Bakit Lubhang Napakahalaga ang Regular na Pagdalo sa Mga Pagtitipon upang Sambahin ang Diyos?

Hunyo 17, 2021

Ni Chang Qing

Nakasulat sa Biblia, “Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw” (Mga Hebreo 10:25). Ang pagdalo sa mga pagpupulong ay isang bagay na dapat nating obserbahan na mga Kristiyano. Ngunit ngayon, ang ilang mga kapatid ay hindi magawang gawin ito nang regular dahil inaabala nila ang kanilang sarili sa trabaho at buhay-pamilya. Ang ilan sa kanila ay isinasaalang-alang din ang pagdalo sa mga pagpupulong bilang isang labis na pasanin, iniisip na sapat na lamang na gawin ang ilang pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa bahay nang sila lang.

Sa totoo lang, ang dahilan kaya naituturing natin ang pagdalo sa mga pagpupulong bilang isang pasanin at pinipiling isakripisyo ang ating mga pagpupulong para sa buhay-pamilya at trabaho ay na dahil hindi natin nauunawaan ang kahulugan ng pagdalo sa mga pagpupulong at ang mga kahihinatnan ng hindi paggawa nito. Ngayon, magfellowship tayo tungkol dito.

Paano Tinatrato ng Diyos Ang Mga Kristiyanong Hindi Dumadalo sa Mga Pagpupulong?

Sabi ng Diyos, “Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo itong pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga pa kaysa pagkain, damit, o anupaman! Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang nakalublob sa kalituhan, wala kang mapapala.” “Mayroong ilang tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa madaling salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga alagad Niya sila, dahil hindi Niya pinupuri ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, ilang taon man nila nasunod ang Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw; para silang mga hindi mananampalataya, sumusunod sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ng mga hindi mananampalataya at sa mga batas para patuloy na mabuhay at pananampalataya. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi kailanman naniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, at hindi kailanman kinilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Ang tingin nila sa paniniwala sa Diyos ay libangan ng baguhan, na tinatrato Siya bilang isang espirituwal na pagkain lamang; sa gayon, hindi nila iniisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon o diwa ng Diyos. … Ano ang tingin ng Diyos sa gayong mga tao? Ang tingin Niya sa kanila ay mga hindi mananampalataya.

Mula dito makikita natin na bilang mga Kristiyano dapat nating dakilain ang Diyos sa ating puso. Sa ating buhay man o sa trabaho, dapat nating unahin palagi ang Diyos, at gawin ang pagdalo sa mga pagpupulong, pagdarasal sa Diyos, at pagbabasa ng mga salita ng Diyos bilang pinakamahalagang bagay na dapat gawin. Ito ang pinakamaliit na dapat gawin ng isang mananampalataya sa Diyos. Kung nasisiyahan lamang tayo sa paniniwala sa pag-iral ng Diyos ngunit hindi pinahahalagahan ang pagdalo sa mga pagpupulong, at kung itinatrato lang natin ang paniniwala sa Diyos bilang isang espirituwal na panustos at inaabala ang ating sarili sa pagkita ng pera at mga makamundong bagay araw-araw, iniisip na walang pagkakaiba kung tayo man ay dumalo sa mga pagpupulong o hindi, kung gayon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pananampalataya sa ganoong hindi maayos na pamamaraan, hindi ba tayo eksaktong kapareho ng mga hindi mananampalataya? Ang mga hindi mananampalataya ay hindi nagmamahal ng katotohanan, hindi itinataguyod ang buhay na nagmumula sa Diyos, at nakatali sa pagkita ng pera at pagbibigay-kasiyahan sa kanilang sariling laman. Kung tayong mga mananampalataya sa Diyos ay mayroong kaparehong layunin ng hinahangad at parehong direksyon ng buhay gaya ng mga hindi mananampalataya, ano ang iisipin ng Diyos sa ating pananampalataya? Tutukuyin tayo ng Diyos bilang mga hindi mananampalataya ayon sa ating walang malasakit at hindi tamang pag-uugali sa paniniwala sa Diyos. Hindi Niya tayo kikilalanin bilang Kanyang mga tagasunod, sapagkat naniniwala tayo sa Kanya ngunit hindi talaga natin Siya sinasamba at hindi natin nais tanggapin ang Kanyang kaligtasan o kumilos alinsunod sa Kanyang mga kinakailangan. Bilang resulta, ang ating huling kahihinatnan ay magiging tulad sa mga walang pananampalataya’, mahahatulan at mapaparusahan ng Diyos. Sa gayon, makikita natin na kung tayo ay regular na dumadalo sa mga pagpupulong ay nagpapakita kung tunay na naniniwala tayo sa Diyos at kung tayo ay mga tagataguyod ng katotohanan. Kung palagi tayong gumagawa ng mga dahilan upang maiwasang dumalo sa mga pagpupulong, at hindi pa rin binabago ang ating maling pananaw sa pagtataguyod, sa gayon hindi natin matatamo ang katotohanan o buhay kahit gaano karaming taon tayong naniniwala sa Diyos, at tiyak na mauuwi tayo sa pagiging naalis. Samakatuwid, hindi tayo maaaring maniwala sa Diyos alinsunod sa ating sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, o ihinto ang pagdalo sa mga pagpupulong sa tuwing hindi natin gusto, sapagkat kung naniniwala tayo sa Diyos nang tulad ng isang baguhan hanggang sa wakas, hindi tayo kikilalanin ng Diyos bilang Kanyang mga mananampalataya.

Ang Nasa Likod ng Ating Madalas na Pagliban sa Mga Pagtitipon ay Pakana ni Satanas

Upang bigyang-katwiran ang kanilang pagliban sa mga pagtitipon, maraming tao ang gumagamit ng mga dahilan na masyadong abala sa pagtatrabaho upang kumita ng pera, pakikipagsalamuha, o pag-aalaga ng kanilang mga pamilya. Ang mga palusot na ito ay tila napakamakatwiran, ngunit nang hindi namamalayan ay nabitag tayo ng mga pakana ni Satanas. Sabi ng Diyos, “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa kanyang sarili ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito.” “Para sa mga tao, tila isang mundo ito ng saya at karingalan; lalo’t lalo itong nagiging gayon, naaakit dito ang puso ng lahat ng tao, at maraming taong nabitag at hindi mapalaya ang kanilang sarili mula rito; napakaraming malilinlang ng mga nakikibahagi sa pandaraya at salamangka. Kung hindi ka magpupunyaging umunlad, wala kang mga mithiin, at hindi ka nakaugat sa tunay na daan, matatangay ka ng lumalaking mga alon ng pagkakasala.

Mula sa mga salita ng Diyos, nakikita natin na ang Diyos ay gumagawa upang iligtas tayo, ngunit ayaw lamang ni Satanas na makamit tayo ng Diyos. Kaya, sinusubukan nito ang bawat posibleng paraan upang mapigilan tayong lumapit sa Diyos. Ang mga bagay tulad ng pera, katanyagan at katayuan, pagkain, pag-inom, at pagpapakasaya sa ating sarili ay pawang mga tukso sa atin. Itinuro muna ni satanas sa mga tao ang lahat ng uri ng maling pananaw, tulad ng madalas nating sabihin, “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,” “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kahit saan man siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya.” Ang mga maling pananaw na ito ay madaling luminlang sa atin kung wala tayong katotohanan. Kapag tinanggap natin ang mga pananaw na ito, mahuhulog tayo sa masasamang kalakaran ng paghabol sa pera at katanyagan at pagpapakasasa sa laman, at magiging katulad tayo ng mga hindi mananampalataya, nasasangkot sa intriga at kumikilos nang pataksil alang-alang sa katanyagan at pakinabang, namumuhay sa gitna ng kasalanan ngunit hindi naniniwala na ito ay kasalanan. Lalo na kapag nakikita natin ang buhay ng ibang tao na mas maganda kaysa sa atin, mas mag-iisip tayo tungkol sa kung paano kumita ng mas maraming pera. Ang ilan pa rin ay namumuhay nang bulok, masamang pamumuhay sa pagkain, pag-inom, at pagpapakasaya sa kanilang sarili upang mapanatili ang kanilang kumplikadong pakikipag-ugnayan sa ibang tao, at tinitingnan nila ang pagdalo sa mga pagpupulong bilang isang pasanin. Kapag ang isang tao ay nabitag sa naturang ikot ng buhay, sila ay nagiging biktima ni Satanas. Hindi lamang mas magiging madilim sila sa espiritu, kundi ang kanilang buhay ay magiging mas hungkag. Sa paglaon, mawawalan sila ng pagkakataon na makamit ang katotohanan at kaligtasan dahil sa paglayo mula sa Diyos, pagtataksil sa Diyos, at pagbalik sa mundo.

Ngayon, maraming mga Kristiyano ang hindi magawang makita ang mga panlalansi ni Satanas, iniisip na hindi isang malaking kasalanan ang pagsunod sa mga kalakaran ng mundo, at na ang paniniwala sa Diyos at pagtaguyod sa katotohanan ay hindi makakapagdulot ng mga resulta sa magdamag. Kaya, madalas na sinusunod nila ang laman at walang pagmamadali sa kanilang paghahanap ng katotohanan. Sa katunayan, ginagamit ni Satanas ang mga masasamang kalakaran upang itiwali ang tao, na pinalalayo nang pinalalayo sila mula sa Diyos at sa huli ay tuluyang nilalamon sila. Kung hindi natin itataguyod nang husto ang katotohanan, hindi natin makikilala ang mga panlalansi ni Satanas. Ito ay tulad noong tinukso ni Satanas si Eba na magkasala, sa halip na sabihin sa mga tao na ang pagtanggi at pagtataksil sa Diyos ay magdudulot ng mga kahihinatnan, sinasabi nito ang bagay na maganda upang akitin ang mga tao at binibigyan sila ng isang maling pakiramdam na sinasabi ni Satanas ang mga bagay na iyon para sa kanilang ikabubuti, at sa huli sila ay gumagawa ng mga bagay na nagtataksil sa Diyos. Sa kasalukuyan, pareho tayo kay Eba na niloko, hindi naniniwala sa mga salita ng Diyos ngunit tinitingnan ang mga materyal na bagay na ito sa harap natin bilang pinakamahalaga. Upang masiyahan ang ating pisikal na kasiyahan, hindi tayo nag-aalangan na italaga ang lahat ng ating lakas at oras dito. Kung magpapatuloy ito nang ganito, hindi ba tayo rin ang magiging target ng pagsila ni Satanas? Gayunpaman, kung susundin natin ang mga salita ng Diyos, lumahok sa buhay-iglesia nang normal, at mauunawaan ang higit pang mga katotohanan, malalaman natin ang mga panlalansi ni Satanas gamit ang katotohanan, at hindi tayo maloloko at mapahihirapan ni Satanas.

Bakit Napakahalaga ng Pagdalo sa Mga Pagpupulong?

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa Aking pangalan, ay naroroon Ako sa gitna nila(Mateo 18:20). Sabi ng Diyos, “Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at ang paraan kung saan lalago ang buhay.

Mula sa mga salita ng Diyos, nalaman natin na ang simbahan ay ang lugar kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu. Hangga’t nagtitipon ang magkakapatid upang basahin ang salita ng Diyos, gagawa ang Banal na Espiritu. Samakatuwid, ang pamumuhay ng buhay-iglesia ay isang paraan upang matanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at lumago sa ating espirituwal na buhay. Tulad ng iba’t ibang mga kapatid na may magkakaibang kalibre, pananaw, at mga karanasan, at mayroong magkakaibang kaliwanagan at kaalaman mula sa salita ng Diyos, kapag nagtipon-tipon tayo upang magfellowship, maaari tayong matuto mula sa punto ng kalakasan ng bawat isa para mapunan ang ating sariling mga kahinaan upang maunawaan natin ang katotohanan nang mas malinaw. Kapag mayroon tayong maling pag-unawa sa isang bagay, mapapansin ito ng mga kapatid at makikipag-usap sa atin sa oras, na sinasabi sa atin kung paano maunawaan alinsunod sa katotohanan. Bukod dito, ang bawat kapatid na nagtataguyod sa katotohanan ay magkakaroon ng bagong pag-unawa at karanasan sa katotohanan sa bawat yugto ng panahon. Sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang pagtalakay tungkol sa kung paano nila naranasan ang gawain ng Diyos sa kanilang buhay, tayo mismo ay matutustusan. Kaya, pinapahintulutan tayo ng buhay-iglesia na maunawaan ang higit pang mga katotohanan at matulungan tayong lumago sa buhay. Ang ilang mga tao ay maaaring sabihin, “Hindi ko rin ba matatanggap ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbabasa mag-isa ng salita ng Diyos sa bahay?” Ito ay totoo, ngunit ang naiintindihan ng isang tao ay napaka-limitado, at ang iyong indibidwal na kaliwanagan at tanglaw mula sa Diyos ay limitado din. Sa kasong ito, mabagal nating maunawaan ang katotohanan. Madalas maaari lamang nating maunawaan ang ilang mga titik at doktrina, ngunit hindi nagkakaroon ng isang malinaw na pag-unawa sa mga detalyeng iyon tulad ng kung ano ang intensyon ng Diyos nang sabihin ang mga salitang iyon at kung ano ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Minsan maaari pa nga tayong magkaroon ng maling pag-unawa sapagkat sinusubukan nating pag-aralan ang mga salita ng Diyos ayon sa kanilang literal na kahulugan sa ating isipan, at sa gayon ay nagkakaroon ng mga kuru-kuro at maling pag-unawa tungkol sa Diyos. Bilang resulta, ang ating paglago sa buhay ay magiging mabagal, o maaari pa nga tayong makapagsagawa sa maling paraan, na magsasanhi sa pagkaantala ng paglago ng ating buhay.

Bilang karagdagan, sa totoong buhay, makakaharap natin ang lahat ng mga uri ng problema, tulad ng mga paghihirap na nagmumula sa trabaho, presyur sa kompetensya sa pagitan ng mga kasamahan, mga paghihirap sa pagtuturo sa mga bata, at mga salungatan sa ating mga asawa. Sapagkat ang ating tayog ay maliit at hindi natin nauunawaan ang katotohanan at hindi malinaw na nakikita ang mga bagay, hindi natin alam kung paano harapin ang maraming mga paghihirap. Kung mayroon tayong maayos na buhay-iglesia, maaari tayong magsabi sa ating mga kapatid sa mga pagpupulong, at ipararating nila ang salita ng Diyos at ibabahagi sa atin ang kanilang mga personal na karanasan, at sa gayon magkakaroon tayo ng landas upang malutas ang ating mga problema at malaman kung paano magsagawa. Tulad nito, mas hinahangad natin ang katotohanan at nilulutas ang mga problema, mas maraming mga katotohanan ang mauunawaan natin at mas kaunting mga paghihirap at problema ang kahaharapin, at ang ating mga puso ay makalalaya. Kaya, ang pagdalo sa mga pagpupulong ay hindi lamang sa hindi isang karagdagang pasanin, ngunit magdadala sa atin ng higit na mga pakinabang. Ang ating buhay ay mas lalago nang mabilis, at ang ating relasyon sa Diyos ay magiging mas normal. Ang buhay-iglesia ay lubhang kapaki-pakinabang sa atin!

Sa ngayon, napagtanto mo na ba ang kahalagahan ng pagdalo sa mga pagpupulong?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, ngunit sinasabi sa Panalangin ng Panginoon, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na ang kaharian ng Diyos ay darating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Bakit ganito? Ang kaharian ba ng Diyos ay nasa langit o nasa lupa?