933 Hangarin Mong Maging Isang Taong Tunay na Sumasamba sa Diyos

1 Ang hangaring maging mga taong tapat na sumasamba sa Diyos ang pananaw na dapat taglay natin. Ang hindi na paglaban sa Diyos, ang hindi na Siya gawing nasusuklam, ang hindi na Siya gawing nababagot at laging galit sa atin, ang aliwin ang puso Niya, at ang maging mga taong tunay na sinasamba ang Diyos gaya ng ginawa ni Abraham—ang mga ito ang bumubuo ng pananaw na dapat taglay natin. Kapag mayroon kang ganitong pananaw at ganitong uri ng pag-iisip na malalim na nakatanim sa isip mo, at kapag naghahanap ka nang naaayon sa mga ito, mas hindi ka matutukso at masisilaw ng makamundong kayamanan, katayuan, at reputasyon.

2 Kapag inilalagay mo ang lahat ng iyong pagsusumikap at karanasan tungo sa pagtatamo ng ganitong pananaw, nang hindi mo namamalayan, ang mga salita ng Diyos ay magiging mga panloob mong kasabihan at batayan ng iyong pananatiling buhay, ang mga salita Niya ay magiging buhay mo, at sa loob mo, ang mga ito ang magiging landas mo sa buhay. Sa sandaling iyon, hindi na magiging mahalaga sa iyo ang mga makamundong bagay. Kaya, ang pananaw sa buhay na dapat mayroon ang isang tao ay ang maghangad na maging isang taong may katotohanan at pagkatao, isang tao na may konsensya at katwiran at sumasamba sa Diyos; iyon ay, maging isang tunay na tao—ito ang pinakawastong paghahangad.

Hango sa “Ano ang Pagbabago ng Disposisyon at ang Landas tungo sa Pagbabago ng Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan: 931 Ibaling Mo ang Puso Mo sa Diyos Upang Madama ang Pagiging Kaibig-ibig Niya

Sumunod: 934 Kailangan Mong Hangarin ang Kalooban ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito