Tanong 1: Pero naniniwala kaming, darating Siya dahil, Dadalhin Niya ang mga mananampalataya. Di Niya pwedeng gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, para gumawa ng mga mananagumpay. Itinaas ng Diyos si Brother Lin at ginamit siya. Ginabayan Niya kami para, maging bago, mabago, sumunod, at maluwalhati para maging mga mananagumpay. Sa pagbalik Nya, ang iglesya namin ang unang madadala Pinatotohanan ninyo na Diyos lamang ang makakagawa ng mga mananagumpay. Gusto kong itanong: Kung magpapatuloy tayo ayon sa paraan ng pamumuno ni Brother Lin, hindi ba tayo magagawang mga mananagumpay?

Sagot: Nasabi ninyo na gagawin kayong mga mananagumpay ng landas ni Brother Lin, na kailangan lang magsabuhay alinsunod sa kanya, para maging mananagumpay, Siya’y nagbalik para, dalhin sila sa kaharian ng langit, hindi Niya pwedeng gawin ang gawain ng paghatol para gumawa ng gaya nila May basehan ba kayo sa mga sinasabi niyong ’yan? May mga propesiya ba ang Panginoong Jesus na nagpatotoo rito? Ang sinumang nakakaalam sa Bibliaay alam na gagawa ng mga mananagumpay bago ang kalamidad. Sa mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos, magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa Kanila upang gumawa ng grupo ng mga mananagumpay. Tulad ng propesiya sa Aklat ng Pahayag: “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: sinasabi … Tinupad mo ang salita ng pagtitiis ko, kaya naman iingatan kita sa panahon ng pagsubok, na darating upang subukin ang mga tao. Madali akong darating: panghawakan mong matibay ang nasa’yo, walang pwedeng kumuha ng iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng Diyos ko, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat ko ang pangalan ng Diyos at ng bayan Niya, ang bagong Jerusalem na tunay ngang mananaog buhat sa langit mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 3:7, 10–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Hinulaan sa Biblia ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, ang pagdala sa Philadelphia, na ang paghatol Niya’y magsisimula sa tahanan ng Diyos. Ito ang gagawin ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagbabalik. Lihim na darating sa mga huling araw ang magkakatawang-taong Diyos upang gawin ang paghatol para humubog ng grupo ng mga mananagumpay. Ang pagbigkas ngMakapangyarihang Diyos, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ito ang sinasabi ng Banal na Espiritu at ang nakatagong manna. Ang Makapangyarihang Diyos ay bagong pangalan ng Diyos. Nakamit ng Iglesia ng Philadelphia ang bagong pangalan ng Diyos at nadala sila sa Kanyng trono. Ang lahat ng nananalangin at tumatawag sa ngalan Niya, at kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita ay madadala sa harapan ng trono ng Diyos, upang mahusgahan at madalisay ng mga salita NiyaSa huli, matatamo nila ang katotohanan at makakaalis sa impluwensya ni Satanas. Sila ang mga tunay na mananagumpay. Malinaw na ang Diyos mismo ang gagawa sa gawain ng paghubog sa mga mananagumpay. Walang sinumang makakapalit sa Kanya.

Ay huhubugin sa mga huling araw sa gawain ng paghatol ng nagkatawang-taong Diyos simula sa tahanan Niya. Hindi lamang ito hinulaan sa Biblia ngunit Siya ay napakalinaw itong inilarawan. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian—lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan—tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, bago ang pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawain ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao, o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang pagkasuwail ng tao, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Dati Ko nang nasabi na natatamo mula sa Silangan ang isang pangkat ng mga mananagumpay, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin ng mga ito ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas, at lahat ng uri ng pagpipino. Hindi malabo at mahirap unawain, bagkus ay tunay ang paniniwala ng mga ganoong tao. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malalabong titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip, mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos).

Ang gawain ng paghatol, ang pwedeng makapagpabago sa isa na maging mananagumpay. Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos at lihim na dumating sa Chinakung saan Niya ginagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Inihayag Niya ang lahat ng katotohanang kayang magligtas sa sangkatauhan. Hinuhusgahan Niya, ang kalikasan ng taong laban sa Diyos, at ang pagkatiwali nila. Isinisiwalat Niya ang disposisyon ng Diyos na ’di pumapayag sa pagkakasala, ang kapangyarihan at karunungan NiyaMatapos maranasan ang paghatol at pagkastigo, at mga pagpipino ng Kanyang salita, nalalaman natin ang kapangitan pati ang katotohanan ng malalim na pagsira ni Satanas sa ating pagkatao. Mapagmataas, makasarili, ambisyoso, mapanghusga sa kapwaMadamot tayo baluktot at mapanlinlang. Puno tayo ng imahinasyon tungkol sa Kanya, at pinagtataksilan natin ang Diyos anumang oras. Tayo ang mga inapo ni Satanas, ang mga langkay na sumasalungat sa Diyos. Hindi tayo karapat-dapat na makamit ang pagliligtas ng Diyos at mabuhay kasama Niya. Kasabay nito, nadama natin na ang Kanyang salita ang katotohanan, Tayo’y nanininiwala nang buong puso. Mas lalong nating mapagtatanto, na hindi madudungisan ang Kanyang kabanalan, at hindi masasaktan ang disposisyon Niya. Ipinapahiwatig sa atin ang tunay na paggalang sa Diyos, upang masunod natin Siya at mamuhay sa Kanyang mga salita. Sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, Nagdadala tayo ng iba’t ibang patotoo sa pagdaig sa masamang impluwensya ni Satanas. Lalo na’t may mga nagpatotoo sa gitna ng malupit na pag-uusig ng CCP. Ang mga patotoong ito ang mga bunga ng gawain ng paghatolng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Humubog ang Diyos ng grupo ng mananagumpay sa Mainland China. Ito ang katotohanan. Sabi ninyo si Brother Lin ang umakay sa inyo para maging mananagumpay Matagal na si Brother Lin sa Iglesia may patotoo na ba ang naging mananagumpay galing sa inyo? Kaya bang gawin ni Brother Lin ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos? Sinabi rin ba niya ang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia? Sinabi ba niya ang naghahatol at nagdadalisay sa tao? Sa totoo lang isang tiwaling tao si Brother Lin tulad nating lahat. Hindi siya ang nagkatawang-taong Diyos, at wala siyang banal na sangkap ni Cristo. Dahil dito, di niya masabi ang salita ng Diyos o mahatulan o madalisay ang taoKaya pa’no niya maipapakita kung pa’no maging mananagumpay? Ang ipinangaral niya tungkol sa pagiging nabago, pagsunod at pagkaluwalhati nasaan ang mga bunga ng inyong ilang taong pagsisikap? Ga’no man ka-ayon ang mga pangaral niya sa mga imahinasyon ng tao, silay mga, mahalagang pang-unawa at konsepto ng tao. Na walang kinalaman sa Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kahit kailan, hindi dinanas ni Brother Lin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Siya mismo ay bigong maging mananagumpay. Kaya pa’no naman kaya niya ito maipapakita sa ibang tao? Sabi nyo, gagawin kayong mananagumpay ng landas ni Brother Lin at ito’y Paglabag sa katotohanan ng gawain ng Diyos at wala itong ganap na basehan. Ito’y para lamang linlangin tayo.

Ano ba talaga ang isang mananagumpay? Anong mga katotohanan ang dapat na mayroon siya? Walang nakakaunawa dito. Mula sa ating pananaw, kung magsisikap tayo para sa Panginoon, at magiging tapat sa pangalan Niya, magiging mga mananagumpay tayo. Pero mali ang pananaw na ito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa pagiging isang mananagumpay. Ayon sa aklat ng Pahayag 14:4–5, “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero. At sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis(Pahayag 14:4–5). Tingnan natin kung anong sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang ‘mananagumpay’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos). “Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay nagpapasakop sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matagumpay na mga anak na lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Mula sa salita ng Diyos, makikita natingang mga mananagumpay ay ang mga sumusunod sa yapak ng Cordero, na nakakaranas ng paghatol at pagkastigo Niya, sa mga huling arawnauunawaan ang katotohanan at kilala Siya, para igalang ang Diyos at talikuran ang masama. Anumang sabihin Niya o pa’no man Siya gumawa, Siya’y susundin nila, at magiging tapat sila wala nga itong kapantay. Nahaharap sa walang awang pagpapahirap ng gobyernong CCP, kumakain pa rin sila ng salita Niya, at ginagawa ang tungkulin bilang nilalang. Sa kanilang pighati at pagsubok, ’di sila nagrereklamo, susunod sila hanggang kamatayan, nagdadala ng maganda at matibay na patotoo sa Diyos. Sila lang ang mga mananagumpay na hinubog ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang 144,000 na nagwaging mga bata na hinula Sa Aklat ng Pahayag. Sabi ninyo puwede tayong maging mananagumpay sa pagsunod sa landas ni Brother Lin. Matanong ko lang: Kayong mga sumunod sa kanya ng ilang taon, sa pakikinig sa mga kaalaman niya sa Biblia at mga teolohiya, may kaalaman man lang ba kayo sa gawain ng Diyos at disposisyon Niya? Nauunawaan ninyo ba kung pa’no tayo ginawang tiwali ni Satanas? Nakita ninyo na ba ang masamang kalikasan at sangkap Niya? Kayo’y galit ba sa dakilang pulang dragon? Malinaw ba sa inyo kung pa’no nito nilalabanan at hayagang inuusig ang Diyos nating lahat? May tunay ba kayong kaalaman sa inyong likas na kasamaan at sangkap? Napagtagumpayan ba ninyo ang katawang-tao at impluwensya ni Satanas? Sinusunod ninyo ba at iginagalang ang Diyos at iniiwasan ang kasamaan? Ga’no ninyo nauunawaan ang likas na katangian ng disposisyon Niya? Kung ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos ang katotohanan, maririnig niyo ba ang tinig ng ating Diyos at talagang susundin ang gawain Niya? Kung wala kayo ng mga realidad ng katotohanang ito, pa’no kayo matatawag na mananagumpay? Ang di nakakakilala’y nalantad lahat sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang mga katotohanang binanggit Niya ay isiniwalat ang mga ’di umiibig sa katotohanan. Ang mga ’di tumanggap sa gawain Niya sa mga huling araw at hindi rin Siya kinilala. Mapagmataas sila at kabilang sa langkay ni Satanas. Pa’no sila matatawag na mananagumpay? Imposible silang maging mananagumpay!

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Sinundan: Tanong 4: Tungkol sa sinabi mo na paggamit ng mga huwad na Cristo sa Biblia at pagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan para linlangin ang mga tao, naiintindihan ko na ito ngayon. Pero meron pa rin akong gustong itanong. Sinasabi ng ilang huwad na Cristo na bumaba sa kanila ang Espiritu ng Diyos. Nagpapanggap na sila ang nagbalik na Panginoong Jesus at nililinlang ang ilang tao. Paano natin makikilala ito?

Sumunod: Tanong 2: Ano ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao? At ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginagamit Niya?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito