Ano ang Nasa Likod ng Aking Pagkukunwaring Nakauunawa

Mayo 29, 2026

Ni Miao Xiao, China

Noong Pebrero 2023, iniangat ako bilang superbisor ng gawain ng pagdidilig. Noong panahong iyon, pinangangasiwaan ko ang gawain ng ilang lider ng pangkat ng pagdidilig. Pakiramdam ko, mayroon akong kaunting kasanayan sa pagdidilig ng mga baguhan, kaya sigurado akong titingalain ako ng mga tao sa paggawa ng tungkuling ito. Hindi ko maiwasang masiyahan sa sarili ko. Pero kahit masaya ako, nag-aalala rin ako. Medyo magaling ako sa pagtulong sa mga lider ng pangkat sa mga problema at paghihirap ng mga baguhan, pero bilang superbisor, kailangan ko ring lutasin ang mga problema at paghihirap ng mga lider ng pangkat. Kadalasan kasi, sa gawain lang ako nakatuon at hindi sa sarili kong buhay pagpasok, kaya medyo mababaw lang ang pagkaunawa ko sa katotohanan. Kaya kong maghanap ng mga salita ng Diyos para malutas ang mga karaniwang kalagayan at problema, pero pagdating sa mas mga komplikadong bagay, hindi ko ito makilatis at hindi ko alam ang gagawin. Dati, kapareho ko lang ng antas ang ibang mga lider ng pangkat, kaya walang kaso kung hindi ko malutas ang kanilang mga problema at paghihirap. Pero ngayon, ako na ang superbisor. Kung hindi ko malulutas ang kanilang mga paghihirap, ano na lang ang iisipin nila sa akin? Sasabihin kaya nila na hindi ako kalipikado para sa tungkuling ito? Sobrang kahiya-hiya kung hindi ko malulutas ang mga problema nila at matanggal ako dahil walang anumang resulta ang gawain ko! Para isipin ng lahat na isa akong superbisor na pasok sa pamantayan, ipinapakita ko ang mga kalakasan ko sa bawat pagtitipon, tulad ng pag-unawa sa mga problema at paghihirap ng mga baguhan at pagtukoy ng isang landas ng pagsasagawa, o pagwawasto sa mga paglihis ng mga lider ng pangkat sa kanilang gawain ng pagdidilig. Naisip ko na hangga’t napapamahalaan ko nang maayos ang gawain ng mga lider ng pangkat at nagkakaresulta ang gawain, hindi ako mamaliitin o tatanggalin. Pero bibihira akong magtanong tungkol sa mga paghihirap ng mga lider ng pangkat sa kanilang mga tungkulin—ni hindi nga ako nangangahas magtanong. Natakot ako na kung magtatanong ako at hindi ko malulutas ang mga iyon, mapapahiya ako. Lalo na kapag may isang lider na dumarating sa mga pagtitipon namin. Para makapagbigay ng magandang impresyon at isipin niyang angkop ako sa tungkulin ng superbisor, hindi ako humihingi ng tulong kahit may mga paghihirap at problema ako. Lagi akong umaarteng wala akong anumang paghihirap. Sa paglutas sa mga kalagayan ng mga lider ng pangkat, napakaingat ko rin. Hihintayin kong matapos magbahagi ang lider ko at saka ako makikisali sa pagbabahagi ng ilang salita, para maipakita na pareho kami ng mga pananaw. Sa ganoong paraan, hindi niya makikita ang mga pagkukulang o paglihis ko.

Pagkaraan ng ilang panahon, narinig kong nagrereklamo ang mga lider ng pangkat na nakatuon lang daw sila sa pag-aasikaso ng gawain, pero wala silang nakamit na anumang buhay pagpasok. Lubos akong nakonsensiya. Alam ko na kung ang mga pagtitipon ay tungkol lang sa pagsubaybay sa gawain at hindi nalulutas ang kanilang mga paghihirap, makaaapekto ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at hindi sila makakukuha ng magagandang resulta sa kanilang mga tungkulin. Naisip kong lutasin muna ang kanilang mga paghihirap sa mga susunod na pagtitipon, bago tumuloy sa mga usapin sa gawain. Pero nag-alala ako, “Paano kung hindi ko malutas ang mga iyon? Hindi ba’t sobrang nakahihiya iyon?” Kaya, ayaw ko na namang magsagawa sa ganoong paraan. Nagtatanong lang ako tungkol sa kalagayan ng mga lider ng pangkat kapag napakasama na nito at wala na akong ibang pagpipilian. Minsan, kapag hindi ko makita nang malinaw ang kanilang mga problema at hindi ko alam kung ano ang gagawin, ayaw kong maging bukas at magkakasamang maghanap ng solusyon. Pinipilit ko na lang ang sarili kong humanap ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at mag-alok ng pabasta-bastang pakikipagbahaginan para lang makaraos. At kaya, namuhay ako sa isang kalagayan na palaging natatakot na maliitin ako ng aking mga kapatid. Lalo akong nasasakal sa mga pagtitipon, at namuhay ako sa kadiliman at pasakit, hindi makahanap ng ginhawa. Pinagsisihan ko pa nga na pumayag akong gawin ang tungkuling ito.

Kalaunan, ibinukas ko ang aking kalagayan sa aking mga kapatid. Sinabi ng isang sister na masyado kong itinaas ang sarili ko, at nakahanap din siya ng sipi ng mga salita ng Diyos para basahin ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tiwaling tao ay mayroon lahat ng isang karaniwang pagkukulang: Kapag wala silang katayuan, hindi sila nagmamataas o gumagamit ng isang partikular na asal habang nakikisalamuha o nakikipag-usap sa iba. Ang kanilang pananalita ay walang artipisyal na tono at ito ay pangkaraniwan at normal. Hindi sila nagkukunwari, o nag-aalala tungkol sa kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kanila. Wala silang nararamdamang anumang sikolohikal na presyur, at nagagawa nilang maging bukas at makisalamuha sa ibang mga tao sa pakikipagbahaginan at sa mga taos-pusong usapan. Nararamdaman ng iba na sila ay palakaibigan at madaling lapitan, at iniisip na sila ay medyo mabuti. Sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas, hindi nila pinapansin ang mga karaniwang tao, walang sinumang nakakalapit sa kanila; pakiramdam nila ay marangal sila, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao, nagmamalaki sila kapag nagsasalita, at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila ay mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahe ang mga pinuno, maging mas mataas kaysa sa ordinaryong tao, magkaroon ng mas malaking tayog at pagtitiis; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga karaniwang tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na pasensya, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso mula kay Satanas. Kahit na mamatay ang kanilang mga magulang o ibang kapamilya, pakiramdam nila ay dapat mayroon silang pagpipigil sa sarili na huwag maiyak, o na dapat ay umiyak sila nang palihim, nang hindi nakikita ng iba, kaysa sa harap ng iba. Iniisip nila na hindi nila puwedeng hayaan ang sinuman na makita ang kanilang mga pagkukulang o depekto o alinman sa kanilang mga kahinaan, at ni hindi nila puwedeng hayaan na malaman ng sinuman na naging negatibo sila; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan. Kapag pinipigilan nila ang kanilang sarili nang ganito, hindi ba’t ang katayuan ay naging kanilang diyos, kanilang panginoon? At dahil dito, nagtataglay pa rin ba sila ng normal na pagkatao? Kapag mayroon silang ganitong mga ideya, nililimitahan nila ang kanilang sarili, at nagpanggap sila nang ganito, hindi ba’t nahumaling na sila sa katayuan?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Direktang tinukoy ng siping ito ng mga salita ng Diyos ang kalagayan ko. Napagtanto kong palagi akong namumuhay sa kadiliman, hindi makalaya, dahil nabubuhay ako sa gitna ng pagkakagapos sa katayuan. Bago ako naging superbisor, kapareho ko ng antas ang ibang mga lider ng pangkat; walang pagkakaiba sa mga katayuan namin. Kahit na medyo mababaw ang buhay pagpasok ko at may ilang problema akong hindi malutas, wala akong naramdamang anumang presyur. Pero mula nang maging superbisor ako, itinaas ko ang sarili ko. Pakiramdam ko, dahil ako ang namamahala sa gawain nila, kailangan kong maging mas magaling sa kanila sa lahat ng paraan, at kung may anumang bagay akong hindi alam o hindi kayang gawin, mamaliitin nila ako at sasabihing hindi ako kalipikado para sa tungkulin. Para hindi ako maliitin ng mga lider ng pangkat, hindi ko kinukumusta ang mga kalagayan nila sa mga pagtitipon at inuusisa ko lang ang gawain. Kapag dumarating ang lider ko sa mga pagtitipon, natatakot akong malantad ang sarili kong mga problema sa harap niya, kaya pinagtatakpan ko ang mga pagkukulang ko. Hindi ko iniuulat ang mga paghihirap sa gawain, lumilikha ako ng maling impresyon para sa lider para isipin niyang kaya kong lumutas ng mga problema at kaya kong gampanan ang tungkulin ng isang superbisor. Pagkatapos kong maging superbisor, hindi ko inisip kung paano gagawin nang maayos ang tungkulin ko o kung paano lulutasin ang mga paghihirap ng mga kapatid. Ang tanging iniisip ko ay kung paano poprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Talagang napakamakasarili ko!

Pagkatapos, naghanap ako at nagnilay-nilay: Bakit lagi akong nagpapanggap at nagkukunwari para protektahan ang aking reputasyon at katayuan? Anong tiwaling disposisyon ang kumokontrol dito? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Anumang katotohanan, tamang salita, at positibong bagay ay para sa lahat ng nagmamahal sa katotohanan, nagmamahal sa salita ng Diyos, at may napakalaking paghahangad para sa Diyos. Matapos mapakinggan ang katotohanan, sasabihin din ng mga hindi nagtataglay ng mga kalipikasyong ito na tama ang katotohanan at mabuti ang katotohanan, pero pagbubulay-bulayan nila ito at iisipin, ‘Para saan at nabubuhay ako? Nabubuhay ako para sa katanyagan, katayuan, mga korona, limbo, at mga gantimpala ng Diyos. Kung wala ang mga ito, may dignidad pa rin ba ako? Ano ang kabuluhan ng buhay ko? Hindi ba’t ang pananalig sa Diyos ay isang paraan lamang para makakuha ng mga gantimpala at korona? Ngayong gumugol na ako nang labis sa dugo ng puso ko, at matapos maghintay nang napakatagal, dumating na sa wakas ang panahon para gantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parusahan ang masasama. Ito ang panahong dapat akong koronahan at dapat kong tanggapin ang aking gantimpala. Paano ko ito isusuko sa iba? Ang maging isang normal na tao, isang ordinaryong tao, gaya ng ibang karaniwang tao, ano ang saysay ng mamuhay nang ganoon? Hindi ako ganoon kahangal!’ Hindi ba’t wala nang lunas ang gayong tao? (Oo.) Huwag mo nang hangaring himukin ang gayong mga tao. Hindi para sa kanila ang katotohanan, at hindi katotohanan ang gusto nila. Mga pagpapala at korona lang ang hinahangad ng ganitong uri ng tao. Lampas na sa nararapat para sa normal na tao ang kanyang mga hinahangad at ambisyon. Hindi lubos maisip ng ilang tao kung bakit kumakapit ang ganitong uri ng tao sa katayuan at kapangyarihan at ayaw bumitiw. Ito ang diwa at likas na kalikasan ng ganitong uri ng tao. Hindi mo mauunawaan ito dahil iba ang diwa mo sa kanila, at hindi ka rin nila maaarok. Hindi nila alam kung bakit napakahangal mo. Ayaw mo ng mga nakahanda nang korona, limbo, at katanyagan at sa halip ay gusto mong maging ordinaryong tao. Labis silang hindi makapaniwala sa iyo. Iniisip ng ganitong uri ng tao, ‘Masikap mong hinahangad ang katotohanan, isinasagawa mo kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo, ginagawa mo kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos, at nagpapasakop ka sa anumang sabihin ng Diyos na gawin mo. Bakit napakahangal mo?’ Iniisip nila na ang pagiging isang tapat na tao at ang pagsasagawa ng katotohanan ay kahangalan, kamangmangan, at kapurulan ng utak. Inaakala nila na sila ay matalino sa paghahangad ng kaalaman at sa pagganap ng papel ng isang mataas na tao. Dahil iniisip nilang nauunawaan nila ang lahat ng bagay, ang nagiging kongklusyon nila ay na ‘walang kabuluhan ang buhay ng isang taong walang katayuan at katanyagan, walang suot na korona sa kanyang ulo, at wala siyang halaga sa mga tao at walang awtoridad na magsalita. Kung hindi namumuhay ang isang tao para sa kasikatan, dapat siyang mamuhay para sa personal na pakinabang. Kung hindi para sa personal na pakinabang, dapat siyang mamuhay para sa kasikatan.’ Hindi ba’t lohika ito ni Satanas? Kung namumuhay siya sa lohika ni Satanas, wala nang lunas para sa kanya. Hindi niya kailanman kayang tanggapin ang alinman sa mga salita ng Diyos, positibong bagay, o tamang payo. Kung hindi niya kayang tanggapin ito, may magagawa pa ba? Hindi para sa kanya ang mga salitang ito. Ang mga salitang ito ay para lamang sa mga taong may normal na pagkatao, para lamang sa mga taong may napakalaking paghahangad para sa Diyos. Ang mga ito ay para lamang sa mga taong ito. Ang mga taong ito lamang ang taimtim na makikinig at makapagbubulay-bulay ng mga salita ng Diyos, makapagtatamo ng pagkaunawa sa katotohanan, makakakilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, makakaganap ng kanilang mga tungkulin batay sa hinihingi ng Diyos, makakapagsagawa at makakaranas ng mga salita ng Diyos sa mga kapaligirang inihanda ng Diyos, at unti-unting makapapasok sa katotohanang realidad. Para naman sa mga nagkikimkim ng pag-alipusta at pagkamapanlaban sa kanilang puso para sa mga positibong bagay at sa mga salita ng Diyos, hindi sila nakokontento na mamuhay ng isang hindi katangi-tangi at hindi tanyag na buhay, na maging pangkaraniwang tao, lumapit sa harapan ng Diyos nang may konsensiya, at maghangad at maghintay nang buong puso ukol sa mga bagay na hindi nila nauunawaan. Hindi sila kontento na maging gayong tao. Kaya, imposible para sa gayong tao na maligtas. Hindi inihanda ang kaharian ng langit para sa mga taong ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na inililigtas ng Diyos ang mga nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan. Kapag naghahanda ang Diyos ng mga kapaligiran para sa kanila, nagagawa ng gayong mga tao na hanapin ang katotohanan, bitiwan ang kanilang mga personal na pagnanais, at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay nananampalataya sa Diyos at ginagawa ang kanilang tungkulin para lang matugunan ang pagnanais nila para sa reputasyon at katayuan. Anuman ang gawin nila, ang isinasaalang-alang lang nila ay kung makabubuti ba ito sa kanilang reputasyon at katayuan, hindi kung paano gagawin ang kanilang tungkulin sa paraang naaayon sa layunin ng Diyos. Kinapopootan at kinasusuklaman ng Diyos ang gayong mga tao. Naimpluwensiyahan ako ng satanikong lason na, “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” at itinuring ko ang reputasyon at katayuan bilang tamang layon ng aking paghahangad. Palagi kong gustong hangaan ako at hindi kailanman maliitin. Nang isaayos ng iglesia na gawin ko ang tungkulin ng isang superbisor, alam na alam ko na medyo mababaw ang buhay pagpasok ko, at kapag nahaharap sa mga problema at paghihirap na hindi ko malutas, dapat akong manalangin kasama ang mga lider ng pangkat at sama-sama naming hanapin ang katotohanan para malutas ang mga iyon. Pero natakot ako na sa pagsasagawa sa ganitong paraan ay malalantad ang napakarami kong pagkukulang at mamaliitin nila ako. Kaya sa mga pagtitipon, hindi ko na lang nilulutas ang kanilang mga paghihirap at nakatuon na lang ako sa pagsubaybay sa gawain. Sa ganoong paraan, bukod sa makikita ng mga lider ng pangkat na may mga ideya ako sa pamamahala ng gawain, hindi rin ako matatanggal kung magbubunga ng magagandang resulta ang gawain. Kapag dumarating ang lider sa mga pagtitipon, hinihintay ko siyang magpahayag ng kanyang mga pananaw bago ako makisali sa pagbabahagi, para pagtakpan ang aking mga pagkukulang. Anumang bagay na maaaring magbunyag kung ano talaga ako at makaapekto sa imahe ko sa mata ng iba, sinusubukan kong maitago sa abot ng aking makakaya, gamit ang panloloko at pandaraya. Napakakasuklam-suklam ko! Bagama’t piniga ko ang aking utak para pansamantalang maloko ang aking lider at ang mga lider ng pangkat, hindi ako naging isang matapat na tao o tumahak sa tamang landas, at hindi ko malilinlang ang Diyos. Hindi ko natanggap ang gabay ng Diyos sa aking tungkulin, at naapektuhan ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t paghatol ito sa akin ng Diyos gamit ang mga katunayan? Gumagamit ako ng panlilinlang para iligaw ang mga tao na hangaan ako, pero sa paglipas ng panahon, makikilatis din ako ng mga kapatid, at sa huli, itatakwil nila ako. Nang maisip ko ito, natakot ako. Kung hindi ako magsisisi, hindi magtatagal ay matatanggal din ako. Ang mas malala pa, kasusuklaman at aabandonahin ako ng Diyos.

Pagkatapos, naghanap ako ng mga katotohanang may kaugnayan sa aking mga problema. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sabihin ninyo sa Akin, paano ka magiging isang taong ordinaryo at normal? Paano ka, gaya ng sabi ng Diyos, mananatili sa wastong lugar ng isang nilikha, nang hindi sinusubukang maging isang dakilang tao o higit sa tao? Paano ka dapat magsagawa para maging isang ordinaryo at normal na tao? Paano ito makakamit? Sino ang gustong magsalita? (Una sa lahat, kailangan naming aminin na kami ay mga ordinaryong tao, mga napakakaraniwang tao, at na maraming bagay kaming hindi naiintindihan, hindi nauunawaan, at hindi makilatis. Dapat naming aminin na kami ay tiwali at may mga kapintasan. Pagkatapos niyon, kailangan naming magkaroon ng sinserong puso at madalas na humarap sa Diyos para maghanap.) Una, huwag mong bigyan ang iyong sarili ng isang titulo at pagkatapos ay hayaan itong limitahan ka, sinasabi, ‘Ako ang lider, ako ang lider ng pangkat, ako ang superbisor, o ako ang pinakamaalam at pinakabihasa sa teknikal sa larangan.’ Huwag kang magpalimita sa titulong itinalaga mo sa iyong sarili. Sa sandaling mangyari ito, igagapos ka nito nang mahigpit; maaapektuhan nito ang iyong mga salita at kilos, pati na rin ang iyong normal na pag-iisip at paghusga. Dapat mong palayain ang iyong sarili mula sa mga limitasyon ng katayuang ito. Una, bumaba ka mula sa posisyon ng opisyal na titulong ito, at tumayo sa posisyon ng isang ordinaryong tao. Ang iyong pag-iisip ay magiging medyo normal. Kailangan mo ring aminin: ‘Hindi ko alam kung paano ito gawin, at hindi ko iyon nauunawaan—kailangan kong magsaliksik at mag-aral,’ o ‘Hindi ko pa ito naranasan kailanman, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin.’ Kapag nasasabi mo kung ano talaga ang iniisip mo at nagsasalita ka nang matapat nang ganito, magtataglay ka ng normal na katwiran. Kung hahayaan mong makilala ng iba ang tunay na ikaw, magkakaroon sila ng normal na pananaw sa iyo, at hindi mo na kakailanganing magpanggap. Hindi ka na makakaramdam ng matinding presyur, at magagawa mo nang makipag-usap sa iba nang normal. Ang mamuhay nang ganito ay malaya at maginhawa. Sinumang nakakaramdam na masyadong nakakapagod ang buhay ay sarili lang niya ang dapat sisihin. Huwag magpanggap o magtago ng anuman. Una, maging bukas ka tungkol sa kung ano ang iniisip mo sa iyong puso at sa iyong mga tunay na kaisipan, upang malaman at maunawaan ng lahat ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang iyong mga alalahanin, pati na rin ang mga hadlang at hinala sa pagitan mo at ng iba, ay mawawala lahat. Dagdag pa rito, mayroon pang ibang bagay na gumagapos din sa iyo, iyon ay na palagi mong itinuturing ang iyong sarili bilang pinuno ng pangkat, isang lider o isang manggagawa, isang taong may titulo, may katayuan at posisyon—kung sasabihin mo na hindi mo ito nauunawaan at wala kang kakayahang gawin iyon, hindi ba’t pagmamaliit iyon sa iyong sarili? Kapag binitiwan mo ang mga tanikalang ito sa iyong puso, kapag tumigil ka sa pag-iisip sa iyong sarili bilang isang lider o isang manggagawa, at kapag tumigil ka sa pag-iisip na mas magaling ka kaysa sa ibang tao at sa halip ay nararamdaman mong isa kang ordinaryong tao, kapareho ng lahat ng iba pa, at na may ilang larangan kung saan mas mababa ka kaysa sa iba, kung gayon, kapag nakikipagbahaginan ka sa katotohanan at sa mga bagay na may kaugnayan sa gawain nang may ganitong pag-iisip, magiging iba kapwa ang mga resulta at ang atmospera. … Ang lahat, sila man ay lider at manggagawa o mga kapatid, ay ordinaryong tao. Dapat isagawa nilang lahat ang prinsipyong ito. May bahagi at responsabilidad ang lahat sa pagsasagawa ng salita ng Diyos. Maaaring ikaw ay isang lider, isang manggagawa, ang pinuno ng pangkat, isang superbisor, o isang taong lubos na iginagalang sa grupo. Kahit sino ka pa, dapat matuto kang magsagawa sa ganitong paraan. Alisin mo ang limbo at titulong dala-dala mo, alisin ang mga koronang ipinatong sa iyo ng iba. Pagkatapos, magiging madali sa iyong maging isang normal na tao at, nang walang kahirap-hirap, kikilos ka nang batay sa konsensiya at katwiran. Siyempre, pagkatapos niyon, hindi sapat na aminin lang na hindi mo nauunawaan at hindi mo alam. Hindi ito ang pinakasolusyon na lumulutas sa problema. Ano ang pinakasolusyon? Dalhin ang mga bagay-bagay at paghihirap sa harapan ng Diyos para manalangin at maghanap. Hindi sapat na manalangin lang nang mag-isa ang isang tao. Sa halip, kasama ang lahat, dapat mag-alay ka ng mga panalanging tungkol sa bagay na ito at pasanin ang responsabilidad at obligasyong ito. Isang magandang paraan iyon para gawin ang mga bagay-bagay! Maiiwasan mong tahakin ang landas na subukang maging isang dakilang tao at superman. Kung magagawa mo ito, aakuin mo ang tamang lugar ng isang nilikha nang hindi mo namamalayan at mapapalaya mo ang iyong sarili mula sa mga pagpipigil ng ambisyon at paghahangad na maging isang superman at isang dakilang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang layunin ng Diyos at nagkaroon ako ng isang landas ng pagsasagawa at pagpasok. Para makatakas sa pagkakagapos at paglilimita ng katayuan, kailangan kong bumaba sa aking pedestal, itigil ang masyadong mataas na pagtingin sa sarili ko, at kilalanin na isa lang akong ordinaryong tao, hindi mas magaling kaysa sa iba. Kailangan ko ring umasal sa praktikal na paraan ayon sa mga hinihingi ng Diyos at maging isang ordinaryo at normal na tao na may konsensiya at katwiran. Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong maging superbisor para bigyan ako ng pagkakataong sanayin ang sarili ko. Pero dahil hindi pa nagbabago ang aktuwal kong tayog at mababaw pa ang buhay pagpasok ko, hindi ko makilatis ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan, at ang ilang problema ay masyadong komplikado para malutas ko—lahat ng iyon ay talagang normal lang. Dapat akong maging isang matapat na tao gaya ng hinihingi ng Diyos, at maging bukas at hanapin ang katotohanan kasama ang lahat para malutas ang mga problemang ito. Pagkatapos niyon, nagsimula akong magsagawa at pumasok ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa tuwing may nakakaharap akong isang bagay na hindi ko makita nang malinaw, nagiging bukas ako, inilalantad ang sarili ko at nakikipagbahaginan at naghahanap kasama ang mga lider ng pangkat.

Kalaunan, pumunta ako sa isang pagtitipon kasama ang mga lider ng pangkat ng pagdidilig. Bago ito nagsimula, naisip ko, “Matagal na kaming hindi nagkikita nang personal dahil sa mapanganib na sitwasyon bunsod ng pang-aaresto ng CCP. Siguradong maraming paghihirap at problema ang mga kapatid na kailangang pagbahaginan at lutasin. Paano kung hindi ko makilatis ang mga iyon at hindi ko malutas? Mamaliitin kaya nila ako?” Napagtanto kong iniisip ko na naman ang reputasyon at katayuan, kaya nanalangin ako sa puso ko, hinihiling sa Diyos na protektahan ang puso ko para maibukas ko ang aking mga pagkukulang at makapaghanap at makapasok kasama ang lahat. Pagkatapos manalangin, medyo kumalma ako. Una kong kinumusta ang kalagayan ng mga lider ng pangkat. Narinig ko na isa sa kanila ang may isyu sa kung paano sumubaybay sa gawain ang lider. Hindi ko alam kung aling aspekto ng mga salita ng Diyos ang dapat naming tingnan para malutas ito, kaya naging bukas na lang ako sa lahat at hiniling sa kanila na sama-samang hanapin ang katotohanan para makahanap ng solusyon. Nang sandaling iyon, naisip ko ang katotohanan sa aspekto ng kung paano tratuhin ang pangangasiwa ng iba, kaya hinanap ko iyon at binasa namin nang magkakasama. Pagkatapos itong basahin, sinabi ng lahat na napakabuti ng mga salitang ito ng Diyos at kayang lutasin ang problemang ito. Bagama’t marami pa rin akong pagkukulang, nang tumigil akong magpanggap at magkunwari para sa kapakanan ng reputasyon at katayuan at naging handang magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, natanggap ko ang gabay ng Diyos, at nalutas ko ang ilang problema ng mga lider ng pangkat. Minsan, sa pamamagitan ng pagiging bukas at paghahanap, nagkakamit din ako ng kaunting liwanag at kabatiran mula sa pagkaunawang batay sa karanasan ng mga kapatid. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos.

Kalaunan, isang paalala mula sa mga kapatid ang nagpatanto sa akin na ang mababaw kong buhay pagpasok at kawalan ng kakayahang lutasin ang mga problema ng mga lider ng pangkat ay pangunahing dahil sa aking tungkulin, palagi lang akong nakatuon sa paggawa ng mga bagay-bagay at hindi sa aking buhay pagpasok. Kung magpapatuloy ako nang ganito, tiyak na hindi ko magagawa nang maayos ang tungkulin ko, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos sa aspektong ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagtanggap sa katotohanan at paghahangad sa katotohanan ang pinakamakatotohanan at pinakapraktikal na landas para matamo ang kaligtasan. Kung hindi mo makamit ang katotohanan, walang kabuluhan ang pananampalataya mo sa Diyos. Iyong mga nagsasalita ng mga hungkag na salita at doktrina, na palaging sumisigaw ng mga islogan, nagbubulalas ng mga ideyang grandiyosong pakinggan, at palaging sumusunod sa mga regulasyon, nang hindi tumutuon sa pagsasagawa sa katotohanan, ay walang nakakamit na anuman, kahit ilang taon pa silang manampalataya. Sino ang mga taong may nakakamit? Iyong mga sinserong ginagampanan ang kanilang tungkulin at handang isagawa ang katotohanan, iyong mga tinatrato bilang kanilang misyon ang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, iyong mga kusang ginugugol ang buo nilang buhay sa paggugol ng kanilang sarili para sa Diyos at hindi nagpapakana para sa kanilang sariling kapakanan, at iyong mga umaasal nang praktikal at sumusunod sa mga pamamatnugot ng Diyos. Sa paggampan ng kanilang tungkulin, naaarok ng gayong mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, maingat na ginagawa nang maayos ang bawat gampanin, at nakakamit ang resulta ng pagpapatotoo sa Diyos, at natutugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakakatagpo sila ng mga paghihirap habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, kaya nilang magdasal sa Diyos at subukang maarok ang mga layunin ng Diyos, kaya nilang sumunod sa mga pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya nilang hanapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay. Hindi sila sumisigaw ng mga islogan o nagbubulalas ng mga ideyang grandiyosong pakinggan, kundi tumutuon lang sila sa paggawa ng mga bagay-bagay sa praktikal na paraan, at sa metikulosong pangangasiwa sa mga usapin ayon sa mga prinsipyo. Isinasapuso nila ang lahat ng kanilang ginagawa, at dinaranas ang lahat ng bagay nang buong puso. Sa karamihan ng mga usapin, kaya nilang isagawa ang katotohanan, magtamo ng kaalaman at pagkaunawa sa pamamagitan ng karanasan, at matuto ng mga aral at magkaroon ng mga tunay na nakamit. At kapag mayroon silang mga maling kaisipan o mga maling kalagayan, kaya nilang magdasal sa Diyos at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga iyon. Anumang mga katotohanan ang kanilang nauunawaan, mayroon silang karanasan sa mga ito at kabatiran sa mga ito, at kaya nilang ibahagi ang kanilang patotoong batay sa karanasan. Sa huli ay kayang makamit ng gayong mga tao ang katotohanan. Iyong mga hindi nag-iisip ay hindi kailanman pinagbubulayan sa kanilang puso ang mga usapin ng pagsasagawa sa katotohanan. Tumutuon lang sila sa paglalaan ng pagsisikap at pagkilos, at sa pagpapakita ng kanilang sarili at pagpapasikat, habang hindi kailanman hinahanap kung paano isagawa ang katotohanan. Dahil dito ay nagiging mahirap para sa kanila na makamit ang katotohanan. Pag-isipan ninyo ito—anong uri ba talaga ng mga tao ang maaaring makapasok sa katotohanang realidad? (Iyong mga isinasapuso ang mga bagay-bagay, iyong mga pragmatiko, at iyong gumagawa ng kanilang mga tungkulin sa praktikal na paraan.) Tama iyan. Tanging iyong mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin nang praktikal at masigasig na naghahanap ng katotohanan ang kayang makaunawa sa katotohanan at makapasok sa realidad. Dagdag pa rito, ang gayong mga tao ay tumutuon sa kung ano ang praktikal sa lahat ng bagay; medyo pragmatiko sila, minamahal nila ang mga positibong bagay, kaya nilang tanggapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan, at sa huli ay nakakamit nila ang katotohanan at nakakamit nila ang pagpapasakop sa Diyos. Aling uri kayo ng tao? (Iyong hindi praktikal, iyong laging gustong gawin ang mga bagay-bagay alang-alang sa pagpapakitang-tao, at umaasa sa katusuhan.) May anuman bang makakamit sa paggawa nito? (Wala.) Nakahanap ka na ba ng paraan para malutas ang iyong mga problema? Kung mapagtatanto mo ito at magagawa mong simulang baguhin ang mga bagay-bagay, malalaman mo ba kung nagbago na ang iyong mga kuru-kuro, imahinasyon at perspektiba sa mga bagay-bagay? (Pakiramdam ko ay medyo nagbago na ang mga iyon.) Hangga’t may mga resulta at pag-usad, dapat mo itong ibahagi at hayaang mapagtibay ang iba. Kahit na limitado ang karanasan mo, ito ay isang karanasan pa rin ng paglago sa buhay. Ang proseso ng paglago sa buhay ay ang karanasan mo sa pananampalataya sa Diyos, sa paglago ng buhay mo sa pamamagitan ng pagdanas sa salita ng Diyos. Ang mga karanasang ito ang pinakamahalaga(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong mababaw ang buhay pagpasok ko dahil, sa tungkulin ko, karaniwang pinagtutuonan ko lang ang pagpupunyagi at paggawa at pagpapabuti sa mga resulta ng gawain para tingalain ako ng iba. Hindi ako nagtuon sa paghahanap ng katotohanan at pag-arok sa layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, na nagsasagawa ayon sa Kanyang mga hinihingi. Ito ang dahilan kung bakit hindi gaanong lumago ang buhay ko sa kabila ng matagal nang pananampalataya sa Diyos. Naisip ko kung paanong si Pablo, sa kabila ng maraming taong pananampalataya sa Panginoon, ay hindi kailanman tumuon sa pagninilay at pagkilala sa kanyang sarili, at wala siyang anumang pagkaunawa sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Bagama’t labis siyang nagdusa sa pangangaral ng ebanghelyo, hindi talaga nagbago ang kanyang kalikasan ng paglaban sa Diyos, at sa huli ay itiniwalag siya. Pero si Pedro ay tumuon sa paghahangad na maarok ang layunin ng Diyos sa kapwa malalaki at maliliit na bagay. Hindi lamang niya naunawaan ang kanyang sariling katiwalian at mga pagkukulang, kundi hinangad din niyang kumilos nang naaayon sa layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, at sa huli, nakamit niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang landas na tinahak ni Pedro sa kanyang pananampalataya sa Diyos ay iyong naghahangad ng buhay pagpasok. Naging mahalaga at makabuluhan ang kanyang buhay. Sa hinaharap, hindi ako maaaring tumuon lang sa paggawa ng panlabas na gawain sa aking tungkulin; kailangan kong pagtuonan ang aking buhay pagpasok at ang mga pagbabago sa aking disposisyon. Pagkatapos niyon, nagsimula akong sadyang pagnilayan kung aling mga tiwaling disposisyon ang ibinunyag ko sa bawat bagay, at naghahanap ako ng mga salita ng Diyos na nauugnay sa aking mga problema at magtatala ako. Matapos magsagawa nang ganito sa loob ng ilang panahon, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking mga tiwaling disposisyon. Nakaramdam ako ng kaunting kagaanan at kapayapaan sa aking puso, at mas malinaw kong nakikita ang mga bagay-bagay kaysa dati. Ang kaunting pag-usad na ito na nagawa ko ay bunga lahat ng gabay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bakit Ako Laging Nagpapanggap?

Ni Christine, PilipinasNoong Agosto 2021 nagsimula akong magsanay sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya. Dahil hindi ako masyadong...