14. Paano lutasin ang problema ng pagiging pabasta-basta
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Ano ang dahilan ng pagiging pabasta-basta? Hindi ba’t ang iyong sataniko at tiwaling disposisyon? Ang pagiging pabasta-basta ay pagpapamalas ng isang tiwaling disposisyon; umuusbong ito kapag nauudyukan ang mga tao ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Direkta itong nakaaapekto sa nakukuha nilang mga resulta sa kanilang mga tungkulin, nagiging dahilan pa nga upang maging magulo ang kanilang gawain, at nakaaapekto ito sa gawain ng iglesia. Napakalala ng resultang ito. Kung palagi kang pabasta-basta sa iyong tungkulin, anong uri ng problema ito? Ito ay isang problema na may kinalaman sa iyong pagkatao. Tanging mga taong walang konsensiya at pagkatao ang palaging pabasta-basta. Sa tingin ba ninyo ay maaasahan ang mga taong palaging pabasta-basta? (Hindi.) Sila ay lubhang hindi maaasahan! Ang isang taong pabasta-basta kung gumawa ng kanyang tungkulin ay isang taong iresponsable, at ang isang taong iresponsable sa kanyang mga kilos ay hindi isang matapat na tao—siya ay isang taong hindi mapagkakatiwalaan. Anumang tungkulin ang ginagawa niya, ang isang taong hindi mapagkakatiwalaan ay pabasta-basta, dahil ang kanyang karakter ay hindi umaabot sa isang katanggap-tanggap na pamantayan, hindi niya minamahal ang katotohanan, at talagang hindi siya isang matapat na tao. Maipagkakatiwala ba ng Diyos ang anumang bagay sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan? Hinding-hindi. Dahil sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao, hinding-hindi Niya ginagamit ang mga taong mapanlinlang upang gumawa ng mga tungkulin; ang mga tapat lang ang pinagpapala ng Diyos, at gumagawa lamang Siya sa mga tapat at nagmamahal sa katotohanan. Sa tuwing gumaganap sa tungkulin ang isang mapanlinlang na tao, isa itong pagsasaayos na ginawa ng tao, at ito ay pagkakamali ng tao. Ang mga taong mahilig maging pabasta-basta ay walang konsensiya o katwiran, mababa ang kanilang pagkatao, hindi sila mapagkakatiwalaan, at sila ay labis na hindi maaasahan. Gagawa ba ang Banal na Espiritu sa gayong mga tao? Hinding-hindi. Kaya, ang mga mahilig maging pabasta-basta sa kanilang mga tungkulin ay hindi gagawing perpekto ng Diyos kailanman, at hindi Niya sila gagamitin kailanman. Ang mga mahilig maging pabasta-basta ay mapanlinlang lahat, puno ng masasamang motibo, at lubos na walang konsensiya at katwiran. Kumikilos sila nang walang mga prinsipyo o walang mababang limitasyon; kumikilos sila batay lamang sa sarili nilang mga kagustuhan, at may kakayahan silang gumawa ng lahat ng uri ng masasamang bagay. Ang lahat ng kanilang kilos ay nababatay sa lagay ng kanilang kalooban: Kung maganda ang kanilang timpla, at sila ay nasisiyahan, medyo bubuti ang kanilang paggawa. Kung masama naman ang kanilang timpla, at hindi sila nasisiyahan, magiging pabasta-basta sila. Kung galit sila, maaari silang maging arbitraryo at walang ingat, at maaari nilang maantala ang mahahalagang bagay. Wala talaga ang Diyos sa kanilang puso. Hinahayaan lang nilang lumipas ang mga araw, nang walang ginagawa at naghihintay ng kamatayan. Kaya, gaano man hikayatin ang mga taong gumagawa ng kanilang mga tungkulin nang pabasta-basta, wala rin itong saysay, at walang silbi na magbahagi sa kanila tungkol sa katotohanan. Ayaw nilang ayusin ang kanilang mga gawi sa kabila ng paulit-ulit na mga pangaral, sila ay walang puso; maaari lang silang paalisin, iyon ang pinakaangkop na gawin.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Nakikinabang sa Pamamahala ng Diyos
Mahigpit na ipinagbabawal ang basta lamang iraos ang mga bagay-bagay. Kung palagi mong iniraraos lang ang iyong tungkulin, hindi mo magagampanan ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan. Kung gusto mong gampanan ang tungkulin mo nang may katapatan, dapat mo munang ayusin ang problema mo na iniraraos lang ang tungkulin. Dapat kang gumawa ng mga hakbang para itama ang sitwasyon sa sandaling mapansin mo ito. Kung magulo ang isip mo, hindi kailanman nakakapansin sa mga problema, palaging iniraraos lang ang gawain, at pabasta-basta lang na ginagawa ang mga bagay-bagay, imposibleng magagawa mo nang maayos ang iyong tungkulin. Kaya, dapat palagi mong isapuso ang tungkulin mo. Napakahirap dumating ng pagkakataong ito sa mga tao! Kapag binibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon, ngunit hindi nila ito sinusunggaban, nawawala ang pagkakataong iyon—at kahit na sa kalaunan, naisin nilang makahanap ng ganoong pagkakataon, maaring hindi na iyon muling dumating. Ang gawain ng Diyos ay hindi naghihintay sa sinuman, at hindi rin naghihintay sa sinuman ang mga pagkakataon para gawin ang tungkulin ng isang tao. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko ginampanan nang maayos ang tungkulin ko dati, ngunit ngayon ay nais ko pa rin itong gampanan. Dapat subukan ko na lang muli.” Kahanga-hangang magkaroon ng ganitong kapasyahan, pero dapat maging malinaw sa iyo kung paano gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, at dapat kang magsikap tungo sa katotohanan. Tanging ang mga nakakaunawa sa katotohanan ang makagagampan nang maayos sa kanilang tungkulin. Ang mga hindi nakakaunawa sa katotohanan ay hindi kwalipikado kahit magtrabaho man lang. Kapag mas malinaw sa iyo ang katotohanan, mas nagiging epektibo ka sa iyong tungkulin. Kung nakikita mo ang totoong sitwasyon ng isang bagay, magsusumikap ka tungo sa katotohanan, at may pag-asang magampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin. Kakaunti ang mga oportunidad sa ngayon para gumanap sa isang tungkulin, kaya dapat mong sunggaban ang mga iyon kung kaya mo. Kapag naharap ka sa isang tungkulin, doon ka mismo dapat magsumikap; doon mo dapat ialay ang sarili mo, gugulin ang sarili mo para sa Diyos, at doon mo kinakailangang magbayad ng halaga. Huwag kang maglihim, magkimkim ng anumang mga pakana, maging maluwag, o magpalusot. Kung ikaw ay nagiging maluwag, tuso, o madaya at taksil, malamang na hindi maging maganda ang trabaho mo. Ipagpalagay na sabihin mong, “Walang nakakita na nandaya ako. Ang galing!” Anong klaseng pag-iisip ito? Akala mo ba nalinlang mo ang mga tao, at pati na ang Diyos? Ngunit sa totoo lang, alam ba ng Diyos kung ano ang nagawa mo o hindi? Alam Niya. Sa katunayan, malalaman ng sinumang nakikipag-ugnayan sa iyo sa maikling panahon ang iyong katiwalian at kasamaan, at bagama’t hindi nila iyon sasabihin nang tahasan, susuriin ka nila sa kanilang puso. Marami nang taong nabunyag at naitiwalag dahil napakaraming iba pa ang nakaunawa sa mga ito. Nang mahalata ng lahat ang diwa ng mga ito, inilantad nila ang tunay na pagkatao ng mga taong iyon at pinatalsik ang mga ito. Kaya, hinahangad man nila ang katotohanan o hindi, dapat gawin nang maayos ng mga tao ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya; dapat nilang gamitin ang kanilang konsiyensiya sa paggawa ng mga praktikal na bagay. Maaaring mayroon kang mga depekto, ngunit kung kaya mong maging epektibo sa pagganap sa iyong tungkulin, hindi ka ititiwalag. Kung lagi mong iniisip na ayos ka lang, na nakatitiyak kang hindi ka ititiwalag, kung hindi ka pa rin nagninilay o nagsisikap na kilalanin ang iyong sarili, at binabalewala mo ang iyong mga wastong gawain, kung palagi kang pabaya, kapag talagang nawalan na ng pasensya sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos, ilalantad nila ang iyong tunay na pagkatao, at malamang talaga na ititiwalag ka. Iyon ay dahil nahalata ka na ng lahat at nawalan ka na ng dangal at integridad. Kung walang nagtitiwala sa iyo, maaari ka bang pagtiwalaan ng Diyos? Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao: Talagang hindi Niya mapagkakatiwalaan ang gayong tao.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin
Ang ilang tao ay hindi tumatanggap ng anumang pananagutan kapag gumaganap sila ng kanilang tungkulin, lagi silang pabasta-basta. Kahit nakikita nila ang problema, ayaw nilang maghanap ng solusyon at takot silang mapasama ang loob ng mga tao, kaya nga nagmamadali silang gawin ang mga bagay-bagay, na ang resulta ay kailangang ulitin ang gawain. Dahil ikaw ang gumaganap sa tungkuling ito, dapat mong panagutan ito. Bakit hindi mo ito sineseryoso? Bakit pabasta-basta ka? At wala ka bang ingat sa iyong mga responsabilidad kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin sa ganitong paraan? Kahit sino pa ang may pangunahing responsabilidad, responsable ang lahat ng iba pa sa pagbabantay sa mga bagay-bagay, ang lahat ay dapat may ganitong pasanin at ganitong pagpapahalaga sa pananagutan—pero wala ni isa man sa inyo ang nagbibigay ng anumang pansin, talagang mapagwalang-bahala kayo, wala kayong katapatan, wala kayong ingat sa inyong mga tungkulin! Hindi naman sa hindi ninyo nakikita ang problema, kundi ay ayaw ninyong tumanggap ng pananagutan—ni ayaw ninyong pansinin ang bagay na ito kapag nakikita naman ninyo ang problema, ayos na sa inyo ang “sapat na.” Hindi ba’t ang pagiging pabasta-basta sa ganitong paraan ay pagtatangkang linlangin ang Diyos? Kung, kapag gumagawa at nagbabahagi Ako sa inyo tungkol sa katotohanan, pakiramdam Ko ay katanggap-tanggap ang “sapat na,” kung gayon, batay sa inyong mga kakayahan at paghahangad, ano ang makakamit ninyo mula roon? Kung pareho ng sa inyo ang saloobin Ko, wala kayong mapapala. Bakit Ko ito sinasabi? Sa isang banda ito ay dahil wala kayong anumang ginagawa na taos-puso, at sa isa pang banda ay dahil medyo mahihina ang kakayahan ninyo, medyo manhid kayo. Dahil nakikita Kong lahat kayo ay manhid at walang pagmamahal sa katotohanan, at hindi ninyo hinahangad ang katotohanan, dagdag pa ang mahihina ninyong kakayahan, kaya kailangan Kong magsalita nang detalyado. Dapat Kong sabihin nang malinaw ang lahat, at unti-untiin at himay-himayin ang mga ito sa Aking pananalita, at mangusap tungkol sa mga bagay-bagay mula sa bawat anggulo, sa anupamang paraan. Saka lamang kayo nakakaunawa nang kaunti. Kung pabasta-basta Ako sa inyo, at nagsalita nang kaunti ukol sa anumang paksa, sa tuwing maibigan Ko, nang hindi ito pinag-iisipan nang mabuti ni pinagsisikapan, nang hindi ito isinasapuso, hindi nagsasalita kapag hindi Ko gustong magsalita, ano ang mapapala ninyo? Sa kakayahan na katulad ng sa inyo, hindi ninyo mauunawaan ang katotohanan. Wala kayong makakamit, lalo namang hindi ninyo matatamo ang kaligtasan. Pero hindi Ko magagawa iyon, dapat Akong magsalita nang detalyado. Dapat Akong maging detalyado at magbigay ng mga halimbawa ukol sa mga kalagayan ng bawat uri ng tao, sa mga saloobin ng mga tao sa katotohanan, at sa bawat uri ng tiwaling disposisyon; saka lamang ninyo maiintindihan ang sinasabi Ko, at mauunawaan ang naririnig ninyo. Anumang aspeto ng katotohanan ang ibinabahagi, nagsasalita Ako sa iba’t ibang kaparaanan, na may mga estilo ng pagbabahagi para sa mga nasa hustong gulang at para sa mga bata, at sa anyo rin ng mga katwiran at kuwento, gumagamit ng mga teorya at pagsasagawa, at nagkukuwento ng mga karanasan, upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan at makapasok sa realidad. Sa ganitong paraan, iyong mga may kakayahan at may puso ay magkakaroon ng pagkakataong maunawaan at tanggapin ang katotohanan at maligtas. Ngunit noon pa man ang saloobin ninyo sa inyong tungkulin ay pagiging pabasta-basta na, ng pagpapaliban ng mga bagay-bagay, at wala kayong pakialam kung gaano katagal ang antalang idinudulot ninyo. Hindi ninyo pinagninilayan kung paano hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema, hindi ninyo iniisip kung paano gampanan ang inyong tungkulin nang maayos upang makapagpatotoo sa Diyos. Ito ay pagpapabaya sa inyong tungkulin. Kaya napakabagal ng paglago ng inyong buhay, pero hindi kayo nababalisa sa dami ng oras na nasayang ninyo. Sa katunayan, kung gagawin ninyo ang inyong tungkulin nang maingat at responsable, hindi man lang aabutin ng lima o anim na taon bago ninyo magagawang magkuwento ng inyong mga karanasan at magpatotoo sa Diyos, at ang iba’t ibang gawain ay napakaepektibong maisasakatuparan—pero ayaw ninyong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, ni ayaw ninyong pagsikapang alamin ang katotohanan. May ilang bagay na hindi ninyo alam kung paano gawin, kaya’t binibigyan Ko kayo ng mga tiyak na tagubilin. Hindi ninyo kailangang mag-isip, kailangan niyo lamang makinig at isagawa iyon. Iyan lang ang katiting na responsabilidad na dapat ninyong akuin—ngunit kahit iyan ay lampas sa inyo. Nasaan ang inyong katapatan? Hindi ito makita kahit saan! Ang tanging ginagawa ninyo ay magsabi ng mga bagay na masarap pakinggan. Sa puso ninyo, alam ninyo ang dapat ninyong gawin, pero hindi lang ninyo isinasagawa ang katotohanan. Ito ay pagsuway sa Diyos, at ang ugat nito ay kawalan ng pagmamahal sa katotohanan. Alam na alam ninyo sa puso ninyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan—hindi lang talaga ninyo isinasagawa ito. Malubhang problema ito; nakatitig kayo sa katotohanan nang hindi ito isinasagawa. Hindi talaga kayo isang taong nagpapasakop sa Diyos. Para gumanap ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos, dapat ninyong hanapin at isagawa man lang ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Kung hindi mo naisasagawa ang katotohanan sa iyong pagganap sa tungkulin, saan mo ito maaaring isagawa? At kung hindi mo isinasagawa ang anuman sa katotohanan, isa kang hindi mananampalataya. Ano ba talaga ang layon mo, kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan—lalo nang hindi mo isinasagawa ang katotohanan—at kumikilos lang nang pabaya sa sambahayan ng Diyos? Nais mo bang gawing tahanan mo ng pagreretiro ang sambahayan ng Diyos, o isang bahay-kawanggawa? Kung oo, nagkakamali ka—ang sambahayan ng Diyos ay hindi nag-aalaga ng mga mapagsamantala, ng mga walang silbi. Sinumang masama ang pagkatao, na hindi masayang gumagampan sa kanyang tungkulin, na hindi akmang gumanap ng isang tungkulin, ay dapat paalisin lahat; lahat ng hindi mananampalataya na hindi talaga tinatanggap ang katotohanan ay dapat itiwalag. Nauunawaan ng ilang tao ang katotohanan pero hindi nila ito maisagawa sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Kapag may nakikita silang problema, hindi nila ito nilulutas, at kahit alam nilang responsabilidad nila ito, hindi nila ibinubuhos ang lahat ng makakaya nila. Kung hindi mo man lang isinasakatuparan ang mga responsabilidad na kaya mong gawin, anong halaga o epekto ang maidudulot ng pagganap mo sa inyong tungkulin? Makabuluhan bang manalig sa Diyos sa ganitong paraan? Ang isang taong nakakaunawa ng katotohanan pero hindi ito kayang isagawa, na hindi kayang pasanin ang mga paghihirap na marapat niyang pasanin—ang gayong tao ay hindi angkop na gumanap ng tungkulin. Ang ilang taong gumaganap sa isang tungkulin ay ginagawa lamang iyon para mapakain sila. Sila ay mga pulubi. Iniisip nila na kung gagawa sila ng kaunting gawain sa sambahayan ng Diyos, malilibre na ang kanilang tirahan at pagkain, na tutustusan sila at hindi na nila kailangan pang magtrabaho. Mayroon bang gayong pakikipagtawaran? Hindi tinutustusan ng sambahayan ng Diyos ang mga tamad. Kung ang isang taong hindi man lamang nagsasagawa ng katotohanan, at palaging pabasta-basta sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin, ay nagsasabi na naniniwala siya sa Diyos, kikilalanin ba siya ng Diyos? Lahat ng gayong tao ay mga hindi mananampalataya at, ang tingin sa kanila ng Diyos ay mga taong gumagawa ng masama.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran
Kung hindi mo isinasapuso ang iyong tungkulin, ni hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, kung naguguluhan o nalilito ka, kung ginagawa mo lamang ang mga bagay sa pinakamadaling paraan para sa iyo, kung gayon, anong uri ng mentalidad ito? Ito ay paggawa ng mga bagay-bagay nang pabasta-basta. Kung hindi ka tapat sa tungkulin mo, kung wala kang pagpapahalaga sa iyong responsabilidad dito, o anumang pagpapahalaga na misyon mo ito, magagampanan mo ba nang maayos ang tungkulin mo? Magagampanan mo ba ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan? At kung hindi mo magagampanan ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan, makapapasok ka ba sa katotohanang realidad? Talagang hindi. Kung, sa tuwing ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka masigasig, ayaw mong magsikap, at iniraraos mo lang ang iyong tungkulin, na parang hindi nag-iisip na tila naglalaro ka lang, hindi ba’t problema ito? Ano ang mapapala mo sa pagganap ng iyong tungkulin sa ganitong paraan? Sa huli, makikita ng mga tao na kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, wala kang pagpapahalaga sa responsabilidad, na pabasta-basta ka, at iniraraos mo lang ang tungkulin—kung magkagayon, nanganganib kang maitiwalag. Sinisiyasat ng Diyos ang buong proseso ng paggampan mo sa iyong tungkulin, at ano ang sasabihin ng Diyos? (Ang taong ito ay hindi karapat-dapat sa Kanyang atas o sa Kanyang pagtitiwala.) Sasabihin ng Diyos na hindi ka mapagkakatiwalaan, at na dapat kang maitiwalag. At kaya, anumang tungkulin ang ginagampanan mo, mahalaga o karaniwan man ito, kung hindi mo isinasapuso ang gawaing ipinagkatiwala sa iyo o tinutupad ang iyong responsabilidad, at kung hindi mo ito itinuturing bilang atas ng Diyos, o inaako ito bilang sarili mong tungkulin at obligasyon, palaging ginagawa ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta, kung gayon, magiging problema ito. “Hindi mapagkakatiwalaan”—tutukuyin ng dalawang salitang ito kung paano mo ginagawa ang iyong tungkulin. Ang ibig sabihin ng mga ito ay na hindi naaayon sa pamantayan ang iyong pagganap sa iyong tungkulin, at na itiniwalag ka, at sinasabi ng Diyos na hindi pasok sa pamantayan ang karakter mo. Kung ipinagkatiwala sa iyo ang isang bagay pero ito ang saloobin mo rito at ganito mo ito pinangangasiwaan, aatasan ka pa ba ng karagdagang mga tungkulin sa hinaharap? Maipagkakatiwala ba sa iyo ang anumang bagay na mahalaga? Hinding-hindi, maliban na lang kung magpakita ka ng tunay na pagsisisi. Gayunpaman, sa kaibuturan, palaging magkikimkim ng kaunting kawalan ng tiwala at kawalan ng kasiyahan ang Diyos sa iyo. Magiging problema ito, hindi ba? Maaari kang mawalan ng anumang pagkakataong gampanan ang iyong tungkulin, at maaaring hindi ka maliligtas.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong
Maraming tao ang madalas na pabasta-basta habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Kapag naharap sila sa pagpupungos, tatanggi pa rin silang tanggapin ang katotohanan, pilit na ipagtatanggol ang kanilang punto, at irereklamo pang ang sambahayan ng Diyos ay hindi patas sa kanila, walang awa at pang-unawa. Hindi ba’t hindi ito makatwiran? Upang mas ipahayag ito nang walang kinikilingan, ito ay isang mapagmataas na disposisyon, at wala silang ni katiting na konsiyensiya at katwiran. Iyong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay dapat na tanggapin man lang ang katotohanan at gawin ang mga bagay nang hindi lumalabag sa konsensiya at katwiran. Ang mga taong hindi kayang tumanggap o magpasakop sa pagpupungos, ay lubhang mayabang, mapagmagaling, at sadyang di-makatwiran. Ang tawagin silang mga halimaw ay hindi isang pagmamalabis dahil sila ay lubos na walang pakialam sa lahat ng kanilang ginagawa. Ginagawa nila ang mga bagay ayon sa kanilang kagustuhan at walang anumang pagsasaalang-alang sa mga kahihinatnan; kung may lumitaw na mga problema, wala silang pakialam. Ang mga taong tulad nito ay hindi kwalipikadong magtrabaho. Dahil ganito ang pagtrato nila sa kanilang mga tungkulin, hindi makayanan ng ibang panoorin sila at nawawalan ng tiwala sa kanila ang mga ito. Kung gayon, maaari kayang magkaroon ng tiwala sa kanila ang Diyos? Sa kadahilanang hindi man lamang nila naabot ang pinakamababang pamantayang ito, hindi sila kwalipikadong magtrabaho at maaari lamang itiwalag. … Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa isang basta-bastang paraan—wala silang tamang pag-uugali, hindi nila kailanman hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, at hindi nila iniisip ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos at kung ano ang mga resulta ang dapat nilang makamit. Paano nila magagampanan nang sapat ang kanilang mga tungkulin? Kung ikaw ay isang taong taos-pusong naniniwala sa Diyos, kapag ikaw ay pabasta-basta, dapat kang manalangin sa Kanya at pag-isipan at kilalanin ang iyong sarili; dapat kang maghimagsik laban sa iyong mga tiwaling disposisyon, magsikap nang mabuti sa mga katotohanang prinsipyo, at sikaping maabot ang Kanyang mga kinakailangang pamantayan. Sa pamamagitan ng pagganap sa iyong tungkulin sa ganitong paraan, unti-unti mong matutugunan ang mga kinakailangan ng sambahayan ng Diyos. Ang totoo, hindi naman masyadong mahirap gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kailangan lamang magkaroon ng konsensiya at katwiran, maging matuwid at masipag. Maraming walang pananampalataya na masigasig na nagtatrabaho at bilang resulta ay nagtatagumpay. Wala silang kaalam-alam tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, kaya paano sila nakagagawa nang napakaayos? Dahil sila ay nagkukusa at masipag, kaya nakakapagtrabaho sila nang masigasig at nagiging metikuloso, at sa ganitong paraan, madaling nagagawa ang mga bagay-bagay. Wala sa mga tungkulin ng sambahayan ng Diyos ang napakahirap. Basta’t ibinubuhos mo ang buong puso mo rito at ginagawa ang makakaya mo, magiging maayos ang paggawa mo sa trabaho mo. Kung hindi ka matuwid, at hindi ka masipag sa anumang ginagawa mo, kung lagi mong sinisikap na hindi ka mahirapan, kung lagi kang pabasta-basta at iniraraos lang ang lahat ng bagay, at bilang resulta, hindi mo ginagampanan nang maayos ang iyong tungkulin, nagugulo mo ang mga bagay-bagay at napipinsala ang sambahayan ng Diyos, ibig sabihin niyan ay gumagawa ka nang masama, at magiging isang pagsalangsang iyon na kasusuklaman ng Diyos. Sa mahahalagang sandali ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, kung hindi ka nagkakamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin at hindi positibo ang iyong ginagampanang papel, o kung nagsasanhi ka ng mga paggambala at kaguluhan, natural na kasusuklaman at ititiwalag ka ng Diyos at mawawalan ka ng pagkakataong maligtas. Pagsisisihan mo ito nang walang hanggan! Ang pagtataas sa iyo ng Diyos para gawin mo ang iyong tungkulin ang tanging pagkakataon mong maligtas. Kung hindi ka responsable, binabalewala mo iyon at pabasta-basta ka, iyon ang saloobin mo sa pagtrato sa katotohanan at sa Diyos. Kung hindi ka sinsero o mapagpasakop ni katiting, paano mo matatamo ang pagliligtas ng Diyos? Napakahalaga ng oras sa ngayon; importante ang bawat araw at bawat minuto. Kung hindi mo hinahanap ang katotohanan, kung hindi mo pinagtutuunan ang buhay pagpasok, at kung pabasta-basta ka at nililinlang ang Diyos sa iyong tungkulin, talagang hindi makatwiran at mapanganib iyon! Sa sandaling kasuklaman at itiwalag ka ng Diyos, hindi na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at wala nang balikan pa mula roon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Kung iniraraos mo lamang ang pagganap sa iyong tungkulin at hindi mo man lang hinahangad na magkaroon ng mga resulta, isa kang mapagpaimbabaw, isang lobo na nakadamit tupa. Maaaring maloko mo ang mga tao, ngunit hindi mo malilinlang ang Diyos. Kung walang tunay na halaga at walang katapatan kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, kung gayon ay hindi ito abot sa pamantayan. Kung hindi ka talaga nagsisikap sa iyong pananampalataya sa Diyos at sa pagganap sa iyong tungkulin; kung palagi mong gusto na iraos lang ang mga bagay-bagay at mapagwalang-bahala sa iyong mga kilos, tulad sa isang walang pananampalataya na gumagawa para sa kanilang amo; kung gumagawa ka lamang ng isang walang-katuturang pagsisikap, hindi ginagamit ang iyong isip, iniraraos mo lang ang bawat araw na dumarating, hindi iniuulat ang mga problema kapag nakikita mo ang mga ito, nakikita ang isang tumapon at hindi ito nililinis, at walang patumanggang iwinawaksi ang lahat-lahat ng hindi mo na mapakikinabangan—hindi ba ito problema? Paanong magiging kasapi ng sambahayan ng Diyos ang ganitong tao? Walang pananampalataya ang gayong mga tao; hindi sila nabibilang sa sambahayan ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang kinikilala ng Diyos. Kung ikaw ba ay nagpapakatotoo at kung ikaw ba ay nagsisikap kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, tinatandaan iyon ng Diyos, at alam na alam mo rin ito. Kaya, nagsikap na ba talaga kayo sa pagganap ng inyong tungkulin? Sineryoso na ba ninyo ito? Itinuring na ba ninyo ito bilang inyong pananagutan, inyong pasanin? Inangkin na ba ninyo ito? Dapat wasto ninyong pagnilay-nilayan at alamin ang mga bagay na ito, na magpapadaling harapin ang mga problemang umiiral sa pagganap ninyo sa inyong tungkulin, at magiging kapaki-pakinabang ito sa inyong buhay pagpasok. Kung palagi kayong iresponsable kapag ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, at hindi ninyo iniuulat ang mga problema sa mga lider at manggagawa kapag nadidiskubre ninyo ang mga ito, ni hindi hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito nang mag-isa, laging iniisip na “mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” laging namumuhay ayon sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, laging pabasta-basta kapag ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, walang anumang pagkamatapat kailanman, at hindi man lang tinatanggap ang katotohanan kapag pinupungusan—kung ganito ang pagganap ninyo sa inyong tungkulin, nasa panganib kayo; isa kayo sa mga trabahador. Hindi mga miyembro ng sambahayan ng Diyos ang mga trabahador, kundi mga empleyado, mga bayarang manggagawa. Kapag tapos na ang gawain, ititiwalag sila, at natural na masasadlak sa kapahamakan. Iba ang mga tao ng sambahayan ng Diyos; kapag gumaganap sila sa kanilang tungkulin, hindi iyon para sa pera, o para magsikap, o para magkamit ng mga pagpapala. Iniisip nila, “Isa akong miyembro ng sambahayan ng Diyos. Ang mga bagay na may kinalaman sa sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa akin. Ang mga gawain ng sambahayan ng Diyos ay mga gawain ko. Dapat kong isapuso ang sambahayan ng Diyos.” Dahil dito, isinasapuso nila ang lahat ng bagay na may kinalaman sa sambahayan ng Diyos, at tinatanggap ang responsabilidad para doon. Tinatanggap nila ang responsabilidad para sa lahat ng bagay na maiisip o makikita nila. Binabantayan nila kung may mga bagay ba na kailangang asikasuhin, at sineseryoso nila ang mga bagay-bagay. Ito ang mga tao ng sambahayan ng Diyos. Ganito rin ba kayo? (Hindi.) Kung nagnanasa ka lang ng mga kaginhawahan ng laman, kung binabalewala mo kapag nakikita mo na may mga bagay na kailangang asikasuhin sa sambahayan ng Diyos, kung hindi mo dinadampot ang bote ng langis na nahulog, at alam ng puso mo na may problema ngunit ayaw mong lutasin iyon, hindi mo tinatratong iyo ang sambahayan ng Diyos. Ganito ba kayo? Kung oo, labis na kayong napag-iwanan na wala na kayong ipinagkaiba sa mga walang pananampalataya. Kung hindi ka magsisisi, kailangan kang ituring na hindi kabilang sa sambahayan ng Diyos; kailangan kang isantabi at itiwalag. Ang totoo ay ninanais ng Diyos sa Kanyang puso na ituring kayo bilang miyembro ng Kanyang pamilya, pero hindi ninyo tinatanggap ang katotohanan, at lagi kayong pabasta-basta, at iresponsable sa pagganap sa inyong tungkulin. Hindi kayo nagsisisi, kahit paano pa ibahagi sa inyo ang tungkol sa katotohanan. Kayo ang siyang naglagay sa inyong sarili sa labas ng sambahayan ng Diyos. Nais ng Diyos na iligtas kayo at gawin kayong mga miyembro ng Kanyang pamilya, pero hindi ninyo ito tinatanggap. Kaya naman, nasa labas kayo ng Kanyang sambahayan; kayo ay mga walang pananampalataya. Sinumang hindi tumatanggap ng kahit katiting mang katotohanan ay maaari lamang tratuhing gaya ng isang walang pananampalataya. Kayo ang siyang nagtakda ng sarili ninyong kahihinatnan at kalalagyan. Itinakda ninyo ito sa labas ng sambahayan ng Diyos. Bukod sa inyo, sino pa ba ang dapat sisihin para diyan? … Samakatuwid, tanging sa maayos na pagganap lamang ng iyong tungkulin ka makapananatili nang matatag sa sambahayan ng Diyos, at maililigtas mula sa kalamidad. Napakahalaga ng maayos na pagganap sa iyong tungkulin. Kahit papaano man lang, ang mga tao ng sambahayan ng Diyos ay mga tapat na tao. Sila ay mga taong mapagkakatiwalaan sa kanilang tungkulin, na kayang tanggapin ang ibinigay na gawain ng Diyos, at na kayang gampanan nang tapat ang kanilang tungkulin. Kung ang mga tao ay walang tunay na pananampalataya, konsensiya, at katwiran, at kung wala silang pusong natatakot at nagpapasakop sa Diyos, hindi sila naaangkop na gumanap ng mga tungkulin. Kahit pa ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, pabara-bara nila itong ginagawa. Sila ay mga trabahador—mga taong hindi pa talaga nagsisi. Ang mga trabahador na tulad nito ay ititiwalag kalaunan. Tanging ang mga tapat na trabahador ang pananatilihin. Bagaman walang katotohanang realidad ang mga tapat na trabahador, nagtataglay sila ng konsensiya at katwiran, nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin nang taos-puso, at pinahihintulutan sila ng Diyos na manatili. Ang mga nagtataglay ng katotohanang realidad, at ang mga matunog na makapagpapatotoo sa Diyos ang Kanyang mga tao, at pananatilihin at dadalhin din sila sa Kanyang kaharian.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran
Sa kasalukuyan, sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, ang karamihan sa mga tao ay nagagawang tuparin ang kanilang mga tungkulin, nang hindi gumagawa ng masama, ngunit sila ba ay matapat? Nagagawa ba nila ang kanilang mga tungkulin sa isang katanggap-tanggap na pamantayan? Labis pa rin silang nabibigo. Kung kaya o hindi ng mga tao na gampanan nang mabuti ang kanilang mga tungkulin ay may kaugnayan sa usapin ng pagkatao. Kaya paano nila magagawa nang mabuti ang kanilang mga tungkulin? Ano ang dapat nilang taglayin upang magawa nang mabuti ang kanilang mga tungkulin? Anuman ang tungkuling kanilang ginagampanan o anuman ang kanilang ginagawa, dapat maging metikuloso at marubdob ang mga tao, at dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad; saka lang makararamdam ng katatagan at kapayapaan ang kanilang puso. Ano ang ibig sabihin ng tuparin ang mga responsabilidad ng isang tao? Ang ibig sabihin nito ay ang maging masipag, ang ibigay mo ang iyong buong puso sa iyong mga responsabilidad, at gawin ang lahat ng bagay na dapat mong gawin. Halimbawa, sabihin nang itinalaga ka ng isang lider ng iglesia na gumawa ng isang tungkulin, at ibinahagi niya sa iyo ang mga simpleng prinsipyo nito, ngunit hindi ito gaanong idinetalye—paano ka dapat kumilos upang magawa mo nang mabuti ang tungkuling ito? (Umasa sa aming konsensiya.) Kahit paano man lang, dapat kang umasa sa iyong konsensiya upang magawa mo ito. “Umasa ka sa iyong konsensiya”—paano mo maipatutupad ang mga salitang ito? Paano mo gagamitin ang mga salitang ito? (Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi paggawa ng anuman na magbibigay-kahihiyan sa Diyos.) Isa itong aspekto. Bukod dito, kapag gumawa ka ng isang bagay, dapat ay paulit-ulit mo itong pag-isipang mabuti, sukatin mo ito alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Kung walang kapayapaan ang iyong puso pagkaraan mo itong tapusin, at pakiramdam mo ay para bang may problema pa rin dito, at matapos itong suriin, isang problema nga talaga ang natuklasan, ano ang dapat mong gawin sa puntong ito? Dapat mong agad na ayusin ito at lutasin ang problema. Anong uri ng saloobin ito? (Ito ay pagiging metikuloso at pagiging mabusisi.) Ito ay pagiging metikuloso at pagiging mabusisi, na isang marubdob at masidhing saloobin. Ang paggawa ng iyong tungkulin ay nakabatay dapat sa isang marubdob at responsableng saloobin, na nagsasabing: “Ibinigay sa akin ang gawaing ito, kaya dapat kong gawin ang anumang makakaya ko upang magawa ko ito nang mabuti ayon sa abot ng aking kayang malaman at makamit. Hindi ako maaaring makagawa ng anumang mga pagkakamali.” Hindi ka maaaring magkaroon ng pag-iisip na “puwede na ang puwede na.” Kung palagi kang may pabasta-bastang paraan ng pag-iisip, magagawa mo ba nang mabuti ang iyong tungkulin? (Hindi.)
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Nakikinabang sa Pamamahala ng Diyos
Dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, madalas silang pabasta-basta kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Isa ito sa mga pinakaseryosong problema sa lahat. Kung gagampanan nang maayos ng mga tao ang kanilang mga tungkulin, dapat muna nilang lutasin ang problemang ito ng pagiging pabasta-basta. Hangga’t may gayong ugali sila na pabasta-basta, hindi nila magagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, na nangangahulugang lubhang mahalagang lutasin ang problema ng pagiging pabasta-basta. Paano sila dapat magsagawa? Una, dapat nilang lutasin ang problema sa lagay ng kanilang pag-iisip; dapat nilang harapin nang tama ang kanilang mga tungkulin, at gawin ang mga bagay nang may kaseryosohan at may pagpapahalaga sa responsabilidad. Hindi nila dapat balaking maging mapanlinlang o pabasta-basta. Ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin para sa Diyos, hindi para sa sinumang tao; kung magagawa ng mga taong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, magkakaroon sila ng tamang lagay ng pag-iisip. Higit pa rito, pagkatapos gawin ang isang bagay, dapat suriin ito ng mga tao, at pagnilay-nilayan ito, at kung makadama sila ng kaunting pagkabalisa sa kanilang puso, at matapos ang masusing inspeksyon, napag-alaman nilang may problema nga, dapat silang gumawa ng mga pagbabago; kapag nagawa na ang mga pagbabagong ito, mapapanatag na sila sa kanilang puso. Kapag nababalisa ang mga tao, pinatutunayan nitong may problema, at dapat nilang masusing suriin ang mga nagawa nila, lalo na sa mga mahahalagang yugto. Ito ay isang responsableng pag-uugali sa pagganap ng tungkulin. Kapag ang isang tao ay makakayang maging seryoso, umako ng responsabilidad, at ibigay ang kanyang buong puso at lakas, magagawa nang maayos ang gawain. Minsan ikaw ay wala sa tamang lagay ng pag-iisip, at hindi ka makahanap o makatuklas ng isang napakalinaw na pagkakamali. Kung ikaw ay nasa tamang lagay ng pag-iisip, sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu, magagawa mong tukuyin ang usapin. Kung ginabayan ka ng Banal na Espiritu at binigyan ka ng kamalayan, tinutulutan kang makaramdam ng kalinawan sa puso at na malaman kung saan may mali, magagawa mo nang itama ang paglihis at pagsumikapan ang mga katotohanang prinsipyo. Kung ikaw ay nasa maling lagay ng pag-iisip, at tuliro at pabaya, mapapansin mo kaya ang mali? Hindi mo mapapansin. Ano ang makikita mula rito? Ipinapakita nito na upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin nila, napakahalaga na nakikipagtulungan ang mga tao; napakahalaga ng lagay ng kanilang mga pag-iisip, at napakahalaga ng kung saan nila itinutuon ang kanilang mga iniisip at ideya. Sinisiyasat at nakikita ng Diyos kung ano ang lagay ng pag-iisip ng mga tao, at kung gaano karaming lakas ang ginagamit nila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Napakahalaga na inilalagay ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa kanilang ginagawa. Napakahalagang sangkap ang kanilang pakikipagtulungan. Tanging kung nagsisikap ang mga tao na walang pagsisihan tungkol sa mga tungkuling kanilang naisagawa at mga bagay na kanilang nagawa, at hindi magkaroon ng pagkakautang sa Diyos, na makakikilos sila nang buong puso at lakas. Kung palagian kang nabibigong ilagay ang buong puso at lakas mo sa pagganap sa iyong tungkulin, kung lagi ka na lang pabasta-basta, at nagdudulot ng malaking pinsala sa gawain, at lubhang nagkukulang sa mga epektong hinihingi ng Diyos, isang bagay lang ang maaaring mangyari sa iyo: Ititiwalag ka. At magkakaroon pa ba ng panahon para magsisi, kung magkagayon? Hindi magkakaroon. Ang mga kilos na ito ay magiging isang walang-hanggang pagsisisi, isang mantsa! Ang pagiging laging pabasta-basta ay isang mantsa, ito ay isang malubhang paglabag—oo o hindi? (Oo.) Dapat magsikap kang isagawa ang iyong mga obligasyon, at ang lahat ng nararapat mong gawin, nang buong puso at lakas mo, dapat ay hindi ka pabasta-basta, o mag-iwan ng pagsisisihan. Kung magagawa mo iyan, kikilalanin ng Diyos ang tungkuling ginagampanan mo. Iyong mga bagay na kinikilala ng Diyos ay mabubuting gawa. Ano, kung gayon, ang mga bagay na hindi kinikilala ng Diyos? (Mga paglabag at masasamang gawa.) Maaaring hindi mo tanggapin na masasamang gawa ang mga ito kung inilalarawan ang mga ito nang gayon sa ngayon, ngunit kapag dumating ang araw na may malubha nang kahihinatnan sa mga bagay na ito, at nagdulot ang mga ito ng negatibong impluwensiya, kung gayon ay madarama mo na ang mga bagay na ito ay hindi lamang mga paglabag sa pag-uugali bagkus ay masasamang gawa. Kapag napagtanto mo ito, magsisisi ka, at iisipin sa sarili: “Dapat ay pinili ko nang umiwas bago pa nangyari! Kung mas nag-isip at nagsikap pa ako nang kaunti sa simula, naiwasan sana ang kinahinatnang ito.” Walang makabubura ng walang-hanggang mantsa na ito sa iyong puso, at kung ilalagay ka nito sa permanenteng pagkakautang, magkakaproblema ka. Kaya ngayon ay dapat kang magsikap na ilagay ang iyong buong puso at lakas sa atas na ibinigay sa iyo ng Diyos, na gampanan ang bawat tungkulin nang may malinis na konsensiya, walang anumang pagsisisi, at sa isang paraang kinikilala ng Diyos. Anuman ang ginagawa mo, huwag maging pabasta-basta. Kung pabigla-bigla kang gumagawa ng mali at isa itong malubhang paglabag, ito ay magiging walang-hanggang mantsa. Kapag nagkaroon ka na ng mga pagsisisi, hindi ka na makakabawi para sa mga ito, at magiging mga permanenteng pagsisisi ang mga ito. Ang dalawang landas na ito ay dapat makita nang malinaw. Alin ang dapat mong piliin, upang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos? Ginagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at lakas, at naghahanda at nagtitipon ng mabubuting gawa, nang walang anumang pagsisisi. Anuman ang gawin mo, huwag kang gumawa ng masama na makagagambala sa pagganap ng iba sa kanilang mga tungkulin, huwag kang gumawa ng anumang labag sa katotohanan at laban sa Diyos, at huwag kang gumawa ng mga bagay na habambuhay mong pagsisisihan. Anong mangyayari kapag ang isang tao ay nakagawa ng napakaraming paglabag? Tinitipon nila ang galit ng Diyos sa kanila sa Kanyang presensya! Kung lumabag ka nang lumabag, at higit na tumindi ang poot ng Diyos sa iyo, sa huli, ikaw ay parurusahan.
Sa panlabas, tila walang anumang mga seryosong problema ang ilang tao sa buong panahon na ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Wala silang ginagawang lantarang kasamaan; hindi sila nagdudulot ng mga pagkagambala o pagkakagulo, o tumatahak sa landas ng mga anticristo. Sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, wala silang anumang malalaking pagkakamali o problema ng prinsipyo na dumarating, gayunman, nang hindi nila namamalayan, sa loob ng ilang maiikling taon ay nabubunyag sila bilang mga hindi talaga tumatanggap ng katotohanan, bilang isa sa mga hindi mananampalataya. Bakit ganito? Hindi makakita ng isyu ang iba, subalit sinusuri ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng mga taong ito, at nakikita Niya ang problema. Noon pa man ay pabasta-basta na sila at walang pagsisisi sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Habang lumilipas ang panahon, natural silang nabubunyag. Ano ang ibig sabihin ng manatiling hindi nagsisisi? Nangangahulugan ito na kahit na nagampanan nila ang mga tungkulin nila hanggang sa matapos, palagi silang may maling saloobin sa mga ito, isang pag-uugali ng pagiging pabasta-basta, isang kaswal na pag-uugali, at hindi sila kailanman matapat, lalong hindi nila ibinibigay ang buong puso nila sa kanilang mga tungkulin. Maaari silang magsikap nang kaunti, ngunit gumagawa lamang sila nang wala sa loob. Hindi nila ibinibigay ang lahat nila sa kanilang mga tungkulin, at walang katapusan ang kanilang mga paglabag. Sa mga mata ng Diyos, hindi sila kailanman nagsisi; noon pa man ay pabasta-basta na sila, at kailanman ay walang anumang pagbabago sa kanila—ibig sabihin, hindi sila tumatalikod sa kasamaang nasa kanilang mga kamay at nagsisisi sa Kanya. Hindi nakikita ng Diyos sa kanila ang saloobing nagsisisi, at hindi Niya nakikita ang pagbaligtad sa kanilang pag-uugali. Patuloy sila sa pagturing sa kanilang mga tungkulin at sa mga atas ng Diyos nang may gayong pag-uugali at gayong pamamaraan. Sa buong panahong ito, walang pagbabago sa sutil at hindi mabaling disposisyon na ito, at, higit pa rito, hindi nila kailanman nadama na may pagkakautang sila sa Diyos, hindi kailanman nadama na ang kanilang pagiging pabasta-basta ay isang paglabag, isang masamang gawain. Sa kanilang puso, walang pagkakautang, walang pagkakonsensiya, walang panunumbat sa sarili, at mas lalong walang pagbibintang sa sarili. At, sa pagdaan ng panahon, nakikita ng Diyos na wala nang lunas ang ganitong uri ng tao. Anuman ang sabihin ng Diyos, at gaano man karaming pangaral ang marinig niya o gaano karaming katotohanan ang maunawaan niya, hindi naantig ang kanyang puso at hindi nabago o nabaligtad ang kanyang pag-uugali. Nakita ito ng Diyos at sinabing: “Walang pag-asa para sa taong ito. Wala sa sinasabi Ko ang nakakaantig sa kanyang puso, at wala sa sinasabi Ko ang makakapagpabago sa kanya. Walang paraan upang baguhin siya. Hindi nababagay ang taong ito na gampanan ang kanyang tungkulin, at hindi siya nababagay magtrabaho sa Aking sambahayan.” Bakit ito sinasabi ng Diyos? Ito ay dahil kapag ginagampanan niya ang kanyang tungkulin at nagtatrabaho palagi na lang siyang pabasta-basta. Kahit gaano pa siya pungusan, at gaano man karaming pagtitimpi at pasensiya ang igawad sa kanya, wala itong epekto at hindi siya nito tunay na mapagsisi o mapagbago. Hindi siya nito magawang gawin nang mabuti ang tungkulin niya, hindi siya matulutan nito na pumasok sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Kaya ang taong ito ay wala nang lunas. Kapag nagpasya ang Diyos na ang isang tao ay wala nang lunas, pananatilihin pa rin ba Niya ang mahigpit na pagkakahawak sa taong ito? Hindi Niya ito gagawin. Bibitiwan siya ng Diyos. Palaging nagmamakaawa ang ilang tao ng, “Diyos ko, maging banayad Ka po sa akin, huwag Mo akong pagdusahin, huwag Mo akong disiplinahin. Bigyan Mo ako ng kaunting kalayaan! Hayaan Mong gawin ko ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta nang kaunti! Hayaan mo akong maging talipandas nang kaunti! Hayaan Mong ako ang masunod!” Ayaw nilang mapigilan. Sabi ng Diyos, “Yamang hindi mo nais na lumakad sa tamang landas, pakakawalan kita. Bibigyan kita ng kalayaan. Humayo ka at gawin ang nais mo. Hindi kita ililigtas, sapagkat wala ka nang lunas.” Iyon bang mga wala nang lunas ay may anumang nadaramang pagkakonsensiya? Mayroon ba silang anumang pakiramdam ng pagkakautang? Mayroon ba silang anumang pakiramdam ng pag-aakusa? Nadarama ba nila ang paninisi, disiplina, paghampas, at paghatol ng Diyos? Hindi nila ito nararamdaman. Wala silang kamalayan sa anuman sa mga bagay na ito; malamlam o wala nga sa kanilang puso ang mga bagay na ito. Kapag nakarating sa ganitong yugto ang isang tao, na wala na ang Diyos sa kanyang puso, maaari niya pa rin bang makamit ang kaligtasan? Mahirap masabi. Kapag nakarating sa gayong punto ang pananampalataya ng isang tao, nasa panganib siya. Alam ba ninyo kung paano kayo dapat maghanap, kung paano kayo dapat magsagawa, at kung anong landas ang dapat ninyong piliin upang maiwasan ang kahihinatnang ito at matiyak na ang gayong kalagayan ay hindi mangyayari? Ang pinakamahalaga ay piliin muna ninyo ang tamang landas, at pagkatapos ay magtuon sa pagganap nang maayos sa tungkuling dapat ninyong gampanan sa kasalukuyan. Ito ang pinakamaliit na pamantayan, ang pinakabatayang pamantayan. Sa batayang ito ninyo dapat hanapin ang katotohanan at pagsikapan ang mga pamantayan para gampanan nang sapat ang inyong tungkulin. Ito ay dahil ang bagay na pinakakapansin-pansing sumasalamin sa ugnayang nagdurugtong sa iyo sa Diyos ay kung paano mo ituring ang mga bagay na ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos at ang tungkuling iniaatas Niya sa iyo, at ang saloobing mayroon ka. Ang pinakakapuna-puna at pinakapraktikal ay ang usaping ito. Naghihintay ang Diyos; gusto Niyang makita ang iyong saloobin. Sa pinakamahalagang sandaling ito, dapat mong bilisang ipaalam sa Diyos ang iyong paninindigan, tanggapin ang Kanyang atas, at gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kapag naunawaan mo ang napakahalagang puntong ito at natupad ang gawaing ibinigay sa iyo ng Diyos, ang relasyon mo sa Diyos ay magiging normal. Kung, sa pagkakatiwala sa iyo ng Diyos ng isang gawain, o pagsasabi sa iyo na gampanan mo ang isang tiyak na tungkulin, ang iyong ugali ay pabaya at walang pakialam, at hindi mo ito sineseryoso, hindi ba ito mismo ang kabaligtaran ng pagbibigay ng buong puso at lakas? Magagampanan mo ba nang maayos ang iyong tungkulin sa ganitong paraan? Siguradong hindi. Hindi mo magagampanan nang sapat ang iyong tungkulin. Kaya, napakahalaga ng iyong saloobin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, pati na ang pamamaraan at landas na iyong pinipili. Gaano man karaming taon silang nananalig sa Diyos, ang mga hindi nagagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin ay ititiwalag.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Kapag ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, sa katunayan, ginagawa nila ang dapat nilang gawin. Kung ginagawa mo ito sa harap ng Diyos, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa Diyos nang may pag-uugali ng katapatan at may puso, hindi ba’t mas magiging tama ang ugaling ito? Kaya paano mo dapat gamitin ang ugaling ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Dapat mong gawing realidad mo ang “pagsamba sa Diyos nang may puso at katapatan.” Tuwing gusto mong magpakakupad at iraos lamang ang gawain, tuwing gusto mong kumilos sa tusong paraan at maging tamad, at tuwing naaabala ka o mas ginugustong magpakasaya na lamang, dapat mong isaalang-alang: “Sa pagkilos nang ganito, ako ba ay nagiging di-mapagkakatiwalaan? Ganito ba ang pagsasapuso ko sa paggawa ng aking tungkulin? Ako ba ay nagiging di-tapat sa paggawa nito? Sa paggawa nito, nabibigo ba akong tuparin ang inaasahan sa akin sa atas na naipagkatiwala ng Diyos sa akin?” Ganito ka dapat magnilay sa sarili mo. Kung malalaman mo na ikaw ay palaging pabasta-basta sa iyong tungkulin, na ikaw ay hindi tapat, at na nasaktan mo ang Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihing, “Nadama ko sa sandaling iyon na may mali rito, pero hindi ko ito itinuring na problema; pinahapyawan ko lang iyon nang walang-ingat. Ngayon ko lang natanto na talagang ako ay naging pabasta-basta, na hindi ko natupad ang aking responsabilidad. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!” Natuklasan mo ang problema at nakilala mo nang kaunti ang iyong sarili—kaya ngayon, dapat mong baguhin nang lubusan ang sarili mo! Ang iyong saloobin sa pagganap sa iyong tungkulin ay mali. Nawalan ka ng ingat doon, gayundin sa dagdag na trabaho, at hindi mo isinapuso iyon. Kung muli kang pabasta-basta na katulad nito, dapat kang manalangin sa Diyos at hayaan Siyang disiplinahin at ituwid ka. Dapat magkaroon ka ng gayong kalooban sa paggawa ng iyong tungkulin. Saka ka lamang tunay na makapagsisisi. Makapagbabago ka lamang nang lubusan kapag malinis ang iyong konsensiya at nagbago na ang iyong saloobin sa pagganap mo sa iyong tungkulin. At habang nagsisisi ka, dapat mo ring pagnilayan nang madalas kung talagang naibigay mo ang iyong buong puso, buong isipan, at buong lakas sa pagganap mo sa iyong tungkulin; pagkatapos, gamit ang mga salita ng Diyos bilang panukat at iniaangkop ang mga ito sa iyong sarili, malalaman mo kung ano pa ang mga problema sa pagganap mo sa iyong tungkulin. Sa patuloy na paglutas ng mga problema sa ganitong paraan, nang ayon sa salita ng Diyos, hindi ba’t ginagawa mong realidad ang pagganap mo sa iyong tungkulin nang buong puso, isip, at lakas? Sa paggampan mo sa iyong tungkulin sa gayong paraan: hindi ba’t nagagampanan mo na ito nang buong puso, isip, at lakas? Kung wala nang anumang pagtatalo sa iyong konsensiya, kung magagawa mong matugunan ang mga kwalipikasyon at magpakita ng katapatan sa pagganap ng iyong tungkulin, saka lamang tunay na magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan sa puso mo. Ang pagganap ng iyong tungkulin ay magiging tila ganap na likas at may katwiran, sa halip na isang karagdagang pasanin, at hindi na parang isang trabahong ginawa para sa ibang tao. Sa paggampan ng isang tungkulin sa ganitong paraan, nasisiyahan ang pakiramdam mo, at pakiramdam mo ay namumuhay ka sa piling ng Diyos. Ang pag-asal nang ganito ay nagdudulot ng kapayapaan ng isip. Hindi ba’t gagawin ka nitong mas tao at hindi gaanong parang isang zombie? Madali bang umasal nang ganito? Sa totoo lang, madali ito, pero hindi ito madali para sa mga hindi tumatanggap sa katotohanan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong
Gusto mong maging pabasta-basta kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin. Sinusubukan mong magpakatamad, at sinusubukang iwasan ang masusing pagsisiyasat ng Diyos. Sa gayong mga pagkakataon, magmadali kang lumapit sa Diyos para manalangin, at pagnilay-nilayan mo kung tama bang kumilos nang ganito. Tapos, pag-isipan mo ito: “Bakit ba ako nananampalataya sa Diyos? Maaaring makalusot sa mga tao ang gayong pagpapabasta-basta, pero makakalusot ba ito sa Diyos? Dagdag pa rito, nananampalataya ako sa Diyos hindi para magpakatamad—ito ay para maligtas. Ang pagkilos ko nang ganito ay hindi pagpapahayag ng normal na pagkatao, ni hindi ito kaibig-ibig sa Diyos. Hindi, maaaring magpakatamad ako at gawin ang gustuhin ko sa mundo sa labas, pero nasa sambahayan ng Diyos na ako ngayon, nasa ilalim na ako ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at nasa ilalim ng masusing pagsisiyasat ng mga mata ng Diyos. Isa akong tao, dapat akong kumilos ayon sa aking konsensiya, hindi ko maaaring gawin kung ano lang ang maibigan ko. Dapat akong kumilos ayon sa mga salita ng Diyos, hindi ako dapat maging pabasta-basta, hindi ako maaaring magpakatamad. Kaya paano dapat ako kumilos para hindi maging tamad, para hindi maging pabasta-basta? Dapat magsikap ako. Ngayon-ngayon lang, pakiramdam ko ay napakamatrabaho nitong gawin nang ganito, gusto ko sanang umiwas sa paghihirap, pero ngayon nauunawaan ko na: Maaaring matrabaho itong gawin nang ganoon, pero epektibo ito, kaya naman ganoon ito dapat gawin.” Kapag gumagawa ka at natatakot ka pa ring mahirapan, sa mga pagkakataong iyon, dapat manalangin ka sa Diyos: “O Diyos! Tamad at tuso akong tao, nagsusumamo ako sa Iyo na disiplinahin ako, na pagalitan ako, upang makaramdam ang konsensiya ko, at makaramdam ako ng kahihiyan. Ayaw kong maging pabasta-basta. Nagsusumamo ako sa Iyo na gabayan Mo ako at bigyan ako ng kaliwanagan, na ipakita sa akin ang aking paghihimagsik at kapangitan.” Kapag nananalangin ka nang gayon, nagninilay-nilay at sinusubukang kilalanin ang iyong sarili, dahil dito ay uusbong ang pakiramdam ng pagsisisi, at magagawa mong kapootan ang iyong kapangitan, at ang maling kalagayan sa iyong puso ay magsisimulang magbago, at magagawa mong pagbulay-bulayan ito at sabihin sa iyong sarili, “Bakit ako pabasta-basta? Bakit lagi kong sinusubukang magpakatamad? Ang kumilos nang ganito ay walang kakonse-konsensiya o katwiran—isa pa rin ba akong taong nananampalataya sa Diyos? Bakit hindi ko sineseryoso ang mga bagay-bagay? Hindi ba’t kailangan ko lang maglaan nang kaunti pang panahon at pagsisikap? Hindi naman ito mabigat na pasanin. Ito ang nararapat kong gawin; kung hindi ko man lang ito magagawa, karapat-dapat ba akong tawaging isang tao?” Bunga nito, magpapasya at mangangako ka: “O Diyos! Nabigo Kita, tunay ngang lubos akong nagawang tiwali, wala akong konsensiya o katwiran, wala akong pagkatao, gusto ko sanang magsisi. Nagsusumamo ako na patawarin Mo ako, talagang magbabago ako. Kung hindi ako magsisisi, parusahan Mo ako.” Pagkatapos nito, magbabago ang iyong pag-iisip, at magsisimula kang magbago. Kikilos at gaganap ka ng iyong mga tungkulin nang may katapatan, nang hindi na masyadong pabasta-basta, at magagawa mo nang magdusa at magbayad ng halaga. Mararamdaman mong napakasarap gawin ang iyong tungkulin sa ganitong paraan, at ang iyong puso ay magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan. Kapag kayang tanggapin ng mga tao ang pagsusuri ng Diyos, kapag kaya nilang manalangin sa Kanya at umasa sa Kanya, magbabago ang kanilang kalagayan sa madaling panahon. Kapag nabaligtad ang negatibong kalagayan ng puso mo, at naghimagsik ka laban sa sarili mong mga layunin at sa mga makasariling pagnanais ng laman, kapag nagagawa mong bitiwan ang kaginhawahan at layaw ng laman, at kumilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at hindi ka na padalos-dalos at walang ingat, magkakaroon ka ng kapayapaan sa iyong puso at hindi ka uusigin ng iyong konsensiya. Madali bang maghimagsik laban sa laman at kumilos nang ayon sa mga hinihingi ng Diyos sa ganitong paraan? Hangga’t may masidhing paghahangad para sa Diyos ang mga tao, maaari silang maghimagsik laban sa laman at maisasagawa nila ang katotohanan. At hangga’t nagagawa mong magsagawa sa ganitong paraan, magugulat ka na lang na nakakapasok ka na pala sa katotohanang realidad. Hinding-hindi ito magiging mahirap.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos
Anumang tungkulin ang ginagampanan mo, anuman ang magagawa mo, ituring mo itong responsabilidad at tungkulin mo, tanggapin ito at gawin ito nang maayos. Paano mo ito gagawin nang maayos? Sa pamamagitan ng paggawa rito nang eksakto sa hinihingi ng Diyos—nang buong puso mo, nang buong pag-iisip mo, at nang buong kalakasan mo. Dapat mong pagnilay-nilayan ang mga salitang ito at isipin kung paano mo magagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso mo. Halimbawa, kung makikita mo ang isang tao na ginagampanan ang kanyang tungkulin nang walang prinsipyo, na ginagawa niya ito nang walang ingat at alinsunod sa kanyang sariling kalooban, at iniisip mo sa sarili mo, “Wala akong pakialam, hindi ko ito responsabilidad,” ito ba ay paggawa sa iyong tungkulin nang buong puso mo? Hindi, ito ay pagiging iresponsable. Kung ikaw ay isang responsableng tao, kapag nangyari sa iyo ang gayong sitwasyon ay sasabihin mo, “Hindi ito maaari. Hindi man ito saklaw ng aking pangangasiwa, ngunit maaari ko namang iulat ang isyu na ito sa lider at hayaan siyang asikasuhin ito alinsunod sa mga prinsipyo.” Pagkatapos mong gawin ito, makikita ng lahat na ito ay angkop, ang iyong puso ay mapapanatag, at matutupad mo ang iyong responsabilidad. Kung magkagayon ay nagawa mo na ang iyong tungkulin nang buong puso mo. Kung, kahit aling tungkulin ang iyong ginagampanan, ikaw ay palaging pabaya, at sinasabi mo, “Kung gagawin ko ang gawaing ito sa isang simple at pabasta-bastang paraan, kahit paano ay mairaraos ko ito. Tutal, walang magsusuri nito. Ginawa ko ang pinakamakakaya ko gamit ang mga limitadong kakayahan at propesyonal na kasanayan na mayroon ako. Sapat na ito para makaraos lang. Isa pa, walang magtatanong tungkol dito o magseseryoso sa akin—hindi ito gaanong mahalaga.” Ang pagkakaroon ba ng ganitong intensyon at ng ganitong kaisipan ay pagganap ng iyong tungkulin nang buong puso mo? Hindi, ito ay pagiging pabasta-basta, at ito ay isang paghahayag ng iyong sataniko at tiwaling disposisyon. Magagampanan mo ba ang iyong tungkulin nang buong puso mo sa pamamagitan ng pag-asa sa satanikong disposisyon? Hindi, magiging imposible iyan. Kaya, ano ang ibig sabihin na gawin mo ang iyong tungkulin nang buong puso mo? Sasabihin mo: “Kahit na hindi nag-usisa ang Itaas tungkol sa gawaing ito, at tila hindi ito napakahalaga sa lahat ng gawain sa sambahayan ng Diyos, gagawin ko pa rin ito nang maayos—ito ay aking tungkulin. Kung ang isang gawain ay mahalaga o hindi ay isang bagay; kung ito ay magagawa ko nang maayos o hindi ay ibang bagay.” Ano ang mahalaga? Kung magagampanan mo nang maayos o hindi ang iyong tungkulin at nang buong puso mo, at kung magagawa mong sumunod sa mga prinsipyo at magsagawa alinsunod sa katotohanan. Ito ang mahalaga. Kung maisasagawa mo ang katotohanan at magagawa ang mga bagay alinsunod sa mga prinsipyo, tunay mong nagagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso mo. Kung nagampanan mo nang maayos ang isang uri ng tungkulin, ngunit hindi ka pa rin nasisiyahan at nais mo pang gampanan ang isang higit pang mahalagang uri ng tungkulin, at may kakayahan ka na gampanan ito nang maayos, ito ay paggawa mo ng iyong tungkulin nang buong puso mo sa isang mas mataas pang antas. Kaya, kung nagagawa mong gampanan ang iyong tungkulin nang buong puso mo, ano ang ipinapakahulugan nito? Sa isang banda, nangangahulugan ito na ginagawa mo ang iyong tungkulin alinsunod sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Sa kabilang banda, nangangahulugan ito na tinanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos at nasa puso mo ang Diyos; nangangahulugan ito na hindi mo ginagawa ang iyong tungkulin para magpakitang-tao, o kung paano mo naisin, o alinsunod sa iyong mga sariling kagustuhan—sa halip ay itinuturing mo ito bilang isang atas na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos at ginagawa mo ito nang taglay ang responsabilidad at puso na iyan, hindi alinsunod sa iyong sariling kalooban kundi ganap na ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Ibinibigay mo ang buong puso mo sa iyong tungkulin—ito ay pagganap sa iyong tungkulin nang buong puso mo.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Ano ba ang kailangan mong gawin para magawa mo ang iyong tungkulin nang buong puso at isip mo? Dapat mong tanggapin ang katotohanan at isagawa ito; ibig sabihin, kailangan mong tanggapin ang anumang hinihingi ng Diyos at magpasakop dito; kailangan mong asikasuhin ang iyong tungkulin gaya ng iyong pag-aasikaso sa mga personal na bagay, nang hindi nangangailangan ng sinuman para bantayan ka, subaybayan ka, at siguraduhing ginagawa mo ito nang tama, para tingnan ka, pangasiwaan ang iyong ginagawa, o pungusan ka pa nga. Dapat mong іsipin sa iyong sarili, “Responsabilidad ko na gampanan ang tungkuling ito. Papel ko ito, at dahil ibinigay ito sa akin para gawin ko, at nasabi na sa akin ang mga prinsipyo at naintindihan ko naman ang mga ito, patuloy ko itong gagawin nang may determinasyon. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tiyaking magagawa ito nang maayos.” Kailangan mong pagsikapang gawin ang tungkulin na ito, at hindi mapigilan ng sinumang tao o ng anumang pangyayari o bagay. Ito ang ibig sabihin ng itaguyod ang iyong tungkulin nang buong puso at isip mo, at ito ang dapat na maging wangis ng mga tao. Kaya, ano ang dapat masangkap sa mga tao para maitaguyod nila ang kanilang tungkulin nang buong puso at isip nila? Kailangan muna nilang magkaroon ng konsiyensiya na dapat taglayin ng mga nilalang. Kahit iyon man lang sana. Higit pa roon, dapat tapat din siya. Bilang isang tao, para matanggap ang tagubilin ng Diyos, kailangan siyang maging tapat. Kailangang maging ganap siyang tapat sa Diyos lamang, at hindi maaaring wala siyang sigla, o hindi tumatanggap ng pananagutan; mali ang kumilos batay sa sarili niyang interes o pakiramdam—hindi ito pagiging tapat. Ano ang ibig sabihin ng maging tapat? Ang ibig sabihin nito ay ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, at hindi ka naiimpluwensyahan o nalilimitahan ng iyong pakiramdam, kapaligiran, o ng ibang mga tao, pangyayari, at bagay-bagay. Kailangan mong isipin, “Natanggap ko ang tagubiling ito mula sa Diyos; ibinigay na Niya ito sa akin. Ito ang dapat kong gawin, kaya gagawin ko ito kung paano ko gagawin ang sarili kong mga bagay-bagay, sa anumang paraang nagbubunga ng magagandang resulta, na ang kahalagahan ay nakatuon sa pagbibigay-lugod sa Diyos.” Kapag nasa ganito kang kalagayan, hindi ka lamang kontrolado ng iyong konsensiya, kundi may pagkamatapat din sa iyong kalooban. Kung nasisiyahan ka na na magawa lamang ito, nang hindi mo hinahangad na maging mahusay at magkamit ng mga resulta, at nadarama mo na sapat nang ibuhos mo lamang dito ang iyong buong pagsisikap, pag-abot lamang ito sa pamantayan ng konsiyensiya ng mga tao, at hindi maituturing na pagkamatapat. Ang pagiging tapat sa Diyos ay mas mataas na hinihingi at pamantayan kaysa sa pamantayan ng konsiyensiya. Hindi lamang ito pagbubuhos dito ng lahat ng iyong pagsisikap; kailangan mo ring ilaan dito ang iyong buong puso. Sa iyong puso, kailangan mong palaging ituring ang iyong tungkulin bilang trabaho na dapat mong gawin, kailangan mong magdala ng pasanin para sa gawaing ito, kailangan kang mapangaralan kung makagagawa ka ng kahit katiting na pagkakamali o kung medyo padaskol kang magtrabaho, at kailangan mong madama na hindi ka maaaring umasal nang ganito dahil ginagawa ka nitong may labis na pagkakautang sa Diyos. Ang mga taong talagang may konsensiya at katwiran ay ginagampanan ang kanilang tungkulin na para bang sarili nila itong trabahong gagawin, mayroon man o walang sinumang nagbabantay o nangangasiwa sa kanila. Masaya man sa kanila o hindi ang Diyos at paano man Niya sila tinatrato, laging mahigpit ang kahilingan nila sa kanilang sarili na tuparin nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin at tapusin ang tagubiling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. Ang tawag dito ay pagkamatapat. Hindi ba mas mataas na pamantayan ito kaysa sa pamantayan ng konsiyensiya? Kapag kumikilos sila ayon sa pamantayan ng konsiyensiya, madalas na naiimpluwensyahan ang mga tao ng mga panlabas na bagay, o iniisip nila na sapat nang ibuhos na lang sa kanilang tungkulin ang lahat ng kanilang pagsisikap; ang antas ng kadalisayan ay hindi gayon kataas. Subalit, kapag pinag-uusapan ang pagkamatapat at matapat na pagtataguyod sa tungkulin ng isang tao, ang antas ng kadalisayan ay mas mataas. Hindi iyon tungkol lang sa pagsisikap; hinihingi nito na ibuhos mo sa iyong tungkulin ang iyong buong puso, isipan, at katawan. Upang maayos mong magampanan ang iyong tungkulin, kung minsan ay kailangan mong magtiis ng kaunting pisikal na hirap. Kailangan mong magbayad ng halaga, at ilaan ang iyong buong kaisipan sa paggampan sa iyong tungkulin. Anumang pangyayari ang iyong kaharapin, hindi nakaaapekto ang mga ito sa iyong tungkulin o nakaaantala sa paggampan mo sa iyong tungkulin, at nagagawa mong mapalugod ang Diyos. Upang magawa ito, may halagang kailangan mong pagbayaran. Kailangan mong talikuran ang iyong pamilya ng laman, mga personal na bagay, at pansariling interes. Ang iyong banidad, pagpapahalaga sa sarili, mga damdamin, pisikal na kaaliwan, at maging mga bagay tulad ng pinakamasasayang taon ng iyong kabataan, ang iyong pag-aasawa, ang iyong kinabukasan, at ang iyong tadhana ay kailangan mong bitawan at talikuran, at kailangan mong kusang-loob na gampanang mabuti ang iyong tungkulin. Sa gayon ay makakamit mo ang pagkamatapat, at magtataglay ka ng wangis ng tao sa pamamagitan ng pamumuhay nang ganito. Hindi lamang may konsiyensiya ang mga taong tulad nito, bagkus ay ginagamit nila ang pamantayan ng konsiyensiya bilang pundasyon na pagmumulan ng paghingi sa kanilang sarili ng pagkamatapat na hinihingi ng Diyos sa tao, at ng paggamit ng pagkamatapat na ito bilang paraan sa pagtatasa sa kanilang sarili. Masigasig nilang pinagsisikapan ang adhikang ito. Bibihira ang mga taong tulad nito sa daigdig. May isa lamang sa bawat isang libo o sampung libong hinirang ng Diyos. Nabubuhay bang may halaga ang mga taong tulad nito? Sila ba ay mga taong pinahahalagahan ng Diyos? Mangyari pa, namumuhay silang may halaga at sila ay mga taong pinahahalagahan ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Ngayon, kung ano ang kinakailangan sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at ang kailangang gawin ng lahat ng tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gampanan man lamang ang inyong tungkulin, o magawa ito nang mainam, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t sinusuyo ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa na magkaroon ng hinaharap at mga posibilidad? Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging pursigido sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa kalooban ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakakaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakamatinding karuwagan sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay iniraraos lang nila ang mga bagay-bagay, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang “mga walang-kabuluhan”; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao? Hindi ba mga tiwali silang nilalang na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? … Kung mawala sa tao ang likas na makakamit niya, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang nilalang o humarap sa Diyos at paglingkuran Siya. Bukod pa riyan, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maprotektahan, at magawang perpekto ng Diyos. Maraming hindi na pinagtiwalaan ng Diyos ang tuluyan nang nawalan ng biyaya ng Diyos. Bukod sa hindi nila kinamumuhian ang kanilang masasamang gawa, kundi tahasan nilang ipinalalaganap ang ideya na ang daan ng Diyos ay mali, at yaong mga suwail ay ikinakaila pa ang pag-iral ng Diyos. Paano magkakaroon ng karapatan ang gayong mga tao, na nagtataglay ng gayong pagkasuwail, na matamasa ang biyaya ng Diyos? Yaong mga hindi tumutupad ng kanilang tungkulin ay napakasuwail sa Diyos, at malaki ang pagkakautang sa Kanya, subalit tumatalikod sila at ipinangangalandakan na mali ang Diyos. Paano magiging karapat-dapat ang gayong uri ng tao na magawang perpekto? Hindi ba sa kanila magsisimula ang pagtitiwalag at pagpaparusa? Ang mga taong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin sa harap ng Diyos ay nagkasala na ng pinaka-kahindik-hindik na krimen, kung saan kahit kamatayan ay hindi sapat na kaparusahan, subalit may gana pa silang makipagtalo sa Diyos at makipagtagisan sa Kanya. Ano ang halaga ng gawing perpekto ang gayong mga tao? Kung nabibigo ang mga tao na tuparin ang kanilang tungkulin, dapat silang surutin ng kanilang budhi at makadama ng pagkakautang; dapat nilang kamuhian ang kanilang kahinaan at kawalang-silbi, ang kanilang pagkasuwail at pagkatiwali, at bukod pa riyan, dapat nilang ibigay ang kanilang buhay sa Diyos. Saka lamang sila magiging mga nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong mga tao lamang ang karapat-dapat na magtamasa ng mga pagpapala at pangako ng Diyos, at magawa Niyang perpekto. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo tinatrato ang Diyos na namumuhay sa piling ninyo? Paano ninyo nagampanan ang inyong tungkulin sa Kanyang harapan? Nagawa ba ninyo ang lahat ng ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang sarili ninyong buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba marami kayong natanggap mula sa Akin? Nakakahiwatig ba kayo? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasuri na ba ninyo ang lahat ng ito? Nahusgahan na ba ninyong lahat at naikumpara ito sa kakatiting na konsensya sa inyong kalooban? Sino ang magiging karapat-dapat sa inyong mga salita at pagkilos? Karapat-dapat kaya ang napakaliit na sakripisyo ninyo sa lahat ng Aking naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-puso na Akong naging tapat sa inyo, subalit nagkikimkim kayo ng masasamang layon at wala kayong interes sa Akin. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ng inyong tanging tungkulin. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na lubos kayong bigong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang nilalang? Hindi ba malinaw sa inyo ang inyong ipinapahayag at isinasabuhay? Nabigo kayong tuparin ang inyong tungkulin, ngunit hinahangad ninyong matamo ang pagpaparaya at saganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at hamak na katulad ninyo, kundi para sa mga yaong walang hinihinging kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, na mga walang kabuluhan, ay lubos na hindi karapat-dapat na matamasa ang biyaya ng langit. Hirap at walang-katapusang kaparusahan lamang ang makakasama ninyo sa araw-araw! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang kahihinatnan ninyo ay isang kaparusahan. Lahat ng biyaya, pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay hindi magkakaroon ng kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat na mapasainyo at ang bunga ng inyong sariling kagagawan!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao
Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan
Ang Katotohanan sa Likod ng Pagiging Pabasta-basta
Ang Pinsalang Dulot ng Pagiging Pabasta-Basta
Kaugnay na mga Himno
Tanging ang Matapat ang Pasok sa Pamantayan para Makagampan sa mga Tungkulin Niya
Pagsasagawa ng Katotohanan sa Iyong Tungkulin ay Susi