356 Sino’ng Makakaunawa sa Puso ng Diyos?

Laging tahimik ang Diyos sa lupa.

Ga’no man kalupit ang tao, ‘di N’ya ito dinaramdam,

utos ng Ama’y isinasakatuparan.

Sino’ng nakakakilala sa kagandahan ng Diyos?

Sino’ng mas nag-aalala sa pasanin

ng Diyos Ama kaysa sa Anak?

Sino’ng nakakaalam sa kalooban ng Ama?

O sangkatauhan! Kailan n’yo isasaalang-alang

ang puso ng Diyos, o mauunawaan ang Kanyang layon?

‘Pag pumaparito ang Diyos sa lupa, mga hirap

ng tao’y pinagdaraanan Niya.

Ngunit Siya Mismo’y walang sala,

ba’t pinagdurusa ang Diyos na gaya ng tao?

Sino’ng nakakaunawa sa puso Niya?

Nagbibigay ang Diyos sa tao ng sobra-sobra.

Pa’no mababayaran ng tao ang Kanyang puso?


Espiritu ng Diyos sa langit ay balisa.

Madalas ipagdasal ng Anak sa lupa

ang kalooban ng Ama; puso Niya’y nababahala.

Sino’ng may alam sa pagmamahal ng Ama sa Anak,

ga’no nangungulila ang Anak sa Ama?

‘Di makapili sa pagitan ng langit at lupa,

malapit sa Espiritu, nagtitinginan Sila.

Laging umaasa sa isa’t isa ang Anak at Ama.

Kaya bakit naghiwalay Sila, isa sa langit at isa sa lupa?

Mahal ng Ama ang Anak, at ng Anak ang Ama.

Bakit nananabik at naghihintay Siya?

Maraming araw nang nananabik ang Ama,

kahit ‘di pa matagal ang pagkawalay Nila,

pagbalik ng Anak hinihintay ng Ama.

Tahimik na nakaupo, nagmamasid Siya,

hinihintay ang pagbalik ng Anak.

Kailan Niya muling makakasama

ang Anak na naglilibot sa lupa?

Magpakailanman na ‘pag muli Silang nagsama.

Ngunit pa’no Niya matitiis libu-libong araw at gabi

na isa’y nasa langit at isa’y nasa lupa?

‘Pag pumaparito ang Diyos sa lupa,

mga hirap ng tao’y pinagdaraanan Niya.

Ngunit Siya Mismo’y walang sala,

ba’t pinagdurusa ang Diyos na gaya ng tao?

Sino’ng nakakaunawa sa puso Niya?

Nagbibigay ang Diyos sa tao ng sobra-sobra.

Pa’no mababayaran ng tao ang Kanyang puso?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 4

Sinundan: 355 Ano ang Inyong Naibigay-ganti sa Diyos?

Sumunod: 357 Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito