The Meaning of Salvation in Tagalog: How to Gain God’s Salvation

Hulyo 23, 2021

Ni Junying

Ang maligtas ng Diyos ay hindi katulad ng pagsagip. Hindi iyon tulong na ibinibigay ng mayaman sa mahirap, hindi iyon pagliligtas ng doktor sa buhay ng isang pasyente, at hindi ito ang mapagmahal na tulong ng isang mabait na tao o mapagkawang-gawang organisasyon. Ang kaligtasan ng Diyos ay inihahanda upang mailigtas ang sangkatauhan at ito ay nag-uumapaw sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang pagtamo nito ay nangangahulugan na nagawa nating matanggap ang kaligtasan ng Diyos, sundin ang Kanyang kasalukuyang mga salita at gawain, isagawa ang mga salita ng Diyos, sumunod sa paraan ng Diyos, gayundin ang gawin ang mga bagay at pakilusin ang ating mga sarili ayon sa Kanyang mga kinakailangan. Ito lamang ang tanging paraan upang matamo natin ang kaligtasan ng Diyos.

Mga Nilalaman
Ang Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa Panahon ng Kautusan
Ang Kaligtasan ng Diyos para sa Sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya
Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa mga Huling Araw

Sa buong buhay natin ay bibigyan tayo ng maraming oportunidad ng Diyos upang matamo ang Kanyang kaligtasan, ngunit upang makuha iyon ay dapat muna natin iyong kilalanin at tanggapin. Kung hindi, mawawala sa atin ang pagkakataon tulad ng ginawa ng mga hangal na dalaga, at habambuhay natin itong pagsisisihan. May ilang maaaring magsabing: “Kapag nawala na ang pagkakataon, wala na iyon. Hindi na iyon mahalaga.” Ngunit totoo ba iyon? Dapat muna nating maintindihan ang katotohanang ito: Ang mapalampas ang kaligtasan ng Diyos ay hindi tulad ng pagpapalampas sa isang malasang pagkain o gaya ng maiwan ng bus, hindi rin ito tulad ng pagpapalampas sa pagkakataon na makapag-aral pa o isang bagong trabaho. Sa halip, ito ay tulad ng isang taong nakulong sa isang nasusunog na gusali na walang tumutulong na bumbero; ito ay tulad ng isang taong nalulunod na nabigong kumapit sa isang piraso ng kahoy. Malinaw na kung magagawa nating tanggapin at matamo ang kaligtasan mula sa Diyos ay direktang nauugnay sa napakahalagang mga isyu ng kung magagawa ba nating matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, at maligtas at pumasok sa kaharian ng langit. Nakakapangsisi, nakakaawang bagay ang mapalampas ang kaligtasan ng Diyos. Lubhang napakahalaga sa ating lahat ang malaman at matamo ang kaligtasan ng Diyos! Dahil napakahalaga nito, intindihin naman natin ang kaligtasan ng Diyos mula sa Kanyang gawain at saliksikin kung paano natin iyon matatamo!

Ang Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa Panahon ng Kautusan

Sa simula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa, at lahat ng bagay. Matapos maisaayos ang lahat, nilikha Niya sina Adan at Eba, mga ninuno ng mga tao. Inilagay sila ng Diyos sa Hardin ng Eden, at masaya silang namuhay sa ilalim ng Kanyang proteksiyon. Gayunman, tinukso sila ng ahas na magtaksil sa Diyos at noon pinalayas mula sa Hardin ng Eden at napunta sa buhay ng pagkakasakit, pagtanda, at kamatayan. Mula noon, lalong naging tiwali ang sangkatauhan at nahulog sa ganoong uri ng kasamaan na ginamit ng Diyos ang isang malaking baha upang lipulin ang lahat ng mga tao nang panahong iyon, hinahayaan lamang ang walong miyembro ng pamilya ni Noe na makaligtas. Matapos iyon, nagpatuloy na mabuhay at magparami ang sangkatauhan sa mundo, ngunit ang mga tao sa panahong ito ay walang kamalayan higit sa kanilang pagkain at tirahan at lahat ng mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Hindi nila naiintindihan kung paano maging mabuting tao, kung paano mamuhay sa mundo, kung saan nagmula ang mga tao o kung paano sumamba at sumampalataya sa Diyos. Ang ganoong uri ng mga tao ay walang kakayahan na luwalhatiin o itaas ang Diyos at hindi nila lubusang matugunan ang kalooban ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit inumpisahan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ginamit ng Diyos na Jehova si Moises upang ilathala ang Kanyang mga utos at ang batas upang gabayan ang buhay ng mga tao sa mundo. Halimbawa, ang pagsasagawa ng Sabbath, paggalang sa magulang, hindi pagsamba sa mga anito, at hindi pangangalunya o pagnanakaw. Ipinatupad din Niya ang mga regulasyon para sa mga alay ng mga tao, para sa pagkain, gantimpala para sa pagnanakaw, gayundin ang pagpatay sa mga hayop. Sinuman ang lumabag sa mga batas ng Diyos ay susunugin o babatuhin hanggang sa mamatay, ngunit kung pananatilihin nila ang mga batas ni Jehova at kautusan, gagantimpalaan Niya sila. Pinigilan ng Diyos na Jehova ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga kautusan at batas; ginabayan nito ang mga tao na mamuhay sa mundo sa isang wasto, maayos na paraan, hinahayaan silang gawin ang mga bagay ayon sa pamantayan at malaman na dapat sambahin ng mga tao ang nag-iisa at natatanging Diyos—ito ang kaligtasan ng Diyos sa Panahon ng Kautusan. Sa paglapit sa Diyos, pakikinig sa mga salita ni Jehova, pagpapatupad sa Kanyang mga batas at kautusan, at tapat na pagsamba kay Jehova, maaaring maligtas at pagpalain ng Diyos ang mga tao, at maaari nilang matamo ang kaligtasan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan.

Ang Kaligtasan ng Diyos para sa Sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya

Sa huling panahon ng Kapanahunan ng Kautusan ay lalong naging tiwali ang mga tao, at paunti nang paunti ang mga tao na nagsasagawa ng batas at mga kautusan. Gumagawa sila ng napakaraming bagay na nakakasakit sa disposisyon ng Diyos, gaya ng pagsamba sa mga anito, pangangalunya, pagpaplano ng masasama, pagnanakaw at panloloob, at pagiging sakim at tiwali. Ginagamit pa nila ang malamya at bulag na mga kalapati, baka, at tupa bilang mga alay para sa Diyos. Makatuwiran at banal ang Diyos; ang ganoong uri ng pag-uugali ng mga tao ay hindi maaaring hindi humantong sa kanilang kamatayan tulad ng sinasaad ng batas dahil nasaktan ang disposisyon ng Diyos. Gayunman, mahal ng Diyos ang sangkatauhan at hindi nais wasakin ang lahat ng tao, kung kaya’t personal Siyang nagkatawang-tao upang bumaba sa lupa. Tinapos ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inumpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ipinahayag niya ang paraan ng pagsisisi, nagbibigay sa sangkatauhan ng bagong landas ng pagsasagawa. Tinuruan Niya ang mga tao kung paano maging mapagpatawad at mapagparaya, paano mahalin ang kanilang mga kaaway at patawarin ang iba nang pitumpu’t pitong ulit. Pinagaling din ng Panginoong Jesus ang may-sakit at nagpalayas ng mga demonyo. Isinagawa Niya ang iba’t ibang uri ng himala, at hangga’t tapat na nangungumpisal ang mga tao, patatawarin ng Panginoong Jesus ang kanilang mga kasalanan gamit ang Kanyang matinding pagpaparaya at pasensiya. Sa wakas, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus bilang permanenteng handog sa kasalanan ng sangkatauhan. Pinasan Niya ang lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan, nakakamit ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang kaligtasang hatid sa sangkatauhan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaligtasan ng Panginoong Jesus, pananalangin sa Kanyang ngalan, at pangungumpisal at pagsisisi sa Panginoon, maaaring matubos ang ating mga kasalanan at maaari nating matamasa ang kapayapaan at kaligayahang hatid sa atin ng Diyos. Ito ang pagkamit sa kaligtasan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya.

Kaligtasan ng Diyos sa Sangkatauhan sa mga Huling Araw

Tinubos tayo ng Panginoong Jesus, pinahihintulutang mapatawad ang ating mga kasalanan. Gayunman, hindi naalis ang ating makasalanang kalikasan. Ang ating mga mala-Satanas na disposisyon nang pagiging arogante at mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam, buktot at mandaraya, masama at sakim, nakakatakot at may masamang hangarin, ay malalim pa ring nakatatak sa loob natin. Pinangungunahan ng mga mala-Satanas na disposisyong ito, nagkakasala at nilalabanan pa rin natin ang Diyos kahit hindi natin naisin. Halimbawa, madalas tayong sumali sa gulo at intriga para sa sarili nating kapakinabangan, nawawalan pa ng tiwala kahit sa sarili nating mga mahal sa buhay. Kapag nahaharap tayo sa sakit, kalamidad, o panganib, sinisisi natin at hindi inuunawa ang Diyos. Sinusubukan pa nating makipagtalo sa Kanya at tumututol sa Kanya. Hindi tayo marunong sumunod. Sinabi ng Diyos na Jehova: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). Sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang Anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). Banal ang Diyos, at walang sinumang taong may dungis ang makapapasok sa Kanyang kaharian. Nababalutan tayo ng dumi. Tayo ay mga tiwali at hindi makatuwiran, at hindi karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o makapasok sa Kanyang kaharian. Nakasulat sa Biblia, “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Makikita natin na kung hindi natin magagawang iwaksi ang mga gapos at pagpipigil ng kasalanan at patuloy na madalas magkasala, sumasalungat tayo sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan at sa gayon ay pupuksain Niya.

Gayunman, sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na kakamtin siya; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito nga ay ang gawaing siyang ginagawa ng Lumikha(“Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”). Ginawa ng Diyos ang sangkatauhan at nais na matamo nang buo ang tao. Dahil inililigtas Niya ang sangkatauhan, nais Niyang lubusang iligtas ang tao mula sa mahigpit na hawak ni Satanas. Ito ang dahilan kaya inihanda ng Diyos ang kaligtasan ng mga huling araw para sa atin. Gaya ng nakatala sa Biblia: “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon” (1 Pedro 1:5). “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28). “Kaya’t inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo” (1 Pedro 1:13). Sinabi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Makikita natin mula sa mga salitang ito na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw ay upang ipagkaloob sa atin ang daan ng buhay upang maintindihan natin lahat ng katotohanan, maunawaan ang daan ng paglilinis sa ating mga tiwaling mala-Satanas na disposisyon, at iwaksi ang mga kadena at pagtuligsa ng ating mga tiwaling disposisyon. Tanging sa ganitong paraan lamang tayo maaaring maging mga tao na naaayon sa kalooban ng Diyos, magagawang matamo ang kaligtasan ng Diyos, at maaaring makapasok sa Kanyang kaharian. Ito ang kaligtasan na inihanda para sa atin ng Diyos sa mga huling araw.

Ano ang pangunahing ginagawa ng gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17). Malinaw na sinabi sa atin ng Diyos na ang Diyos ng mga huling araw ay magbibigkas ng mas maraming salita at gagawin ang gawain ng paghatol, dinadala tayo upang pumasok sa lahat ng katotohanan. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw, pag-unawa sa lahat ng aspeto ng katotohanan, paghanap sa daan upang malinis, gayundin ang pagkilos ayon sa hinihingi ng Diyos at sa daang itinuro Niya para sa atin, magagawa nating palayain ang ating mga sarili mula sa ating tiwaling mala-Satanas na disposisyon, malinis, at matamo ang kaligtasan ng Diyos. Ito lamang ang makakakuha ng buong kaligtasan mula sa Diyos! Nawa ay maging matatalinong dalaga tayo na tunay na sinusunod ang tinig ng Diyos, at kapag narinig natin ang isang tao na nagpapatotoo na bumibigkas ng mga salita ang Diyos at ginagawa ang gawain ng paghatol, huwag bulag na tanggihan iyon. Sa halip, dapat ay maingat natin itong pakitunguhan at maagap na hanapin at siyasatin ito upang makita kung ganoon talaga ang gawain ng Diyos, kung taglay nito ang mga pagpapahayag ng katotohanan. Sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang nagbalik na Panginoong Jesus at matatamo ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman