Paano Natin Dapat Ituring ang Pasko nang Ayon sa Kalooban ng Diyos?
Ang Pinagmulan ng Pasko
Taun-taon, kapag papalapit ang Pasko, ang mga tindahan sa kalye ay nag-aayos ng nakasisilaw na display ng mga regalo sa Pasko, na may mga Santa Claus at mga Christmas tree, at iba pa. Nakapalamuti sa mga puno at sa mga gusali ang maraming kulay na mga ilaw, at ang buong lungsod ay pinapalamutian ng mga parol at kinulayang pabitin, at kahit saan ay may kagalakan at pananabik. Para sa Kristiyanismo, ang Pasko ay isang napaka-espesyal na kapistahan, at ilang buwan bago ang Pasko, maraming simbahan ang magsisimulang abalahin ang kanilang sarili sa paghahanda ng lahat ng kailangan para sa Kapaskuhan. Sa mismong Araw ng Pasko, napupuno ang mga simbahan, at ang mga kapatid ay nakikibahagi sa mga pagdiriwang, kumakain ng hapunan sa Pasko, nagsasagawa ng mga pagtatanghal at sumasamba sa Panginoong Jesus, at iba pa. Bakas sa mukha ng lahat ang kaligayahan. Gayunpaman, kapag tayo ay nagsasama-sama sa masasayang pagtitipon upang ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, nauunawaan ba natin ang kahulugan ng Pasko? Marahil ay sasabihin ng mga kapatid, “Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan, at upang alalahanin at ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, itinatag ng mga Kristiyano ang Pasko. Bagaman ang espesipikong araw kung kailan isinilang ang Panginoong Jesus ay hindi nakatala sa Biblia, ang Pasko ay unti-unting naging isang pandaigdig na kapistahan sa panahon ng pagpapalawak ng ebanghelyo ni Jesucristo.” Maaaring alam na natin ito, ngunit alam ba natin ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kalooban para sa atin na talagang nakatago sa likod ng pagsilang ng Panginoong Jesus? At paano natin dapat ituring ang Pasko sa paraang umaayon sa puso ng Panginoon?
Ang Panginoong Jesus ay Ipinanganak Dahil sa Pag-ibig at Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan
Sa simula, gumawa si Jehova sa anyo ng Espiritu sa gitna ng tao, ginamit Niya si Moises para ipahayag ang Kanyang mga batas at kautusan, ginabayan Niya ang sangkatauhan kung paano mamuhay sa lupa, ipinaalam Niya sa mga tao kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, kung paano sambahin ang Diyos, at iba pa. Ngunit nang ang Kapanahunan ng Kautusan ay malapit nang magwakas, dahil ang sangkatauhan ay tinitiwali ni Satanas nang mas malalim, ang tao ay hindi makasunod sa mga batas at wala nang sapat na mga handog para sa kasalanan na maaari nilang gawin na makapagpapawalang-bisa sa kanilang mga kasalanan; ang mga tao ay naharap sa panganib na mahatulan at masentensiyahan ng kamatayan ng mga batas anumang oras. Hindi kayang makita ng Diyos ang sangkatauhan, na ginawa Niya gamit ang Kanyang sariling mga kamay, na mawasak sa ganoong paraan. Upang tulutan ang sangkatauhan na mabuhay, samakatuwid, bumaba ang Diyos mula sa langit at nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesucristo, nagpakita Siya at isinakatuparan ang Kanyang mga gawain, ipinahayag Niya ang daan ng “Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), tinuruan Niya ang mga tao na maging mapagparaya, matiyaga at mahalin ang kanilang mga kaaway, at patawarin ang mga tao nang pitumpung beses na makapito. Nagpagaling din Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng maraming tanda at kababalaghan at, sa huli, Siya ay ipinako sa krus, sa gayon ay tinutubos ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan. Hangga’t tinatanggap natin ang Panginoong Jesus bilang ating Tagapagligtas at taos-pusong nananalangin sa Panginoon, ikinukumpisal ang ating mga kasalanan at nagsisisi, kung gayon ang ating mga kasalanan ay pinapatawad, at maaari nating matamasa ang kapayapaan, kagalakan at lahat ng kasaganaan ng biyaya na nagmumula sa Panginoon. Masasabing, dahil lamang sa isinilang ang Panginoong Jesus at personal na nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang gawain ng pagtubos, nagawang iwasan ng sangkatauhan ang pagsumpa at ang mga tanikala ng batas, at sa gayon ay hindi na sasailalim na makondena at mahatulan ng kamatayan. Dahil lamang sa isinilang ang Panginoong Jesus, ang mga sumunod sa Kanya ay natamasa ang tunay na kapayapaan at kagalakan. Higit pa rito, dahil lamang sa isinilang ang Panginoong Jesus, at ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao sa isang ordinaryong katawan, gamit ang wika ng sangkatauhan upang sabihin ang Kanyang mga pagbigkas, mas malinaw nating nalalaman mula sa mga salita ng Panginoon ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, maaari tayong magkaroon ng mas bago, mas mataas na kasanayan, at ang ating relasyon sa Diyos ay maaaring maging mas malapit. Ang nasa likod ng pagdating ng Panginoong Jesus sa lupa, ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan at pagkumpleto ng gawain ng pagpapapako sa krus, ay puno ng masusing pagsisikap ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan—ito ay ang pag-ibig at awa ng Diyos sa atin na tiwaling sangkatauhan!
Ano ang Kalooban at mga Kinakailangan ng Panginoong Jesus sa Atin
Bagaman nang tapusin ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, Siya ay nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit, upang alalahanin ang Kanyang kapanganakan, maraming tao ang nag-organisa ng mga salu-salo sa gabi ng Pasko, nagsasagawa sila ng mga pagtatanghal at ipinagdiriwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus. Ngunit nagkaroon na ba tayo ng kamalayan kailanman kung ano ang kahulugan ng Pasko, at kung ano ang kalooban at mga kinakailangan ng Panginoong Jesus sa atin? Ano nga ba ang dapat nating gawin upang masiyahan ang Diyos at matamo ang Kanyang papuri?
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. … Datapuwat dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa Espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kanya (Juan 4:21, 23). Nauunawaan natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na inaasam ng Panginoon na sambahin natin ang Diyos sa espiritu at katotohanan, at hindi mahigpit na sumunod sa lahat ng uri ng pormalidad o makisali sa mga aktibidad. Ang mga Fariseo, punong saserdote at mga eskriba sa templo noong unang panahon ay nakatuon lamang sa pagsasagawa ng iba’t ibang relihiyosong seremonya at pagkapit sa mga tuntunin. Araw-araw, nag-aalay sila para sambahin ang Diyos, ngunit hindi nila gaanong pinapansin ang pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos, ni sinunod nila ang mga utos ni Jehova, anupa’t tinalikuran pa nga nila ang mga utos ng Diyos at sumunod lamang sa mga tradisyon ng tao. Sa huli, hindi lamang sa hindi sila nakakuha ng papuri ng Diyos, bagkus sila ay kinasuklaman at isinumpa ng Panginoong Jesus. Kung ang mga simbahan ngayon ay nagdaraos ng malalaking pagdiriwang sa Pasko, ito ay panandaliang simbuyo ng pananabik; lahat ay nagtitipon sa kagalakan at kaligayahan, ngunit hindi natin tunay na sinasamba ang Panginoon, o ginagamit ang pagkakataong ito para maunawaan ang Kanyang kalooban o magkaroon ng kaalaman tungkol sa Kanya, kaya hindi natin matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoong Jesus. Sa katunayan, mula nang opisyal na sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain hanggang sa natapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at nagtakda ng maraming kinakailangan sa atin. Ang kalooban ng Panginoon ay ang umasam na lahat tayo ay tutuon sa pagsasabuhay ng Kanyang mga salita, at pagsunod sa Kanyang mga turo sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar, anuman ang mga isyu o mga tao na maaaring makaharap natin. Ito ang hinihingi sa atin ng Panginoon, at ito ang pinakapangunahing prinsipyo ng pagsasagawa para sa ating mga naniniwala sa Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung kayo’y magsisipanatili sa Aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko” (Juan 8:31), “Kayo’y Aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na Aking iniuutos sa inyo” (Juan 15:14). Kaya naman makikita na, sa ating normal na buhay at sa ating pakikitungo sa ibang tao, napakahalagang tumuon sa pagsasagawa ng alinsunod sa mga salita ng Panginoon, sapagkat ito ay isang bagay na kung saan ay dapat makamit nang higit sa lahat ng mga tunay na naniniwala sa Diyos at sumasamba sa Diyos.
Tunay Ba Nating Sinasamba ang Panginoon?
Ngayon, maraming mga kapatid ang pumupunta sa simbahan sa Pasko upang ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, magdasal nang sama-sama, magbasa ng Biblia nang sama-sama, at sabay-sabay na umawit ng mga papuri sa Panginoon. Pero sa nalalabing oras, abala tayo sa ating mga trabaho at karera o sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao. Napakadalang nating patahimikin ang ating sarili sa harap ng Panginoon at basahing padasal ang Kanyang mga salita o maghangad na maunawaan ang Kanyang kalooban. Ang ilang mga kapatid ay madalas na dumadalo sa mga pagpupulong, ngunit bihira silang magsanay at maranasan ang mga salita ng Panginoon sa kanilang buhay, nabubuhay pa rin sila sa kasalanan, at ang kanilang mga kasalanan ay mabilis na lumalago. Halimbawa, hinihingi ng Panginoong Jesus na tayo ay maging mapagpakumbaba at mahinahon, ngunit habang tayo ay nakikisama at gumagawa kasama ng mga kamanggagawa at kasama ng mga kapatid sa iglesia, pinangungunahan tayo ng ating mga mapagmataas na disposisyon, nakikita natin ang sarili nating mga pananaw at ideya bilang perpekto at ipinagtatanggol natin ang ating sarili, at hindi natin kayang makipagkapwa-tao sa iba. Hinihingi ng Panginoong Jesus na matuto tayong magpatawad sa iba at mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ngunit kapag ang iba ay lumalabag sa ating mga interes, nakadarama tayo ng pagkaagrabyado, kaya’t tayo ay namumuhay ayon sa nakalalasong disposisyon ni Satanas, at hinuhusgahan at kinokondena natin ang ibang mga tao. Hinihingi ng Panginoong Jesus na ihiwalay natin ang ating mga sarili sa mga makamundong tao, ngunit sa ating paghahangad ng makamundong katanyagan, katayuan at pisikal na kasiyahan, sinusunod natin ang masasamang kalakaran ng mundo, nabubuhay tayo sa kasalanan at lalo tayong lumalayo sa Panginoon. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa kung paano tayo nabibigong isabuhay sa pagsunod sa mga kinakailangan ng Panginoon. Bagama’t binibigyan natin ng malaking kahalagahan ang pagsasagawa ng mga seremonyang panrelihiyon, at nakatuon tayo sa pasasalamat sa pagliligtas ng Panginoon at pinupuri natin ang Panginoon sa mga tiyak na araw ng iba’t ibang mga kapistahan, gayunpaman hindi natin sinusunod ang daan ng Panginoon at madalas tayong nabubuhay sa kasalanan. Ganito ba tayo sumasamba sa Panginoong Jesus? Talaga bang pupurihin tayo ng Panginoon dahil dito? Kunin bilang halimbawa kapag pinalaki ng mga magulang ang kanilang anak hanggang sa hustong-gulang. Kung ang bata ay tunay na matino at mapagmahal sa magulang, kanyang papahalagahang malaman kung ano ang gusto at kung ano ang hindi gusto ng kanyang mga magulang, at sa tuwing gumagawa siya ng anumang bagay para sa kanyang mga magulang, lagi niyang alam kung ano ang gagawin upang masiyahan sila. Ngunit kung ang gagawin lang niya ay magdaos ng isang malaking salu-salo sa mga kaarawan ng kanyang mga magulang, at sabihin lang na, "Mahal ko kayo, nanay at tatay!" at kapag talagang kailangan siya ng kanyang mga magulang ay napakaabala niya sa sariling buhay upang tuparin ang pampamilyang responsibilidad, masasabi bang tunay siyang mapagmahal sa magulang?
Paano Umayon sa Kalooban ng Diyos at Matamo ang Kanyang Papuri
Kung gusto nating maging mga taong tunay na sumasamba sa Diyos at makamit ang Kanyang papuri, ang susi ay ang magsanay ayon sa mga salita ng Diyos, ang dakilain ang Diyos sa ating mga puso, ang tumutok sa pagsunod sa daan ng Panginoon sa lahat ng bagay, ang unahin ang mga salita ng Panginoon, at gamitin ang aktwal nating isinasabuhay upang magpatotoo sa Diyos at luwalhatiin ang Diyos. Siyempre, ang ilang mga kapatid ay nagtitipon sa Pasko upang umawit ng mga himno at purihin ang Panginoon, upang makipagpalitan sa isa’t isa ng ating mga karanasan at kaalaman sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon sa ating buhay, upang suportahan at tulungan ang isa’t isa na lutasin ang mga isyu sa ating espirituwal na buhay, at upang paglapitin ang distansya sa pagitan natin at ng Diyos, at ito ay umaayon din sa kalooban ng Diyos. Higit pa rito, kapag nalalapit na ang Pasko, marami na ngayong mga bansa sa kanluran na nag-oorganisa ng mga kaganapan sa kawanggawa para sa mga inuusig na Kristiyano at mga taong walang tirahan, at nagtitipon ng mga taong naghahanap ng masisilungan at mga inuusig na Kristiyanong refugee mula sa buong mundo upang makapagpalitan sila ng mga karanasan sa bawat isa, kaya nagagawa nilang madama ang init ng Diyos sa napakaginaw na taglamig. Ito rin ang mga bagay na tatandaan ng Diyos. Sa madaling salita, ang holiday mismo ay hindi mahalaga at ang lahat ng iba’t ibang seremonya ay hindi mahalaga. Ang pinakamahalaga ay ang mga salita ng Panginoong Jesus at ang mga bagay na hinihingi Niya sa atin. Ang magkaroon ng pusong may takot sa Diyos at hanapin ang kalooban ng Panginoon sa lahat ng bagay, isagawa ang mga salita ng Panginoon at bigyang-kasiyahan ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtugon sa Kanyang mga kinakailangan—ito ang pinakamahalaga. Sa pamamagitan lamang ng pagsasanay sa ganitong paraan tayo ay tunay na sumasamba sa Panginoong Jesus at nakakamit ang Kanyang papuri.
Salamat sa pagbibigay-liwanag at paggabay ng Diyos, at Siya nawa ay sumaating lahat!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.