Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 2: Ano ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao? At ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginagamit Niya?

Sagot: Talagang napakahalaga ng tanong. Para lubusan nating makilala ang dakilang Diyos, napakahalagang maunawaan natin ang Kanyang gawain. Kung hindi natin susuriin ang pagkakaiba ng Kanyang gawain sa gawain ng tao, at ‘di mauunawaan ang kaibahan ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginamit Niya, madalas nating akalain na ang mga taong hinahangaan natin ay mga taong Kanyang ginamit, akala natin ay sumusunod tayo sa Diyos pag sumusunod tayo sa tao, pag sinusunod natin ang tao, akala natin sinusunod natin ang Diyos, pero napapalayo na pala tayo sa tunay na landas, sinisira nito ang disposisyon ng Diyos! Mahigit 2000 taon na ngayon wala pa ring nakatuklas sa pagkakaiba ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginamit ng Diyos. Sa mga huling araw Siya’y dumating upang alisin ang mga misteryo dito. Basahin natin ang Kanyang sinabi tungkol sa pagkakaiba ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng mga tao.

At sinabi Niya nga, “Ang gawain ng Diyos Mismo ay may kasamang gawain ng sangkatauhan, at kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin nito, kumakatawan ang gawain ng Diyos sa pagkilos at paggalaw ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, kung saan ang gawain ng mga apostol ay talaga namang sumusunod din sa sariling gawain Niya at hindi humantong sa panahon, at hindi rin ito kumakatawan sa gawain ng Banal na Espiritu sa buong panahon. Ginagawa lang nila ang dapat gawin ng tao, na hindi bumubuo sa gawain ng pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay proyekto na nasa gawain ng pamamahala. Ang gawain ng tao’y ang nag-iisang tungkulin ng mga ginagamit Niya at walang kaugnayan sa gawain ng pamamahala” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang gawaing ng nagkatawang-taong Diyos ay nagpapasimula ng bagong panahon, ang nagpapatuloy ng gawain Niya’y ang mga taong ginagamit Niya. Ang gawaing ginawa ng tao ay nasa ministeryo ngang lahat ng Diyos sa laman, at hindi kayang makalampas dito. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao’y hindi dumarating, hindi madadala ng tao ang lumang panahon sa huli, at hindi makakapagsimula ng bagong panahon” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang nagkatawang-taong Diyos ay talaga nga namang naiiba sa mga taong ginagamit ng Diyos. Kaya Niyang gumawa ng gawain ng pagka-Diyos, ngunit hindi ito kayang gawin ng mga taong ginagamit Niya. Sa pagsisimula ng bawat panahon, nangungusap ang Espiritu ng Diyos upang simulan ang bagong panahon at dalhin ang tao sa bagong simula. Kapag natatapos Siya sa pagsasalita, ibig sabihin tuluyan na ngang natapos ang gawain ng Diyos. Kaya naman ang lahat ay sumusunod sa mga ginagamit Niya upang pumasok sa panibagong karanasan sa buhay” (“Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang ipinapahayag ng Diyos ay kung ano Mismo ang Diyos, at hindi na ito abot ng tao, o kaya naman ay saklaw rin ng kanyang pag-iisip. Ipinahahayag Niya ang Kanyang gawaing pamumuno sa sangkatauhan, at hindi ito kaugnay sa detalye ng karanasan ng tao, bagkus ito’y tungkol sa sarili Niyang pamamahala. Ipinahahayag ng tao ang kanyang karanasan habang ang Diyos naman ay ang Kanyang pagkatao--ang pagkataong ito’y tumutukoy sa minana Niyang disposisyon at hindi na nga saklaw ng tao. Ang karanasan ng tao’y ang kanyang nakita at kaalamang nakuha base sa pagpapahayag ng pagkatao ng Diyos. Ang nakikita at kaalamang ito’y tinatawag na pagkatao ng tao. Ipinahahayag sila sa pundasyon ng namanang disposisyon ng tao at ng aktuwal niyang katangian; kaya tinatawag silang pagkatao ng tao. ... Ang mga salitang sinabi ng Diyos na nagkatawang tao ay ang direktang pagpapahayag ng Espiritu at ipinahahayag ang gawaing ginawa ng Espiritu. Hindi ito naranasan o nakita ng laman, ngunit ipinahahayag pa rin ang Kanyang pagkatao dahil ang sangkap ng laman ay ang Espiritu, at ipinahahayag ng Niya ang gawain ng Espiritu” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang gawain ng mga taong ginagamit ay gawain din ng Banal na Espritu. Ang gawain lang ng Diyos ay kumpletong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at walang pagkakaiba, kung saan ang gawain ng tao ay tunay ngang nahalo sa maraming bagay ng tao, at hindi ito ang direktang paagpapahayag ng Banal na Espiritu, hayaang ito ang kumpletong pagpapahayag” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang gawain ng tao’y kumakatawan sa kanyang karanasan at maging sa kanyang pagkatao. Ang ibinibigay ng tao at maging ang gawain niya’y tunay nga na kumakatawan sa kanya. Ang pagtingin ng tao, ang kanyang pangangatwiran, ang lohika niya at ang mayaman niyang imahinasyon ay kasamang lahat sa gawain niya. Kung titingnan pa, ang karanasan niya’y mas maaaring kumatawan sa kanyang gawain, at anumang naranasan ng tao ay talaga namang tumutukoy sa bawat nilalaman ng gawain niya. Kayang kumatawan ng gawain ng tao sa karanasan niya” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

At ang sa Diyos ay ‘di kayang kumatawan sa karanasan ng laman Niya; ang gawain ng tao’y kumakatawan sa karanasan niya. Nag-uusap ang lahat sa kanyang personal na karanasan. Kayang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, habang ang tao’y kaya lang ipahayag ang karanasan matapos niyang maranasan ang buong katotohanan. Walang panuntunan ang gawain ng Diyos at hindi rin ito saklaw ng oras o lugar. Pwede Niyang ipahayag kung ano Siya kahit kailan at kahit saan. Gumagawa Siya kapag ginusto Niya. May kundisyon din ang gawain ng tao, dahil kung hindi, hindi siya pwedeng gumawa ng gawain at hindi makakapagpahayag ng kaalaman ng Diyos, ng karanasan niya o ng katotohanan. Kailangan mo lang ikumpara ang pagkakaiba nilang dalawa para masabi kung ito ba’y maituturing na gawa ng Diyos o gawa ba ng tao” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nakikita natin mula sa Kanyang mga salita ang pareho Niyang gawain at ng mga taong Kanyang ginamit ay tila gawain at mga salita ng tao sa tingin, pero ito’y talaga ngang mayroong malaking pagkakaiba. Nagpapakita bilang normal na tao sa ibabaw ang nagkatawang-taong Diyos, pero Siya ang katawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang kanyang sangkap ay pagka-diyos. Kaya. Kaya Niyang direktang ipahayag ang totoo, ang matuwid na disposisyon ng Diyos at anong mayroon ang Diyos. Kaya Niyang ilantad ang mga misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos, sinisimulan ang bagong panahon at tinatapos ang luma. Ang sangkatauhan ay talagang sumusulong sa gawain ng ating Diyos. Habang winawakasan ng gawain ang panahon, at nagsisimula ng bago, ang buong sangkatauhan ay sumusulong sa isang bagong panahon. Pinatutunayan nito na ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ay pinamumunuan ang buong panahon para umunlad. gayunpaman hindi pwedeng magpatuloy sa bagong panahon ang gawain ng tao Ang isa pang mahalagang pagkakaiba ay ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos ay ang direktang paghahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hindi ito nadungisan ng pag-iisip, imahinasyon, lohika, o pangangatuwiran. Puno ito ng orihinal na layunin ng Kanyang Espiritu na walang kalooban ng tao, Bawat isa sa mga salita ng nagkatawang-taong Diyos, ay katotohanan, puno ng awtoridad at makapangyarihan, para maging buhay ito ng mga tao, mababago nito ang disposisyon, Ang tao ay madadalisay, maliligtas at mapeperpekto. Sa wakas, gagabayan nila ang tao sa magandang destinasyon. Ang mga ginagamit ng Diyos ay tao. Hindi sila ang nagkatawang-taong Diyos, kaya ‘di nila masimulan ang bago o mawakasan ang luma, ni hindi nila maipakita ang direksyon sa bagong panahon. Hindi kasama sa gawain nila ang pamamahala ng Diyos. Nakikipagtulungan lang sila ayon sa batayan ng gawain ng Diyos, nagbabahagi ng karanasan nila rito. Ang mga karanasan at kaalamang ito’y kumakatawan sa kung ano ang mayroon ang tao, puno ng imahinasyon, lohika, katuwiran, karanasan, at leksyon. Naaayon man ito sa katotohanan at nakakapagbigay ng espirituwal na pagkain, at tulong, hindi ‘to katotohanan at ‘di sapat para maging buhay. Pag nakipagtulungan lang ang gawain ng tao sa gawain ng Diyos saka lang makakamit ang pagdalisay, pagligtas at pagperpekto sa tao. Ito ang pagkakaiba sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginamit Niya.

Mas mauunawaan natin ‘to kung susuriin natin ang gawain ng Diyos at gawain ng tao. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, dinala Niya ang daang “Magsisi: dahil malapit na ang kaharian.” Ginawa Niya ang gawain ng pagtubos sa yugtong ‘yon, tinatapos ang Panahon ng Kautusan at sinisimulan ang Panahon ng Biyaya. Sa gayon, nagsimula ang bagong panahon ng sangkatauhan sa Panahon ng Biyaya. Inihayag Niya ang Kanyang disposiyon ng awa’t pag-ibig, at inihandog ang sarili para sa kasalanan ng tao. Hindi na hahatulan ang tao sa paglabag niya sa kautusan, sila’y naging karapat-dapat sa harap Niya, nananalangin, at sumisigaw, para tamasahin ang biyaya at katotohanan sa Kanya. Nang matapos ng Panginoong Jesus ang gawain Niya at umakyat sa langit, ang mga apostol Niya ang tumustos at naglingkod sa pundasyon ng gawain at Kanyang mga salita. Nagbahagi sila ng karanasan at kaalaman para pamunuan ang mga piling tao ng Diyos at sundin ang utos Niya, upang sumaksi sa pagliligtas Niya, magtatag ng mga iglesia at maglingkod sa mga mananampalataya. Nakipagtulungan sila sa gawain Niya’t ginawang pundasyon ang mga salita ng Panginoong Jesus. Tinutupad nila ang tungkulin ng tao. Ang isinulat nilang kalatas, at mga sinabi, ay personal nilang karanasan at kaalaman sa salita’t gawain ng Panginoong Jesus. Lahat ito’y nakaayon sa katotohanan, pero hindi ito maaaring itumbas sa gawain at mga salita Niya. Ang Cristo ng mga huling araw- Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na; para simulan ang Panahon ng Kaharian at wakasan ang Panahon ng Biyaya. Nagsimula ang Panahon ng Kaharian sa Kanyang gawain. Naghatol ang Makapangyarihang Diyos simula sa tahanan ng Diyos, isiniwalat ang misteryo ng anim na libong taon ng plano ng pamamahala Niya, inihayag ang katotohanan na magpapadalisay at magliligtas sa sangkatauhan, at ibinunyag ang banal at matuwid na sangkap ng Diyos sa’tin, kasama ang Kanyang disposisyon na nagbabawal sa mga taong magkasala. upang ilayo sila sa masamang disposisyon nila, makalaya sa impluwensya ni Satanas, at madala sila sa kanilang magandang huling hantungan. Kinukumpleto ng gawain Niya ang plano sa pamamahala ng Diyos, at magwawakas sa lumang panahon. Lahat ng Kanyang sinabi ay matutupad. At sa huli ay kikilalanin nga Siya ng sangkatauhan bilang tunay na Diyos, at masasaksihan nila ang katuparan ng Kanyang mga salita at pagwawakas ng panahon. Matapos Niyang hubugin ang isang grupo ng mga mananagumpay, bubuhos ang lahat ng uri ng sakuna, mahuhulog at madadalisay rito ang sangkatauhan. Sa gayon lang bababa sakay ng mga ulap ang Diyos para magpakilala sa mga bansa. Pinatutunayan nito na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay winawakasan ang panahon at sinisimulan ang bago. Ang gawain ng tao na ginamit ng Diyos ay ibahagi ang karanasan niya sa salita ng Diyos batay sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at pastulan ang piniling tao Niya, ginagabayan sila sa paghahanap sa katotohanan para makapasok sa mga salita ng Diyos, at pamunuan sila sa pagpapatotoo sa buong mundo at sangkatauhan, tungkol sa ebanghelyong pagdating ng kaharian. Ang ginagamit Niya’y nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos at tinutupad ang tungkulin ng mga tao. Ito ang kaibhan ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng taong ginamit Niya. isang pagkakaiba na tinutukoy ng mga natatanging sangkap ng Diyos at tao.

Binahagi namin sa inyo ang kaibhan ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos at ng Kanyang ginamit. Palagay ko, malinaw na ‘yon. Kaya pag-aralan naman natin ngayon ang ebidensya ng kaibhan sa pagitan ng dalawang gawaing ito. Tingnan natin kung anong sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa Katotohanang ‘to.

Tinawag na Cristo ang nagkatawang-taong Diyos, at si Cristo ang laman ng espiritu ng Diyos. Ang laman na ito’y di tulad ng sinumang tao na nasa laman. Ang pagkakaibang ito’y hindi dahil si Cristo’y nagmula sa laman at dugo kundi sa pagkakatawang-tao ng Espiritu Siya ay may normal na pagkatao at may kumpleto ring pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit na sinuman. Ang normal Niyang pagkatao ang umaalalay sa lahat ng Kanyang mga karaniwang gawain sa laman, habang ang pagka-Diyos Niya ang tumutupad sa gawain ng Diyos” (“Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dahil Siya ay isang tao na mayroong esensiya ng Diyos, kaya Siya ang may pinaka-mataas na awtoridad sa lahat ng nilalang. mas mataas sa sinumang kayang gumawa ng gawain ng Diyos. Kaya naman, sa lahat ng mayroong balat ng tao na kagaya Niya, maging sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang angmaituturing na nagkatawang-taong Diyos Mismo— lahat ng iba pa ay talagang nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: hindi lang may katauhan sa katawang-tao Niya, kundi mas mahalaga ay ang Kanyang pagka-Diyos” (“Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit sa lahat ng tao, kaya Siya ang pinaka-mataas na awtoridad sa lahat ng nilalang. Itong awtoridad ang pagka-Diyos Niya, na siya ring disposisyon at pagiging Diyos mismo, na talagang umaalam ng tunay na pagkatao ni Cristo” (“Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Dahil banal at puro ang ating Diyos, at Siya rin ay totoo nga at aktwal, sa espiritu nanggaling ang laman ng Diyos Ito’y tiyak at walang pagdududa. Hindi lang sumasaksi sa patotoo sa Diyos Mismo, kundi buong-buong tumutupad ng lahat ng kalooban Niya: ito ang isang aspeto ng Kanyang sangkap. Na galing ang laman sa espiritu na may imahe na may kahulugang talagang magkaiba ang laman na isinuot ng Espiritu sa sarili Niya at ang lamang taglay ng tao, at ito’y makikita sa mga espiritu nila” (“Pakahulugan sa Ikasiyam na Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Siya na katawang-tao ng Diyos ay dapat panghawakan ang sangkap Niya, At Siya rin ang dapat na humawak sa pagpapahayag ng Diyos. Dahil nagkatawang-tao ang Diyos, dapat Niyang gawin ang gawaing dapat Niyang gawin, at dahil din sa pagkakatawang-tao Niya, dapat ipahayag ng Diyos kung ano Siya, at madala ang katotohanan sa lahat ng tao sa mundo, mabigyan sila ng buhay, maihayag sa kanila ang daan. Ang lamang walang sangkap ng ating Diyos ay siguradong hindi maituturing na pagkakatawang-tao Niya; dito nga ay wala nang anumang pagdududa. …

... Ang ating Diyos ay tunay ngang Diyos, at ang tao ay tao lang Ang Diyos ay may sangkap ng Diyos, at ang tao’y may sangkap ng tao” (“Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nilinaw ng Makapangyarihang Diyos na ang nagkatawang-taong Diyos ay ang Espiritu Niya sa katawang tao. Kahit na may normal Siyang pagkatao, ang Kanya ngang sangkap ay Diyos. Ang mga taong ginagamit Niya’y may sangkap ng tao. Pwede lang silang maging tao at walang sangkap. “May sangkap ng pagka-Diyos si Cristo”, ibig sabihin taglay ng Espiritu Niya ang likas Niyang disposisyon, Ang sangkap ng katuwiran at kabanalan Niya, anong mayroon ang Diyos, ang lakas at dunong Niya, at awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay natanto sa katawang-tao. Ang katawang ito’y ang katawang may banal na sangkap, ang tunay na Diyos na dumating para gumawa’t magligtas ng sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may banal na sangkap, Ang Kanyang emosyonal na kalagayan, saloobin, pananaw, at opinyon sa mga tao, mga pangyayari’t mga bagay, lahat ng Kanyang pag-iisip ay katotohanan, lahat ito’y pagpapahayag ng banal na sangkap at buhay ng disposisyon ng ating Diyos. Kayang katawanin ni Cristo ang Diyos, inihahayag ang tinig Niya, ang disposisyon at anong mayroon ang Diyos sa tulong ng pagkakakilanlan Niya. Kaya Niyang ibigay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ito’y higit pa sa kakayanan ng sinumang nilikhang tao. Dahil Siya’y nagtataglay ng ganap na pagka-Diyos, kaya naipapahayag Niya ang salita ng Diyos anumang oras at lugar, sa halip na mga propeta na nagsasabi lang ng ilang mga salita. Katotohanan ang inihahayag Niya, at iyon ang gawain ng Diyos sa bagong panahon. Hindi Siya nagsasabi ng karanasan sa mga salita. At dahil sa ganap ang pagka-Diyos ni Cristo, naipapahayag Niya ang katotohanan kahit kailan para magtustos, magtubig, at magpastol, at gumabay sa sangkatauhan. At dahil ganap ang pagka-Diyos ni Cristo, Kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya Niyang patnubayan at tubusin tayo, lupigin at iligtas ang sangkatauhan, tapusin ang buong lumang panahon. Pero ang mga ginagamit ng Diyos ay may sangkap ng tao. Wala silang taglay na pagka-Diyos, tao lang sila. Kaya lang nilang ipatupad ang gawain at tuparin ang tungkulin. Kahit na nagtataglay sila ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, nakikipagtulungan sila sa gawain at ihayag ang kaalaman at karanasan nila. Pwedeng umayon sa katotohanan ang mga salita nila at mapakinabangan ng iba, pero ‘di sila ang katotohanan, at hindi rin katumbas ng mga salita Niya. na ang nagkatawang-taong Diyos ay gumagawa ng pagsisimula ng panahon at pagtatapos ng panahon. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gabayan ang tao. Pero ang mga ginagamit ng Diyos o ang may gawain ng Banal na Espiritu ay nakikipagtulungan sa gawain habang tinutupad ang tungkulin ng tao. Ipinapahayag lang nila ang karanasan sa salita ng Diyos, at ang sinasabi nila’y ayon sa katotohanan. Matagal man silang gumawa para sa Diyos at marami mang sabihin, binabahagi lang nila ang kaalaman at karanasan nila sa salita Niya, pinupuri lang nila at pinatototohanan ang Diyos. Ito ang kaibhan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga ginagamit Niya o ang mga taong mayroong gawain ng Banal na Espiritu.

Ang nagkatawang-taong Diyos ay may sangkap ng pagka-Diyos, kaya ang salita’t gawain Niya’y walang dungis ng mga kaisipan, imahinasyon, at lohika ng tao, Siya ay nagpapahayag ng kabanalan na mayroon at ang kahulugan ng Espiritu ng Diyos. Tulad sa Panahon ng Biyaya, hinayag ng Panginoong Jesus ang mga misteryo, nagbigay daan sa pagsisisi, at inihayag ang disposisyon ng kagandahang-loob at awa. Ito’y pahayag ng Espiritu ng Diyos, at pagbubunyag ng disposisyon Niya at lahat ng mayroon Siya. Ito ay hindi maaabot ng pag-iisip ng tao. Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan na magdadalisay, at magliligtas sa sangkatauhan, maging ang matuwid na disposisyon ng Diyos na nagbabawal sa kasalanan, at ibinubunyag ang misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala, tulad ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng tao, ang layunin ng plano ng pamamahala, ang katotohanan sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang ugat ng katiwalian at kung pa’no makakalaya sa kasalanan ang tao, ang kapalaran ng sangkatauhan, at iba pa. Lahat ng ginagawa Niya ay ang pagpapahayag lahat ng pagka-Diyos, ang kahulugan ng Espiritu ng Diyos, na tunay ngang hindi maaabot ng pag-iisip ng lahat ng tao. Ang salita’t gawain ng nagkatawang-taong Diyos at ang disposisyon Niya’y nagpapatunay na ang nagkatawang-taong Diyos ay may sangkap nga ng pagka-Diyos, at Siya’y walang iba kundi ang Diyos Mismo, ang Iisa at ang tangi. Pero ang mga ginagamit Niya’y ‘di pwedeng pumalit sa Kanya sa pagtupad ng gawain, at direktang magpahayag ng kalooban ng Espiritu Niya. Pwede lang nilang gawin ang pakikipagtulungan ng tao sa pundasyon ng gawain Niya, ibahagi ang karanasan at kaalaman, pamunuan ang mga pinili Niya para sa katotohanan, magpatotoo at maglingkod. Ito ang katuparan ng tungkulin. Ginagawa nila ang gawain na naaayon sa kakayanan ng isip ng tao, na pwede niyang maranasan at para sa kung sino at anong mayroon siya. Dahil magkaiba ang sangkap ng nagkatawang-taong Diyos at mga ginagamit Niya, ganap na magkaiba ang kalikasan ng kanilang gawain. Iba ang nagkatawang-taong Diyos sa mga ginagamit Niya tulad ng kaibahan ng Diyos sa tao. Ang isa’y may sangkap ng Diyos, at ang isa’y tao ang sangkap. Ang may sangkap ng pagka-Diyos ay nakagagawa ng gawain Niya. At ang may sangkap ng tao’y gawain lang ng tao ang kaya. Ang bawat naniniwala sa Diyos ay dapat ‘tong maunawaan.

Nalaman na natin ang kaibahan ng gawain ng Diyos at tao, at ang kaibahan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginagamit Niya. Gayunpaman, aalamin pa rin natin ang kaibahan ng gawain ng mga ginagamit ng Diyos at ng mga relihiyosong lider at personalidad. Napakahalaga rin nito. Kung hindi natin makikilatis ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito, o ang kaibahan ng mga ginagamit ng Diyos at ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, masasadlak tayo sa pagsamba at pagsunod at malilihis sa tunay na landas! Gaya ng pagdating ng Panginoong Jesus upang gumawa, at ang mga pinili ng Diyos ay sumunod sa mapagkunwaring mga Fariseo, tinalikuran Siya ng mga ito. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol. Sa relihiyosong mundo, ang mga pastor at elder at mga modernong Fariseo ay nanlilinlang, namimigil, at nagkukulong, tinuturuan silang talikuran si Cristo. Ito ay dapat nating matutunan. Sa pagsunod sa Diyos, dapat nating malaman ang kakanyahan ng mga relihiyosong pinuno. Iyon ang mga Fariseo. Sila ay gumagamit ng kanilang regalo at talento, binibigyang kahulugan ang Biblia batay sa paniwala, at imahinasyon. Nangangaral sila ng mga teorya ng teolohiya at pag-aaral ng Biblia. Binibigyang-pansin lang nila ang pangangaral sa mga salita, sa halip na magbunyi at magpatototo sa mga salita ng Diyos. Ginagamit nila ‘to para palitan ang mga salita Niya, ginawa ang Diyos na pigura. Talagang salungat ang gawaing ito sa kalooban ng ating Diyos. Ang pagsalungat ng Fariseo sa Diyos ay tunay na narito. Talagang nahuhulog at sumusunod ang tao sa pamumuno ng mga Fariseo. Naniniwala sila pero ‘di sila nakatanggap ng katotohanan. Umaasa lang silang makakakuha ng kaalaman sa Biblia. Sila’y naging mas mapagmataas, makasarili at mapanlait sa disposisyon, at wala na ring paggalang sa Diyos. Nawawala ng Diyos ang pwesto Niya sa puso ng tao, at tinatahak na pala nila ang landas ng mga Fariseo salungat sa Diyos. Maraming relihiyosong lider ang nagbibigay ng maling konteksto at pakahulugan sa Biblia, ikinakalat ang maling ideya ayon sa imahinasyon paniwala at bumubusog sa kanilang ambisyon para sila’y linlangin, ikulong at manipulahin. Tinuring ng marami ang maling ideyang ito na parang salita ng Diyos at ang katotohanan. Sila ay dinadala sa maling landas. Silang mga lider at sikat na tao ay walang dudang anticristo na inilantad ng Diyos sa tulong ng gawain Niya ng paghatol. Sapat na ito bilang patunay na ang gawain ng mga relihiyosong lider ay hindi nga galing sa gawain ng Banal na Espiritu. Nalilinlang lang tayo at sinasaktan ng mga Fariseo at anticristo. Lahat sila’y salungat sa Diyos at ipinagkakanulo Siya. Sila ang muling nagpako sa Kanya, at isinumpa silang lahat ng Diyos!

Marami ang kulang sa pag-unawa. Tinuring nila ang mga relihiyosong lider na parang sila ang mga taong ginagamit ng ating Diyos, at tinatanggap ang huwad nilang salita para maging pagliliwanag ng Banal na Espiritu, hanggang sa napagkakamalan itong salita ng Diyos. Naniniwala lang sila sa Diyos sa pangalan pero sumasamba sila at sumusunod sa mga tao. Walang lugar ang Diyos sa puso nilang lahat. Lumayo sila at ipinagkakanulo nga Siya. Talagang nakakaawa silang lahat! Ito ang dahilan kung bakit aalisin ng gawain ng Diyos at tatalikuran ang relihiyosong mundo. Kung ‘di natin makikilatis ang gawain ng Diyos sa gawain ng tao, o ang kaibahan ng gawain ng mga ginagamit ng Diyos at ng mga mapagkunwaring Fariseo, di natin matatakasan ang panlilinlang at manipulasyon ng mga anticristo. Kung patuloy tayong maniniwala nang ganito, magsikap man tayo sa gawain, ay balewala lang, at hindi natin makukuha ang papuri ng ating Diyos. Basahin natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, “Makabubuti sa mga sumusunod sa Diyos Na buksan ang mga mata nila upang makita ang dapat nilang paniwalaan: Ang Diyos ba ang dapat niyong paniwalaan, o si Satanas? Kung alam niyong lahat na hindi sa Diyos kundi sa mga idolo niyo kayo naniniwala, mas mabuting huwag niyong sabihing mananampalataya kayo. At kung hindi niyo alam kung kanino kayo maniniwala, mas mabuti nang huwag niyong sabihing kayo’y mananampalataya. Ang pagsasabi no’n ay kalapastanganan! Walang pumipilit sa inyong maniwala sa Diyos. Huwag niyong sabihing naniniwala kayo sa’Kin, matagal na panahon ko na itong narinig at ayoko nang marinig pa, dahil ang mga idolo niyo ang pinaniniwalaan niyo ngang lahat, at maging ang makamandag na ahas na nasa loob ng pagkatao niyo. Yaong umiiling kapag naririnig ang katotohanan, at yaon namang ngumingiti kapag naririnig ang kamatayan ay tunay ngang lahi ni Satanas, at lahat sila ay nakatakda nang gunawin” (“Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Sinundan:Tanong 1: Pero naniniwala kaming, darating Siya dahil, Dadalhin Niya ang mga mananampalataya. Di Niya pwedeng gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, para gumawa ng mga mananagumpay. Itinaas ng Diyos si Brother Lin at ginamit siya.Ginabayan Niya kami para, maging bago, mabago, sumunod, at maluwalhati para maging mga mananagumpay.Sa pagbalik Nya, ang iglesya namin ang unang madadala Pinatotohanan ninyo na Diyos lamang ang makakagawa ng mga mananagumpay. Gusto kong itanong: Kung magpapatuloy tayo ayon sa paraan ng pamumuno ni Brother Lin, hindi ba tayo magagawang mga mananagumpay?

Sumunod:Tanong 3: Iniisip ng ilang kapatid natin na ginamit ng ating Diyos si Brother Lin. Marami siyang sinulat na espiritwal na libro at ibinahaging mensahe sa’min. Ang salita niya ang pagkain at daan ng buhay natin, at ito’y may pagliliwanag ng Banal na Espiritu tulad ng sulat ng mga apostol sa Biblia. Malaki nga ang pakinabang nito. Naaayon ‘to sa katotohanan. Pero sinabi niyong, ang salita ng ginagamit Niya na naaayon sa katotohanan, ay hindi totoo, Kung gayon, ano ba talaga ang katotohanan?

Baka Gusto Mo Rin