2. Paano makilatis ang masasamang tao
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Sa bansa ng malaking pulang dragon, nagawa Ko na ang isang yugto ng gawain na hindi maarok ng mga tao, na dahilan upang umindayog sila sa hangin, pagkatapos ay marami ang tahimik na natatangay ng ihip ng hangin. Tunay na ito ang “giikan” na malapit Ko nang linisin; ito ang kinasasabikan Ko at ito rin ang plano Ko. Sapagkat maraming masasamang nakapasok habang gumagawa Ako, ngunit hindi Ako nagmamadaling itaboy sila. Bagkus, ikakalat Ko sila pagdating ng tamang panahon. Pagkatapos lamang noon Ako magiging bukal ng buhay, na nagtutulot sa mga tunay na nagmamahal sa Akin na matanggap mula sa Akin ang bunga ng puno ng igos at ang halimuyak ng liryo. Sa lupain kung saan pansamantalang naninirahan si Satanas, ang lupain ng alikabok, walang nananatiling purong ginto, buhangin lamang, kaya nga, sa pagtugon sa mga sitwasyong ito, ginagawa Ko ang yugtong ito ng gawain. Dapat mong malaman na ang natatamo Ko ay puro at dalisay na ginto, hindi buhangin. Paano makakapanatili ang masasama sa Aking sambahayan? Paano Ko matutulutan ang mga soro na maging mga parasito sa Aking paraiso? Ginagamit Ko ang lahat ng maiisip na pamamaraan para itaboy ang mga ito. Bago mabunyag ang Aking mga layunin, walang nakakaalam sa gagawin Ko. Para masamantala ang pagkakataong ito, itinataboy Ko ang masasama, at napipilitan silang umalis sa Aking harapan. Ito ang ginagawa Ko sa masasama, ngunit darating pa rin ang araw na maglilingkod sila sa Akin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Ngayon ay nais Kong gumawa ng isang grupo ng mga taong nakaayon sa Aking mga layunin sa lalong madaling panahon, isang grupo ng tao na kayang isaalang-alang ang Aking mga pasanin. Gayunman, hindi Ko mapigilang linisin at dalisayin ang Aking iglesia; ang iglesia ang puso Ko. Kinasusuklaman Ko ang lahat ng masasamang tao na pinipigilan kayo sa pagkain at pag-inom ng Aking salita. Ito’y dahil may ilang tao na hindi Ako tunay na ninanais. Ang mga taong ito ay puno ng panlilinlang, hindi sila lumalapit sa Akin sa kanilang totoong puso; masasama sila, at sila ang mga taong hinahadlangan ang pagsasagawa ng Aking kalooban; sila ang mga taong hindi nagsasagawa ng katotohanan. Ang mga taong ito ay puno ng pagmamagaling at pagmamataas, lubha silang ambisyoso, gusto nilang nanlalait, at bagamat ang mga salitang sinasabi nila ay maganda sa pandinig, pero lihim nilang hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang lahat ng masasamang taong ito ay lilipulin at lubusang mapapaalis; manlulupaypay sila sa mga sakuna.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 24
Maaaring sa lahat ng taon ng pagsampalataya mo sa Diyos, hindi ka pa nakasumpa ng sinuman o nakagawa ng masama kailanman, subalit sa pakikisama mo kay Cristo, hindi mo kayang magsabi ng katotohanan, kumilos nang tapat, o magpasakop sa salita ni Cristo; kung gayon, sinasabi Ko na ikaw ang pinakamasama at mapaminsalang tao sa mundo. Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang maayos, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa ring tao, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos
Yaong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga utusan ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang patalsikin at itiwalag. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso, kung wala silang pusong nagpapasakop sa Diyos, hindi lamang sila hindi makakagawa ng anumang gawain para sa Kanya, kundi bagkus ay magiging mga taong gumagambala sa Kanyang gawain at lumalaban sa Kanya. Ang paniniwala sa Diyos ngunit hindi nagpapasakop o natatakot sa Kanya, at sa halip ay nilalabanan Siya, ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at pag-uugali ng mga mananampalataya na tulad ng mga walang pananampalataya, mas buktot pa sila kaysa mga walang pananampalataya; sila ay napakatipikal na mga demonyo. Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang ititiwalag sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. May ilang tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon lamang, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong mga diyablo at si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang alisin; dapat gamitan ng walang-awang saloobin, ng saloobin ng pagtanggi, ang dapat gamitin para sa mga alipores na ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Minamahal ng masasamang tao ang mga tiwali, masama, at makamandag na bagay; minamahal nila ang lahat ng may kaugnayan sa mga negatibong bagay. Kapag nagsasalita ka sa kanila tungkol sa mga positibong bagay, o kung paanong ang isang bagay ay nagdudulot ng mga pakinabang sa mga tao at nagmumula sa Diyos, hindi sila natutuwa at hindi sila interesadong marinig ang tungkol sa mga ito—wala silang pag-asang maligtas. Gaano man kahusay magbahagi sa katotohanan ang isang tao sa kanila o kung gaano kapraktikal sila kinausap, talagang hindi lang sila interesado, at maaari pa ngang magpahayag ng pagkamapanlaban at antagonismo. Ngunit nagliliwanag ang kanilang mga mata kapag narinig nila ang isang tao na nagsasalita tungkol sa kasiyahan ng laman, at napupuno sila ng enerhiya. Ito ay isang masama at buktot na disposisyon, at hindi mabuti ang kanilang kalooban. Kaya, hindi nila kayang mahalin ang mga positibong bagay. Sa kanilang puso, paano nila pinahahalagahan ang mga positibong bagay? Kinamumuhian at minamaliit nila ang mga ito, kinukutya nila ang mga bagay na ito. Pagdating sa pagiging tapat na tao, iniisip nila, “Ang pagiging tapat ay naglalagay sa atin sa dehadong kalagayan. Hindi ko ito tatanggapin. Kung ikaw ay tapat, isa kang mangmang. Tingnan mo ang iyong sarili, nagtitiis ng paghihirap at nagsisikap nang husto para gampanan ang iyong tungkulin nang hindi isinasaalang-alang ang iyong kinabukasan o kalusugan. Sino ang mag-aalala kung bumagsak ka sa pagod? Hindi ko maaaring pagurin ang sarili ko.” Maaaring sabihin ng iba, “Mag-iwan tayo ng lalabasan para sa sarili natin. Hindi tayo pwedeng magpagod nang todo-todo na parang mga mangmang. Kailangan nating ihanda ang ating ‘backup’ na plano at pagkatapos ay dagdagan pa ang pagsisikap.” Ang masasama ay matutuwa kapag narinig nila ito; tamang-tama ito para sa kanila. Ngunit pagdating sa ganap na pagpapasakop sa Diyos at tapat na paggugol ng sarili para sa tungkulin ng isang tao, nakakaramdam sila ng pagkasuklam at pagkamuhi, at hindi nila ito tatanggapin. Hindi ba’t masama ang ganitong tao? Ang lahat ng taong tulad nito ay may masamang disposisyon. Ang kailangan mo lamang gawin ay magbahagi sa katotohanan at makipag-usap tungkol sa mga prinsipyo ng pagsasagawa kasama sila, at nasusuklam na sila at ayaw nang makinig. Iisipin nilang sinisira nito ang kanilang dangal, sinusugatan ang kanilang dignidad, at hindi sila makikinabang dito. Sa kanilang kalooban ay sasabihin nila: “Tuloy-tuloy lang sa katotohanan, sa mga prinsipyo ng pagsasagawa. Palaging nagsasalita tungkol sa pagiging isang tapat na tao—mapapakain ka ba ng katapatan? Magkakapera ka ba dahil sa pagsasabi ng totoo. Pandaraya ang paraan para kumita!” Anong pangangatwiran ito? Pangangatwiran ito ng isang bandido. Hindi ba’t isa itong masamang disposisyon? Mabuti ba ang kalooban ng taong ito? (Hindi.) Hindi makakamit ng ganitong tao ang katotohanan. Ang kaunting ibinibigay, ginugugol, at tinatalikuran niya ay nakatuon lahat sa isang layunin, isang bagay na noon pa niya kinalkula nang mabuti. Iniisip niyang magandang kasunduan lamang ang mag-alok ng isang bagay kung may makukuha siya rito. Anong disposisyon ito? Ito ay isang buktot at masamang disposisyon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkakilala sa Sarili ang Makakatulong sa Paghahangad ng Katotohanan
Hindi mananampalataya at masamang tao ang sinumang madalas na nanggugulo sa buhay iglesia at sa buhay pagpasok ng mga hinirang na tao ng Diyos, at dapat silang alisin sa iglesia. Kahit sino pa ang taong iyon o paano man siya kumilos noon, kung madalas niyang ginugulo ang gawain ng iglesia at ang buhay iglesia, kung tumatanggi siyang mapungusan, at palagi niyang ipinagtatanggol ang kanyang sarili gamit ang maling pangangatwiran, dapat siyang alisin sa iglesia. Ang ganitong paraan ay ganap na para sa kapakanan ng pagpapanatili ng normal na pag-usad ng gawain ng iglesia at sa pagprotekta ng interes ng hinirang na mga tao ng Diyos, na lubos na umaayon sa mga katotohanang prinsipyo at sa mga layunin ng Diyos. Ang buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos at ang gawain ng iglesia ay hindi dapat maapektuhan ng mga pagtatalo at hindi makatwirang panggugulo ng ilang masamang indibidwal—hindi ito sulit at hindi rin ito makatarungan para sa hinirang na mga tao ng Diyos.
… May malupit na disposisyon ang ilang tao. Kapag may nagsabi ng isang bagay na nakakasakit o sumasalungat sa kanila, kamumuhian nila ang taong iyon at nag-iisip sila ng mga paraan upang atakihin at gantihan ito. Gaano man ibahagi ang katotohanan sa kanila o gaano man sila pungusan, hindi nila ito tinatanggap. Mas pipiliin pa nilang mamatay kaysa magsisi, at patuloy nilang ginugulo ang buhay iglesia. Pinatutunayan nito na masasamang tao sila. Hindi natin dapat patuloy na kunsintihin ang ganitong uri ng masasamang tao. Dapat silang alisin sa iglesia ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito lang ang paraan upang lubos na malutas ang problemang ito. Anuman ang mga pagkakamali o masamang bagay na nagawa nila, hindi papayag ang mga taong iyon na may malulupit na disposisyon na may maglantad o magpungos sa kanila. Kapag may naglantad at sumalungat sa kanila, labis silang magagalit, gaganti, at hindi nila kailanman titigilan ang isyu. Wala silang pasensya at pagtitimpi sa ibang tao, at wala silang pagpaparaya sa iba. Ano ang prinsipyo kung saan nakabatay ang kanilang asal? “Gugustuhin ko pang magkanulo kaysa ipagkanulo.” Sa madaling salita, hindi nila kayang tiisin na masalungat ng kahit sino. Hindi ba’t ito ang lohika ng masasamang tao? Ito mismo ang lohika ng masasamang tao. Walang sinuman ang pwedeng sumalungat sa kanila. Para sa kanila, hindi katanggap-tanggap na galitin sila ng sinuman kahit kaunti, at kinamumuhian nila ang sinumang gumawa nito. Patuloy nilang tutugisin ang taong iyon at hindi titigilan ang isyu—ganito ang masasamang tao. Dapat mong ibukod o paalisin agad ang masasamang tao sa sandaling matuklasan mo na mayroon silang diwa ng masasamang tao, bago pa sila makagawa ng malubhang kasamaan. Makakabawas ito sa pinsalang idinudulot nila; ito ang matalinong pasya. Kung hihintayin ng mga lider at manggagawa na makagawa pa ng kung anong sakuna ang isang masamang tao bago nila ito pangasiwaan, nagiging pasibo sila. Patutunayan niyon na napakahangal at walang mga prinsipyo sa kanilang mga kilos ang mga lider at manggagawa. May ilang lider at manggagawa na ganito kahangal at kamangmang. Ipinipilit nilang maghintay ng tiyak na ebidensya bago nila pangasiwaan ang masasamang tao dahil iniisip nilang iyon lang ang paraan na mapapanatag ang kanilang isipan. Ngunit sa katunayan, hindi mo na kailangan ng tiyak na ebidensya para masiguro kung masama ang isang tao. Makikita mo ito sa kanilang mga pang-araw-araw na salita at kilos. Kapag natiyak mo nang masama sila, maaari mong simulan sa paghihigpit o pagbubukod sa kanila. Masisiguro nito na hindi maaapektuhan ang gawain ng iglesia o ang buhay pagpasok ng mga hinirang na tao ng Diyos. … Sabihin mo sa Akin, kung natukoy na masama ang isang tao, kailangan pa bang ibahagi sa kanya ang katotohanan upang tulungan siya? (Hindi na.) Hindi na kailangang bigyan pa siya ng pagkakataon. Ang ilang tao ay masyadong “mapagmahal,” laging nagbibigay ng pagkakataon sa masasamang tao na magsisi, ngunit may magiging anumang epekto ba ito? Naaayon ba ito sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos? May nakita ka na bang masamang tao na kayang tunay na magsisi? Wala pang nakakakita niyon. Ang umasang magsisisi ang masasamang tao ay katulad ng maawa sa mga makamandag na ahas; ito ay pagkaawa sa mababangis na hayop. Ito ay dahil batay sa diwa ng masasamang tao, masasabi na hindi kailanman mamahalin ng masasamang tao ang mga positibong bagay, hindi nila kailanman tatanggapin ang katotohanan, at hindi sila kailanman magsisisi. Hindi mo makikita ang salitang “pagsisisi” sa kanilang diksiyonaryo. Gaano mo man ibahagi ang katotohanan sa kanila, hindi nila isasantabi ang kanilang sariling mga motibo at interes, at maghahanap sila ng iba’t ibang dahilan at palusot para pangatwiranan ang kanilang sarili, at walang sinuman ang makakukumbinsi sa kanila. Kapag nawalan sila, hindi nila ito makakayanan, at hindi sila titigil sa pamemerwisyo sa iba tungkol dito. Paano tunay na magsisisi ang mga gayong tao, na ayaw magdusa ng kahit anong pagkawala? Ang mga taong labis na makasarili ay iyong inuuna ang kanilang sariling mga interes nang higit sa lahat; masasamang tao sila, at hindi sila kailanman magsisisi.
—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 14
Anong klase ng tao ang isang tao na wala man lang pagmamahal sa mga kapatid? Bakit wala man lang siyang kahit kaunting normal na ugnayan sa mga kapatid? Ang ganitong klase ng tao, kahit sino pa ang nakakasalamuha niya, ay inuugnay lang ang mga pakikipag-ugnayang ito sa mga interes at pakikipagtransaksiyon; kung walang mga interes o pakikipagtransaksiyon na kasangkot, hindi na sila mag-aabala pa sa mga tao. Hindi ba’t masama ang ganitong klase ng tao? May ilang tao na hindi naghahangad sa katotohanan at namumuhay lang batay sa mga damdamin; makikipaglapit sila sa sinumang maayos ang pagtrato sa kanila, at iniisip nilang mabuti ang sinumang tumutulong sa kanila. Ang mga gayong tao ay wala ring normal na ugnayan sa ibang tao. Namumuhay sila batay lang sa mga damdamin, kaya matatrato ba nila nang patas at makatarungan ang mga kapatid? Hinding-hindi ito makakamit. Samakatwid, ang sinumang walang normal na ugnayan sa mga kapatid, o sa mga tapat na nananampalataya sa Diyos, ay isang taong walang konsensiya at katwiran, walang normal na pagkatao, at tiyak na hindi isang tao na nagmamahal sa katotohanan. Ang mga indibidwal na ito ay walang pinagkaiba sa mga walang kwentang tao sa hanay ng mga walang pananampalataya; nakikisalamuha sila sa sinumang kapaki-pakinabang sa kanila at binabalewala nila ang mga hindi kapaki-pakinabang. Bukod dito, kapag nakakakita sila ng isang tao na naghahangad sa katotohanan o isang tao na kayang magbahagi ng mga patotoong batay sa karanasan at hinahangaan at gusto ng lahat ng tao, nagseselos at namumuhi sila at sinusubukan nila ang lahat ng paraan para makahanap ng balang gagamitin para husgahan at kondenahin ang mga taong ito na naghahangad sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang ginagawa ng masasamang tao? Walang konsensiya at katwiran ang mga gayong tao—mas masahol pa sila sa mga hayop. Hindi nila kayang tratuhin nang tama ang mga tao, hindi nila makasundo nang normal ang ibang tao, hindi sila makabuo ng normal na ugnayan sa hinirang na mga tao ng Diyos, at nagagawa pa nga nilang kamuhian ang mga naghahangad sa katotohanan. Ang mga gayong tao ay tiyak na nakakaramdam ng matinding kalungkutan at pagkalumbay sa puso nila, palagi nilang sinisisi ang iba at ang mundo. Ano ang kagalakan o kabuluhan ng buhay nila? May malupit na disposisyon ang mga taong ito, at kahit sino pa ang makasalamuha nila, maaari silang makaramdam ng pagkamuhi sa maliliit na usapin, kinokondena at ginagantihan ang mga ito, nagdudulot ng mga kapahamakan sa mga ito. Ang mga gayong masasamang indibidwal ay ganap na mga diyablo, nagdadala sila ng kapahamakan sa iglesia sa bawat araw na sila ay nananatili. Kung mananatili sila nang matagal, magiging walang katapusan ang mga kapahamakan. Maiiwasan lang ang mga kapahamakan sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanila sa iglesia.
—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 14
Ang mga tao na walang katwiran at sadyang nanggugulo ay iniisip lang ang sarili nilang mga interes kapag kumikilos sila, ginagawa nila ang anumang nakakalugod sa kanila. Ang mga salita nila ay walang iba kundi mga walang katuturang maling paniniwala, at hindi sila tinatablan ng katwiran. Nag-uumapaw ang malulupit nilang disposisyon. Walang sinumang nangangahas na makipag-ugnayan sa kanila, at walang may gustong makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, sa takot na mapahamak pa. Kinakabahan ang ibang tao kapag pinaprangka sila, natatakot na kung makapagsabi ng hindi nila gusto o hindi naaayon sa gusto nila, sasamantalahin nila iyon at pararatangan ng masama ang mga tao. Hindi ba’t masama ang gayong mga tao? Hindi ba’t mga buhay silang demonyo? Lahat ng may masasamang disposisyon at maling katwiran ay mga buhay na demonyo. At kapag nakipag-ugnayan ang isang tao sa isang buhay na demonyo, maaari niyang ipahamak ang sarili niya dahil lamang sa isang kapabayaan. Hindi ba’t magkakaproblema nang malaki kung nasa iglesia ang gayong mga buhay na demonyo? (Oo.) Pagkatapos magwala at maglabas ng galit ang mga buhay na demonyong ito, may ilang panahon na maaari silang magsalita na parang tao at humingi ng paumanhin, ngunit hindi sila magbabago pagkatapos. Sino ang nakakaalam kung kailan uli iinit ang ulo nila at kung kailan sila magmamaktol ulit, maglilitanya ng kanilang mga walang katuturang argumento. Nag-iiba-iba ang puntirya ng kanilang pagmamaktol at pagbubulalas sa bawat pagkakataon; gayundin ang pinagmumulan at dahilan ng kanilang pagbubulalas. Ibig sabihin, kahit ano ay maaaring makagalit sa kanila, kahit ano ay maaaring makadismaya sa kanila, at kahit ano ay maaaring maging dahilan para sila ay magwala at maging hindi makatwiran. Kahindik-hindik, at napakagulo! Ang mga baliw na masamang taong ito ay maaaring masiraan ng bait anumang oras; walang nakakaalam kung ano ang kaya nilang gawin. Sila ang mga taong labis Kong kinamumuhian. Bawat isa sa kanila ay dapat alisin—lahat sila ay kailangang tanggalin. Ayaw Ko silang makasalamuha. Magulo ang isipan nila at malupit ang disposisyon nila, puno sila ng mga walang katuturang argumento at maladiyablong salita, at kapag may nangyayari sa kanila, basta-basta na lang silang nagbubulalas. Ang ilan sa kanila ay umiiyak kapag naglalabas ng sama ng loob, ang iba ay sumisigaw, ang iba naman ay nagdadabog ng paa, at mayroon ding ilang umiiling-iling at nagyuyugyog ng mga braso. Sa madaling salita, mga halimaw sila, hindi mga tao. Ang ilang kusinero ay naghahagis ng mga kaldero at pinggan kapag umiinit ang ulo nila; ang iba naman, na nag-aalaga ng mga baboy o aso, ay tinatadyakan at sinasaktan ang mga hayop na ito kapag umiinit ang ulo nila, ibinabaling nila ang lahat ng galit nila sa mga ito. Ang mga indibidwal na ito, anuman ang mangyari, ay palaging galit ang reaksiyon; hindi sila kumakalma para pagnilayan ni tanggapin ito mula sa Diyos. Hindi sila nagdarasal o naghahanap sa katotohanan, ni hindi sila naghahangad na makipagbahaginan sa iba. Kapag wala silang magawa, nagtitiis sila; kapag ayaw nilang magtiis, nagwawala sila, naglilitanya ng mga walang katuturang argumento, inaakusahan at kinokondena nila ang iba. Madalas nilang sabihin ang mga bagay tulad ng, “Alam kong edukado kayong lahat at minamaliit ninyo ako”; “Alam kong mayaman ang mga pamilya ninyo, at hinahamak ninyo ako dahil mahirap ako”; o, “Alam kong minamaliit ninyo ako dahil wala akong matibay na pundasyon sa pananalig ko, at minamaliit ninyo ako dahil hindi ko hinahangad ang katotohanan.” Kahit na alam na alam nila ang maraming isyu sa kanila, hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito, ni hindi nila tinatalakay ang pagkilala nila sa sarili sa pakikipagbahaginan nila sa iba. Kapag nababanggit ang sarili nilang mga problema, umiiwas sila at sinisisi nila ang iba, itinutulak ang lahat ng problema at responsabilidad sa iba, at nagrereklamo pa na kaya ganoon ang pag-uugali nila ay dahil sa masamang pagtrato sa kanila ng iba. Para bang ang kanilang mga pagmamaktol at walang kwentang pagwawala ay sanhi ng iba, na para bang ang iba ang may kasalanan, wala lang talaga silang magawa kundi ang kumilos sa ganitong paraan—naniniwala sila na wasto nilang ipinagtatanggol ang sarili nila. Tuwing hindi sila nasisiyahan, sinisimulan nilang maglabas ng kanilang hinanakit at maglitanya nang walang katuturan, iginigiit ang mga walang katuturan nilang argumento na para bang mali ang lahat ng tao, pinapalabas na kontrabida ang iba at na sila lang ang mabuting tao. Gaano man sila magmaktol o maglitanya ng mga argumentong walang katuturan, hinihingi nila na maging mabuti ang sasabihin ng iba tungkol sa kanila. Kahit kapag nagkakamali sila, pinagbabawalan nila ang iba na ilantad o punahin sila. Kung tutukuyin mo kahit ang maliit na isyu nila, guguluhin nila ang buhay mo nang walang katapusan, at malabo nang makapamuhay ka pa nang payapa kapag nagkagayon. Anong klaseng tao ito? Isa itong tao na walang katwiran at sadyang nanggugulo, at ang mga gumagawa nito ay itinuturing na masasamang tao.
—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 26
Ang ganitong pangyayari kung saan ang isang tao ay basta-bastang kinokondena, binabansagan, at pinapahirapan ay madalas na nangyayari sa bawat iglesia. Halimbawa, may ilang tao na nagkikimkim ng pagkiling laban sa isang partikular na lider o manggagawa, at para makaganti, nagkokomento sila tungkol dito habang nakatalikod ito, nilalantad at hinihimay ito habang nagkukunwaring nakikipagbahaginan sila tungkol sa katotohanan. Mali ang intensiyon at mga layon sa likod ng mga gayong kilos. Kung tunay na nakikipagbahaginan ang isang tao tungkol sa katotohanan para magpatotoo sa Diyos at para makinabang ang iba, dapat siyang makipagbahaginan tungkol sa sarili niyang mga totoong karanasan, at magbigay ng pakinabang sa iba sa pamamagitan ng paghihimay at pagkilala sa sarili niya. Ang gayong pagsasagawa ay nagbubunga ng mas magagandang resulta, at sasang-ayunan ito ng hinirang na mga tao ng Diyos. Kung ang pakikipagbahaginan ng isang tao ay naglalantad, bumabatikos, at nanghahamak sa ibang tao para saktan o gantihan ito, mali ang intensiyon ng pakikipagbahaginan, ito ay hindi makatarungan, kinapopootan ng Diyos, at hindi nakakapagpatibay sa mga kapatid. Kung ang intensiyon ng isang tao ay ang kondenahin ang iba, pahirapan ang mga ito, isa siyang masamang tao at gumagawa siya ng masama. Ang lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos ay dapat na may pagkilatis sa masasamang tao. Kung sadyang binabatikos, inilalantad, o minamaliit ng isang tao ang mga tao, dapat siyang tulungan nang may pagmamahal, dapat makipagbahaginan sa kanya at himayin siya, o pungusan siya. Kung hindi niya matanggap ang katotohanan at matigas siyang tumatangging baguhin ang mga gawi niya, ganap na iba nang usapin ito. Pagdating sa masasamang tao na madalas na basta-bastang kinokondena, binabansagan, at pinapahirapan ang iba, dapat silang ilantad nang lubusan, para matutuhan ng lahat na makilatis sila. Pagkatapos, dapat silang pigilan o patalsikin sa iglesia. Mahalaga ito, dahil ginugulo ng mga gayong tao ang buhay at gawain ng iglesia, at malamang na ilihis nila ang mga tao at magdulot sila ng kaguluhan sa iglesia. Sa partikular, madalas na binabatikos at kinokondena ng ilang masamang tao ang ibang tao, para lang makamit ang layon nila na makapagpakitang-gilas at tingalain sila ng iba. Ang masasamang taong ito ay madalas na ginagamit ang pagkakataon ng pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan sa mga pagtitipon para di-tuwirang ilantad, himayin, at supilin ang iba. Binibigyang-katwiran pa nga nila ito sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa nila ito para makatulong sa mga tao at para lutasin ang mga problema sa iglesia, at ginagamit nila ang mga palusot na ito bilang panakip para makamit nila ang kanilang mga layon. Sila ang klase ng mga tao na nambabatikos at nagpapahirap sa iba, at malinaw na masama silang lahat. Lahat ng bumabatikos at kumokondena sa mga taong naghahangad sa katotohanan ay lubhang malupit, at tanging ang mga naglalantad at naghihimay sa masasamang tao para maprotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos ang may pagpapahalaga sa katarungan at sinasang-ayunan ng Diyos. Ang masasamang tao ay madalas na napakamapanlinlang sa kanilang paggawa ng kasamaan; bihasa silang lahat sa paggamit ng doktrina para bigyang-katwiran ang sarili nila at para makamit ang layon nila na ilihis ang iba. Kung ang hinirang na mga tao ng Diyos ay walang pagkilatis sa masasamang tao at hindi nila mapigilan ang ganitong mga tao, ang buhay iglesia at ang gawain ng iglesia ay lubhang mawawala sa ayos—o magiging sobrang magulo pa nga. Kapag nakikipagbahaginan at naghihimay ng mga problema ang masasamang tao, palagi silang may intensiyon at layon, at palagi itong nakatuon sa isang tao. Hindi nila hinihimay o kinikilala ang sarili nila, hindi rin sila nagtatapat at nagiging bukas para lutasin ang sarili nilang mga problema—sa halip, sinusunggaban nila ang pagkakataon para ilantad, himayin, at batikusin ang iba. Madalas nilang sinasamantala ang pagkakataong makipagbahaginan tungkol sa sarili nilang kaalaman para himayin at kondenahin ang iba, at sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, inilalantad, minamaliit, at sinisiraan nila ang mga tao. Partikular silang nakadarama ng pagkasuklam at pagkamuhi sa mga naghahangad sa katotohanan, sa mga nagdadala ng pasanin para sa gawain ng iglesia, at sa mga madalas na gumagawa ng mga tungkulin ng mga ito. Ang masasamang tao ay gagamit ng iba’t ibang katwiran at palusot para sirain ang motibasyon ng mga taong ito at pigilan silang magawa ang gawain ng iglesia. Parte ng nararamdaman nila para sa mga ito ay selos at pagkamuhi; ang isa pang parte ay takot na sa pagtindig at paggawa ng gawain ng mga taong ito, ay nagiging banta ang mga ito sa reputasyon at katayuan nila. Kaya balisa silang makahanap ng paraan para balaan, supilin, at pigilan ang mga ito, umaabot pa nga sa puntong naghahanap sila ng mga bala para idiin ang mga ito at baluktutin ang mga katunayan at kondenahin ang mga ito. Ganap na ibinubunyag nito na ang disposisyon ng masasamang taong ito ay disposisyong namumuhi sa katotohanan at mga positibong bagay. May partikular silang pagkamuhi sa mga taong naghahangad sa katotohanan at nagmamahal sa mga positibong bagay, at sa mga taong taos-puso, disente, at matuwid. Maaring hindi nila ito sinasabi, pero ito ang uri ng mentalidad na mayroon sila. Kaya, bakit pinupuntirya lang nilang ilantad, maliitin, supilin, at ibukod ang mga tao na naghahangad sa katotohanan, ang mga disente at matuwid na tao? Malinaw na isa itong pagtatangka sa parte nila na pabagsakin at talunin ang mabubuting tao at ang mga naghahangad sa katotohanan, upang yurakan ang mga ito, para makontrol nila ang iglesia. Hindi naniniwala ang ilang tao na ganito ang nangyayari. Mayroon Akong isang tanong para sa kanila: Kapag nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, bakit hindi inilalantad o hinihimay ng masasamang taong ito ang sarili nila, at sa halip, palagi nilang pinupuntirya at inilalantad ang iba? Maaari nga kayang hindi sila nagbubunyag ng katiwalian, o na wala silang mga tiwaling disposisyon? Tiyak na hindi. Kung gayon, bakit nila pinupuntirya ang iba para ilantad at himayin? Ano ba ang mismong sinusubukan nilang makamit? Ang tanong na ito ay nangangailangan ng malalim na pagninilay-nilay. Nararapat ang ginagawa ng isang tao kung inilalantad niya ang masasamang gawa ng masasamang tao na nanggugulo sa iglesia. Pero sa halip, inilalantad at pinapahirapan ng mga taong ito ang mabubuting tao, habang nagkukunwaring nakikipagbahaginan sila tungkol sa katotohanan. Ano ang layon at intensiyon nila? Galit ba sila dahil nakikita nilang inililigtas ng Diyos ang mabubuting tao? Iyon ang totoo. Hindi inililigtas ng Diyos ang masasamang tao, kaya likas na namumuhi ang masasamang tao sa Diyos at sa mabubuting tao. Hindi tinatanggap o hinahangad ng masasamang tao ang katotohanan at hindi sila maliligtas, pero pinapahirapan nila ang mabubuting taong naghahangad sa katotohanan at maliligtas. Ano ang problema rito? Kung ang mga tao na ito ay may kaalaman sa sarili nila at sa katotohanan, maaari silang magtapat at makipagbahaginan, pero palagi nilang pinupuntirya at ginagalit ang iba. May tendensiya silang batikusin ang iba, at lagi nilang itinuturing ang mga naghahangad sa katotohanan bilang mga kaaway nila sa kanilang imahinasyon. Ito ang tanda ng masasamang tao. Ang mga may kakayahang gumawa ng gayong kasamaan ang tunay na mga diyablo at Satanas, ang mga sukdulang anticristong dapat pigilan, at kung gumagawa sila ng napakaraming kasamaan, kailangan silang pangasiwaan kaagad—patalsikin sila sa iglesia. Lahat ng bumabatikos at nagbubukod sa mabubuting tao ay mga bulok na mansanas. Bakit Ko sila tinatawag na mga bulok na mansanas? Dahil malamang na magdulot sila ng mga hindi kinakailangang alitan at sigalot sa iglesia, na nagiging dahilan para lumala nang lumala ang kalagayan ng mga bagay-bagay roon. Pinupuntirya nila ang isang tao ngayon at iba na naman ang pupuntiryahin nila bukas, at palagi nilang pinupuntirya ang iba, ang mga nagmamahal at naghahangad sa katotohanan. Malamang na makagambala ito sa buhay iglesia at makaapekto sa normal na pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ng hinirang na mga tao ng Diyos, gayundin sa pakikipagbahaginan nila tungkol sa katotohanan. Madalas na sinasamantala ng masasamang taong ito ang pamumuhay ng buhay iglesia para batikusin ang iba sa ngalan ng pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan. May pagkamapanlaban sa lahat ng sinasabi nila; nagsasabi sila ng mga nakakagalit na komento para batikusin at kondenahin ang mga naghahangad sa katotohanan at ang mga gumugugol ng sarili nila para sa Diyos. Ano ang mga kahihinatnan nito? Magagambala at magugulo nito ang buhay ng iglesia, at dahil dito ay mababalisa ang puso ng mga tao at hindi nila magagawang kumalma sa harap ng Diyos. Sa partikular, ang mga imoral na bagay na sinasabi ng masasamang taong ito para kondenahin, batikusin, at saktan ang iba ay pwedeng magdulot ng paglaban. Hindi ito nakakatulong sa paglutas ng mga problema; sa kabaligtaran, nagdudulot ito ng takot at pagkabalisa sa iglesia at pinapahina nito ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao, na nagiging sanhi na magkaroon ng tensiyon at alitan sa pagitan nila. Ang pag-uugali ng mga taong ito ay hindi lang nakakaapekto sa buhay iglesia, nagdudulot din ito ng sigalot sa iglesia. Pwede pa nga itong makaapekto sa gawain ng iglesia sa kabuuan at sa pagpapalaganap sa ebanghelyo. Samakatwid, ang mga lider at manggagawa ay kailangang bigyan ng babala ang ganitong uri ng tao, at pigilan at pangasiwaan din ang mga ito. Ang mga kapatid ay kailangang maglagay ng mahihigpit na limitasyon sa masasamang taong ito na madalas na bumabatikos at kumokondena sa iba. Bukod dito, ang mga lider ng iglesia ay dapat agad na ilantad at hadlangan ang mga basta-bastang bumabatikos at kumokondena sa iba, at kung hindi sila nagbabago, alisin sila sa iglesia. Ang masasamang tao ay dapat pigilan sa panggugulo sa buhay ng iglesia sa mga pagtitipon, at kasabay nito, ang mga taong magulo ang isip ay kailangang pigilang magsalita sa paraang nakakaapekto sa buhay iglesia. Kung natuklasan ang isang masamang tao na gumagawa ng masama, kailangan siyang ilantad. Hinding-hindi siya dapat pahintulutan na kumilos nang sutil, na gawin ang masama ayon sa kagustuhan niya. Ito lang ang paraan para mapanatili ang normal na buhay iglesia at matiyak na ang hinirang na mga tao ng Diyos ay pwedeng magtipon, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at magbahaginan nang normal tungkol sa katotohanan, na magtutulot sa kanila na tuparin ang mga tungkulin nila nang normal. Saka lang maisasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa iglesia, at sa ganitong paraan lang makakaunawa sa katotohanan, makakapasok sa realidad, at makakapagtamo ng mga pagpapala ng Diyos ang Kanyang hinirang na mga tao.
—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 15
Ang mabubuting tao ay nagsasabi at gumagawa ng mga bagay nang may konsensiya at katwiran, habang ang masasamang tao ay walang konsensiya at katwiran. Kapag ang masasamang tao ay gumagawa ng masama at nalalantad, hindi sila masunurin: “Sus, kahit naman malaman ng lahat, may magagawa ba sila rito? Gagawin ko ang gusto ko! Wala akong pakialam kung sino ang maglalantad o pupuna sa akin. Ano ba talaga ang magagawa sa akin ng kahit sino?” Kahit gaano pa karaming masamang bagay ang gawin ng isang masamang tao, hindi siya nakararamdam ng hiya. Kapag ang isang karaniwang tao ay may ginagawang masama, ninanais niya itong itago at pagtakpan. Kung sa huli ay may maglalantad sa kanya, labis siyang nahihiyang humarap sa kahit kanino at ayaw na nga niyang mabuhay: “Hay, paano ko ba nagawa ang ganitong bagay? Talagang wala akong kahihiyan!” Labis siyang nagsisisi at isinusumpa pa nga niya ang sarili niya, nangangako na hinding-hindi na niya uulitin ang ganitong bagay. Ang ganitong pag-uugali ay patunay na may kahihiyan siya, na may kaunting pagkatao pa rin siya. Ang isang tao na walang kahihiyan ay walang konsensiya at katwiran, at ang lahat ng masamang tao ay walang kahihiyan. Kahit anong uri pa ng masamang gawa ang ginagawa ng isang masamang tao, hindi ito mahihiya o kakabahan, at imoral pa rin niyang ipagtatanggol ang mga kilos niya, binabaluktot ang mga negatibong aspekto upang maging positibo ang mga ito, at magsasalita tungkol sa masasamang gawa na para bang mabuti ang mga iyon. May kahihiyan ba ang ganitong uri ng tao? (Wala.) Kung mayroon siyang ganitong uri ng saloobin, tunay ba siyang magsisisi sa hinaharap? Hindi, ipagpapatuloy lang niya ang pagkilos gaya ng dati. Ibig sabihin nito ay wala siyang kahihiyan, at ang ibig sabihin ng kawalan ng kahihiyan ay kawalan ng konsensiya at katwiran. Ang mga taong may konsensiya at katwiran ay masyadong mahihiyang humarap sa kahit kanino pagkatapos silang malantad sa paggawa ng masamang bagay, at hinding-hindi na nila inuulit ang bagay na ito. Bakit ganito? Ito ay dahil pakiramdam nila ay kahiya-hiyang gawin ito at punong-puno sila ng kahihiyan na humarap sa kahit kanino; may pakiramdam ng kahihiyan sa kanilang pagkatao. Hindi ba’t ito ang pinakamababang pamantayan para sa normal na pagkatao? (Ito nga.) Matatawag pa bang tao ang isang taong ni hindi nakararamdam ng kahihiyan? Hindi. Ang isa bang taong hindi nakararamdam ng kahihiyan ay may normal na pag-iisip? (Wala.) Wala siyang normal na pag-iisip, lalong wala siyang pagmamahal sa mga positibong bagay.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon
May isang uri ng tao na mapagmahal at mapagtimpi sa lahat, at handang tumulong sa sinuman. Ang tanging bagay na hindi siya interesado ay ang katotohanan. Palagi siyang salungat sa Diyos at hindi maipagkakasundo sa Kanya. Matinding kaaway siya ng Diyos. Anong uri ito ng tao? Isa siyang hindi mananampalataya at diyablo. Ang diyablo ang siyang pinakasalungat sa katotohanan at pinakanapopoot dito. Hangga’t sangkot ang katotohanan sa isang bagay, o sa sinasabi o hinihingi ng Diyos, hindi lang niya ito hindi tinatanggap, pinagdududahan pa niya ito, nilalabanan niya ito, at nagpapakalat siya ng mga kuru-kuro tungkol dito. Gumagawa rin siya ng maraming bagay na nakasasama sa gawain ng iglesia, naghuhumiyaw pa nga sa publiko laban sa Diyos kapag nasasaktan ang mga personal niyang interes. Mga diyablo ang mga tao na tulad nito; sila ay mga tao na napopoot sa katotohanan at namumuhi sa Diyos. Sa kaibuturan ng kalikasan ng bawat tao ay isang disposisyong napopoot sa katotohanan; kaya, ang bawat isa ay may diwang namumuhi sa Diyos. Ang pinagkaiba lang ay ang tindi ng pagkamuhing ito, kung bahagya o matindi ba ito. May kakayahan ang ilang tao na gumawa ng masama para salungatin ang Diyos, habang ang iba ay naghahayag lang ng tiwaling disposisyon o mga negatibong emosyon. Kaya’t bakit may kakayahan ang ilang tao na kamuhian ang Diyos? Anong papel ang ginagampanan nila? Nagagawa nilang kamuhian ang Diyos dahil may disposisyon silang napopoot sa katotohanan. Ang pagkakaroon nila ng ganitong disposisyon ay nangangahulugang sila ay diyablo at kaaway ng Diyos. Ano ang isang diyablo? Ang mga diyablo ay iyong lahat ng napopoot sa katotohanan at namumuhi sa Diyos. Maaari bang maligtas ang mga diyablo? Tiyak na hindi. Habang inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, maraming tao ang magsisibangon at sasalungat sa Kanya at guguluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Mga diyablo ang mga taong tulad nito. Matatawag din silang mga nabubuhay na demonyo. Saanmang iglesia, ang sinumang nanggugulo sa gawain ng iglesia ay isang diyablo at isang nabubuhay na demonyo. At sinumang naniniil sa iglesia at hindi tumatanggap sa katotohanan sa kahit anong antas ay isang nabubuhay na demonyo. Samakatwid, kung matutukoy ninyo nang tama kung sinong mga tao ang mga nabubuhay na demonyo, dapat kayong kumilos nang mabilis para paalisin sila. Kung may ilang tao na ang saloobin ay tipikal na napakabuti, subalit kung minsan ay masama ang kalagayan nila, o napakababa ng tayog nila at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at may ginagawa silang isang bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo subalit hindi nila ito gawi at hindi sila gayong uri ng tao ayon sa kalikasan, maaari silang manatili. Hindi mabuti ang pagkatao ng ilan; kung sinasalungat sila ng isang tao, hindi nila ito palalampasin kailanman. Makikipagtalo sila sa tao na iyon nang walang katapusan, hindi magpapakita ng awa kapag sa tingin nila ay nasa katwiran sila. Subalit, may isa silang kapurihan, na handa silang magtrabaho at magtiis ng paghihirap. Maaaring pansamantalang manatili ang mga tao na tulad nito. Kung ang mga taong ito ay madalas na gumagawa ng masama at gumagambala sa gawain ng iglesia, sila ay sa diyablong Satanas, at tiyak na hindi sila maaaring maligtas. Tiyak iyon nang isandaang porsyento. Kailangang paalisin sa iglesia ang mga taong tulad nito; ganap na hindi sila dapat pahintulutang manatili.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Saloobing Dapat Taglayin ng Tao sa Diyos
Bawat iglesia ay may mga taong nagsasanhi ng kaguluhan para sa iglesia o nakakagambala sa gawain ng Diyos. Lahat sila ay mga Satanas na nakapasok sa sambahayan ng Diyos nang nakabalatkayo. Ang gayong mga tao ay mahusay umakto: Humaharap sila sa Akin nang may malaking pagpipitagan, nakayuko at kumakayod, umaasal na parang mga asong galisin, at inilalaan ang kanilang “lahat-lahat” para makamtan ang sarili nilang mga layunin—ngunit sa harap ng mga kapatid, ipinapakita nila ang kanilang pangit na panig. Kapag nakakakita sila ng mga taong nagsasagawa ng katotohanan, pinipintasan nila ang mga ito at itinutulak sa isang tabi; kapag nakakakita sila ng mga taong mas nakakatakot kaysa sa kanila, pinupuri at binobola nila ang mga ito. Nagwawala sila sa loob ng iglesia. Masasabi na ang gayong “lokal na mga maton,” ang gayong “mga sipsip,” ay umiiral sa karamihan ng mga iglesia. Sama-sama silang kumikilos nang malademonyo, nagpapahatid ng mga kindat at lihim na senyas sa isa’t isa, at walang isa man sa kanila ang nagsasagawa ng katotohanan. Sino man ang may pinakamakamandag na lason ay siyang “punong demonyo,” at sino man ang may pinakamataas na karangalan ay namumuno sa kanila, at iwinawagayway ang kanilang bandila. Naghuhuramentado ang mga taong ito sa loob ng iglesia, nagkakalat ng kanilang pagkanegatibo, bumubulalas ng kamatayan, ginagawa ang gusto nila, sinasabi ang gusto nila, at walang sinumang nangangahas na pigilan sila. Puno sila ng disposisyon ni Satanas. Katatapos pa lamang nilang manggulo ay pumapasok na ang simoy ng kamatayan sa iglesia. Yaong mga nasa iglesia na nagsasagawa ng katotohanan ay itinataboy, hindi magawang maibigay ang kanilang lahat-lahat, samantalang yaong mga nanggugulo sa iglesia at nagkakalat ng kamatayan ay nagwawala sa loob—bukod pa riyan, karamihan sa mga tao ay sumusunod sa kanila. Ang gayong mga iglesia ay pinamumunuan ni Satanas, walang duda; ang diyablo ang kanilang hari. Kung ang mga tao sa gayong mga iglesia ay hindi tumatayo at tumatanggi sa mga punong demonyo, sila rin sa malao’t madali ay mawawasak. Mula ngayon, kailangang gumawa ng mga hakbang laban sa gayong mga iglesia. Kung hindi ito hahangarin ng mga may kakayahang magsagawa ng kaunting katotohanan, bubuwagin ang iglesiang iyon. Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang nagagawang tumindig sa kanilang patotoo sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putulin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong “paglilibing sa kamatayan”; ito ang ibig sabihin ng pagtataboy kay Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay yaong mga handang isagawa ang salita ng Diyos at handang isagawa ang katotohanan. Ang mga taong tunay na nagagawang manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos ay yaon ding mga handang isagawa ang Kanyang salita at talagang kayang pumanig sa katotohanan. Wala sa lahat ng taong nanloloko at walang katarungan ang katotohanan, at nagdadala silang lahat ng kahihiyan sa Diyos. Yaong mga nagsasanhi ng mga alitan sa iglesia ay mga utusan ni Satanas, sila ang sagisag ni Satanas. Ang gayong mga tao ay nakapamalisyoso. Lahat ng walang pagkakilala at walang kakayahang pumanig sa katotohanan ay may kimkim na masasamang layon at dinudungisan ang katotohanan. Higit pa riyan, sila ay napakatipikal na mga kinatawan ni Satanas. Hindi na sila matutubos, at natural lamang na itiwalag silang lahat. Hindi tinutulutan ng pamilya ng Diyos na manatili ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ni hindi nito tinutulutang manatili yaong mga sadyang gumigiba sa iglesia. Gayunman, hindi ito ang panahon para gawin ang gawain ng pagtitiwalag; ilalantad at ititiwalag lamang ang gayong mga tao sa huli. Wala nang walang-silbing gawaing iuukol sa mga taong ito; yaong mga nabibilang kay Satanas ay hindi kayang pumanig sa katotohanan, samantalang yaong mga naghahanap sa katotohanan ay kayang gawin ito. Ang mga taong hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi karapat-dapat na marinig ang daan ng katotohanan at hindi karapat-dapat na magpatotoo tungkol sa katotohanan. Ang katotohanan ay hindi talaga para sa kanilang mga pandinig; sa halip, ito ay para sa mga nagsasagawa nito. Bago ibunyag ang katapusan ng bawat tao, yaong mga nanggugulo sa iglesia at nakakagambala sa gawain ng Diyos ay isasantabi muna sa ngayon, upang pakitunguhan kalaunan. Kapag tapos na ang gawain, ilalantad ang bawat isa sa mga taong ito, at pagkatapos ay ititiwalag sila. Samantala, habang ipinagkakaloob ang katotohanan, hindi sila papansinin. Kapag ibinunyag sa sangkatauhan ang buong katotohanan, dapat itiwalag ang mga taong iyon; iyon ang panahon kung kailan pagbubukud-bukurin ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri. Ang walang-kuwentang mga panloloko ng mga walang pagkakilala ay hahantong sa kanilang pagkawasak sa mga kamay ng masasamang tao, ililigaw sila ng mga ito, at hindi na makakabalik. At gayong pagtrato ang nararapat sa kanila, dahil hindi nila mahal ang katotohanan, dahil hindi nila kayang pumanig sa katotohanan, dahil sumusunod sila sa masasamang tao at pumapanig sa masasamang tao, at dahil nakikipagsabwatan sila sa masasamang tao at lumalaban sa Diyos. Alam na alam nila na ang mababanaag sa masasamang taong iyon ay kasamaan, subalit pinatitigas nila ang kanilang puso at tinatalikuran ang katotohanan upang sundan ang mga ito. Hindi ba gumagawa ng kasamaan ang lahat ng taong ito na hindi nagsasagawa ng katotohanan kundi gumagawa ng nakakasira at kasuklam-suklam na mga bagay? Bagama’t mayroon sa kanila na naghahari-harian at sumusunod naman sa kanila ang iba, hindi ba pare-pareho silang likas na masuwayin sa Diyos? Ano ang ikakatwiran nila para sabihin na hindi sila inililigtas ng Diyos? Ano ang ikakatwiran nila para sabihin na hindi matuwid ang Diyos? Hindi ba ang sarili nilang kasamaan ang sumisira sa kanila? Hindi ba ang sarili nilang pagkasuwail ang humahatak sa kanila pababa sa impiyerno? Ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maliligtas at gagawing perpekto dahil sa katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maghahatid ng pagkawasak sa kanilang sarili dahil sa katotohanan. Ito ang wakas na naghihintay sa mga nagsasagawa at hindi nagsasagawa ng katotohanan. Pinapayuhan Ko ang mga hindi nagpaplanong isagawa ang katotohanan na lisanin ang iglesia sa lalong madaling panahon upang hindi na makagawa ng mas marami pang kasalanan. Pagdating ng panahon, magiging huli na ang lahat para magsisi. Lalo na, yaong mga naggugrupu-grupo at lumilikha ng pagkakawatak-watak, at yaong mga lokal na maton sa loob ng iglesia, ay kailangang lumisan nang mas maaga. Ang mga taong iyon, na may likas na pagkataong kasingsama ng mga lobo, ay walang kakayahang magbago. Mas mabuti pang lisanin nila ang iglesia sa pinakamaagang pagkakataon, at huwag nang gambalaing muli ang normal na buhay ng mga kapatid kailanman, at sa gayon ay maiwasan nila ang parusa ng Diyos. Makakabuting gamitin ninyong mga sumama na sa kanila ang pagkakataong ito upang magnilay-nilay sa inyong sarili. Lilisanin ba ninyo ang iglesia na kasama ng masasama, o mananatili kayo at susunod nang tapat? Kailangan ninyong pag-isipang mabuti ang bagay na ito. Binibigyan Ko kayo ng isa pang pagkakataon upang pumili, at hinihintay Ko ang inyong kasagutan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan
Ang mga Kahihinatnan ng Kawalan ng Kakayahang Makatukoy sa Masasamang Tao
Kaugnay na mga Himno
Hindi Inililigtas ng Diyos ang Masasama
Ang Sinumang Hindi Nagsasagawa sa Katotohanan ay Matitiwalag