho lang iyan ngayon. Nang palawakin ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw sa mainland China, napakaraming nananalig ang nagdatingan mula sa maraming iba’t ibang sekta ng relihiyon para tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Habang nakikita ng ilang pinuno ng mga sektang ito na parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw samantalang lumiliit ang kanilang mga iglesia, naggagawa-gawa sila ng lahat ng uri ng kasinungalingan at paninirang-puri upang hatulan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para maprotektahan nila ang sarili nilang katayuan at kinikita. Ganito nila nililinlang at tinatakot ang mga kapatid para matakot silang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; ang layunin nila ay hulihin at kontrolin ang kanilang mga kongregasyon. Ang mga taong ito ay tinatrato ang Makapangyarihang Diyos sa paraan mismo ng pagtrato ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus; sila ang mga Fariseo sa panahon ngayon! Mula rito ay makikita natin na sadya at layon ng mga tao na magkalat ng mga kasinungalingan.

Kung hindi natin nahihiwatigan ang mga kasinungalingang ito at pikit-mata nating sinusunod ang mga ito, nakatayo tayo sa panig ng mga naninirang-puri, kumakalaban, at nanggugulo sa gawain ng Diyos. Hindi lamang ito nagsasanhi na mawala sa isang tao ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, ginagawa rin nitong puntirya ang isang tao para kasuklaman at tanggihan at parusahan ng Diyos. Kagaya lang ito ng gawain ng Panginoong Jesus sa mga Judio, kung saan nagtahi-tahi ng lahat ng klase ng kasinungalingan ang mga Fariseo at siniraan Siya ng puri, tulad ng pagsasabi na ang kayayahan ng Panginoong Jesus na magpalayas ng mga demonyo ay dahil lamang sa nanawagan Siya sa prinsipe ng mga demonyo na si Beelzebub, gayundin ang iba pang mga bagay na naglalapastangan. Kaya, maraming Judiong tumahak sa masamang landas ng pagkalaban sa Diyos nang pikit-mata nilang tinanggap ang mga kasinungalingan ng mga Fariseo dahil hindi nila nahiwatigan at hindi nila pinag-aralang mabuti ang nakita nila at sa gayo’y sumunod sila sa mga Fariseo na talikuran at patayin ang Panginoong Jesus. Nagkalat ng mga kasinungalingan ang mga Fariseo at siniraan nila ng puri ang Diyos, at alam nating lahat ang kinahinatnan nila, pero paano naman ang mga Judiong iyon na itinuring na katotohanan ang mga kasinungalingan at paninirang-puring iyon, hindi ba nakapanlulumo ang kinahinatnan nila? Ang estado ng mga Judio ay nasira at ang mga Judio ay nakalat sa lahat ng direksyon. Wala silang tahanang mabalikan sa loob ng 2,000 taon at pinarusahan sila ng Diyos na katulad ng mga Fariseo. Hindi ba ito ang mga resulta ng pagtanggap sa mga kasinungalingan ng mga Fariseo bilang katotohanan at pagkalaban sa Diyos? Kung gayo’y makikita natin, na ang mga nananalig sa Diyos nang walang mapitagang puso at hindi nagsisikap na suriin ang bagong gawain ng Diyos at ang mga madaling maniwala sa mga kasinungalingan ay nagiging mga kasabwat ni Satanas at nagiging masasamang tao na kumakalaban sa Diyos. Sa huli, mawawala sa kanila ang pagliligtas ng Diyos. Katulad ngayon ang nangyari noon. Bilang mga nananalig at alagad ng Diyos, kapag nahaharap tayo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kailangan nating hanapin at pag-aralan ito nang may mapitagang puso. Ito lamang ang paraan para magawa ito kung nais nating makipagsabayan sa gawain ng Diyos at matamo ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ay matutulad tayo sa mga Judio noong araw na naging mga kasangkapang ginamit ni Satanas, na kumalaban sa Diyos, at naging matitinding kaaway ng Diyos at sa gayo’y napailalim sa kaparusahan ng Diyos.

Dapat nating malaman na ang mga tsismis ay isa sa mga pandaraya ni Satanas at na ang mga tsismis ay isa sa mga pamamaraan nito para kalabanin ang gawain ng Diyos. Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay palaging nangunguna sa mga pandaraya ni Satanas. Si Satanas ay hindi lamang walang kakayahang guluhin ang gawain ng Diyos, kundi sa halip ay ginagawa lang niyang mas epektibo ang gawain ng Diyos. Gaya lang noong sinikap nang husto ng mga eskribang Judio at mga Fariseo na kalabanin at hatulan ang gawain ng Panginoong Jesus; nakipagsabwatan sila sa Roma para maipako sa krus ang Panginoong Jesus, pero wala silang paraan para malaman ang tunay na kabuluhan ng sinabi ng Panginoong Jesus na: “Naganap na.” Ipinapakita nito sa atin na ginamit ng Diyos ang pandaraya ni Satanas para maisagawa ang sarili Niyang plano at makumpleto ang Kanyang pagtubos sa sangkatauhan. Wala itong ipinagkaiba ngayon. Gayunman, kahit may mga pinuno at magkakatrabaho sa iba’t ibang sekta ng relihiyon na gumagamit ng sarili nilang sinadya at kasuklam-suklam na mga paraan upang lumikha ng mga kasinungalingan at tsismis para kalabanin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, wala sa mga pandarayang ito ang may kakayahang sirain ang gawain ng Diyos. Sa halip, nakakabuti ang mga ito sa pagsasakatuparan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw na uriin ang tao ayon sa kanilang klase at gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Bagama’t nalinlang ng kanilang mga kasinungalingan ang ilang kapatid, bumalik sa huli ang mga taong taos na naghahanap sa pagpapakita ng Diyos upang tumayo sa harap ng luklukan ng Diyos. Ang mga kasinungalingan ay maaaring mahigpit na bigkisin ang mga “pansirang damo,” pero hindi ito ginagawa ng mga kasinungalingang ito sa “mga trigo.” Hinihipan ng hangin ang mga ipa, samantalang titipunin sa kamalig ang matatabang binhi sa huli. Para masabi ito sa ibang paraan, ibubunyag at aalisin ng mga kasinungalingan ang mga hindi nabibilang sa Diyos, na walang pagpipitagan sa Diyos, at mga tumatalima. Pero para sa tunay na mga naghahanap sa katotohanan na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos, dadalhin sila ng Diyos sa isang magandang hantungan. Sa ganitong paraan, sa huli ay tumutulong lamang ang mga pandaraya ni Satanas na makumpleto ang gawain ng Diyos sa mga huling araw na uriin ang tao ayon sa kanilang klase, at gantimpalaan din ang mabubuti at parusahan ang masasama, hindi ba ito nagsisilbing magandang halimbawa ng pagka-makapangyarihan at ng karunungan ng Diyos?

Tatapusin natin dito ang ating pagbabahagi. Naniniwala ako na kapag nahaharap kayong lahat sa mga tsismis mauunawaan ninyo ang nagsanhi nito, ang katuturan nito, at ang paninira nito! At ngayon, narating na ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang mga bagong tugatog na hindi pa nararating ninuman at nalalapit na sa maluwalhating katapusan nito at ibubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang Sarili para makita ng lahat ng bansa at lahat ng tao. Sa gayon kahalagahang panahon, handa ba kayong mawalan ng buhay at tumalikod sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw para lamang maniwala sa mga tsismis? Alam ko na gagawa kayo ng matalinong pagpapasiya.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, ngunit sinasabi sa Panalangin ng Panginoon, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na ang kaharian ng Diyos ay darating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Bakit ganito? Ang kaharian ba ng Diyos ay nasa langit o nasa lupa?