60 Kami ang Pinakamapalad sa Lahat ng Mga Henerasyon

1 Dati, suwail kami at mapusok, hindi namin pinapansin ang mga salita ng aming mga magulang, sinusunod namin ang mga kalakaran ng mundo, naadik kami sa mga online na laro, nabuhay kami sa gitna ng katiwalian, sakim kami sa mga kaginhawahan at nagpakasasa kami, at wala kaming mga layunin sa buhay; tunay na tiwali kami at masama. Nang marinig namin ang tinig ng Diyos, bumalik kami sa Kanyang bahay, kung saan, bawat araw ay kumakain at umiinom kami ng Kanyang mga salita at isinasagawa ang buhay-simbahan. Nagninilay sa bawat salita at kilos naming ayon sa mga salita ng Diyos, nakita namin ang katotohanan ng pagsira sa amin ni Satanas. Madalas kaming nagsisinungaling at sumasali sa panlilinlang, at mayroong labis na karumihan sa kaibuturan ng aming mga puso; ginagawa lamang namin ang aming mga tungkulin nang may pagsasawalang-bahala, na isa talagang paraan ng pandaraya sa Diyos; mapagmataas kami at mapagmagaling, at matigas rin ang ulo at lubos na wala sa normal na bait; at pagkatapos sumailalim sa paghatol ng mga salita ng Diyos, lubos kaming puno ng pagsisisi. Kinamumuhian namin ang aming mga sarili, at higit na kinamumuhian ang aming disposisyong sataniko; buo ang loob naming isagawa ang katotohanan at mamuhay sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos kaya mayroon kami ng pagkakataong ito ngayon upang tunay na magsisi, at salamat sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, nakahiwalay kami sa impluwensya ni Satanas.

2 Nagtitipon kami sa simbahan, at nagsasagawa ang bawat isa ng kani-kanilang tungkulin. Kapag nakakaranas ng mga problema at paghihirap, inaasahan namin ang Diyos at ipinagkakatiwala ang mga iyon sa Kanya. Bagama’t maaaring maganap ang alitan sa aming pagtutulungan, nagdarasal kami at nagninilay sa sarili, at sa gitna ng mga salita ng Diyos, nawawala ang aming mga hadlang at hindi pagkakaunawaan. Kapag nahaharap kami sa mga pagsubok at pagdurusa, sa kabila ng mga kahinaan ng aming laman, tahimik kaming humaharap sa Diyos upang kumain at uminom ng Kanyang mga salita at unawain ang Kanyang kalooban. Mayroong dakilang pulang dragon ang Diyos na naglilingkod para sa Kanya upang maperpekto Niya ang mga tao ng Kanyang kaharian. Umaasa sa Diyos, naninindigan kami sa aming patotoo, at pinupuri Siya sa Kanyang pagiging matuwid at makapangyarihan sa lahat! Kami na itinaas sa harap ng Diyos ay ang pinakapinagpala sa lahat ng henerasyon; sa pagdanas ng paghatol ng Kanyang mga salita, ang aming katiwalian ay nalilinis. Nabawasan na ang aming pagiging mapagmataas at suwail, at nabawasan na ang aming pagiging madaya at huwad; natutuhan na namin ngayong magpasakop sa katotohanan at mabuhay na may bagong wangis ng tao. Ha! Napakapalad namin na maaari naming sundin si Cristo at maunawaan ang maraming katotohanan. Magiging matatapat na tao kami, at gagampanan namin nang tapat ang aming mga tungkulin. Sa pamamagitan ng iisang puso at isipan, magpapatotoo kami sa Diyos at bibigyang-kasiyahan ang Kanyang kalooban.

Sinundan: 59 Ang Pagtanggap sa Katotohanan ay Pagiging Matalinong Dalaga

Sumunod: 61 Ang Pagpapalakas ng Loob ng Pag-ibig ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito