Tanong 1: Hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit napakatindi ng pagtutol do’n ng CCP? Bakit galit din ’yong tinutuligsa ng mga pinuno ng relihiyon? Hindi sa hindi pa inusig ng CCP ang mga pastor at elder. Pero pagdating sa Kidlat ng Silanganan, bakit pwedeng pareho ang opinyon at saloobin ng CCP at ng mga pastor at elder na naglilingkod sa Diyos? Ano ba talaga ang dahilan no’n?

Sagot: Sabi sa Biblia: “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19). Sabi rin ng Panginoong Jesus: “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). Kung gano’n, gaano pala kadilim at kasama ang mundong ito? Sa Kapanahunan ng Biyaya, alang-alang sa pagtubos sa sangkatauhan, ang Panginoong Jesus sa katawang-tao ay ipinako sa krus ng mga relihiyoso at pinuno noong panahong ’yon. Sa mga huling araw, ang pagpapahayag ng katotohanan at paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay tinuligsa ng mga relihiyoso at CCP at tinanggihan sa panahong ito. Tinutupad no’n ang salita ng Panginoong Jesus na: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Natupad din sa wakas ang propesiyang ito ng Panginoong Jesus. Dapat malinawan ng lahat na nagugutom sa pagpapakita ng Diyos na dumating na ang Panginoon at gumagawa ng paghatol sa mga huling araw. Natupad na ang propesiya ng Panginoong Jesus. Hindi pa rin ba ’yan malinaw na nakikita ng mga tao? Ang mga ateistang rehimen at halos lahat ng pinuno ng relihiyon ay mga pwersa ni Satanas na galit sa Diyos at sa katotohanan. Ang puntong ’yon ay mapapatunayan sa nangyari sa pagpapapako sa Panginoong Jesus sa krus. Kung gano’n, basta’t ’yon ang tunay na daan, tiyak na tatanggihan ’yon ng mga ateista at ng mga relihiyoso. At siguradong huhulihin at pahihirapan ang mga nangangaral ng tunay na daan at umaayon sa katotohanan. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan, alam niyo na Ako’y unang kinapootan nito bago kayo. Kung kayo’y sa sanlibutan, ay iibigin ng sanlibutan ang sa kanya: ngunit sapagkat kayo’y hindi sa sanlibutan, kundi kayo’y hinirang Ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan(Juan 15:18–19). Dahil diyan, sa buong kasaysayan, ang tanging mga maaaring tumanggap sa tunay na daan at sumunod sa iisang tunay na Diyos, ay yaong iilan na tunay na nagmamahal at naghahanap sa katotohanan samantalang ang iba, dahil sinusunod nila’ng pwersa ni Satanas, o dahil takot silang usigin, takot silang hanapin ang tunay na daan, at nawawalan sila ng pagkakataong maligtas ng Diyos. Kaya binalaan ng Panginoong Jesus ang tao: “Pumasok ka sa makipot na pintuan: dahil maluwang ang pintuan, at malapad ang patungo sa kapahamakan, at marami ang doo’y nagsisipasok: Dahil makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakasumpong no’n(Mateo 7:13–14).

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Sinundan: Tanong 8: Sabi mo, hindi talaga nagsisi si Pablo kailanman. Pero sabi ni Pablo, ang nabuhay siya na parang Cristo. Pa’no mo iinterpretahin ’yan?

Sumunod: Tanong 2: Kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, papa’no niyo ’yon patutunayan? Nananalig tayo sa Panginoong Jesus dahil may kakayahan Siyang iligtas tayo, pero ano ang patunay niyong ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito