7. Paano Ako Muntik nang Maging Hangal na Dalaga

Ni Li Fang, Tsina

Noong taglagas ng 2002, si Sister Zhao na mula sa aking denominasyon, ang Iglesia ng Katotohanan, ay isinama sa aking tahanan ang kanyang pamangking si Sister Wang, para sabihin sa akin ang magandang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon. Matapos ang ilang araw na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa detalyadong pagbabahagi ni Sister Wang, naunawaan ko na, mula sa paglikha ng daigdig hanggang sa ngayon, ang Diyos ay nagampanan na ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Ang ibang katotohanan na nalaman ko rin ay ang paggamit ng Diyos ng ibang pangalan sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan, at ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, atbp. Ang mga katotohanang ito ay hindi ko inaasahang magbibigay ng malaking kaliwanagan sa akin. Naisip ko, “Maliwanag na maliwanag ito, at ang Makapangyarihang Diyos ay mas malamang ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya mas mabuting samantalahin ko ang pagkakataong ito at magbasa pa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Bago umalis, nag-iwan sa akin si Sister Wang ng ilang aklat ng mga salita ng Diyos. Sa tuwing may panahon ako sa araw, nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos. Habang mas binabasa ko ang mga ito, mas lalo ko itong gustong basahin at mas lalo kong nadama na ang mga ito ay mga salita ng Diyos. Pagkalipas ng tatlong araw hindi ako mapakali. Naisip ko: “Ang aking anak na lalaki, na mananampalataya rin, at marami sa mga kapatid ko sa iglesia ang hindi pa nakaaalam ng magandang balitang ito tungkol sa pagparitong muli ng Panginoon. Mas mabuting magmadali ako at sabihin ito sa kanila.”

Kinaumagahan, pinuntahan ko ang bahay ng aking anak. Masaya kong sinabi sa kanya, “Napakagandang aklat nito. Dapat basahin mo ito kaagad.” Sinulyapan ako ng aking anak at nagtanong, “Anong aklat? Mukhang napakasaya ninyo. Ilapag ninyo lang diyan at babasahin ko iyan kapag may oras ako.” Naisip ko na, dahil lahat ng mananampalataya ay umasam sa pagbabalik ng Panginoon, matutuwa ang aking anak na malaman na dumating na ang Panginoon.

Hindi ko kailanman masukat-akalain, gayunman, na pagkalipas ng tatlong araw ay magpupunta ang anak ko sa bahay ko na may kasama pang anim na tao. Isa sa kanila ay si Pastor Xia mula sa aking denominasyon, at ang iba ay may mga pastor at mangangaral mula sa denominasyon ng aking anak. Medyo nagulat ako nang makita sila, dahil hindi ko maunawaan kung ano ang nangyari at bakit napakaraming tao ang nagsipunta sa akin. Isang pastor na may apelyidong Li ang tumitig sa akin nang ilang sandali at nag-aalalang sinabi, “Auntie, lahat tayo ay mananampalataya sa Panginoon, isang malaking pamilya. Sinabi sa akin ng anak mo na may nagbigay sa iyo ng aklat, pero hindi mo dapat binasa iyon. Ngayon ang mga huling araw, at sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Naniniwala tayo na ang ibig sabihin ng mga salitang ito ng Panginoong Jesus ay na ang sinumang nagsasabi na bumalik na ang Panginoon ay isang manloloko na dapat nating iwasan at huwag pakinggan. Sa ngayon, sa buong mundo mayroong nag-iisang Kidlat ng Silanganan na nagpapatotoo sa publiko na nagbalik na ang Panginoon, kaya, anuman ang ginagawa mo, huwag ka nang makipag-ugnayan pa kahit kailan sa kanila. Huwag ka ring magbasa ng kahit anong aklat ng Kidlat ng Silanganan. Ang paraan nila ay naiiba sa ating pananampalataya, kaya huwag mo silang pakinggan. Hindi mo pa lubos na nauunawaan ang Biblia, at maliit ang iyong tayog, kaya madali kang malinlang. Maraming taon na kaming nangangaral at lubos naming nauunawaan ang Biblia. Nakapaglakbay na kami sa buong China at marami na kaming nakita at mas lubos ang kaalaman namin sa buhay. Pumunta kami ngayon para lang sagipin ka, kaya’t paniwalaan mo kami at huwag subukang tanggapin ito sa sarili mong paraan.” Nang marinig ko ito, naisip ko sa aking sarili: “Tila nagmamalasakit sa akin ang pastor na ito at hindi naman mali ang sinabi niya. Matanda na ako at hindi gaanong nakapag-aral, at hindi ko gaanong nauunawaan ang Biblia. Talagang hindi ako makakaunawa nang kasinghusay nila.” Sa pagkakataong ito, sinabi ni Pastor Xia, “Ako ay isang pastor, at ibinigay sa akin ng Panginoon ang Kanyang kawan para pamahalaan. Kaya’t responsibilidad ko na tiyakin na hindi ka lumilihis sa tamang daan. At kung hindi ko babantayan ang kawan ng Panginoon, hindi ako makakapagbigay-sulit sa Panginoon. Sister, huwag kang makipag-ugnayan sa ibang mga grupo na katulad nito. Kung makukuha ka sa amin ng Kidlat ng Silanganan, masasayang ang lahat ng taon na ito na nanampalataya ka sa Panginoon!” Sa nakita kong balisa nilang mukha at sa narinig na seryoso nilang tinig sa pakikipag-usap sa akin, nakadama ako ng bahagyang takot. Naisip ko: “Tama nga. Kung magsisimula akong maniwala sa mali hindi ba’t ang lahat ng taon na iyon ng pananampalataya ay masasayang?” Ngunit naisip ko rin: “Tila napakaganda ang mga salitang nakasulat sa aklat, napakatumpak. Hindi pa nabasa ng mga pastor at mga mangangaral na ito ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya paano nila masasabi na hindi ito ang tunay na daan?” Kaya sinabi ko sa kanila, “Maaaring tama kayo nang sabihin ninyo ito, ngunit ang narinig ko mula sa kanila ay tumutugma nang lubos sa mga salita ng Panginoon sa Biblia!” Nang marinig nila ang sinabi ko, lahat sila ay sabay-sabay na nagsalita, nagsasabi ng napakaraming bagay para takutin ako kaya nahilo at nalito ako at nakaranas ng matinding pagkaligalig ng damdamin. Nakaupo ako roon, hindi nakapagsalita ng kahit ano. Pagkatapos ay gusto nilang magdasal ako kasama nila at sumpain ang Kidlat ng Silanganan, pero hindi ako nakiisa rito, at kaya sinimulan na naman nila akong takutin. Sa huli, sinabi ng anak ko, “Ako na ang kakausap sa nanay ko.” Pagkatapos ay kinuha niya ang dalawang aklat ng mga himno at mga cassette tape ng Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin, pati na ang aklat ng mga salita ng Diyos na may pamagat na Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Bahay ng Diyos mula sa aparador, at ibinigay niya ang mga ito para madala ng pastor.

Pagkatapos nilang umalis, sa sobrang sama ng loob ko ay hindi na ako makakain ng aking hapunan, kaya dumulog ako sa Panginoon at nagdasal, “Panginoong Jesus, totoo po ba o hindi ang sinabi ng mga pastor na iyon? Sa wari ay talagang nagmamalasakit sila sa buhay ko. Kung hindi ako makikinig sa kanila, ilalagay ko ba ang aking pananampalataya sa maling lugar? Oh Panginoon, kung talagang nagbalik Ka na bilang Makapangyarihang Diyos at hindi kita tinatanggap, hindi ba’t pinagsasarhan kita ng pinto? Hindi ba ako matutulad lang sa isa sa mga mangmang na dalaga? Oh Panginoon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa nakalipas na ilang araw na ito, nadarama ko na tila nagkaroon ng maraming panustos ang aking espiritu. Totoo at tapat kong nadama ito, pero maaari kayang mali ako? Ngayong kinuha nila ang mga aklat ko at ang mga cassette tape ko ng mga himno, talagang nakadarama ako ng lungkot at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mangyari pong ipakita Mo sa akin ang daan….” Pagkatapos magdasal, bigla kong naalala na binigyan ako ni Sister Wang ng isa pang aklat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at hiniling sa akin na itago ko ito sa ilalim sa loob ng aparador. Nang matanto ko na nasa akin pa ang aklat na ito, bahagyang sumaya ang pakiramdam ko. Ngunit pagkatapos ay naisip ko ang sinabi ng mga pastor na iyon sa akin, at nalilito pa rin ako kung ano ang dapat kong gawin. Babasahin ko ba ang aklat na iyon o hindi? Nang gabing iyon, hindi ako makatulog, balisa ang aking isipan. Paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos nang umiiyak …

Kinaumagahan, dumating ang anak ko para isama ako sa isang pulong sa dati kong iglesia. Talagang hindi pa ako nakapagpasiya, pero sapilitan akong isinama ng anak ko sa lugar ng pulong at sinabi pa sa isang mangangaral na nakuha na ako ng Kidlat ng Silanganan at hiniling ng anak ko sa kanya na gawin nito ang kanyang makakaya para mahikayat akong manatili sa iglesia. Sa isang iglap, pinaligiran ako ng mangangaral at lahat ng mga kapatid na lalaki at babae. Hinawakan ako sa kamay ng mangangaral, at sa magiliw na tinig ay sinabi sa akin, “Auntie, anuman ang ginagawa mo, huwag mong pakinggan ang sinumang nangangaral sa iyo. Kung nagsisimula ka nang manampalataya nang mali, kapag dumating ang Panginoon para dalhin ang mga kongregasyon maiiwan ka, hindi ba? Maliit ang tayog mo, kaya sinumang magbigay sa iyo ng anumang uri ng aklat para basahin ito makabubuti para sa iyo na tanungin muna kami. Susuriin muna namin iyon para sa iyo….” Sinikap din ng mga kapatid na lalaki at babae na hikayatin akong manatili, at naantig ako at napaluha dahil sa kanilang “pagmamahal.” Nang makita nila na labis akong naantig, pinagsabihan na naman nila ako: “Kung sinuman mula sa Kidlat ng Silanganan ang dumating para bisitahin kang muli, huwag mo silang papasukin. Huwag kang makipag-ugnayan kahit kailan sa kanila!” Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Ilang araw pa lang ang lumipas nang dumating si Sister Wang para bisitahin akong muli. Sinabi ko sa kanya: “Binasa sa akin ng pastor ang siping ito mula sa Biblia: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Sa mga huling araw, darating ang mga huwad na Cristo at sinumang magsabi na bumalik na ang Panginoon ay isang manloloko. Hindi ko nauunawaan ang Biblia, at maliit lang ang tayog ko, kaya madali akong malinlang. Hindi ko pangangahasang makinig sa iba pa kaya hindi kita papapasukin. Huwag ka nang bumalik.” Buong katapatang sinabi ni Sister Wang: “Sinabi ito ng Panginoong Jesus para matiyak na makakapag-ingat tayo laban sa mga huwad na Cristo sa mga huling araw, ngunit hindi Niya rin nilayon na talikuran natin si Cristo. Kung mayroon mang mga huwad na Cristo ito ay dahil nagpakita na ang totoong Cristo, dahil kung walang totoong Cristo walang paggagayahan ang mga impostor. Sinasabi sa atin ng mga salitang iyon ng Panginoong Jesus na dapat tayong matutong makahiwatig; hindi sinasabi ng mga ito na hindi tayo dapat makinig sa ebanghelyo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon dahil lamang magsisidating ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw. Kung gayon, paano natin masayang sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Sa katunayan, inilarawan na nang malinaw ng Panginoong Jesus ang mga katangian ng mga huwad na Cristo. Kabilang sa mga nangunguna ang pagpapakita ng mga tanda, paggawa ng mga himala, pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, at paggaya sa gawain ng Panginoong Jesus na nagawa na para manlinlang ng mga tao. Kaya sa mga huling araw, sinumang manggaya sa Panginoong Jesus para mangaral ng paraan ng pagsisisi at nakakapagpakita ng ilang simpleng mga tanda o nakapagpapagaling ng maysakit at nakapagpapalayas ng mga demonyo ay isang huwad na Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos, na siyang Panginoong Jesus ay bumalik sa katawang-tao sa mga huling araw, hindi inuulit ang gawain na natapos na ng Panginoong Jesus, ngunit sa halip ay gumagawa ng bagong gawain sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Tinapos na ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya at binuksan na ang Kapanahunan ng Kaharian, at Siya ay nagpapahayag ng mga katotohanan at gumaganap ng yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan. Lubusang ililigtas ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng taong iyon na natubos na ngunit nabubuhay pa rin sa kasalanan sa pamamagitan ng pag-alis sa mga tanikala ng kanilang makasalanang kalikasan at pag-alis sa kanila mula sa masamang impluwensya ni Satanas. Pagkatapos ay dadalhin Niya ang sangkatauhan sa kanilang napakagandang huling hantungan. Tanging ang Diyos Mismo ang makagagawa ng gawaing ito; walang makagagawa nito sa mga huwad na Cristo.” Bagama’t may katwiran ang sinabi ng kapatid na babae, ang mga bagay na sinabi ng mga pastor sa akin ay lumiligalig pa rin sa aking isipan. Balisa na ang isipan ko at hindi makapagpokus at ayaw ko nang pakinggan pa ang anumang pagbabahagi niya. Kaya sinabi ko sa kanya na may gagawin ako sa kabilang bahay sa kapitbahay ko, na isang kasinungalingan, para makaiwas sa kanya. Maraming beses bumalik si Sister Wang matapos iyon, pero palagi ko siyang iniiwasan. Sinabi ng kapitbahay ko sa akin, “Parang hindi naman siya masamang tao. Ano ang ikinakatakot mo?” Sa puso ko alam ko na mabuting tao si Sister Wang, ngunit dahil maliit ang tayog ko, takot akong magkamali sa sasampalatayanan ko.

Pagkatapos kong bumalik para dumalo ng pulong sa dati kong iglesia, sinasabi pa rin ng mga mangangaral ang mga bagay sa sermon na nasabi na nila noon. Palagi nilang sinasabi kung paano mag-ingat laban sa Kidlat ng Silanganan, o pagbibigay ng mga donasyon sa iglesia, o inuulit-ulit nila ang maraming nakakasawang kuwento na dati pa tungkol sa kung paano sila nagtrabaho at nagpakahirap para sa Panginoon at kung gaano nila natamasa ang biyaya ng Panginoon…. Wala silang masabing anumang katiting na bagay na may bagong liwanag. Agad akong nagsawang makinig sa kanila, at nagsimula akong makatulog. Sa isang pagkakataon, isang kapatid na lalaki mula sa ibang iglesia ang dumating para magbigay ng sermon, pero halos gayon ding bagay ang sinabi niya tungkol sa kung paano siya umakyat at bumaba ng burol para gawin ang gawain ng Panginoon, tungkol sa kung gaano siya nagpakahirap, kung gaano karaming tao ang napabalik-loob niya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at kung gaano karaming iglesia ang naitatag niya. Patuloy lang niyang pinatototohanan ang kanyang sarili sa mga nagawa niya. Nakadama ako ng sobrang pagkabalisa sa pakikinig sa kanya, at naisip ko na hindi siya nagpapatotoo para sa Panginoon kundi nagpapatotoo lamang siya para sa kanyang sarili. Sa isa pang pagkakataon, kararating ko lang sa lugar ng pulong nang sabihin ng isa sa mga kapatid na babae sa akin, “Ang magbibigay sa atin ngayon ng sermon ay isang babae na nag-aaral ng teolohiya na mga 20 taong gulang na pataas ang edad.” Napakasaya ko nang marinig iyon at sinabi ko sa aking sarili na makikinig akong mabuti sa pagkakataong ito, dahil tiyak na magbibigay siya ng mas magandang sermon kaysa sa mga sermon ng mga mangangaral namin. Ngunit sinimulan ng estudyante ang kanyang sermon kung paano mag-ingat laban sa Kidlat ng Silanganan, at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagsasalita tungkol sa kung paano niya tinalikuran ang kanyang regular na pag-aaral sa edad na 16 para pumasok sa seminaryo upang mag-aral ng teolohiya, kung paano siya nagtrabaho at nagpagal kahit umuulan sa labas, kung gaano karaming lugar na ang napuntahan niya…. Habang lalo akong nakikinig, lalo akong nagsasawa. Naisip ko sa aking sarili: “Ang lahat ng ito ay lumang alak lamang sa mga bagong lalagyan! Bakit palagi nilang binabanggit ang gayon ding mga nakakasawang bagay? Wala dito ang may kinalaman sa kanilang karanasan o kaalaman tungkol sa mga salita ng Panginoon, ni inaakay kami sa pagtahak sa landas ng Panginoon o pagsasagawa at pagpasok sa Kanyang mga salita.” Nakabalik na ako sa mga pulong nang mahigit sa isang buwan, ngunit wala akong natutuhang anuman mula sa kanila. Kapag lalo kong pinakikinggan ang mga sermong ito, lalong nanghihina ang aking espiritu, at naisip ko na mamamatay ako sa espirituwal na pagkauhaw at pagkagutom kung ipagpapatuloy ko ang pananampalatayang tulad nito. Saan ako maaaring pumunta para magkaroon ng kaunting sigla? Habang pinag-iisipan ko ito nang mabuti, lalo akong nabagabag.

Pagkatapos ng pulong, malungkot akong naglakad pauwi sa bahay. Naisip ko ang aklat na Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Bahay ng Diyos na ibinigay sa akin ni Sister Wang, na nagsasabing hindi dapat maging mayabang ang mga tao at hindi dapat purihin ang kanilang sarili kundi dapat nilang igalang ang Diyos bilang banal at dakilain ang Diyos. Ngunit lahat ng mangangaral na ito ay ipinagmamayabang ang kanilang sarili, pinapupurihan ang kanilang sarili nang higit sa lahat ng tao, at hinahangad na tingalain sila ng mga tao at idolohin sila. Tila para sa akin tama ang sinasabi ng aklat! Kaya noong gabing iyon, nang mag-isa na lang ako sa bahay, kinuha ko ang aklat na Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Bahay ng Diyos at talagang nadama ko na ang mga salitang ito ay maaaring magbigay-lakas sa aking buhay. Nagtaka ako kung bakit hindi kami pinapayagan ng aming pastor na basahin ang gayon kagandang aklat. Madalas sabihin ng pastor namin na responsibilidad niya ang buhay namin at magkagayunman ang tila alam lamang niya ay ipagyabang ang kanyang sarili sa kanyang mga sermon. Hindi niya kailanman sinabi sa amin kung paano magtamo ng buhay. Naalala ko ang panahon noong napakahina ko at ayaw pumunta sa mga pulong ng iglesia. Hindi kailanman pumunta ang pastor para bisitahin ako o nag-alok ng anumang tulong sa akin. Kaya paanong nangyari, na nang magsimula na akong magtamo ng bahagyang espirituwal na lakas mula sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay nagpakita siya at sapilitan akong ibinalik sa dati kong iglesia para makinig sa kanilang paulit-ulit na lumang kuwento? Hindi iyan pagiging responsable para sa aking buhay! Bigla kong natanto na nagkamali ako, at sinisi ko nang matindi ang sarili ko: Makapagbibigay ng panustos sa buhay ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at samakatwid ang ibig sabihin nito ay maaaring nagmula nga ang mga ito mula sa Diyos. Paano ako magiging napakamangmang at bulag para paniwalaan ang sinabi ng pastor at tinalikuran ang pagsisiyasat sa totoong daan? Naisip ko rin kung paano ako palaging sinusuportahan ni Sister Wang nang buong pagmamahal at pinapatotohanan sa akin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw nang sa gayon ay magkaroon ako ng pagkakataon na matamo ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman hindi ako naging mabait kay Sister Wang, at iniwasan ko pa siya sa maraming pagkakataon. Hindi ko siya dapat tinrato na parang isang kaaway. Nang maisip ko ito, nakadama ako ng labis na kalungkutan. Kaya dumulog ako sa Panginoon at lumuluhang umusal ng panalangin ng pagsisisi: “Panginoon, itinuring ko ang kapatid na babaeng iyon na nagdala sa akin ng aklat ng mga salita ng Diyos bilang kaaway at tinalikuran ko siya. Hindi ko ugaling tumalikod sa isang tao, ngunit ako talaga ang hindi tumatanggap ng Iyong pagliligtas! Panginoon, ngayon alam ko na hindi ako dapat nakinig sa mga pastor na iyon at itinigil ang pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nais kong magsisi sa Iyo, ngunit hindi ko alam kung paano hahanapin si Sister Wang. Tulungan Mo sana ako….” Pagkatapos magdasal, kinuha ko muli ang aklat at binasa ito sa kalaliman ng gabi. Habang lalo kong binabasa ito, lalo kong nararamdaman na mabuti ang nilalaman nito, at lalo kong kinainisan ang mga pastor sa pagpigil sa akin na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Lubos kong pinasasalamatan ang Panginoon dahil dininig Niya ang aking panalangin! Noong sumunod na araw ng tanghali, noong nanananghalian ako, dumating si Sister Wang sa bahay ko. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari mula noong huli ko siyang makita. Nang marinig niya na hindi ako nakatanggap ng panustos sa loob ng relihiyon, binasa niya nang malakas ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin: “Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). Pagkatapos ay ibinahagi ito sa akin ng kapatid na babae: “Ang Diyos ay bukal ng tubig na buhay, at Diyos lamang ang makapagbibigay ng panustos sa buhay ng mga tao. Kapag iniwan ng mga tao ang Diyos, lahat ay nagiging madilim at nanghihina, tulad ng isang sanga na nabali mula sa katawan ng punungkahoy. Sa ating pananampalataya sa Diyos, dapat nating sundan nang mabuti ang mga yapak ng Cordero, tanggapin ang kasalukuyang gawain ng Diyos, at lumapit sa harapan ng Diyos, sapagkat tanging diyan natin makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu at ang lakas at panustos ng tubig na buhay ng Diyos sa buhay. Bakit hindi tayo nakakakuha ng panustos mula sa pakikinig sa mga pastor at mga elder na iyon ng relihiyon? May dalawang dahilan para dito. Ang una ay hindi sumusunod ang mga pastor at mga elder na iyon sa mga utos ng Panginoon at hindi isinasagawa ang mga salita ng Panginoon. Wala silang mga totoong karanasan sa buhay at walang totoong kaalaman tungkol sa Diyos, at lalong walang pusong may takot sa Diyos. Hindi nila talaga dinadakila ang Diyos o pinatototohanan Siya sa kanilang gawain at pangangaral. Palagi nilang ipinagmamalaki ang sarili nila at pinatototohanan ang kanilang mga sarili. Sa lubos na paglihis sa daan ng Panginoon, sila ay naging mga tipikal na huwad na pastor na nanlilinlang ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sila kinamuhian at tinanggihan ng Banal na Espiritu at hindi kailanman natamo ang Kanyang kaliwanagan at paggabay. At ito ang pangunahing dahilan kung bakit napakapanglaw ng komunidad ng mga relihiyon. Ang isa pang dahilan ay nakabalik na ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng bagong kapanahunan. Binawi na ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya at ginagawa na ngayon sa grupo ng mga tao na nagpapabilis sa bagong gawain ng Diyos. Gayunman hindi sinisiyasat lahat ng pastor at mga elder ang bagong gawain ng Diyos, at hindi nila sinusundan ang mga yapak ng Diyos o tinatanggap ang Kanyang pamumuno. Bagkus, ang ginagawa lamang nila ay salungatin at kundenahin nang may pagkapoot ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at siraan ng puri at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para hadlangan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa totoong daan at sa pagbabalik sa Diyos, at sa gayon ay nagiging katulad sila ng mga Fariseo na nagpako sa Panginoon sa krus. Sila ay kinundena na at parang damong binunot na ng Diyos, kaya hindi mangyayari na makikipagtulungan pa sa kanila ang Banal na Espiritu. Kaya, kung nais nating makatanggap ng panustos sa buhay, kailangang makasabay tayo sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, tanggapin ang mga salita na kasalukuyang ipinahahayag ng Diyos, at tanggapin ang pamumuno, panustos, at pangangalaga ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Ito ang tanging daan para matamo natin ang katotohanan at buhay. Isinasakatuparan nito ang sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). ‘Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14).”

Pagkatapos marinig ang pagbabahagi ni Sister Wang tungkol sa mga salita ng Diyos bigla kong natanto kung bakit walang mabuting maipangaral ang mga pastor, mga elder at ang mga estudyante ng teolohiya: Wala sa kanila ang katotohanan! Sinasalungat nila ang Diyos, at noon pa sila iniwan ng Banal na Espritu. Kapag nangangaral sila, umaasa lamang sila sa taglay nilang intelektuwal na kaalaman, ngunit wala sa kanila ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at iyan ang dahilan kung bakit walang naitutulong sa sinuman ang kanilang pangangaral. Gayunman may isa pang bagay na hindi ko naunawaan, kaya tinanong ko si Sister Wang, “Lahat ng pastor at mga elder na iyon ay nagsabing alam na alam nila ang Biblia, na sila ay nag-aral sa paaralan ng seminaryo at puno sila ng buhay. Hindi ko gaanong nauunawaan ang Biblia at naniwala ako na talagang mas marami silang alam sa buhay kaysa sa akin, kaya nga nakinig ako sa kanila. Pero ngayon hindi ako makapagpasiya kung talagang puno sila ng buhay o hindi. Sister, sa palagay mo ba ay talagang puno sila ng buhay?” Sumagot si Sister Wang, sinasabing, “Walang sinumang makapagpapatotoo sa kanilang sarili na puno sila ng buhay. Lahat ng ito ay napagpapasiyahan ayon sa mga salita ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng buhay? Anong mga bagay ang dapat partikular na maipakita? Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). At sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Kung nagtataglay ka ng realidad ay hindi nababatay sa kung ano ang iyong sinasabi; sa halip, nababatay ito sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, saka lamang masasabi na taglay mo ang realidad, at saka ka lamang maituturing na nagkamit ng tunay na pagkaunawa at totoong tayog. Kailangan mong matagalan ang pagsusuri sa loob ng mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na kinakailangan ng Diyos. Hindi ito dapat maging pakitang-tao lamang; kailangan itong likas na dumaloy mula sa iyo. Saka ka lamang tunay na magtataglay ng realidad, at saka ka lamang magkakamit ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad). ‘Bakit sinasabi na maraming tao ang walang buhay? Dahil hindi nila kilala ang Diyos, at sa gayon ay sinasabi na wala silang Diyos sa kanilang puso, at walang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ang katotohanan ay maaaring magsilbing buhay ng mga tao, kung gayon ang pagtatamo ng katotohanan ay pareho lang sa pagtatamo ng buhay, at ang pagkakaroon ng buhay ay nagpapakita na nagtamo ng katotohanan ang isang tao at nakikilala niya ang Diyos. Ang tao na hindi nakakaunawa sa katotohanan at hindi nakikilala ang Diyos ay hindi magkakaroon ng puso na may takot sa Diyos at hindi maisasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos. Nangangahulugan ito na wala silang buhay. Kung ang isang tao ay walang mga salita ang Diyos bilang kanilang buhay, mabubuhay pa rin sila sa mga lason ni Satanas na likas na sa kalooban nila. Madalas nilang ihayag ang kanilang mga tiwaling disposisyon—kayabangan, kapalaluan, kasakiman, kawalang-kasiyahan, kabuktutan, katusuhan, at iba pa. At kahit naniniwala sila sa Diyos, hindi pa rin sila natatakot sa Diyos at lumalayo sa masama. Madalas silang magsinungaling, manloko, gumawa ng mga kasalanan, at suwayin ang Diyos. Paano sila matatawag na mga taong mayroong buhay? Kung sinasabi nilang mayroon silang buhay, ito lamang ay ang parehong buhay sa laman, ang buhay na masama na puno ng mga tiwaling disposisyon na salungat sa Diyos, at hindi ang bagong buhay, na dumarating mula sa pagdaranas ng mga salita ng Diyos at pagtatamo ng katotohanan. Kaya, bagama’t maaaring alam ng mga pastor at mga elder ang Biblia, at nagtataglay ng kaalaman tungkol sa Biblia at mga teoriyang panteolohiya, hindi nangangahulugan iyan na nakikilala nila ang Diyos at may takot sa Diyos at na nauunawaan nila ang katotohanan at nasa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. At tiyak na hindi ito nangangahulugan na isinasagawa nila ang mga salita ng Panginoon o sumusunod sa Kanya. Sa halip, ang nakikita natin ay karaniwan nilang itinataas at pinatototohanan ang kanilang mga sarili, at karaniwang hinahangad na sambahin sila ng mga mananampalataya. Ang inihahayag nila at isinasabuhay ay ang kawangis ni Satanas—pagiging mayabang at palalo, walang takot sa Diyos, at mapagkunwari upang malinlang ang mga tao. Hindi makikita sa kanilang gawain ni sa kanilang pangangaral ang anumang totoong kaalaman ng mga salita ng Panginoon o anumang praktikal na karanasan na makakatulong sa ibang mga tao. Maraming taon ka mang makinig sa kanila, wala kang mauunawaan na anumang katotohanan at ang iyong buhay ay hindi kailanman uunlad. Wala silang kaalaman tungkol sa Diyos o tungkol sa Kanyang gawain, at kapag bumalik ang Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw para ipahayag ang mga katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, galit nilang sasalungatin, kukundenahin, at lalapastanganin Siya nang wala ni katiting na takot sa Diyos sa kanilang puso. Anong uri ng buhay mayroon sila? Nasa kanila mismo ang buhay ni Satanas. Tulad lamang sila ng mga Fariseo na alam na alam ang Biblia at nag-akala na mayroon silang taimtim na pananampalataya sa Diyos at mayroong buhay ngunit hindi kilala ang Diyos at kinalaban at kinundena pa ang Panginoon at ipinako Siya sa krus. Sinasabi nito sa atin na hindi dahil sa alam na alam ng isang tao ang Biblia, ay nangangahulugan na ito na nasa kanila na ang katotohanan at buhay. Ang mga taong mayroon lamang buhay ay ang mga yaong nauunawaan at isinasagawa ang katotohanan at nakikilala ang Diyos, mayroong pusong may takot sa Kanya, at mabubuhay sa mga salita ng Diyos. Sinasabi ng mga pastor at mga elder na iyon na puno sila ng buhay, at ito ay panlilinlang lamang sa mga mananampalataya at panloloko sa kanilang sarili.”

Matapos pakinggan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi ni Sister Wang, lahat ay naging lubos na malinaw sa aking isipan: Hindi dahil sa maalam sa Biblia ang isang tao at naipapaliwanag ito nang mabuti, ay nangangahulugan na ito na nauunawaan nila ang katotohanan, nakikilala ang Diyos o mayroong buhay. Naisip ko dati noon na puno ng buhay ang lahat ng taong may matataas na katungkulan o nag-aral ng teolohiya o may kaalaman sa Biblia. Ngunit alam ko na ngayon na hindi totoo ang opinyon ko. Ang mga tao na wala sa kanila ang katotohanan ay tila hindi makakahiwatig, at kung gayon sila ay madaling malinlang. Pagkatapos ay tinanong ko si Sister Wang: “Napakahusay magsalita ng Makapangyarihang Diyos. Ang gagawin na lamang natin ay basahin ang Kanyang mga salita nang mabuti at matatanto natin na ang mga ito ay mga salita ng Diyos at tinig ng Diyos. Ngunit bakit hindi ito tinatanggap ng mga pastor at mga elder at ginagawa pa ang lahat ng kanilang makakaya na salungatin at kundenahin Siya?” Sinagot ni Sister Wang, “Ngayon sa mga huling araw, dumating ang Makapangyarihang Diyos at naipahayag ang lahat ng katotohanan na mahalaga para malinis at maligtas ang tiwaling sangkatauhan. Ang mga katotohanang ito ay ang daan patungo sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Hangga’t binabasa nang taimtim ng mga tao ang mga salita ng Diyos, aaminin nila na ang mga salitang ito ay ang katotohanan, ang buhay, at ang daan at ang pundasyon at ang gabay para makaligtas ang sangkatauhan. Ito ang katotohanan. Bagama’t sinasalungat at kinukundena ng karamihan sa mga pastor at mga elder ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sinusubukang hadlangan ang mga tao sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi ito nangangahulugan na hindi nila maririnig ang awtoridad at kapangyarihan na nasa mga ito. Wala nang maaaring maituro ang ilang pastor at elder na makabuluhan, kaya ninanakaw nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ipinangangaral ang mga ito sa kanilang mga kongregasyon, sinasabing ang mga ito ay mga kaliwanagan na ibinigay sa kanila ng Banal na Espiritu. Ngunit bakit galit na galit nilang sinasalungat at kinukundena ang Makapangyarihang Diyos? May kaugnayan ito sa kanilang kalikasan at diwa na kapootan ang katotohanan. Kung aalalahanin natin kung kailan unang nagsimula ang Panginoong Jesus sa paggawa ng Kanyang gawain, nagpakita Siya ng maraming himala, lalo na ang pagbuhay muli kay Lazaro at ang pagpapakain sa limang libong katao sa pamamagitan ng limang piraso ng tinapay at dalawang isda, na mas ikinamangha ng mga tao sa buong lupain ng Judea. Kaya nga, maraming karaniwang tao sa mga panahong iyon ang nakaalam mula sa mga salita at gawain ng Panginoon na Siya ang parating na Mesiyas. Gayunpaman hindi tinanggap ng mga pinuno ng mga Judio ang Panginoong Jesus, at sa halip sinalungat at kinundena Siya at, sa huli, nakipagsabwatan sa pamahalaang Romano sa pagpako sa Panginoon sa krus. Bakit ito nangyari? Ito ba ay sa kadahilanang hindi nila narinig ang awtoridad at kapangyarihan sa mga salita ng Panginoon Jesus? Hindi! Ito ay sa kadahilanang nakita nila na parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa daan ng Panginoong Jesus. Natakot sila na kung maniniwala ang lahat ng ordinaryong tao sa Panginoong Jesus wala nang susunod at sasamba sa kanila, at mawawala sa kanila ang kanilang katayuan at kanilang kabuhayan. Talagang alam nila na ang Panginoong Jesus ay Diyos at magkagayunman sinadya nilang salungatin Siya; inihayag nito ang kanilang diwa ng anticristo, na sumasalungat sa Diyos at kinapopootan ang katotohanan. Tahasan silang pinagsabihan ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya: ‘Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios(Juan 8:40). ‘Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? Sapagka’t hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita. Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya(Juan 8:43–44). Sa kasalukuyang panahon, napakalinaw na inihayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kalikasan at diwa ng mga kasalukuyang pinuno ng komunidad ng relihiyon. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may “mahuhusay na konstitusyon,” ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Ang mga pinunong ito ngayon ng komunidad ng relihiyon ay tulad lamang ng mga Fariseo noon: Bagama’t alam na alam nila ang Biblia, wala talaga silang alam tungkol sa gawain ng Diyos. Nakikita nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap na ng marami at dumarami pang mga tao na umaasam at naghahangad sa pagpapakita ng Diyos, at natatakot sila na wala nang susunod sa kanila o magbibigay ng donasyong pera sa kanila kung maniniwala ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Kaya upang maprotektahan ang kanilang katayuan at kanilang kabuhayan, sa ilalim ng sagisag ng pagiging tapat sa Panginoon at pangangalaga sa Kanyang kawan, gumawa sila lahat ng uri ng matinding paninira para nagngangalit na salungatin at kundenahin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mahadlangan ang mga mananampalataya sa paghahanap at pagsisiyasat ng totoong daan. Samakatwid talagang makikita natin na ang mga pinuno ng relihiyon ay mga Fariseo na tumatanggi sa katotohanan at napopoot sa katotohanan. Sila ay mga buhay na demonyo na lumalamon ng mga kaluluwa ng mga tao, at sila ay mga anticristo na ibinubunyag ng gawain ng Diyos sa mga huling araw.”

Pagkatapos mapakinggan ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid na babae, agad kong nakita ang liwanag. Tumango ako nang ilang beses at sinabing, “Ngayon sa wakas ay naiintindihan ko na kung bakit ang mga pastor at mga elder na iyon, na nang mabalitaan nila na may mga tao na nagpapatotoo sa pagbalik ng Diyos, ay hindi hinanap o siniyasat ito bagkus ay paulit-ulit Siyang kinundena. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ipinangangalandakan ng mga pastor at mga elder na iyon na pinoprotektahan nila ako at pinagmamalasakitan nila ang buhay ko, ngunit ang totoo ay ginagawa lang nila ang lahat ng kanilang makakaya para hadlangan ako at pigilan ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pagtatamo ng panustos sa buhay mula sa Diyos. Ginagawa nila ang lahat ng ito upang protektahan ang sarili nilang mga interes. Natatakot sila na kung magsisimula ang mga tao na sumunod sa Makapangyarihang Diyos, hindi na sila makikinig sa mga sermon nila o magbibigay ng donasyong pera sa kanila, at iyan ang dahilan kaya hinahadlangan nila ang mga tao na siyasatin ang totoong daan. Talagang masasama sila, at halos mawasak nila ang pagkakataon ko na matamo ang tunay na pagliligtas. Ngayon alam ko na kung paano makahihiwatig nang mas mabuti, tatanggihan ko ang anumang bagay na may kaugnayan sa kanila. Anuman ang gawin nilang panggugulo sa akin, maninindigan ako at susundin ang Makapangyarihang Diyos.” Pagkatapos niyon, hindi na ako muling bumalik sa mga pulong ng dati kong iglesia.

Hindi nagtagal, dalawang mangangaral mula sa dati kong iglesia ang dumating sa bahay ko. Sinabi sa akin ng isa sa mga ito, si Preacher Zhang, “Auntie, bakit hindi ka na pumupunta sa mga pulong? Kinausap mo na naman ba ang mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan? Anuman ang ginagawa mo, huwag kang lumipat sa kanilang pananampalataya. Kung susunod ka sa pananampalataya nila, mapapahamak ka!” Nang may matatag na tinig sumagot ako, “Wala akong napala sa pagpunta sa mga pulong ninyo kamakailan, lalo pang nagdilim ang espiritu ko at hindi ko madama ang presensya ng Panginoon. Ngunit nang simulan kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumigla ang aking espiritu, at ngayon nagsisimula ko nang maunawaan ang mga katotohanan at napapalakas ang buhay ko. Nadarama ko na kasama ko ang Diyos at ginagabayan ako ng Banal na Espiritu. Ngayon nakatitiyak na ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus at na ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang buhay na tubig ng buhay. Tanging ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang makakapagbigay ng panustos sa akin, at saanman ako naroon magtatamo ako ng buhay, iyan ang pupuntahan ko.” Ang isa sa kanila, si Preacher Song, ay nagsabing, “Nag-aalala kami sa iyo. Nag-aalala kami na malilihis ka mula sa tamang daan. Hindi sapat ang alam mo sa buhay….” Sinabi ko sa kanya, “Maaaring hindi sapat ang nalalaman ko sa buhay, ngunit gagabayan naman ako ng Diyos. Salamat sa inyong pag-aalala, ngunit ang dapat ninyong iniisip ay ang sarili ninyong buhay. Ang buhay ko ay nasa mga kamay ng Diyos….” Matapos nilang marinig ang sinabi ko, umalis silang nagtatampo. Habang minamasdan ko sila hanggang sa hindi ko na sila matanaw sa malayo, nakadama ako ng malaking kapanatagan na hindi ko kailanman naramdaman noon. Pagkatapos niyon, dalawang beses pa silang bumalik, ngunit nang makita nila na hindi ako matinag ng mga panghihikayat nila hindi na sila muling bumalik. Salamat sa Diyos na gumagabay sa akin, nakita ko ang tunay na pagkatao at ang masasamang hangarin ng mga pinunong iyon ng relihiyon, at nakita ko ang panlilinlang ni Satanas at nahanap ko ang daan para makalabas sa kalituhan at makabalik sa Diyos. Ako ngayon ay pinagkakalooban ng buhay na tubig ng buhay, at palagi kong susundin at sasambahin ang Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 6. Pakinggan! Sino Itong Nagsasalita?

Sumunod: 8. Ginabayan Ako ng Makapangyarihang Diyos sa Landas ng Pagkamit ng Paglilinis

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito