22. Paano lutasin ang pagiging di-makatwiran at diktatoryal
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Batay sa literal na kahulugan ng terminong “pagkilos nang wala sa katwiran at diktatoryal,” ang “wala sa katwiran” ay tumutukoy sa paggawa ng mga desisyon nang mag-isa, nang may huling salita; at ang ibig sabihin ng “diktatoryal” ay pagkatapos manghusga o magdesisyon nang mag-isa, dapat ipatupad ito ng lahat ng tao nang wala silang karapatang magkaroon ng mga naiibang opinyon o pahayag, o kahit magtanong. Ang ibig sabihin ng pagiging wala sa katwiran at diktatoryal ay kapag humaharap sa isang sitwasyon, pinag-iisipan at isinasaalang-alang nila mismo ito bago sila magpapasya kung ano ang gagawin. Independiyente silang nagpapasya nang hindi nakikita ng iba tungkol sa kung paano dapat gawin ang mga bagay-bagay, nang walang mungkahi ng sinuman; maging ang mga katrabaho, mga katuwang o mga nakatataas na lider ay hindi puwedeng makialam—ito ang ibig sabihin ng pagiging wala sa katwiran at diktatoryal. Anumang sitwasyon ang harapin nila, ang mga kumikilos nang ganito ay palaging nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa mga bagay-bagay at maingat na pag-iisip, nang hindi kailanman nakikipagtalakayan sa iba. Iniisip nila ang ganito at ganyan sa mga utak nila, pero walang nakakaalam kung ano ba talaga ang iniisip nila. Bakit walang nakakaalam? Dahil hindi nila sinasabi. Puwedeng isipin ng ilang tao na ito ay dahil lang sa hindi sila madaldal, pero iyon ba talaga ang kaso? Wala itong kinalaman sa personalidad; ito ay intensyonal na pagpapasya na hindi malaman ng iba. Gusto nilang gawin ang mga bagay-bagay nang sila lang, may mga sarili silang kalkulasyon. Ano ang kinakalkula nila? Umiikot ang mga kalkulasyon nila sa mga sarili nilang interes, katayuan, kasikatan, pakinabang, at katanyagan. Pinag-iisipan nila kung paano sila makakakilos para sa sarili nilang kapakanan, kung paano nila mapoprotektahan mula sa kapahamakan ang katayuan at reputasyon nila, kung paano sila makakakilos nang hindi sila nahahalata ng iba, at ang napakahalaga, kung paano nila maitatago mula sa Itaas ang mga kilos nila, umaasa na sa kalaunan ay makakatanggap sila ng benepisyo nang walang ibinubunyag na anumang kapintasan kaninuman. Iniisip nila, “Kung magkakaroon ako ng panandaliang pagkakamali at may masasabi akong mali, mahahalata ako ng lahat. Kung may isang taong magsasalita nang hindi inaasahan at isusumbong ako sa itaas, puwede akong palitan ng itaas, at mawawala sa akin ang katayuan ko. Bukod dito, kung palagi akong makikipagbahaginan sa iba, hindi ba’t mahahalata ng lahat ang limitado kong abilidad? Bababa kaya ang tingin ng iba sa akin?” Ngayon, sabihin ninyo sa Akin, kapag talagang nahalata sila, magiging mabuti ba iyon o masama? Sa totoo lang, para sa mga taong naghahangad sa katotohanan, para sa mga taong matapat, hindi gaanong mahalaga ang mahalata at medyo mapahiya o masiraan ng reputasyon. Parang hindi sila gaanong nag-aalala tungkol sa mga bagay na ito; parang hindi nila gaanong namamalayan ang mga ito at hindi nila masyadong binibigyan ng halaga ang mga ito. Pero ang mga anticristo ay ang eksaktong kabaligtaran; hindi nila hinahangad ang katotohanan, at itinuturing nila ang katayuan nila at ang pagtingin at saloobin ng iba tungkol sa kanila bilang mas mahalaga pa kaysa sa mismong buhay.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem
Ang ilang tao ay mahilig magtrabahong mag-isa, nang hindi tinatalakay ang mga bagay-bagay kaninuman o sinasabi kaninuman. Ginagawa lamang nila ang mga bagay-bagay ayon sa kagustuhan nila, anuman ang maging pananaw ng iba sa mga iyon. Iniisip nila, “Ako ang lider, at kayo ang mga hinirang ng Diyos, kaya kailangan ninyong sundan ang ginagawa ko. Gawin ninyo ang mismong sinasabi ko—ganyan dapat.” Hindi nila ipinapaalam sa iba kapag kumikilos sila at hindi hayagan ang kanilang mga kilos. Lagi silang palihim na nagsisikap at kumikilos nang patago. Katulad lamang ng malaking pulang dragon, na pinananatili ng iisang partido ang monopolyo sa kapangyarihan, nais nila palaging linlangin at kontrolin ang iba, na sa tingin nila ay walang kabuluhan at walang halaga. Gusto nila ay palaging sila ang may huling salita sa mga usapin, nang hindi iyon tinatalakay o binabanggit sa iba, at hindi nila hinihingi kailanman ang opinyon ng ibang mga tao. Ano ang palagay mo sa pamamaraang ito? Mayroon ba itong normal na pagkatao? (Wala.) Hindi ba’t ito ang kalikasan ng malaking pulang dragon? Ang malaking pulang dragon ay diktador at mahilig kumilos nang wala sa katwiran. Hindi ba’t supling ng malaking pulang dragon ang mga taong may ganitong uri ng tiwaling disposisyon? Ganito dapat makilala ng mga tao ang kanilang sarili. May kakayahan ba kayong kumilos nang ganito? (Oo.) Kapag kumikilos kayo nang ganito, namamalayan ba ninyo ito? Kung oo, may pag-asa pa kayo, pero kung hindi naman, siguradong nasa alanganin kayo, at sa lagay na ito, hindi ba’t mapapahamak kayo? Ano ang dapat gawin kapag hindi mo namamalayang kumikilos ka nang ganito? (Kailangan natin ang ating mga kapatid na tukuyin ito at pungusan tayo.) Kung sinasabi mo muna sa iba na, “Isa akong taong likas na gustong manguna sa iba, at sinasabi ko na ito sa inyo ngayon pa lang, para kung at kapag nangyari ito, huwag ninyo itong gawing isyu. Kailangan ninyo akong pagpasensyahan. Alam kong hindi ito maganda, at pinagsisikapan ko namang baguhin ito paunti-unti, kaya umaasa akong magiging mapagpaumanhin kayo sa akin. Kapag nangyayari ang mga bagay na ito, pagpasensyahan ninyo ako, makipagtulungan kayo sa akin, at sama-sama tayong magsumikap na magtulungan nang maayos.” Katanggap-tanggap bang gawin ang mga bagay sa ganitong paraan? (Hindi. Wala itong katwiran.) Bakit mo naman nasasabing wala itong katwiran? Hindi intensyon ng isang taong nagsasabi nang ganito na hanapin ang katotohanan. Alam naman niya na maling gawin ang mga bagay sa ganitong paraan, pero ipinagpipilitan pa rin niyang gawin ito, habang pinipigilan ang iba, at hinihingi ang kanilang pakikipagtulungan at suporta. Walang paghahangad sa kanyang intensyon na isagawa ang katotohanan. Sinasadya niyang salungatin ang katotohanan. Isang sinasadyang paglabag—iyan ang pinakakinamumuhian ng Diyos sa lahat. Tanging masasamang tao at mga anticristo ang may kakayahang gumawa ng ganoong bagay, at ang gawin iyon ay mismong kung paano kumikilos ang mga anticristo. Nasa panganib ang isang tao kapag sinasadya niyang salungatin ang katotohanan at labanan ang Diyos. Pagtahak ito sa landas ng mga anticristo.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa Maayos na Pakikipagtulungan
Walang kakayahang makipagtulungan ang mga anticristo sa kahit na kanino; palagi nilang hinihiling na magtakda ng nag-iisang pamumuno. Ang katangian ng pagpapamalas na ito ay “solo.” Bakit ginagamit ang salitang “solo” para ilarawan ito? Dahil bago sila kumilos, hindi sila lumalapit sa Diyos sa panalangin, at hindi rin nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, lalong hindi sila naghahanap ng isang taong makikipagbahaginan at magsasabi sa kanila, “Ito ba ay angkop na landas? Ano ang itinatakda ng mga pagsasaaayos ng gawain? Paano aasikasuhin ang ganitong uri ng bagay?” Hindi nila kailanman pinag-uusapan ang mga bagay-bagay o hinahanap na magkaroon ng isang kasunduan sa kanilang mga katrabaho at kapareha—nag-iisip lang sila ng mga bagay-bagay at nagpapakana sa sarili nila, gumagawa ng mga sarili nilang plano at pagsasaayos. Sa pamamagitan lang ng isang mabilisang pagbasa sa mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos, iniisip nilang naunawaan na nila ang mga ito, at pagkatapos ay bulag nilang isinasaayos ang gawain—at sa oras na malaman ito ng iba, naisaayos na ang gawain. Imposible para sa sinuman ang marinig ang kanilang mga pananaw o opinyon mula sa sarili nilang bibig nang maaga, dahil hindi nila kailanman ipinapahayag ang mga kinikimkim nilang kaisipan at pananaw sa sinuman. Puwedeng may magtanong na, “Hindi ba’t lahat ng mga lider at manggagawa ay may mga kapareha?” Puwedeng may kapareha sila sa pangalan lang, pero pagdating ng oras para magtrabaho, hindi na sila magkapareha—solo silang nagtatrabaho. Bagamat may mga katuwang ang mga lider at manggagawa, at may katuwang ang lahat ng gumagawa ng anumang tungkulin, naniniwala ang mga anticristo na mahusay ang kanilang kakayahan at mas magaling sila kaysa sa mga ordinaryong tao, kaya hindi karapat-dapat ang mga ordinaryong tao na maging mga katuwang nila, at mas mabababa lahat ang mga ito kumpara sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng mga anticristo na sila ang nasusunod at ayaw nilang tinatalakay ang mga bagay-bagay sa iba. Iniisip nilang magmumukha silang walang kakayahang walang halaga. Anong uri ng pananaw ito? Anong uri ng disposisyon ito? Isa ba itong mapagmataas na disposisyon? Iniisip nila na ang makipagtulungan at talakayin sa iba ang mga bagay-bagay, ang magtanong sa mga ito at maghanap mula sa mga ito, ay nakakawala ng dignidad at nakakababa ng pagkatao, na ikasisira ng kanilang respeto sa sarili. Kaya, upang maprotektahan ang kanilang respeto sa sarili, hindi nila pinapayagang makita ng iba ang anumang bagay na ginagawa nila, ni hindi nila sinasabi sa iba ang tungkol dito, at lalong hindi nila ito tinatalakay sa mga ito. Iniisip nila na ang makipagtalakayan sa iba ay nagpapakita na wala silang kakayahan; na ang laging paghingi ng mga opinyon ng ibang tao ay nangangahulugang sila ay mangmang at walang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili; na ang magtrabahong kasama ng iba sa pagtapos ng gampanin o pag-aayos ng ilang problema ay pagmumukhain silang walang kuwenta. Hindi ba’t ito ang mayabang at kakatwa nilang pag-iisip? Hindi ba’t ito ang kanilang tiwaling disposisyon? Masyadong halata ang taglay nilang kayabangan at pagmamatuwid sa sarili; ganap na nawalan na sila ng normal na katwiran ng tao, at medyo hindi na matino ang kanilang pag-iisip. Lagi nilang iniisip na may mga abilidad sila, na kaya nilang tapusin ang mga bagay-bagay nang sila lang, at hindi nila kailangang makipagtulungan sa iba. Dahil may gayong mga tiwaling disposisyon sila, hindi nila makamit ang matiwasay na pakikipagtulungan. Naniniwala sila na ang makipagtulungan sa iba ay magpapahina at maghahati-hati ng kanilang kapangyarihan, na kapag may kahati silang iba sa gawain, nababawasan ang sarili nilang kapangyarihan at hindi nila napagpapasyahan ang lahat ng bagay nang sila lang, ibig sabihin ay wala silang totoong kapangyarihan, na para sa kanila ay isang matinding kawalan. Kaya, kahit ano pang mangyari sa kanila, kung naniniwala silang nauunawaan nila at na alam nila ang nararapat na paraan ng pangangasiwa nito, hindi na nila ito tatalakayin pa sa iba, at sila ang magdedesisyon. Mas gugustuhin nilang makagawa ng mga pagkakamali kaysa ipaalam sa ibang tao, mas gugustuhin nilang maging mali kaysa ibahagi ang kapangyarihan sa sinuman, at mas gugustuhin nilang matanggal sa puwesto kaysa hayaan ang ibang tao na makialam sa kanilang gawain. Ganito ang isang anticristo. Mas pipiliin pa nilang pinsalain ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, mas pipiliin pang isugal ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kaysa ibahagi ang kanilang kapangyarihan sa sinuman. Iniisip nila na kapag may ginagawa silang isang bahagi ng gawain o may inaasikasong ilang bagay, hindi ito ang pagganap ng isang tungkulin, bagkus ay isang pagkakataon na makapagpakitang-gilas at mamukod-tangi sa iba, at isang pagkakataon na makagamit ng kapangyarihan. Kaya naman, bagamat sinasabi nilang makikipagtulungan sila nang maayos sa iba at na tatalakayin nila ang mga lumilitaw na isyu nang kasama ang iba, ang totoo, sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi sila handang bitiwan ang kanilang kapangyarihan o katayuan. Iniisip nila na hangga’t nauunawaan nila ang ilang doktrina at may kakayahang gawin ito nang mag-isa, hindi nila kailangang makipagtulungan sa sinuman; iniisip nilang dapat itong isagawa at makumpleto nang mag-isa, at na ito lamang ang dahilan ng kanilang kahusayan. Tama ba ang ganitong pananaw? Hindi nila alam na kapag lumalabag sila sa mga prinsipyo, hindi nila ginagawa ang kanilang mga tungkulin, hindi nila naisasakatuparan ang atas ng Diyos, at na sila ay nagtatrabaho lang. Sa halip na hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag ginagawa ang kanilang tungkulin, gumagamit sila ng kapangyarihan ayon sa kanilang mga saloobin at layunin, nagpapakitang-gilas, at ipinaparada ang kanilang sarili. Kahit sino pa ang kanilang katuwang o kahit ano pa ang kanilang ginagawa, hindi nila kailanman gustong talakayin ang mga bagay-bagay, gusto nilang palaging kumikilos nang mag-isa, at gusto nilang sila lagi ang nasusunod. Malinaw na pinaglalaruan nila ang kapangyarihan at ginagamit ang kapangyarihan para gawin ang mga bagay-bagay. Lahat ng anticristo ay gustung-gusto ng kapangyarihan, at kapag may katayuan sila, gusto nila ng higit pang kapangyarihan. Kapag may taglay silang kapangyarihan, malamang na gamitin ng mga anticristo ang kanilang katayuan upang makapagpakitang-gilas, at ibida ang kanilang sarili, para tingalain sila ng iba at makamit nila ang kanilang mithiing mamukod-tangi mula sa karamihan. Kaya nahuhumaling ang mga anticristo sa kapangyarihan at katayuan, at hindi nila bibitiwan ang kanilang kapangyarihan kailanman.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)
Sa tingin, maaaring parang may mga katulong at katuwang ang ilang anticristo, pero ang katunayan ay kapag may nangyayari, gaano man katama ang iba, hindi kailanman nakikinig ang mga anticristo sa sasabihin ng mga ito. Ni hindi nila ito isinasaalang-alang, lalong hindi nila tinatalakay o pinagbabahaginan ang tungkol dito. Hindi nila ito pinag-uukulan ng anumang atensyon, na para bang wala roon ang iba. Kapag nakikinig ang mga anticristo sa sasabihin ng iba, wala sa loob lang nila iyong ginagawa o nagpapakitang-tao lang sila para masaksihan ng iba. Pero kapag sa wakas ay dumating ang oras para sa pangwakas na desisyon, ang mga anticristo pa rin ang nasusunod; balewala lang ang mga salita ng iba, talagang walang bisa ang mga iyon. Halimbawa, kapag may dalawang taong nananagot sa isang bagay, at ang isa sa kanila ay may diwa ng isang anticristo, ano ang naipapakita ng taong ito? Anuman ito, siya at siya lamang ang nagpapatakbo ng mga bagay-bagay, ang nagtatanong, ang nag-aayos ng mga bagay-bagay, at ang nakakaisip ng solusyon. At kadalasan, inililingid niya ang mga bagay-bagay sa kanyang kasama. Ano ang turing niya sa kanyang kasama? Hindi bilang kanyang katuwang, kundi palamuti lamang. Sa paningin ng anticristo, hindi lang talaga umiiral ang kapareha niya. Sa tuwing may problema, pinag-iisipan itong mabuti ng anticristo, at sa sandaling napagdesisyunan na niya kung ano ang gagawin, ipinapaalam niya sa lahat na ganito ito dapat gawin, at walang sinumang pinapayagang kuwestyunin ito. Ano ang diwa ng kanyang pakikipagtulungan sa iba? Ang pinakabatayan ay para mapasakanya ang huling salita, hindi kailanman tinatalakay ang mga problema sa sinumang iba pa, inaako ang lahat ng responsabilidad para sa gawain, at ginagawang palamuti lamang ang kanyang mga kapareha. Lagi siyang kumikilos nang mag-isa at hindi nakikipagtulungan kahit kanino. Hinding-hindi niya tinatalakay o binabanggit ang kanyang gawain sa sinumang iba pa, madalas siyang magdesisyon nang mag-isa at humarap sa mga isyu nang mag-isa, at sa maraming bagay, nalalaman lang ng ibang mga tao kung paano natapos o naasikaso ang mga bagay-bagay kapag tapos na iyong gawin. Sinasabi ng ibang mga tao sa kanya, “Kailangang talakayin ang lahat ng problema nang kasama kami. Kailan mo pinangasiwaan ang taong iyon? Paano mo siya pinangasiwaan? Paanong hindi namin nalaman ang tungkol dito?” Hindi siya nagbibigay ng paliwanag ni nagbibigay ng anumang pansin; para sa kanya, wala talagang silbi ang kanyang mga kapareha, at mga palamuti lamang o pampaganda. Kapag may nangyayari, pinag-iisipan niya ito, nagpapasya siya, at kumikilos kung paano niya gusto. Kahit gaano pa karaming tao ang nasa paligid niya, para bang wala roon ang mga taong iyon. Para sa anticristo, wala silang ipinagkaiba sa hangin. Sa ganitong kaso, mayroon bang anumang tunay na aspekto sa kanyang pakikipagtambal sa iba? Wala talaga, iniraraos lang niya ang gawain at nagkukunwari. Sinasabi sa kanya ng iba, “Bakit hindi ka nakikipagbahaginan sa iba kapag may nakakaharap kang problema?” Sumasagot siya ng, “Ano ba ang alam nila? Ako ang lider ng grupo, ako ang siyang magdedesisyon.” Sinasabi naman ng iba, “At bakit hindi ka nakipagbahaginan sa iyong kasama?” Tugon niya, “Sinabi ko sa kanya pero wala siyang opinyon.” Ginagamit niyang mga dahilan ang kawalan ng opinyon ng ibang tao o ang kawalan ng mga ito ng kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili upang pagtakpan ang katunayan na umaasta siya na siya mismo ang batas. At hindi ito nasusundan ng bahagya mang pagsisiyasat sa sarili. Magiging imposible para sa ganitong uri ng tao na matanggap ang katotohanan. Isa itong problema sa kalikasan ng anticristo.
Paano ipapaliwanag at isasagawa ang terminong “pakikipagtulungan”? (Pagtalakay sa mga bagay-bagay kapag lumilitaw ang mga ito.) Oo, iyan ay isang paraan ng pagsasagawa nito. Ano pa? (Pagbalanse sa mga kahinaan ng isang tao sa pamamagitan ng mga kalakasan ng ibang tao, pangangasiwa sa isa’t isa.) Ganap na akma iyon; ang pagsasagawa nang ganoon ay pakikipagtulungan nang maayos. Mayroon pa ba? Ang paghingi ng opinyon ng iba kapag nangyayari ang mga bagay-bagay—hindi ba’t iyon ay pakikipagtulungan? (Oo.) Kung ibinabahagi ng isang tao ang kanya, at ng iba ang kanya, at sa huli, sumasama lang sila sa pagbabahagi ng unang tao, bakit magpapabasta-basta? Hindi iyon pakikipagtulungan—hindi ito naaayon sa mga prinsipyo, at hindi ito nagbubunga ng mga resulta ng pakikipagtulungan. Kung salita ka nang salita, tulad ng isang machine gun, at hindi binibigyan ang ibang gustong magsalita ng pagkakataon, at hindi nakikinig sa iba kahit na pagkatapos mo nang sabihin ang lahat ng iyong mga ideya, talakayan ba iyon? Pagbabahaginan ba ito? Paggawa lang iyon ng mga bagay nang pabasta-basta—hindi ito pakikipagtulungan. Ano ang pakikipagtulungan, kung gayon? Ito ay kapag, matapos mong sabihin ang iyong mga ideya at desisyon, ay kaya mong hingin ang mga opinyon at pananaw ng iba, pagkatapos ay pagkukumparahin ang iyo at kanilang mga pahayag at pananaw, nang may ilang taong nagsasagawa ng pagkilatis sa mga ito nang sama-sama, at naghahanap ng mga prinsipyo, sa gayon ay nauuwi sa isang karaniwang pagkaunawa at pagtukoy sa tamang landas ng pagsasagawa. Iyon ang ibig sabihin ng pagtalakay at pakikipagbahaginan—iyon ang ibig sabihin ng “pakikipagtulungan.” Ang ilang tao, bilang mga lider, ay hindi nakauunawa sa ilang usapin, pero hindi ito tinatalakay kasama ang iba hanggang sa maubusan na sila ng mga pagpipilian. Pagkatapos ay sinasabi nila sa grupo, “Hindi ko kayang asikasuhin ang bagay na ito nang awtokratiko; kailangan kong maayos na makipagtulungan sa lahat. Hahayaan ko kayong lahat na ipahayag ang inyong mga opinyon tungkol dito at talakayin ito, para matukoy ang tamang bagay na dapat nating gawin.” Pagkatapos makapagsalita at makapagbigay ng opinyon ang lahat, tinanong nila ang lider kung ano ang palagay niya tungkol dito. Sinabi niya, “Kung ano ang gusto ng lahat ay katulad ng gusto ko—iniisip ko rin ito. Ito ang pinlano kong gawin sa simula pa lang, at sa talakayang ito, garantisado ang pagsang-ayon ng lahat.” Matapat na pahayag ba ito? May bahid ito. Hindi niya talaga nauunawan ang bagay na ito, at may layuning ilihis at linlangin ang mga tao sa kanyang sinasabi—layon nitong pahalagahan siya ng mga tao. Ang paghingi niya ng mga opinyon ng lahat ay pakitang-tao lang, nilalayong sabihin ng lahat na hindi siya diktatoryal o awtokratiko. Para maiwasan ang tatak na iyon, ginagamit niya ang pamamaraang ito para pagtakpan ang mga bagay-bagay. Ang katunayan ay habang nag-uusap ang lahat, hindi talaga siya nakikinig, at hindi talaga isinasapuso ang kanilang sinasabi. At hindi rin siya nagiging taos-puso sa pagpapahintulot sa lahat na magsalita. Sa panlabas, hinahayaan niya ang lahat na magbahaginan at magkaroon ng talakayan, pero sa realidad, hinahayaan niya lang magsalita ang lahat para makahanap ng paraan na naaayon sa kanyang mga sariling layunin. At kapag natukoy na niya ang angkop na paraan para gawin ang bagay na iyon, pipilitin niya ang mga taong tanggapin kung ano ang balak niyang gawin, tama man ito o hindi, at ipapaisip sa lahat na tama ang kanyang paraan, na ito ang nilalayon ng lahat. Sa huli, ipatutupad niya ito sa pamamagitan ng puwersa. Iyan ba ang tinatawag mong pakikipagtulungan? Hindi—ano ang itatawag mo rito? Nagiging diktatoryal siya. Tama man siya o mali, gusto niyang sa kanya ang nag-iisa at huling salita. Bukod dito, kapag may nangyari at hindi niya ito maunawaan, pinapagsalita niya muna ang iba. Kapag natapos na sila, binubuod niya ang kanilang mga pananaw at tumitingin sa mga ito para sa isang pamamaraang gusto niya at sa tingin niya ay angkop, at pinatatanggap ito sa lahat. Nagpapanggap siyang nakikipagtulungan, na ang resulta ay ginagawa pa rin niya ang gusto niya—pero, siya pa rin ang may nag-iisa at huling salita. Naghahanap siya ng mga pagkakamali at naghahanap ng butas sa sinasabi ng lahat, nagbibigay ng komentaryo at nagtatakda ng tono, pagkatapos ay binubuod ang lahat ng ito sa isang kumpleto at tumpak na pahayag, na ginagamit niya sa paggawa niya ng desisyon, ipinapakita sa lahat na mas mataas siya kaysa sa iba. Mula sa labas, tila narinig niya ang mga mensahe ng lahat, at hinahayaan niyang magsalita ang lahat. Gayumpaman, ang katunayan ay siya lang ang gumagawa ng desisyon sa huli. Ang desisyon sa katunayan ay ang mga kabatiran at pananaw ng lahat, na ibinubuod lang niya, ipinapahayag sa isang bahagyang mas kumpleto at tumpak na paraan. Hindi ito nakikita ng ilang tao, at kaya iniisip nilang siya itong nakatataas. Ano ang karakter ng gayong pagkilos sa kanyang bahagi? Hindi ba’t labis itong katusuhan? Binubuod niya ang mga mensahe ng bawat isa at sinasabi ang mga ito bilang kanya, para sambahin at sundin siya ng mga tao; at sa huli, ang lahat ay kumikilos ayon sa kanyang kalooban. Maayos na pakikipagtulungan ba iyon? Ito ay kayabangan at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, diktadurya—inaangkin niya ang lahat ng kapurihan. Ang gayong mga tao ay hindi matapat, napakaarogante at mapagmagaling, sa pakikipagtulungan sa iba, at makikita iyon ng mga tao, kung bibigyan ng sapat na panahon.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)
“Ang pagiging wala sa katwiran at diktatoryal, hindi kailanman pakikipagbahaginan sa iba, at pagpuwersa sa iba na sundin sila”—ano ang pangunahing ipinapahiwatig ng pag-uugaling ito ng mga anticristo? Ang disposisyon nila ay buktot at malupit, at nagtataglay sila ng napakatinding pagnanais na kontrolin ang iba, na higit pa sa hangganan ng normal na pagkamakatwiran ng tao. Dagdag pa rito, ano ang pagkaunawa o pananaw at saloobin nila sa tungkuling ginagampanan nila? Paano ito naiiba sa mga taong tunay na gumaganap ng tungkulin nila? Ang mga tunay na gumaganap ng tungkulin nila ay naghahanap ng mga prinsipyo para sa ginagawa nila, na isang pangunahing hinihingi. Pero ano ang pagkaunawa ng mga anticristo sa tungkuling ginagampanan nila? Anong disposisyon at diwa ang nabubunyag sa pagganap nila ng tungkulin? Isang mataas na posisyon ang kinatatayuan nila at minamaliit nila ang mga nasa ibaba nila. Sa sandaling piliin silang mamuno, nagsisimula silang makita ang mga sarili nila bilang mga indibidwal na may katayuan at pagkakakilanlan. Hindi nila tinatanggap ang tungkulin nila mula sa Diyos. Sa sandaling makamit nila ang isang partikular na posisyon, nararamdaman nila na importante ang katayuan nila, na malaki ang kapangyarihan nila, at kakaiba ang pagkakakilanlan nila, kung kaya’t nagagawa nilang maliitin ang iba mula sa mataas nilang posisyon. Kasabay nito, iniisip nila na makapag-uutos sila at makakikilos sila ayon sa sarili nilang kaisipan, at na ni hindi nila kailangang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan na gawin ito. Iniisip nila na puwede nilang gamitin ang pagkakataon na gumanap ng tungkulin para matugunan nila ang pagnanasa nila sa kapangyarihan, para matugunan ang pagnanais at ambisyon nilang mamahala at mamuno sa iba nang may kapangyarihan. Puwedeng sabihin na pakiramdam nila ay sa wakas may pagkakataon na silang hindi hamunin ninuman ang kapangyarihan nila. Sinasabi ng ilan: “Ang mga pagpapamalas ng mga anticristo ay pagiging wala sa katwiran at diktatoryal, at hindi kailanman pakikipagbahaginan sa iba. Kahit na may disposisyon at paghahayag din ng mga anticristo ang aming lider, madalas siyang nakikipagbahaginan sa amin!” Ibig sabihin ba niyan ay hindi siya anticristo? Minsan, kayang magpanggap ng mga anticristo; pagkatapos ng isang beses na pakikipagbahaginan sa lahat ng tao at pag-unawa at pag-arok sa mga kaisipan ng lahat ng tao—pagtukoy sa kung sino ang umaayon sa kanya at sino ang hindi—kinakatergorya niya sila. Sa mga usapin sa hinaharap, makikipag-usap lang siya sa mga nakakasundo at nakakaayon niya. Madalas ay hindi niya ipinapaalam sa mga hindi umaayon sa kanya ang tungkol sa karamihan ng mga bagay, at baka ipagkait pa nga niya sa kanila ang mga aklat ng mga salita ng Diyos. Kailanman ay kumilos na ba kayo nang ganito, naging wala sa katwiran at diktatoryal, hindi nakikipagbahaginan sa iba kailanman? Tiyak na nangyayari ang pagiging wala sa katwiran at diktatoryal, pero hindi nangangahulugan na ito ang kaso ng hindi kailanman pakikibahagi sa iba; paminsan-minsan ay maaari kang makipagbahaginan. Gayumpaman, pagkatapos ng pagbabahaginan, magpapatuloy pa rin ang mga bagay-bagay gaya ng sinabi mo. Iniisip ng ilang tao: “Sa kabila ng ating pagbabahaginan, sa totoo lang ay matagal na akong nakagawa ng plano. Nakipagbahaginan ako sa iyo bilang pormalidad lang, para lang ipaalam sa iyo na may mga prinsipyo ako sa ginagawa ko. Akala mo ba ay hindi ko alam ang sukat mo? Sa huli, kailangan mo pa ring makinig sa akin at sundin ang paraan ko.” Sa katunayan, matagal na silang nakapagpasya sa mga puso nila. Naniniwala sila na, “Magaling akong magsalita at kaya kong paikutin ang anumang argumento para pumabor sa akin; walang sinumang hihigit sa pagsasalita ko, kaya natural lang na susunod sa akin ang takbo.” Napakaaga nilang ginawa ang mga kalkulasyon nila. May umiiral bang ganitong sitwasyon? Ang pagiging wala sa katwiran at diktatoryal ay hindi pag-uugali na aksidenteng naipapakita paminsan-minsan; ito ay kinokontrol ng isang partikular na disposisyon. Maaaring hindi ito mukhang pagiging wala sa katwiran at diktatoryal sa kanilang paraan ng pananalita o pagkilos, pero mula sa disposisyon nila at kalikasan ng mga kilos nila, talagang wala sa katwiran at diktatoryal sila. Dumadaan sila sa mga pormalidad at “nakikinig” sa mga opinyon ng iba, pinahihintulutang magsalita ang iba, ipinapaalam sa kanila ang mga detalye ng sitwasyon, tinatalakay kung ano ang hinihingi ng salita ng Diyos—pero gumagamit sila ng isang partikular na retorika o parirala para gabayan ang iba na magkaroon ng kasunduan sa kanila. At ano ang pinakahuling resulta? Nabubuo ang lahat ng bagay ayon sa plano nila. Ito ang kanilang mapanirang aspekto; ito rin ay tinatawag na pagpwersa sa iba na sundin sila, ito ay isang uri ng “banayad” na pamimilit.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem
Ano ang isa pang pagpapamalas ng pagiging wala sa katwiran at diktatoryal ng mga anticristo? Hindi sila nakikipagbahaginan sa mga kapatid tungkol sa katotohanan, at hindi rin nila nilulutas ang mga aktuwal na problema ng mga tao. Sa halip, ipinapangaral lang nila ang mga salita at doktrina para sermunan ang mga tao, at pinupwersa pa nga nila ang iba na sundin sila. Paano naman ang kanilang saloobin at pamamaraan tungo sa Itaas at sa Diyos? Ito ay walang iba kundi panlilinlang at pandaraya. Anuman ang mga isyu sa loob ng iglesia, wala silang inuulat sa Itaas kailanman. Anuman ang ginagawa nila, hindi sila nagtatanong sa Itaas. Para bang wala silang isyu na nangangailangan ng pagbabahagi o paggabay mula sa Itaas—ang lahat ng ginagawa nila ay patago at palihim, at hindi nakikita. Ito ay tinatawag na mapanlinlang na pagmamanipula, kung saan gusto nilang sila ang may huling salita at ang maging tagapagpasya. Gayumpaman, minsan ay nagbabalat-kayo rin sila, nagtatanong ng mga walang kwentang bagay sa Itaas, nagkukunwari na naghahangad sa katotohanan, pinapaniwala nang mali ang Itaas na napakaingat nilang hinahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay. Sa realidad, hindi sila kailanman naghahangad ng paggabay sa anumang mahalagang bagay, nagdedesisyon sila para sa lahat at hindi nila ipinapaalam sa Itaas. Kapag may naging problema, lalo nang malamang na hindi nila ito iuulat, sa takot na puwedeng makaapekto ito sa kapangyarihan, katayuan, o reputasyon nila. Kumikilos ang mga anticristo nang wala sa katwiran at diktatoryal; hindi sila nakikipagbahaginan sa iba at pinupwersa nila ang iba na sundin sila. Sa madaling salita, ang mga pangunahing pagpapamalas ng pag-uugaling ito ay ang pakikibahagi sa personal na pamamahala; pagtataguyod ng kanilang impluwensya, personal na samahan, at mga koneksyon; paghahangad ng mga sarili nilang gawain; at pagkatapos, ginagawa nila kung ano ang nais nila, ginagawa nila ang mga bagay na pakikinabangan nila, at kumikilos sila nang hindi hayagan. Napakalakas ng pagnanais at kagustuhan ng mga anticristo na magawa ang ibang tao na magpasakop sa kanila; umaasa sila na susundin sila ng mga tao gaya ng isang mangangaso na pinapasunod ang aso niya sa mga utos niya, hindi hinahayaan ang anumang pagkilatis ng tama at mali, ipinipilit ang ganap na pagsunod at pagpapasakop.
Mapapansin ang isa pang pagpapamalas ng pagiging wala sa katwiran at pagiging diktatoryal ng mga anticristo sa sumusunod na senaryo. Halimbawa, kung ang lider ng isang partikular na iglesia ay isang anticristo, at kung nilalayon ng mga nakatataas na lider at manggagawa na malaman ang nangyayari sa gawain ng iglesiang iyon at makialam doon, sasang-ayon ba ang anticristong ito? Hinding-hindi. Hanggang sa anong antas niya kinokontrol ang iglesia? Tulad ng isang di-mapapasok na kuta, na hindi matutusukan ng karayom ni mapapasukan ng tubig, hindi niya pinahihintulutan ang sinuman na makialam o mag-usisa. Kapag nalaman niyang darating ang mga lider at manggagawa para alamin ang nangyayari sa gawain, sasabihin niya sa mga kapatid, “Hindi ko alam kung ano ang pakay ng mga taong ito sa pagpunta rito. Hindi nila nauunawaan ang aktuwal na sitwasyon ng ating iglesia. Kung makikialam sila, maaaring maabala nila ang gawain ng ating iglesia.” Ganoon niya inililihis ang mga kapatid. Sa sandaling dumating ang mga lider at manggagawa, hahanap siya ng iba’t ibang dahilan at palusot para pigilan ang mga kapatid na makipag-ugnayan sa mga ito, habang paimbabaw na nililibang ang mga lider at manggagawa, pinananatiling nakahiwalay ang mga ito sa isang lugar para diumano matiyak ang kaligtasan ng mga ito; subalit ang totoo, ito ay para pigilan ang mga ito na makatagpo ang mga kapatid at malaman ang sitwasyon mula sa kanila. Kapag nag-usisa ang mga lider at manggagawa tungkol sa sitwasyon sa trabaho, manlilinlang ang anticristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng huwad na imahe; lilinlangin niya ang mga nasa itaas niya at itatago ang katotohanan mula sa mga nasa ibaba niya, daragdagan niya ang kanyang mga pahayag, at palalakihin ang pagiging epektibo ng gawain para linlangin sila. Kapag iminungkahi ng mga lider at manggagawa na makipagpulong sa mga kapatid sa iglesia, sasagot siya ng, “Hindi pa ako nakagawa ng anumang pagsasaayos! Hindi mo ako inabisuhan bago ka dumating. Kung ginawa mo iyon, isinaayos ko sanang makipagkita sa iyo ang ilan sa mga kapatid. Subalit dahil delikado ang kalagayan sa kasalukuyan, para maging ligtas, mas mabuting huwag kayong makipagkita sa mga kapatid.” Bagaman tila makatwiran ang kanyang mga salita, kayang makita ng isang taong may pagkilatis ang isyu: “Ayaw niyang makipagkita ang mga lider at manggagawa sa mga kapatid dahil natatakot siyang malantad, natatakot na mabunyag ang mga depekto at paglihis sa kanyang gawain.” Mahigpit na kinokontrol ng anticristo ang mga kapatid sa iglesia. Kung hindi responsable ang mga lider at manggagawa, madali silang malilinlang at maloloko ng anticristo. Ang aktuwal na sitwasyon ng mga kapatid sa iglesia, ang kanilang mga paghihirap na hindi pa rin nalulutas, kung maagap bang naihahatid sa mga kapatid ang mga pagbabahagi at sermon ng Itaas at ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, kung paano ba umuusad ang iba’t ibang proyekto ng gawain ng iglesia, kung mayroon bang mga paglihis o problema—lahat ng ito ay hindi malalaman ng mga lider at manggagawa. Hindi rin alam ng mga kapatid ang anumang bagong pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos; kaya, ganap na kinokontrol ng anticristo ang iglesia, siya lang ang may kapangyarihan at ang may huling salita sa mga isyu. Walang pagkakataon ang mga kapatid sa iglesia na makipag-ugnayan sa mga nakatataas na lider at manggagawa, at dahil hindi nila alam ang totoo, naililihis at nakokontrol sila ng anticristo. Paano man magsalita ang anticristo, ang mga nag-iinspeksiyong lider at manggagawang ito ay walang pagkilatis at iniisip pa rin nila na gumagawa ng mabuting gawain ang anticristo, ganap silang nagtitiwala sa kanya. Katumbas ito ng pagkakatiwala sa mga hinirang na tao ng Diyos sa pangangalaga ng anticristo. Kung, sa panahon ng panlilinlang ng anticristo, ang mga lider at manggagawa ay hindi nakakikilatis, ay iresponsable, at hindi alam kung paano ito pangangasiwaan, hindi ba’t paghadlang ito sa gawain ng iglesia at pagpinsala sa mga hinirang na tao ng Diyos? Hindi ba’t ang gayong mga lider at manggagawa ay mga huwad? Pagdating sa isang iglesia na kontrolado ng isang anticristo, dapat makialam at mag-usisa ang mga lider at manggagawa, at kailangan nilang agarang pangasiwaan at alisin ang anticristo—walang duda ito. Kung may mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain at binabalewala ang panlilinlang ng anticristo sa mga hinirang na tao ng Diyos, dapat ilantad ng mga hinirang na tao ang mga huwad na lider at manggagawang ito, dapat nilang iulat, tanggalin sa posisyon, at palitan ng mabubuting lider ang mga ito. Ito ang tanging paraan para lubusang malutas ang isyu ng panlilihis ng anticristo sa mga tao. Maaaring sabihin ng ilan na, “Maaaring may mababang kakayahan at walang pagkilatis ang mga gayong lider at manggagawa, kung kaya nabigo silang pangasiwaan at lutasin ang isyu ng anticristo. Hindi nila ito sinasadya; hindi ba’t dapat silang bigyan ng isa pang pagkakataon?” Para sa gayong mga lider na magugulo ang isip, hindi na sila dapat bigyan ng pagkakataon. Kung bibigyan sila ng isa pang pagkakataon, patuloy lang nilang pipinsalain ang mga hinirang na tao ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila mga taong naghahangad sa katotohanan; wala silang konsensiya at katwiran, at wala silang prinsipyo sa kanilang mga pagkilos—mga kasuklam-suklam na tao sila na dapat maitiwalag!
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem
Ngayon, sa isang banda, hinimay natin ang mga pagpapamalas ng mga wala sa katwiran at diktatoryal na pag-uugali ng mga anticristo. Sa isa pang banda, sa paghihimay ng mga pagpapamalas na ito, ipinapaalam sa lahat na kahit pa hindi ka anticristo, ang pagkakaroon ng mga ganitong pagpapamalas ay nag-uugnay sa iyo sa katangian ng mga anticristo. Pagpapamalas ba ng normal na pagkatao ang pagkilos sa isang paraang wala sa katwiran at diktatoryal? Talagang hindi; maliwanag na ito ay pagpapakita ng isang tiwaling disposisyon. Gaano man kataas ang iyong katayuan o gaano man karami ang mga tungkuling kaya mong gampanan, kung matututo kang makipagbahaginan sa iba, itinataguyod mo ang mga prinsipyo ng katotohanan, na siyang pinakamababang hinihingi. Bakit sinasabi na ang pagkatutong makipagbahaginan sa iba ay katumbas ng pagtataguyod sa mga prinsipyo? Kung natututo kang makipagbahaginan, pinapatunayan nito na hindi mo tinatrato ang iyong katayuan bilang paraan para kumita o masyadong sinerseryoso ito. Gaano man kataas ang katayuan mo, ginagampanan mo ang tungkulin mo. Kumikilos ka alang-alang sa pagganap ng tungkulin mo, hindi para sa katayuan. Kasabay nito, kapag nahaharap ka sa mga problema, kung matututunan mong makipagbahaginan at kaya mong maghanap at makipagbahaginan sa mga ordinaryong kapatid man o sa mga taong katulong mo sa trabaho, ano ang pinapatunayan nito? Ipinapakita nito na may saloobin ka ng paghahanap at pagpapasakop sa katotohanan, na unang sumasalamin sa saloobin mo sa Diyos at sa katotohanan. Higit pa riyan, ang pagganap mo ng iyong tungkulin ay responsabilidad mo, at ang paghahanap mo sa katotohanan sa gawain mo ay ang landas na dapat mong tahakin. Pagdating naman sa kung paano tumutugon ang iba sa mga desisyon mo, kung kaya ba nilang magpasakop o kung paano sila magpasakop, sila na ang bahala roon; pero responsabilidad mo kung maayos mo bang magagampanan ang tungkulin mo at maaabot ang mga pamantayan. Dapat mong maunawaan ang mga prinsipyo ng pagganap ng tungkulin; hindi ito tungkol sa pagpapasakop sa ilang indibidwal kundi pagpapasakop sa mga katotohanang prinsipyo. Kung pakiramdam mo ay nauunawaan mo ang mga katotohanang prinsipyo at, sa pakikipagbahaginan sa iba, may napagkakasunduan kayo na sinasang-ayunan ng lahat bilang naaangkop, pero may ilang hindi nakikiisa at gustong manggulo, ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Sa kasong ito, dapat sundin ng kakaunti ang nakararami. Dahil nagkaroon ang karamihan ng mga tao ng isang kasunduan, bakit sila lumalabas para gumawa ng gulo? Sinasadya ba nilang subukang manira? Puwede nilang ipahayag ang mga opinyon nila para makilatis sila ng lahat, at kung sasabihin ng lahat na hindi naaayon ang mga opinyon nila sa mga prinsipyo at hindi mapangangatwiranan ang mga ito, dapat nilang talikuran ang mga pananaw nila at bitawan ang mga ito. Ano ang prinsipyo ng pagharap sa usaping ito? Dapat itaguyod ng isang tao kung ano ang tama at hindi pilitin ang iba na sundin kung ano ang mali. Nauunawaan ba ninyo?
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem
Ano ang pamantayan sa pagtukoy kung natutupad ng isang tao ang kanyang tungkulin nang sapat? Kung tama ang landas sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao, tama ang direksyon, at tama ang layunin; kung ang pinagmulan ay tama at ang mga prinsipyo ay tama—kung ang mga aspektong ito ay tama, ang tungkuling ginampanan ng isang tao ay sapat. Maraming tao ang nakakaunawa nito sa teorya, pero nalilito kapag aktuwal nang may nangyayari sa kanila. Para ibuod ito, sasabihin Ko sa inyo ang isang prinsipyo: Huwag kumilos nang padalos-dalos at nag-iisa kapag humaharap sa mga sitwasyon. Bakit hindi ka dapat kumilos nang padalos-dalos at nag-iisa? Una na riyan, ang pagkilos sa gayong paraan ay hindi naaayon sa mga prinsipyo ng pagganap ng tungkulin. Isa pa, ang tungkulin ay hindi mo sariling pribadong usapin; hindi mo ito ginagawa para sa iyong sarili, hindi mo isinasagawa ang iyong sariling proyekto, at hindi mo ito sariling personal na negosyo. Sa sambahayan ng Diyos, kahit ano pa ang ginagawa mo, hindi mo inaasikaso ang sarili mong gampanin; ito ay ang gawain ng sambahayan ng Diyos, ito ay ang gawain ng Diyos. Dapat palagi mong ilagay sa isipan ang kaalaman at kamalayang ito at sabihin, “Hindi ko ito personal na gawain; ginagawa ko ang tungkulin ko at tinutupad ang responsabilidad ko. Ginagawa ko ang gawain ng iglesia. Ito ay isang atas na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos at ginagawa ko ito para sa Kanya. Tungkulin ko ito, hindi ko ito personal na pribadong gawain.” Ito ang unang bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Kung itinuturing mo ang isang tungkulin bilang sarili mong personal na gawain, at hindi mo hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo kapag kumikilos ka, at ginagawa mo ito alinsunod sa mga sarili mong motibo, pananaw, at plano, malamang na makagagawa ka ng mga pagkakamali. Kaya paano ka dapat kumilos kung nagagawa mong malinaw na makita ang pagkakaiba sa pagitan ng tungkulin mo at ng sarili mong personal na gawain, at alam mo na ito ay isang tungkulin? (Hanapin mo ang hinihingi ng Diyos, at hanapin ang mga prinsipyo.) Tama iyan. Kapag may nangyari sa iyo at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at mayroon kang kaunting ideya ngunit hindi pa rin malinaw ang mga bagay-bagay sa iyo, dapat kang maghanap ng mga kapatid na nakauunawa sa katotohanan upang makipagbahaginan ka sa kanila; ito ang paghahanap sa katotohanan, at bago ang lahat, ito ang saloobin na dapat mong taglayin sa tungkulin mo. Hindi mo dapat pagpasyahan ang mga bagay-bagay batay sa kung ano ang sa palagay mo ay angkop, at pagkatapos ay gagawa ka na ng paghatol at sasabihin mong nalutas na ang usapin—madali itong hahantong sa mga problema. Ang tungkulin ay hindi mo sariling personal na usapin; malaki man o maliit, ang mga bagay-bagay sa sambahayan ng Diyos ay hindi personal na usapin ninuman. Hangga’t may kinalaman ito sa tungkulin, hindi mo ito pribadong usapin, hindi mo ito personal na usapin—may kinalaman ito sa katotohanan, at may kinalaman ito sa prinsipyo. Kaya ano ang unang bagay na dapat mong gawin? Dapat mong hanapin ang katotohanan, at hanapin ang mga prinsipyo. At kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, dapat mo munang hanapin ang mga prinsipyo; kung nauunawaan mo na ang katotohanan, magiging madali nang tukuyin ang mga prinsipyo. Ano ang dapat mong gawin kung hindi mo nauunawaan ang mga prinsipyo? May isang paraan: Puwede kang makipagbahaginan sa mga nakakaunawa. Huwag mong palaging ipagpalagay na nauunawaan mo ang lahat at palagi kang tama; madaling paraan ito para magkamali. Anong uri ito ng disposisyon kapag gusto mong palaging nasa iyo ang huling salita? Ito ay pagmamataas at pagmamagaling, pagkilos ito nang padalos-dalos at nag-iisa. Iniisip ng ilang tao, “Nakapag-kolehiyo ako, mas may kalinangan ako kaysa sa inyo, mayroon akong kakayahang makaarok, lahat kayo ay may mababang tayog, at hindi nakakaunawa sa katotohanan, kaya dapat ninyong pakinggan ang anumang sinasabi ko. Ako lang mag-isa ang puwedeng gumawa ng mga desisyon!” Ano ang masasabi mo sa pananaw na ito? Kung may ganitong uri ka ng pananaw, magkakaproblema ka; hindi mo kailanman magagampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin. Paano mo magagampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin kung gusto mong palaging nasa iyo ang huling salita, nang walang maayos na pakikipagtulungan? Ang pagganap ng iyong mga tungkulin sa ganitong paraan ay tiyak na hindi makakatugon sa pamantayan. Bakit Ko sinasabi ito? Palagi mong gustong hadlangan ang iba at pilitin silang makinig sa iyo; hindi mo tinatanggap ang anumang sinasabi ng iba. Ito ay pagkakaroon ng pagkiling at pagiging matigas ng ulo, ito rin ay pagmamataas at pagmamagaling. Sa ganitong paraan, hindi ka lang mabibigong gampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin, mahahadlangan mo pa ang iba sa pagganap nang maayos ng kanilang mga tungkulin. Ito ang kahihinatnan ng isang mapagmataas na disposisyon. … May ilang tao na may mapagmataas at nagmamagaling na disposisyon; hindi nila gustong makipagbahaginan ng katotohanan at palaging gusto na nasa kanila ang huling salita. Kaya bang maayos na makipagtulungan sa iba ang isang taong labis na mapagmataas at mapagmagaling? Hinihingi ng Diyos sa mga tao na maayos na makipagtulungan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin para malutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon, para matulungan silang matutunan ang pagpapasakop sa gawain ng Diyos sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin, at iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, sa gayon ay maisasakatuparan nila ang sapat na pagganap ng tungkulin. Tumatangging makipagtulungan sa iba at ginugustong kumilos nang padalos-dalos at nag-iisa, pinipilit ang lahat na makinig sa iyo—ito ba ang saloobing dapat na mayroon ka sa iyong tungkulin? Ang iyong saloobin sa pagganap ng iyong tungkulin ay may kinalaman sa iyong buhay pagpasok. Walang pakialam ang Diyos sa kung ano ang nangyayari sa iyo sa bawat araw, o kung gaano karaming trabaho ang ginagawa mo, kung gaano ka nagsisikap dito—ang tinitingnan Niya ay kung ano ang saloobin mo patungkol sa mga bagay na ito. At sa ano nauugnay ang saloobin kapag ginagawa mo ang mga bagay na ito, at ang paraan kung paano mo ginagawa ang mga ito? May kaugnayan ito sa kung hinahangad mo ba ang katotohanan o hindi, at gayundin sa iyong buhay pagpasok. Tinitingnan ng Diyos ang iyong buhay pagpasok, at ang landas na tinatahak mo. Kung tumatahak ka sa landas ng paghahangad ng katotohanan, at mayroon kang buhay pagpasok, magagawa mong makipagtulungan nang maayos sa iba kapag ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, at madali mong magagampanan ang iyong mga tungkulin sa paraang nasasapat. Subalit kung lagi mong ipinagdiriinan na mayroon kang kapital habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, na nauunawaan mo ang linya ng gawain mo, na mayroon kang karanasan, at may pagsasaalang-alang ka sa mga layunin ng Diyos, at hinahanap ang katotohanan nang higit kaysa sa iba, at kung iniisip mo na dahil sa mga bagay na ito, kuwalipikado ka nang magkaroon ng huling salita, at hindi mo tinatalakay ang anumang bagay sa iba, at laging ikaw ang nasusunod sa sarili mo, at isinasagawa ang sarili mong proyekto, at laging gustong “ikaw lang ang bida,” tinatahak mo ba ang landas ng buhay pagpasok? Hindi—paghahangad ito ng katayuan, pagtahak ito sa landas ni Pablo, hindi ito ang landas ng buhay pagpasok.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?
Paano mo dapat harapin ang mga paghihirap na nararanasan mo habang ginagampanan ang iyong tungkulin? Ang pinakamainam na paraan ay ang sama-samang hanapin ng lahat ang katotohanan para lutasin ang isang problema at magkaroon ng pagkakasundo. Hangga’t nauunawaan mo ang mga prinsipyo, malalaman mo kung ano ang gagawin. Ito ang pinakamainam na paraan para lutasin ang mga problema. Kung hindi mo hinahanap ang katotohanan para malutas ang isang problema, at sa halip ay kumikilos ka lamang ayon sa iyong mga personal na kuru-kuro at imahinasyon, kung gayon ay hindi mo ginagampanan ang iyong tungkulin. Ano ang pagkakaiba nito sa paggawa sa lipunan ng mga walang pananampalataya o sa mundo ni Satanas? Ang sambahayan ng Diyos ay pinaghaharian ng katotohanan, at ng Diyos. Kahit anong problema ang lumitaw, dapat hanapin ang katotohanan para malutas ito. Gaano man karaming iba’t ibang opinyon ang mayroon o gaano man kalaki ang kanilang pagkakaiba, ang lahat ng ito ay dapat banggitin at pagbahaginan. Pagkatapos, matapos magkaroon ng pagkakasundo, dapat kumilos alinsunod sa mga prinsipyo. Sa ganitong paraan, hindi mo lang malulutas ang problema, kundi maisasagawa mo rin ang katotohanan at maayos na magagampanan ang iyong tungkulin. Maaari mo ring makamit ang maayos na pakikipagtulungan sa panahon ng proseso ng paglutas ng problema. Kung ang lahat ng gumagawa ng kanilang tungkulin ay nagmamahal sa katotohanan, kung gayon ay madali para sa kanila na tanggapin at magpasakop sa katotohanan; ngunit kung sila ay mapagmataas at mapagmagaling, hindi madali sa kanila na tanggapin ang katotohanan, kahit na nagbabahagi ang mga tao tungkol dito. May mga taong hindi nakauunawa sa katotohanan, ngunit palaging gustong makinig sa kanila ang iba. Ang mga taong ganito ay nakaaabala sa pagganap ng iba ng kanilang tungkulin. Ito ang ugat ng isyu, at dapat itong lutasin bago magampanan nang maayos ang tungkulin ng isang tao. Kung, sa paggawa ng kanyang tungkulin, ang isang tao ay palaging mapagmataas at matigas ang ulo, palaging nagdedesisyong mag-isa, ginagawa ang lahat nang walang pag-iingat at ayon sa sariling kagustuhan, nang hindi nakikipagtulungan o nakikipag-usap sa ibang tao, at hindi naghahanap ng mga katotohanang prinsipyo—anong uri ng saloobin ito ng isang tao sa kanyang tungkulin? Maaari bang maayos na magampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin sa ganitong paraan? Kung ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman tumatanggap ng pagpupungos, hindi tumatanggap ng katotohanan, at patuloy pa rin sa paggawa ng mga bagay-bagay sa kanilang sariling paraan, nang padalos-dalos at ayon sa sariling kagustuhan, nang hindi nagsisisi o nagbabago—kung gayon ay hindi lang ito problema sa saloobin, kundi problema sa kanyang pagkatao at karakter. Ito ay isang taong walang pagkatao. Magagampanan ba nang maayos ng isang taong walang pagkatao ang kanyang tungkulin? Siyempre ay hindi. Kung, habang ginagawa ang kanyang tungkulin, ang isang tao ay gumagawa pa nga ng lahat ng karumal-dumal na gawain at ginagambala ang gawain ng iglesia, kung gayon ay masama siyang tao. Ang gayong mga tao ay hindi angkop na gawin ang kanilang tungkulin. Ang paggampan nila sa kanilang tungkulin ay nagreresulta lamang sa kaguluhan at pinsala, at nagdudulot ng higit na kapinsalaan kaysa kabutihan, kaya dapat silang madiskuwalipika sa paggampan sa kanilang tungkulin at maalis sa iglesia. Kaya naman ang abilidad ng isang tao na gampanan nang mahusay ang kanyang tungkulin ay hindi lamang nakasalalay sa kanyang kakayahan, kundi pangunahin sa kanyang saloobin sa kanyang tungkulin, sa kanyang karakter, kung mabuti o masama ang kanyang pagkatao, at kung kaya niyang tanggapin ang katotohanan. Ito ang mga pinaka-isyu.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan
Kinakailangang matutuhan kung paano ito haharapin kapag ang mga tao ay may mga problema sa pakikipagtulungan sa iba sa panahon ng kanilang tungkulin. Ano ang prinsipyo sa pagharap sa mga ito? Ano ang epektong dapat makamit? Matutong makipagtulungan nang maayos sa lahat, at makipag-ugnayan sa iba ayon sa katotohanan, salita ng Diyos, at mga prinsipyo, hindi ayon sa mga damdamin o kapusukan. Sa ganitong paraan, hindi ba maghahari ang katotohanan sa iglesia? Basta’t naghahari ang katotohanan, hindi ba’t mahaharap ang mga bagay sa patas at makatwirang paraan? Sa palagay ninyo, hindi ba’t kapaki-pakinabang ang maayos na pakikipagtulungan para sa lahat? (Oo, kapaki-pakinabang ito.) Ang paggawa ng mga bagay-bagay sa ganitong paraan ay lubhang kapaki-pakinabang para sa inyo. Una sa lahat, positibong nakapagpapatibay at mahalaga ito sa inyo habang ginagampanan ninyo ang inyong mga tungkulin. Bukod pa riyan, pinipigilan nito ang paggawa ninyo ng mali, pagsasanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan, at pagtahak sa landas ng mga anticristo. Natatakot ba kayong tumahak sa landas ng mga anticristo? (Oo.) May silbi ba ang matakot lamang? Wala—hindi malulutas ng takot lamang ang problema. Normal lamang ang matakot na matahak ang landas ng mga anticristo. Nagpapakita ito na ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan, isang taong handang magsikap na matamo ang katotohanan at handang hangarin ito. Kung matatakutin kayo sa puso ninyo, dapat ninyong hanapin ang katotohanan at ang landas ng pagsasagawa. Kailangan ninyong magsimula sa pamamagitan ng pagkatutong makipagtulungan sa iba nang maayos. Kung may problema, lutasin ito gamit ang pagbabahaginan at talakayan, upang malaman ng lahat ang mga prinsipyo, gayundin ang partikular na pangangatwiran at programa patungkol sa resolusyon. Hindi ba’t pinipigilan ka nitong magdesisyon nang mag-isa? Bukod pa riyan, kung ikaw ay may takot sa Diyos na puso, likas mong makakayang tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, ngunit dapat mo ring matutuhang tanggapin ang pangangasiwa ng mga taong hinirang ng Diyos, na nangangailangan ng pagkakaroon mo ng pagpaparaya at pagtanggap. Kung may makita kang isang taong pinangangasiwaan ka, iniinspeksyon ang trabaho mo, o sinisiyasat ka nang hindi mo alam, at kung uminit ang ulo mo, ituring ang taong ito na parang kaaway at kamuhian siya, at batikusin pa siya at pakitunguhan siya na gaya ng isang traydor, inaasam-asam na mawala na siya, problema nga ito. Hindi ba’t lubhang napakasama nito? Ano ang ipinagkaiba nito sa isang diyablong hari? Patas na pagtrato ba ito sa mga tao? Kung tumatahak ka sa tamang landas at kumikilos sa tamang paraan, ano ang dapat mong ikatakot sa mga taong sumisiyasat sa iyo? Kung ikaw ay natatakot, ipinapakita niyong may kung anong nagkukubli sa iyong puso. Kung alam mo sa iyong puso na may problema ka, dapat mong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Makatwiran ito. Kung alam mong may problema ka, pero hindi mo hinahayaan ang sinuman na pangasiwaan ka, inspeksyunin ang trabaho mo, o siyasatin ang problema mo, lubha kang wala sa katwiran, naghihimagsik at lumalaban ka sa Diyos, at sa kasong ito, mas malala pa ang problema mo. Kung tutukuyin ka ng mga hinirang ng Diyos na isang masamang tao o isang hindi mananampalataya, lalo pang magiging problema ang mga kahihinatnan nito. Kung kaya, ang mga kayang tumanggap ng pangangasiwa, pagsusuri, at pagsisiyasat ng iba ang mga pinakamakatwiran sa lahat, may pagpaparaya at normal na pagkatao sila. Kapag nadiskubre mong may mali kang ginagawa o may pagbubunyag ka ng tiwaling disposisyon, kung nagagawa mong magtapat at makipag-usap sa mga tao, makakatulong ito sa mga nasa paligid mo para mabantayan ka nila. Talagang kailangang tumanggap ng pangangasiwa, ngunit ang pinakamahalaga ay magdasal sa Diyos at umasa sa Kanya, na isinasailalim ang iyong sarili sa palagiang pagsisiyasat. Lalo na kapag mali ang landas na natahak mo o nakagawa ka ng mali, o kapag akmang kikilos o magdedesisyon ka na nang mag-isa, at binanggit ito ng isang tao sa malapit at binalaan ka, kailangan mong tanggapin iyon at magmadali kang pagnilayan ang iyong sarili, at aminin ang iyong pagkakamali, at itama iyon. Maaari nitong pigilan ka sa pagtahak sa landas ng mga anticristo. Kung may isang taong tumutulong at nagbababala sa iyo sa ganitong paraan, hindi ka ba pinoproktektahan nang hindi mo nalalaman? Pinoprotektahan ka—iyan ang proteksiyon mo. Samakatuwid, hindi ka dapat palaging maging mapagbantay laban sa iyong mga kapatid o sa mga tao sa paligid mo. Huwag palaging magbalatkayo o magkubli ng sarili, nang hindi tinutulutan ang iba na maunawaan ka o makita kung sino ka. Kung ang iyong puso ay palaging mapagbantay laban sa iba, maaapektuhan nito ang paghahanap mo sa katotohanan, at magiging madali para sa iyo na mawala ang gawain ng Banal na Espiritu, gayundin ang maraming mga pagkakataon na magawa kang perpekto.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan
Ano ang dapat gawin ng isang tao para magampanan niya nang mabuti ang kanyang tungkulin? Dapat niya itong magampanan nang buong puso at buong lakas. Ang ibig sabihin ng paggamit ng buong puso at buong lakas ng isang tao ay pagtuon ng buong isip niya sa pagganap sa kanyang tungkulin at hindi pagpapahintulot na maging abala siya sa ibang bagay, at pagkatapos ay paggamit sa lakas na taglay niya, paggugol sa buong lakas niya, at pagdadala ng kakayahan, mga kaloob, mga kalakasan niya, at ng mga bagay na kanyang naunawaan para gamitin sa gawain. Kung may abilidad kang umunawa at umintindi, at mayroon kang magandang ideya, dapat mong kausapin ang iba tungkol doon. Ito ang ibig sabihin ng maayos na pakikipagtulungan. Ganito mo magagampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, ganito mo makakamit ang katanggap-tanggap na pagganap ng iyong tungkulin. Kung nais mo palaging akuin ang lahat ng bagay nang mag-isa, kung gusto mo palaging gumawa ng malalaking bagay nang mag-isa, kung gusto mo palaging nasa iyo ang atensyon at hindi sa iba, ginagampanan mo ba ang iyong tungkulin? Ang ginagawa mo ay tinatawag na paghahari-harian; pagpapakitang-gilas iyon. Satanikong pag-uugali iyon, hindi pagganap sa tungkulin. Walang sinuman, anuman ang kanyang mga kalakasan, mga kaloob, o espesyal na mga talento, ang kayang umako sa lahat ng gawain nang mag-isa; dapat siyang matutong makipagtulungan nang maayos kung nais niyang magawa nang mabuti ang gawain ng iglesia. Iyon ang dahilan kung bakit ang maayos na pakikipagtulungan ay isang prinsipyo ng pagsasagawa ng pagganap sa tungkulin ng isang tao. Basta’t ginagamit mo ang iyong buong puso at buong lakas at buong katapatan, at inaalay ang lahat ng kaya mong gawin, ginagampanan mo nang mabuti ang iyong tungkulin. Kung mayroon kang saloobin o ideya, sabihin mo ito sa iba; huwag mo itong pigilan o itago—kung mayroon kang mga mungkahi, ibigay mo ang mga ito; kung kaninong ideya ang alinsunod sa katotohanan ay dapat tanggapin at sundin. Gawin mo ito, at makakamit mo ang maayos na pakikipagtulungan. Ito ang ibig sabihin ng tapat na pagganap sa tungkulin ng isang tao. Sa pagganap sa iyong tungkulin, hindi hinihingi sa iyo na akuin ang lahat nang mag-isa, ni hindi hinihingi sa iyo na magpakamatay sa katatrabaho, o maging “ang tanging bulaklak na namumukadkad” o taong mapagsarili; bagkus, hinihingi sa iyong matutuhan kung paano makipagtulungan nang maayos sa iba, at gawin ang lahat ng makakaya mo, para tuparin ang mga responsabilidad mo, para ibuhos ang buong lakas mo. Iyon ang ibig sabihin ng pagganap sa iyong tungkulin. Ang pagganap sa iyong tungkulin ay paggamit sa lahat ng lakas at liwanag na taglay mo upang magkamit ng isang resulta. Sapat na iyon. Huwag mong palaging subukang magpasikat, palaging magsabi ng matatayog na bagay, at gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa. Dapat matutuhan mo kung paano makipagtulungan sa iba, at dapat mas tumuon ka sa pakikinig sa mga mungkahi ng iba at pagtuklas sa kanilang mga kalakasan. Sa ganitong paraan, magiging madali ang pakikipagtulungan nang maayos. Kung palagi mong sinusubukan na magpasikat at ikaw ang masunod, hindi ka nakikipagtulungan nang maayos. Ano ang ginagawa mo? Nagdudulot ka ng kaguluhan at nangmamaliit ng iba. Ang pagdudulot ng kaguluhan at pangmamaliit ng iba ay pagganap sa papel ni Satanas; hindi iyon pagganap ng tungkulin. Kung palagi kang gumagawa ng mga bagay na nagdudulot ng kaguluhan at nangmamaliit ka ng iba, gaano man katinding pagsisikap ang gugulin mo o pag-iingat ang gawin mo, hindi iyon maaalala ng Diyos. Maaaring hindi ka gaanong malakas, ngunit kung may kakayahan kang makipagtulungan sa iba, at nagagawa mong tumanggap ng angkop na mga mungkahi, at kung tama ang iyong mga motibasyon, at napoprotektahan mo ang gawain ng sambahayan ng Diyos, isa kang tamang tao. Kung minsan, sa iisang pangungusap, nalulutas mo ang isang problema at nakikinabang ang lahat; kung minsan, matapos kang magbahagi sa iisang pahayag ng katotohanan, lahat ay nagkakaroon ng isang landas ng pagsasagawa, at nagagawang sama-samang magtulungan nang maayos, at lahat ay nagpupunyagi sa iisang mithiin, at magkakapareho ng mga pananaw at opinyon, kaya partikular na epektibo ang gawain. Kahit marahil ay walang makaalala na ikaw ang gumanap sa papel na ito, at hindi mo marahil maramdaman na gumawa ka ng malaking pagsisikap, makikita ng Diyos na ikaw ay taong nagsasagawa ng katotohanan, isang taong kumikilos ayon sa mga prinsipyo. Aalalahanin ng Diyos ang paggawa mo nito. Tinatawag itong tapat na pagganap sa iyong tungkulin. Anuman ang mga paghihirap na mayroon ka sa pagganap sa iyong tungkulin, ang totoo ay lahat ng ito ay madaling malutas. Hangga’t ikaw ay isang taong matapat na may pusong nakasandig sa Diyos, at kaya mong hanapin ang katotohanan, walang problema na hindi kayang lutasin. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, dapat kang matutong sumunod. Kung may sinumang nakauunawa sa katotohanan o nagsasalita alinsunod sa katotohanan, dapat mong tanggapin ito at sundin. Sa anumang paraan ay hindi ka dapat gumawa ng mga bagay na nakagagambala o nakakapagpahina, at hindi ka dapat kumilos o magdesisyon nang mag-isa. Sa ganitong paraan, wala kang magagawang masama. Tandaan mo: Ang pagganap sa iyong tungkulin ay hindi pagsasagawa ng sarili mong mga negosyo o sarili mong pamamahala. Hindi mo ito personal na gawain, gawain ito ng iglesia, at nag-aambag ka lamang ng mga kalakasang taglay mo. Ang ginagawa mo sa gawain ng pamamahala ng Diyos ay maliit na bahagi lamang ng kooperasyon ng tao. Maliit na papel lamang ang ginagampanan mo sa isang sulok. Iyan ang responsabilidad na pinapasan mo. Sa puso mo, mayroon ka dapat nitong katwiran. Kaya nga, ilang tao man ang sama-samang gumagampan ng kanilang tungkulin, o anumang paghihirap ang kinakaharap nila, ang unang dapat gawin ng lahat ay manalangin sa Diyos at sama-samang magbahaginan, hanapin ang katotohanan, at pagkatapos ay tukuyin kung ano ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng isang landas ng pagsasagawa.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan
Kaugnay na mga Video
Maikling Dula “Ang Pagbabago ng Pagtanggap sa Pagpupungos”
Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan
Pagtalikod sa Aking Dominanteng Pamamaraan
Ang Pagkilos nang Pabasta-Basta ay Nakapinsala sa Akin