6. Pakinggan! Sino Itong Nagsasalita?

Ni Zhou Li, Tsina

Bilang isang mangangaral ng iglesia, wala nang mas masakit pa kaysa sa espirituwal na kasalatan at walang kahit anong maipangaral. Wala akong magawa sa nakikita ko na paunti na nang paunti ang mga kapatid na lalaki at babae na dumadalo sa mga pulong, at maraming beses akong dumulog sa harapan ng Panginoon para taimtim na manalangin at hilingin sa Panginoon na palakasin ang pananampalataya ng mga kapatid na lalaki at babae. Gayunpaman hindi bumuti ang mapanglaw na kalagayan ng iglesia at maging ako ay namuhay sa kahinaan at pagiging negatibo …

Gumagawa ako sa loob ng bahay isang araw nang biglang dumating sina Brother Wang at Brother Lin, at masaya ko silang pinapasok sa bahay. Matapos ang masayang kwentuhan, sinabi ni Brother Wang, “Sister Zhou, kumusta naman ang kalagayan ng espiritu mo ngayon?” Napabuntong-hininga ako at sinabing, “Huwag mo nang tanungin. Naghihina ang espiritu ko ngayon at wala akong maipangaral sa aking mga sermon! Lahat ng mga kapatid na lalaki at babae ay nagiging negatibo na at mahina na rin. Halos walang tao sa iglesia.” Itinanong ni Brother Lin, “Sister Zhou, alam mo ba kung bakit wala kang maipangaral sa iyong mga sermon at kung bakit halos walang tao sa iglesia?” Kapagdaka nang nagsalita na siya, naisip ko: Iyan nga ang gusto kong malaman. Alam kaya talaga nila ang dahilan? Kaagad kong itinanong, “Bakit?” Sinabi ni Brother Wang, “Dahil nakabalik na ang Panginoon. Nagkatawang-tao Siya sa pangalawang pagkakataon at binibigkas ang Kanyang mga salita at gumaganap ng bagong gawain. Tinanggap na ng maraming kapatid na lalaki at babae ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian at namumuhay sa daloy ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu. Pabuti nang pabuti ang mga kalagayan nila. Naglaho sa mga yaong hindi makasabay sa bagong gawain ng Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu, at dahil diyan wala silang maipangaral na mga salita at naging negatibo at mahina sila. Dapat tayong magmadali para makasabay sa mga yapak ng Diyos!” Nang marinig ko ito, bigla kong naalala ang mga salita ng aking senior co-worker: “Kung may taong magsasabi na dumating na ang Diyos para gumawa ng bagong gawain at bumigkas na Siya ng bagong mga salita, iyan kung gayon ay paglihis sa Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon; ito ay apostasiya.” Sa pag-iisip nito, napakaseryoso kong sinabi: “Hindi ba madalas na sabihin sa atin ng mga senior co-worker natin na ang paglihis sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon? Dapat alam ninyong lahat ito, na ang paglihis sa Biblia ay paglihis sa daan ng Panginoon. Ang lakas naman ng loob ninyo na mangaral kayo nang ganito sa akin!” Galit akong tumayo habang sinasabi ko ito. Sinabi ni Brother Lin, “Sister Zhou, huwag ka namang magalit. Alam namin na tapat ang paniniwala mo sa Diyos at masigasig ka, at dahil diyan kaya nga namin sinasabi sa iyo ang tungkol sa bagong gawain ng Diyos. Napakaraming taon na tayong nananampalataya sa Panginoon. Hindi ba’t lagi nating inaasam ang pagbabalik ng Panginoon? Ngayon nagbalik na ang Panginoon at ginagampanan ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Magandang balita ito. Dapat tayong masigasig na magsaliksik at magsiyasat at huwag sayangin ang pagkakataon na malugod na tanggapin ang Panginoon!” Nang hindi na hinintay pang matapos si Brother Lin, itinaas ko ang aking kamay at pasigaw na pinigilan siya, “Tama na, tama na, tama na! Huwag ka nang magsalita pa. Hindi ako maniniwala sa bagay na lihis sa mga turo ng Biblia. Hindi ninyo sinusunod ang paraan ng Panginoon, pero susunod ako.” Nakita nila na talagang hindi ako nakikinig at wala silang nagawa kundi umalis. Kalaunan, bumalik sila nang ilang beses pa, pero hindi ko na lang sila pinansin.

Kinalaunan sa ibang araw, dumating sina Brother Wang at Brother Lin sa bahay ko kasama ang dalawang kapatid na babae para mangaral ng ebanghelyo sa akin. Nang araw na iyan, pumipili ako ng mga butil sa loob ng bahay habang gumagawa ang aking asawa sa labas. Nakita niya ang pagdating nila at pinapasok sila sa bahay. Nang makita ko sila, biglang bumilis ang tibok ng puso ko: Bakit na naman sila bumalik at nagsama pa sila ng dalawa? Pumasok silang apat at binati nila ako at nagsimulang magbahagi sa aking asawa. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalala at inisip ko sa aking sarili: “Ang ipinapangaral nila ay lihis sa Biblia kaya kailangan kong bantayan ang aking asawa at huwag siyang hayaang maniwala sa kahit ano!” Gusto ko silang paalisin, pero nag-alala ako na baka magalit ang asawa ko sa akin. Ang tanging nagawa ko ay manahimik, bagama’t hindi ako sang-ayon sa kahit isang salitang sinasabi nila. Gayunpaman nakinig ang asawa ko at hindi mapigilan ang kanyang sarili na magsabing, “Oo! Tama nga! Ganoon nga. Naipaliwanag mo ito nang mabuti!” Dahil nakita kong napaniwala ang aking asawa, bigla akong nakadama ng galit at dinuro ang aking asawa at mariing sinabi: “Ano ang tama? Gaano karami na ba ang nabasa mo sa Biblia? Gaano ka na ba katagal nananampalataya sa Diyos? Nagdasal ka ba sa Panginoon? Nagsasabi ka ng, ‘Tama, tama, tama,’ pero gaano na ba ang naunawaan mo?” Sa ginawa kong pagsigaw, biglang natahimik ang buong kabahayan at nagkatinginan sila sa isa’t isa. Agad na sinabi sa akin ng asawa ko, “Huwag kang sumigaw. Makinig ka muna. Makakabuti ito para sa atin. Kung hindi ka makikinig, paano mo malalaman kung tama ito o mali?” Dahil nakita kong hindi ko siya mapipigilan sa pakikinig sa kanila, galit na itinulak ko nang paroo’t parito ang mga butil gamit ang dalawa kong kamay, sinasadyang mag-ingay nang malakas, at inisip na, “Hayaan kitang makinig? Hindi kita hahayaang makarinig ng kahit ano. Hahadlangan ko ito!” Ngunit ang pag-iingay nang malakas gamit ang mga butil ay hindi nakahadlang sa pakikinig ng asawa ko sa kanilang pagbabahagi. Sa kabilang banda, nagsasalita at tumatawa siya kasama ang apat at lubos na maayos ang pagbabahagi nila. Makalipas ang ilang oras, masayang sinabi sa akin ng asawa ko: “Oh, Li! Talagang bumalik na ang Panginoon. Ang mga salita sa aklat na ito ay mga pagbigkas mismo ng Diyos! Napakaganda nito! Li, sige na, magluto ka ng pagkain para sa amin.” Tiningnan ko siya at hindi sumagot. Kalaunan, nag-iwan si Brother Lin sa asawa ko ng ilang tape, isang aklat ng mga himno at isang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at pagkatapos ay umalis na. Hindi na talaga ako makatiis at sinabi ko sa aking asawa, “Ilang beses nang sinabi sa atin ng mga senior co-worker na para makasampalataya sa Diyos hindi tayo maaaring lumihis sa Biblia at ang paglihis sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos. Nalimutan mo na ba? Bakit hindi ka manindigan sa bagay na ito?” Walang pag-aalangan na sinabi ng asawa ko: “Ang sinasabi nila ay hindi paglihis sa Biblia ngunit mas dakila at mas malalim kaysa sa Biblia. At saka, ang bagong gawain ng Diyos na ipinangangaral nila ay pagtupad sa salita ng Panginoon at sa mga propesiya ng Aklat ng Pahayag. Pagkatapos marinig ang ibinahagi nila, nauunawaan ko at naliliwanagan ako tungkol sa maraming bagay sa Biblia na hindi ko naunawaan noon. Ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos na pinatototohanan nila ang totoong daan. Imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo. Kakaunting tao na lang ang natitira sa ating iglesia. Naging mapanglaw na ang iglesia. Pero naniniwala ka pa rin sa mga sinabi ng mga senior co-worker. Hindi ba’t sobrang kamangmangan na iyan? Makakabuting magmadali ka na at tingnan mo ito.” Nang marinig ko ito, galit kong sinabi, “Ano ba ang alam mo? Ang paglihis sa Biblia ay pagkakanulo sa Panginoon. Kung hindi ka susunod ayon sa Biblia, ako susunod!”

Pagkatapos nito, araw-araw kapag may oras ang asawa ko, binabasa niya ang aklat na iniwan ni Brother Lin, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Isang araw, gumising nang madaling-araw ang asawa ko para basahin ang aklat na iyon. Hindi pa lubusang gising ang diwa ko, naulinigan kong nagbabasa ang aking asawa: “Maaari kayang nakalimutan mo na…? Nakalimutan mo ba…?(“Paano Nakilala ni Pedro si Jesus”). Dahil sa malakas niyang pagbabasa, bahagya akong nagalit at inisip na: Madaling-araw pa lang at ayaw magpatulog ng tao! Pagkaraan ng ilang sandali, mahina kong narinig: “Dahil bago ipinako si Jesus sa krus, nasabi Niya kay Pedro: ‘Hindi Ako nagmula sa mundong ito, at hindi ka rin nagmula sa mundong ito’(“Paano Nakilala ni Pedro si Jesus”). Nakapagtataka! Bakit nabanggit sa aklat na ito ang Panginoong Jesus? Baka kaya mali ang narinig ko? Pagkatapos ay malinaw kong narinig: “Maaari kayang nakalimutan mo na…? Nakalimutan mo ba…?” Nang marinig ko ito medyo naantig ang puso ko at hindi na ako makatulog. Sinabi ko sa aking sarili: “Sino ang nagsalita ng mga salitang ito? Oh Diyos! Ikaw ba iyan na nagtatanong sa akin nito? Parang Ikaw ang nagsasabi sa akin ng mga salitang ito. Napakagiliw ng mga ito! Kinailangan kong bumangon kaagad at maghanda ng almusal. Pagkatapos mag-almusal titingnan ko kung ano ang sinasabi sa aklat na iyon, para matiyak kung talagang lumilihis ito o hindi sa Biblia at kung mga salita ito ng Diyos o hindi.”

Pagkatapos mag-almusal, binasang muli ng asawa ko ang aklat. Inisip ko sa aking sarili: Bakit hindi niya ako niyayang basahin namin ito nang sabay? Matagal akong nakatayo sa may pintuan, pero nakasubsob pa rin ang ulo ng aking asawa sa pagbabasa ng aklat at hindi ako napansin. Kaya’t nagpabalik-balik ako sa kusina. Nakadama ako ng labis na pag-aalala. Talagang gusto kong basahin ang nakasulat sa aklat. Kaya’t sumilip ako sa silid at nakita na subsob pa rin sa pagbabasa ng aklat ang aking asawa. Gusto kong lumapit at magbasa rin, pero nang maisip ko ang maraming beses na pagpunta ng mga kapatid na lalaki at babae para mangaral sa akin at kung paano ako palaging tumatanggi, inisip ko na baka kutyain lang ako ng asawa ko kung ako mismo ang lalapit at babasahin ito. Kung kukutyain niya ako, sobrang mapapahiya ako! Nang maisip ko ito, umatras ako. Habang pabalik-balik ako sa labas, naalala ko ang mga salitang binasa nang malakas ng asawa ko noong umaga at lalo akong nabalisa. Naisip ko: Hindi maaari ito. Kailangan kong pumasok at tingnan kung ano ang nilalaman ng aklat. Pero umatras uli ako nang nasa pintuan na ako. Gaya ng isang pusang hindi mapakali, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa wakas, determinado na ako: Oh! Nais ng Diyos na manindigan ako! Sino ang nagsabi sa akin na magsalita ng ganoon at hindi makinig sa payo ng aking asawa? Kaya tinatagan ko ang aking sarili at naglakad papasok sa silid at, tinipon ang lahat ng aking lakas ng loob, nahihiya kong sinabi, “Maaari bang sabay tayong magbasa niyan?” Tumingin siya sa akin at gulat na gulat, pagkatapos ay masayang sinabi, “Halika, halika! Sabay tayong magbasa.” Sa sandaling ito, naantig ako nang lubos. Hindi ako kinutya ng aking asawa gaya ng inisip ko! Napanatag sa wakas ang balisa kong puso at masaya kong binasa ang aklat kasama ang aking asawa. Gayunpaman, ang mga salitang nabasa ko sa aklat ay hindi ang mga yaong narinig ko noong umagang iyon! Maya-maya pa, lumabas ang asawa ko, at dali-dali kong binuklat ang mga pahina ng aklat. Kapagdaka, nakita ko ang hinahanap ko, at masayang binasa ito nang malakas: “Lubhang lumakas ang loob ni Pedro sa mga salita ni Jesus, dahil bago ipinako si Jesus sa krus, nasabi Niya kay Pedro: ‘Hindi Ako nagmula sa mundong ito, at hindi ka rin nagmula sa mundong ito.’ Kalaunan, nang makadama si Pedro ng matinding pasakit, pinaalalahanan siya ni Jesus: ‘Pedro, nalimutan mo na ba? Hindi Ako nagmula sa mundo, at lumisan lamang Ako nang mas maaga para sa Aking gawain. Hindi ka rin nagmula sa mundo, nalimutan mo na ba talaga? Dalawang beses Ko nang sinabi sa iyo, hindi mo ba natatandaan?’ Nang marinig ito ni Pedro, sinabi niya: ‘Hindi ko pa nalilimutan!’ Pagkatapos ay sinabi ni Jesus: ‘Minsan ka nang masayang nakipagtipon sa Akin sa langit at isang panahon sa Aking tabi. Nangungulila ka sa Akin, at nangungulila Ako sa iyo. Bagama’t hindi karapat-dapat na banggitin ang mga nilikha sa Aking mga mata, paanong hindi Ko mamahalin yaong walang-malay at kaibig-ibig? Nalimutan mo na ba ang Aking pangako? Kailangan mong tanggapin ang Aking tagubilin sa lupa; kailangan mong tuparin ang gawaing ipinagkatiwala Ko sa iyo. Balang araw tiyak na aakayin kita patungo sa Aking tabi’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus). Ilang beses kong binasa ito at nang paulit-ulit ko pa itong basahin lalo kong nadama na ang mga salitang ito ay hindi lihis sa Biblia. Ang mga ito ay mas malinaw at mas nauunawaan kaysa sa Biblia. Ngunit sinabi ng mga senior co-worker ko, “Sinumang magpalaganap ng mensahe tungkol sa pagdating ng Diyos para gumawa ng bagong gawain at sa pagbigkas ng Diyos ng bagong mga salita ay paglihis sa Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay paglihis sa daan ng Panginoon.” Ngunit ang mga sinabi nila ay hindi ayon sa katotohanan, hindi ba? Nanalangin ako sa aking puso: “Oh Diyos! Ano ang kahulugan ng lahat ng ito? Nawa’y liwanagan Mo ako at patnubayan ako, nang sa gayon ay maunawaan ko ang Iyong kalooban. …”

Kalaunan, nakita ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsabing: “Sa loob ng maraming taon, ang kinaugaliang paraan para maniwala ang mga tao (sa Kristiyanismo, isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo) ay ang basahin ang Biblia. Ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa mga panuntunan sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na magbasa pa ang mga tao ng ibang mga libro, ang paliwanag sa Biblia ang dapat na pundasyon ng mga librong ito. Ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, at maliban sa Biblia, hindi ka dapat sumamba sa anumang aklat na walang kinalaman sa Biblia. Kung ginagawa mo iyon, pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang ang turing dito ay mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Talagang naantig ako ng mga salita ng Diyos. Hindi kaya nangungusap ito mismo tungkol sa akin? Naalala ko noong magsimula akong maniwala sa Panginoon, ganito ko pinahahalagahan ang aking paniniwala. Ang Biblia ay itinuring kong dugong nagbibigay-buhay sa akin. Kinakailangang ilagay ko ito sa isang mataas na lugar sa tuwing matapos kong basahin ito, sa takot na masira ito ng mga bata. Itinuring kong mataas sa lahat ang Biblia at isinaisip din na ang paglihis sa Biblia ay pagkakanulo sa Panginoon. Mali ba itong ginagawa ko? Nang may pusong naghahanap, nagpatuloy ako sa pagbabasa, mula sa “Tungkol sa Biblia 1” hanggang sa “Tungkol sa Biblia 4.” Habang marami akong nababasa, lalo akong naliwanagan. Lubos akong nakaunawa dahil sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na ang Biblia ay isa lamang makasaysayang talaan ng gawain ng Diyos at isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Tulad ng Lumang Tipan na nagtatala ng gawaing ginawa ng Diyos na si Jehova mula sa paglikha ng daigdig hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Palaging bago ang gawain ng Diyos, hindi kailanman luma at palaging pasulong. Ngayon ang Diyos ay gumawa na ng bagong gawain sa labas ng Biblia—ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ang huling yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan. Mula sa Kapanahunan ng Kautusan, hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at pagkatapos ay sa Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw, ang tatlong yugto ay ginawang lahat ng isang Diyos. Ang pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay isang bagay na lubos na nagpamulat sa akin, at binusog ko ang aking mga mata sa mga salita! Oo, lubos na makapangyarihan sa lahat at napakarunong ng Diyos, paano Siya makagagawa sa limitadong gawain lamang na nakatala sa Biblia? At mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tunay na nakita ko na hindi lihis sa Biblia ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa halip, dinakila at pinalawak ng mga ito ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya tulad ng nakatala sa Biblia, at lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay higit na naaayon sa pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan. Sinasabi sa isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat mong maunawaan kung bakit hinihiling ngayon na huwag mong basahin ang Biblia, kung bakit mayroong ibang gawain na hiwalay sa Biblia, kung bakit ang Diyos ay hindi na naghahanap ng mas bago at mas detalyadong pagsasagawa sa Biblia, at kung bakit sa halip ay mayroong mas makapangyarihang gawain sa labas ng Biblia. Ito ang lahat ng dapat ninyong maunawaan. Kailangan mong malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng luma at bagong gawain, at kahit na hindi mo binabasa ang Biblia, dapat ay kaya mo itong suriin; kung hindi, sasambahin mo pa rin ang Biblia, at magiging mahirap para sa iyo na makapasok sa bagong gawain at sumailalim sa mga bagong pagbabago. Yamang mayroong mas mataas na daan, bakit pag-aaralan ang mas mababa at makalumang daan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawain, bakit ka mamumuhay batay sa lumang mga talaan ng kasaysayan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapagtustos sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawain; ang mga lumang talaan ay hindi ka mabibigyang-kasiyahan, o hindi makatutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan na ang mga ito, at hindi gawain ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na daan ay ang pinakabagong gawain, at sa bagong gawain, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito ay kasaysayan lamang na ginugunita ng mga tao, at kahit ano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito ay lumang daan pa rin. Kahit na ito ay naitala sa ‘banal na aklat,’ ang lumang daan ay kasaysayan; kahit na walang nakatala tungkol dito sa ‘banal na aklat,’ ang bagong daan ay para sa naririto at sa ngayon. Ang daan na ito ay maaari kang iligtas, at ang daan na ito ay maaari kang baguhin, dahil ito ang gawain ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Sa sandaling ito, kaagad kong nakita ang liwanag, at natanto ko kung bakit palagi kong pinahahalagahan ang Biblia ngunit lalo namang nanghihina ang aking espiritu, kaya nga wala na akong maisip na ipangaral; natanto ko rin na lalo pang nanghina ang mga kapatid na lalaki at babae, hanggang sa hindi na sila dumadalo sa mga pulong, samantalang ang mga kapatid na lalaki at babae na tumanggap ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng pananampalataya. Paano ko man sila pinakitunguhan, hindi sila nagdamdam o nawalan ng pag-asa, nagpabalik-balik pa rin sila para ipangaral ang ebanghelyo sa akin. Ang dahilan para dito ay patuloy ko pa ring tinatanganan ang nagdaang gawain ng Diyos. Lumang paraan na iyon, na matagal nang naglaho mula sa gawain ng Banal na Espiritu. Ngunit tinanggap ng mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang pamunuan sa bagong gawain ng Diyos, tinanggap ang pagbibigay ng mga salita ng Diyos sa kasalukuyan at natamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang pagkakaiba ng bagong paraan at ng lumang paraan! Ito ang pinakadahilan kung bakit naghihina ang mundo ng relihiyon, at lalo pang sumusulong ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! “Panginoon,” nagdasal ako. “Sa wakas ay naunawaan ko na ngayon na talagang nagbalik Ka na, at binigyan Mo kami ng bagong paraan, ng bagong panustos ng buhay. Nagpapasalamat po ako sa Iyo!”

Sa sandaling ito, pareho akong nakadarama ng saya at lungkot. Masaya ako dahil hindi ako pinabayaan ng Diyos, sa kabila ng labis na paghihimagsik at pagsuway ko, at na ginamit Niya ang espesyal na paraang ito na pagbabasa nang malakas ng aking asawa sa mga salita ng Diyos para marinig ko ang tinig ng Diyos. Talagang ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal para sa akin at ang Kanyang pagliligtas sa akin! Nalungkot ako dahil matagal kong inasam ang pagbabalik ng Panginoon nang maraming taon, ngunit hindi ko isinaalang-alang ang posibilidad na hindi ko matatanggap ang Panginoon kapag bumalik Siya at kumatok sa aking pintuan. Pabalik-balik ang mga kapatid na lalaki at babae na iyon para ipangaral ang ebanghelyo sa akin, subalit ang ginawa ko lamang ay balewalain sila. Nagbahagi sila sa aking asawa at kinutya ko sila at sinadyang guluhin sila…. Habang iniisip ko ito, nakaramdam ng kirot ang aking puso at hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata. Lumuhod ako sa harap ng Diyos at nagdasal sa Kanya: “Makapangyarihang Diyos! Nagkamali ako. Sa loob ng napakaraming taon palagi kong pinahahalagahan ang Biblia at inisip na ang paglihis sa Biblia ay hindi paniniwala sa Diyos. Itinuring kong Diyos ang Biblia at tinanggihan nang paulit-ulit ang Iyong bagong gawain, at hindi ko tinanggap ang Iyong pagdating. Napakabulag ko! Ngayon handa na akong isantabi ang Biblia, sumunod sa Iyong bagong gawain at makinig sa Iyong mga salita ng bagong kapanahunan. Hindi na ako kailanman muling sasalungat sa Iyo at hindi ko hahayaang masira ang aking buong buhay dahil sa aking mga maling haka-haka at mga imahinasyon. O Diyos! Nais kong gumawa ng pagpapasiya, makiisa sa Iyo at dalhin pabalik sa Iyong pamilya ang mga yaong nasa iglesia na tunay na naniniwala sa Iyo upang makabawi ako sa pagkakamali ko sa Iyo!”

Sinundan: 5. Umuwi ang isang Pagala-galang Puso

Sumunod: 7. Paano Ako Muntik nang Maging Hangal na Dalaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito