Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos

Bilis

Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos

I

Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa gitna n'yo.

Ngunit walang bakas ng sampung porsiyento ng Diyos.

Ang sampung porsiyentong bigay ng maka-Diyos,

inaagaw at kinukuha ng masama.

Di ba kayong lahat ay ikinakalat mula sa Diyos?

Di ba kayo palaban sa Diyos?

Paano makikita ng Diyos ang masama

n'yong gawa bilang bagay na mahalaga?

Kusang ipinagkaloob ng Diyos ang lahat sa inyo,

kaya kahit nagdurusa kayo, nakakamit pa rin n'yo

lahat ng dinadala Niya para sa inyo mula sa langit.

Ngunit wala talaga kayong paglalaan.

Kahit kaunti ang inyong inilalaan,

kalaunan kayo'y magbibigay-sulit sa Diyos.

Binibigyan mo ang Diyos ng isang butil ng buhangin,

ngunit ang hinihingi mo'y isang toneladang ginto.

Di ba't mawawalan ng halaga ang iyong kontribusyon?

Di ka ba nagiging di-makatwiran?

Ang landas ngayon ay may kasamang sumpa at paghatol,

ngunit dapat malaman

na ang ipinagkakaloob ng Diyos sa inyo,

ito ma'y paghatol o pagkastigo,

tinutugunan nito ang inyong mga pangangailangan,

ang pinakamainam para sa inyo.

II

Para kanino ba ang gawain ng Diyos?

Di kaya ito'y para lang patayin kayo

upang mabunyag ang awtoridad ng Diyos?

Di ba't kontrolado ng salita ng Diyos ang inyong buhay?

Bakit tinuturuan lamang kayo ng Diyos sa mga salita,

di ginagawang katunayan

ang mga salita para patayin kayo?

Di kaya ang gawai't mga salita

ng Diyos ay para patayin ang tao?

Basta lang ba pinapatay ng Diyos ang inosente?

Ngayon ilan sa inyo ang humaharap sa Diyos

taglay ang buo n'yong pagkatao,

hangad ang tamang landas?

Ito'y katawan lang n'yo na nasa harap ng Diyos,

ngunit ang puso niyo'y naglilibot sa malayo.

Dahil di n'yo alam kung ano ang gawain ng Diyos,

nais ng marami sa inyo na lisanin Siya,

nais ang buhay sa paraiso na walang paghatol.

Di ba't ito ang nanaisin ng puso ng tao?

Tiyak na di ka pinipilit ng Diyos.

Anumang landas ang iyong tahakin

ay sarili mong kagustuhan.

Ang landas ngayon ay may kasamang sumpa at paghatol,

ngunit dapat malaman

na ang ipinagkakaloob ng Diyos sa inyo,

ito ma'y paghatol o pagkastigo,

tinutugunan nito ang inyong mga pangangailangan,

ang pinakamainam para sa inyo.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Walang Gustong Umunawa sa Diyos

Sumunod:Ang Totoong Kahulugan ng Salita ng Diyos ay Hindi Kailanman Nauunawaan

Baka Gusto Mo Rin