26. Paano lutasin ang problema ng mapagmatigas na disposisyon

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Anong uri ng kalagayan ang nasa loob ng mga tao kapag mayroon silang mapagmatigas na disposisyon? Pangunahin na matigas ang kanilang ulo at inaakala nilang mas matuwid sila kaysa sa iba. Palagi silang kumakapit sa sarili nilang mga ideya, palagi nilang iniisip na tama ang kanilang sinasabi, ganap silang nagmamatigas, at hindi nagbabago ang kanilang pananaw. Ito ang saloobin ng pagiging mapagmatigas. Para silang sirang plaka, hindi nakikinig kaninuman, nananatiling hindi nagbabago ang landas ng pagkilos, ipinipilit na magpatuloy rito, tama man ito o mali; may kaunting kawalan ng pagsisisi rito. Gaya nga ng kasabihan, “Hindi takot sa kumukulong tubig ang mga patay na baboy.” Alam na alam ng mga tao kung ano ang tamang gawin, pero hindi nila ito ginagawa, matatag nilang tinatanggihang tanggapin ang katotohanan. Isa itong uri ng disposisyon: ang pagiging mapagmatigas. Sa anu-anong uri ng sitwasyon ka naghahayag ng mapagmatigas na disposisyon? Madalas ka bang mapagmatigas? (Oo.) Napakadalas! At dahil disposisyon mo ang pagiging mapagmatigas, kasama mo ito sa bawat segundo ng bawat araw ng iyong pag-iral. Pinipigilan ng pagiging mapagmatigas ang mga tao na makaharap sa Diyos, pinipigilan sila nito na magawang tanggapin ang katotohanan, at pinipigilan sila nito na makapasok sa katotohanang realidad. At kung hindi ka makapapasok sa katotohanang realidad, magkakaroon ba ng pagbabago sa aspektong ito ng iyong disposisyon? Kapag may matinding paghihirap lang. Mayroon na ba ngayong anumang pagbabago sa aspektong ito ng inyong mapagmatigas na disposisyon? At gaano kalaking pagbabago na ang nangyari? Sabihin, halimbawa, na dati ay napakatigas ng iyong ulo, pero may kaunti nang pagbabago sa iyo ngayon: Kapag nahaharap ka sa isang isyu, may kaunti kang konsiyensiya sa iyong puso, at sinasabi mo sa iyong sarili, “Kailangan kong magsagawa ng kaunting katotohanan sa bagay na ito. Dahil inilantad na ng Diyos ang mapagmatigas na disposisyong ito—dahil narinig ko na ito, at alam ko na ito ngayon—kailangan ko nang magbago, kung gayon. Nang ilang beses akong maharap sa ganitong mga uri ng mga bagay noon, pinagbigyan ko ang aking laman at nabigo ako, at hindi ako masaya rito. Sa pagkakataong ito, kailangan kong isagawa ang katotohanan.” Kapag may ganitong pagnanais, posibleng maisagawa ang katotohanan, at ito ay pagbabago. Kapag matagal-tagal ka nang may karanasan sa ganitong paraan, at kaya mong isagawa ang mas marami pang katotohanan, at nagdudulot ito ng mas malalaking pagbabago, at nababawasan nang nababawasan ang pagbubunyag ng iyong mapagrebelde at mapagmatigas na mga disposisyon, nagkaroon na ba ng pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay? Kung nakikita nang mas nababawasan ang iyong mapagrebeldeng disposisyon, at nagiging mas mapagpasakop ka na sa Diyos, nagkaroon na ng totoong pagbabago. Kaya, hanggang sa anong antas mo kailangang magbago para matamo mo ang tunay na pagpapasakop? Nagtagumpay ka na kapag wala ni katiting na pagmamatigas, kundi pagpapasakop lamang. Isa itong mabagal na proseso. Hindi nangyayari sa isang magdamag lang ang mga pagbabago sa disposisyon, inaabot ito ng mahahabang panahon ng karanasan, maging ng habambuhay. Kung minsan, kinakailangang magdusa ng maraming matinding paghihirap, mga paghihirap na kagaya ng pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli, mga paghihirap na mas masakit at mas mahirap pa kaysa sa pagtatanggal ng lason mula sa iyong mga buto.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili

Kapag ang isang tao ay naghayag ng kayabangan, panlilinlang, at pagkukunwari sa harap ng Diyos, mayroon ba silang anumang kamalayan sa mga ito sa kaibuturan ng kanilang puso? (Oo.) Kapag mayroon silang ganitong kamalayan, ano ang ginagawa nila rito? Pinipigilan ba nila ang kanilang mga sarili? Umiiwas ba sila? Nagninilay ba sila sa kanilang mga sarili? (Hindi.) Anong uri ng disposisyon mayroon ang isang tao kapag alam na niyang nagpakita siya ng isang mapagmataas na disposisyon ngunit hindi pa rin siya nagninilay o sumusubok na kilalanin ang kanyang sarili, at kung may magturo sa kanya nito, hindi pa rin niya ito tatanggapin at sa halip ay susubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya? (Pagiging mapagmatigas.) Tama, ito ay pagiging mapagmatigas. Paano man naipapakita sa harap ng ibang tao ang ganitong uri ng pagiging mapagmatigas, at anuman ang mga konteksto kung saan ang gayong pag-uugali ay nahahayag, ang taong ito may mapagmatigas na disposisyon. Gaano man katuso at mapagbalat-kayo ang mga tao, ang mapagmatigas na disposisyong ito ay madaling malantad. Dahil ang mga tao ay hindi nabubuhay sa gitna ng kawalan, at kahit na sila ay nasa harap ng ibang tao o hindi, lahat ng tao ay nabubuhay sa harap ng Diyos, at ang bawat tao ay nasa ilalim ng pagsisiyasat ng Diyos. Kung ang isang tao ay karaniwang matigas ang ulo, imoral, walang pagpipigil, at may ganitong mga hilig, at may mga ganitong pagbubunyag ng katiwalian, at kung, kahit na nararamdaman nila ito, hindi sila tumalikod, at kapag nakilala nila ito, hindi sila nagsisi, binuksan ang sarili sa pagbabahagi, o hinanap ang katotohanan upang malutas ang problemang ito, ito ay pagiging mapagmatigas. Sa usapin ng mga pagpapamalas ng pagiging mapagmatigas, may dalawang magkaibang uri: “pagmamatigas” at “katigasan.”[a] Ang ibig sabihin ng “pagmamatigas” ay pagiging napakatigas ng ulo, hindi nagbabago ng isip, at hindi lumalambot. Nangangahulugan ang “katigasan” na ang ibang mga tao ay hindi nangangahas na labanan ito, at nasasaktan sila kapag ginawa nila ito. Kadalasan, ayaw makipag-ugnayan ng mga tao sa mga taong may mapagmatigas na disposisyon, tulad din ng pagkaayaw ng mga tao na makabangga ng matitigas na bagay at hindi komportable kapag ginawa nila ito; gusto ng mga tao ang malalambot na bagay, ang yari sa malalambot na bagay ay nagpapaginhawa sa pakiramdam ng mga tao, at nagdudulot ito ng kasiyahan sa kanila, habang ang pagmamatigas ay ang eksaktong kabaligtaran. Ang pagmamatigas ay ginagawa ang mga taong magpamalas ng isang pag-uugali, at ang pag-uugaling ito ay pagmamatigas at katigasan ng ulo. Anong disposisyon ang umiiral dito? Ito ay ang mapagmatigas na disposisyon. Nangangahulugan ito na, kapag ang isang tao ay naharap sa isang bagay, bagama’t alam niyang ang kanyang ugaling ito ay hindi maganda at hindi tama, nauudyukan siya ng kanyang mapagmatigas na disposisyon na isiping, “Ano ngayon kung may makaalam? Ganito ako!” Anong klaseng pag-uugali ito? Itinatanggi nila ang isyu, hindi nila iniisip na ang pag-uugaling ito ay masama, o mapaghimagsik laban sa Diyos, na ito ay nagmumula kay Satanas, o na ito ay isang pagbubunyag ng disposisyon ni Satanas; hindi nila nadarama o natatanto kung paano ito nakikita ng Diyos at kung paano ito kinasusuklaman ng Diyos—ganiyan katindi ang problemang ito. Ang disposisyon ba ng pagiging mapagmatigas ay mabuti o masama? (Ito ay masama.) Ito ay isang satanikong disposisyon. Ginagawa nitong mahirap para sa mga tao na tanggapin ang katotohanan, at lalo pang pinahihirap nito na sila ay magsisi. Ang lahat ng satanikong disposisyon ay negatibong bagay, lahat ng mga ito ay kinasusuklaman ng Diyos, at wala sa mga ito ang positibong bagay.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “may dalawang magkaibang uri: ang ‘pagmamatigas’ at ‘katigasan.’”


Ang isa pang pangunahin ay isang bagay na umiiral sa disposisyong diwa ng bawat tao: pagmamatigas. Namamalas din ito nang medyo kongkreto at malinaw, hindi ba? (Oo nga.) Ito ang dalawang pangunahing paraan ng pagpapamalas at pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang partikular na mga pag-uugaling ito, ang partikular na mga pananaw at saloobing ito, at iba pa, ay tunay at tumpak na naglalarawan na may elemento ng pagiging tutol sa katotohanan sa loob ng tiwaling disposisyon ng tao. Siyempre pa, ang mas kitang-kita sa disposisyon ng tao ay ang mga pagpapamalas ng pagmamatigas: Anumang sabihin ng Diyos, at anumang mga tiwaling disposisyon ng tao ang malantad habang ginagawa ang gawain ng Diyos, matigas na tumatanggi ang mga tao na kilalanin ito at nilalabanan nila ito. Bukod pa sa malinaw na paglaban o mapanghamak na pagtanggi, mayroon, siyempre, ng isa pang uri ng pag-uugali, na kapag walang pakialam ang mga tao sa gawain ng Diyos, na para bang ang gawain ng Diyos ay walang kinalaman sa kanila. Ano ang ibig sabihin ng walang pakialam ang isang tao sa Diyos? Ito ay kapag sinasabi ng isang tao, “Sabihin Mo ang gusto Mong sabihin—wala itong kinalaman sa akin. Wala sa Iyong mga paghatol o paglalantad ang may anumang kinalaman sa akin. Hindi ko ito tinatanggap o kinikilala.” Maaari ba nating tawagin ang gayong saloobin na “pagmamatigas”? (Oo.) Pagpapamalas ito ng pagiging mapagmatigas. Sinasabi ng mga taong ito, “Namumuhay ako kung paano ko gusto, kung saan man ako komportable, at sa kung ano mang paraan ang nagpapaligaya sa akin. Ang mga pag-uugaling binabanggit Mo tulad ng kayabangan, panlilinlang, pagiging tutol sa katotohanan, kabuktutan, kalupitan, at iba pa—kahit mayroon nga ako ng mga ito, ano naman ngayon? Hindi ko susuriin ang mga ito, o kikilalanin, o tatanggapin ang mga ito. Ganito ako naniniwala sa Diyos, may magagawa Ka ba?” Isang saloobin ito ng pagmamatigas. Kapag walang pakialam ang mga tao sa mga salita ng Diyos o hindi sila nakikinig sa mga iyon, na ibig sabihin ay pare-pareho nilang binabalewala ang Diyos, anuman ang Kanyang sabihin, nangungusap man Siya sa anyo ng mga paalala o babala o pangaral—ano mang paraan ng pagsasalita ang gamitin Niya, o ano ang pinagmumulan at mga mithiin ng Kanyang pananalita—ang kanilang saloobin ay pagmamatigas. Ibig sabihin nito ay hindi nila pinakikinggan ang apurahang layunin ng Diyos, lalo na ang Kanyang taos at mabuting hangarin na iligtas ang tao. Anuman ang gawin ng Diyos, walang determinasyon ang mga tao na makipagtulungan at ayaw nilang magpunyagi tungo sa katotohanan. Kahit kinikilala nila na lubos na totoo ang paghatol at paghahayag ng Diyos, walang pagsisisi sa kanilang puso, at patuloy lang silang naniniwala tulad ng dati. Sa huli, kapag narinig na nila ang maraming sermon, gayon din ang sinasabi nila: “Isa akong tunay na mananampalataya, ano’t anuman, hindi masama ang pagkatao ko, hindi ako sadyang gagawa ng masama, nagagawa kong talikuran ang mga bagay-bagay, kakayanin ko ang hirap, at handa akong magsakripisyo para sa aking pananampalataya. Hindi ako pababayaan ng Diyos.” Hindi ba’t katulad lamang ito ng pagkasabi ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran”? Iyan ang uri ng saloobing taglay ng mga tao. Ano ang disposisyon sa likod ng gayong saloobin? Pagiging mapagmatigas.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 1

Kung may konsensiya at katwiran ang mga tao, at nananabik sila sa katotohanan, ngunit hindi nila kailanman alam na magnilay-nilay sa sarili at magbago pagkatapos makagawa ng mga pagkakamali, sa halip ay naniniwalang ang nakaraan ay nakalipas na at nakatitiyak silang hindi sila mali, anong uri ng disposisyon ang ipinakikita nito? Anong uri ng pag-uugali? Ano ang diwa ng gayong pag-uugali? (Ang pagiging mapagmatigas.) Ang gayong mga tao ay mapagmatigas at, kahit anong mangyari, iyon ang landas na kanilang susundan. Hindi gusto ng Diyos ang ganitong mga tao. Ano ang sinabi ni Jonas nang ipahayag niya ang mga salita ng Diyos sa mga taga-Ninive? (“Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak” (Jonas 3:4).) Ano ang reaksyon ng mga taga-Ninive sa mga salitang ito? Nang makita nilang lilipulin sila ng Diyos, nagmadali silang magbihis ng sako at maglagay ng abo, ikumpisal ang kanilang mga kasalanan sa Kanya, at lisanin ang landas ng kasamaan. Ito ang ibig sabihin ng pagsisisi. Kung nagagawa ng taong magsisi, nagbibigay ito sa tao ng napakalaking pagkakataon. Anong pagkakataon iyon? Ito ay ang pagkakataong patuloy na mabuhay. Kung walang totoong pagsisisi, magiging mahirap na sumulong, maging ito man ay sa pagganap mo ng tungkulin o sa paghahangad mo ng kaligtasan. Sa bawat yugto—dinidisiplina o itinutuwid ka man ng Diyos, o kapag pinapaalalahanan ka Niya at pinapayuhan—hangga’t may hidwaang naganap sa pagitan mo at ng Diyos, ngunit hindi ka nagbabago, at patuloy kang kumakapit sa mga sarili mong ideya, pananaw, at saloobin, kahit pa ang mga hakbang mo ay pasulong, ang hidwaan sa pagitan mo at ng Diyos, ang iyong mga maling pagkaunawa sa Kanya, ang iyong mga reklamo at paghihimagsik laban sa Kanya ay hindi naitatama, at ang iyong puso ay hindi nagbabago. Ang Diyos kung gayon, sa Kanyang bahagi, ay ititiwalag ka. Bagama’t hindi mo pa tinatalikuran ang tungkuling hawak mo, at ginagampanan mo pa rin ang iyong tungkulin at may kaunting katapatan ka pa rin sa naiatas ng Diyos, at nakikita ng mga tao na katanggap-tanggap ito, ang alitan sa pagitan mo at ng Diyos ay may permanenteng buhol na. Hindi mo ginamit ang katotohanan para lutasin ito at magtamo ng tunay na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos. Dahil dito, lumalim ang maling pagkaunawa mo sa Diyos, at palagi mong iniisip na mali ang Diyos at hindi makatarungan ang nagiging pagtrato sa iyo. Nangangahulugan itong hindi ka pa nagbabago. Nananaig pa rin ang iyong paghihimagsik, ang iyong mga kuru-kuro, at ang iyong maling pagkaunawa sa Diyos, na nagdudulot sa iyo na magkaroon ng mentalidad ng hindi pagpapasakop, na laging maghimagsik at lumaban sa Diyos. Hindi ba’t ito ang uri ng tao na naghihimagsik sa Diyos, lumalaban sa Diyos, at matigas na tumatangging magsisi? Bakit gayon na lang ang pagpapahalaga ng Diyos sa pagbabago ng mga tao? Anong saloobin ang dapat mayroon ang isang nilikha sa Lumikha? Ang saloobing kumikilala na ang Lumikha ay tama, anuman ang Kanyang gawin. Kung hindi mo ito kikilalanin, na ang Lumikha ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, magiging mga hungkag na salita lamang ang mga ito sa iyo. Kung gayon nga, makakamit mo pa rin ba ang kaligtasan? Hindi. Hindi ka magiging karapat-dapat; hindi inililigtas ng Diyos ang mga taong katulad mo.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos 3

May mga tao na laging napipigil ng mga paglabag nila dati, at iniisip nila na, “Hindi posibleng mapatawad ng Diyos ang anumang bagay na lumalabag sa Kanyang disposisyon. Matagal na akong itinataboy ng Diyos, at wala nang silbi pang hangarin ko ang katotohanan.” Anong klaseng saloobin ito? Tinatawag itong paghihinala at maling pagkaunawa sa Diyos. Sa katunayan, kahit bago ka pa gumawa ng anumang bagay na lumalabag sa disposisyon ng Diyos, wala nang galang, wala nang pagpipitagan, at pabasta-basta na ang saloobin mo sa Kanya, at hindi mo pinakitunguhan ang Diyos bilang Diyos. Nabubunyag ng mga tao ang mga satanikong disposisyon dahil sa isang sandali ng kamangmangan o pagiging padalos-dalos, at kung walang magdidisiplina o pipigil sa kanila, nakagagawa sila ng mga paglabag. Matapos magkaroon ng mga kahihinatnan ang mga paglabag nila, hindi nila alam kung paano magsisi pero hindi sila mapakali. Nag-aalala sila sa kahihinatnan nila sa hinaharap at sa kahahantungan nila, at kinikimkim nila ang lahat ng ito sa mga puso nila, laging iniisip na, “Tapos at wasak na ako, kaya ituturing ko na lang ang sarili ko na wala nang pag-asa. Kung isang araw ay ayaw na ng Diyos sa akin at kinamumuhian na Niya ako nang lubos, ang pinakamasamang bagay na mangyayari sa akin ay ang mamatay. Ipinapaubaya ko na ang sarili ko sa pamamatnugot ng Diyos.” Sa panlabas ay sinasabi nilang ipinapaubaya nila ang kanilang sarili sa ilalim ng pamamatnugot ng Diyos at nagpapasakop sila sa Kanyang mga pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan, pero ano ba ang talagang kalagayan nila? Ito ay paglaban, pagmamatigas, di-pagsisisi. Ano ang ibig sabihin ng di-pagsisisi? Nangangahulugan itong kumakapit sila sa mga ideya nila, hindi naniniwala o tumatanggap sa anumang sinasabi ng Diyos, laging iniisip na, “Ang mga salita ng Diyos ng pangangaral at kaaliwan ay hindi para sa akin, kundi para sa ibang tao. Tungkol naman sa akin, ako ay tapos na, tinanggal na ako, wala akong halaga—matagal na akong sinukuan ng Diyos, at kahit na gaano man ako umamin sa mga kasalanan ko, manalangin, o humagulgol sa pagsisisi, hindi na Niya ako bibigyan pa ng isang pagkakataon.” Anong saloobin ito, kapag sinusukat at pinagdududahan nila ang Diyos sa mga puso nila? Saloobin ba ito ng pag-amin at pagsisisi? Kitang-kita namang hindi. Ang ganitong uri ng saloobin ay kumakatawan sa isang klase ng disposisyon—ang pagmamatigas, matinding pagmamatigas. Sa panlabas ay mukha silang talagang nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, walang pinakikinggan, nauunawaan ang bawat doktrina subalit walang isinasagawang anuman. Sa katunayan, mayroon silang mapagmatigas na disposisyon. Sa perspektiba ng Diyos, ang pagiging mapagmatigas ba ay pagpapasakop o pagrerebelde? Ito ay malinaw na pagrerebelde. Gayunman, pakiramdam nila ay lubha silang nagawan ng mali, “Dati ay mahal na mahal ko ang Diyos, pero hindi Niya mapalampas ang isang maliit na pagkakamaling nagawa ko, at ngayon ay wala na akong kahihinatnan. Hinatulan na ng Diyos ang mga taong gaya ko. Ako si Pablo.” Sinabi ba ng Diyos na ikaw si Pablo? Hindi iyon sinabi ng Diyos. Sinasabi mong ikaw si Pablo—saan galing ito? Sinasabi mong papatayin ka ng Diyos, parurusahan, at ipapadala sa impiyerno. Sino ang nagpasya sa kahihinatnang ito? Malinaw na ikaw mismo ang nagpasya nito, sapagkat hindi kailanman sinabi ng Diyos na ipapadala ka sa impiyerno kapag tapos na ang Kanyang gawain, at na hindi ka makakapasok sa kaharian ng langit. Hangga’t hindi sinasabi ng Diyos na itinataboy ka Niya, mayroon kang pagkakataon at karapatang hangarin ang katotohanan, at dapat mo lang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Dapat kang magkaroon ng ganitong uri ng saloobin, sapagkat ito ang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan at sa pagliligtas ng Diyos, at ng tunay na pagsisisi. Lagi kang kumakapit sa mga sarili mong kuru-kuro, imahinasyon, at maling pagkakaunawa; puno at okupado ka na ng mga bagay na ito, at nakapagpasya ka pa nga na hindi ka ililigtas ng Diyos, at pagkatapos ay nagkaroon ka ng isang takbo ng pag-iisip na pabasta-basta sa pagganap mo ng iyong tungkulin, isang takbo ng pag-iisip na ipinapalagay na wala ka nang pag-asa, isang takbo ng pag-iisip na negatibo at pasibo, isang takbo ng pag-iisip na mabuhay na lang araw-araw, isang takbo ng pag-iisip na pagraraos lang. Makakamit mo ba ang katotohanan? Hindi mo makakamit ang katotohanan nang may ganitong mentalidad, at hindi ka maliligtas. Hindi ba’t kaawa-awa ang ganitong tao? (Oo, kaawa-awa sila.) Ano ang dahilan ng kanilang pagiging lubhang kaawa-awa? Ito ay dahil sa kamangmangan. Kapag may mga nangyayari, hindi nila hinahanap ang katotohanan kundi lagi silang nag-aaral at naghahaka-haka, at gusto pa nga nilang suriin ang mga salita ng Diyos para makita kung ano ang nasabi na tungkol sa kanilang sitwasyon, kung ano ang saloobin ng Diyos, kung paano Siya humahatol, at kung ano ang kahihinatnan nila—at sa pamamagitan nito ay matutukoy nila kung ano ang magiging resulta ng bagay na iyon. Ang ganito bang pamamaraan ay paghahanap sa katotohanan? Siguradong hindi. Ikinababahala nila ang mga salita ng Diyos na nagkokondena at sumusumpa, nabubuhay sila sa pagiging negatibo—na mukhang karupukan, kahinaan, at pagiging negatibo, pero sa katunayan ay isang uri ng paglaban. Ano ang disposisyong nasa likod ng paglaban? Ito ay ang pagiging mapagmatigas. Sa mga mata ng Diyos, ang pagiging mapagmatigas na ito ay isang uri ng pagrerebelde, at ang pinakakinasusuklaman Niya.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanyang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos

Alam ba ninyo kung anong uri ng mga tao ang sinusukuan ng Diyos sa bandang huli? (Iyong mga patuloy na nagmamatigas at hindi nagsisisi sa harap ng Diyos.) Ano ang partikular na kalagayan ng mga ganitong uri ng tao? (Kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, palagi silang pabaya, at kapag nahaharap sa mga problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para magkaroon ng determinasyon. Hindi sila masigasig sa kung paano nila dapat isagawa ang katotohanan, at walang ingat na pinangangasiwaan ang lahat ng bagay. Kontento na sila sa hindi paggawa ng mga buktot o masamang bagay, at hindi sila nagsusumikap para sa katotohanan.) Nakadepende sa sitwasyon ang kanilang pabasta-bastang pag-uugali. Ginagawa ito ng ilang tao dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at iniisip pa nga nila na normal lang ang pagiging pabasta-basta. Ang ilang tao ay sinasadyang maging pabasta-basta, sadyang pinipiling kumilos nang ganito. Kumikilos sila nang ganito kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at kahit na nauunawaan na nila, hindi nila pinagbubuti ang kanilang pag-uugali. Hindi nila isinasagawa ang katotohanan, patuloy silang kumikilos sa ganitong paraan nang walang katiting na pagbabago. Hindi sila nakikinig kapag may pumupuna sa kanila, ni tinatanggap ang pagpupungos. Sa halip, matigas ang kanilang paninindigan hanggang sa wakas. Ano ang tawag dito? Ito ay pagmamatigas. Alam ng lahat na ang “pagmamatigas” ay isang negatibong termino, isang mapanghamak na termino. Hindi ito isang mabuting salita. Kaya, ano sa tingin ninyo ang kahihinatnan kung naugnay ang terminong “mapagmatigas” sa isang tao, at tumugma sila sa deskripsyon? (Sila ay itataboy at isasantabi ng Diyos.) Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo, ang pinakakinasusuklaman at gustong sukuan ng Diyos ay ang ganitong uri ng mapagmatigas na mga tao. Alam na alam nila ang kanilang mga maling ginagawa ngunit hindi sila nagsisisi, hindi nila inaamin ang kanilang mga pagkakamali at palaging nagdadahilan at nakikipagtalo upang bigyang-katwiran ang kanilang sarili at iwasan ang masisi, at sinusubukan nilang makahanap ng mga mahusay at tusong paraan para sa mga isyu, tinatakpan ang kanilang mga kilos sa mga mata ng iba, at patuloy silang gumagawa ng mga pagkakamali nang walang katiting na pagsisisi o pag-amin sa kanilang puso. Ang gayong tao ay nakayayamot at hindi madali para sa kanila na makamit ang kaligtasan. Sila ang mismong mga tao na gustong pabayaan ng Diyos. Bakit pababayaan ng Diyos ang gayong mga tao? (Dahil hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, at naging manhid na ang kanilang konsensiya.) Ang gayong mga tao ay hindi maliligtas. Hindi inililigtas ng Diyos ang ganitong mga tao; hindi Siya gumagawa ng walang saysay na gawain. Sa panlabas ay tila hindi sila inililigtas ng Diyos, at ayaw sa kanila ng Diyos, ngunit sa katunayan, may praktikal na dahilan, at iyon ay na hindi tinatanggap ng mga taong ito ang pagliligtas ng Diyos; tinatanggihan at nilalabanan nila ang pagliligtas ng Diyos. Iniisip nilang, “Ano ang mapapala ko sa pagpapasakop sa Iyo, pagtanggap sa katotohanan, at pagsasagawa ng katotohanan? Ano ang bentaha? Gagawin ko lang ito kung may pakinabang sa akin. Kung walang pakinabang, hindi ko gagawin.” Anong uri ng mga tao ito? Sila ay mga taong inuudyukan ng pansariling interes, at ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay pawang inuudyukan ng pansariling interes. Hindi matanggap ng mga taong naudyukan ng pansariling interes ang katotohanan. Kung susubukan mong ibahagi ang katotohanan sa isang taong inuudyukan ng pansariling interes, at hilingin sa kanya na kilalanin ang kanyang sarili at aminin ang kanyang mga pagkakamali, paano siya tutugon? “Anong pakinabang ang makukuha ko sa pag-amin ng aking mga pagkakamali? Kung paaaminin mo ako na may nagawa akong mali, at pagkukumpisalin mo ako sa aking mga kasalanan at pagsisisihin, anong mga pagpapala ang matatanggap ko? Masisira ang reputasyon at mga interes ko. Magdurusa ako ng mga kawalan. Sino ang magbabayad sa akin?” Ito ang kanyang mentalidad. Naghahanap lamang siya ng pansariling pakinabang, at pakiramdam niya ay napakalabo ang kumilos sa isang partikular na paraan para matanggap ang mga pagpapala ng Diyos. Hindi lang talaga siya naniniwala na posible ito; pinaniniwalaan lamang niya ang nakikita ng kanyang mga mata. Ang gayong tao ay inuudyukan ng pansariling interes, at namumuhay siya ayon sa satanikong pilosopiya na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Iyon ang kanyang kalikasang diwa. Sa kanyang puso, ang pagkilala sa Diyos at pagkilala sa katotohanan ay nangangahulugang nananalig siya sa Diyos. Ang hindi paggawa ng masama ay ayos lang sa kanya, ngunit dapat siyang makatanggap ng mga pakinabang at talagang ganap na hindi makaranas ng kawalan. Saka lang siya magsasalita tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos kapag hindi naapektuhan ang kanyang mga interes. Kung napipinsala ang kanyang mga interes, hindi niya kayang isagawa ang katotohanan o magpasakop sa Diyos. Ang hilingin sa kanya na igugol ang kanyang sarili, magdusa, o magbayad ng halaga para sa Diyos ay mas lalong imposible. Hindi tunay na mga mananampalataya ang taong tulad nito. Nabubuhay siya para sa kanyang mga sariling interes, naghahanap lamang ng mga pagpapala at pakinabang, at ayaw niyang magtiis ng paghihirap o magbayad ng halaga, ngunit nagnanais pa rin siya ng posisyon sa sambahayan ng Diyos para matakasan ang kahihinatnan ng kamatayan. Ang gayong tao ay hindi tumatanggap ng kahit katiting na katotohanan at hindi maililigtas ng Diyos. Ililigtas pa ba sila ng Diyos? Tiyak na itataboy at ititiwalag sila ng Diyos. Ibig bang sabihin niyon ay hindi sila inililigtas ng Diyos? Inabandona na nila ang kanilang sarili. Hindi sila nagsusumikap tungo sa katotohanan, nananalangin sa Diyos, o umaasa sa Diyos, kaya paano sila ililigtas ng Diyos? Ang tanging paraan ay ang sukuan sila, isantabi, at hayaan silang pagnilayan ang kanilang sarili. Kung nais ng mga tao na mailigtas, ang tanging paraan ay ang tanggapin nila ang katotohanan, kilalanin ang kanilang sarili, isagawa ang pagsisisi, at isabuhay ang katotohanang realidad. Sa ganitong paraan, makakamit nila ang pagsang-ayon ng Diyos. Dapat nilang isagawa ang katotohanan upang makapagpasakop at matakot sila sa Diyos, na siyang pangwakas na layunin ng pagliligtas. Ang pagpapasakop at pagkatakot sa Diyos ay dapat na nakapaloob sa mga tao at isabuhay nila. Kung hindi mo tinatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, wala ka nang mapipiling pangalawang landas. Kung hindi tinatahak ng isang tao ang landas na ito, masasabi lamang na hindi siya naniniwala na ang katotohanan ay makapagliligtas sa kanya. Hindi siya naniniwala na ang lahat ng salitang binigkas ng Diyos ay maaaring makapagpabago sa kanya at magawa siyang maging isang taos-pusong tao. Higit pa rito, sa simula ay hindi siya nananalig na ang Diyos ang katotohanan, at hindi rin siya naniniwala sa katunayan na ang katotohanan ay maaaring makapagpabago at magligtas sa mga tao. Samakatuwid, kahit gaano mo pa ito himayin, ang puso ng gayong tao ay masyadong mapagmatigas. Tumatanggi siyang tanggapin ang katotohanan anuman ang mangyari, wala na silang pag-asang maligtas, at imposible nang maligtas sila.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita

Mahirap bang baguhin ang disposisyong mapagmatigas? May paraan ba para magawa iyon? Ang pinakasimple at pinaka-deretsahang pamamaraan ay ang baguhin ang iyong saloobin sa mga salita ng Diyos at sa Diyos Mismo. Paano mo mababago ang mga bagay na ito? Sa paghihimay at pag-alam sa kalagayan at pag-iisip na nagmumula sa iyong pagiging mapagmatigas, at sa pagtingin para makita kung alin sa iyong mga kilos at salita, sa aling mga pananaw at layunin ka kumakapit, at partikular pa nga kung alin sa mga iniisip at ideyang ipinapakita mo, ang kontrolado ng iyong mapagmatigas na disposisyon. Suriin at lutasin ang mga pag-uugali, pagpapakita, at mga kalagayang ito, nang isa-isa, at pagkatapos, baguhin ang mga ito—sa sandaling nasuri mo na at may nakita ka, magmadali kang baguhin ito. Halimbawa, pinag-uusapan pa lamang natin ang pagkilos batay sa mga kagustuhan at timpla ng isang tao, na siyang pagiging mapusok. Ang disposisyon ng pagkamapusok ay may kasamang isang katangian na tutol sa katotohanan. Kung natatanto mo na ganyan kang uri ng tao, na may ganyan kang uri ng tiwaling disposisyon, at hindi mo pinagninilay-nilayan ang iyong sarili o hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, na ipinipilit mong ayos ka lang, pagmamatigas iyan. Matapos ang sermon na ito, maaaring bigla mong matanto, “May nasabi na akong ganyan, at may mga pananaw akong ganyan. Ang disposisyon kong ito ay yaong tutol sa katotohanan. Dahil iyan nga ang sitwasyon, lulutasin ko ang disposisyong iyan.” Kung gayon ay paano mo lulutasin ito? Magsimula ka sa paglimot sa iyong superyoridad, sa iyong pagkamapusok, at sa iyong pagpapadalus-dalos; mabuti man o masama ang timpla mo, tingnan mo ang mga hinihingi ng Diyos. Kung kaya mong maghimagsik laban sa laman at magsagawa nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, ano ang magiging tingin Niya sa iyo? Kung kaya mo talagang magsimulang lutasin ang mga tiwaling pag-uugaling ito, tanda iyan na positibo at aktibo kang nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos. Sadya kang maghihimagsik laban sa at sadya mong lulutasin ang disposisyong iyan na tutol sa katotohanan, at kasabay niyan, malulutas mo ang iyong mapagmatigas na disposisyon. Kapag nalutas mo na pareho ang mga tiwaling disposisyong ito, magagawa mo nang magpasakop at palugurin ang Diyos, at masisiyahan Siya rito.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 1

Ang pagiging mapagmatigas ay isang problema ng isang tiwaling disposisyon; nasa kalikasan ito ng isang tao, at hindi ito madaling lutasin. Kapag ang isang tao ay may mapagmatigas na disposisyon, pangunahin itong naipamamalas bilang pagkahilig sa pangangatwiran at mapanlihis na mga argumento, paninindigan sa sarili niyang mga ideya, at hindi madaling pagtanggap sa mga bagong bagay. May mga pagkakataon na alam ng mga tao na mali ang mga ideya nila, ngunit pinanghahawakan nila ang mga iyon alang-alang sa kanilang banidad at kapalaluan, matigas sila hanggang sa huli. Ang gayong mapagmatigas na disposisyon ay mahirap baguhin, kahit pa may kamalayan doon ang isang tao. Upang lutasin ang problema ng pagiging mapagmatigas, kailangang malaman ng isang tao ang pagmamataas, panlilinlang, kalupitan, pagiging tutol sa katotohanan, at iba pang gayong disposisyon ng tao. Kapag alam ng isang tao ang sarili niyang pagmamataas, panlilinlang, kalupitan, na tutol siya sa katotohanan, na ayaw niyang talikdan ang laman kahit na nais niyang isagawa ang katotohanan, na palagi siyang nagdadahilan at nagpapaliwanag ng mga paghihirap niya kahit na nais niyang magpasakop sa Diyos, magiging madali sa kanya na aminin na may problema siya sa pagmamatigas. Para malutas ang problemang ito, dapat munang taglayin ng isang tao ang normal na katinuan at magsimula sa pagkatutong makinig sa mga salita ng Diyos. Kung nais mong maging tupa ng Diyos, kailangan mong matutong makinig sa Kanyang mga salita. At paano ka dapat makinig sa mga iyon? Sa pakikinig sa anumang problemang inilalantad ng Diyos sa Kanyang mga salita na may kaugnayan sa iyo. Kung makahanap ka ng isa, dapat mo itong tanggapin; kailangan ay hindi mo paniwalaan na isa itong problema na taglay ng ibang tao, na problema ito ng lahat, o problema ng sangkatauhan, at na wala itong kinalaman sa iyo. Mali na magkaroon ka ng gayong paniniwala. Dapat kang magnilay-nilay, sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos, kung taglay mo ba ang mga tiwaling kalagayan o mga baluktot na pananaw na inilalantad ng Diyos. Halimbawa, kapag narinig mo ang mga salita ng Diyos na naglalantad ng mga pagpapamalas ng isang mapagmataas na disposisyong nakikita sa isang tao, dapat mong isipin: “Nagpapakita ba ako ng mga pagpapamalas ng pagmamataas? Isa akong tiwaling tao, kaya malamang na nagpapakita ako ng ilan sa mga pagpapamalas na iyon; dapat kong pagnilayan kung saan ko iyon ginagawa. Sinasabi ng mga tao na mapagmataas ako, na palagi akong kumikilos na parang isang importanteng tao, na napipigilan ko ang mga tao kapag nagsasalita ako. Iyon ba talaga ang disposisyon ko?” Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, mapagtatanto mo sa wakas na tumpak na tumpak ang paghahayag ng mga salita ng Diyos—na isa kang mapagmataas na tao. At yamang tumpak na tumpak ang paghahayag ng mga salita ng Diyos, yamang tugmang-tugma ito sa sitwasyon mo nang wala ni katiting na pagkakaiba, at lalo pang nagiging tumpak matapos ang higit pang pagninilay, dapat mong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at makilatis at malaman ang diwa ng iyong tiwaling disposisyon ayon sa mga ito. Pagkatapos ay makadarama ka ng tunay na pagsisisi. Sa paniniwala sa Diyos, makikilala mo lang ang sarili mo sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita nang ganito. Upang malutas ang iyong mga tiwaling disposisyon, kailangan mong tanggapin ang paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo kayang gawin iyon, imposibleng maiwaksi mo ang mga tiwaling disposisyon mo. Kung isa kang matalinong tao na nakakikita na karaniwang tumpak ang paghahayag ng mga salita ng Diyos, o kung kaya mong aminin na tama ang kalahati nito, dapat mo itong tanggapin agad at magpasakop ka sa harap ng Diyos. Kailangan mo ring magdasal sa Kanya at pagnilayan ang iyong sarili. Saka mo lang mauunawaan na tumpak ang lahat ng salita ng Diyos ng paghahayag, na ang lahat ng iyon ay katunayan, at wala nang iba pa. Tunay lamang na mapagninilayan ng mga tao ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpapasakop sa harap ng Diyos nang may-takot-sa-Diyos na puso. Saka lang nila makikita ang iba’t-ibang tiwaling disposisyon na umiiral sa kaibuturan nila, at na mapagmataas at mapagmagaling nga sila, na wala ni katiting na katinuan. Kung ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan, magagawa niyang magpatirapa sa harapan ng Diyos, aminin sa Kanya na malalim siyang nagawang tiwali, at magkaroon ng kagustuhang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Sa ganitong paraan, magkakaroon siya ng isang pusong nagsisisi, magsisimula siyang tanggihan at kapootan ang kanyang sarili, at pagsisisihan niya ang hindi paghahangad sa katotohanan noon, iisipin niyang, “Bakit ba hindi ko nagawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos noong magsimula akong basahin ang mga iyon? Itong saloobing taglay ko sa Kanyang mga salita ay saloobin ng kayabangan, hindi ba? Bakit masyado akong mayabang?” Pagkatapos ng madalas na pagninilay-nilay sa sarili nang ganito sa loob ng ilang panahon, malalaman niya na mayabang nga siya, na wala siyang ganap na kakayahang aminin na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at mga katunayan, at na talagang wala siyang ni katiting na katinuan. Pero mahirap kilalanin ang sarili. Sa tuwing magninilay-nilay ang isang tao, makapagtatamo lang siya ng kaunti at bahagyang mas malalim na kaalaman sa kanyang sarili. Ang pagkakaroon ng malinaw na kaalaman sa isang tiwaling disposisyon ay hindi isang bagay na maisasakatuparan sa maikling panahon; ang isang tao ay kailangang higit na magbasa ng mga salita ng Diyos, higit na magdasal, at higit na pagnilay-nilayan ang kanyang sarili. Sa gayon lang niya unti-unting makikilala ang kanyang sarili. Lahat ng tunay na nakakakilala sa kanilang sarili ay ilang beses nang nabigo at nadapa noon, pagkatapos mangyari ang mga iyon, binabasa nila ang mga salita ng Diyos, nagdarasal sa Kanya, at pinagninilay-nilayan ang kanilang sarili, at kaya malinaw nilang nakikita ang katotohanan ng sarili nilang katiwalian, at nadarama na talaga ngang lubha silang naging tiwali, at talagang nawalan sila ng katotohanang realidad. Kung mararanasan mo ang gawain ng Diyos nang ganito, at mananalangin ka sa Kanya athahanapin mo ang katotohanan kapag may nangyayari sa iyo, unti-unti mong makikilala ang sarili mo. Pagkatapos isang araw, magiging malinaw na sa wakas ang puso mo: “Maaaring medyo mas may kakayahan ako kaysa sa iba, pero ibinigay ito sa akin ng Diyos. Palagi akong mayabang, sinisikap kong higitan ang iba kapag nagsasalita ako, at sinisikap kong pasunurin ang mga tao sa gusto ko. Tunay na wala akong katwiran—ito ay kayabangan at pagmamagaling! Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, nalaman ko ang sarili kong mayabang na disposisyon. Ito ay kaliwanagan at biyaya ng Diyos, at pinasasalamatan ko Siya para dito!” Mabuting bagay ba o masama ang malaman ang sarili mong tiwaling disposisyon? (Mabuting bagay.) Mula roon, dapat patuloy kang maghangad kung paano magsasalita at kikilos nang may katwiran at pagsunod, paano ka papantay sa iba, paano tatratuhin ang iba nang patas nang hindi sila pinipigilan, paano mo titignan nang tama ang iyong kakayahan, mga kaloob, mga kalakasan, at iba pa. Sa ganitong paraan, gaya ng isang bundok na unti-unting pinupukpok hanggang sa maging alikabok, malulutas ang iyong mayabang na disposisyon. Pagkatapos niyon, kapag nakipag-ugnayan ka sa iba o nakipagtulungan sa kanila na gampanan ang isang tungkulin, magagawa mong tratuhin nang tama ang kanilang mga pananaw at lubos na pagtuunan sila nang pansin habang nakikinig ka sa kanila. At kapag narinig mo silang magsabi ng isang pananaw na tama, matutuklasan mo, “Mukhang hindi ako ang may pinakamahusay na kakayahan. Ang totoo, lahat ay may sari-sariling mga kalakasan; hindi talaga sila mas mababa sa akin. Dati, lagi kong iniisip na may mas mahusay na kakayahan ako kaysa sa iba. Paghanga iyon sa sarili at kamangmangan ng isang makitid ang utak. Napakalimitado ng aking pananaw, parang palaka sa ilalim ng isang balon. Talagang walang katwiran ang pag-iisip nang gayon—kahiya-hiya ito! Ginawa akong bulag at bingi ng aking mayabang na disposisyon. Hindi ko naunawaan ang mga salita ng ibang mga tao, at inakala ko na mas mahusay ako kaysa sa kanila, na tama ako, samantalang ang totoo, hindi ako mas mahusay kaysa sa sinuman sa kanila!” Mula noon, magkakaroon ka ng tunay na kabatiran at kaalaman tungkol sa iyong mga kakulangan at sa maliit mong tayog. At pagkatapos niyon, kapag nakipagbahaginan ka sa iba, makikinig kang maigi sa kanilang mga pananaw, at matatanto mo, “Napakaraming taong mas mahusay kaysa sa akin. Katamtaman lang pareho ang aking kahusayan at kakayahang makaarok.” Sa pagkakatantong ito, hindi ba’t nagtamo ka na ng kaunting kamalayan sa iyong sarili? Sa pamamagitan ng pagdanas nito, at sa madalas na pagninilay-nilay sa sarili batay sa mga salita ng Diyos, makapagtatamo ka ng tunay na kaalaman sa iyong sarili na lalo pang lumalalim. Maiintindihan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian, ang iyong karukhaan at kasamaan, ang iyong kahiya-hiyang kapangitan, at sa oras na iyon, magiging tutol ka sa sarili mo at kamumuhian mo ang iyong tiwaling disposisyon. Pagkatapos ay magiging madali na para sa iyo na maghimagsik laban sa iyong sarili. Ganoon mo mararanasan ang gawain ng Diyos. Batay sa mga salita ng Diyos, kailangan mong magnilay-nilay sa mga paglalantad mo ng iyong katiwalian. Partikular na kailangan mong madalas na pagnilay-nilayan at kilalanin ang iyong sarili pagkatapos mong maglantad ng tiwaling disposisyon sa anumang sitwasyon. Sa gayon ay magiging madali para sa iyo na makita nang malinaw ang iyong tiwaling diwa, at magagawa mong kamuhian sa puso mo ang iyong katiwalian, ang iyong laman, at si Satanas. At sa puso mo, magagawa mong mahalin at pagsumikapang matamo ang katotohanan. Sa ganitong paraan, patuloy na mababawasan ang iyong mayabang na disposisyon, at unti-unti mo itong maiwawaksi. Makapagtatamo ka ng mas higit pang katwiran, at magiging mas madali para sa iyo na magpasakop sa Diyos. Sa mga mata ng iba, magmumukha kang mas panatag at praktikal, at tila mas obhektibo ka na kung magsalita. Magagawa mo nang makinig sa iba, at bibigyan mo sila ng pagkakataon na makapagsalita. Kapag tama ang iba, magiging madali para sa iyo na tanggapin ang kanilang mga salita, at hindi gaanong magiging mahirap ang mga pakikipag-ugnayan mo sa mga tao. Magagawa mong makipagtulungan nang maayos kaninuman. Kung ganito ang pagganap mo sa iyong tungkulin, hindi ba magiging makatwiran at makatao ka? Iyon ang paraan para malutas ang ganitong uri ng tiwaling disposisyon.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 1

Gamitin nating halimbawa ang mapagmatigas na disposisyon: Sa simula, kapag wala pang nagiging anumang pagbabago sa iyong disposisyon, hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at wala ka ring kamalayan na mayroon kang mapagmatigas na disposisyon, at nang marinig mo ang katotohanan, naisip mo, “Paanong laging inilalantad ng katotohanan ang mga peklat ng mga tao?” Matapos mo itong marinig, nadama mo na tama ang mga salita ng Diyos, pero kung makaraan ang isa o dalawang taon ay hindi mo pa rin isinasapuso ang alinman sa mga ito, kung hindi mo pa tinatanggap ang alinman sa mga ito, ito ay pagiging mapagmatigas, hindi ba? Kung makaraan ang dalawa o tatlong taon ay walang naging pagtanggap, kung walang naging pagbabago sa kalagayang nasa loob mo, at kahit na hindi ka napag-iwanan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at labis ka nang nagdusa, ay hindi pa nalutas ni kaunti o nabawasan man lang ang iyong mapagmatigas na kalagayan, kung gayon ay nagkaroon na ba ng anumang pagbabago sa aspektong ito ng iyong disposisyon? (Hindi.) Kung gayon, bakit ka nagpapakaabala at nagtatrabaho? Anuman ang dahilan mo sa paggawa nito, pikit-mata kang nagpapakaabala at nagtatrabaho, dahil ganito katagal ka nang nagpakaabala at nagtrabaho, pero wala pa rin ni katiting na pagbabago sa iyong disposisyon. Hanggang sa dumating ang araw na bigla mong maiisip, “Paanong hindi ako makapagsabi ng ni isang salita ng patotoo? Hindi pa nagbago ni kaunti ang disposisyon ko sa buhay.” Sa panahong ito ay madarama mo kung gaano kalubha ang problemang ito, at iisipin mo, “Tunay na mapagrebelde at mapagmatigas ako! Hindi ako isang taong naghahangad ng katotohanan! Walang puwang sa puso ko ang Diyos! Paano ito matatawag na pananampalataya sa Diyos? Ilang taon na akong nananalig sa Diyos pero hindi ko pa rin ipinamumuhay ang wangis ng tao, at hindi rin malapit sa Diyos ang puso ko! Hindi ko rin isinapuso ang mga salita ng Diyos; at hindi ako nakadarama ng pagsisisi o kagustuhang magsisi kapag may ginagawa akong mali—hindi ba’t pagiging mapagmatigas ito? Hindi ba’t anak ako ng pagrerebelde?” Nababagabag ka. At ano ang kahulugan ng nababagabag ka? Ang ibig sabihin nito ay na nais mong magsisi. May kamalayan ka sa iyong pagiging mapagmatigas at mapagrebelde. At sa panahong ito, nagsisimulang magbago ang iyong disposisyon. Nang hindi mo namamalayan, may ilang kaisipan at ninanais sa iyong kamalayan na nais mong baguhin, at wala ka nang hindi pagkakasundo sa Diyos. Makikita mo ang sarili mo na gustong mapaganda ang iyong ugnayan sa Diyos, hindi na maging mapagmatigas, maisagawa ang mga salita ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay, maisagawa ang mga ito bilang ang mga katotohanang prinsipyo—taglay mo ang kamalayang ito. Mabuti na may kamalayan ka sa mga bagay na ito, pero nangangahulugan ba ito na magagawa mong magbago agad-agad? (Hindi.) Kailangan mong pagdaanan ang ilang taon ng karanasan, kung kailan magkakaroon ka ng lalong malinaw na kamalayan sa iyong puso, at magkakaroon ka ng matinding pangangailangan, at sa puso mo ay iisipin mong, “Hindi ito tama—kailangan ko nang itigil ang pagsasayang ng oras ko. Kailangan kong hangarin ang katotohanan, kailangang may gawin ako nang wasto. Noon, pinababayaan ko ang aking mga wastong tungkulin, iniisip ko lang ang mga materyal na bagay gaya ng pagkain at kasuotan, at naghahangad lang ako ng kasikatan at pakinabang. Bilang resulta, wala akong natamong anumang katotohanan. Pinanghihinayangan ko ito at kailangan kong magsisi!” Sa puntong ito, tumatahak ka na sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Basta’t sinisimulang pagtuunan ng mga tao ang pagsasagawa sa katotohanan, hindi ba’t dinadala sila nito nang isang hakbang papalapit sa mga pagbabago sa kanilang disposisyon? Gaano katagal ka man nang nananalig sa Diyos, kung kaya mong madama ang sarili mong kalabuan—na noon pa man ay tinatangay ka lang ng agos, at na pagkatapos ng ilang taon ng pagpapatangay, ay wala kang natamo, at hungkag pa rin ang iyong pakiramdam—at kung hindi ka komportable dahil dito, at nagsisimula kang magnilay sa iyong sarili, at nadarama mong pagsasayang ng oras ang hindi paghahangad sa katotohanan, sa panahong iyon ay mapagtatanto mo nang ang mga salita ng Diyos ng paghikayat ay ang Kanyang pagmamahal sa tao, at kamumuhian mo ang iyong sarili dahil sa hindi mo pakikinig sa mga salita ng Diyos at dahil sa labis na kawalan mo ng konsiyensiya at katwiran. Magsisisi ka, at pagkatapos ay gugustuhin mong baguhin ang iyong asal, at tunay na mamuhay sa harapan ng Diyos, at sasabihin mo sa iyong sarili, “Hindi ko na puwedeng saktan pa ang Diyos. Napakarami na Niyang sinabi, at ang bawat salita ay para sa kapakinabangan ng tao, at para ituro ang tao sa tamang daan. Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig, at lubhang karapat-dapat sa pagmamahal ng tao!” Ito ang simula ng pagbabago ng mga tao. Isang napakabuting bagay ang magkaroon ng ganitong pagpapahalaga! Kung masyado kang manhid na hindi mo man lang alam ang mga bagay na ito, nasa panganib ka, hindi ba? Sa kasalukuyan, napagtatanto ng mga tao na ang susi sa pananampalataya sa Diyos ay ang mas magbasa pa ng mga salita ng Diyos, na ang pagkaunawa sa katotohanan ang pinakamahalaga sa lahat, na napakahalagang maunawaan ang katotohanan at makilala ang sarili, at na tanging ang kakayahang maisagawa ang katotohanan at magawa ang katotohanan na kanilang realidad ang pagpasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Kung gayon, ilang taon ng karanasan ang sa tingin ninyo ay kailangan ninyo para magkaroon ng ganitong kaalaman at pakiramdam sa inyong puso? Ang mga taong matalas ang isip, na may kabatiran, na may matinding pagnanais para sa Diyos—ang mga ganitong tao ay maaaring mabago ang kanilang sarili sa loob ng isa o dalawang taon at magsimulang makapasok. Pero ang mga taong malabo ang isip, na manhid at mapurol ang utak, na walang kabatiran—ay magiging tulala nang tatlo o limang taon, walang kamalayan na wala pa silang anumang natatamo. Kung masigasig nilang gagampanan ang kanilang mga tungkulin, maaari silang maging tulala nang mahigit sampung taon at hindi pa rin magkaroon ng malinaw na mga pakinabang o magawang magsalita tungkol sa kanilang mga patotoong batay sa karanasan. Kapag pinaalis o tiniwalag na sila ay saka lamang sila magigising sa wakas at maiisip na, “Talagang wala akong anumang mga katotohanang realidad. Talagang hindi ako naging isang taong naghahangad ng katotohanan!” Hindi ba’t medyo huli na ang paggising nila sa puntong ito? Ang ilang tao ay tulalang tinatangay ng agos, palaging inaasam ang araw ng pagparito ng Diyos pero hindi man lang hinahangad ang katotohanan. Bilang resulta, lumilipas ang mahigit sampung taon nang wala silang nagiging pakinabang o nang hindi nila nagagawang magbahagi ng anumang patotoo. Kapag marahas na silang napungusan, at nabalaan ay saka lamang nila madarama sa wakas na tumagos sa puso nila ang mga salita ng Diyos. Napakamapagmatigas ng puso nila! Paanong naging ayos lang sa kanila na hindi sila mapungusan, at maparusahan? Paanong naging ayos lang sa kanila na hindi sila matinding madisiplina? Ano ang kailangang gawin para magkaroon sila ng kamalayan, para magkaroon sila ng reaksiyon? Hindi luluha ang mga taong hindi naghahangad ng katotohanan hangga’t hindi nila nakikita ang kabaong. Pagkatapos nilang makagawa ng napakaraming makademonyo at masasamang bagay ay saka lamang sila makapagtatanto at sasabihin nila sa kanilang sarili, “Tapos na ba ang pananampalataya ko sa Diyos? Ayaw na ba sa akin ng Diyos? Naisumpa na ba ako?” Nagsisimula silang magnilay. Kapag negatibo sila, nadarama nilang naging sayang lang ang lahat ng taong ito ng pananalig sa Diyos, at puno sila ng hinanakit, at malamang na sumuko sila at isiping wala nang pag-asa. Pero kapag nahimasmasan na sila, napagtatanto nilang, “Hindi ba’t sinasaktan ko lang ang aking sarili? Kailangan kong makabangon. Sinabihan akong hindi ko minamahal ang katotohanan. Bakit iyon sinabi sa akin? Paanong hindi ko minamahal ang katotohanan? Naku! Hindi ko lang hindi minamahal ang katotohanan, pero ni hindi ko maisagawa ang mga katotohanang nauunawaan ko! Isa itong pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan!” Matapos maisip ito, medyo nagsisisi sila, at medyo natatakot din: “Kung magpapatuloy ako nang ganito, tiyak na parurusahan ako. Hindi, kailangan kong agad na magsisi—kailangang hindi malabag ang disposisyon ng Diyos.” Sa panahong ito, nabawasan na ba ang antas ng kanilang pagiging mapagmatigas? Para bang tinusok ng karayom ang kanilang puso; may nadarama sila. At kapag nadarama mo ito, napupukaw ang iyong puso, at nagsisimula kang maging interesado sa katotohanan. Bakit may ganito kang interes? Dahil kailangan mo ang katotohanan. Kung wala ang katotohanan, kapag pinungusan ka, hindi ka makapagpapasakop dito at hindi mo matatanggap ang katotohanan, at hindi ka makapaninindigan kapag sinubok ka. Kung magiging lider ka, magagawa mo bang iwasan na maging isang huwad na lider at iwasang matahak ang landas ng isang anticristo? Hindi mo ito magagawa. Mapagtatagumpayan mo ba ang pagkakaroon ng katayuan at pagpupuri ng iba? Mapagtatagumpayan mo ba ang mga sitwasyon o tuksong inihaharap sa iyo? Lubos mong kilala at nauunawaan ang iyong sarili, at sasabihin mo, “Kung hindi ko nauunawaan ang katotohanan, hindi ko mapagtatagumpayan ang lahat ng ito—isa akong basura, wala akong kayang gawin.” Anong uri ng mentalidad ito? Ito ay ang pangangailangan sa katotohanan. Kapag nangangailangan ka, kapag wala ka na talagang magawa, gugustuhin mo lang na umasa sa katotohanan. Madarama mo na wala nang iba pang maaasahan, at na ang umasa lang sa katotohanan ang makalulutas sa iyong mga problema, at ang makapagbibigay-daan sa iyo na makayanan ang mga pagsubok, at mga tukso, at ito ang makatutulong sa iyo na malampasan ang anumang sitwasyon. At habang lalo kang umaasa sa katotohanan, lalo mong madarama na ang katotohanan ay mabuti, kapaki-pakinabang, at ang pinakamakatutulong sa iyo, at na kaya nitong lutasin ang lahat ng iyong paghihirap. Sa gayong mga pagkakataon, magsisimula kang asamin ang katotohanan. Kapag umabot na sa puntong ito ang mga tao, nagsisimula na bang mabawasan o magbago nang paunti-unti ang kanilang tiwaling disposisyon? Mula sa panahong maunawaan at matanggap nila ang katotohanan, nagsisimula nang magbago ang pagtingin ng mga tao sa mga bagay-bagay, at pagkatapos nito ay nagsisimula na ring magbago ang kanilang mga disposisyon. Isa itong mabagal na proseso. Sa mga unang yugto, hindi mapapansin ng mga tao ang maliliit na pagbabagong ito; pero kapag tunay na nilang nauunawaan at naisasagawa ang katotohanan, nagsisimula na ang mahahalagang pagbabago, at nadarama nila ang gayong mga pagbabago. Mula sa punto ng pagsisimula ng mga tao na asamin ang katotohanan at maging gutom na makamit ang katotohanan, at naising hanapin ang katotohanan, hanggang sa puntong may nangyayari sa kanila, at batay sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ay naisasagawa nila ang katotohanan at natutupad ang mga layunin ng Diyos, at hindi sila kumikilos nang ayon sa sarili nilang kalooban, at napagtatagumpayan nila ang kanilang mga motibo, at napagtatagumpayan nila ang kanilang mapagmataas, rebelde, mapagmatigas, at mapanlinlang na puso, hindi ba’t paunti-unting nagiging buhay na nila ang katotohanan? At kapag naging buhay mo na ang katotohanan, ang mapagmataas, mapagrebelde, mapagmatigas, at mapanlinlang na mga disposisyong nasa iyong kalooban ay hindi mo na magiging buhay, at hindi ka na makokontrol ng mga ito. At ano ang gumagabay sa asal mo sa panahong ito? Ang mga salita ng Diyos. Kapag naging buhay mo na ang mga salita ng Diyos, nagkaroon na ba ng pagbabago? (Oo.) At pagkatapos, habang lalo kang nagbabago, lalong bumubuti ang mga bagay-bagay. Ito ang proseso ng pagbabago ng mga disposisyon ng mga tao, at matagal bago makamit ang epektong ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili

Sinundan: 25. Paano lutasin ang problema ng pagpapakasasa sa mga pakinabang ng katayuan

Sumunod: 27. Paano lutasin ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito