Ang Mga Dalisay Lamang ang Makapapasok sa Kaharian ng Langit

Mayo 15, 2022

Nang maniwala ako sa Panginoon, madalas kong marinig na itinuturo Niyang ibigin natin ang ating kapwa gaya ng ating sarili, na ang ating pag-ibig ay mula sa Diyos, at dapat nating ibigin ang iba dahil una tayong inibig ng Diyos. At sa Mga Hebreo 12:14, sinasabi ang ganito, “Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon.” Ipinaalala nito ang isang yugto ng buhay ko na hindi kami magkasundo ng nanay ko at nagtatalo kami nang husto. Hindi ‘to kaayon ng puso ng Panginoon at kailangan kong isagawa ang mga salita Niya. Kinalaunan, kapag hindi kami magkasundo ng nanay ko, sinusubukan kong pigilan ang sarili ko, at makinig sa mga opinyon niya. Nananatili akong kalmado, at matiisin. Ngunit sa pagtagal ay hindi na ako makapagtitimpi. Kapag hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya, makikipagtalo ako. Sumunod din ako sa makamundong kalakaran, at nahumaling sa TV at mga pelikula. Minsan, magsisinungaling ako para sa pansarili kong pakinabang. Naipit ako sa paulit-ulit na pagkakasala’t pangungumpisal, at palagi rin akong nakokonsensya. Ngunit hindi ko matakasan ang mga kapusukan ko, at pinahirapan ako nito. Naisip ko: “Ako bang namumuhay sa kasalanan ay makakapunta sa kaharian ng langit?” Minsan, sinabi ng nanay ko: “Para sa isang Kristiyano, masyadong mainitin ang ulo mo!” Pagkarinig ko sa sinabi niya, lalong lumala ang naramdaman ko. Sinusubukan ko talagang magpigil, pero hindi ko masunod ang mga aral ng Panginoon, Makalulugod ba ito sa Panginoon? Makakapagbago pa kaya ako? Nang itanong ko ito sa mga kapatid, sinabi sa’kin ng ilan: “Dapat nating kontrolin ang ating mga sarili. Kapag napapalapit tayo sa Diyos, mas nagiging mapagpaubaya tayo.” Sabi naman ng iba: “Normal lang ang magkaro’n ng pangit at magandang karanasan, ngunit sa pagbabago, habang lalo tayong nagbabago, mas bumubuti tayo. Kaya huwag mong pagdudahan iyon. Ganap ang pagliligtas ng Panginoon. Dadalhin tayo ng biyaya Niya sa kaharian ng langit.” Sinabi man nila ito, wala pa rin akong malinaw na landas. Wala ‘kong magawa kundi manalangin para tulungan ng Panginoon.

Tapos, hindi sinasadyang nakilala ko ang ilang kapatid sa online. Madalas kaming magkita para mag-aral ng Biblia. Ang nilalaman ng pagbabahagi nila’y kawili-wili at puno ng kabatiran. Natuto ako nang husto sa pakikipagkita sa kanila. Sa isang pagtitipon, nagsalita si Brother Lin tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Ang Panginoon daw ay gagawa ng bagong gawain sa pagbabalik Niya, at may ibinigay siyang talata. Ah, sinasabi sa Mga Hebreo 9:28, “Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kanya.” Sinasabi sa 1 Pedro 1:5, “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.” At saka, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Sinabi ni Brother Lin: “Binabanggit dito kung pa’no magpapakita ang Panginoon sa ikalawang pagkakataon, at kung pa’no natin dapat tamuhin ang pagliligtas Niya sa mga huling araw. At kung paano magsisimula ang paghatol sa tahanan ng Diyos—ang paghatol sa mga huling araw. Ipinaliliwanag ng mga ito kung pa’no gagawin ng Panginoon ang gawain ng paghatol pagdating Niya, na palalayain tayo sa mga kasalanan, dadalisayin at ililigtas tayo.” Nagsalita si Brother Lin nang naaayon sa Biblia, ngunit ako ay nalito. Tinubos na tayo ng Panginoon sa kasalanan nang Siya ay ipako sa krus. Naging ganap na ang pagliligtas ng Diyos. Bakit pa kailangang magbalik ng Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay? Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagkalito ko.

May dalawang sipi siyang ipinakita sa’kin. “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan).

Ibinahagi ni Brother Lin: “Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa sakop ni Satanas. Pinatawad ang mga kasalanan natin, ngunit hindi ibig sabihin, wala na tayong kasalanan, o na hindi na tayo magkakasala o lalaban sa Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at pagpapatawad, hindi ang pagdadalisay at pagbago sa tao, na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw. Pinatawad man ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, ang makasalanan nating kalikasan at mala-satanas na disposisyon ay nag-ugat na. Tayo’y mapagmataas, buktot, tuso, masama, at napopoot sa katotohanan, at hindi natin maiwasang magkasala, suwayin at labanan ang Panginoon. Nagsisinungaling tayo at nagkukunwari upang ingatan ang sarili nating interes. Kapag hindi tayo nagkakasundo, nagagalit tayo, at nakikipagtalo sa ibang tao. Sumusunod tayo sa mga makamundong kalakaran, at nagnanasa ng makasalanang mga kalayawan, Sa panahon ng kahirapan, sinisisi natin ang Diyos, lumalayo sa Kanya, at pinagtataksilan Siya. Sabi ng Diyos, ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). Kung hindi tayo banal at dalisay, hindi natin makikilala ang Diyos. Pa’no mangyayaring, tayo na madalas nagkakasala’t lumalaban sa Diyos, ay magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian Niya? Kaya naman, ang Panginoon ay nangakong babalik upang ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay, ipagkaloob ang mas maraming katotohanan, iligtas tayo nang tuluyan, palayain tayo sa kasalanan, at dalhin tayo sa kaharian ng Diyos.”

Sinabi ko sa kanya: “Totoo talaga ang mga sinabi mo. Palagi tayong nagkakasala’t nagkukumpisal, at ‘di pa rin tayo malaya sa pagkakasala. Kaya lang, mayroon akong mga kaibigang Kristiyano na tunay ngang nabubuhay na napakabanal. Hindi sila nagtatalo, at iniibig nila ang mga kaaway nila. Ang ilan sa kanila’y may dating mga problema sa buhay may-asawa, ngunit ang mga pagsasama nila’y bumuti nang magsimula silang maniwala. Ang ilan sa kanila’y mainitin dati ang ulo, ngunit naging matiisin sila dahil sa paniniwala sa Panginoon. Ang tapat na naniniwala sa Panginoon ay sumasailalim sa pagbabago. Kapag nagpatuloy ang pagbabagong ito, hindi rin ba sila makalalaya sa kasalanan at magiging malinis?”

Nang itanong ko ito, matiyagang tumugon si Brother Lin: “Napakaraming tao ang nagbago simula nang sila’y maniwala sa Panginoon. Tumigil sila sa pananakit at pagsumpa sa iba, mas naging mabait sila, naging mas matiisin, mas mapagpaubaya, tumutulong sa mga institusyon at nagsasakripisyo. Ipinakikita man nito na sila’y tunay na naniniwala sa Panginoon, ibig bang sabhin nito, kaayon sila ng puso ng Panginoon? Ibig bang sabihin, malaya na sila sa kasalanan, at naging malinis na?” Pagkatapos, binasa sa’kin ni Brother Lin ang dalawang sipi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga pagbabago lang sa ugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa mga disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malaon at madali ay magpapakita ang kanilang mapanirang bahagi. Sapagkat sigasig ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang gawi, kakambal ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, napakadali para sa kanila na maging maalab o magpakita ng pansamantalang kabaitan. Katulad ng sinasabi ng mga hindi naniniwala, ‘Madali ang paggawa ng isang mabuting gawa, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.’ Walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting gawa nang buong buhay nila. Ang pag-uugali ng isang tao ay pinangangasiwaan ng buhay; anuman ang kanyang buhay, gayundin ang kanyang ugali, at yaon lamang likas na naihahayag ang kumakatawan sa buhay, gayundin sa kalikasan ng isang tao. Hindi magtatagal ang mga bagay na huwad. Kapag gumagawa ang Diyos upang iligtas ang tao, hindi ito upang palamutian ang tao ng mabuting gawi—ang layunin ng gawain ng Diyos ay ang baguhin ang anyo ng mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling isilang na bagong mga tao. Kaya naman, ang paghatol ng Diyos, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng tao ay pawang nagsisilbi upang baguhin ang kanyang disposisyon, upang matamo niya ang ganap na pagpapasakop at debosyon sa Diyos, at magawang normal na sambahin Siya. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi katulad ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa ugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito katulad ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang ugali ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na nagpasakop na siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa pagbabago sa kalikasan ng isang tao. Ang mga bagay tungkol sa kalikasan ng isang tao ay hindi makikita mula sa panlabas na mga paggawi; ang mga ito ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng kanyang pag-iral. Iyan ay, tuwirang nakapaloob sa mga ito ang pananaw ng isang tao sa buhay at sa kanyang mga pinahahalagahan, sa mga bagay na nasa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, at kanyang esensya. Kung ang isang tao ay hindi kayang tumanggap ng katotohanan, hindi siya sasailalim ng pagbabago sa mga aspetong ito. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa gawain ng Diyos, pagpasok nang lubusan sa katotohanan, pagbabago sa mga pinahahalagahan ng isa at mga pananaw ng isa tungkol sa pag-iral at buhay, pag-aayon ng pananaw ng isa sa pananaw ng Diyos, at pagiging may-kakayahang ganap na magpasakop at pagiging nakatalaga sa Diyos, saka masasabing nagbago na ang disposisyon ng isa(“Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Sinabi ni Brother Lin: “Hindi porke nabago ang pag-uugali mo, nabago na rin ang disposisyon mo, o na ang isang tao ay masunurin na o tapat sa Diyos. Maraming taong naniniwala sa Panginoon ang gumagawa nang mabuti. Sila’y tumutulong sa mga institusyon, mahihirap, at nagsasakripisyo. Ngunit kapag sila ‘y nakakaranas ng kahirapan, nagrereklamo sila tungkol sa Diyos. Itinatatwa at pinagtataksilan nila Siya. Tunay ba itong pagiging masunurin sa Diyos? May mga pastor at elder na maraming sinasabi tungkol sa pag-ibig, ngunit nagbabasbas at nagdadasal lang para sa mga nagbibigay sa iglesia. Ito ba ay totoong pag-ibig? May ilang tila mapagpakumbaba’t matiisin, ngunit ang mga kalikasan nila’y arogante’t mapagmataas. Ang mga pagpapaliwanag nila ng Biblia’y para itaas ang sarili nila’t lituhin ang mga tao. Nakikipag-agawan sila sa kapangyarihan at winawaldas pa ang pera ng iglesia. May ilang pastor na kunwaring tumutulong at sumusuporta sa mga mananampalataya at mukhang mapagmahal, ngunit kapag ang espiritu ng mga mananampalataya’y naging tigang dahil sa pagtamlay sa iglesia, hindi nila malutas ang mga problema nila. Pinipigilan pa nila ang mga mananampalatayang maghanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Hindi nila iniisip ang mga buhay nila. Hindi ba’t kaipokritohan iyon? Alam nating nagpamalas din ng pag-ibig ang mga Fariseo sa iba, at mukhang tapos-puso sa panlabas. Ngunit pagdating ng Panginoong Jesus, hindi nila siniyasat ang gawain Niya. Nilabanan, kinondena, at pinaratangan nila ang Panginoong Jesus. Nakipagsabwatan pa sila sa mga Romano upang maipapako Siya sa krus. Ipinapakita lang nito na ang panlabas na mabuting pag-uugali ay hindi kapareho ng pagsasagawa sa katotohanan, pagkilala sa Diyos o pagpapasakop sa Kanya. Hangga’t ‘di nalulutas ang makasalanan nating kalikasan, malalabanan pa rin natin ang Diyos. Ngunit hindi ‘yung mga nagbabago ng disposisyon nila. Dahil nalutas na ang makasalanang kalikasan at mala-satanas na disposisyon nila. Anuman ang sitwasyon nila o mga pagsubok na kinakaharap nila, hindi nila sasalungatin o lalabanan ang Diyos. Nagawa nilang magpasakop sa Kanya at magpakita ng katapatan. Isinasabuhay nila ang kababaang loob, pasensya, at mahal nila ang bawat isa, hindi lang isang mababaw o malabong pag-ibig. Ang mga pagkilos nila’y batay sa mga salita ng Diyos. Binago na nila ang mga disposisyon nila. Sa puntong ito, malinaw na dapat sa’tin na para mapalaya tayo sa kasalanan at matanggap ang pagliligtas, hindi sapat ang paggawa ng mabuti. Dapat nating linisin at baguhin ang mga tiwaling disposisyon natin. Kung nais nating palayain ang sarili natin sa makasalanan nating kalikasan, at kilalanin ang Diyos, magpasakop sa Kanya, at ibigin Siya, tanggapin natin ang gawain ng paghatol sa pagbabalik ng Panginoon. Saka lang tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos pag nadalisay na ang disposisyon natin.”

Sumang-ayon ako nang husto sa sinabi ni Brother Lin. Sinabi ko sa kanya: “Napakahusay ng dalawang talatang binasa mo. ‘Di porke mabuti ang ugali ng tao, hindi na sila nagkakasala’t lalaban sa Diyos, o sila’y dalisay, o karapat-dapat na makapasok sa kaharian. Kung ang Panginoon ay hindi nagbalik upang iligtas tayo, hindi natin mapapalaya ang mga sarili natin sa kasalanan. Panginoon ang gawain ng paghatol upang linisin ang tao kapag bumalik Siya?”

Ngumiti si Brother Lin at sinabing, “Alam mo, kapatid, ang Biblia’y naglalaman ng maraming propesiya tungkol dito, gaya ng ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). ‘At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Sinasabi ng mga talatang ito na ang Panginoon ay babalik upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang tiwaling sangkatauhan.” Kung papaano Niya gagawin ito, ipinakita sa’kin ni Brother Lin ang isa pang talata. “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Sinabi ni Brother Lin: “Sa mga huling araw, ipapahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan, hahatulan at lilinisin ang sangkatauhan. Ang mga ito’y walang kinalaman sa ating panlabas na pag-uugali, tulad ng paninigarilyo, pag-iinom, pakikipagtalo, hindi pagpaparaya, at marami pang iba. Ang mga ito’y itinakda upang ilantad ang ating mala-satanas na disposisyon, upang himayin ang ating mga ligaw na pananaw at mga layunin. Makikita natin sa mga salita Niya kung ga’no tayo kalubhang ginawang tiwali ni Satanas, puno ng gayong mala-satanas na mga disposisyon kagaya ng kayabangan, pandaraya, pagiging mapanira at masama. Dahil nangingibabaw sa’tin ang mayabang na kalikasan, gusto natin na lagi na tayong pinakasikat at tinitingala, gusto rin nating kontrolin ang lahat ng bagay. Bukod dito, nagsisikap tayo para sa Diyos, at nagsasakripisyo, ngunit para lang tanggapin ang biyaya Niya’t pagpapala bilang kapalit. Sa harap ng kahirapan, Siya’y ating sinisisi at nilalabanan din. Hinahatulan tayo ng mga salita ng Diyos upang ipakita sa’tin na kulang tayo sa konsensya at katuwiran. Nakikita natin ang katiwaliang ginawa ni Satanas, at nagsimula tayong masuklam at isumpa ang mga sarili natin, na buong pusong magsisi. Ipinapakita naman ng paghatol at paglalantad ng mga salita Niya kung anong uri ng tao ang gusto ng Diyos, kung sinong pinagpapala Niya, kung sinong kinasusuklaman at isinusumpa Niya. Nararanasan natin kung pa’nong ang matuwid na disposisyon Niya’y hindi nasasaktan, at lumilikha ng isang puso na gumagalang sa Diyos. Sa sandaling magsimulang magbago ang pananaw natin, ‘pag may nangyaring isang bagay, maaari nating hanapin ang kalooban ng Diyos at isagawa ang Kanyang salita. Unti-unti nating tatakasan ang ating tiwaling mala-satanas disposisyon, at magagawang tunay na gumalang at magpasakop sa Diyos. Sa ganitong paraan, nalutas na ang problema ng makasalanang kalikasan natin.”

Ramdam kong ang nabasa ni Brother Lin ay mga bagay na hindi masasabi ng isang ordinaryong tao. Kaya, tinanong ko siya kung sino ang nagsabi ng mga ito. sinabi niya sa akin: “Sinabi ito ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang milyon-milyong salita, na tinipon sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang mga umiibig sa katotohanan at tunay na naniniwala sa Diyos ay nagbalik sa harap ng Makapangyarihang Diyos matapos marinig ang tinig Niya. Nararanasan nila ang paghatol ng Kanyang mga salita at ang kanilang mga disposisyon sa buhay ay nagkaroon ng ilang pagbabago. Ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naglalaman ng mga patotoo ng mga kapatid.” Tuwang-tuwa akong marinig ito. Sinabi ko: “Iba sa pakiramdam ang mga salitang ito dahil ito’y mga salita ng Diyos! Hindi ko kailanman pinangarap na sasalubungin ko ang pagbabalik ng Panginoon. Ako’y talagang pinagpala!” Kinalaunan, nag-online ulit ako, at nakita ang maraming patotoo na nahatulan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. at nabago ang mga tiwaling disposisyon nila, gaya ng “Maisasabuhay Ko na Sa Wakas Nang Bahagya ang Kawangis ng Isang Tao,” “Pa’no ko Tinanggap ang Paghatol ni Cristo ng mga Huling Araw,” “Nilinis ako ng Paghatol ng Diyos.” Ramdam ko kung ga’no malilinis at mababago ng gawain ng Makapangyarihan Diyos ang mga tao, at alam ko na ang Makapangyarihang Diyos talaga ang Panginoong Jesus na nagbalik! Buong kasabikan kong tinanggap ang bagong gawain ng Diyos. Ang puso ko’y puno ng pagpapasalamat sa Diyos sa paggamit Niya ng mga kapatid upang ipangaral ang ebanghelyo sa’kin, narinig ko ang Kanyang tinig at nakahanap ng daan para dalisayin ang aking mga kasalanan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kasama Nang Muli ng Diyos

Ni Jianding, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng...

Alam Ko na Ngayon ang Bagong Pangalan ng Diyos

“Sinasabi ng iba na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, kaya’t bakit ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nahulaan na ang pagdating ng Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang tao na may pangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba ang gayong gawain ay isinakatuparan na noong matagal na? ......”

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.

Leave a Reply