547 Inililigtas ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Katotohanan

1 Lahat ng bagay na dumarating sa bawa’t araw, malaki man o maliit, na kayang yumanig sa iyong pagpapasya, sakupin ang iyong puso, o paghigpitan ang iyong kakayahang gawin ang iyong tungkulin at ang iyong pasulong na pag-unlad ay nangangailangan ng masigasig na pakikitungo; dapat mong suriin nang mabuti ang mga iyon at hanapin ang katotohanan. Lahat ng bagay na ito ay nangyayari sa loob ng dako ng karanasan. Bumibitiw sa kanilang mga tungkulin ang ilang tao kapag sumasapit sa kanila ang negatibong kaisipan, at sa bawa’t dagok ay wala silang kakayahang tumayong muli. Lahat ng taong ito ay mga hangal na hindi nagmamahal sa katotohanan, at hindi nila ito makakamtan kahit pa buong buhay silang manampalataya. Paano makasusunod hanggang katapusan ang mga hangal na ito?

2 Ang matatalinong tao at yaong may totoong kakayahan na nakakaunawa sa espirituwal na mga bagay ay mga naghahanap ng katotohanan; kung may mangyari man sa kanila nang sampung beses, marahil sa walo sa mga kasong iyon, magagawa nilang magkamit ng kaunting inspirasyon, matuto ng kaunting aral, magtamo ng kaunting kaliwanagan, at makagawa ng kaunting pagsulong. Kapag nabigo ang isang hangal na hindi nakauunawa sa mga espirituwal na bagay at nadapa nang sampung beses, hindi pa rin sila nagigising, at hindi rin nila hinahanap ang katotohanan upang makita ang ugat ng problema. Kahit gaano pa kadalas makinig sa mga sermon ang ganoong uri ng tao, hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan—wala na silang pag-asa. Sa tuwing sila ay madadapa, kailangan nila ng ibang tao upang tulungan silang tumayo at hikayatin sila. Ang mga taong ito ay walang silbi, at hindi sila inililigtas ng Diyos.

3 Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay pagliligtas sa mga nagmamahal sa katotohanan, pagliligtas sa bahagi nila na may kalooban at kapasyahan, at sa bahagi nila na naghahangad sa katotohanan at katuwiran sa kanilang puso. Ang kapasyahan ng isang tao ay ang bahagi nila sa kanilang puso na naghahangad sa katuwiran, kabutihan, at katotohanan, at nagtataglay ng konsiyensya. Inililigtas ng Diyos ang bahaging ito ng mga tao, at sa pamamagitan nito, binabago Niya ang kanilang tiwaling disposisyon, upang maunawaan at makamit nila ang katotohanan, upang malinis ang kanilang katiwalian, at mabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kung walang pagmamahal sa katotohanan o paghahangad sa pagiging matuwid at liwanag sa kaibuturan ng mga tao, kung gayon ay walang paraan upang sila ay maligtas.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 546 Gusto ng Diyos ang mga Naghahangad ng Katotohanan

Sumunod: 548 Gusto ng Diyos Yaong May Pagpapasiya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito