36. Ang Pagbalik ng Isang Alibughang Anak

Ni Ruth, Estados Unidos

Isinilang ako sa isang munting bayan sa katimugang China, sa isang pamilya ng mga mananampalataya noon pang henerasyon ng aking impo sa ama. Ang mga kuwento sa Biblia, mga himno ng papuri at sagradong musikang pinatugtog sa iglesia ay palagi kong kasama sa nagdaang masasayang araw ng aking kabataan. Nang magsimula na akong tumanda at tumindi ang problema sa aking pag-aaral, nagsimulang unti-unting lumayo ang puso ko sa Panginoon. Gayunman, hindi ako pinabayaan ng Panginoon; tuwing mananawagan ako sa Kanya, tinutulungan Niya ako. Ang biyaya at banal na pangalan ng Panginoong Jesus ay nakaugat nang malalim sa puso ko. Natatandaan ko ang taon na kumuha ako ng college entrance exam, walang nakaisip na makakakuha ako ng pagsusulit sa isang magandang kolehiyo, pati na ang aking mga guro. Naharap sa sunud-sunod na problema, muntik na akong mawalan ng pag-asa, at inakala ko rin na hindi ako makakakuha ng pagsusulit sa kolehiyong gusto kong pasukan. Ngunit may isang bagay na pumasok sa aking isipan—isang pariralang narinig ko sa iglesia noong bata pa ako: “Kapag nagawa na ng tao ang lahat, Diyos na ang bahala,” at sa isang iglap pakiramdam ko ay naliwanagan ako. Alam ko na tama iyon: Kapag nagawa ko na ang lahat, Diyos na ang bahala. Ang mga kakayahan ng Panginoon ang talagang pinakadakila, at naniwala ako na basta’t tunay akong sumandig sa Panginoon tiyak na tutulungan Niya ako. Kaya nga, nagsimula akong manalangin nang madalas sa Panginoong Jesus: “Panginoon, tulungan Mo sana ako. Kung makakakuha ako ng pagsusulit sa kolehiyong pangarap ko nang walang problema, mula ngayon ipinapangako ko na hindi ako lalayo sa Iyo kailanman, at tatanggapin Kita bilang kaisa-isa kong Tagapagligtas sa buhay na ito.” Habang ginagawa ko iyon, hindi maintindihan ng karamihan ang naging kapalit niyon; sa buong taon ko sa senior high school nagpapraktis ako ng piyano tuwing hindi ako kumakain o natutulog. Nagpapraktis ako nang halos 10 hanggang 12 oras araw-araw. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas na iyon na sumusuporta sa akin, ngunit naisip ko na pinakikinggan ng Panginoon ang aking mga dalangin at tahimik akong tinutulungan. Nag-ibayo ang pasasalamat ko sa Panginoon sa puso ko. Sa huli, natupad ang matagal ko nang inaasam-asam; nakakuha ako ng pagsusulit sa isa sa nangungunang mga akademya sa musika sa bansa, at dahil dito ay matibay akong naniwala na ang Panginoong Jesus ang aking tanging Tagapagligtas. Sa huling taon ko sa kolehiyo hindi ko alam kung anong landas ang dapat kong tahakin nang makatapos ako, kaya nanawagan ako sa Panginoong Jesus at hiniling ko sa Kanya na ituro sa akin ang daan, na magbukas ng daan para sa akin. Noong 2004, makalipas lang ang pag-atake ng mga terorista noong 9/11 sa Estados Unidos, lahat ng visa papasok ay pinatigil muna, ngunit sa gulat ko tumanggap ako ng full-ride scholarship sa isang unibersidad sa US dahil sa recorded CD ng propesyon ko. Nakakuha ako ng student visa nang walang kahirap-hirap at nagpunta ako sa Amerika para mag-aral. Ang dalawang karanasang ito—ang pagsusulit para makapasok sa kolehiyo at pagpunta sa ibang bansa—ay nagpakita sa akin na natulungan ako ng Panginoon na magkatotoo ang mga pangarap ko na hindi ko sana nagawang mag-isa. Mas nakumbinsi pa ako na ang Panginoong Jesus ang tunay na Diyos at na Siya ang aking Tagapagligtas, at kailangan kong sumampalataya nang wasto sa Panginoon at sundan Siya.

Isang araw noong 2007 tinawagan ko sa telepono ang aking ina sa China, tulad ng madalas kong gawin, para makipag-usap. Sa pag-uusap namin ibinulalas niya: “Alam mo ba na nakabalik na ang Panginoong Jesucristo?” Nang marinig ko siyang sabihin ito, bigla akong nasiyahan sa pagkagulat, ngunit agad kong naisip kung paanong sinasabi sa Biblia na sa mga huling araw ay lilitaw ang mga huwad na Cristo, kaya hindi ko alam kung totoo o peke na nakabalik na ang Panginoon. Alam ko na kailangan kong tratuhin ito nang maingat. Sa mga panahon ngayon napakabilis at napakadaling kumonekta sa Internet, kaya naisip ko na dapat akong mag-online para tingnan ito. Nang maibaba ko na ang telepono nag-online ako, nadarama na para akong naglalakad sa ulap, para subukan kung makakakita ako ng mapagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon. Sa gulat ko, lahat ng nakita ko ay mga tinig ng protesta na lumalapastangan at tumutuligsa sa pagbalik ng Panginoong Jesus—ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ko maunawaan kung tama iyon o mali, kaya natakot ako at nabalisa, natakot na baka hindi nahiwatigan ng aking ina ang tama at mali at maligaw ng landas. Agad ko siyang tinawagan upang sabihin sa kanya ang lahat ng masamang bagay na nabasa ko online, ngunit napaka-kalmado ni Inay, at inaliw ako sa pagsasabing: “Anak ko, hindi mo pa nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos kaya hindi mo nauunawaan, at matagal bago ko ito maipaliwanag sa iyo, ngunit huwag kang mag-alala, hindi ako maliligaw ng landas. Sa katunayan, sinusundan ko ang mga yapak ng Cordero. Huwag na nating pag-usapan ito sa telepono.” Alam ko na ang China ay pinamamahalaan ng isang ateistang diktador, at na ang gobyernong CCP ay palaging pinag-uusig at inaaresto ang mga Kristiyano, kaya hindi magandang pag-usapan namin ng aking ina sa telepono ang anumang may kinalaman sa pananampalataya. Hindi ako nangahas na magsalitang masyado sa kanya tungkol doon, kaya tinawagan ko ang isang pastor sa China na kilalang-kilala ko para humingi ng tulong, na nakikiusap na puntahan niya at “sagipin” ang aking ina. Nang kalaunan ay ibinalita sa akin ng pastor na hindi niya napabalik sa kawan ang kanyang ina, nagalit ako nang husto na halos mabaliw ako. Pagkatapos niyon, sa pagsisikap na hadlangan ang pananampalataya ng aking ina sa Makapangyarihang Diyos, sinabi ko pa sa kanya na kailangan niyang mamili sa pagitan ko at ng kanyang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Matapos sabihin iyon sa kanya, tatlong sunud-sunod na gabi akong nagkaroon ng iisang panaginip, na iyon ang pinakamadilim sa lahat ng madilim na gabi, napakalakas ng ulan, at may dala akong itim na payong, naglalakad sa isang dating pamilyar na dalampasigan. Wala ni isang tao sa paligid, at bigla na lang tinamaan ng kidlat na kasingliwanag ng araw ang payong ko…. Tuwing mananaginip ako ng ganito nagigising akong takot at pinagpapawisan nang malamig, ngunit dahil wala akong pakiramdam, wala akong alam at matigas ang ulo ko, hindi man lang ako nagsikap na lumuhod at magdasal, para alamin kung bakit palagi kong napapanaginipan iyon: Binabalaan ba ako ng Panginoon at pinatitigil ako sa paglaban sa Diyos, at sa halip ay magbalik-loob sa Kanya? Kalaunan ay nalaman ko na ano man ang gawin ko para hikayatin ang aking ina, walang saysay lahat iyon. Bukod pa roon nasa malayong lupain ako ng mga banyaga at abala sa buhay, kaya tumigil na ako sa pagpilit sa kanya.

Noong 2010 nang bumalik ako sa China binanggit sa akin ng aking ina ang kanyang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Parang alam niya na ang iniisip ko, at prangkahan akong tinanong: “Alam mo na ilang taon na akong nananalig ngayon sa Makapangyarihang Diyos, kaya palagay mo pa may kakatwa tungkol sa akin na tulad ng lahat ng sinasabi nila online?” Natigilan ako sa tanong niya at hindi ako nakasagot kaagad. Nang pag-isipan ko ito nang husto, natanto ko na ang mga bagay na sinabi nila online na nagpanginig sa akin sa takot ay hindi nangyari sa aking ina; normal naman siya, at buhay na buhay nanakatayo sa harapan ko. Sa katunayan, nakita ko na mas nagbago siya mula nang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos kaysa noong magsimula siyang maniwala sa Panginoong Jesus. Hindi lamang siya naging mas makatwiran sa kanyang mga salita at kilos, kundi nagtamo siya ng higit na pag-unawa sa kanyang pagtingin sa mga isyu. Nang makita ko ang lahat ng ito, naisip ko: Mukhang hindi naman totoo ang mga tsismis online, dahil mas kapani-paniwala ang mga totoong pangyayari kaysa mga salita. Pagkatapos ay sinabi ng aking ina, “Bakit hindi ka maniwala sa iyong ina, at bakit hindi mo tingnan ang mga totoong pangyayari, kundi sa halip ay naniniwala ka sa mga tsismis online? Nakapagsiyasat at nakapagtipon ka na ba ng ebidensya tungkol sa bagay na iyon?” Napahiya, sumagot ako ng “Hindi pa po.” Nagpatuloy siya: “Hindi ka nagsaliksik para alamin na puro tsismis lang ang lahat ng iyon, kundi naniwala ka sa mga tsismis na narinig mo online at gumawa ka na agad ng konklusyon. Nakakahiya ka; mataas pa naman ang pinag-aralam mo pero wala ka sa katwiran. Dapat mong tingnang mabuti ang Apat na Ebanghelyo, at makikita mo na noong isinasagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, nagtahi-tahi ang mga Judiong saserdote, eskriba at Fariseo ng lahat ng uri ng tsismis at maling patotoo. Sabi nila, kaibigan daw ng mga makasalanan ang Panginoong Jesus, na Siya ay isang taong mahilig kumain at uminom ng alak, at pinaratangan Siya nang mali na inuudyukan Niya ang mga tao na tumigil sa pagbabayad ng buwis kay Cesar. Sinuhulan pa nila ang mga sundalo para magbigay ng maling patotoo, at sabihin nila na ninakaw ang katawan ng Panginoong Jesus ng Kanyang mga disipulo at na hindi Siya nabuhay na mag-uli. Tiyak na alam mo ang tungkol sa mga bagay na ito? Ang nakatala sa Apat na Ebanghelyo ay maliit na bahagi lamang ng gawaing isinagawa ng Panginoong Jesus, at naglalaman ang mga ito ng nakasulat na mga salaysay tungkol sa napakaraming tsismis na ikinalat ng mga pinunong Judio tungkol sa Panginoong Jesus. Naisip mo na ba ito noon? Kung mayroon nang Internet noon, tiyak na ikakalat na ng mga Judiong saserdote, eskriba at Fariseo ang kanilang mga tsismis at maling patotoo online, at makikita na sa buong Internet ang kanilang mga salitang naninirang-puri, naglalapastangan, nagpaparatang at tumutuligsa sa Panginoong Jesus tulad ng pagtuligsa ngayon ng mundo ng mga relihiyoso sa Makapangyarihang Diyos. Alam mo ba kung ano ang kahulugan nito? Sabi ng Panginoong Jesus: ‘Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). ‘At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa(Juan 3:19–20). Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Naiwala ng sangkatauhan ang puso nilang may takot sa Diyos gayundin ang tungkuling nasa pananagutan ng mga nilalang ng Diyos matapos gawing tiwali ni Satanas, kaya’t naging isang kaaway na masuwayin sa Diyos. Namuhay pagkaraan ang sangkatauhan sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas at sinunod ang mga utos ni Satanas …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). ‘Ang paglikha ng Diyos sa mundo ay libu-libong taon na ang nakararaan. Naparito Siya sa lupa upang isagawa ang di-masukat na laki ng gawain, at ganap Niyang naranasan ang pagtanggi at paninirang-puri ng mundo ng tao. Walang sinuman ang sumasalubong sa pagdating ng Diyos; malamig ang pagbati sa Kanya. Sa paglipas ng ilang libong taon ng paghihirap, matagal na panahon nang sinusugatan ng pag-uugali ng tao ang puso ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 4). Napakalinaw na inihahayag ng salita ng Diyos ang likas na pagkatao at diwa ng paglaban ng tiwaling sangkatauhan sa Diyos at kung paano nito tinatratong kaaway ang Diyos. Lubhang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at ang buong sangkatauhan ay naging kaaway ng Diyos, walang nagmamahal sa katotohanan, at walang sumasalubong sa pagdating ng Diyos. Noong ang Panginoong Jesus ay gumagawa at nagpapahayag ng katotohanan sa Judea, marami Siyang ginawang himala, maraming karaniwang tao ang naakit na sundan Siya, kaya nag-aalala ang mga pinunong Judio na baka sundan ng lahat ng karaniwang tao ang Panginoong Jesus at iwanan sila. Kaya, nagtahi-tahi sila ng mga tsismis at nagbigay ng maling patotoo tungkol sa Panginoong Jesus, galit na galit na nilabanan Siya at tinuligsa, at sa huli ay ipinako nila Siya sa krus. Ito ang matibay na ebidensya ng tiwaling sangkatauhan na namumuhi sa katotohanan at itinuturing na kaaway ang Diyos. Ngayon ay muli na namang naging tao ang Diyos, at muli na namang sinasalubong ng galit na galit na paglaban at pagtuligsa ng mga tiwaling tao. Natatakot ang gobyernong CCP na baka sundan ng mga tao ang Makapangyarihang Diyos at magkaroon sila ng pagkahiwatig tungkol sa kasamaan nito, at tanggihan nila ito, at sa gayon ay mawala ang makapangyarihang katungkulan nito. Natatakot din ang mga pinuno sa mundo ng mga relihiyoso na baka sundan ng mga mananampalataya ang Makapangyarihang Diyos, at sa gayon ay mawala ang kanilang katayuan at kabuhayan. Kaya, tulad lang ng rehimeng Romano at mga pinunong Judio noong panahong iyon, gumagamit sila ng napakahamak at masasamang taktika, nagtatahi-tahi ng lahat ng uri ng tsismis at nagbibigay ng maraming maling patotoo tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa gayon ay sinisiraang-puri at tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos at pinasisinungalingan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mithiin nila ay hikayatin ang mga tao na tumayo at tuligsain at tanggihan ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at hadlangan ang mga tao na matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Kailangan nating mahiwatigan ang mga panloloko ni Satanas! Ang gobyernong CCP ay isang ateista at napakasamang rehimen na kaaway na ng Diyos noon pa man. Nang una itong magkaroon ng kapangyarihan sinira nito ang mga kopya ng Banal na Biblia, giniba ang mga iglesia, pinatay ang mga Kristiyano at itinuring pang kultong literatura ang Banal na Biblia, isang aklat na kinikilala sa buong mundo, at ang mga protestante at Katoliko bilang mga miyembro ng isang masamang kulto para lamang sugpuin at usigin sila. Ginagawa nito ang lahat ng kasamaang maiisip ng tao, kaya anong mga tsismis ang pangangahasan nilang hindi maisip? Nakikita sa mga totoong pangyayari na kapwa ang gobyernong CCP at ang mga pinuno sa mundo ng mga relihiyoso ay napakasasamang diyablo na namumuhi sa katotohanan at mga kaaway ng Diyos. Ito ay isang bagay na kailangan nating makita nang malinaw. Tayo ay mga taong may pananampalataya—kailangan nating maniwala sa salita ng Diyos at maniwala sa katotohanan. Talagang hindi natin maaaring paniwalaan ang mga tsismis at kasinungalingan ng gobyernong CCP at mga pinuno sa loob ng mundo ng mga relihiyoso. Kung hindi natin mahiwatigan ang mga tsismis na ikinakalat ng gobyernong CCP at ng mundo ng mga relihiyoso, kung hindi natin hahanapin at sisiyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, sa bandang huli ay magiging katulad lang tayo ng mga karaniwang Judio, tinatalikuran si Cristo at tumatanggi sa tunay na daan dahil naniniwala tayo sa mga tsismis na naririnig natin. Sa gayong paraan, hindi lamang nawawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos, kundi sa huli ay papatawan din tayo ng matuwid na parusa ng Diyos dahil sa paglaban sa Kanya!”

Nang pakinggan ko ang gustong sabihin ng aking ina, pakiramdam ko ay para akong nagising mula sa isang panaginip at kinailangan kong magmuni-muni tungkol doon: “Tama siya. Bakit ako pikit-matang naniwala sa negatibong bagay na iyon online nang hindi binabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos o gumagawa ng anumang pagsisiyasat? Ang mundong ito ay lubhang nagawang tiwali ni Satanas kaya nag-uumapaw ito sa mga kasinungalingan at panlilinlang; napakaraming pandaraya sa lahat ng dako kaya hindi talaga tayo makapag-ingat laban dito. Wala akong ginawang anumang uri ng pagsasaliksik sa impormasyon online kundi pikit-mata ko na lang pinaniwalaan iyon. Inulit ko ang sinabi ng lahat ng iba pa at nagkaroon ako ng di-makatwirang konklusyon. Hindi ba ako napakawalang-ingat at mangmang? Hindi ba pagsunod iyon sa kasamaan at paggawa ng mga di-makatwirang panghuhusga?” Nakikitang hindi ako umiimik, inabutan ako ng aking ina ng isang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at mahinahong sinabi: “Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga salitang sinambit ng Diyos sa mga huling araw. Sana magawa mong isantabi ang iyong mga pagkaintindi at basahin mo itong mabuti. Ilabas mo ang anumang katanungang mayroon ka para makapag-usap tayo tungkol doon.” Kinuha ko ang aklat at sinimulang basahin iyon nang walang imik. Ngunit hindi ko talaga binabasa iyon para hanapin ang katotohanan. Sa halip, ang nasa isip ko ay magsaliksik, na nagnanais na sukatin at patunayan ang mga salita ng Diyos laban sa sarili kong personal na kaalaman, at gusto ko pang pasinungalingan ang mga iyon. Dahil mismo sa aking kawalang-pitagan at pagsalungat sa mga salita ng Diyos kaya hindi ako nagtamo ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, kaya sa buong panahong iyon ay hindi ako talaga naging pamilyar sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Magkagayunman, patuloy akong kumapit sa mga mali kong pagkaintindi at ayaw kong tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Kinausap ko ang aking ina tungkol dito: “Inay, dati-rati, naniwala ako sa lahat ng tsismis na narinig ko online, at tinangka kong pigilan ka sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ngunit ang totoo ay ako ang bulag at mangmang. Mula ngayon, hindi ko na tututulan ang inyong pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, pero hindi ako sasama sa inyo na magdasal sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos, dahil nanawagan ako sa ngalan ng Panginoong Jesus para makakuha ako ng pagsusulit sa pagpasok sa pangarap kong eskuwela at nakatanggap ako ng full-ride scholarship para magpatuloy ako ng pag-aaral sa ibang bansa. Nakatanggap ako ng napakalaking biyaya, kaya paano ko matatalikuran ang Panginoong Jesus? Hindi ba kawalan ng utang na loob at panlilinlang iyan?” Binigyan niya ako ng isang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos para basahin na nakatuon sa pagkaintindi kong ito: “Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Pagkatapos ay ibinahagi niya sa akin ito: “Iniisip mo na ang pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoong Jesus, ngunit iyong-iyo ang pagkaintindi at imahinasyong ito. Sa katunayan, ang Diyos na si Jehova, ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay pawang iisang Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, tinawag ang Diyos sa pangalang Jehova; naglabas Siya ng mga kautusan para gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa at masundan ng tao ang Kanyang mga batas at kautusan para pigilan at gabayan ang sangkatauhan. Nang malapit nang matapos ang Kapanahunan ng Kautusan, nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao hanggang sa hindi na sila makasunod sa mga kautusan, at ang buong sangkatauhan ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at sumpa ng kautusan. Naging tao ang Diyos gamit ang pangalang Jesus upang isagawa ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at para tubusin ang sangkatauhan ipinako Siya sa krus bilang walang-hanggang handog para sa kasalanan ng tao. Mula noon, basta’t humaharap tayo sa Diyos upang ikumpisal ang ating mga kasalanan at magsisi, mapapatawad ang ating mga kasalanan at hindi na tayo hahatulan o isusumpa ayon sa kautusan. Bukod pa riyan, tumatanggap din tayo ng walang-hanggang mga pagpapala at awa ng Panginoon. Gayunman, kahit mapapatawad ang ating mga kasalanan at matatamasa natin ang saganang biyaya ng Panginoong Jesus, ang ating pagiging likas na makasalanan at tiwaling mga disposisyon ay hindi pa naaalis. Nabubuhay pa rin tayo sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkatapos ay pagkukumpisal sa mga ito, at hindi natin mapalaya ang ating sarili. Sa mga huling araw, muling naging tao ang Diyos bilang Makapangyarihang Diyos upang ipahayag ang mga katotohanang hahatol at lilinis sa tao; tinutulutan nito ang tao na maunawaan ang katotohanan at magtamo ng katotohanan sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, iwaksi ang ating napakasama at tiwaling mga disposisyon, lubos na malinis ng Diyos, at isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao. Sa ganitong paraan, sa dakong huli ay magiging marapat ang tao na manahin ang pangako ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian. Kaya, ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay kapwa pagkakatawang-tao ng Diyos sa magkaibang kapanahunan, at Sila ay iisang Diyos.”

Makatwiran ang kanyang pagbabahagi at wala akong mapapasinungalingan, ngunit napakarami ko pa ring pagkaintindi, kaya agad akong sumagot: “Dahil ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, tawagin ko man Siyang Jesus o Makapangyarihang Diyos, pareho lang iyan. Sa anumang paraan, Siya ang Diyos na nagkakaloob ng biyaya.” “Ang Diyos na si Jehova, ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos,” tugon ng aking ina, “walang dudang totoo iyan, ngunit gumagamit ng ibang pangalan ang Diyos sa bawat kapanahunan. Kaya matatanggap lamang natin ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap sa bagong pangalan ng Diyos. Katulad iyon ng kung paano ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ang pangalang Jehova upang isagawa ang gawain, at nagdasal ang mga tao sa pangalan ni Jehova, at pinakinggan at binasbasan ng Diyos ang tao. Pagkatapos, sa Kapanahunan ng Biyaya ay ginamit ng Diyos ang pangalang Panginoong Jesus upang magsagawa ng gawain, at pagkatapos ay kinailangan ng mga tao na magdasal sa pangalan ni Jesus, at kung hindi ay hindi mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, ni hindi nila matatanggap ang biyaya at mga pagpapala ng Panginoon. Katulad lang ito ng mga Israelitang humiyaw para sa Diyos na si Jehova sa templo na walang presensya ng Diyos at hindi nagtamo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus dahil hindi nila tinanggap ang pangalan ng Panginoong Jesus. Ito ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian at ginagamit ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos upang magsagawa ng bagong gawain. Sa pagdarasal lamang sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Kung pinanghahawakan mo ang pangalan ni Jesus at hindi mo tinatanggap ang pangalang Makapangyarihang Diyos, talagang naniniwala ka sa nakaraang gawain ng Diyos at lumalaban sa kasalukuyang gawain ng Diyos, na kung tutuusin ay paglaban at pagtataksil sa Diyos. Sinasabi sa Banal na Biblia: ‘Ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay(Pahayag 3:1). Sa pagtanggap lamang sa bagong pangalan ng Diyos at pagpapasakop sa Kanyang kasalukuyang salita at gawain tayo magkakaroon ng realidad ng paniniwala sa Diyos. Nauunawaan mo ba ang sinasabi ko?”

Nadama ko na lahat ng sinasabi noon ng aking ina ay kapwa matino at praktikal din, ngunit sa puso ko ay hindi ko pa rin makakalimutan ang pangalang Jesus, dahil napagkalooban ako ng Panginoon ng napakalaking biyaya. Lahat ng mayroon ako ngayon ay naibigay sa akin ng Panginoong Jesus, at hindi maaaring hindi ko sundin ang orihinal kong pangako: na isagawa nang maayos ang aking pananampalataya sa Panginoon at sundan ang Panginoon. At dahil dito, patuloy kong tinanggihan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos.

Nang matapos ang summer vacation ko at magbalik ako sa US, agad-agad akong ibinalik ng aking kaabalahan sa pag-aaral at mabilis na takbo ng buhay sa “tunay” na mundo. Nang magbalik ako sa mga pagsamba sa iglesia, natuklasan ko na walang anumang bago sa kahit isa sa mga sermon, maging ang pastor mang iyon na nasa isang iglesiang Chinese ang salita o sa isang iglesiang Ingles ang salita. Dati pa rin ang lahat ng kanta at sayaw. Nakakainip ang buhay-iglesia at walang anumang panustos na nakaragdag sa buhay ko. Sa pagsisikap na mapigilan ang kanilang kawan, madalas mag-organisa ang magkakatrabaho sa iglesia ng mga biyahe, pamamasyal, salu-salo at iba pang mga aktibidad para masalihan naming lahat. Nasa iglesia ang lahat ng klase ng tao, pati na ang maraming tao na hindi talaga matatapat na naghahanap, kundi sa halip ay mga tao lamang na naghahanap ng magiging kasintahan, makakasama sa kuwarto, makakasama sa biyahe, makakasama sa pagkain, atbp., at natanto ko na ang iglesia ay hindi na isang lugar kung saan ako makasusumpong ng kapayapaan ng isipan. Nasaktan ako rito at nalungkot. Kalaunan ay tumigil ako nang tuluyan sa pagsali sa mga pagsamba, ngunit patuloy akong nakadama ng pagkabalisa. Para akong isang desperadong bata na naligaw ng landas at naparaan lang sa buhay na nalilito.

Matapos kong isilang ang isang sanggol na lalaki noong 2014, tumindi ang alitan namin ng asawa ko dahil wala akong maipasusong breast milk sa aming anak. Kapag nakauwi siya mula sa trabaho araw-araw, ang unang lumalabas sa bibig niya ay: “Bakit wala pa ring laman iyan? Madaling magkakasakit ang anak ko kapag walang breast milk.” Ito ang unang pagkakataon na nadama ko na wala akong kakayahan—pakiramdam ko hindi talaga ako akmang maging ina. Kumonsulta ako kapwa sa mga doktor sa Kanluran at sa doktor na Chinese, at nagsaliksik pa online para sa mga remedyo sa bahay, ngunit walang nakatulong sa akin na magkagatas. Nasaktan ako, nalungkot, at nagalit, na para bang malapit na akong mabaliw, at nadama ko kung nagpatuloy ito ay talagang mababaliw na ako. Sa buong pagpapalakas ko pagkatapos kong manganak palaging basa ng mga luha ang aking mukha, at anuman ang gawin ko, hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ito sa akin. Madalas akong makadama ng di-maipaliwanag na sindak, marinig ko lang ang mga salitang tulad ng “gatas ng ina” o “pagpapasuso,” at agad akong mapapahagulgol, at hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Matapos malaman ng aking ina ang mahirap na sitwasyon ko, naglakbay siya upang alagaan ako. Nang makita niya kung paano ako nahihirapan sinabi niya sa akin: “Naisip mo na ba kung bakit padilim nang padilim ang buhay mo, bakit patindi nang patindi ang iyong paghihirap? Iyon ay dahil naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo hinahanap ang katotohanan. Nakabalik na ang Panginoon, subalit hindi ka naghahanap o nagsisiyasat. Sa halip, pikit-mata kang kumakapit sa sarili mong mga pagkaintindi at imahinasyon, na nakikisabay lang sa sinasabi ng lahat ng iba pa at walang-katwiran mong hinuhusgahan ang bagong gawain ng Diyos. Ito ay paglaban sa Diyos! Hindi mo tinatanggap ang bagong gawain ng Diyos, kaya nawala sa iyo ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Nabubuhay ka sa ilalim ng sakop ni Satanas, at iiwanan ka lamang nitong nagdurusa at pinaglalaruan ni Satanas, at pinupuno ang buhay mo ng mas marami pang pagdurusa.” Nang marinig kong sabihin ng aking ina ang mga salitang ito, natahimik ako. Sa mga araw na sumunod, tuwing patutulugin ni Inay ang aking anak, magpapatugtog siya ng ilang himno ng mga salita ng Diyos para mapakinggan ko. Isang magandang bagay ang nangyari—di-inaasahang nagsimulang unti-unting napayapa ang aking isipan kasabay ng musika ng mga himnong ito. Minsan, nakinig ako sa himnong ito: “… Napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa puntong patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas kahit sinusunod niya ang Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng pag-iral ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at atas ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na orihinal niyang taglay: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito(“Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Bawat huling linya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay umantig sa puso ko. Nakikita ko na ako ay nasa mismong katayuang inilarawan ng mga salita ng Diyos, na nakilala ko ang Diyos sa aking mga salita, ngunit ang totoo ay lubos na akong nasapian ni Satanas. Lahat ng aking iniisip at nadarama ay tungkol sa mga pagnanasa ng laman, ang pinagsisikapan kong matamo ay mga pagnanasa rin ng laman, at ang tinatahak ko ay ang sekular na landas. Sa Banal na Biblia, sinasabi: “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Roma 8:6). “Hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4). Naisip ko kung paanong walang anuman sa aking mga kilos ang nakaayon sa kalooban ng Diyos, ngunit lahat ay lubos na salungat sa Diyos. Humarap ako sa Diyos at nagdasal: “Diyos ko, nasa sitwasyong ito ako ngayon dahil mahal ko ang aking titulo, pagkakakilanlan, buhay na may-asawa at iba pang mga bagay ng mundong ito, iniisip na dapat ay sapat na ang pagkakaroon ng mga bagay na ito. Hindi ko pa talaga nahahanap ang katotohanan, ni hindi ko pinagsikapang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos, hanggang sa bawat pagkakataong kumatok Ka sa pintuan ng puso ko at naglahad ng salita ng Diyos at ng katotohanan sa harapan ko mismo, hindi ko pinahalagahan ito. Nang marinig ko na naparito Ka upang magsagawa ng bagong gawain, nagmatigas ako sa aking palagay, at naghusga ako nang walang batayan. Alam na alam ko na may dahilan sa mga pagbabahagi ng aking ina, subalit matigas akong nanghawakan sa sarili kong mga pagkaintindi nang hindi ko sinisiyasat ang tunay na daan. Diyos ko, ang tangi kong minahal ay ang Iyong biyaya habang tinatanggihan ko ang katotohanan—talagang napakasutil at napakasuwail ko! Kung bibigyan Mo pa rin ako ng isang pagkakataon, tiyak na sisiyasatin ko ang Iyong gawain hangga’t kaya ko.” Sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung maririnig ng Diyos ang uri ng panalanging iyon, ngunit patuloy pa rin akong nanawagan sa Diyos sa ganitong paraan.

Noong Abril 2015 bumalik kami ng aking ina sa China dahil sa problema sa kalusugan, na nagbigay sa akin ng pagkakataong makipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inisip ko kung paano ako nagsikap at nagpakahirap sa mundong ito nang hindi nagtatamo ng kaligayahan, at kung paanong sa loob din ng relihiyon ay nabigo akong matagpuan ang katotohanan na magwawaksi sa kadiliman at kahungkagan sa puso ko. Matindi kong nadama sa puso ko na marahil ay dahil ang Makapangyarihang Diyos, na patuloy kong tinanggihang tanggapin, ay ang Tagapagligtas na si Jesus na tumulong sa akin na makakuha ng pagsusulit papasok sa kolehiyo at nagpadala sa akin sa Estados Unidos. Nang mangyari ito sa akin, sinabi ko sa aking ina na gusto kong makibahagi sa mga aktibidad ng iglesia sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi nagtagal, nagdatingan ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para kausapin ako, at nakita ko na nang magsama-sama sila, ang binasa nila ay ang salita ng Diyos, ang ibinahagi nila ay ang katotohanan, at ang isinagawa nila ay ang katotohanan. Anuman ang ginawa nila, nagsilbing pamantayan nila ang mga salita ng Diyos at nagsilbing prinsipyo nila ang katotohanan. Hindi sila kumilos ayon sa laman, ni wala silang sekular na pakikitungo sa isa’t isa. Nakita ko na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mabuting lupain ng Canaan kung saan katotohanan ang naghahari. Napuspos ang aking espiritu sa lugar na iyon, tinustusan ang pangangailangan ko, at hindi na hungkag ang puso ko—nakadama ako ng kaganapan.

Isang araw sa isa pang pakikitipon sa ilang kapatid, binasa ni Sister Wang ang siping ito mula sa mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay Niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng ‘ama,’ at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat). Ang siping ito ng mga salita ng Diyos ay labis na umantig sa akin. Nadama ko na ang Makapangyarihang Diyos ay para lamang isang mapagmahal na ina na tumatawag sa isang nawawalang anak, umaasam na naghihintay sa Kanyang anak na hindi magtatagal isang araw ay babalik sa Kanyang tabi. Naririnig ko na ito ang tinig ng Panginoon. Natanto ko na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na paulit-ulit akong tinulungang malampasan ang sunud-sunod na krisis, at na hindi Niya ako iniwan ni isang hakbang sa daan, kundi patuloy na naghintay na ako ay bumalik. Inisip ko kung paano ako naniwala sa Diyos subalit hindi ko hinanap ang katotohanan o pinaniwalaan ang mga salita ng Diyos, kundi sa halip ay naniwala ako sa mga tsismis online at sa mga salita ng mga pastor. Naipangako ko ang aking katapatan sa kaaway, sumali ako sa gobyernong CCP at mga pastor sa mga relihiyosong komunidad sa paninira at pag-atake sa Diyos, na gabi’t araw na akong inalagaan. Natanggihan ko na ang pagliligtas ng Diyos. Talagang napakabulag ko at mangmang. Ang pananampalataya ko sa Diyos ay batay pa rin sa sarili kong mga pagkaintindi at imahinasyon; naniwala ako na natulungan ako ng Panginoong Jesus na tagumpay na makapasa sa pagsusulit papasok sa kolehiyo at ginabayan akong makapangibang-bansa nang walang hirap upang magpatuloy sa aking pag-aaral, kaya kinailangan kong manatiling palaging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus, at na ito lamang ay debosyon na sa Panginoon. Umasa ako sa aking mga pagkaintindi at imahinasyon sa aking pananaw tungkol sa mga bagay-bagay. Nang simulan ng Diyos ang isang bagong kapanahunan at gumamit ng isang bagong pangalan hindi ko kinilala ang gawain ng Diyos, at paulit-ulit kong tinanggihan ang pagliligtas ng Diyos sa akin. Paano iyan naging pagsampalataya sa Diyos? Hindi ba pagsampalataya iyan sa aking sarili? Pagmamahal lamang ang ibinigay sa akin ng Diyos subalit paulit-ulit ko Siyang sinaktan. Alam ko na malaki ang utang-na-loob ko sa Diyos …

Talagang kinailangan kong lumuhod, at umiyak ng mapapait na luha nang magdasal ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Naging bulag at mangmang ako. Naniwala ako sa mga tsismis ng gobyernong CCP at ng mundo ng mga relihiyoso; tinalikdan Kita at hinusgahan Kita, at umasa ako sa sarili kong imahinasyon at mga pagkaintindi para limitahan Ka. Tinanggihan ko ang Iyong ebanghelyo ng mga huling araw—isa akong Fariseo sa modernong panahon. Batay lamang sa aking mga pag-uugali at gawa dapat akong mapuksang kasabay ni Satanas, ngunit, dahil mahal Mo ako, paulit-ulit Mo akong binigyan ng mga pagkakataong magsisi. Diyos ko, handa ako, tulad lamang ng mga tao ng Ninive, na humarap sa Iyo ‘na nakadamit ng kayong magaspang at mga abo,’ upang tunay na ikumpisal ang aking mga kasalanan sa Iyo at magsisi, at nagsusumamo ako na maawa ka sa Akin. Nais kong makipagtulungan sa Iyo, at malinis at mailigtas ng Iyong salita.”

Pagkatapos niyon, darating ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para kausapin ako tatlong beses sa isang linggo; nagpatuloy ito nang walang tigil sa loob ng mahigit apat na buwan. Sa panahong ito halos araw-araw akong nagbasa ng ilang sipi mula sa salita ng Diyos, at nang maunawaan ko ang mas maraming katotohanan, naging mas lalong wasto ang aking relasyon sa Diyos at nanumbalik ang dati kong pananampalataya. Napayapa ang puso ko, at hindi na ako balisa o mapanglaw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikitipon upang makibahagi tungkol sa katotohanan, talagang natiyak ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na ang pagbabalik ay aking inasam. Gumawa ako ng resolusyon na sundan ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa dulo ng landas, at suklian ang pagmamahal ng Diyos sa pagiging isang taong nagsisikap na matamo ang katotohanan.

Bumalik ako sa US noong 2016, kung saan nakipag-ugnayan ako sa mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng kanilang website at nagsimula akong makibahagi sa mga aktibidad sa kanilang iglesia. Salamat sa Diyos! Ang Diyos ang nag-akay sa akin sa bawat hakbang patungo sa kung nasaan ako ngayon. Para masuklian ang Diyos sa Kanyang pagmamahal, nais kong ihandog ang aking buong lakas upang isagawa ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, para mas maraming taong nauuhaw at naghahanap sa katotohanan ang makaalam na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sasabihin ko rin sa kanila na kung susundan nila ang aking mga yapak—pikit-matang maniniwala sa mga tsismis ni Satanas, lalaban sa Diyos na kasabay ni Satanas—sa huli, sila lamang ang mapapahamak.

Sinundan: 35. Matapos Matanggap ang Pagliligtas ng Diyos sa mga Huling Araw, Natamo Namin ang Isang Bagong Buhay

Sumunod: 37. Ang Diyos Ay nasa Aking Tabi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito