679 Pagpipino ang Pinakamabuting Paraan para Maperpekto ng Diyos ang Tao

‘Pag mas matindi ang pagpipino ng Diyos,

mas mahal Siya ng mga tao.

Nakikinabang sila sa buhay ‘pag nagdurusa sila.

Mas mapapalapit sila’t mapapayapa sa harap Niya.

Nakikita nila ang dakilang pag-ibig

at pagliligtas ng Diyos.


Nagdaan si Pedro sa pagpipino.

Daan-daang beses iyon nangyari.

Si Job ay nagdaan sa ilang pagsubok.

At dapat din kayong mapino.

Magdaan sa daan-daang pagsubok,

umasa sa hakbang na ‘to,

para Diyos ay mapasaya n’yo,

Diyos ay gagawin kayong perpekto.

Pagpipino ang pinakamabuti

para maperpekto ang tao.

Pagsubok lang at pagpipino para

mahalin Siya ng tao, mahalin Siya ng tao.


‘Pag dumaraan ka na sa pagpipino,

makikita mo ang kahinaa’t problema mo.

Kung ga’no kalaki ang pagkukulang mo,

na ‘di mo madaig ang problema mo.

Makikita mo ang pagsuway mo.

Mga pagsubok, ipapakita ang tunay na lagay mo.

Sa pagsubok, mas makakaya

mong magawang perpekto.


Kung mga tao’y ‘di paghihirapin,

Diyos ‘di nila tunay na mamahalin.

Kung ‘di sila susubukan, ‘di pipinuhin,

ang kanilang puso ay laging lulutang sa labas.

Pagpipino ang pinakamabuti para maperpekto ang tao.

Pagsubok lang at pagpipino para mahalin Siya ng tao,

mahalin Siya ng tao, mahalin Siya ng tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig

Sinundan: 678 Sa Pamamagitan Lamang ng mga Paghihirap at Pagpipino Ka Maaaring Gawing Perpekto ng Diyos

Sumunod: 680 Ang Pag-ibig ng mga Tao ay Nagiging Dalisay Lamang sa Pamamagitan ng Pagdurusa ng Pagpipino

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito