Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 4 Ang mga Katotohanan Tungkol sa Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw

2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Panlulupig ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Nguni’t matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagka’t ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag-inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, kailangan ninyong malaman ang inyong katiwalian at karumihan, ang inyong pagkasuwail at pagiging makasalanan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga salitang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Nguni’t ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig na nagsisimula sa kasalukuyang gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. … Ang kahuli-hulihang yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik. Subali’t, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig—upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan—itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.

Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain na pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ng lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang resulta na makakamit sa gawaing panlulupig ay pangunahin upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon ay, upang makamtan ng isip ng tao ang panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasiya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi nakakapagtatakda kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang pag-iisip, kamalayan, at katinuan ng tao ay nagbabago-iyon ay, kapag ang iyong buong pangkaisipang saloobin ay nagbabago-na ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at pinagtibay na ang bagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga pagkaunawa o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang normal, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos ng buong puso mo-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa nasasakupan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi bahagya sa buong buhay nila, sinusupil ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit na nagdurusa at nagtitiis hanggang sa kanilang huling hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, binibigyang-diin lang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang katawan at iwaksi ang kanilang laman. Ang kanilang espiritu sa pagtitiis ng pagdurusa ay kapuri-puri. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga pagkaunawa, ang kanilang pangkaisipang saloobin, at ang kanilang lumang kalikasan—wala kahit isa sa mga ito ay pinakitunguhan sa paanuman. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pangkaisipan nilang larawan ng Diyos ay ang tradisyunal na isang abstrak, malabong Diyos. Ang kanilang pasiyang magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at mga positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila lang ay pikit-matang gumagawa at pikit-matang nagdurusa para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang pakialam kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay talagang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na larawan, kundi isang Diyos na sila mismo ang kumatha, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga kasulatan. Sa gayon, ginagamit nila ang kanilang mga buhay na buhay na imahinasyon at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at balikatin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay masyadong di-eksakto, sa gayon halos wala kahit isang totoong naglilingkod sa Diyos sa paraang nakatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pangkaisipang larawan ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdadaanan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang kapinuhan at pagperpekto, at dahil wala kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, wala kahit isa sa kanila ang nakakita kailanman sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng basta-bastang paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano sa bandang huli ang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula panimula hanggang katapusan, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago paanuman. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Jesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang nakatupad ng kalooban ng Diyos. Noon lamang nagtapos, sa kanyang katandaan, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong pagtatabas at wala kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang paglilingkod ng karamihan sa inyo ngayon ay kagaya nang sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng pagtatabas at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubusang nalupig? Anong silbi ng mga gayong tao? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit anumang pambihira sa iyong paglilingkod! Kung walang pangitain at walang bagong pag-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos sa gayon ay tulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-magiging maliit na halaga ito! Talagang dahil may kaunting patotoo sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, nagdurusa ang mga taong ito, nabibilanggo, at sa bawat sandali, nagtitiis sila, binibigyang-diin ang pag-ibig at kabaitan, at pinapasan ang kanilang krus. Sila ay sinisiraang-puri at itinatakwil ng mundo at nakakaranas ng lahat ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang katapusan, ngunit, sila ay hindi nalulupig at wala silang maibibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang napagdusahan, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala paanuman ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang mga pagkaunawa, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman ang tunay na larawan at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga pagkaunawa ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang pagkaunawa at lumang kaalaman na iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkakaroon ng bagong pagkaunawa. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago rin nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, kung gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang mga pagkaintindi ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging isang modelo at halimbawa at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging-mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang katayuan, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kung maisasakatuparan ang hakbang ng gawain na ito, kung gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang hakbang ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang pagkasuwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya, sila ay itinuturing na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay nalupig na sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang mabuting bagay na aasahan. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang habulin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, kundi ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Ibig sabihin, nakakamit ng gawain ng panlulupig ang epekto nito sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao at paghatol at pagkastigo sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito nakakamit sa paggawa ng isang pakikitungo sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga pagpapala at biyaya, kundi sa pamamagitan ng paghahayag ng katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kanyang “kalayaan” at pagsira sa kanyang mga pagkakataon. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa pinakasimula, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga pagkakataon, at sa katapusan, ang walang-kundisyong pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng lahat ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lamang ng bulag, walang-muwang na pagsunod, o kung hindi ang tao ay gagawa ng bulag na mga paghingi sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni, higit pa rito, magdala ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makakaganap ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, kundi habag at pagpapala. Ang pinakamalaking suliranin sa tao ay yaong wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga pagkakataon, na iniidolo niya ang mga iyon. Hinahabol ng tao ang Diyos alang-alang sa kanyang kapalaran at mga pagkakataon; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging-makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis na lahat. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay makakamit. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, kailangan na alisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at baguhin ang kanyang kaalaman tungkol sa buhay ng tao, ang kanyang pananaw sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay nalilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalulupig. Ngunit sa Kanyang saloobin tungo sa lahat ng nilalang, hindi nanlulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay nanlulupig upang tamuhin ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay manlulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ibig sabihin niyan ay kung, pagkatapos ng panlulupig sa tao, pinabayaan na ng Diyos ang tao, at hindi na nakialam sa kanyang buhay o kamatayan, kung gayon hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng paglupig sa kanya at ang kanyang pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan sa kahuli-hulihan ang nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang magkakamit ng mithiin na kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok tungo sa kapahingahan ang mga pagkakataon na dapat maangkin ng lahat ng nilalang, at ang gawain na dapat gawin ng Lumikha.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang yugto ng mga huling araw, kung saan malulupig ang tao, ay ang huling yugto sa pakikipagdigma kay Satanas, at ang gawain din ng ganap na pagliligtas sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng pagsasakatawan ni Satanas, ang tao na nagawang tiwali ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng paglupig sa kanya, kung saan sa pamamagitan nito ay tatalikdan niya si Satanas at lubusang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa digmaan laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawaing ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa kahuli-hulihan ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makakalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi matatapos bago ang pakikipagdigma kay Satanas ay natatapos, sapagkat ang ubod ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng pagliligtas sa tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto ng buong pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang maagaw siya mula sa mga kamay ni Satanas, ibig sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos ng pagkabihag ni Satanas. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao, mga pagbabagong nagpapanumbalik sa kanyang orihinal na katinuan, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaagaw pang muli mula sa mga kamay ni Satanas. Kung napapalaya ang tao mula sa impluwensya at pagkagapos ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng buong labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanang ito, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makukumpleto na.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawaing panlulupig na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan: Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila’y maging perpekto para maging pangkat ng mga mananagumpay, bilang ang unang pangkat ng mga tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang dako, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na matamasa ang pag-ibig ng Diyos, matanggap ang pinakadakilang pagliligtas ng Diyos, at matanggap ang buong pagliligtas ng Diyos, upang matamasa ng tao hindi lamang ang awa at kabaitan, kundi ang mas mahalaga ay ang pagkastigo at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na iyong nakita na ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig; umaakay ang pag-ibig na ito sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao. Sa pangatlong banda, ito ay magpapatotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang nagawa na ay para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pag-akay, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Kabuluhan ng Gawain ng mga Salita ng Diyos

Sumunod:Ang Kabuluhan ng Gawain ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin