56 Pagbabalik

1 Bago ang Iyong pagbaba, mag-isa akong tumangis sa kadiliman at sakit. Bago ang Iyong pagbaba, ako, na mapagmataas, ay nakibaka sa maputik na tumpok ng dumi. Bago ang Iyong pagbaba, ako, na nagpakababa, ay nagmakaawa sa gitna ng mga demonyo at halimaw. Bago ang Iyong pagbaba, ipinagbili ko ang puso ko sa hari ng mga diyablo at niyurakan nito. Nawalan ako ng pag-asa, desperadong umaasa sa pagbabalik ng Jesus na Tagapagligtas. Ang Kidlat ay nagmula sa Silangan, at nakita ko na ang Iyong mga salita ay ang pagpapakita ng tunay na liwanag. Narinig ko ang Iyong tinig at bumalik sa harapan ng Iyong trono, nagkakamit ng bagong buhay.

2 Ang Iyong mga salita ay tulad ng matalim na espada; hinahatulan at nilalantad ng mga ito ang aking satanikong kalikasan. Ang Iyong diwa ay kabanalan; inihahayag nito ang aking hindi matiis na karumihan, ang aking kawalang-halaga at kababaan. Ang Iyong disposisyon ay pagiging matuwid; umuusbong sa loob ko ang paggalang sa Iyo at hindi na ako mangangahas na labanan Kang muli. Ang Iyong paghatol ay pag-ibig, lubusang nililinis ang aking tiwaling disposisyon. O, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang nagliligtas sa amin mula sa kadiliman upang mamuhay sa liwanag. Ikaw si Cristo, ang Tagapagligtas; ang Iyong mga salita ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ikaw ang gumagawa upang iligtas ang sangkatauhan, inihahatid sa amin ang landas ng buhay na walang- hanggan.

Ang Iyong mga salita ang naglilinis at nagliligtas sa akin, dinadala ako sa landas ng liwanag sa buhay. O, Makapangyarihang Diyos! Ang Iyong kabanalan at pagiging matuwid ay nararapat sa walang-hanggang papuri ng sangkatauhan. Naniniwala kami sa Iyo, sumusunod sa Iyo, at nagpapatotoo sa Iyo. Ito ang aming sinumpaang tungkulin. O, Makapangyarihang Diyos! Gaano karami at iba-iba ang Iyong pagiging kaibig-ibig! Palagi Ka naming mamahalin at pupurihin.

Sinundan: 55 Mapalad Tayong Makasalubong sa Pagdating ng Diyos

Sumunod: 57 Ang Diyos ay Nasa Puso Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito