33. Ang mga pagbabagong idinudulot sa mga tao ng pagkakamit sa katotohanan
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Ang katotohanan ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Maaari itong maging buhay ng isang tao at ang direksyon kung saan siya naglalakad; maaari nitong tulutan ang isang tao na iwaksi ang kanyang tiwaling disposisyon, na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, na maging isang taong nagpapasakop sa Diyos at isang kwalipikadong nilikha, isang taong minamahal ng Diyos at katanggap-tanggap para sa Diyos. … Dahil ang katotohanan ang nakahandang saklolo at panustos ng mga tao, at maaaring maging buhay nila, dapat nilang tratuhin ang katotohanan bilang ang pinakamahalagang bagay. Sapagkat kailangan nilang umasa sa katotohanan upang mabuhay, upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, upang matakot sa Kanya at umiwas sa kasamaan, at upang mahanap sa pang-araw-araw na buhay nila ang landas ng pagsasagawa at maarok ang mga prinsipyo ng pagsasagawa, nang natatamo ang pagpapasakop sa Diyos; dapat ding umasa sa katotohanan ang mga tao upang maiwaksi ang kanilang tiwaling disposisyon, upang maging isang taong nailigtas at isang kwalipikadong nilikha.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikapitong Bahagi)
Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang buhay Niya, ang lahat ng kung ano at mayroon Siya, para maisabuhay ito ng tao, para makuha ng tao ang lahat ng kung ano at mayroon ang Diyos, at ang mga katotohanang ipinagkaloob Niya sa tao, at gawin nilang direksiyon at layon ng buhay nila ang mga iyon, para mabuhay sila nang ayon sa mga salita Niya, at magawa nilang buhay nila ang Kanyang mga salita. Sa ganitong paraan, hindi ba’t masasabi na ipinagkaloob ng Diyos ang buhay Niya sa tao nang libre upang Siya ay maging buhay nila? (Oo.) Kung ganoon, ano ba ang nakukuha ng mga tao sa Diyos? Ang mga inaasahan Niya? Ang mga pangako Niya? O ano? Ang nakukuha ng mga tao sa Diyos ay hindi hungkag na salita, ito ay ang buhay ng Diyos! Kasabay ng pagkakaloob ng Diyos ng buhay sa mga tao, ang hinihingi Niya lamang sa kanila ay ang isabuhay nila ang Kanyang buhay na para bang buhay nila. Kapag nakikita ng Diyos na isinasabuhay mo ang buhay na ito, nasisiyahan Siya; ito lang ang hinihingi Niya. Kaya, ang nakakamit ng mga tao mula sa Diyos ay isang bagay na hindi matutumbasan ng anumang halaga, pero kasabay ng pagkakaloob Niya sa kanila ng bagay na pinakahindi matutumbasan ng anumang halaga, ay wala Siyang nakukuhang anuman. Ang pinakanakikinabang ay ang tao; ang tao ang umaani nang napakasagana, at ang tao ang pinakanakikinabang. Kasabay ng pagtanggap ng mga tao sa mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, nauunawaan nila ang katotohanan at mayroon silang mga prinsipyo at pundasyon para sa pag-asal nila, kaya mayroon silang direksiyon para sa landas ng buhay nila. Hindi na sila nalilihis o nagagapos ni Satanas, ni nalilihis o nagagamit pa ng masasamang tao; hindi na sila nadurumihan o naaakit ng masasamang kalakaran. Malaya at walang pag-aalala silang nabubuhay sa pagitan ng langit at lupa, at tunay silang nakapamumuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, hindi na kailanman mapagmamalupitan ng anumang masama o madilim na puwersa. Ibig sabihin, habang isinasabuhay ng tao ang ganitong uri ng buhay, hindi na sila nagdurusa ng pasakit, at wala silang mga paghihirap; masaya, malaya at maginhawa silang nabubuhay. Mayroon silang normal na relasyon sa Diyos; hindi sila naghihimagsik sa Kanya, ni lumalaban sa Kanya. Dahil tunay silang namumuhay sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, sa loob at labas ay nabubuhay sila sa paraan na ganap na may katwiran; mayroon silang katotohanan at pagkatao, at nagiging karapat-dapat silang tawaging sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Nakikinabang sa Pamamahala ng Diyos
Kapag tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, pumapasok din sila sa realidad ng mga salita ng Diyos, at nagagawa nilang tratuhin at pag-isipan ang mga katanungan gamit ang katotohanan, at lutasin ang mga isyu gamit ang katotohanan. Kapag nalutas na ng mga tao ang iba’t iba nilang kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, agad nilang mapapabuti ang kanilang ugnayan sa Diyos habang inihahanda naman ang kanilang daan tungo sa buhay pagpasok. Kapag nakakamit ng mga tao ang gayong mga pagbabago, ano ang nangyayari sa kanilang ugnayan sa Diyos? Nagiging isang ugnayan ito ng mga nilikha at ng Lumikha. Sa mga ugnayang nasa ganitong antas, walang kompetisyon, walang tukso, at walang masyadong paghihimagsik; mas mapagpasakop, maunawain, masambahin, tapat, at matapat ang mga tao sa Diyos, at tunay silang may takot sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos 1
Kapag naitatanim sa puso mo ang mga salita ng Diyos, magagawa mong isagawa ang katotohanan. Habang isinasabuhay mo ang ilang realidad ng mga salita ng Diyos, makikita mo ang mga panlabas na usapin nang may matinding pagkaunawa at kalinawan. Magkakaroon ka ng tumpak na pagsusuri, pagkaunawa, at pagkilatis sa masasamang kalakaran, sa paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan, sa sarili mong buhay may-asawa at pamilya, sa iba’t ibang ugnayang interpersonal, at sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Saan nagmumula ang tumpak na pagkaunawa, pagsusuri, at pagkilatis na ito? Nagmumula ito sa mga salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ang pinagmulan; matatanggap mo ang panustos ng mga salita ng Diyos. At ano ang landas? Ang landas ay ang nararanasan mo ang mga salita ng Diyos, magagawa mong makipag-ugnayan sa katotohanan, at makakamit mo mula sa Diyos ang karunungang makakilatis ng mabuti at masama at ang kakayahang tukuyin ang masasamang kalakaran. Ang pinakamahalaga, ano pa ang nakakamit mo? (Buhay.) Doktrina lamang ang sabihing nakakamit mo ang buhay. Ano pa ang nakakamit mo? Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karanasan sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, makikita mo kung paano pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng bagay; sa pamamagitan ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, makikita mo kung ano ang mga layunin ng Diyos, kung ano ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang karunungan ng Diyos, kung ano ang Kanyang paraan at mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay, at ang karunungan sa kung paano tinatrato ng Diyos ang iba’t ibang uri ng tao. Dapat mong makita ang mga bagay na ito para makilala ang Lumikha.
—Pagbabahagi ng Diyos
Kapag nakakaranas ang mga tao hanggang sa araw na ang kanilang pananaw sa buhay, at ang kahulugan at batayan ng kanilang pag-iral, ay lubusang nabago na, kapag nabago na sila hanggang sa kanilang pinaka-buto at naging ibang tao na, hindi ba ito magiging hindi kapani-paniwala? Ito ay malaking pagbabago, isang kamangha-manghang pagbabago. Kapag lamang ikaw ay naging hindi na interesado sa katanyagan, pakinabang, katayuan, salapi, kasiyahan, kapangyarihan at karangalan ng mundo, at madaling natatalikdan ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang mga tao na sa huli ay gagawing ganap ng Diyos ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Sa mga taong tunay na nakakikilala sa Diyos, nakakaunawa sa katotohanan, at nakakamit ang katotohanan, may tunay na pagbabago sa kanilang pananaw sa mundo at pagtingin sa buhay, na susundan ng tunay na pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Kapag ang mga tao ay may mga tamang mithiin sa buhay, nagagawang hangarin ang katotohanan, at umaasal ayon sa katotohanan, kapag ganap silang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag at natatanglawan ang pakiramdam nila hanggang sa kaibuturan ng kanilang puso, kapag walang kadiliman sa kanilang puso, at kapag nakakapamuhay sila nang lubos na malaya at hindi napipigilan sa presensya ng Diyos, saka lamang sila makapamumuhay ng tunay na buhay ng tao, at saka lamang sila magiging mga taong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang naunawaan at nakamit mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Kapag nakamit mo ang pagsang-ayon ng Kataas-taasang Diyos—ang Lumikha, at sinabi Niyang isa kang kuwalipikadong nilalang na isinasabuhay ang isang wangis ng tao, saka lamang magiging pinakamakabuluhan ang iyong buhay. Ang masang-ayunan ng Diyos ay nangangahulugang natamo mo ang katotohanan, at na isa kang taong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Sa mundo ngayon na pinaghaharian ni Satanas, at sa hindi bababa sa libu-libong taon ng kasaysayan, sino sa kalipunan ng buong sangkatauhan ang nagkamit ng tunay na buhay ng tao? Walang sinuman. Sapagkat labis na ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at namumuhay sila ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, at lahat ng ginagawa nila ay antagonistiko sa Diyos, at ang kanilang bawat pagbigkas at teorya ay nagmumula sa pagtitiwali ni Satanas, at sa tahasang pagkasuklam sa mga salita ng Diyos, sila mismo ang uri ng mga tao na sumasalungat sa Diyos. Kung hindi nila tatanggapin ang pagliligtas ng Diyos, malulugmok sila sa kapahamakan at pagkawasak, na walang anumang positibong masasabi. Hinahangad nila ang katanyagan at pakinabang, sinisikap na maging isang dakila o kilalang tao, at umaasang “maipapasa ang kanilang mga pangalan sa mga susunod pang henerasyon,” at maging “sikat sa buong kasaysayan.” Mga maladiyablong salita ang mga ito, at lubos na walang basehan. Ang bawat dakila o tanyag na tao, sa katunayan, ay kauri ni Satanas, at matagal nang nailugmok sa ikalabing walong antas ng impiyerno para sa kaparusahan, hinding-hindi na muling isisilang. Kapag sinasamba ng tiwaling sangkatauhan ang mga taong ito, at tinatanggap ang kanilang mga mala-diyablong salita at kanilang mga maling paniniwala, nagiging biktima ng mga diyablo at ni Satanas ang tiwaling sangkatauhan. Dapat sambahin ng mga nilikha ang Lumikha. Ito ay talagang natural at makatuwiran, sapagkat ang Diyos lamang ang katotohanan. Kinokontrol ng Diyos ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Ang hindi pagsampalataya sa Diyos at hindi pagpapasakop sa Diyos ay ang hindi pagkakamit ng katotohanan. Kung namumuhay ka nang naaayon sa mga salita ng Diyos, sa kaibuturan ng iyong puso, makararamdam ka ng kaliwanagan at kaginhawahan, at magtatamasa ka rin ng walang-katulad na tamis. Kapag nangyari iyon, nagawa mo nang makamit ang buhay.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao
Sa sandaling maligtas ang isang tao at makamit niya ang katotohanan, tuluyan nang magbabago ang kanyang pananaw sa mga bagay-bagay, ganap na umaayon sa mga salita ng Diyos at alinsunod sa Diyos. Kapag naabot na ang yugtong ito, hindi na magrerebelde ang isang tao laban sa Diyos, at hindi na siya kakastiguhin o hahatulan ng Diyos, at hindi na rin siya kamumuhian ng Diyos. Ito ay dahil hindi na kaaway ng Diyos ang taong ito, hindi na siya kumokontra sa Diyos, at ang Diyos ay tunay at nararapat nang naging ang Lumikha sa Kanyang mga nilalang. Nagbalik na ang mga tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at tinatamasa ng Diyos ang pagsamba, pagpapasakop, at pagkatakot na dapat ihandog ng mga tao sa Kanya. Natural na nagiging maayos ang lahat. … Kapag nauunawaan mo ang batayan ng pag-asal ayon sa mga salita ng Diyos, at nauunawaan mo at nakapapasok ka sa mga katotohanang prinsipyo, kung gayon, malalaman mo kung paano umasal, at magiging isa kang tunay na tao. Ito ang pundasyon ng pag-asal, at tanging ang gayong buhay ng tao ang may halaga, tanging sila lamang ang karapat-dapat mabuhay at hindi dapat mamatay.
—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 8
Kung itinuturing ng isang tao na buhay niya ang katotohanang realidad, paano iyon maipapamalas? Una sa lahat, magagawa niyang magpasakop sa Diyos, at isabuhay ang wangis ng tao; magiging isa siyang matapat na tao, isang taong nagbago ang disposisyon sa buhay. May ilang katangian ang pagbabago sa buhay disposisyon. Ang unang katangian ay ang makapagpasakop sa mga bagay na tama at umaayon sa katotohanan. Sinuman ang nagbibigay ng opinyon, matanda man o bata, nakakasundo mo man sila o hindi, kilala man ninyo sila o hindi, pamilyar man kayo sa kanila o hindi, maganda man ang relasyon ninyo sa kanila o masama, basta’t ang sinasabi nila ay tama, umaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, magagawa mong pakinggan, sundin, at tanggapin ito, nang hindi naiimpluwensiyahan ng iba pang bagay. Ang magawang tumanggap at magpasakop sa mga bagay na tama at umaayon sa katotohanan ang unang katangian. Ang pangalawang katangian ay ang magawang hanapin ang katotohanan kapag may nangyayari; hindi lamang ito tungkol sa magawang tanggapin ang katotohanan, tungkol din ito sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi pagharap sa mga bagay ayon sa sarili mong kagustuhan. Anuman ang mangyari sa iyo, magagawa mong maghanap kapag hindi mo nakikita nang malinaw ang bagay-bagay, at tingnan mo kung paano haharapin ang isyu, at kung paano magsasagawa sa paraang umaayon sa mga katotohanang prinsipyo at tumutugon sa mga hinihingi ng Diyos. Ang pangatlong katangian ay ang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos anumang isyu ang kinakaharap mo, nagrerebelde ka sa laman para makapag-pasakop sa Diyos. Isasaalang-alang mo ang mga layunin ng Diyos anumang tungkulin ang iyong ginagampanan, at gagampanan mo ang iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Anuman ang mga hinihingi ng Diyos para sa tungkuling ito, kikilos ka ayon sa mga hinihinging iyon habang ginagampanan ito, at kikilos ka para mapalugod ang Diyos. Dapat mong maintindihan ang prinsipyong ito, at gampanan ang iyong tungkulin nang responsable at tapat. Ito ang ibig sabihin ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi mo alam kung paano isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos o paano palugurin ang Diyos sa isang partikular na bagay, kailangan mong maghanap. Dapat ninyong ikumpara ang inyong sarili sa tatlong katangiang ito ng disposisyonal na pagbabago, at alamin kung taglay ninyo ang mga katangiang ito o hindi. Kung may praktikal na karanasan ka at mga landas ng pagsasagawa sa tatlong aspektong ito, mahaharap mo ang bagay-bagay nang may prinsipyo.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon
Kapag naging buhay na ang katotohanan sa iyo, kapag inobserbahan mo ang isang taong lapastangan sa Diyos, walang takot sa Diyos, at pabasta-basta habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, o ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, tutugon ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at matutukoy at mailalantad mo sila ayon sa kinakailangan. Kung hindi mo naging buhay ang katotohanan, at nabubuhay ka pa rin sa loob ng iyong satanikong disposisyon, kapag nakatuklas ka ng masasamang tao at mga diyablong nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka; isasantabi mo sila, nang walang paninisi mula sa iyong budhi. Iisipin mo pa nga na ang sinumang nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia ay walang kinalaman sa iyo. Gaano man nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam, hindi ka nakikialam, o nakokonsiyensiya—ginagawa ka nitong isang taong walang konsensiya o katwiran, isang hindi mananampalataya, isang trabahador. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom ang sa Diyos, at tinatamasa ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang traydor na kumakagat sa kamay na nagpapakain sa iyo. Tao ka ba kung hindi mo pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Isa itong demonyo na isiniksik ang sarili sa iglesia. Nagpapanggap kang naniniwala sa Diyos, nagkukunwaring isang hinirang na tao, at nais mong samantalahin ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo isinasabuhay ang buhay ng isang tao, mas para kang halimaw kaysa tao, at malinaw na isa ka sa mga hindi mananampalataya. Kung isa kang taong tunay na naniniwala sa Diyos, kahit na hindi mo pa nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano ay magsasalita at kikilos ka na nasa panig ng Diyos; kahit papaano, hindi ka tatayo lang nang walang ginagawa kapag nakikita mong nakokompromiso ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; kapag nauudyok kang magbulag-bulagan, makokonsensiya ka, at hindi mapapalagay, at sasabihin mo sa iyong sarili, “Hindi ako puwedeng maupo lang dito at walang gawin, kailangan kong tumayo at magsalita, kailangan kong umako ng responsabilidad, kailangan kong ilantad ang masamang pag-uugaling ito, kailangan kong pigilan ito, upang hindi mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi maabala ang buhay iglesia.” Kung naging buhay mo na ang katotohanan, hindi ka lamang magkakaroon ng ganitong tapang at pagpapasya, at magagawa mong maunawaan nang lubusan ang pangyayari, kundi matutupad mo rin ang pananagutan na dapat mong pasanin para sa gawain ng Diyos at para sa mga kapakinabangan ng Kanyang sambahayan, at ang iyong tungkulin ay matutupad. Kung puwede mong ituring ang iyong tungkulin bilang responsabilidad at obligasyon mo at bilang atas ng Diyos, at nadarama mo na kailangan ito upang makaharap ka sa Diyos at sa iyong konsiyensiya, hindi ba isinasabuhay mo ang integridad at dignidad ng normal na pagkatao? Ang iyong mga gawa at pag-uugali ang magiging “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan” na sinasabi Niya. Isinasagawa mo ang diwa ng mga salitang ito at isinasabuhay ang realidad ng mga ito. Kapag naging buhay ng tao ang katotohanan, nagagawa nilang isabuhay ang realidad na ito.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang ginagawa ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kaya niyang pumasok sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, siya ay isang taong ginawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na naging mabisa para sa kanya, na ang mga salita ng Diyos ay naging buhay niya, na nakamit na niya ang katotohanan, at na nagagawa niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanyang laman—iyon ay, ang pinakasaligan ng kanyang orihinal na pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, saka lamang sila magiging mga bagong tao. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging mga buhay ng mga tao, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga paglalantad at kinakailangan mula sa sangkatauhan, at ang mga pamantayan para sa buhay ng tao na hinihingi ng Diyos na matugunan ng mga tao ay maging buhay nila, kung nabubuhay ang mga tao alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas ng paghahangad ni Pedro sa katotohanan. Ito ang landas ng kung saan ka mapeperpekto. Ginawang perpekto si Pedro ng mga salita ng Diyos, at nagkamit siya ng buhay mula sa mga salita ng Diyos, ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at siya ay naging isang tao na nakamit ang katotohanan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro
Kaugnay na mga Himno
Malayang Pinagkalooban ng Diyos ng Buhay ang Tao
Ang Wangis ng Isang Tunay ng Tao