Ibang Uri ng Pagpapala

Nobyembre 3, 2024

Ni Tao Liang, Tsina

Mayroon akong hepatitis B magmula pa noong bata ako. Naghanap ako ng lahat ng klase ng doktor at gamot at gumastos ako nang malaki para makapagpagamot, pero hindi pa rin ito gumaling. Sa huli, walang magawang sinabi ng doktor sa akin, “Malaking problema para sa mga doktor saanman ang sakit na ito; wala na tayong magagawa.” Lubos akong nawalan ng pag-asa. Laking gulat ko, mahigit isang taon matapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, himalang gumaling ako. Noong panahong iyon, tiningnan ng doktor ang mga resulta ng pagsusuri sa akin at sinabi niyang kusang bumalik sa normal ang lahat ng importanteng lebel ko, at na hindi ko na kakailanganing uminom ng kahit anong gamot sa hinaharap. Hindi na kailangang sabihin pa, napakasaya ko nang marinig ko ito, at alam ko sa puso ko na inalis na ng Diyos ang karamdaman kong ito. Puno ako ng pasasalamat at papuri para sa Diyos, at naisip ko, “Talagang biniyayaan at pinagpala ako ng Diyos. Kailangan kong masigasig na gugulin ang sarili ko para sa Kanya at suklian ang pagmamahal Niya sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko.” Naisip ko rin, “Kasisimula ko pa lang manampalataya sa Diyos at wala pa akong nagagawang kahit ano para sa Kanya, pero biniyayaan na Niya ako at masyado akong pinaboran. Kung mas gugugulin ko ang sarili ko para sa Kanya sa hinaharap, hindi kaya higit na biyaya at pagpapala ang ipagkakaloob Niya sa akin? Siguro magagawa ko ring makamit ang pagliligtas at mabubuhay pa rin ako kapag natapos na ang gawain ng Diyos!” Dahil doon, binitiwan ko ang trabaho kong may malaking suweldo at ginawa ko ang tungkulin ko sa iglesia nang buong oras. Pagkatapos niyon, napili ako para maging isang lider ng iglesia, at mas lalo pa akong ginanahang talikuran at gugulin ang sarili ko. Araw-araw akong nagpakaabala sa iglesia, gumagawa mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon. Nagpalaganap ako ng ebanghelyo at diniligan ang mga baguhan, wala na nga akong oras para bantayan ang anak ko. Kahit noong naospital ang asawa ko at dalawang beses kinailangang operahan ang tatay ko nang malayo sa bahay, hindi ako nagbigay ng oras para alagaan sila. Hindi ako naunawaan ng mga kapamilya ko at nagreklamo sila sa akin, pero hindi natinag ang determinasyon kong gawin ang aking tungkulin. Naisip ko na kung titiisin ko ang pagdurusang ito at magbabayad ako ng halaga, papansinin ito ng Diyos at hindi ako tatratuhin nang di-makatarungan.

Noong magsimula ang 2015, madalas kong nararamdaman na kulang sa enerhiya ang buong katawan ko. Kahit na kapag umaakyat ako hanggang sa ikalimang palapag nang walang anumang buhat, kailangan kong magpahinga bago umakyat. Kapag umuuwi ako pagkatapos ng mga pagtitipon, gusto ko lang mahiga at wala akong ganang gawin ang kahit na ano. Pumunta ako sa ospital para magpasuri, at sinabi ng doktor na hindi gumagana nang normal ang atay ko. Kung hindi ako magpapagamot kaagad, puwede itong maging cirrhosis sa atay at ascites, at kung patuloy itong lalala, maaari itong maging cancer. Nang marinig ko ang mga sinabi ng doktor, nanigas ako. Naisip ko, “Paano ito nangyari? Noong nagpasuri ako dati, hindi ba’t sinabi ng doktor na magaling na ang sakit ko? Bakit lumala na naman ito?” Bigla kong naalala na may nabalitaan akong isang taong nagkaroon ng cancer sa atay at namatay. Takot na takot ako, nag-aalala ako na dahil napakalala ng sakit ko, baka mamamatay na rin ako. Naisip ko, “Kung mamamatay ako ngayon, makakamit ko pa rin ba ang kaligtasan?” Noong oras na iyon, sobrang nasaktan ang puso ko. Gayumpaman, naisip ko rin na dahil isang lider naman ako ng iglesia ngayon, nagpapakaabala sa iglesia nang buong araw mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon, dapat akong alagaan at protektahan ng Diyos para hindi ako mamatay. Noong ilang araw na iyon, nagkataong nakita ko ang isang may-edad na sister na kakilala ko na nagsabing may leukemia siya maraming taon na ang nakalilipas at na talagang mataas ang mga palatandaan ng cancer niya. Sa pinakamahihinang sandali niya, madalas siyang umaawit ng mga himno ng mga salita ng Diyos, nagtatamo mula sa Kanyang mga salita ng kaunting pagkaunawa tungkol sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at nagkakamit siya ng pananalig. Pinagnilayan din niya ang kanyang mga motibo at karumihan sa kanyang tungkulin, at nang magkamit siya ng kaunting pagkakilala sa sarili, nagsimulang unti-unting gumaling ang sakit niya. Nang marinig ko ang karanasan ng sister na ito, napagtanto ko na maaaring isang pagsubok mula sa Diyos ang karamdaman kong ito at maaaring sinusubok Niya ako. Talagang hindi ko Siya dapat sisihin; kailangan kong manindigan sa aking patotoo para sa Diyos. Marahil makikita ng Diyos na nagagawa ko pa ring magpatuloy sa tungkulin ko kahit na napakalala ng sakit ko, at magkagayon ay pagagalingin Niya ako. Kaya, pinili kong hindi manatili sa ospital at bumili lang ako ng ilang gamot, at pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng tungkulin ko sa iglesia.

Noong Setyembre ng 2017, pumunta ako sa ospital para sa isa pang check-up, at sinabi sa akin ng doktor, “Nakakaranas ka ngayon ng unang yugto ng cirrhosis, at may mga bukol at cyst sa atay mo. Pinakamaganda kung magsasagawa tayo ng higit pang pagsusuri.” Nang marinig ko ang mga sinabi ng doktor, nagulo ang utak ko, at naisip ko, “May lahi kami ng sakit sa atay. Matagal nang namatay ang lolo ko dahil sa cancer sa atay, at kamamatay lang din ng tatay ko dahil naging cancerous ang mga bukol sa atay niya. Ngayon, may mga bukol na rin sa atay ko; malapit na rin ba akong mamatay?” Nang oras na iyon, sobrang takot na takot ako, iniisip ko, “Nasa trenta anyos lang ako; mamamatay na ba talaga ako? Hindi pa nga tapos ang gawain ng Diyos at nasa bingit na ako ng kamatayan. Hindi ba’t nangangahulugan iyon na ititiwalag ako ng Diyos at hindi ko makakamit ang kaligtasan?” Nang maisip ko ito, hindi ko na napigilan pang lumuha. Habang naglalakad ako pauwi, naalala ko ang mga taon ng pananampalataya ko sa Diyos. Iniwan ko ang trabaho kong mataas ang suweldo para gawin ang tungkulin ko at nagpakaabala ako sa iglesia mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon. Wala akong oras para alagaan ang anak ko, at ni ayaw ko ngang maantala sa tungkulin ko noong inoperahan ang asawa at tatay ko. Hindi ako naunawaan ng mga kapamilya ko at nagreklamo sila sa akin, pero nagpatuloy ako sa aking tungkulin. Sobra kong ginugol ang sarili ko sa mga nagdaang taong ito; bakit hindi ako inaalagaan o pinoprotektahan ng Diyos kundi hinayaan Niya pang lumala ang sakit ko? Dahil ba hindi ko ginawa nang maayos ang tungkulin ko kaya hindi ako pinapansin ng Diyos at hinahayaan na lang Niya akong mamatay? Hindi pa ako handang mamatay sa ganito kabatang edad; gusto kong maghintay hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos para manatili akong buhay at makapasok ako sa kaharian!

Nang gabing iyon, pabiling-biling ako sa higaan, hindi ako makatulog. Nakita kong mahimbing na natutulog ang anak ko sa tabi ko, at sobra akong nalungkot at nabagabag. Hindi ko alam kung gaano ko pa siya katagal na makakasama, at parang puwede akong mamatay anumang oras. Nakaramdam ako ng labis na kalungkutan at kawalan ng magawa. Sa ilang araw na iyon, nakita ng kapatid na naging kapareha ko na di-maganda ang kalagayan ko at nagbahagi siya sa akin ng mga salita ng Diyos, pero pumasok lang ito sa isang tainga ko at lumabas sa kabila, at umaasa lang ako na aalisin ng Diyos ang karamdaman ko batay sa hindi ko pagbitiw sa tungkulin ko kahit na napakalala ng sakit ko. Nang panahong iyon, palagi akong labis na nasisiraan ng loob, lalo na nang makita ko na ang ilang kapatid sa palibot ko ay hindi tumalikod at gumugol ng kanilang sarili gaya ko pero malulusog pa rin sila at walang malalang sakit hindi gaya ko. Naisip kong maaaring ginagamit ito ng Diyos para ibunyag at itiwalag ako. Labis akong nasiraan ng loob hanggang sa antas na hindi gaya dati, hindi na ako kasingsigasig sa aking tungkulin. Kapag ginagawa ko ang aking tungkulin, kapag ginabi na o kapag medyo napagod ako, natatakot ako na baka sobrang napapagod ang katawan ko, at minsan, isinasantabi ko hanggang sa susunod na araw ang gawain na kaya ko namang matapos kung magmamadali ako. Naisip ko, “Ano pa ang dahilan para mas gugugulin ko pa ang sarili ko? Nagdusa ako at ginugol ko ang sarili ko sa loob ng mga taong ito, pero sa huli, hindi gumaling ang sakit ko, at kailangan ko pa ring mamatay balang araw.” Gusto ko pa ngang sabihin sa lider na bibitawan ko na ang tungkulin ko para makapagpagaling ako nang wasto, at kahit na hindi ko naman ginawa iyon, napalayo na ang puso ko sa Diyos. Wala akong masabi kapag nananalangin, at hindi ko na ganoon kadalas basahin ang mga salita ng Diyos. Kalaunan, inaresto ako ng Partido Komunista. Matapos akong palayain, minanmanan pa rin ako ng mga pulis, kaya kinailangan kong gumawa sa ibang bahagi ng bansa. Nakita ko ang mga walang pananampalataya na malulusog at nagagampanan ang kanilang gawain nang masigla, samantalang ako, maputla ang balat ko, malinaw na may sakit ako. Hindi ko mapigilang mangatwiran sa puso ko, iniisip na, “Sobra kong ginugol ang sarili ko para sa Diyos sa mga nagdaang taong ito. Kahit na noong inaresto ako ng Partido Komunista, hindi ko itinatwa ang pangalan ng Diyos at nanindigan ako sa aking patotoo. Bakit hindi ako inaalagaan ng Diyos, pinoprotektahan, at tinutulungang malampasan nang mabilis ang sakit ko?” Alam kong hindi ako dapat mangatwiran sa Diyos nang ganito, pero hindi ko hinanap ang katotohanan, at nagpatuloy ako sa loob ng mahabang panahon nang hindi nilulutas ang kalagayan ko.

Kalaunan, pinanood ko ang ilang video ng patotoong batay sa karanasan at nakita ko na nagawang pagnilayan ng ilang kapatid ang kanilang sarili at hinanap nila ang katotohanan sa gitna ng kanilang karamdaman at nagsulat pa nga sila tungkol sa mga natamo nila. Talagang nainggit ako sa kanila, at sobra akong naantig. Nakaranas din ako ng karamdaman, pero hindi ko pa nahanap ang katotohanan, at hanggang sa araw na iyon wala pa akong natamo. Lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos, gusto ko ring matuto ng mga aral sa gitna ng karamdamang ito gaya ng mga kapatid. Pakiusap gabayan Mo ako at tulungan Mo ako.” Isang araw, pinanood ko ang isang pelikula na pinamagatang Pag-aani ng Galak sa Gitna ng Paghihirap kung saan ang isang kapatid, sa gitna ng karamdaman niya, ay nalaman ang pagmamahal ng Diyos at naunawaan niya na ginagamit ng Diyos ang karamdaman niya para gawing perpekto at baguhin siya. Sa huli, dinadala siya ng karanasang ito sa pagsisisi at pagbabago. Sinasabi sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid na, “Napakapinagpala mo! Para padaanin ka sa mga pagsubok at pinuhin ka sa ganitong paraan upang baguhin ka at gawing perpekto, siguradong mahal na mahal ka ng Diyos! Inggit na inggit ako! Kailan ako pagpapalain ng Diyos nang ganoon?” Sa pakikinig ko rito, talagang naantig ako, at nahiya rin ako. Palagi kong iniisip na ang pagkakaroon ng gayong malalang sakit ay nangangahulugang kinasusuklaman at kinamumuhian ako ng Diyos, na ginagamit Niya ang sakit na ito para ibunyag at itiwalag ako. Sa paghahambing ko rito sa pagkakaunawa ng kapatid, talagang ganap na katawa-tawa ang pananaw ko sa mga bagay-bagay! Sa mga debosyonal ko, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung mahal ka ng Diyos, ipinapahayag Niya ito sa pamamagitan ng madalas na pagtutuwid, pagdidisiplina, at pagpupungos sa iyo. Maaaring lumipas ang iyong mga araw nang hindi komportable, sa gitna ng pagtutuwid at pagdidisiplina, ngunit sa sandaling maranasan mo ito, matutuklasan mong marami kang natutuhan, na mayroon kang kakayahang makakilala at talino pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao, at may ilang katotohanan ka na ring nauunawaan. Kung ang pagmamahal ng Diyos ay tulad ng pagmamahal ng ina o ama, tulad ng naiisip mo, kung Siya ay napakaingat sa Kanyang pag-aalaga, at walang pasubali kung magbigay, matatamo mo ba ang mga bagay na ito? Hindi. Kaya, ang pagmamahal ng Diyos na maaarok ng mga tao ay iba sa tunay na pagmamahal ng Diyos na maaari nilang maranasan sa Kanyang gawain; dapat harapin ito ng mga tao nang ayon sa mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan sa Kanyang mga salita para malaman kung ano ba ang tunay na pagmamahal. Kung hindi nila hinahanap ang katotohanan, paano biglang magkakaroon ng pagkaunawa ang isang tiwaling tao tungkol sa kung ano ba ang pagmamahal ng Diyos, kung ano ba ang layunin ng Kanyang gawain sa tao, at kung saan naroroon ang Kanyang masidhing layunin? Hindi kailanman mauunawaan ng mga tao ang mga bagay na ito. Ito ang pinakamalamang na maling pagkaunawang mayroon ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos, at ito ang aspekto ng diwa ng Diyos na pinakamahirap para sa mga tao na maunawaan. Dapat malalim at personal na maranasan ito ng mga tao at praktikal na makibahagi rito at pahalagahan ito para maunawaan nila ito. Karaniwan, kapag sinabi ng mga tao ang ‘pagmamahal,’ ibig nilang sabihin ay ang ibigay sa isang tao kung ano ang gusto nito, hindi ang bigyan ito ng isang mapait na bagay kapag gusto nito ay isang matamis, o kahit pa kung minsan ay nabigyan ito ng isang bagay na mapait, ito ay para gamutin ang isang karamdaman; sa madaling salita, kinapapalooban ito ng pagiging makasarili, ng mga damdamin, at ng laman ng tao; kinapapalooban ito ng mga layunin at motibasyon. Pero kahit ano pa ang gawin ng Diyos sa iyo, kahit gaano ka pa Niya hinahatulan at kinakastigo, itinutuwid at dinidisiplna, o pinupungusan, kahit magkaroon ka ng maling pagkaunawa sa Kanya, at kahit magreklamo ka tungkol sa Kanya sa iyong puso, patuloy na gagawa sa iyo ang Diyos nang buong tiyaga. Ano ang pinakalayon ng Diyos sa paggawa nito? Ginagamit Niya ang pamamaraang ito para gisingin ka, para isang araw ay maunawaan mo ang mga layunin ng Diyos. Pero kapag nakita ng Diyos ang kahihinatnang ito, ano ang nakamit Niya? Ang totoo, wala Siyang anumang nakamit. At bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang lahat ng nasa iyo ay mula sa Diyos. Hindi kailangan ng Diyos na magkamit ng anuman. Ang kailangan lang Niya ay na maayos na sumunod ang mga tao at pumasok alinsunod sa kung ano ang mga hinihingi Niya habang ginagampanan Niya ang Kanyang gawain, ang maisabuhay ang katotohanang realidad sa huli, ang mamuhay nang may wangis ng tao, at hindi na malihis, madaya, at matukso pa ni Satanas, ang magawang maghimagsik laban kay Satanas, ang magpasakop at sumamba sa Diyos, at pagkatapos ay malulugod ang Diyos, at matatapos na ang Kanyang dakilang gawain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos 1). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na iba ang pagmamahal ng Diyos sa pagmamahal ng ating mga magulang o kamag-anak na hindi lamang tayo masusing inaalagaan ng Diyos nang walang anumang prinsipyo at pinapayagan ang lahat ng bagay, ni hindi Niya pinoprotektahan lang ang mga tao at iniingatan sila mula sa sakit at sakuna. Lahat ng ito ay maling pagkaunawa ko sa pagmamahal ng Diyos. Hindi lamang ipinapakita ng Diyos ang pagmamahal Niya sa pamamagitan ng awa, kabaitan, at pagkakaloob ng biyaya sa mga tao. Ginagamit Niya rin ang paghatol at pagkastigo, ang mga pagsubok at pagpipino, at ang pagtutuwid at pagdidisiplina para tulungan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan at maiwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, tinutulutan sila na sa huli ay maisabuhay ang wangis ng tao at mailigtas Niya. Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, sobrang nalungkot ako at labis na nagsisi. Matagal na akong nananampalataya sa Diyos, pero wala akong pang-unawang anupaman sa kung paano Niya minamahal at inililigtas ang mga tao. Gusto ko lamang na bigyan ako ng Diyos ng biyaya at mga pagpapala at protektahan ako mula sa sakit at sakuna, hindi tinatanggap ang mga pagsubok at pagpipino Niya o ang pagdadalisay at pagpeperpekto Niya. Sa loob ng dalawang buong taon, namuhay ako sa loob ng maling pagkaunawa ko sa Diyos, palaging sarado ang puso ko sa Kanya. Gayumpaman, hindi ako tinrato ng Diyos batay sa aking paghihimagsik at katiwalian, sa halip ay pinagpasensyahan Niya ang maling pagkaunawa at pagrerebelde ko at tahimik Siyang nanatili sa tabi ko, naghihintay sa araw na magigising ako. Ginamit Niya rin ang mga karanasan ng mga kapatid para tulungan at suportahan ako, ginagabayan ako palabas sa aking kalagayan ng maling pagkaunawa at pagkasira ng loob. Nang maunawaan ko ang layunin ng Diyos, naantig ng pagmamahal Niya ang puso ko, at hindi na ako manhid at mapagmatigas. Sising-sisi ako at naisip kong talagang may pagkakautang ako sa Diyos. Inilatag ng Diyos ang mga sitwasyong ito para ibunyag ang katiwalian ko, para dalisayin at iligtas ako, pero itinuring kong masama ang mabubuting kilos Niya at nagpatuloy ako sa maling pagkaunawa at pagrereklamo laban sa Kanya. Talagang masyado akong hindi makatwiran! Lumapit ako sa Diyos at nanalangin sa Kanya, hinihinging patawarin Niya ako, at sinasabing handa akong magsisi sa Kanya. Hiningi ko rin sa Kanya na bigyang-liwanag ako at gabayan ako para pagnilayan at subukan kong kilalanin ang sarili ko, at para matutuhan ko ang mga aral na dapat kong matutuhan mula sa karamdamang ito.

Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga layunin, motibasyon, at ambisyon? Kahit na may isang bahagi sa kanila na naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakakita sa pag-iral ng Diyos, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga motibasyon, at ang kanilang pangunahing layunin sa paniniwala sa Diyos ay ang pagtanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. Sa mga karanasan ng tao sa kanilang buhay, madalas nilang naiisip sa kanilang sarili: ‘Isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong makita ang kabuuan nito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Marami ang ibinigay ko sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at labis na nagdusa—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naalala ba Niya ang aking mabubuting gawa? Ano ang magiging katapusan ko? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? …’ Ang bawat tao ay madalas na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng mga bagay na nagtataglay ng kanilang mga motibasyon, ambisyon, at transaksiyonal na pag-iisip. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sinusubukan ang Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nangangatwiran sa Diyos para sa kanyang sariling katapusan, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hinto sa paghingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, tinatangkang humingi nang higit pa matapos mapagbigyan nang kaunti. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, negatibo, at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula ng ang tao ay magsimulang maniwala sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang pagsisikap na makakuha ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang tao at magbigay ng pangtustos sa kanya. Ganito ang pangunahing pagkaunawa sa ‘paniniwala sa Diyos,’ ng lahat ng taong naniniwala sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa kalikasang diwa ng tao hanggang sa kanyang pansariling hangarin, wala sa mga ito ang may kinalaman sa takot sa Diyos. Hindi maaari na ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Ibig sabihin, hindi kailanman itinuring o naintindihan ng tao na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng ganitong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halatang-halata. At ano ang diwa na ito? Ito ay ang puso ng tao na may masamang hangarin, nagkikimkim ng pagtataksil at panlilinlang, walang pagmamahal sa pagiging patas at pagiging matuwid, o sa mga bagay na positibo, at ito ay kamuhi-muhi at sakim. Ang puso ng tao ay hindi na magiging mas sarado pa sa Diyos; hindi pa talaga niya ito ibinigay sa Diyos. Hindi pa kailanman nakita ng Diyos ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Gaano man kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano man karaming gawain ang Kanyang ginagawa, o gaano man karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan mismo ang kanyang puso, gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundan ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, o magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mga kasuklam-suklam na motibong nakatago sa pananalig ko sa Diyos sa loob ng maraming taon. Mula sa simula, ang gusto ko ay magkamit ng mga pagpapala at biyaya. Nagawa kong talikuran ang lahat ng bagay at gugulin ang sarili ko para sa Diyos dahil nakita kong pinagaling ng Diyos ang sakit ko sa atay, at nagalak ako na isiping nakakita ako ng Isang pinakamaaasahan ko. Nakita ko ang Diyos bilang isang dakilang doktor, isang kanlungan, at may kapalaluan kong tinangkang gamitin ang paimbabaw na pagtalikod at paggugol ng sarili ko para magtamo ng higit pang mga gantimpala at pagpapala mula sa Diyos, gaya ng pananatiling malusog at pagkakaroon ng magandang hantungan. Walang katapatan o pagpapasakop sa paggugol ko ng aking sarili, at lalong hindi ito para suklian ang pagmamahal ng Diyos at mapaluguran Siya. Ginamit at dinaya ko ang Diyos, nakipagtransaksyon ako sa Kanya. Namuhay ako sa pamamagitan ng mga satanikong kautusan gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Huwag tumulong kung walang gantimpala,” at “Dapat gantimpalaan ang isang tao batay sa ginugol niya.” Unti-unti akong naging makasarili at ganid, hinaharap ang bawat bagay batay sa sarili kong mga interes at kinukuwenta sa Diyos ang lahat ng bagay na ginawa ko, gaya ng pagbibilang kung gaano na ang tinalikuran ko at ang halagang ibinayad ko para sa Kanya at kung gaano karaming pagpapala ang ibinigay na Niya sa akin. Nang makita kong pinagaling ng Diyos ang sakit ko, naging masigla ako sa tungkulin ko at inisip kong sulit na talikuran ang anumang bagay para sa Diyos, at nang marinig kong sinasabi ng doktor na lalong lumala ang sakit ko, ginusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko para alisin ng Diyos ang sakit ko. Pero nang makita ko na pagkatapos kong gugulin ang sarili ko sa loob ng mga taong ito, bukod sa hindi gumagaling ang karamdaman ko, palala pa ito nang palala, nadama kong nawasak ang pagnanais ko para sa mga pagpapala, at ginamit ko kaagad bilang kapital ang mga taon ng paggugol ko ng sarili para mangatwiran at maningil sa Diyos. Nagreklamo ako tungkol sa Diyos sa pagiging di-makatuwiran sa akin, at hindi na ako kasingtapat nang dati sa tungkulin ko. Nagpaantala ako at hindi ko ibinigay ang buong pagsisikap ko, at gusto ko pa ngang iwan ang tungkulin ko at umuwi para magpagaling. Talagang wala akong konsensiya o katwiran! Naisip ko kung paano ako iniligtas ng Diyos mula sa buktot at madilim na mundong ito at kung paano Niya ako iniharap sa Kanya, ginagamit ang mga salita Niya para diligan, tustusan, at suportahan ako. Ginamit Niya rin ang sakit ko para ibunyag ang katiwalian ko, para dalisayin at baguhin ako. Sobrang masinsinang nagsikap ang Diyos sa akin at nagbayad ng gayong halaga para sa akin. Gayumpaman, matapos kong tamasahin ang pinakadakilang pagliligtas ng Diyos nang walang bayad sa loob ng maraming taong ito, bukod sa hindi ko inisip na suklian ang Diyos, binalewala ko pa ang lahat ng nakamit ko mula sa Kanya. Nang malaman kong nanganganib akong mamatay dahil sa sakit ko, kaagad akong lumaban sa Diyos at nagsimulang mangatwiran at maningil sa Kanya, nagrereklamo sa pagiging hindi Niya makatuwiran sa akin. Ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos nang hindi man lang Siya tinatratong Diyos. Isa lang akong makasarili, kasuklam-suklam, at ubod ng samang tao na inuuna sa lahat ang pakinabang, at wala akong pagkatao o katwirang anupaman.

Minsan, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos mula sa isang video ng patotoong batay sa karanasan na talagang tumagos sa puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napalayas, ang mga demonyong ito na papatay nang walang kurap, hindi ba sila magiging tagong panganib?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag ang mga taong may mabuting pagkatao at may konsensiya at katwiran ay nakikita na ang lahat ng bagay na tinatamasa nila ay ipinagkaloob sa kanila ng Diyos nang walang bayad, magiging handa silang gawin ang kanilang mga tungkulin bilang mga nilikha para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Sa kaibuturan nito, ito ay isang bagay na ganap na likas at may katwiran, gaya kung paanong kapag nagiging mabuting anak ang mga bata sa mga magulang nila, tinutupad nila ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon at hindi dapat umasa sa kabayaran o maglatag ng mga kondisyon. Samantala, ang mga walang pagkatao ay nagpapasalamat at nagpupuri sa Diyos kapag nagkakamit sila ng mga interes at pakinabang mula sa Kanya, pero kapag nasisira ang pagnanais nilang magkamit ng mga pagpapala, lumalaban sila kaagad sa Diyos, nangangatwiran at sinisingil Siya at sumasalungat pa nga sa Kanya, tinatrato Siyang kaaway, at hayagang nagpoprotesta at kumakalaban sa Kanya. Sa pamamagitan ng inilantad ng mga salita ng Diyos, nakita kong ako mismo ang klase ng tao na walang pagkatao. Noong pinagaling ako dati ng Diyos, pinasalamatan ko Siya at handa akong talikuran at bitiwan ang lahat ng bagay, pero nang ma-diagnose ako na may cirrhosis at nanganganib na mamatay, lumaban kaagad ako sa Diyos at ginamit kong kapital ang maraming taon ko ng pagtalikod at paggugol ko ng aking sarili para kumpiyansang magtanong, “Bakit hindi ako inaalagaan at pinoprotektahan ng Diyos pagkatapos kong talikuran at sobrang gugulin ang sarili ko? Bakit Niya ginagawa ang kabaligtaran at pinalalala ang sakit ko? Bakit ganap na malulusog ang lahat ng taong hindi tinalikdan ang sarili at hindi masyadong gumugol ng sarili nila samantalang naiipit ako sa malubhang karamdamang ito? Bakit malulusog ang mga taong hindi nananampalataya sa Diyos pero heto ako na ginugugol ang sarili ko at tinatalikuran ang lahat ng ito samantalang hindi pa rin ako mabilis na pinapagaling ng Diyos? Gayundin, noong inaresto ako ng Partido Komunista, hindi ko itinatwa ang Diyos at nanindigan ako sa aking patotoo, kaya bakit hindi inaalis ng Diyos ang sakit ko?” Hindi ba’t nagprotesta ako sa Diyos at sumalungat sa Kanya? Ang hindi tuwirang kahulugan sa likod ng mga salita kong ito ay: “Sobra kong tinalikuran at ginugol ang sarili ko, kaya dapat pagkalooban ako ng Diyos ng mga pagpapala. Saka ko lang kikilalanin ang katuwiran ng Diyos. Kung hindi ako makakapagkamit ng mga pagpapala, hindi ko kikilalaning matuwid ang Diyos.” Pinupuwersa at hinihingi ko sa Diyos na bigyan ako ng mga pagpapala, at mayroong isang buktot, malupit na disposisyon dito. Sa diwa nito, walang pakundangan nitong sinusuway at kinakalaban ang Diyos. Hindi ko ba hinahanap ang kamatayan sa paggawa ko nito? Noon, nagpunta kung saan-saan si Pablo na ipinapalaganap ang ebanghelyo, nagtatayo ng mga iglesia, at gumagawa ng maraming gawain, pero ang motibo niya sa pagtalikod at paggugol ng sarili niya ay hindi para mapaluguran ang Diyos, at lalong hindi para gawin ang tungkulin niya bilang isang nilikha. Sa halip, gusto niyang gamitin ang paggugol niya ng kanyang sarili at ang kanyang paggawa para humingi ng korona ng katuwiran mula sa Diyos, para ipalit ang mga ito sa mga pagpapala ng kaharian ng langit. Itinaboy at kinondena ng Diyos ang pananaw niya sa paghahangad at ang landas na sinundan niya, at sa huli, bukod sa hindi siya nakapasok sa kaharian ng langit, pinadala siya sa impiyerno para tumanggap ng kaparusahang nararapat sa kanya. Banal at matuwid ang diwa ng Diyos, at hindi Niya tinutukoy ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa kung gaano sila nagpapakaabala at naggugugol ng sarili nila. Sa halip, pinagpapasyahan Niya kung maliligtas ba sila batay sa kakayahan nilang mabago ang kanilang buhay disposisyon. Para sa isang gaya ko, na puno ng mga satanikong tiwaling disposisyon at walang pakundangang nangangatwiran, nagpoprotesta, at kumakalaban sa Diyos kapag hindi nagkakamit ng mga pagpapala, kapag hindi ko nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang pagtutuwid at pagdidisiplina, paano ako posibleng magiging kuwalipikadong pumasok sa kaharian ng Diyos? Sa huli, siguradong ipadadala sa impiyerno ang gayong tao para tumanggap ng kaparusahan gaya ni Pablo! Sa oras na ito, naunawaan ko na ginamit ng Diyos ang karamdaman ko para ibalik ako agad mula sa maling landas ng paglaban sa Diyos at para tulungan akong pagnilayan at unawain ang sarili ko at para tahakin ko ang landas ng paghahangad sa katotohanan para hindi ko labanan ang Diyos at maparusahan ako sa huli. Habang nauunawaan ko ang taimtim na layunin ng Diyos, malalim kong nadama na ang karamdamang ito ay para protektahan ako ng Diyos, na iba itong uri ng pagpapala. Binasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Ang haba ng buhay ng lahat ng tao ay natukoy na ng Diyos noon pa man. Maaaring lumitaw na nakamamatay ang isang karamdaman mula sa pananaw ng isang doktor, ngunit sa pananaw ng Diyos, kung kailangan pa ring magpatuloy ang buhay mo at hindi mo pa oras, hindi ka maaaring mamatay kahit gusto mo. Kung nabigyan ka ng Diyos ng isang atas, at hindi pa tapos ang iyong misyon, hindi mo ikamamatay ang isang karamdaman na dapat ay nakamamatay—hindi ka pa kukuhain ng Diyos. Kahit hindi ka nagdarasal at naghahanap ng katotohanan, o hindi mo inaasikaso ang pagpapagamot sa iyong karamdaman, o kahit ipagpaliban mo ang iyong pagpapagamot, hindi ka mamamatay. Totoo ito lalo na sa mga taong nakatanggap ng atas mula sa Diyos: Kapag hindi pa tapos ang kanilang misyon, anumang karamdaman ang dumapo sa kanila, hindi sila dapat mamatay kaagad; dapat silang mabuhay hanggang sa huling sandali ng pagtatapos ng misyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ng tao. Matagal nang paunang itinakda ng Diyos kung gaano tatagal ang buhay ko; pauna na itong itinakda hanggang sa pinakasegundo. Kahit na ma-diagnose ako na may nakamamatay na sakit, o kung, sa mata ng mga tao, namatay ang lahat sa pamilya ko dahil sa cancer sa atay at na wala akong magagawa para takasan ito, pero sa pananaw ng Diyos ay hindi pa dumarating ang oras ko at hindi pa tapos ang misyon ko, kung gayon, hindi Niya ako hahayaang mamatay, at hindi ako mamamatay. Kung tapos na ang misyon ko at dumating na ang oras ko, kailangan ko nang mamatay kahit pa malusog ako at walang anumang sakit. May kaugnayan ito sa paunang pagtatakda ng Diyos at ganap na walang kinalaman sa sakit na nasa lahi namin. Dahil kinikilala ko na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan kung mabubuhay ba o mamamatay ang mga tao, hindi na ako napipigilan ng kamatayan ‘di gaya dati. Handa kong ipagkatiwala sa Diyos ang buhay at kamatayan ko at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, at mas naging magaan at malaya ang puso ko.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag nahaharap ka sa karamdaman, maaari kang aktibong magpagamot, ngunit dapat mo rin itong harapin nang may positibong saloobin. Pagdating naman sa kung gaano kahusay magagamot ang iyong karamdaman at kung ito ba ay magagamot, at kung anuman ang mangyayari sa huli, dapat ka palaging magpasakop at hindi magreklamo. Ito ang saloobin na dapat mong taglayin, sapagkat ikaw ay isang nilalang at wala kang ibang pagpipilian. Hindi mo pwedeng sabihing, ‘Kung gagaling ako sa sakit na ito, saka ako maniniwala na iyon ay dakilang kapangyarihan ng Diyos, ngunit kung hindi ako gagaling, hindi ako masisiyahan sa Diyos. Bakit ba ako binigyan ng Diyos ng sakit na ito? Bakit ba hindi Niya pinagagaling ang sakit na ito? Bakit ba ako ang nagkasakit at hindi yung iba? Ayaw ko nito! Bakit ko ba kailangang mamatay nang maaga, sa ganitong murang edad? Bakit ba nakakapagpatuloy na mabuhay ang ibang tao? Bakit?’ Huwag mo nang itanong kung bakit, ito ay pangangasiwa ng Diyos. Walang dahilan, at hindi mo dapat itanong kung bakit. Ang pagtatanong kung bakit ay rebeldeng pananalita, at hindi ito dapat itanong ng isang nilikha. Huwag kang magtanong kung bakit, wala itong dahilan. Isinaayos at pinlano ng Diyos ang mga bagay nang ganito. Kung itatanong mo kung bakit, masasabi lamang na sobra kang rebelde, sobrang mapagmatigas. Kapag hindi ka nasisiyahan sa isang bagay, o hindi ginagawa ng Diyos ang nais mo o hindi ka Niya hinahayaan sa gusto mo, hindi ka nasisiyahan, naghihinanakit ka, at palagi mong itinatanong kung bakit. Kaya, tinatanong ka ng Diyos, ‘Bilang isang nilalang, bakit hindi mo ginampanan nang mabuti ang iyong tungkulin? Bakit hindi mo tapat na ginampanan ang iyong tungkulin?’ At paano ka sasagot? Sasabihin mo, ‘Walang dahilan, ganito lang talaga ako.’ Katanggap-tanggap ba iyon? (Hindi.) Katanggap-tanggap na pagsalitaan ka ng Diyos nang ganoon, ngunit hindi katanggap-tanggap na pagsalitaan mo ang Diyos nang ganoon. Ikaw ay nasa maling posisyon, at sobra kang wala sa katwiran. Anuman ang mga pagsubok na kinakaharap ng isang nilalang, ganap na natural at makatwiran na dapat kang magpasakop sa mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Lumikha. Halimbawa, ipinanganak ka ng iyong mga magulang, pinalaki ka nila, at tinatawag mo silang ina at ama—ito ay ganap na natural at makatwiran, at ito ang nararapat; walang dahilan. Kaya, pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng ito para sa iyo, at kung ikaw man ay nagtatamasa ng mga pagpapala o nagdurusa sa mga paghihirap, ito ay ganap ding natural at makatwiran, at wala kang magagawa sa usaping ito. Kung makapagpapasakop ka hanggang sa huli, makakamit mo ang kaligtasan gaya ni Pedro. Gayunpaman, kung sisisihin mo ang Diyos, tatalikuran ang Diyos, at pagtataksilan ang Diyos dahil sa pansamantalang karamdaman, ang lahat ng pagbitiw, paggugol, pagganap ng iyong tungkulin, at pagbabayad ng halaga na iyong ginawa noon ay mauuwi sa wala. Ito ay sapagkat ang lahat ng iyong nakaraang pagpapagal ay hindi naglatag ng anumang pundasyon para maayos mong magampanan ang tungkulin ng isang nilalang o para makatindig ka sa iyong wastong posisyon bilang isang nilalang, at hindi nito nabago ang anuman sa iyo. Pagkatapos, ito ay magiging dahilan upang pagtaksilan mo ang Diyos dahil sa iyong karamdaman, at ang iyong wakas ay magiging katulad ng kay Pablo, maparurusahan sa huli. Ang dahilan para sa determinasyong ito ay na ang lahat ng iyong ginawa noon ay upang makamit mo ang isang korona at makatanggap ka ng mga pagpapala. Kung, sa wakas na maharap ka sa karamdaman at kamatayan, ay nakapagpapasakop ka pa rin nang walang anumang reklamo, nagpapatunay ito na ang lahat ng iyong ginawa noon ay ginawa nang tapat at kusang-loob para sa Diyos. Ikaw ay mapagpasakop sa Diyos, at sa huli, ang iyong pagsunod ay magiging isang tanda ng perpektong pagwawakas ng iyong buhay ng pananampalataya sa Diyos, at ito ay pinupuri ng Diyos. Kaya nga, ang isang karamdaman ay maaaring magdulot sa iyo ng magandang wakas, o maaaring magdulot sa iyo ng masamang wakas; ang uri ng wakas na mararating mo ay nakasalalay sa landas na iyong sinusundan at sa iyong saloobin sa Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Napakalinaw na sinasabi ng Diyos kung paano dapat magsagawa ang mga tao at kung anong klase ng landas ang dapat nilang piliin kapag nahaharap sila sa sakit. Kapag nagkasakit ang isang tao, puwede siyang magpagamot, at hindi hinihiling ng Diyos na makita ang mga taong namumuhay sa gitna ng karamdaman habang nakakaramdam ng lungkot, pagkabalisa, at pag-aalala dahil sa kalusugan nila, lalong hindi Niya gustong makita ang mga tao na hindi naghahangad ni katiting na katotohanan gaya ni Pablo, walang katwiran na dapat ay tinataglay ng isang nilikha at ginagamit ang maraming taon ng pagtalikod at paggugugol bilang kapital para makipagtransaksyon sa Diyos kapag nahaharap sa mga pagsubok at paghihirap, humihingi sa Kanya ng korona ng katuwiran at kumakalaban at nagpoprotesta sa Kanya para lang maparusahan sa huli dahil sa paglaban sa Kanya. Ang inaasahan ng Diyos ay iyong magawa nating maging gaya ni Job kapag naharap tayo sa karamdaman, naninindigan sa posisyon natin bilang mga nilikha, tinatanggap at nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos nang walang sarili nating mga desisyon at paghingi. Sa ganitong paraan lang magkakaroon ng katwiran at pagkatao ang isang tao. Sa pagninilay-nilay ko sa aking sarili sa panahon ng mga pagsubok ng karamdamang ito, naging negatibo ako, puno ng mga maling pagkaunawa at pagrereklamo, sinasalungat ko pa nga ang Diyos at kinakalaban ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pamamatnugot Niya. Talagang masyado akong mapagmatigas at mapaghimagsik, at wala akong katwirang dapat ay taglay ng isang nilikha. Lumapit ako sa Diyos at nanalangin sa Kanya, “O Diyos, hindi ko hinangad ang katotohanan dati, palagi kong sinusubukang makipagtransaksyon sa Iyo para magkamit ng mga pagpapala. Ngayon, naunawaan ko na ang taimtim Mong layunin. Ginamit Mo ang karamdaman ko para dalisayin at baguhin ako, para baligtarin ang mga maling pananaw ko sa paghahangad. Handa akong magpasakop sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Bagaman wala ako ng pagkatao ni Job, handa akong sundan ang halimbawa niya at manindigan sa patotoo ko para sa Iyo. Kung magpapatuloy akong magrereklamo sa Iyo, hinihingi kong sumpain Mo ako.” Pagkatapos niyon, nagawa ko nang tingnan nang tama ang karamdaman ko. Umiinom ako ng gamot kapag kailangan na, at hindi na ako sobrang napipigilan ng kondisyon ko at nagagawa ko na nang normal ang tungkulin ko.

Kalaunan, pumunta ako sa ospital para sa isa pang check-up, at sinabi ng doktor na medyo napaaga ang unang diagnosis sa cirrhosis at na hindi masyadong lumaki ang mga bukol sa atay ko. Sinabihan ako ng doktor na bumalik para sa regular na check-up para tuluy-tuloy nilang maobserbahan ang paglaki ng mga bukol. Gayumpaman, dahil may record ako sa pulis dahil sa pananampalataya sa Diyos at hindi ko maipakita ang ID ko, hindi ko nagawang pumunta sa ospital sa loob ng mahigit tatlong taon para magpasuri. Sa simula ng taong ito, tinulungan ako ng isang sister na nagtatrabaho sa ospital para masuri ako. Nang lumabas na ang mga resulta ng pagsusuri, sinabi ng doktor na ang paggana ng atay ko, pati na rin ang iba’t ibang lebel, ay normal. Nang marinig ko ito, labis akong nagpasalamat sa Diyos.

Habang nararanasan ko ang mga pagbubunyag ng sakit na ito, bagaman masyado akong nagdusa, nagkamit ako ng kaunting pang-unawa tungkol sa motibo ko ng pagkamit ng mga pagpapala sa aking pananalig sa Diyos pati na rin sa aking satanikong disposisyon ng kalupitan. Sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, medyo nagbago ang mga maling pananaw ko sa aking pananalig sa Diyos. Ngayon, kahit na hindi pa ganap na magaling ang sakit ko, nagagawa kong magpakita ng kaunting katwiran at handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Nagawa kong magbago sa maliit na paraang ito pawang dahil sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply