Paano Ako Nakalaya Mula sa mga Gapos ng Kasikatan at Pakinabang
Ni Su Mi, TsinaNoong 2002, labingwalong taong gulang ako at nagtatrabaho sa isang pabrika ng damit. Sa tuwing nakakakita ako ng mga bida sa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong bata ako, napakahirap ng pamilya namin. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga magulang ko, at madalas lumalabas ang tatay ko para magbuhat ng mga sako para kumita. Para gumaan nang kaunti ang buhay, tuwing anihan ng trigo, pumupunta kami ng nanay ko sa bukid para mamulot ng mga natirang trigo na maibebenta para sa dagdag na kita. Lagi kong naririnig ang mga taong kinukutya kami, sinasabi nila, “Namumulot ka na naman ng trigo kasama ang nanay mo? Hindi ka ba kayang buhayin ng tatay mo?” Sobrang sama ng loob ko, at ipinangako ko na sa hinaharap, magtatrabaho ako nang husto para kumita ng pera at umangat sa iba, para wala nang mangungutya sa amin ulit. Sa edad na pito, namitas ako ng mga persimmon mula sa aming mga puno at ibinenta ang mga ito sa kalye. Noong hayskul, sinubukan kong magpatakbo ng isang summer tutoring class, at kahit nabigo ito, hindi ako sumuko sa pagkita ng pera. Noong kolehiyo, nagtayo ako ng isang puwesto sa kalye tuwing bakasyon para kumita, at nag-part-time din ako. Sa katunayan, noong 2006, noong nasa middle school ako, sumama ako sa nanay ko sa pananampalataya sa Diyos at pagdalo sa mga pagtitipon. Gayumpaman, noong panahong iyon, nakatuon ako sa pag-aaral at trabaho, kaya isinantabi ko ang aking pananampalataya. Minsan pag-uwi ko, ipinapakita sa akin ng nanay ko ang mga salita ng Diyos, pero walang pagpapasensiya akong tumanggi, iniisip na ang pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay pag-aaksaya ng oras. Ang buong pokus ko ay sa pagpapaunlad ng aking karera, naniniwalang sa pamamagitan lamang ng sarili kong pagsisikap ako kikita ng mas maraming pera. Kung tutuusin, hindi ba’t ang tagumpay sa mundo ngayon ay sinusukat sa mga bahay, kotse, at pera? Kapag kumikita ng sapat na pera ang isang tao, saka lang niya makukuha ang paghanga ng iba, at pati mga magulang niya ay makikinabang sa pamamagitan ng kaugnayang ito.
Dahil nag-major ako sa musical performance, pagkatapos kong maka-graduate noong 2016, nagtrabaho ako bilang isang kapalit na guro. Noong 2018, nagsimula ako ng sarili kong negosyo at nagtayo ng isang paaralan ng sining. Para makakuha ng mga estudyante, namigay ako ng mga flier sa bawat bahay sa ilalim ng tirik na araw, at sa gabi, umiikot ako sa bayan dala ang aking instrumento para magrekrut ng mga estudyante, madalas na umuuwi ako nang bandang alas-onse na ng gabi. Dahil sa lahat ng presyur at palaging pagpupuyat, madalas sumasakit ang ulo ko, pero kapag naiisip kong makakapag-enroll ang mas maraming estudyante at kikita ng mas maraming pera, pakiramdam ko ay sulit ang lahat. Sa pamamagitan ng aking masisidhing pagsisikap, dumami nang dumami ang narekrut ko na mga estudyante. Dito ko kinita ang unang malaking halaga sa buhay ko. Nang makitang umuunlad ang eskuwelahan ko, pinupuri ako ng mga kapitbahay ko at ng mga magulang ng mga estudyante dahil sa pagiging mahusay at may kakayahan. Nang marinig ko ang pagkilala nila, nakaramdam ako ng pagmamalaki, at sa wakas ay nagagawa kong umasal nang nakataas-noo.
Para sa isang paaralan ng sining, ang Hulyo ang ginintuang panahon ng taon. Dahil bakasyon ng mga estudyante, kung mataas ang enrollment, puwedeng kumita ng sampu-sampung libo sa isang buwang ito. Noong Hulyo ng 2021, para samantalahin ang pagkakataong ito na kumita ng mas maraming pera, nagdagdag ako ng mas maraming kurso at ako na rin ang bahala sa pagkain ng mga estudyante. Ang pag-aasikaso sa pagkain ng napakaraming estudyante ay lalong nagpadami sa trabaho ko, at kailangan kong lumabas araw-araw para bumili ng mga sangkap. Naalala ko isang umaga, napakalakas ng ulan, isa-isa kong binubuhat papunta sa kotse habang umuulan ang mga basket ng gulay na dose-dosenang libra ang bigat. Basang-basa ako, pero hindi ko talaga ininda ang hirap. Naisip ko, “Isang buwan lang naman ito; kung titiisin ko lang, matatapos din ito agad. Pagkatapos ng buwang ito, oras na para magbilang ng pera, at mas mapapalapit na ako sa de-kalidad na buhay na inaasam-asam ko.” Iniisip ko pa lang, masaya na ako. Pero hindi ko kailanman inasahan na sa ikatlong linggo ng Hulyo, makakatanggap ako ng balita na dahil sa pandemya, kailangang isuspende ng lahat ng eskuwelahan ang mga klase. Parang tinamaan ako ng kidlat sa balitang iyon. Sobrang dami kong ibinuhos na pagsisikap sa paghahanda para sa mga summer class na ito, namuhunan ako ng maraming lakas-paggawa, materyales, at pera. Ayon sa plano ko, basta’t malampasan ko lang ang buwang ito, madali ko nang mabubulsa ang pera, pero sa puntong ito, kalahati pa lang ng mga klase ang natapos, at kailangan ko pang i-refund ang bayad para sa mga hindi natapos. Habang pinapanood kong mawala ang perang nasa mga kamay ko na, gusto ko na lang umiyak, pero wala akong magawa. Pagkatapos ng mga refund, napagtanto kong halos wala akong napala ngayong tag-init, at sobrang sama ng loob ko. Araw-araw akong nanlulumo. Dahil sa pagsuspende ng mga klase dahil sa pandemya, bigla akong nagkaroon ng libreng oras. Noong mga panahong iyon, may isang sister na pumunta sa bahay ko, at nakipagbahaginan siya sa akin na ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, at naisaayos na Niya ang kapalaran ng bawat isa sa atin. Sinabi rin niya na sa ilang taon na hindi ako nakadalo sa mga pagtitipon, palagi akong iniisip ng mga kapatid, at gusto nila akong tulungan at suportahan. Naisip ko kung gaano na katagal mula noong huli akong nagbasa ng mga salita ng Diyos at kung paano ako lumayo sa Kanya, pero may pagmamalasakit pa rin Siya sa akin at ipinadala Niya ang isang sister para aluin ako. Labis na nag-init ang puso ko. Sa pagkakataong ito, hindi na ako muling tumanggi, at pagkatapos ng labintatlong taon, sa wakas ay bumalik ako sa sambahayan ng Diyos at ipinagpatuloy ang buhay iglesia.
Minsan sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung anong trabaho ang pipiliin ng isang tao, paano siya kumikita para mabuhay, kung ang mga pagpiling ginagawa niya ay mabuti o masama—mayroon bang anumang pagpipilian ang mga tao sa mga bagay na ito? Nakabatay ba ang mga ito sa mga pagnanais at desisyon ng mga tao? Karamihan sa mga tao ay nagnanais na magtrabaho nang kaunti at kumita nang malaki, na hindi magpakapagod sa ilalim ng araw at ulan, na manamit nang kagalang-galang, na maging kahanga-hanga saanman sila magpunta, na manguna, at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno. Mayroong gayong ‘perpektong’ mga kahilingan ang mga tao, ngunit kapag ginawa na nila ang kanilang unang hakbang sa landas ng buhay, unti-unti nilang nakikita kung gaano ka-di-perpekto ang tadhana ng tao, at tunay na napagtatanto sa unang pagkakataon na, bagama’t maaaring gumawa ang isang tao ng matatapang na plano para sa kanyang kinabukasan at walang pakundangang magtaglay ng lahat ng uri ng pangarap, walang sinuman ang may abilidad o kapangyarihan na isakatuparan ang sarili niyang mga pangarap, ni ang abilidad na kontrolin ang sarili niyang kinabukasan. Palaging magkakaroon ng agwat sa pagitan ng mga pangarap ng isang tao at ng mga realidad na kinakaharap niya; hindi kailanman magiging ayon sa inilalarawan ng isang tao sa isip ang mga bagay-bagay, at sa harap ng gayong mga realidad, hindi kailanman makakahanap ng kasiyahan o pagkakontento ang mga tao. Mayroon pa ngang ilang tao na paulit-ulit na sumusubok na makaisip ng lahat ng uri ng pamamaraan at tumutuklas ng bawat posibleng daluyan, at gumagawa ng lahat ng uri ng pagsisikap at sakripisyo, para sa kapakanan ng kanilang mga kabuhayan at kinabukasan, at para sa kapakanan ng pagbabago ng kanilang mga kapalaran. Ngunit sa huli, kahit na maisakatuparan nila ang kanilang mga pangarap at pagnanais sa pamamagitan ng sarili nilang pagsusumikap, hindi nila kailanman mababago ang kanilang mga kapalaran, at gaano man sila magpunyagi, hindi nila kailanman malalampasan ang kanilang mga tadhana. Anuman ang pagkakaiba sa kanilang mga abilidad at talino, at mayroon man silang determinasyon o wala, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng kapalaran, kung saan hindi sila pinag-iiba sa pagitan ng dakila at hamak, mataas at mababa, marangal at aba. Kung anong trabaho ang ginagawa ng isang tao, kung ano ang ginagawa niya para mabuhay, at kung gaano karaming yaman ang mayroon siya sa buhay ay hindi nakasalalay sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga talento, o sa kanyang mga pagsisikap at ambisyon—ito ay nakasalalay sa paunang pag-orden ng Lumikha” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Ginising ako ng mga salita ng Diyos na para bang mula sa isang panaginip, at naunawaan ko na ang aking kapalaran at kung magkakaroon ako ng yaman ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Gaano man ako magsikap at magpunyagi, sa huli, hindi ko mababago ang mga paunang pag-orden ng Diyos. Dati, hindi ko alam ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at palagi kong gustong umasa sa sarili kong mga pagsisikap para baguhin ang aking kapalaran. Noong bata ako, mahirap ang pamilya ko, at palagi akong kinukutya ng iba, kaya nangarap ako na balang araw ay mamumuhay ako nang mayaman para hangaan ako ng iba. Kaya naman, noong bata pa ako, natuto akong magtinda ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng panggagaya sa mga nakatatanda, at nagpatakbo ako ng tutoring class sa panahon ng bakasyon sa tag-init bago ako magtapos sa high school. Noong kolehiyo, nagtiyaga akong magtinda sa kalye at magtrabaho nang part-time, at pagka-graduate, nagsimula ako ng negosyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang eskuwelahan. Ang lahat ay para lang kumita ng mas maraming pera. Pero nang biglang dumating ang pandemya at kinailangan kong ihinto ang mga klase, lahat ng plano ko ay nasira, at kinailangan kong panoorin na ibalik ang perang naibulsa ko na. Pagkatapos, talagang naramdaman ko na hindi lahat ng pagsisikap ay may aanihin, at na hindi lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa plano ng tao. Ang kapalaran ng isang tao ay lubos na nasa mga kamay ng Diyos. Kung gaano karami ang kayamanan ko sa buhay na ito ay hindi nakasalalay sa aking mga pagsisikap at plano, kundi sa paunang pag-orden at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Ang mga plano at pagsisikap ng isang tao ay mga mithiin at adhikain lamang. Hindi matutukoy ng mga ito ang anumang huling kinalabasan, ni mababago ang mga paunang pag-orden ng Diyos. Binigyan ako ng Diyos ng mga talento sa musika at pagtatanghal para masuportahan ko ang aking sarili. Pero hindi pa rin ako nakontento, palaging gustong umasa sa sarili kong mga pagsisikap para mamuhay nang mayaman at masagana, at hindi nakakapagpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Sa huli, hindi lang ako nabigong tumupad sa mga kahilingan ko, kundi pinagod ko pa ang sarili ko at labis akong nasaktan sa kaloob-looban ko. Talagang hangal ako! Pagkatapos, nabasa ko ang higit pang mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos: “Matapos mong makilala ito, ang dapat mong gawin ay bitiwan ang iyong lumang pananaw sa buhay, manatiling malayo sa sari-saring mga patibong, hayaan ang Diyos na mamahala sa iyong buhay at gumawa ng mga pagsasaayos para dito, hangarin lamang na magpasakop sa mga pamamatnugot at gabay ng Diyos nang hindi gumagawa ng sarili mong mga pagpili, at maging isang tao na sumasamba sa Diyos” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Ayaw ko nang labanan pa ang mga paunang pag-orden ng Diyos at handa na akong magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Pagkatapos niyon, aktibo akong dumalo sa mga pagtitipon at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at nagsimula na rin akong magsanay sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya. Nakaramdam ng kapanatagan at kalayaan ang puso ko at nakita ko ang biyaya ng Diyos. Sa panahon ng pandemya, matumal ang lahat ng industriya, at karamihan sa mga institusyong pang-edukasyon ay dumanas ng malalaking pagkalugi. Gayumpaman, hindi lang nakapagpatuloy nang normal sa operasyon ang eskuwelahan ko, kundi dalawang institusyon pa ang lumapit sa akin para sa mga kolaborasyon, tinutulungan ako na malampasan ang mahirap na panahong ito.
Noong Hunyo 2022, inako ko ang tungkulin ng isang lider ng grupo ng pagdidilig. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ngayon, isinasagawa na ng Diyos ang Kanyang huling pagliligtas sa sangkatauhan, at na sa huli, gagamitin ng Diyos ang iba’t ibang kalamidad para wakasan ang kapanahunang ito, gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama ayon sa kanilang mga gawa. Tanging ang mga nagsasagawa ng katotohanan, tumutupad nang maayos sa kanilang tungkulin, at nalinis ang mga tiwaling disposisyon ang maliligtas ng Diyos at mananatiling buhay. Para sa akin, bukod sa hindi regular na iskedyul ng klase ko bawat linggo, kailangan ko ring asikasuhin ang iba’t ibang isyu sa mga kapartner na kampus, at talagang wala akong sapat na oras o lakas para hangarin ang katotohanan at gawin nang maayos ang aking tungkulin. Kaya naisip kong magbitiw sa ilang trabaho ko para magkaroon ng mas maraming oras para sa aking tungkulin. Pero naguluhan ang isip ko, iniisip na, “Mas mahalaga ang tungkulin ko kaysa sa pagtuturo at pagkita ng pera, pero hindi naman masyadong nakakapagod ang pagtuturo, at ang mga kapartner na kampus ay maayos namang umuunlad. Kung bibitawan ko ang mga ito, mas maliit ang kikitain ko!” Medyo ayaw kong bitawan ang mga ito. Pagkatapos, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling na gabayan Niya ako para mabitiwan ko ang mga pasaning ito at magkaroon ng mas maraming oras para kumain at uminom ng Kanyang mga salita at gawin ang aking tungkulin. Kalaunan, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at tumitindig ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Mga tao Ko, na nasa kaharian ng ngayon, sino sa inyo ang hindi kasapi sa lahi ng tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag isinasapubliko ang Aking bagong panimula, ano ang magiging reaksiyon ng mga tao? Nakita na ng sarili ninyong mga mata ang kalagayan ng mundo ng tao; hindi pa ba ninyo naiwaksi ang kaisipan ng pamumuhay sa mundong ito magpakailanman?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 19). Ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay naipalaganap na sa lahat ng bansa sa mundo, dumating na ang iba’t ibang sakuna at digmaan, at malapit nang matapos ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Kung hindi ko gagawin nang maayos ang aking tungkulin at patuloy akong tutuon sa paghahangad ng pera, masisira ko lang ang pagkakataon kong magkamit ng katotohanan at maligtas. Sa huli, kung masadlak ako sa sakuna, walang halaga ng pera ang makapagliligtas sa buhay ko. Ang paghahangad sa katotohanan at pagtupad nang maayos sa tungkulin ko ang tunay na mahalaga. Kaya nagsimula ako sa pagbibitiw sa mga klase ko sa pribadong paaralan, at pagkatapos, isa-isa kong tinapos ang pakikipagsosyo sa dalawang kampus. Niluwagan nito ang oras ko mula Lunes hanggang Biyernes para magawa ang tungkulin ko, na nangangahulugang tuwing Sabado at Linggo na lang ako nagturo. Bagama’t mas kaunti na ngayon ang mga kapartner kong eskuwelahan at mas maliit na ang kinikita ko, mas marami na akong oras para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at gawin ang aking tungkulin, at naging panatag at payapa ang puso ko. Akala ko medyo nabitawan ko na ang pagkahumaling ko sa pera, pero lingid sa aking kaalaman, may isa pa palang malaking tukso na naghihintay sa akin.
Noong Abril 2023, ipinakilala sa akin ng hipag ko ang isang negosyo na online store, at sabi niya, puwede akong kumita ng 500,000 yuan sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan. Medyo natukso ako, iniisip ko, “Kumita ng 500,000 sa ganoon kaikling panahon—mas malaki pa iyan sa kinikita ko sa pagtuturo. May bahay na ako, pero kung mapapalitan ko ang kotse ko ng isang luxury brand, magiging mas kahanga-hanga akong tingnan na nagmamaneho nito sa buong bayan.” Gayumpaman, hindi rin ako mapakali at natatakot akong maloko, at nag-alala rin ako na makakaapekto sa tungkulin ko ang pagnenegosyo, kaya tumanggi ako. Kalaunan, nagbukas ng tindahan ang hipag ko at naging manager, at pinanood ko ang kita niya na unti-unting lumaki mula sampu-sampung yuan kada araw tungo sa isa hanggang dalawang libo. Ang ilang taong sumunod sa kanya ay mas mababa ang kakayahan kaysa sa akin, pero nagbukas pa rin sila ng mga tindahan at naging mga manager, kumikita ng libo-libong yuan kada araw. Lalong natukso ako sa lahat ng ito. Naisip ko, “Mukhang madaling pera ito. Kung kikita rin ako ng libo-libo kada araw, kikita ako ng 500,000 sa tatlong buwan—pagkatapos, matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng bagong kotse.” Ang isiping hahangaan at kaiinggitan ako ng iba kapag nakabili na ako ng bagong kotse ay nagbigay sa akin ng motibasyon, at nang walang pag-aalinlangan, namuhunan ako ng ilang libong yuan. Kalaunan, para kumita pa ng mas maraming pera, ipinakilala ko ang negosyo sa mga kaibigan at kamag-anak para sumali sila, at nangako ako sa kanila na siguradong kikita sila, at kung malugi man sila, sasagutin ko ang malulugi sa kanila. Patuloy kong pinalaki ang pangkat ko, at patuloy ring lumago ang benta ko. Pagsapit ng Hunyo, naging store manager na rin ako, at ang arawang kita ko ay halos umabot na sa 2,000 yuan. Noong Hulyo, nagbukas ako ng isa pang branch. Naging mas abala ang negosyo kaysa dati, at mas malaki na rin ang kinikita kong pera.
Noong Agosto 2023, inihalal ako ng mga kapatid bilang isang diyakono ng pagdidilig. Para hindi maapektuhan ang mga tungkulin ko, palagi kong ginagawa ang mga tungkulin ko sa araw at inaasikaso ang mga online store sa gabi pagkauwi. Madalas, nasa mga conference call pa rin ako ala-una o alas-dos ng umaga. Madalas, sa sobrang abala, wala na akong oras para kumain. Sa loob lang ng tatlong buwan, nakapagbukas ako ng walong tindahan, at nakamit ko ang mahigit 2 milyong benta. Pero dahil sa palaging pagpupuyat, madalas na sumasakit ang ulo ko at pagod na pagod ako sa araw, nanglalata at kulang sa sigla. Lubha nitong naapektuhan ang kalagayan ng paggawa ko ng mga tungkulin ko. Iniraraos ko lang din ang mga pagtitipon, at hindi ko matuklasan ang mga problema o malutas ang mga suliranin ng mga kapatid. Pagkauwing-pagkauwi ko, may mga isyung naghihintay sa akin sa mga online store, at pagod na pagod ako. Pero para kumita, wala akong lakas na kumawala, na para bang kinokontrol ako. Kaya tinanong ko ang hipag ko, “Kailan ako kikita ng 500,000 at hindi ko na kakailanganing pamahalaan ang mga online store?” Sumagot siya, “Kapag umabot sa 5 milyon ang benta ng pangkat mo, puwede ka nang umalis sa industriyang ito at tumigil sa pamamahala ng mga tindahan. Sa panahong iyon, sapat na ang kinita mo para umabot ng 500,000.” Nang marinig ko ito, parang umikot ang ulo ko, at bigla kong napagtanto na naloko ako. Inakala ko na tatlong buwan lang ang aabutin para kumita ng 500,000, at na sa panahong iyon, kumita na ako at hindi naantala ang mga tungkulin ko. Hindi ko inaasahan na may kondisyon pa palang 5-milyong-yuan na benta ng pangkat. Kailan ko maaabot ang kondisyong iyon at makakalaya? Napakalayo ng numerong ito. Sa sobrang pag-aalala, hindi na ako makakain o makatulog. Noong panahong iyon, kumikita ako ng mahigit 8,000 yuan kada araw, pero hindi ako masaya kahit kaunti. Napagtanto kong naligaw ako ng landas, at labis akong nagdurusa, kaya nanalangin ako, “Diyos ko, alam ko na ngayon na nahulog ako sa alimpuyo ng pera. Akala ko isa lang itong maliit na negosyo na ilang libong yuan lang, at hindi ko inaasahan na magiging isa itong pares ng mga kadena na gumagapos sa akin. Paano ako makakawala rito? Diyos ko, tulungan at gabayan Mo po ako.” Pagkatapos manalangin, nagpasya akong huwag nang kitain ang 500,000. Tinawagan ko ang hipag ko at sinabi sa kanya ang aking desisyon. Nakita ng hipag ko na desidido ako kaya pumayag na lang siya. Hindi nagtagal pagkatapos kong umalis, isang araw, bigla akong nakatanggap ng balita na ang online store business na ito ay isa palang bagong uri ng scam na sikat sa internet. Ito ay para hayaan muna ang mga tao na kumita ng pera, at pagkatapos, kapag nakampante na sila, itatakbo ng mga scammer ang lahat ng ipinuhunan na pera. Sa wakas ay napagtanto kong naloko ako. Natulala ako, at pakiramdam ko ay naparalisa ako. Marami akong naipakilalang tao rito para mapalaki ang pangkat, at binigyan ko ng kasiguraduhan ang bawat tao na pananagutan ko ang anumang pagkalugi. Ngayong bumagsak na ang mga online store, lahat ng ipinasok ko ay nagsimulang maningil sa akin. Sa ganitong paraan, nasangkot ako sa isang scam dahil sa kasakiman ko sa pera. Sa pagharap sa daan-daang libong bayarin, hindi ko alam ang gagawin. Sa loob ng isang buong linggo, kinuyog ako ng mga banta, pang-aabuso, at mga interogasyon, at walang tigil ang mga tawag at mensahe na naniningil ng pera. Sa sobrang takot, hindi ko man lang magawang tingnan ang telepono ko, at wala akong ideya kung paano haharapin ang lahat ng ito. Umabot ang sakit sa punto na naisip ko pa ngang tumalon mula sa isang gusali para tapusin na ang lahat. Naisip ko na kahit naloko rin ako, hindi ko matatakasan ang mga kahihinatnan, kaya sa huli, nagbayad ako ng halos 200,000 yuan bilang kabayaran. Pumayat ako ng mahigit limang kilo sa loob ng isang linggo. Sa pighati at kawalan ko ng pag-asa, naluluha akong nagdasal, “Diyos ko, nagkamali po ako. Alam ko pong sinira ako ng aking ambisyon at mga pagnanais. Masyado akong nasasaktan, pero alam kong nangyari ang mga ito sa akin dahil sa Iyong pahintulot. Pakiusap, gabayan Mo po ako na maunawaan ang Iyong layunin.” Pagkatapos manalangin, unti-unting kumalma ang puso ko, at naging handa na akong hanapin ang katotohanan.
Sa aking paghahanap, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng kasikatan at pakinabang. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga kaisipan ng mga tao, wala nang ibang ipinapaisip sa kanila kundi ang dalawang bagay na ito, at idinudulot sa kanila na makibaka para sa kasikatan at pakinabang, magdusa ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, magtiis ng kahihiyan at magbuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, magsakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gumawa ng bawat paghuhusga o pagpapasya alang-alang sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, sa mga kadenang ito, wala silang abilidad ni tapang na makaalpas. Nang di-namamalayan, dala-dala nila ang mga kadenang ito habang mabigat silang humahakbang nang paunti-unti, nang may labis na paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Napakalaganap nito sa gitna ng mga tao, sa bawat lipunan; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng tahimik na pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? … Gaano man kalalim ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, anong negatibong epekto ang naidulot nito sa puso niya? Ito ay na ang mga tao sa mundong ito—at masasabing kasama rito ang bawat isa sa inyo—ay nagbubunyag ng isang bagay mula sa kanilang disposisyon. Ano ito? Ito ay ang pagsamba sa pera. Madali bang alisin ito sa puso ng mga tao? Hindi, hindi ito madali! Nagpapakita ito na malalim talaga ang paggawang tiwali ni Satanas sa tao! Ginagamit ni Satanas ang pera para akitin ang mga tao, at ginagawa niyang tiwali silang lahat para sumamba sa pera at mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa pera? Hindi ba’t iniisip ninyo na sa mundong ito ay hindi kayo mabubuhay kung walang pera, at na hindi ninyo kakayanin kahit isang araw kung walang pera? Kung gaano karaming pera mayroon ang mga tao ang nagtatakda kung gaano kataas ang kanilang katayuan, at kung gaano sila kagalang-galang. Nararamdaman ng mahihirap na hindi nila kayang magtaas-noo, samantalang ang mayayaman ay may mataas na katayuan, taas-noo, at kayang magsalita nang malakas at mamuhay sa paraang mapagmataas at walang pagpipigil. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na handa ang maraming tao na gumawa ng anumang sakripisyo para kumita ng pera? Hindi ba’t ang maraming tao ay nawawalan ng kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming pera? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gawin ang kanilang tungkulin at sumunod sa Diyos para lamang sa pera? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Gamit lang ang pamamaraang ito at ang kasabihang ito, ginagawang tiwali ni Satanas ang tao hanggang sa gayong antas. Hindi ba’t masama ang intensyon ni Satanas? Hindi ba’t isa itong mapaminsalang panlalansi? Habang nagiging popular ang kasabihang ito, mula sa hindi mo pagsang-ayon dito ay hahantong ka sa wakas sa paniniwalang ito ang katotohanan, at sa puntong iyon, ang puso mo ay ganap nang nahulog sa mga kamay ni Satanas, at samakatwid, hindi mo namamalayang namumuhay ka na ayon sa kasabihan. Gaano ka naapektuhan ng kasabihang ito? Maaaring alam mo ang tunay na daan, at maaari ring alam mo ang katotohanan, subalit wala kang lakas na hangarin ito. Posibleng malinaw na alam mo na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan, ngunit hindi ka handang magbayad ng halaga, o magdusa upang makamtan ang katotohanan. Sa halip, mas gugustuhin mong isakripisyo ang iyong sariling kinabukasan upang labanan ang Diyos hanggang sa pinakahuli. Anuman ang sinasabi ng Diyos, anuman ang ginagawa ng Diyos, gaano man kalalim at kadakila ang pagmamahal ng Diyos sa iyo, sa abot ng makakaya mong maunawaan ito, mapagmatigas mo pa ring ipipilit na igugol ang iyong sarili dahil sa kasabihang ito” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na si Satanas ang nagtanim ng maraming maling kaisipan at ideya sa mga tao, na nagiging sanhi para sambahin ng mga tao ang pera, kasikatan, pakinabang, at materyal na mga pagnanais, para walang ibang atupagin kundi ang paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang, at para hindi magawang makalapit sa Diyos para hangarin ang katotohanan at tanggapin ang Kanyang kaligtasan. Namumuhay ako ayon sa mga lason na itinanim ni Satanas, tulad ng “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,” “Mamukod-tangi,” at “Magkaroon ng posisyong nakatataas sa iba.” Inakala kong pera ang sagot sa lahat, na hindi mabubuhay ang isang tao kung wala nito, at na kung may pera ang isang tao, magiging kagalang-galang ang kanyang katayuan, at hindi na mangangahas ang iba na siya ay maliitin o kutyain. Noong bata ako, kinukutya ako dahil mahirap ang pamilya ko, kaya gusto kong yumaman at mamuhay nang masagana, para hangaan ako ng iba. Para kumita, sinubukan ko ang lahat ng paraan, at huminto ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Kahit na iabot sa akin ng nanay ko ang aklat ng mga salita ng Diyos, walang pasensya ko itong itinutulak. Pagkatapos magbukas ng paaralan ng sining, palagi kong iniisip kung paano ito maisusulong at makakakuha ng mas maraming estudyante para kumita ng mas maraming pera. Araw-araw, laging balisa ang isip ko, at pagod na pagod hanggang sa punto ng hindi makatulog at pananakit ng ulo. Sa huli, dahil sa pandemya, nagsara ang lahat, at saka lang ako bumalik sa presensya ng Diyos. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang kapalaran ko sa buhay at kung gaano karaming yaman ang tataglayin ko ay lahat paunang inorden ng Diyos at hindi nakasalalay sa mga pagsisikap at plano ko. Gayumpaman, dahil napakatindi ng pagnanais ko para sa pera, kasikatan, at pakinabang, hindi ko nakilala ang masasamang paraan na ginagamit ni Satanas para saktan ang mga tao. Kaya nang muli akong maakit ng pera, para kumita ng dagdag na 500,000 yuan para makabili ng isang mamahaling kotse at makuha ang paghanga at inggit ng mga tao, naligaw ako ng landas at nasilo sa isang online scam, mula sa isang iginagalang na punong-guro, naging manloloko akong nandadaya ng pera ng mga tao. Dahil sa napakalaking bayarin at sa walang katapusang pagpuna at masasakit na salita mula sa mga kaibigan at kamag-anak ko, pakiramdam ko ay kinasusuklaman ako ng lahat. Dumanas ako ng matitinding dagok at paghihirap kapwa sa isip at sa katawan, at naisip ko pa ngang tapusin ang buhay ko para takasan ang lahat. Nakita ko na ang pera, kasikatan, at pakinabang ay parang isang hindi nakikitang lubid na mahigpit na gumagapos sa akin, at namuhay ako ayon sa mga satanikong lason na ito, itinuturing ang pagkakamit ng pera, kasikatan, at pakinabang bilang layon ko sa buhay, at dahil doon, nalinlang ako ni Satanas, at labis na nagdusa. Nakita ko na ang paghahangad ng yaman, kasikatan, at pakinabang ay lalo lang magpapahirap sa buhay ko, magiging dahilan para maligaw ako palayo sa Diyos, at mawala sa akin ang pagkakataong maligtas ng Diyos. Naisip ko kung paanong maraming tao, matapos malugi sa negosyo, ang nagkakaroon ng depresyon, at ang ilan, dahil hindi makayanan, ay tumatalon pa sa kanilang kamatayan. Nakita ko na ang paghahangad ng pera ay landas tungo sa pagkawasak. Lubos akong natutuwa na nakasunod ako sa Diyos, kaya nang mangyari sa akin ang mga bagay na ito, taglay ko ang kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, na nagbigay-daan sa akin na maunawaan ang katotohanan at magkaroon ng kaunting pagkilatis kung paano ginagamit ni Satanas ang pera, kasikatan, at pakinabang para gawing tiwali ang mga tao. Kung hindi, baka isa na rin ako sa mga nagpakamatay. Bagama’t nawalan ako ng pera sa bagay na ito, nakita ko ang masisidhing layunin ng Diyos na iligtas ako. Mula sa kaibuturan ng puso ko, nagpasalamat ako sa Diyos!
Isang araw habang nasa mga debosyonal ko, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko kung ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao at kung ano ang tunay na makabuluhang hangarin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi hinihingi ng Diyos na gamitin mo ang lahat ng iyong lakas alang-alang sa iyong pananatiling buhay at sa iyong pang-araw-araw na buhay. Hindi Niya kailangan na mamuhay ka ng isang marangyang buhay at luwalhatiin Siya sa pamamagitan nito, ni hindi Niya kailangan na gumawa ka ng anumang dakilang gawa o mga kamangha-manghang bagay sa mundong ito, mag-ambag sa sangkatauhan, magbigay ng tulong sa anumang bilang ng mga tao, o lutasin mo ang mga problema sa trabaho ng anumang bilang ng mga tao. Hindi Niya kailangan na magkaroon ka ng isang engrandeng propesyon, na maging isang namumukod-tanging personalidad sa iba’t ibang propesyon o larangan, na maging isang sikat na tao o isang dakilang pigura, o maging isang taong lubos na pinahahalagahan at iginagalang, at pagkatapos ay gamitin ang mga karangalang ito upang luwalhatiin ang pangalan ng Diyos, ipinoproklama sa mundo, ‘Ako ay isang Kristiyano, nananampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos.’ Hindi kailangan ng Diyos na gawin mo ito. Umaasa lamang ang Diyos na maaari kang maging isang simple at ordinaryong tao sa tunay na lipunan sa mundo, na makokontento ka na sa pagkakaroon lamang ng pagkain at pananamit, at na hahangarin mong kamtin ang katotohanan at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha sa pundasyon ng pamumuhay nang normal at pagkakamit ng abilidad na manatiling buhay. Iyon ang hinihingi ng Diyos sa iyo. Anuman ang mga kaloob, kalakasan, o espesyal na abilidad na taglay mo, hindi ninanais ng Diyos na gamitin mo ang mga iyon upang magkamit ng tagumpay sa mundo. Sa halip, umaasa Siya na gagamitin mo ang anumang kaloob o kakayahang taglay mo sa paggawa ng iyong tungkulin, sa kung ano ang ipinagkakatiwala Niya sa iyo, at sa paghahangad sa katotohanan, na sa huli ay makapagtatamo ka ng kaligtasan. Ito ang pinakamahalagang bagay, at wala nang anumang hinihingi ang Diyos na higit pa roon” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (21)). “Ang huling yugtong ito ng panahon ay isa ring espesyal na panahon. Sa isang banda, ang mga usapin ng gawain ng iglesia ay abala at komplikado; sa kabilang banda, sa sandaling ito na lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, mas maraming tao ang kinakailangan na maglaan ng kanilang oras at lakas upang mag-ambag ng kanilang mga pagsisikap at gawin ang kanilang mga tungkulin upang matugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang aytem ng gawain sa loob ng sambahayan ng Diyos. Samakatwid, anuman ang iyong propesyon, kung pagkatapos matugunan ang iyong mga pangunahing pangangailangan sa pamumuhay, nagagawa mong ilaan ang iyong oras at lakas para humarap sa Diyos upang gawin ang tungkulin ng isang nilikha, na ginagawa ang iyong parte sa iba’t ibang aytem ng gawain, kung gayon, sa mga mata ng Diyos, ito ay kanais-nais sa isang banda, at sa kabilang banda, ito ay partikular na mahalaga at karapat-dapat sa Kanyang pag-alaala. Siyempre, sulit para sa mga tao na gumawa ng gayong pagsisikap at sakripisyo. Iyon ay dahil bagama’t tinalikuran mo ang mga kasiyahan ng laman, ang nakakamit mo ay di-matutumbasan ang halaga, walang hanggang buhay, ito ay ang mga salita ng Diyos na nagiging buhay mo. Ito ay isang di-matutumbasan ang halagang kayamanan na hindi makukuha kapalit ng pera o anumang iba pang bagay. Ang di-matutumbasan ang halagang kayamanang ito ay nakakamit sa pamamagitan ng lakas at oras na iyong inilalaan, sa pamamagitan ng iyong sariling mga pagsisikap at ng halagang iyong ibinabayad. Para sa iyo, ito ay magandang kapalaran, isang espesyal na pabor, at isang malaking pagpapala. Ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan na nagiging buhay ng isang tao ay isang di-matutumbasan ang halagang kayamanan, at sulit na ialay ng mga tao ang lahat ng mayroon sila kapalit nito. … kung, kapag nakakuha ka ng pagkain at damit, naglaan ka ng dagdag na oras at lakas, kumita ng mas maraming pera, nagkaroon ng mas maraming materyal na kasiyahan, at nabigyang-kasiyahan ang iyong laman, subalit sa paggawa niyon, nasisira mo ang pag-asa para sa sarili mong kaligtasan gamit ang sarili mong mga kamay, walang dudang hindi ito isang mabuting bagay para sa iyo. Dapat kang mabahala at mabalisa tungkol dito; dapat mong baguhin ang iyong saloobin sa trabaho at buhay at ang mga kahilingan mo patungkol sa kalidad ng iyong buhay ng laman; dapat mong bitiwan ang mga pagnanais, plano, at balak para sa iyong buhay ng laman na hindi naaayon sa realidad. Dapat kang lumapit sa harap ng Diyos, magdasal sa Kanya, maging determinadong gawin ang iyong tungkulin, ibinubuhos ang iyong isipan at katawan sa iba’t ibang gampanin sa sambahayan ng Diyos, nagpupunyagi upang sa araw na matapos na ang gawain ng Diyos, kapag sinusuri ng Diyos ang gawain at ang tayog ng iba’t ibang uri ng tao, magiging isa ka sa mga tao na nagkamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Kapag naisakatuparan na ang dakilang gawain ng Diyos, kapag lumaganap na sa buong sansinukob ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, kapag nasiwalat na ang nakagagalak na tagpong ito, naroon ang iyong pagpapagal, paglalaan, at sakripisyo. Kapag nagkamit ang Diyos ng kaluwalhatian, kapag lumaganap ang Kanyang gawain sa buong sansinukob, kapag ipinagbubunyi na ng lahat ang katuparan ng dakilang gawain ng Diyos, sa pagsisiwalat sa sandaling iyon ng kagalakan, magkakaroon ka ng kaugnayan sa kagalakang ito. Magiging kabahagi ka sa kagalakang ito, hindi ang taong tatangis at magngangalit ng kanyang mga ngipin, maghihinagpis habang ang lahat ay naghihiyawan at naglulundagan sa galak, at ang magdurusa ng kaparusahan at lubusang itataboy at ititiwalag ng Diyos” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (20)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi kailangan ng Diyos na maging sikat o dakila ang mga tao para luwalhatiin Siya o magpatotoo para sa Kanya. Umaasa lang ang Diyos na basta’t may damit at pagkain ang mga tao, maglalaan sila ng mas maraming oras sa paghahangad sa katotohanan at paggawa nang maayos ng kanilang mga tungkulin. Naisip ko kung paanong may talento ako sa musika mula pa noong bata ako. Pagka-graduate ko, kumikita ako sa paghahanapbuhay na gamit ang talento ko, at sa buhay ko, hindi lang ako may damit at pagkain, kundi may ilang sobra pa nga. Gayumpaman, hindi ako nakontento roon, kundi gusto kong kumita ng mas maraming pera at makuha ang paghanga ng mas maraming tao. Inakala ko na ang pamumukod-tangi sa iba ay mas mahalaga kaysa sa anupaman. Sa pagbabalik-tanaw, bago ko nakilala ang Diyos, kumita ako ng pera at natamasa ko ang paghanga ng mga tao, pero sa loob-loob ko, hindi ako napanatag, at lalong hindi ako nakaramdam ng tunay na kaligayahan. Araw-araw, bukod sa trabaho, kumakain, umiinom, at nagsasaya lang ako kasama ang mga kaibigan para maibsan ang pagkabagot, at hindi ko talaga maunawaan ang layunin ng buhay o ang kahulugan o halaga nito. Bagama’t nagdulot sa akin ng pansamantalang materyal na kasiyahan ang pera, hindi nito nabago ang kahungkagan sa kaibuturan ko. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang ay humahantong pa rin sa kahungkagan, at wala itong kabuluhan. Sa paghahangad lamang sa katotohanan at pagtupad nang maayos sa mga tungkulin ng isang nilikha magiging makabuluhan at mahalaga ang buhay. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?” (Mateo 16:26). Dati, noong wala akong pera, lagi kong iniisip na kapag nagkapera na ako, makukuntento na ako, pero kahit nagkapera na ako, hungkag pa rin ang pakiramdam ko at walang kabuluhan ang buhay. Hindi talaga pera ang tunay na kailangan ng mga tao. Halimbawa, may isang tao mula sa aming bayan na may karamdaman na walang lunas. Pumunta siya sa isang tulay, at itinapon ang lahat ng pera niya, at pagkatapos ay tumalon siya sa ilog para tapusin ang lahat. Kapag nahaharap sa karamdaman at kamatayan, gaano man karami ang pera, kasikatan, at pakinabang na mayroon ka, o gaano man karaming tao ang humahanga sa iyo, lubos itong walang silbi. Hindi nabibili ng mga bagay na ito ang buhay, at ang hindi pagsunod sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, o pagtupad nang maayos sa mga tungkulin ay hahantong lang sa kahungkagan sa huli. Nasa huling yugto na ngayon ang gawain ng Diyos, at nauubos na ang mga pagkakataon at oras para hangarin ang katotohanan. Dapat kong samantalahin ang aking oras, mas kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at tuparin nang maayos ang mga tungkulin ko bilang isang nilikha. Ito ang pinakamakabuluhan. Naisip ko ang asawa ni Lot. Iniligtas siya ng mga anghel at nakatakas na siya sa lungsod ng Sodom, pero dahil hindi niya mabitawan ang kanyang mga ari-arian at yaman, lumingon siya at naging isang haliging asin, na naging simbolo ng kahihiyan. Nasa huling bahagi na tayo ngayon ng landas, at dapat akong matuto mula sa kung ano ang nangyari sa asawa ni Lot. Kailangan kong bitiwan ang paghahangad ng yaman, kasikatan, at pakinabang, at gawin nang maayos ang aking mga tungkulin at hangarin ang katotohanan. Ito ang pinakamakabuluhang buhay na sinasang-ayunan ng Diyos.
Ginagawa ko na ngayon ang tungkulin ng isang lider ng iglesia. Upang magkaroon ng mas maraming oras at lakas para sangkapan ang sarili ko ng katotohanan at tuparin nang maayos ang aking mga tungkulin, mga isang dosenang estudyante na lang ang itinira ko, at nagtatrabaho ako ng anim na oras sa isang linggo para matustusan ang aking pang-araw-araw na gastusin, ginugugol ang karamihan sa oras ko sa paggawa ng aking mga tungkulin. Sa pamamagitan ng paggawa ng aking mga tungkulin, natutuhan ko kung paano makisalamuha sa iba, kung paano gawin ang aking mga tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan, at kung paano makilala ang aking mga tiwaling disposisyon, at iba pa. Ngayon, araw-araw akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos at ginagawa ang aking mga tungkulin. Hindi na ako ginagapos at pinipinsala ng pera, kasikatan, at pakinabang, at magaan at panatag ang pakiramdam ko sa puso ko. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Su Mi, TsinaNoong 2002, labingwalong taong gulang ako at nagtatrabaho sa isang pabrika ng damit. Sa tuwing nakakakita ako ng mga bida sa...
Ni Xiao Yong, Tsina Nung bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko at madalas kaming apihin ng ibang taganayon. Palaging sumasama ang loob ko...
Ni Mei Hua, TsinaNoong bata ako, nakatira ang pamilya ko sa isang liblib na mabundok na lugar. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga magulang...
Ni Wang Yin, TsinaIpinanganak ako sa isang ordinaryong pamilyang taga-probinsya noong dekada ‘70. Marami kaming magkakapatid, at namuhay...