Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

319 Nabawi ng Sangkatauhan ang Kabanalang Dati Nilang Tinaglay

1 Sa isang siklab ng kidlat, ibinubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa pagpapalinaw ng liwanag ng Diyos, nabawi na ng sangkatauhan ang kabanalang minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal na tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay na sa liwanag ang buong sangkatauhan na nilikha ng Diyos, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak sa mga kamay ng Diyos! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa.

2 Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang pagkamatuwid ng Diyos at ang kabanalan ng Diyos ay umabot na sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga lungsod ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi tumatangis sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Napapalamutian ng mga ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila sumapit sa pag-aaway sa isa’t isa. Sa liwanag ng Diyos, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa araw ng Diyos, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa Kanyang pangalan?

3 Nakatuon sa Diyos ang mapitagang titig ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Kanya sa kanilang mga puso. Nasaliksik na ng Diyos ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis na, walang hindi masunurin sa Akin, walang humahatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan ng Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Naninindigan Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

Hango sa “Kabanata 18” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos sa Pamamahala sa Lahat ng Bagay

Sumunod:Iba’t-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao

Baka Gusto Mo Rin