Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

921 Ang Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan ay Hindi Maiisip ng Tao

1 Ang Aking naihanda na para sa inyo, iyan ay, ang bihira at mahalagang mga kayamanan mula sa buong mundo, ay ibibigay lahat sa inyo. Hindi ninyo maiisip ni maguguni-guni ang lahat ng ito sa kasalukuyan, at walang sino mang tao ang nakapagtamasa na nito noong una. Kapag dumating ang mga pagpapalang ito sa inyo, kayo ay liligaya nang walang-katapusan, nguni’t huwag kalilimutang kapangyarihan Kong lahat ang mga ito, Aking pagkilos, Aking katuwiran at lalong higit pa, Aking kamahalan. (Magiging maawain Ako sa mga pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng awa, at magiging mahabagin Ako sa mga yaon na pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng habag.) Sa panahong iyon, mawawalan na kayo ng mga magulang, at hindi na magkakaroon ng mga kadugong ugnayan. Kayong lahat ay mga taong Aking minamahal, minamahal Kong mga anak. Walang mangangahas na apihin kayo mula sa panahong iyon. Ito’y magiging panahon para lumago kayo tungo sa hustong-gulang, at panahon para sa inyo na pamunuan ang mga bansa gamit ang bakal na pamalo!

2 Sinong nangangahas na hadlangan ang minamahal Kong mga anak? Sinong nangangahas na saktan ang minamahal Kong mga anak? Igagalang nilang lahat ang minamahal Kong mga anak dahil ang Ama ay naluwalhati. Lahat ng bagay na kailanman ay walang sinumang makakaguni-guni ay lilitaw sa harap ng inyong mga mata. Ang mga iyon ay hindi-limitado, hindi-nauubos, walang-katapusan. Hindi magtatagal, tiyak na hindi na kayo mangangailangang masunog ng araw at magtiis ng nagpapahirap na init. Hindi na rin kayo magdurusa ng lamig, ni maaabot kayo ng ulan, niyebe o hangin. Ito ay dahil mahal Ko kayo, at magiging ang kabuuan ng mundo ng Aking pag-ibig. Ibibigay Ko sa inyo ang lahat ng gusto ninyo, at ihahanda Ko para sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo. Sinong nangangahas na magsabing Ako ay hindi matuwid? Papatayin kita agad, dahil nasabi Ko na dati na ang Aking poot (laban sa masasama) ay tatagal tungo sa kawalang-hanggan, at hindi Ako lulubay kahit katiting. Gayunpaman, ang Aking pag-ibig (para sa Aking minamahal na mga anak) ay tatagal din tungo sa kawalang-hanggan; hindi Ko ito pipigilan kahit kaunti.

Hango sa “Kabanata 84” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Buhay sa Kapahingahan

Sumunod:Ang Kagandahan ng Kaharian

Baka Gusto Mo Rin