55 Mapalad Tayong Makasalubong sa Pagdating ng Diyos

Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,

naririnig natin ang Kanyang tinig.

Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,

dumadalo tayo sa piging ng Cordero.

Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,

kilala natin ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao.

Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,

nakikita natin mga gawa Niyang kahanga-hanga.

Nauunawaan natin ang hiwaga ng buhay ng tao,

mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamamahal.

Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos,

at nabubuhay tayo sa Kanyang harapan,

di na naghahanap kung saan-saan.

Habang nararanasan natin paghatol ng Diyos,

kahit tayo’y magdusa, tayo’y nalilinis.

Nakakamit natin ang katotohanan

at ang daan ng buhay na walang hanggan.

Sa patuloy na pagmamahal sa Diyos,

di tayo kailanman manghihinayang.


Pinagpala ang buhay na ito,

tayo’y nagiging mga taong nagmamahal sa Diyos.

Pinagpala ang buhay na ito, tayo’y pinupuri ng Diyos.

Pinagpala ang buhay na ito,

matutupad natin ating tungkulin at magpapatotoo sa Diyos.

Pinagpala ang buhay na ito,

pagpapatuloy sa katotohanan ang pinakamakabuluhan.

Sino kaya ang mas pinagpala? Sino kaya ang mas mapalad?

Ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ang buhay at katotohanan,

dapat tayong mabuhay para sa Diyos.

Dapat tayong mabuhay para sa Diyos.

Dapat tayong mabuhay para sa Diyos.

Nakakamit natin ang katotohanan at magpapatotoo

sa Diyos upang magantihan pag-ibig ng Diyos.

Sinundan: 54 Ang Pananabik ng Puso Ko

Sumunod: 56 Pagbabalik

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito