Tanong 3: Kahit hindi mga salita ng Diyos ang mga salita ni Pablo, matapos matawag ng Diyos, nagpalaganap siya ng ebanghelyo at nagtiis ng hirap para sa Panginoon habambuhay. Malayo ang nilakbay niya at sinikap niyang itatag ang iglesia. Napakalaki ng isinakripisyo niya. Kitang-kita ang mga inambag niya sa iglesia. Ang pananampalataya at pagdurusa niya para sa Panginoon ay isang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Tinatanggap n’yo ba ang mga ito?

Sagot: Kababasa lang ng maraming tao sa mga sulat ni Pablo kung pa’no siya nagpalaganap ng ebanghelyo at nagdusa pero hindi nila nauunawaan ang ugali at pagkatao ni Pablo. Alam ng lahat na nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, si Pablo mismo ang galit sa katotohanan at kumalaban sa Panginoong Jesus. Isang bagay ito na hindi ikinaila ni Pablo mismo. Napakaraming sermon at himalang ginawa ang Panginoong Jesus. Ba’t galit at kumalaban pa rin si Pablo sa Panginoong Jesus? Ba’t niya pinahirapan at tinugis ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Ebidensya ito na ang ugali at pagkatao ni Pablo ay galit sa katotohanan at sa Diyos. Ba’t siya nagsumikap na protektahan ang interes ng mga punong saserdote at Fariseo? Ba’t siya nanatiling tapat na Judio? Ipinapakita nito na iniisip lang niya ang kanyang posisyon, hindi ang Diyos. Para mataas ng posisyon, kinalaban niya ang totoong Diyos at pinahirapan ang mga nananalig sa Kanya. Gusto niyang magantimpalaan ng mga Judio anuman ang mangyari. Anong klaseng tao siya? Hindi ’yan mahirap sabihin. Anong sitwasyon ang naging dahilan para tanggapin ni Pablo ang tawag ng Panginoon at ipalaganap ang ebanghelyo bilang apostol? Habang tinutugis at pinahihirapan niya ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, walang nagawa ang Panginoon kundi magpakita kay Pablo sa kalangitan. Binulag siya ng Panginoon sa isang matinding liwanag, kaya napaluhod ito. Hindi nagpakita ang Panginoon kay Pablo dahil sa tapat siya sa Panginoon. Nagpakita Siya rito bilang bahagi ng parusa; wala Siyang magagawa. Napilitang magsakripisyo at magdusa si Pablo para sa Panginoong Jesus dahil nagpakita ang Panginoon sa kanyang harapan. Ang kanyang layunin ay magbayad-sala. Nakita Niya na napaka-makapangyarihan ng Panginoon, at kaya siyang igapos at puwersahing lumuhod. Natakot siyang maparusahan at mapunta sa impiyerno. Kaya nga nagsakripisyo siya para sa Panginoon. Kung hindi nagpakita ang Panginoong Jesus sa kanya, susundin kaya niya ang Panginoon o magsasakripisyo para sa Kanya natay sa kanyang likas na kademonyohan na kumalaban sa Panginoong Jesus? Talagang hindi! Samakatwid, wala talagang pananampalataya si Pablo sa Panginoong Jesus. Ang kanyang pagdurusa at sakripisyo ay hindi niya kusang ginawa. Wala siyang magagawa; pinilit siya.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan: Tanong 2: Sabi mo, hindi katotohanan ang mga salita ni Pablo. Kung gayo’y ba’t nasa Biblia ang kanyang mga salita? Nasusulat sa Biblia ang mga salita ni Pablo. Kung gayon, binigyang-inspirasyon ito ng Diyos; kumakatawan ito sa mga salita ng Diyos. Dapat natin silang sundin!

Sumunod: Tanong 4: Kahit hindi perpekto si Pablo, hindi na maaalala ng Panginoon ang dati niyang mga kasalanan. Naglingkod at nagdusa si Pablo para sa Panginoon nang maraming taon; mas malaki ang sakripisyo niya kaysa kaninuman. Malamang, pinuri ng Panginoon ang kanyang pagdurusa. Huwaran pa rin natin si Pablo! Isa siyang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Kung hindi nakatamo si Pablo ng papuri ng Diyos, sino pa?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito